“Daddy!” sabay silang napalingon sa batang tumawag ng daddy. Nagulat silang pareho ni rhia ng makitang tumakbo ang bata palapit kay Anthony.
“daddy nandito kana?” masiglang tanong ni miggy.
Hindi na napigilan ni rhia ang humagulgol….
Sorry miggy, sorry jiggy!
Tumakbo siya palabas ng kwarto.
“what’s your name?” tanong ni Anthony sa batang tumawag sa kaniya ng daddy.
“miggy po, at siya po si jiggy, my twin brother.”
Napansin ni Anthony na lalabas si romel at alam niyang susundan nito si rhia..
“Romel!” tawag niya rito na agad namang lumingon sa kaniya.
“ako na, miggy wait for me here ha?” pagkababa ko kay miggy agad kong sinundan si rhia.
Inabutan ko si rhia sa exit ng 8th floor ng ospital, ito na ang huling palapag ng ospital kaya hindi na masiyadong matao.
Hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak.
Sorry sa lahat Rhia. Hindi ko intensyong saktan ka at ang mga bata ng husto.
Isip ni Anthony.
Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin. At kahit hindi ko lingunin ito sigurado ako, 101% na si Anthony Alcantara ang lalaking nasa likuran niya.
Iiwasan niya pa sana ito kung hindi nga lang nag-eenjoy ang kaniyang puso sa pwesto nilang iyon.
Traidor na puso to.
Konting yakap lang lumandi agad.
“totoo ba?”
“hindi!”
“Rhia?”
“wala ng ama sina jiggy at miggy kaya ikaw ang pinakilala ko”
“You’re not a good liar!”
“Yes dahil hindi ako nagsisinungaling”
“Rhia please, ako ba ang ama nina jiggy at miggy?”
“sinabi ng hindi eh!” sigaw ko na rito.
“nakikiusap ako Rhia, sabihin mo na ang totoo.” Di ko na napigilan ang lalong maiyak dahil sa nararamdaman kong pagnanais talaga ni Anthony na malaman ang totoo, “please Rhia, wag mo naman ipagkait sakin ang katotohanan.”
Tumango na lang siya bilang pagsagot, napapagod na siyang magsinungaling at itago ang katotohanan sa lahat, lalo na kay anthony. Tama! Siya ang ama ng mga teddy bear ko, ng kambal kong anak na sina miggy at jiggy.
Siya! Si Anthony ang lalaking hindi ko makalimutan sa kabila ng ginawa nitong panloloko sa akin. T_T
“Bakit hindi mo sinabi sa akin noong ipinagbubuntis mo pa lang sila?”
Muli na namang bumalik sakaniyang isipan ang nakaraan, nang sasabihin n asana niya sa binata ang tungkol sa pagbubuntis niya…..
** flashback **
Nang malaman ni rhia na two months na siyang pregrant agad niyang kinontak si Anthony pero nang pipindutin na niya ang call button ay nagring agad ang kaniyang cellphone…
Yun sakto…
Anthony calling…………
Agad kong sinagot iyon na may halong excitement….
“hello Anthony.. may goodne…..”
“Rhia listen to me…. Ito na ang huling tawag ko sa iyo, sorry pero I found someone na makakasama ko habang buhay!”
Hindi pa man siya nakakapagsalitang muli narinig na niya ang busy tone mula sakabilang linya.
Dinaig pa ni rhia ang binagsakan ng sampung bato sa narinig… wala pang dalawang buwan na nawawala sa pilipinas si Anthony ay naipagpalit na siya nito?
Paano na lang ang magiging anak nila, sino na ang kikilalaning ama nito? Paano na ang mga ipinangako nito sa kaniya bago umalis? Paano na ang lahat kung iiwan na siya ni Anthony?
Paano na siya ngayon?
** end of flashback **
“sorry rhia, hindi muna ako nakinig sayo.”
“hindi mo ko masisisi kung hindi ko sinabi sayo ang tungkol sa kanila Anthony.” Tiim bagang na sabi ko rito dahil sa sobrang galit.
“matagal mong itinago sakin to rhia, nakabalik na kong lahat lahat hindi ko pa man lang nalaman na nagkaroon pala tayo ng anak.”
“dahil wala kang karapatan anthony, ikaw ang may kasalanan kung bakit nagkasakit si jiggy sa puso.”
“pero sana ipinagtapat mo pa rin sakin.”
“hindi ko kaya, natatakot na ko.” Natatakot ako sa lahat ng posibilidad na mangyare.
“patawarin mo ko rhia!”
“tama na Anthony, ito na nga siguro ang panahon para harapin ko ang katotohanang ikaw ang ama ng mga anak ko at hindi na kita pwedeng makasama.” Pilit siyang kumawala sa pag kakayakap nito pero hindi siya nito hinayaan bagkus iniharap pa siya nito at hinalikan ng mas mabilis pa sa alas onse.
Ito yung pangyayari na gustong gusto niyang maulit…
Ang matikman uli ang halik ni Anthony kahit sandali lang… pero..
Rhia may joy na siya!
Pilit siyang kumakawala rito pero lagi lang siyang nabibigo.
Kaya hinayaan na lang niyang angkinin ni Anthony ang kaniyang mga labi. Hanggang sa magsawa ito.
“Tama na anthony, mali na itong ginagawa natin.” Yun lamang at umalis na siya. Pero pinigilan pa rin siya nito.
