Leanna POV
Andito ako ngaun prenteng nakaupo sa soft secretary chair habang may nginunguya nguyang banana with chili sauce at nakatingin sa kung saan ang mata ko habang naglilibot naman sa demensyon ang utak ko
Break time na ngaung oras tanging ako na lang ang nandito sa loob ng companya tinatamad kasi akong pumunta sa paborito kong karinderya eh...
atsaka wala akong ganang kumain ng ulam na may kanin ang tanging gusto ko lang kainin ngaun ay banana with chili sauce
Ang dami ko nang ibinuhos na chili sauce sa banana pero wala pa rin akong malasahang anghang
Habang prente nakaupo at ngumunguya ng banana ay bigla akong nakarinig ng mga malalim na yabag na ikinakunot ko ng noo pero ikinibit balikat na lang atsaka pumutol ulit ng banana at saka nilagyan ng chili sauce at bumalik ulit sa kaninang ayos ko sa pagkakaupo
habang abala ako sa kinakain ko ay biglaan na lang may tumawag sa pangalan ko
" leanna " rinig kong tawag ni boss sa pangalan ko kaya agad ko itong nilingon at umayos sa pagkakaupo
" yess boss "
" I've called you a few times on the intercom but I don't think you can hear me because you're bz about your food there " nakahalukip kip na sabi nito pero mahihimigan mo ng lambing sa boses nito
" eh " tanging nausal ko lang dahil wala akong mahanap na isasagot kasi totoo namang bz ako sa pagkain ko kaya di ko narinig ang pagtawag nya sa akin sa intercom
ano ka ba naman leanna
bakit di mo narinig?
bakit di ko narinig?
kung narinig ko sana ang pagtawag nya di na sana sya bumaba
Simula kasi nung masuka ako sa cr ng office room nya ay iniiwasan ko na syang mapalapit sa akin at iniiwasan ko na ding amuyin ang pabango nya
Nahihiya at nakokonsensya kasi ako........
unang una nahihiya ako kasi duon pa ako sa cr ng office nya nasuka,tapos pangalawa nakokonsenya akong mapalapit sa kanya at amoy amoyin sya parang kasing nilalandi ko sya eh tiba may girlfriend na sya at yun ay si nicole de clown
kahit naman mapang insulto ako hehehehe mabait naman ako at di ako mang aagaw katulad ng ate ko
" these past few days I notice you are avoiding me " baritonong tanong nito pero mahihimigan mo ng lambing...saka lumapit sa akin at itinukod ang mga malalaking kamay nito sa desk ko paharap sa akin
" ah eh hindi naman po boss " nauutal at kinakabahan kong sabi saka ngumit ng tipid at iniatras ng kaonti ang upuan paurong
" ahhh okay " simangot na sabi nito saka inialis na ang mga kamay na itinukod nito sa desk ko at tumayo ng tuwid
sabay lapag ng dalawang puting papel na
magkadikit pero may hati sa gitna ang puting papel na na nasaunahan kaya parang
ang kinalabasan ung nasa hulihan o nasa ilalim lang buo at parang may sulat
samantalang sa unahan ay may pag kamedyo kalahating punit pero walang sulat para bang pangtakip lang ito sa likod na papel
kahit nagtataka ay isinawalang bahala ko na lang simpleng papel lang naman iyan
" leanna " baritonong tawag ni boss gavin sa akin na ikinatingala ko dito
" hmm...yes boss? "
" can you write your signature here " anang sabi nya sabay turo sa papel na kalalapag lang nito sa desk ko ung pinasadahan ko
" bakit po " kunot noong tanong ko
" hmm nothing ..... I just want to see your signature .... I'm planning to change my signature ... and I want to see different signatures so I can find a design to change my signature " mahaba at nakakalitong paliwanag nito na ikinatango ko na lang
" sige saan ko po ba isusulat ung pirma ko " tanong ko sabay kuha ng ballpen ko na nakalagay lang sa plastic cup na denisignan ko
" here " turo ni boss gavin sa likod ng papel o pangalawang papel sa may bandang baba na nakikita na dahil sa pagkapunit banda sa baba ng unahang puting papel
agad ko iyog pinirmahan at nakangiting inabot yun sa kanya ng hindi tinitingnan...
agad itong ngumisi ng malaki sa akin ng tinanggap na nito ang puting papel
saka pinunit ang nasa unahang papel saka tinapun sa basurahan
samantalang natira ang panglawang papel na hawak nito at pinakatitigan yun ng mabuti sabay ngumisi ulit ng malaki sa akin
Ano kayang nangyayari dito sa boss ko
baka nanununo toh
simpleng puting papel nginingisihan
" thank you ma femme " sabi nito habang di parin mawawala wala ang malawak na ngisi nito
teka ma femme
leanna ang pangalan ko di ma femme
takte totoo nga confirmed nanununo o nademonyo na si boss
tinawag akong ma femme
eh leanna naman ang pangalan ko
" Je t'aime ma femme....puisqu'aujourd'hui tu es à moi pour toujours il ne te reste plus rien " nakangisi na sabi nito sa akin sabay lakad paalis bit bit ang papel na may pirma ko
ano daw ang haba naman ng sinabi nya
wala naman akong ibang naintindihan kundi ma femme lang
ano bang language yun
english......
cambodia.....hindi eh narinig ko na yung salitang ma femme eh
sa mga napapanood kong asian drama sa fb o youtube
sa french ba? oo sa french nga
alam ko kung anong language ang ma femme pero di ko alam kung anong meaning
Kahit nagtataka ay isinawalang bahala ko na lang at pinagpatuloy ko na ulit ang pag kain
*********
makalipas ang dalawang minuto ay nagsidatingan na ulit ang mga kaempleyado ko at sinimulan na ang kani kanilang trabaho
kaya umayos na ako ng pagkakaupo at saka inayos na ulit ang mga papeles na kailangan kung tingnan at suriing mabuti saka pag sunod sunorin
Nakalimutan ko palang sabihin kay boss kanina na kailangan ko munang umabsent ng isang linggo dito sa companya para mapaghandaan at magreview sa nalalapit naming exam
siguro mamaya ko na lang sabihin bago umuwi
TO BE CONTINUED.......
Hello readers I am very grateful to the readers who patiently waited for me to update
and sa mga nag comment dyan kung sino daw ang taong nasa likod ng some one pov tingnan po natin kung tama...
kayo hahahahha....
just keep reading
luv yah guys god bless