Unknown Universe

By ihrskye

1.9K 59 93

Living in space is magical . . . Rhae is a high school girl who is very curious about astronomy -- about the... More

Dedication
Epigraph
Second
Third
Fourth
Fifth
Sixth
Seventh
Eighth
Ninth
Tenth
Eleventh
Last
Note

First

221 8 27
By ihrskye


COLOR sky blue, na may white. Nag-f-form ng pa-horizontal na linya, parang mga bulak—maninipis—na nag-c-cross sa isa't isa ang mga ulap. Ang ganda ng langit, 'no?

Hindi masikat, pero hindi rin naman makulimlim. Mahangin. Ramdam ko ang pagdampi ng hangin sa buhok ko. Hindi mainit ang hangin, hindi rin naman malamig. Sakto lang.

Napangiti ako, nakasandal sa upuan  habang ang ulo'y nakasandal sa may bintana ng classroom, ang mga matay'y nagniningning habang nakatingin sa langit. Feeling ko ganitong ganito ang definition ko ng perfect weather.

At feeling ko nasa music video ako or movie—alam mo 'yun, iba talaga ang feels kapag naupo ka sa gilid ng bintana ng classroom n'yo o kaya sa gilid ng bintana ng mga sasakyan. Kumbaga, main character feels. Sana may leading man din.

Tinitigan ko lang ang langit, bukas ang bintana ng classroom—pa'no, ang init kasi. Sira 'yung isang electricfan dito, kaya ayun dalawa na lang tuloy. Ang saya lang panoorin ng langit kapag nasa byahe't boring ang klase.

Palalim nang palalim ang titig ko sa langit. Naisip ko tuloy bigla . . . ano nga kaya ang hitsura doon sa ibabaw ng langit? Like, ano 'yung nandoon?

Na-i-imagine ko tuloy na nandoon ang galaxy at space. Ta's iyong ulap, kumbaga parang siya 'yung exit papalabas ng Earth. At speaking of Earth! Ano nga kaya 'yung hitsura no'n? Bilog ba talaga siya't may color green and blue na color? Plus 'yung mga katabi pa niyang planet—may ring ba talaga ang planet Saturn? At . . . gaano kalapit ang Sun mula sa Earth? Mabubulag kaya talaga kapag tumingin sa Sun? Bilog din ba ang Sun? Ano kaya feels ng makaapak sa moon? Lumulutang kaya?

Sabi nila kapag in-love ka para ka raw pumupunta sa ibang planeta. Ang makapunta kaya sa moon ang perfect at literal definition no'n? May feels kaya talaga na gano'n kapag pumunta sa moon?

Talaga kayang pwede raw masilayan mula sa space ang The Great Pyramids of Giza ng Egypt at more other large anyong tubig-anyong lupa na nasa Earth? O naks 'diba, halatang nakikinig ako sa A.P. namin nung elem.

Ano kaya ang hitsura ng milkyway galaxy?! Sa lahat, iyon ang pinakagusto kong makita sa space. Siguro kasi, dati palang, fascinated na ako sa mga stars.

Pero hay, grabe. Ang daming tanong bigla ang napasok sa utak ko. At paulit-ulit na tanong na lang. Laging ganito. Puro tanong na lang, wala namang sagot. I mean, may sagot naman. Through Google, Youtube, books. Dami ko nang nabasa't napanood about doon. Pero siguro kaya laging natatanong ko pa rin 'yon sa utak ko tuwing tinititigan ko ang langit, kasi kahit may alam na ako about doon, gusto kong ma-experience sa sarili ko na makapuntang space. Or more on, siguro ang correct term, gusto kong ako mismo ang makapunta ro'n sa space at ako mismo ang makasaksi—with my bare eyes na wow ganito pala talaga 'yung hitsura.

