La Pelea

By Maxchy18

629 38 15

Let love conquer all. Hasta ahora vamos a luchar. Date started: May 13, 2021 Date finished: --- Book Cover Cr... More

PROLOGO
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV.
KABANATA V.
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XII
KABANATA XIII
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII

KABANATA XIV

15 1 0
By Maxchy18

"Maayos na ba ang paa mo?" Tanong ni Luci.

Nandito pa rin kami sa bahay na pinagawa niya. Hindi ko pa nalilibot ang buong lugar pero ang ganda ng mga disenyo mula pa lang sa labas ng bahay na ito. Halatang ginastusan at nilaanan ng panahon at atensyon.

Ginalaw-galaw ko ang paa kong hindi ko magalaw kanina dahil sa sakit sa pagkakapadapa kanina. Medyo nagagalaw ko na ito ngayon at hindi na rin masakit. Nilagyan na ito kanina ng halamang-gamot ni Luci pero hindi ko alam kung anong klaseng halaman iyon dahil hindi ko na rin naitanong pa kanina.

"Hindi naman na siya masakit at nagagalaw ko na rin ang paa ko. Salamat sa paggamot kanina." Sagot ko.

"Paunang lunas lamang ang ginawa ko kanina. Atin ulit ipapatingin iyan sa isang doktor para masigurado nating maayos na nga iyan. Sa ngayon ay aalalayan na muna kita upang makita mo ang iba't-ibang parte ng tahanang ito." Aniya, tumango na lang ako tsaka tinanggap ang palad niyang nilahad. Akala ko ay aalalayan niya lamang akong maglakad pero pinasan niya ako ulit sa likod niya.

"Akala ko ba aalalayan mo lang ako? Mabigat ako Luci, hanggang mamaya ay paniguradong ikaw na ang magkakapilay at hindi ako. Ibaba mo ako. Kaya ko namang maglakad." Sita ko sa kaniya pero hindi siya nagpatinag.

Wala siyang imik na pinasan pa rin ako sa likod niya bago siya magsimulang maglakad palibot sa bahay.

Mula sa loob, nalibot na namin ang kusina, hapag-kainan, salas, mga cuarto, terasa, lugar para sa mga bisita, yung parang hall para sa mga parties hanggang sa labas na katulad ng azotea, hardin, at may maluwag na espasyo sa likod ng bahay at sa harapan na rin na ika niya'y para daw may mapagtakbuhan o laruan ang mga magiging anak namin-- niya.

"Hindi ka naman masyadong ready sa pagpapakasal no? Ay este-- hindi ka naman masyadong handa sa pagpapakasal at pagpapamilya niyan no? Halos lahat na yata ng sulok ng bahay na ito ay pinagplanuhan mo na e." Tawa at tukso ko sa kaniya. May isang pangdalawahang bangkito dito sa likod ng bahay at nilapag niya ako roon at umupo siya sa tabi ko.

"Sinanay kaming magkakapatid na maging handa lagi lalo na sa pagpapamilya upang hindi na raw kami mahirapan sa hinaharap." Tugon niya. Napalingon ako sa kanya.

Naalala ko ang kwinento sa akin ni Augusta noong nakaraang buwan.

Itinakda siyang ipakasal ng kaniyang mga magulang sa anak ng hari ng Espanya pero pinili niyang lumayo sa sariling bayan upang manerbisyo rito sa Pilipinas imbes magpakasal sa taong hindi niya gusto.

Pero heto kami, ikakasal na sa susunod na linggo kahit wala rin kaming nararamdamang kakaiba para sa isa't-isa. Wala nga ba? Baka sa kaniya wala pero sa akin ay aaminin kong unti-unti na akong nagkakagusto sa kanya.

Hindi ko alam kung kailan nagsimula pero natatakot akong ipagpatuloy pa itong nararamdaman ko dahil baka bigla na lang bawiin sa akin ng tadhana ang lahat at ibalik ako nito sa realidad na magkaiba kami ng panahon at mundo.

Hindi ako ang Marianna na anak ng isang yumaong Don at Donya na namatay mula ng mabalitaang nakipagtanan ang kanilang unica hija sa anak at miyembro ng rebeldeng samahang gusto na ng kalayaan mula sa mga mananakop.

