Book 1: Mr. Billionaire, Don'...

By donnionsxx04

88.1K 3K 483

Si Elizabeth Villatorte ay namulat sa mundo ng kahirapan. Lahat ng trabaho ay nagawa na niya at lahat ng pagt... More

NOTE:
Book 1:
Mr. Stranger 1:
Mr. Stranger 2:
Mr. Stranger 3:
Mr. Stranger 4:
Mr. Stranger 5:
Mr. Stranger 6:
Mr. Stranger 7:
Mr. Stranger 8:
Mr. Stranger 9:
Mr. Stranger 10:
Mr. Stranger 11:
Mr. Stranger 12:
Mr. Stranger 13:
Mr. Stranger 14:
Mr. Stranger 15:
Mr. Stranger 16:
Mr. Stranger 17:
Mr. Stranger 18:
Mr. Stranger 19:
Mr. Stranger 20:
Mr. Stranger 21:
Mr. Stranger 22:
Mr. Stranger 23:
Mr. Stranger 24:
Mr. Stranger 25:
Mr. Stranger 26:
Mr. Stranger 27:
Mr. Stranger 28:
Mr. Stranger 29:
Mr. Stranger 30:
Mr. Stranger 31:
Mr. Stranger 32:
Mr. Stranger 33:
Mr. Stranger 34:
Mr. Stranger 35:
Mr. Stranger 36:
Mr. Stranger 37:
Mr. Stranger 38:
Mr. Stranger 39:
Mr. Stranger 40:
Mr. Stranger 41:
Mr. Stranger 42:
Mr. Stranger 43:
Mr. Stranger 44:
Mr. Stranger 45:
Mr. Stranger 46:
Mr. Stranger 47:
Mr. Stranger 48:
Mr. Stranger 49:
Mr. Stranger 50:
Mr. Stranger 51:
Mr. Stranger 52:
Mr. Stranger 53:
Mr. Stranger 54:
Mr. Stranger 55:
Mr. Stranger 56:
Mr. Stranger 57:
Mr. Stranger 58:
Mr. Stranger 59:
Mr. Stranger 60:
Mr. Stranger 61:
Mr. Stranger 62:
Mr. Stranger 63:
Mr. Stranger 64:
Mr. Stranger 65:
Mr. Stranger 66:
Mr. Stranger 67:
Mr. Stranger 68:
Mr. Stranger 69:
Mr. Stranger 70:
Mr. Stranger 71:
Mr. Stranger 72:
Chapter 73:
Chapter 75:
Chapter 76:
Chapter 77:
Chapter 78:
Chapter 79:
Chapter 80:
Chapter 81:
Chapter 82:
Chapter 83:
Chapter 84:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
BOOK 2:

Chapter 74:

440 20 4
By donnionsxx04

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Pagkarating namin mabilis naman ako hinila ni Lemuel paalis. Nang malayo na kami saka niya ako binitawan at nagtago sa puno ng mangga.

"Anong gulo itong pinasok mo, Beth? Anong kapatid mo 'yong kano na 'yon?" Kunot-noong tanong nito sa akin.

"Kano? Di naman siya amerikano, pinoy siya." Pagtatama ko.

"Ay? Pinoy ba siya?" Nalito na tanong nito."Wag mo baguhin ang topic natin. Tinatanong kita, bakit alam ng mga boss mo na kapatid mo 'yong lalaking iyon? Saan mo siya napulot?" Kunot-noo pa ring tanong nito.

"Lem, di ko kasi alam paano ko ipapaliwanag---"

"Bakit? Ipaliwanag mo," pilit nito.

"Di ko alam saan ko sisimulan pero---" naputol ulit ang sasabihin ko.

"Kailangan ko ang paliwanag mo. Paano ako makikisakay sa sekreto mo kung di mo sakin sasabihin ang totoo? Gusto ko ang katotohanan para mapalagay itong nararamdaman ko. Para alam kong hindi ka mapapahamak sa gulong ito." Paliwanag nito.

Humugot muna ako ng hininga.

Kailangan ko talaga ipaliwanag ang lahat para matahimik na si Lemuel. Pag di ko pa rin sabihin baka magalit ito sa akin saka ibunyag pa niya sekreto namin ni Ros kila Sir Johnser.

"Ganito kasi 'yon..."

JOHNSER SY POV:)

"Naku mga hijo! Mabuti naman napasyal kayo sa probinsya." Nakangiting bungad ng isang babaeng nasa edad ay 50+. May nilapag ito sa lamesa ng prinitong...ito ba 'yong tuyo ng mahihirap?