Nadako ang tingin ko sa notebook na nasa desk ko't napatitig sa drawing ko rati roon. Sa drawing ay nandoon ang space at earth at ibang planets—ang buong solar system. May galaxy din. Tapos may spaceship, sa bintana ng spaceship ay may nakasilip na astronaut. Hindi ko pa tapos 'yung pag-drawing doon sa may part na spaceship, iniisip ko kung gawin ko bang marami 'yung astronaut na nakasilip sa bintana? Ang cute, 'di ba, kasi 'pag gano'n? Parang sa Among Us lang. Parang ang lungkot kasi kapag isa lang 'yung astronaut doon, like ang lonely. O gawin ko kayang dalawa 'yung austronaut na nakasilip doon sa bintana ng spaceship? Ship, 'no? Tapos mapapa-sana all na lang ako tuwing makikita ko 'yung drawing kong 'to.

Hay ewan.

Nilipat ko ang page ng notebook ko sa dati pang mga pages. At ewan, napangiti na lang ako. Siguro kasi ang ewan ko years ago. At ang tagal kong hindi nagtingin-tingin dito sa notebook ko na muntik ko nang kalimutan na drinawing ko pa pala 'yon. Nakita ko kasi doon sa medyo bandang unahang page ng notebook ko ngayon na nag-drawing ako ng spaceship. Like, drawing kung paano gumawa ng spaceship! Nakasulat pa ro'n kung anong tawag sa mga parts ng spaceship.

Naalala ko nung drinawing ko 'to, ang desperate ko makapunta sa labas ng Earth. Nagpakahirap din ako mag-search tungkol dun, ah. At may nabasa kasi akong book na naka-drawing doon 'yung spaceship at ang ganda sa loob! May mga napanood din akong videos—wait, ano 'to? Throwback Thursday kahit 'di naman Thursday ngayon? O siguro, memories bring back.

Dati naisip ko na gumawa ng spaceship, pero ang imposible kaya no'n! Na-realize ko ngayon na bumili na lang. Ay 'yon ay kung may bilihan kaya ng spaceship dito sa Pilipinas?

Pero wow grabe talaga, makapag-isip at imagine naman ako wagas, ni wala nga akong bentsingko.

Gusto ko mag-participate sa World Astronomy Day. Gusto ko um-attend ng event sa araw na 'yon, bukod sa may mga Astronomy-related stuff doon, may mga cool na astronomer at astronomy enthusiast din. Ang kaso wala naman akong nababalitang event na gano'n dito. O kaya may kasama man lang mag-celebrate no'n, ilalabas namin ang telescope, or mag-v-visit ng planetarium at museum, or papanoorin namin ang "Cosmos" na documentary ni legendary king Carl Sagan. Gusto ko rin bilhin iyong libro.

Sini-celebrate siya semi-annually (Spring and Fall), Saturday between mid-April at mid-May sa mismong araw or bago ang first quarter moon.

Ngayong year May 7 at October 1 ang Astronomy Day. Cinelebrate ko mag-isa 'yon nung May 7—lagi naman. For sure i-si-celebrate ko rin mag-isa sa October 1. Actually, ayos lang naman mag-isa—sobrang ayos. Kaso minsan, mapapaisip ka na lang talaga na sana may kasama ka man lang mag-celebrate.

Isinandal ko na lang ulit ang ulo ko sa bintana ng classroom at tiningnan ang magandang langit. Siguro mukha lang akong simpleng taong tumitingin sa langit, pero deep inside ang dami nang nabubuong theories sa utak ko—ang dami ko nang naiisip, at na-i-imagine. 'Yung tipong parang nasa ibang mundo ako. At ang saya.

"U—Uy!"

"Oh?" Napalingon ako sa seatmate at friend kong si Ann nung tinawag niya ako. Parang namumutla ang mukha niya na nahihiya, tipong hindi maipinta. "Bakit?" tanong ko pa.

"Kanina ka pa tinatawag ni ma'am!" bulong niya. At—boom. Napalingon ako bigla sa harap. Nandoon ang teacher namin, masama ang tingin niya sa akin ngayon. Napalunok ako ng laway. Ramdam kong nasa akin ang spotlight, tipong halos lahat ng classmates ko nakatingin sa akin. Tapos ang iba ko namang classmates, hindi ako tinitingnan kasi sila na 'yung nahihiya para sa 'kin.

"O, Concepcion? May nakita ka bang pogi riyan sa labas at nakatulala ka?" masungit na sabi ni ma'am, dahilan kung bakit natawa ang mga classmates ko.