Pansamantala lamang akong nilagay sa panahong ito. Kung bakit? Hindi ko pa rin alam. Siguro'y may gustong ipa-realize sa akin ang tadhana o di kaya'y may isang bagay akong dapat gawin at mapagtagumpayan bago makauwi sa totoo kong panahon.

"Siguro'y naiisip mo ngayon ang balitang pagkakasundo sa akin ng aking mga magulang sa Prinsesa." Nabalik ako sa wisyo ng magsalita siya. Nakatingin na rin ito ngayon sa akin.

"Totoo ang balitang iyon. Ibig niya akong ipagkasundo sa Prinsesa kahit hindi ko naman ito gusto." Pag-aamin niya.

Napayuko siya bago ituloy ang sasabihin.

"Hindi niya naman kami sinasangguni sa kung anong plano niya para sa amin. Para lang niya kaming mga tauhan sa isang kwento na walang dapat gawin kundi ang mga bagay na naplano niya na bago pa kami mabuhay sa mundo." Mapait siyang ngumisi.

"Ang kung anumang bagay o desisyon naming salungat sa plinano niya na ay kaniyang tinutuligsa at pinipilit na pigilan upang sa huli ay wala kaming magagawa kundi ang tanggapin at sundin ang mga plano niya para sa aming magkakapatid." Naalala ko noong nalaman niyang plano ni Luci na pakasalan ako.

Galit na galit siya sa oras na iyon at pinagbantaan pa ang buhay ko para takutin at hindi pumayag na pakasalan si Luci. Pero dahil siya si Gobernador heneral Luciano Javier Vallejo ay hindi siya nagpatinag. Mas hinigpitan nila ang seguridad ko.

Minsan pa nga ay sila na ni Fabiano ang nagbabantay sa akin, sa amin ni Lorena na pinupuntirya rin ng ama ni Luciano para matakot ako at ako na mismo ang umayaw sa plano ni Luci pero sa hindi malamang dahilan ay imbes na umayaw ako sa pagpapakasal kay Luci ay lalo akong napapayag nila Luciano na magpakasal sa kanya.

"Minsan ay napapatanong kami kung anak nga ba talaga niya kami o hindi dahil kailanman ay hindi namin naranasang maramdaman ang kalinga at pagmamahal niya bilang aming ama. Maski si ina ay nagawa niyang paslangin upang walang tumutol at humadlang sa kaniyang mga plano." Napasinghap ako sa narinig.

Tao pa ba siya?! Nakaya niyang patayin ang sariling asawa para sa mga plano niya sa buhay?!

"Seryoso?!" Gulat na tanong ko kay Luci. Ngumisi lang siya tsaka yumuko at tumango sa akin.

"Nakaya niyang patayin ang sariling asawa para sa mga plano niya?!" Hindi ko makapaniwalang tanong kay Luci na tumango lang ulit tsaka nagpunas ng kumawalang luha sa mata niya.

Demonyo siya! Kahit ilang kumpisal at misa pa gawin para sa kaluluwa niya ay demonyo na siya!

Ipinatong ko ang kaliwang kamay sa balikat niya at tinapik-tapik ko siya doon.

"Saludo ako sa'yo. Sa inyong magkakapatid dahil kahit ganyang klaseng tao ang ama niyo ay nagagawa niyo pa rin siyang mahalin at galangin. Isa kang matapang na nilalang." Pagpapagaan ko sa loob niya.

Naalala ko noong nagka anxiety ako dahil sa pinaghalong school works at family problems. Halos masira ang utak ko kakaisip kung ano'ng dapat gawin. Halos kitilin ko na rin ang buhay ko noon, matapos lang ang sandamakmak na problema't sakit na dumarating sa buhay ko noon.

Pero heto ang isang taong galing sa panahong ito na kahit hindi nakaramdam ng totoong pagmamahal ng isang magulang ay nakakaya pa ring lumaban at manindigan para sa sarili ng hindi nawawalan ng respeto sa amang walang kasing sama sa demonyo.

"Kung kaya't pinangako ko sa aking sarili na kapag ako'y nagkaroon na ng aking sariling pamilya, mamahalin at aalagaan ko sila ng higit pa sa dapat nilang tamasahin..."