"At salamat dahil itong bayan namin ang napili n'yo para sa programa ninyo." Nakangiting dugtong rin ng lalaking nasa 50+ rin ang edad. Mag-asawa ata ito at magulang ito ni Lemuel.

"Wow! Dried fish! I love tuyo!" Parang bata na saad ni Ros.

Nakaupo na kami sa harap lamesa na gawa sa kahoy ng niyog at upuan rin na gawa rin sa niyog rin na tila pinutol lamang ang puno. Mahaba itong lamesa na mukhang kasya kaming lahat dito. Nasa lilim kami ng isang mangga at nasa labas kami ng bahay ng kaibigan ni Elizabeth na si Lemuel.

Sa sitwasyon naming ngayon, parang napapanood ko ang eksenang ito sa mga drama na ang mga bida ay nasa probinsya.

Dahil madami kami, bale tatlong lamesang ganito ang nandito. Mukhang pinaghandaan nila ang pagdating namin. Dahil hindi sapat sa amin ang lahat, lumabas din sila ng limang lamesa na gawa rin sa kahoy at mga upuan na plastic.

"Salamat po sa mainit na pagtanggap sa amin dito." Nakangiting pasalamat ni Mandy dito.

"Kami dapat magpasalamat sainyo dahil marami dito sa amin matutulungan nyo. Oo nga pala, ako pala si Lorna, matandang dalaga." Pakilala nito sabay tawa.

Matandang dalaga? Ibig sabihin, hindi sila mag-asawa? At hindi siya magulang ni Lemuel?

"Ako naman si Trino, ama ni Lemuel yung sumundo sainyo kanina," nakangiti ring pakilala rin ng lalaki. Ibig sabihin, ito ang ama ni Lemuel. Saan ang nanay niya?

"Opo, nakilala na po namin siya. Best friend pala niya si Elizabeth," nakangiting wika ni Dylan.

"Andito na ang pagkain!" Bulalas na lamang ni Aling Lorna.

Napatingin kami nang makita si Kapitan Kiko na may dalawang malaking lagayan ng pagkain at may kasama pa siyang limang lalaki na may kanya-kanyang dalang pagkain. Nilapag ng mga ito kada mesa ang iba't-ibang ulam na inihain nila.

"Wow! Tortang talong!" Manghang saad ni Mandy. Napatingin naman ito sa nilapag ng isang lalaki."Wow! Kamatis!" Bulalas ulit nito."Nakakahiya po sainyo. Nag-abala pa kayo  sa amin." Aniya.

"Okay lang. Ganito kami dito, pag may bisita sa bayan namin, parang may piyestahan lang dito." Nakangiting sagot kaagad ni Kapitan Kiko.

"Wag na kayong mahiya. Kulang pa nga ito sa tulong ninyo sa kababayan namin," sulpot Mang Trino.

"Kumain na kayo dahil alam kong gutom na gutom na kayo." Sabi ni Aling Lorna sa amin."Sandali, nasaan si Lemuel at Beth?" Takang turan na lamang nito.

Oo nga, nasaan si Elizabeth?

Lumingon-lingon naman kami at nakita namin bigla ang dalawa na papalapit palang sa kinaroroonan namin.

"Hoy! Saan kayo galing? Kumain na kayo." Sabi kaagad ni Mang Lorna sa dalawa.

"May binisita lang," seryoso ang ekspresyon sa mukha sagot ni Lemuel. Tumingin ito kay Ros sabay baling sa akin. Nang nakita niyang nakatingin ako sa kanya, biglang bumawi ito ng tingin.

Nakita kong mabilis hinawakan ni Ros ang kamay ni Elizabeth na papunta sana ito sa kabilang lamesa.

"Dito ka umupo," sabi nito sa kapatid niya. Pag tingin sa upuan na inaalok niya kay Elizabeth, natigilan ito nang makita ako. Mapapagitnaan namin si Elizabeth kung sakali man na umupo sa tabi namin.

"O-okay." Payag nalang ni Elizabeth.

"No! Ako dito---"

Uupo na sana sa inalok na upuan ni Ros kay Elizabeth para magpalit sila ng pwesto nang biglang umupo na lamang doon si Lemuel at siya na napapagitnaan namin.

"Doon ka," madiing sabi nito kay Elizabeth sabay turo sa unahan na upuan na meron pang bakante.

"Ah, sige."