“mahal pa rin kita rhia hanggang ngayon”
Sa halip na sumagot ay binawi niya mula rito ang braso at saka ito sinampal.
“sinabi mo na rin yan sakin pero anong ginawa mo Anthony? Iniwan mo ko at pinangakuang babalikan tapos ano? Ipinagpalit agad?”
“rhia makinig ka muna plea…”
“Shut up Anthony, baket ako makikinig sayo kung hindi mo man lang ako pinakinggan noon?”
“Rhia…”
“tama na please???” kahit sobrang sakit para sakin na layuan si Anthony kelangan ko pa ring gawin dahil alam kong ito ang tama. Ikakasal na sila ni joy at ayoko namang manira, joke lang yung mga sinasabi ko dati, syempre ayoko namang maging kontrabida sa buhay ng iba no.
Okay lang na masaktan ako basta hindi ako nakakasakit ng iba, right?
Martyr na ba ang ganun?
“Rhia?”
“tapos na tayo” sabay alis.
Masakit para sakin ang sabihing tapos na kame dahil alam ng diyos kung gaano ko kamahal si Anthony.
Kung gaano ko nagpakatanga sa kaniya at umasang babalik pa siya sakin pero Malabo na dahil ikakasal na ito kay Joy na siya namang buntis. T___T
Ang hirap at ang sakit sobrrrraaaaaaaaaa …
Di ko nga alam kung pano ko kinakaya yung mabuhay ng ganito eh.
--
“kamusta na si jiggy?” nag aalalang tanong ni arrey.
“ganun pa rin, di pa rin siya nagigising simula kahapon”
“magdasal lang tayo Rhia”
“salamat sa lahat Arrey, sa inyong lahat”
“magpasalamat ka rin kay Anthony, rhia.” Wika ni isay habang pinapakain ang anak.
Ngumiti ako ng malamya, hindi ko alam kung tama ba ang nangyayari, mas lalo lang niyang minamahal si Anthony pero mas lalo lang din niyang sinasaktan ang kaibigan niya.
“Rhia, okay lang ako.” Napalingon si rhia sa nagsalita. Ngumiti siya ng nakita niya si romel na nakangiti sa kaniya. “kung ako ang iniisip mo…” anito habang patuloy sa paglapit sa kinaroroonan nila, “Masaya ako kung saan ka sasaya!”
Niyakap niya ito nang mahigpit, “romel, maraming maraming salamat sa lahat ha? Kung wala ka baka bumigay na ko sa buhay ko.”
“alam mo namang lahhat gagawin ko para sayo diba? Kaya sana bigyan mo ng chance yung sa inyo ni Anthony”
“sorry talaga romel.” Sagot ko sa unang tanong ni romel.
“nu ka ba, PBB teens? Paulit ulit?”
Nagtawanan sila, kahit kelan talaga mga mongoloid sila.
“oo nga, atleast okay na. okay na sina miggy, jiggy at Anthony, tapos kayo ni romel ang kulang na lang ay kayo ni Anthony, rhia.”
“wala ng maayos samin ni Anthony!” matigas niyang sabi. “Tanggap ko ng hindi kami ang para sa isat isa”
“Pero rhia…”
“Gumaling lang si jiggy ayos na ko” pilit siyang ngumiti para itago ang lahat.
Syempre gusto ko rin naman na magkabalikan kame.
“Basta nandito lang kami para sayo”
“Salamat” ay kami na may madramang buhay…
After naming magkita kita, dinalaw ko naman si jiggy sa ospital pero nagulat ako ng Makita ko si Anthony sa labas ng kwarto ni jiggy.
“Anthony anong nangyari?”
“gising na si jiggy kaya chinicheck pa siya ng doktor” sagot nito sa masayang himig.
Ako man ay hindi na napigilan ang maging Masaya, sino ba namang hindi eh gising na ang anak ko.
“salamat sa diyos” bulong ko
After an hour lumabas na rin ang doctor at saktong pasok naman ni miggy sa kwarto ng kakambal.
“dok kamusta na po si jiggy?” tanong ko ng makalabas na ito.
“he’s fine, lumalakas na rin ang resistensiya niya” pagbabalita ng doctor, di ko alam pero bigla na lang akong napayakap kay Anthony nung time na yun.
“okay na siya, sa wakas!”
“oo rhia, mas magiging okay pa ang anak natin” napansin ko namang umalis si Romel kaya hindi ko rin napigilan na habulin ito.
“Romel sandali…”
“papahangin lang ako”
Liar. “sorry talaga Romel”
“tama na nga pagsosorry mo, Rhia, isa lang ang gusto kong mangyari, yung sumaya ka, yun lang kaya sana bigyan mo ng chance yung happiness mo at alam kong si Anthony yun”
Pano ko naman bibigyan ng happiness ang sarili ko kung ikakasal na siya kay Joy.
“paano Romel?”
“mag usap kayo, sabihin mo lahat ng nararamdaman mo sa kaniya, alam ko namang mahal niyo pa rin ang isa’t isa, Rhia don’t get selfish”
Tinamaan naman ako dun. Yeah I’m a selfish one. Alam ko naman yun eh kaya nga napabayaan ko ang sarili ko nung nagbubuntis ako kina jiggy at miggy.
“Rhia hanggat maaga pa, magtapat ka na or worst magsisi ka lang”
Tama. Kelangan niyang sabihin ang lahat kay Anthony kung ayaw ko na namang masaktan.