"Hinding-hindi ako tutulad kay ama, mamahalin ko ang aking magiging pamilya at pahahalagahan ito lalong lalo na ang aking magiging mga anak." Aniya habang nakatingala na sa langit tapos ay nilingon niya ako ulit ng may isang maliit na ngiti sa labi.

"Iyan lamang ang tanging pangako ko sa aking sarili at ngayon ay sa iyo dahil ikaw ang aking magiging kabiyak."

Sa pagkakataong iyon ay hindi ko rin alam pero kasabay ng malakas na kabog ng puso ko sa mga narinig sa kaniya ay ang paglitaw ng isang tunay na ngiti sa aking mga labi.

At mula ngayon, pangako kong magiging mabuti akong asawa sa kaniya. Pinapangako kong papahalagahan, aalagaan at mamahalin ko siya higit pa sa dapat. Dahil iyon ang deserve niya. His beautiful soul makes me soft.

Inaamin ko nang tuluyan na nga akong nahulog sa kaniya. Mababaw man para sa ilan ang rason pero alam ko sa sarili kong wala na akong magagawa ukol dito dahil puso ko na ang nagsasabing mahal ko na siya at hindi ko na ito mapipigilan pa.

"Halika na sa loob at ako'y magluluto na muna para sa atin--"

"Ako na." Putol ko sa sasabihin niya. Noong una ay nangunot ang noo niya sa sinabi ko pero naintindihan niya rin ito kalaunan.

"Ako na. Hindi mo pa kayang maglakad ng maayos dahil sa pilay mo sa paa. Huwag kang mag-alala dahil masarap akong magluto." Aniya na natatawa pa.

"Pero tungkulin ko iyon bilang magiging kabiyak mo." Ani ko sa kaniya.

Hindi nakaligtas sa paningin ko ang biglaang pag-aliwalas ng mukha niya at ang bahagyang pagsupil niya sa kaniyang ngiti.

"Alam ko at maraming salamat para doon pero sa ngayon ay hayaan mo muna akong pagsilbihan ka bilang dagdag sa aking panunuyo sa aking magiging kabiyak." Kindat niya sa akin. Napaiwas ako ng tingin sa kanya dahil doon.

Kainis. Marunong na siyang bumanat ng ganyan ngayon a.

"Tila kinikilig ang aking esposa." Asar niya sa akin na tinaasan ko lang ng kilay.

"Nagsalita yung nagpipigil kanina lang ng kilig." Bawi ko sa kaniya na sanhi para matawa siya.

Pailing-iling siyang lumuhod patalikod sa akin upang makapasan na naman ako sa likuran niya at naglakad na siya papasok sa loob ng bahay.

Binaba niya ako sa may silya sa may hapag-kainan at siya naman ay dumiretso na sa kusina upang magluto tulad ng sabi niya kanina.

Naisip kong asarin rin siya ngayon pambawi sa pang-aasar niya kanina kaya tinawag ko siya at ng lingunin niya ako ay saka ko isinakatuparan ang pang-aasar ko.

"Ang galing naman ng aking esposo, marunong magluto." Asar ko sa kaniya na may ngiti sa labi na nakatingin sa bawat galaw niya.

Napatigil siya sa paghiwa ng sibuyas saka napatingin sa akin. Nag-alala naman ako ng makitang magdugo ang isang daliri niya sa kaliwang kamay.

"Hala! Pasensya na. Ayos ka lang ba? Sabi na kasing ako na riyan e." Mabilisan akong tumayo lara lumapit sa kanya at tingnan ang daliri niyang nahiwa niya dahilan upang ito'y magdugo at magkaroon ng sugat.

Dali-dali kong kinuha ang kamay niya at hinila siya sa isang palanggana na may lamang tubig at hinugasan ko yung sugat niya. Pagkatapos kong hugasan ang sugat niya ay pinaupo ko muna siya sa silyang kanina lang ay kinauupuan ko.

"Yana, ayos lang ako. Hindi iyan kalakihang sugat na ikamamatay ko." Tawa niya pero hindi ako natuwa sa huling salitang narinig ko sa kaniya kaya sinamaan ko siya ng tingin dahilan para matigil siya sa pagtawa at mapatitig sa akin.