Ramdam ko ang malakas na tibok ng puso ko na para bang sasabog na anumang oras. Sa sitwasyon ko ngayon, hinihiling ko na lang talaga na sana lamunin ako ng lupa. Gusto kong pumikit sa kahihiyan, pero sige. Go on with the flow tayo.

Tumayo ako. "How I wish po, ma'am. Pero wala," makapal na mukhang sabi ko, dahilan kung bakit natawa na naman ang mga kaklase ko.

Sa isip isip ko, grabe. Dahil first grading na first grading, medyo kakaumpisa palang ng klase—tapos ganito agad.

"ABA, E, KANINA PA KITA TINATAWAG!" galit na usal niya, parang yumanig bigla ang buong kaluluwa ko dahil doon. Sobrang nakakakaba't nakakatakot talaga si ma'am. Siya 'yung type ng teacher namin na hindi nakikipag-friends sa mga students niya. Basta, terror teacher siya! Kapag nagturo siya, asahan mong tahimik lahat at ni walang isang ingay dahil kung meron siyang marinig, tatawagin ka niya para mag-recite. The worst, ipapahiya ka niya.

"S-Sorry po," nakayukong sabi ko.

"What is tectonic plate?"

Lumiwanag bigla ang mukha ko dahil sa tanong na 'yon ni ma'am. Taas-noo akong sumagot, "Tectonic plate is a massive slab of solid rock made up of Earth's lithosphere."

Buti na lang iyon ang tanong. Swerte ko dahil bukod sa astronomy, nahilig din ako sa geology. Masaya sana ang umpisa ng klase dahil Earth Science ang topic namin ngayong first grading sa Science, kaso nangyari 'tong nakakahiyang pangyayari na 'to.

Tumango si ma'am. "Ayoko nang mauulit 'to, ah."

Ako rin, ayoko nang maulit 'to. Sino ba namang matinong estudyante ang gustong maulit mangyari sa kaniya 'to?

"Sure po," sagot ko't umupo. Nakahinga ako bigla nang maluwag, pero nandito pa rin 'yung feeling na nakakahiya grabe.

In fairness, ang cool ng lesson namin ngayon. Tungkol sa Continental Drift Theory, theory 'yon ni Alfred Wegener na gumagalaw daw ang mga continents sa paglipas ng panahon. Ang mga plates ay gumagalaw at nag-i-interact sa process na plate tectonics. Siyempre dahil na rin doon, gumagalaw ang mga continents. At hanggang ngayon gumagalaw pa rin. Dahil sa tectonic plates kaya may mga volcanic eruption, earthquake, and such, pero importante rin 'yon. Sabi nila, kung mag-s-stop daw sa pag-move ang tectonic plates, magiging imposible raw ang buhay sa Earth.

Pati 'yung about sa umiikot daw ang Earth around the Sun na lesson namin nung Grade 7. Ang cool isipin, 'di ba? Dahil sa rotation ng Earth, may umaga't may gabi. Dahil naman sa revolution ni Earth kaya may seasons. Katulad noong sa paggalaw ng tectonic plates, hindi natin nararamdaman ang paggalaw at pag-ikot ni Earth.

Sabi, sa Grade 11, pag-aaralan na namin 'yung about sa Big Bang theory sa Chemistry subject, at nakaka-excite kahit ayoko talaga ng Chemistry.

Big Bang theory, iyon 'yung theory kung paano in-explain ng astronomers kung paano magsimula ang universe. Idea na ang universe raw ay nagsimula lang sa single point, pero nag-expand at na-stretch kaya nag-grow at lumaki kung gaano siya kalaki ngayon—and it is still stretching—until now.

At paano naging related siya sa Chemistry? Kasi ang Big Bang theory din daw ang reason kaya nabuo ang 118 elements na nakikita natin sa Periodic Table of Elements ngayon. Dahil nga Big Bang theory is not an explosion, it is an expansion. Noong lumawak ang universe, na-release din ang maraming elements.