Mabilis naman pumunta doon si Elizabeth at naupo. Nakaharap siya sa aming tatlo habang katabi niya sa upuan si Mandy at si Aling Lorna.

Matalim ang tingin na tumingin si Lemuel sa amin ni Ros sabay tikhim at umayos sa pagkakaupo. Nagtaka naman ako dahil para saan ang tingin na iyon. Wag niya sabihin, may pagtingin siya kay Elizabeth kaya nilalayo niya ito sa akin? Napansin ba niyang may gusto ako sa kaibigan niya.

Napa-pout na lamang si Ros dahil sa pag-agaw nito ng mauupuan sana ni Elizabeth.

"Nalaman ko kay Kapitan Kiko na nagkataon lahat na ang napili ninyong lugar ay kung saan lumaki si Elizabeth." Panimulang topic ni Aling Lorna na kumakain na kaming lahat.

"Ang galing nga. Akala ko sa pelikula lang yang aksidenteng pangyayaring ganyan. Nangyayari rin pala sa totoong buhay." Manghang dagdag ni Mang Trino. "Oo nga pala, Elizabeth. Ipakilala mo naman sa amin ang mga boss mo." Baling nito dito.

Natigil naman sa pagsubo si Elizabeth. Nahihiyang napatingin sa amin halos naikagat pa nito ang ibabang labi niya.

"Ah? Eh..." naituran lamang niya dito.

"Ako pala si Johnser Sy, anak ng nagmamay-ari ng Uphone Company." Inunahan ko nang pagpakilala sa sarili ko kaya lahat ng mga ito sa akin.

"I'm Mandy, Mandy Yu. Daughter of Sumex Company." Nakangiting pagkilala rin ni Mandy dito.

"Dylan Lorenzo, assistant and butler ni Sir Johnser." Cold na pagkilala rin nito dito.

" Ang gaganda ng pangalan nyo, kasing gaganda at guwapo ninyo," puri ni Aling Lorna.

"Salamat po," nakangiting pasalamat ni Mandy dito.

"Eh sya?" Turan na lamang ni Mang Trino.

Sinundan naman namin ang tingin nito. Nakatingin ito kay Ros na tila natigilan at gulat na gulat na nakatingin dito.

"Kapatid ni Elizabeth sa ama." Ako na ang sumagot.

"K-kapatid?" Bulalas nilang tatlo nila Kapitan Kiko.

"P-paano---" pinutol kaagad ni Lemuel ang sinabi ni Mang Trino.

"Pa! Kuya Kiko! Nanay Lorna!" Tawag niya dito.

Napatingin naman ang tatlo dito.

"Wag na kayong tanong ng tanong sa kanila. May gagawin pa sila mamaya." Suway niya sa nga dito at nakita kong parang may pakahulugan ang mata nitong nagwi-wink sabay didilat-dilat ng mata.

Tumahimik na nga sila Aling Lorna at doon naman ako nakaramdam na paghihinala.

Tahimik na kumain na kaming lahat.

ELIZABETH VILLATORTE POV:)

Kakatapos lang namin kumain at kakalabas lang ng bahay sila Kapitan Kiko, Mang Trino at Aling Lorna kasama si Lemuel. Pinaliwanag kasi lahat dito ni Lemuel ang lahat at sana pumayag ito. Dahil nakasalalay dito ang trabaho ko, baka isisanti ako ni sir dahil nagsinungaling ako sa kanya.

Nakangiting lumapit ang mga ito sa amin.

"Tapos na kayo kumain?" Tanong ni Aling Lorna sa amin.

"Opo. Maraming salamat po," pasalamat ni Mandy dito.

"Salamat po." Sabay-sabay na pasalamat naman ng mga volunteers.

"Sige na po, Mang Trino at Aling Lorna. Sasamahan ko na po sila sa court." Paalam na rin ni Kapitan Kiko. Sasamahan kami nito sa court at sisimulan na rin ang Reach Out Program.

"Sige. Mag-iingat kayo," sabay sabi ng dalawa.

*****

Nandito kami ngayon sa ginawang tent, hindi makalabas at siksikan kami dito sa loob. Lumakas ang buhos ng ulan nang nag-aayos pa lang kami tapos sobrang lakas ng hangin. Kanina pa kami naghihintay na tumulo ang ulan, tatlong nang ang ulan. Sobrang sama ng panahon ngayon dahil sobrang dilim ng kalangitan.

Nilalamig na rin ako ngayon kaya niyakap ko na lamang ang sarili ko. Di kami prepare, wala kaming suot na jacket. Lahat ng mukha namin, nakasimangot. Mukhang hindi matutuloy ngayong araw ang Reach Out Program.