"Dito ka lang kukuha lang ako ng dahon ng bayabas pantapal riyan." Ani ko saka akmang lalabas na ng kusina pero pinigilan niya ako.

Umiling siya sa akin at mas hinigpitan pa ang hawak sa kamay ko. Ngumiti ako sa kanya ng marahan.

"Walang mangyayaring masama sa akin. Kukuha lang ako ng dahon ng bayabas sa labas. Hindi iyon ganoong kalayo kaya --"

"Sasama ako." May pinalidad sa boses niyang aniya. Napabuntong hininga na lang ako dahil paniguradong mag-aalala lang to kapag hindi ako pumayag.

Isa pa, daliri sa kamay naman ang may sugat sa kaniya hindi paa kaya paniguradong makakalakad naman siya. Tumango ako sa kaniya saka kami lumabas ng bahay at nanguha ng dahon ng bayabas pantapal sa sugat niya.

Pagbalik namin sa loob ng bahay ay agad kong dinikdik ang dahon ng bayabas at kumuha ako ng telang ipapambalot sa sugat niya at tinapos na ang paggamot doon.

At dahil ayaw niyang magpapigil sa pagluluto ay hinayaan ko na siya. Hindi na rin ako umimik para hindi siya maaksidente ulit. Ayoko ngang kumain ng ulam na may dugo ng tao at daliri. Kadiri yun. Hindi naman ako cannibal.

"Ano na naman ang iyong iniisip riyan?" Napalingon ako kay Luci ng lingunin niya ako at itanong kung anong iniisip ko.

"Ha? Ikaw." Muli siyang napatigil sa ginagawang paghalo sa niluluto.

Lalapitan ko na sana siya para tignan kung baka napaso naman siya pero bumalik na siya ulit sa paghahalo.

"Huwag mo naman ipahalatang nahuhulog na ang iyong loob sa akin." Tila nagyayabang niyang aniya. Nangunot ang noo ko sa narinig.

"Ano na naman ang iyong iniisip riyan?"

"Ha? Ikaw."

Napatampal na lang ako sa noo ko sa naalala. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin e.

"Kinilig ka naman riyan?" Bawi ko. Medyo true din namang siya yung iniisip ko kanina. Pero siyempre secret lang.

"Baka kasi kung ano na namang mangyari sa'yo riyan. Ayokong kumain ng daliri at dugo ng tao Luci. Hindi ako cannibal-- este... Ano nga'ng tagalog nun? Ahh basta, hindi ako nangangain ng kauri ko." Ani ko na lang. Natawa naman siya dahil doon.

Pansin ko lang ay nagiging palangiti at palatawa na siya nitong mga nakaraang araw at linggo. Hindi naman sa nagrereklamo ako, sa katunayan nga ay natutuwa ako sa mga nagiging pagbabago niya lalo na sa ugali niya.

Ang hirap niya kaya kausapin minsan lalo na kapag nagiging antipatiko siya. Mauubusan ka talaga ng pasensya.

"Malapit ng matapos itong niluluto ko. Huwag ng kung ano-anong iniisip riyan." Tinanguan ko na lang siya saka akmang tatayo na para manguha ng mga pinggan at kubyertos pero pinigilan niya na ako.

"Ako na." Napanguso ako. Ginagawa niya naman akong literal na señorita e.

"Huwag mo akong sanayin sa pa-ganyan mo Luciano dahil baka mamihasa ako niyan." Reklamo ko. Tumango na lang siya at hinayaan akong tulungan siya sa pag-aayos ng lamesa.

Habang nag-aayos ako ng gagamitin naming pinggan at kubyertos ay nahalata ko ang pagngiti niya habang abala naman siya sa pag-aayos ng mga pagkain. Para na kaming mag-asawa sa gawain namin ngayon.

"Umupo ka na rito aking esposa." Nang matapos kaming mag-ayos ng lamesa ay pinaghila niya ako ng upuan na katabi ng kabisera kung saan siya uupo at doon niya ako iginiya upang maupo na.

"Maraming salamat." Ani ko saka kami nagdasal.