Well, we live in a three dimensional world! Sa sampung dimensions of the universe, 'yon ang nag-m-make sense. Ang cool na lahat ng objects na nakapaligid sa atin, 3d. Sa three dimensional world lang pwedeng mag-exist ang humans.

Gusto ko na rin mag-lesson about sa Theory of Relativity ni Einstein. Dahil doon pati sa Quantum Mechanics, gusto ko ng Physics.

Influence 'to ni Stephen Hawkings no'ng pinanood ko 'yong The Theory of Everything na film, eh—ang ganda, kaso ang dami kong iyak. Nanalo nga 'yong actor—si Eddie Redmayne ng first oscar award niya ro'n. Sikat din siya as gumanap sa Danish Girl na movie.

I love Science! Simula palang sa kung paano nabuo ang humans—kung anong nasa loob nating mga tao, kung paano nag-b-bloom ang flowers, ano ang seeds or food na safe makain sa forest—or paano kakainin ang hinunt na animals sa forest, hanggang sa paano nabuo itong universe—pinag-aaralan ng Science!

Sabi nga ni Richard Dawkins, Science is the poetry of reality.

"Nice one," bulong ni Ann.

Napangiti ako. "Ako lang 'to, Ann."

* * *

"Halika na kasi!"

"Ayoko nga," sabi ko kay Ann. "Magbabasa pa ako."

Pa'no, pinipilit niya akong manood nung parada kuno roon sa may bandang gilid nitong school. May parada kasi 'yung mga escort at muse kuno ng bawat section, ewan ko ba kung para saan. Hindi nga ako aware about doon kung hindi ko nalaman kay Ann. Si Ann pa, e malakas radar niyan sa mga chismis basta may—

"May mga pogi dun!" pilit pa niya sa akin, hila-hila niya ang kamay ko.

"Basta may pogi talaga, e, 'no."

"Kasi naman 'wag ka na munang magbasa," parangal niya sa 'kin. "Get out of your comfort zone naman kahit minsan. Explore ng ibang hobbies bukod dyan sa astronomy na 'yan."

Napaisip ako bigla sa sinabi niya. Totoo naman, puro na lang kasi ako astronomy. Sobrang astronomy enthusiast ko na siguro. Pero sa tingin ko 'yun talaga passion at hobby ko. At least doon masaya ako. Basta—alam mo 'yon, I just really love astronomy. As in. Sobra. To the point na sa sobrang mahal ko, naiiyak ako 'pag iniisip na sobrang gusto ko ang astronomy. Na sa tuwing tina-try ko mag-iba ng path o hobby, sa huli, dito pa rin ang balik ko.

"Abby, teenager ka rin naman, 'no!" dagdag pa niya. "Have some fun!"

Teenager din naman ako, tama siya. Ang kaso, ang hirap minsan maging ako. Hindi dahil sa kung sino ako, kung hindi dahil sa paligid ko. Minsan feeling ko iba ako dahil dito. Na imbis gumagala kasama mga friends, nasa bahay ako't busy na magbasa't manood about sa astronomy. Pero . . . ito ako, e. Sabi niya have some fun. Dito ako nakakahanap ng fun, so why not, 'di ba? Isa lang naman ang sigurado ako. At 'yon ay ang astronomy.

"Try mo rin mag-explore ng ibang hobbies bukod sa pag-b-boy hunting at pag-s-sight-seeing ng mga pogi," suggest ko.

Napatawa siya. "Ihhh, ayoko nga!"

Napatawa na lang din ako. In the end, sumama din ako. Syempre, ang bait ko kayang kaibigan.

Pagdating sa venue ng parada sa may gilid ng school. Ang ingay. Maingay dahil sa mga instruments na tinutugtog at sa mga estudyante. Buong parada, nakatingin lang ata ako sa langit. Outdoor kasi 'tong venue, actually itong venue ay mismong kalsada. Ni hindi ko nga alam kung ano bang purpose ng paradang 'to. Naglalakad lakad lang 'yung mga pumaparada, tapos may mga tumutugtog ng instruments sa likod nila na parang pumaparada na rin. Nakasuot 'yung mga pumaparada ng color red and gold na outfit. Sa boys, parang pang-prince charming na outfit, sa girls naman ay dress na above-the-knee. Tapos 'yung mga tumutugtog ng instruments sa likod nila na parang pumaparada na rin, nakasuot ng black na shirt at pants, may suot silang parang hat na nakaikot sa ulo nila—color black din.