Nagulat na lamang ako nang may pumaikot na kamay sa leeg ko. Pagtingin ko sa gilid ko, bahagyang natigilan ako nang makita ang mukha nito sa gilid ko. Muntikan pang dumampi ang labi ko sa pisngi nito dahil malapit ang mukha nito sa akin. Pinatong nito ang baba niya sa  balikat ko at para kaming mag-jowa na niyayakap ako mula sa aking likuran.

"Ros, baka ano isipin sa atin." Palihim na sabi ko sa kanya ng mahina habang nakatingin sa ibang direksyon.

"Don't mind them." Matigas ang ulo sa sagot lamang nito.

Walang magawa kaya hinayaan nalang siya. Medyo nabawas-bawasan ang lamig na nararamdaman ko dahil sa ginawa niya.

"Sir, jowa mo?"

Napatingin na lamang kami sa nagsalita. Natingin sa amin ng malisya ang lalaking nagtanong kay Ros. Labay tuloy ng tao sa tent, malisya na ring nakatingin sa amin.

Buti nalang wala sila Sir Johnser dito, nasa kabilang tent sila. Pag makita kami ng mga ito na ganito sitwasyon namin ni Ros, magtataka ja 'yon. Di ganito asal ng magkapatid. Saka buti nalang mga taga All Day Shop mga kasama namin dito.

"Yiiee. Si Sir, pumapag-ibig na rin." Kantiyaw ng mga ito.

Napangiti lamang si Ros sa mga kantiyaw nito sa kanya samantala ako nakayuko at pulang-pula ang pisngi sa hiya at kilig.

"Yes, she's my jowa," proud na amin ni Ros.

Nagulat naman ako nang sabihin nito ang totoo kaya nanlalaki mata na napatingin ako sa kanya. Nakangiting tumingin siya sa akin at pinakita niya sa akin na totoo siya sa sinabi niya.

Kinilig naman ang mga kasama namin at nagsimula nang ikantiyaw kaming dalawa.

Mas lalong namula na lamang ang pisngi ko sa ginawa ni Ros ngayon.

Ito na nga sinasabi ko e. Pag malaman ito ni Sir Johnser, naku! Buking na kami. Bahala siya kung mawalan ako ng trabaho. Siya kumayod sa aming dalawa.

ANDREW SY POV:)

Kasalukuyang binabasa ko ang mga papeles na nasa harapan ko nang may kumatok na lamang sa pintuan ng office ko.

"Pasok."

Nakita ko namang pumasok ang assistant ko. Pagkalapit nito, nag-bow muna ito sa akin bilang paggalang pagkatapos nilapag nito sa mesa ko ang isang brown envelop.

"Andyan na po lahat ang impormasyon ng magulang ng janitress." Sagot nito.

Seryoso ang mukha na kinuha ko naman iyon. Bago ko paman buksan ang envelop, may sinabi pa ito.

"Magugulat kayo, Sir sa malalaman n'yo." Makahulugang saad nito.

Kunot-noo na nilabas ang mga papeles sa loob iyon at binasa. Nagulat na lamang ako nang makita ang papel na nagpatigil sa akin.

"Cassandra Villafalcon?" Takang basa ko sa papeles."Ano pagkaka-konekta ni Cassandra sa janitress na ito?" Napatingin naman ako dito.

Si Cassandra Villafalcon. Siya ang kasintahan noon ni Leandro. Na-bankrupt ang kompanya dahil sa kagagawan ng pamilya ni Lorisette. Ano pagkaka-konekta nito sa buhay nitong janitress?

"Ang ina ni Elizabeth na si Cassandra Villatorte at si Cassandra Villafalcon ay," seryosong hinintay ko naman ang susunod na sasabihin nito."...iisa."

Nanlaki mata naman ako sa nalaman.

To be continued...

SORRY, WALA TALAGA AKO SA MOOD MAGSULAT.
PANGET UPDATE KO NGAYON. SORRY!
HUHUHU!

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
71.3K 2K 64
Student and Principal Dalawang nag uugnay sa loob ng isang paaralan. Principal ang sinusunod at Studyante ang taga sunod. Pero sa kaso ko ako ang sin...
467K 10.5K 54
• Ang isang kasunduan nauwi sa katotohanan. • kung si Tom at Jerry nga nagkakasundo Minsan si Jenny at drake pa kaya ? # 271 ranking as of 6-30-18