Matapos magdasal ay nagulat pa ako ng lagyan niya ng kanin ang pinggan ko at nilagyan niya na rin ito ng adobong manok na siyang ulam namin ngayong tanghali.

Gumanti naman ako. Nilagyan ko rin ng katamtamang sukat ng kanin at ulam ang pinggan niya. Napangisi naman siya doon na naging ngiti sa huli.

"Pagkatapos rito, saan mo ibig pumunta?" Tanong niya habang kumakain kami.

Napaisip ako. Saan nga ba? Ang weird naman kung sa dungeon ko gustuhing pumunta.

"Sa Bagumbayan!" Excited kong tugon. Napatigil siya sa pagnguya at tinignan ako kung seryoso ba ako sa sinasabi ko. Sa huli ay napailing na lang siya.

"May nakatakdang bitayin roon ngayon. Sa iba na lang."

Sa pagkakataong iyon ay ako naman ang napatigil sa pagnguya. Na-imagine ko na tuloy kung paano nila bitayin ang mga taong napatunayang nagkasala sa panahong ito.

"Sino? At anong kasalanan niya?" Tanong ko sa kaniya.

"Isang lalaking pumatay sa kaniyang sariling mag-ina." Napalunok ako sa narinig. Dapat lang sa kaniya mabitay sa ginawa niya.

"Paano niyo napatunayang siya nga ang pumatay sa mag-ina niya?" Naalala ko ang nangyari sa mama niya na kwento niya kanina ay pinatay din ng tatay niya.

"Nasaksihan iyon ng mga guardia personal at mga kasambahay nila na siyang nakatakas sa tahanan ng mag-asawa at nagsumbong sa hukbo." Sagot niya.

Parang on the spot ding napatunayan yung krimen nung lalaki.

"Lahat alam na alam mo a." Puri ko sa kaniya. Ngumisi lang siya.

"Kailangan. Kailangan kong alamin lahat ng nangyayari sa hukbo at sa bayan upang walang masabing masama ang mga tao tungkol sa aking pamamahala." Aniya saka siya tumingin sa akin.

Napalunok ako ng maalalang noong unang gabing nagkakilala kami ay napintasan at ang dami ko ngang reklamo noon tungkol sa gobyerno.

"Trabaho niyo naman iyon bilang pagsunod sa inyong sinumpaang tungkulin sa bayan." Tugon ko. Tumango naman din siya bilang pagsang-ayon sa sinabi ko.

"Tama ka." Aniya.

NAPAGPASYAHAN kong sa Binondo na lang kami mamasyal ngayon dahil gusto ko ring makita kung gaano kayaman ang kulturang Tsino na naninirahan dito sa Pilipinas sa panahong ito.

Sa panahong ito, maayos pa ang pakikitungo at relasyon ng bansang Tsina at Pilipinas. Wala pang pinag-aagawang teritoryo na tinatawag ngayon hindi tulad sa panahon ko na kinakatakot na ng marami na kapag nakipaglaban pa ng husto ang Pilipinas sa mga pinag-aagawang teritoryo ay mauwi na ito sa gyera at digmaan na sana ay hindi na sana mangyari pa.

Pagdating namin dito sa Binondo, na tinatawag na China Town sa panahon ko, sasalubong na kaagad sa amin ang pamilihang nagniningning sa mga Chinese lanterns at mga palamuti na nakasabit sa mga tindahan at stalls.

Bago kami pumunta rito ay nagbihis muna kami ng simpleng damit na hindi kami makikilala ng mga tao.

Kanina ng magbihis siya ay simple nga lang ang suot niya. Simpleng puting polo kamiso tsino. Pero halata pa rin kung sino siya kaya pinagsuot ko siya ng pangbabae, kulay kremang baro at itim na saya. Asar na asar siya nu'ng una pero nginitian ko lang siya. Pinagsuot ko din siya ng salakot para hindi siya mahalata na babae. Ako naman ang naka puting kamiso tsino at brown na pantalon. Nakasuot din ako ng salakot para pareho kami.

"Anong klaseng kahibangan ito babae?" Pang ilang tanong niya na iyan mula pa kanina ng umalis kami sa bahay sa gitna ng gubat.