"Huy, o, tingnan mo ang pogi no'n!" Nginuso ni Ann 'yung pogi raw kuno. Kaso paglingon ko, likod na lang niya ang nakita ko. Iyong suot niya ay 'yung suot ng mga pumaparada talaga.

"Ang bagal kasi, basta ang pogi no'n," sabi pa niya. Ewan ko ba kung anong nakakatuwa sa pagtingin ng mga pogi, e, sa huli hindi mo rin naman malalaman pangalan.

"Sige, bye na," paalam ko kay Ann nang sa wakas tapos na iyong weird na parada.

"Okay, babush. Ingats!" paalam niya, pero 'yung tingin niya ay nasa mga estudyanteng katatapos lang pumarada. Hula ko may natipuhan na naman 'yon.

Inalis ko na lang ang tingin doon, at naglakad pauwi sa bahay. Walking distance lang naman kasi 'tong school sa bahay. Napatingin ako sa langit habang naglalakad. Color sky blue, iyong ibang part ay dark blue na may konting yellow. Halos wala nang ulap, pagabi na kasi.

Pinagmasdan kong mabuti ang langit, ang mga kamay ko ay nakahawak sa magkabilang strap ng backpack ko. At ayun, may isang star! Kita ko talaga ang pagningning niya. Sakto lang ang size niya para sa isang star.

Naalala ko tuloy ang sinabi ni Heimerdinger sa animated series na Arcane which is based sa game na League of Legends. "It's a sad truth that those who shine brightest often burn fastest."

Siguro ganoon din sa star.

Biglang umihip ang malamig na hangin, tumaas tuloy bigla ang mga balahibo ko. Lumalalim na rin ang gabi't nagiging color dark blue nang tuluyan ang langit. Napaisip tuloy ako na itong nakikitang star ko ngayon sa langit na para bang sumusunod sa akin habang naglalakad ako, 'yon ang nakakakita sa akin, at tutulungan niya ako. Kumbaga, parang companion ko siya.

Napangiti na lang ako sa naisip kong 'yon. Parang ang saya isipin na dito sa mundo, may nakatakdang star sa bawat tao, na para bang nagsisilbing guardian angel natin. Na assuring, tipong magsasabi ng everything will be all right. At na supportive, na susuportahan ka sa mga adventures mo sa buhay.

Naalala ko tuloy iyong star na nakita ko the day before pasukan ng grade seven mula sa window seat ng taxi na sinasakyan ko. Grabe 'yung feels, kasi first time ko mag-h-highschool nun, new chapter kumbaga para sa galing elementary school na katulad ko. At may isang star doon sa langit na kumislap habang umaandar ang taxi at tila ba nakasunod siya sa pag-andar, nag-i-imagine ako sa taxi no'n, kinakausap ko ang star sa utak ko. Naging dalawa pa nga 'yong star no'n, isang malaki at isang maliit, pero isa lang 'yong nag-stay.

No'ng mga panahon na 'yon, parang kaibigan ko ang star. Kinakausap ko siya sa isip ko patungkol sa new chapter na tatahakin ko, at ramdam kong nakikinig siya, na parang mas nakikinig pa siya kaysa sa totoong tao. Parang alam niya ang nararamdaman ng isang batang katulad ko. Na parang mas alam niya pa ang nararamdaman at gusto kong maramdaman kaysa sa sarili ko. Tila sinisigaw ng liwanag niya ang feelings ko.

I wonder, kung ang star na nakikita ko ngayon, ay iyong star din na 'yon. If ever, masaya ako na binalikan niya ako.

Proud siguro siya sa akin, ang layo na ng narating ko. Proud din ako sa kaniya.

Masaya ako na no'ng gabing 'yon, naging kaibigan ko ang star.