Natatawa ako sa ayos niya pero pinipigilan ko dahil baka magalit lalo na dahil kanina pa siya yamot na yamot sa itsura niya.

"Huwag ka na ngang magreklamo diyan. Magboses babae ka na din para hindi ka nila makilala."

Kanina pa kasi siya nagrereklamo kumo hindi naman kailangang magbihis siya ng ganun para hindi siya makilala pero ini-ignore ko lang siya. Muntik pa nga yan magpaiwan sa bahay kanina dahil nahihiyang lumabas dahil sa suot niya pero nung lumabas ako ng bahay at hindi siya pinansin ay sumunod naman siya.

Sinamaan niya ako ng tingin pero nginitian ko lang siya ulit na iniripan niya. Bagay sa kaniya yung suot niya sa pag irap niya. Mukha siyang babae.

"Andami mong reklamo sumusunod ka naman. Kung ayaw mo, manahimik ka na lang." Balik ko sa reklamo niya.

"Mamaya ka sa tiyahin mo babae ka." Banta niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Kaya mo? Kahihiyan mo rin yun kaya kung ako sa'yo 'ssh' lang ako." Balik banta ko sa kaniya.

Nag-ikot ikot lang kami sa pamilihan, minsan ay nakikinood sa mga dulaan at minsan ay sa mga duelo.

"Marunong ka ba niyang ginagawa nila?" Tanong ko sa kaniya na nasa tabi ko. Lumingon siya sa akin na parang tamad na tamad sa pinapanood naming pares sa gitna na nagdu-duelo bago tumango.

"Talaga?!" Tuwang-tuwa kong reaksyon sa kaniya na tinanguan lang niya ulit. Napapalakpak naman ako sa tuwa.

"Oo. Mas magaling pa nga ako sa kanila." Sagot niya.

"Sumali ka kaya. Makiduelo ka sa mananalo mamaya." Aya ko sa kaniya. Umiling siya.

"Akala ko ba mas magaling ka sa kanila? Bakit ayaw mo?" Simangot ko sa kaniya.

"Tignan mo nga itong suot ko? Sa tingin mo ano iisipin nila kapag nakita nila ako?" Balik niya sa akin.

Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa at napangiwi ako. Nakabihis babae nga pala siya. Nakalimutan ko.

"Ang galing nila lalo na yung isa doon sa kaliwa." Pagche-cheer ko sa lalaking nasa kaliwa ng entablado kung saan nagaganap ang duelo ng espada (fencing).

Ang linaw at galing ng bawat wasiwas niya sa espada niya na tila ekspertong eksperto na siya doon. Ni hindi nga maka abante at makatira ang kalaban niya sa bilis niya.

"Ang galing niya talaga!" Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko pero nagulat ako nang hilahin niya ako papunta sa likod ng tabing kung nasaan ang taga ganap ng duelo.

Kinausap niya yung nagbabantay doon at humiram siya ng helmet, espada at damit pampalit at naghanda na siya habang ako naman ay pinaupo niya malapit sa entablado para daw hindi ako mawala sa paningin niya.

Natapos ang unang laban na pinapanood namin kanina at ang lalaking nasa kaliwa nga ang nanalo. Sumunod naman si Luci at ang isang lalaki din.

Ang sabi ay hindi pa raw iyon natatalo ng kung sinuman pero ngayon ay hinamon siya ng isang katulad ni Luci kaya nanahimik ang lahat lalo na ng magsimula ang laban.

Maski ako ay tahimik lang sa kinauupuan ko. Hindi ko akalaing bigla siyang magpapakitang gilas ngayon.

Nagsimula ang laban at naunang sumugod ang lalaking nasa kanan. Si Luciano kasi ang nasa kaliwa kung nasaan ako nakaupo.

Sunod-sunod ang kaniyang ginawang pagsugod na halatang ginawa niyang paraan para hindi na makasugod o makagawa ng paraan para makaatake si Luci pero nagulat siya ng biglang walang hirap na harangin ni Luci ang pawasiwas na espada niya ng isang kamay lang. At parang wala lang sa kanya iyon hindi katulad ng kalaban niya na nanggigigil na at pawisan na sa ginagawa.

Tinabig ni Luci ang espada ng kalaban na parang wala lang at siya naman ang lumusob. Winawasiwas niya lang ang kanyang espada pa abante sa kalaban na ngayon ay puro urong na lang ang ginagawa.

Napanganga naman ang lahat maski ako ng magtapos ang laban na napaluhod sa entablado ang kalaban ni Luci at parang hindi naman napagod si Luci sa laban.

"Wow naman! Ang galing mo doon ah. Tinalo mo talaga yung defending champion nila doon tapos effortless pa." Manghang-mangha kong bati sa kanya. Balik ulit siya sa pambabaeng suot niya. Siya naman ay parang wala lang.

Kwine-kwento kwento ko sa kaniya ang mga reviews ko sa duelo niya kanina habang naglalakad kami. Nagulat ako ng higitin niya ang kamay ko at hawakan iyon. Ngayon ay holding hands while walking na tuloy kami. Napayuko ako at napatingin sa kamay naming magka-salikop. Naramdaman kong nag-init ang pisngi ko at sumilay ang isang hibang na ngiti. Kinikilig na naman ako. Kainis.

"Saan mo nais pang magtungo?" Biglaang tanong niya. Napatingala ako sa kanya at napaisip. Saan nga ba?

"Dito na lang maglibot libot." Sagot ko.

Bawat stalls ay tinatignan namin ang mga tinitindang gamit, damit, sapin sa paa, kolorete (make-up), payneta, pamaypay at mga palamuti sa buhok.

Tumitingin-tingin din kami sa mga tindahan ng mga sumbrero na may iba't-ibang disenyo. Ako na lang ang nagsusukat dahil bawal siyang magtanggal ng salakot niya, saka ipapakita sa kaniya kung maayos ba? Bagay ba o hindi sa akin ang mga pinagsusukat ko na hindi naman para sa akin talaga kundi para sa kaniya.

Magkahawak-kamay pa rin kami habang nagtitingin-tingin sa iba pang mga tindahan. Kapag hindi siya nakatingin ay pumupuslit akong nagtitingin at bumibili ng mga malilit na bagay na kaya kong itago para sa kanya at ang iba ay pinapasabi ko na lang na ipapakuha ko na lang kay tiya Anita o di kaya ay kay Augusta na kilala naman nila kaya pumapayag sila.

Naglalakad lakad lang kami ng bigla kaming napatigil ng magkagulo ang mga tao sa paligid. Nagkatinginan kami ni Luci at lalong humigpit ang hawak niya sa akin. Lakad-takbo kaming umiiwas sa mga taong nagtatakbuhan na para umiwas sa gulo na hindi rin namin alam kung ano iyon.

Lumiko kami papasok sa isang eskinita sa gitna ng mga tindahan at doon nagkubli upang makaiwas sa gulo sa labas. Hanggang sa nagulat na lang ako ng makitang biglang nag-iba ang paligid. Hindi na maingay at makulay na paligid ang nakikita ko kundi isang tahimik na silid na may mga modernong gamit. Hindi na rin kamay ni Luci ang nakakapit sa kamay ko kundi bakal na nakapalibot sa magkabilang pulsuhan ko.

Sa hindi malamang dahilan ay bigla akong kinabahan.

Anong nangyayari? Nasa modernong panahon na naman ba ako? Dapat ba akong matuwa o mainis? Anong kahibangan na naman ito?

Bakit at paano ako napunta na naman dito? Guni-guni ko lang ba na napunta ako sa sinaunang panahon at sila Luci? Gawa lang ba iyon ng imahinasyon ko dahil sa kagustuhan kong makawala dito sa mga kumidnap sa akin at makabalik na sa mga magulang ko?

"Hindi maaaring matuloy kung anong binabalak niyang mangyari. Kaya sa ayaw at sa gusto niyo ay hindi ka maaaring mkabalik sa kaniya." Makahulugang aniya ng kung sino hanggang sa may maramdaman akong isang mabigat na bagay na tumama sa likod ng ulo ko at unti-unting nawala ang ulirat ko.

***
#LaPelea
#LaPeleaXIV

Narito ang isang awiting inawit ni Binibining Yassi Pressman na pinamagatang Sandaang Habambuhay.

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...