Liliko na sana ako pakaliwa dahil doon ang subdivision namin, andoon na nakatutok ang mga paa ko sa direksyon na 'yon, kaso biglang may lumiwanag sa bandang kanang part na daanan. Kaya napaatras ako't napahinto sa paglalakad. Tinitigan ko ang puting liwanag, dumidiretso ang liwanag papunta sa langit na para bang may bagay doon sa sahig na pinanggagalingan ng liwanag. Sobrang liwanag no'n na feeling ko kapag sumilip ang mga tao sa bintana't balkonahe ng mga bahay nila dito sa subdivision ay makikita nila 'yon, lalo na't gabi kaya kitang kitang kita ang puting liwanag sa dark blue na langit. Hindi ko nga lang alam kung saan galing dahil natatakpan ng mga puno—mapuno kasi sa part na 'yon.

Kumurap-kurap ako. Baka kaya ako nakakakita nito ay dahil bigla pala akong nasagasaan habang naglalakad ako't nakatingin sa star, tapos ayun. Kaluluwa ko na lang pala to't kinukuha na ako ni Lord.

Wow, Abby, isip-isip ko. Ang sure ko naman yata na sa langit ako mapupunta.

Napabuntong-hininga na lang ako. Feeling ko hindi pa naman ako kaluluwa. At feeling ko totoo 'yung liwanag na nakikita ko, hindi 'to guni-guni, e. Ang weird nga lang bakit may liwanag doon?

Pupunta na sana ako ro'n, kaso napahinto ako dahil naalala ko na ang kanang daanan ay gubat—ay, mali. Ang OA naman ng pagkaka-describe, hindi naman siya gubat—bukid gano'n. E malay ko ba kung baka may something pala ro'n sa bukid? Mamaya may ahas dun o kaya may mga sigang lalaking tambay. Gabi pa naman na.

Pero naisip ko, pupunta naman ako doon para tingnan kung ano 'yung liwanag. Saglit lang naman! Silip lang.

E bakit nga ba gusto kong makita kung ano 'yung liwanag?

Malamang, kasi gusto kong malaman kung ano 'yung nandoon.

At  . . . syempre para naman may konting twist naman sa araw na 'to—kumbaga, para maging kakaiba naman kumpara sa ibang araw. 'Tsaka malay mo related pala 'yung liwanag na yon sa astronomy. E 'di may madadagdag ulit akong information sa notebook ko.

Okay, hanggang ngayon pa rin talaga astronomy nasa utak ko.

Huminga muna ako nang malalim, humawak sa suot kong i.d. lace, at saka dahang-dahang pumunta ro'n sa bukid. Nang makapunta sa harap ng mga nagsisitaasang puno't halaman, lumusot ako sa ilalim ng puno para makapunta sa loob. At pag-angat ko ng tingin—

Napakurap-kurap na lang ako. Ramdam ko ang biglaang pagkabog ng dibdib ko na para bang 'yon na lang ang tanging tunog na naririnig ko. Na-stuck na yata ako rito sa kinatatayuan ko dahil sa nakikita ko ngayon sa harap ko.

Okay. Baka namamalikmata ka lang, Abby. Chill.

Bumuntong-hininga ako't pumikit. Saka dumilat. Nilakihan ko ang mga mata ko't kumurap-kurap. Pero nandoon pa rin. Nandoon pa rin sa harap ko. Hindi na maawat sa pagwawala ang puso ko, tumataas ang mga balahibo ko dahil sa nakikita ko.

Totoo bang may spaceship dito sa harap ko?

Continue Reading

You'll Also Like

7.1K 83 5
"Since day one, I'm really curious about her. The way she talks, she walks and even the way she smiles. She's the reason why I believed in love. Her...
304K 21.8K 58
A new academy opens for the ability-users and a dark twist puts the students in a game of critical thinking and mind manipulation. Serena who becomes...
35.5K 579 6
ELEMENTAL GUARDIANS SERIES 2 (SOON WITH 5 CHAPTERS) DJ is just a normal boy who loves to train with his uncle in secrecy. After his uncle died, rumou...
3.3K 132 20
Isang lugar sa kanang bahagi ng mundo. Na tinatawag nilang alcasia. May isang paaralan sa ilalim ng bundok. Ang mga tao dito ay tinatawag na mga alca...