ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

119K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 46
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 50

1.2K 14 0
By iirxsh

Kabanata 50

"CAN I talk to you?"

Diretso ang tingin ni Adam kay Kelly na nasa tabi ng kanilang anak. Pinagitnaan nila si Riri. Hindi agad nakuha ni Adam ang atensyon ni Kelly, nakatutok lang iyon sa kanyang plato na parang walang narinig.

Nang magbaba ng tingin si Adam sa kanyang anak, nakatingin din iyon sa kanya. Mukha naman yatang nakuha ni Riri na ang gustong makausap ni Adam ay kanyang Nanay kaya nagawang kalabitin iyon ni Riri.

"Kausap ka po ni Tatay," Sambit ni Riri.

"Ay, ako pala." Nakangiwing tugon ni Kelly. Para kay Kelly naman kasi walang sinabi na pangalan kaya hindi siya tumingin at ayaw niyang mag assume lalo na sa ganoong klase ng bagay. "Sige, tungkol ba saan?"

"I want us to talk," Ulit ni Adam. "I mean, the two of us only."

Napatingin naman si Kelly kay Alex na katabi si Lyn na tahimik lang din. Katatapos lang kasi nilang mag hapunan, inimbita na ni Kelly na dito na mag hapunan si Adam at Lyn dahil iyon ang kahilingan sa kanya ni Riri.

"Sige na, kami na ang bahala kay Riri." Tugon naman ni Alex, nakuha niya agad ang gustong iparating ni Kelly sa paraan lamang ng kanyang tingin.

"Bakit po Tata?" Inosenteng tanong naman ni Riri, narinig kasi niya ang kanyang pangalan.

Binalingan naman iyon ni Alex. "Mag uusap daw si Tatay at Nanay mo, sila lang dalawa... ayos lang ba iyon sa iyo?"

Tumango naman agad si Riri. "Opo," Salitan niyang binalingan ang kanyang magulang. "Pwede na po kayo usap," Itinaas pa nito ang kanyang dalawang maliit na daliri. "Dalawa po kayo."

Hinalikan lang nila sa noo ang kanilang anak. Bago naunang tumayo si Kelly at iginaya si Adam sa maliit na garden sa kanilang harapan.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" Lakas loob na tanong ni Kelly. Magkatabi silang dalawa, pero diretso lamang ang kanyang tingin sa mga halaman na mismong nasa harapan nila.

Narinig niya na tumikhim si Adam. "You did a great job raising our kid." Panimulang puri ni Adam. "I admire you for being a brave woman, and thank you for that."

Saglit na natigilan si Kelly, hindi niya inaasahan na iyon ang sasabihin sa kanya ni Adam. "Iyon naman talaga ang dapat kong gawin, tsaka kinaya ko rin naman kasi siya rin ang nagsilbing lakas ko nang panahon na iyon." Tila emosyonal na tugon ni Kelly, biglang nagbalik na naman sa kanya iyong mga nangyari noon.

"I'm sorry, I wasn't there."

Nagpintig ang tainga ni Kelly at agad siyang napatayo. Umiling iling siya sa harap ni Adam. "Sa tingin mo ganoon lang kadali iyon, ha? Tatlong taon!" Bulyaw niya, matalim ang tingin niya rito. Hindi rin maikakaila ang bilis ng kanyang paghinga. "Tapos sorry lang?!"

Gusto niyang matawa sa ideya na iyon. Anong akala ni Adam? Pagkatapos lahat ng nangyari, humingi lang ng tawad. Tapos ayos na ulit?

Inabot naman ni Adam ang kamay nito pero umatras lang si Kelly. "H-Huwag naman palayo ulit sa akin," Halos mabasag ang boses ni Adam. "I hope you can give me the chance to explain everything to you." Nagsusumamo niyang pakiusap.

Marahas na napabuga sa hangin si Kelly bago tumango kay Adam at muling umupo sa tabi niya. "Pero, huwag kang umasa na mapapatawad na agad kita! Pakikinggan ko lang ang mga sasabihin mo." Pag linaw ni Kelly. Ayaw niyang mali ang maging pag intindi noon sa kanya ni Adam. Ayaw din niyang umasa pa ito na higit pa roon.

"It's fine with me." Sang ayon naman ni Adam. "Anyway, I'm willing to work out for that forgiveness of yours."

Napairap sa kawalan si Kelly. "Simulan mo na, ang dami mo pang sinasabi!"

*Flashback*

"DID that asshole speak already?" Iyon agad ang bungad ni Adam pagkapasok pa lang niya sa isang lugar kung saan niya ipinalagay iyong lalaking nagtangka sa buhay ni Kelly.

Umiling naman ang kanyang sekretarya. "Hindi pa, sir."

Nang marinig iyon ni Adam, agad nandilim ang kanyang tingin sa lalaking nakatali ang kamay sa itaas. Kasalukuyan iyon na nakapikit kaya naman sinenyasan ni Adam ang kanyang sekretarya na buhusan iyon ng tubig.

Nagyeyelong tubig.

"T-Tang*na!" Sigaw ng lalaki.

Hindi pinagtuunan ng pansin ni Adam ang naging reaksyon ng lalaki. "Speak up! Who ordered you to do it?" Bulyaw ni Adam, nanatiling madilim pa rin ang kanyang tingin. Talagang kumukulo ang kanyang dugo sa mga oras na iyon.

Marahas na napadura iyong lalaki at nginisihan lang si Adam. Nagawa pa niyang humagalpak ng tawa. "Ano ako? Tanga? Para sabihin iyon sa iyo?!" Umiling iling pa iyon, bago muling tumawa. "Sayang nga, eh. Kung hindi ka sana dumating, natikman ko na iyon. Masarap siguro, mukha kasing hindi pa nagagalaw, eh." Dumila pa ang lalaki sa labi. "Hindi mo pa nakukuha. Mahina!" Sabay halakhak, halatang nang aasar hindi lamang ang kanyang tinig pati na rin ang kanyang ekspresyon.

Naikuyom ni Adam ang kanyang kamao. Naging mabilis ang kanyang paghinga dahil sa narinig, hindi niya nagustuhan.

"Get her!" Mariin na utos ni Adam. Nakuha naman agad iyon ng kanyang sekretarya at nilisan ang silid.

Minuto ang lumipas nang narinig nila pareho ang ingay ng isang babae, halatang nagpupumiglas.

"B-Bitawan mo ako! Bakit ba ako nandito, ha? Wala naman akong kasalanan sa iyo! Pakawalan niyo ako!"

Nanatili ang tingin ni Adam sa pinto hanggang makapasok iyong babae. Hindi sila makikita dahil nakapiring ang kanyang mata, habang nakaposas ang dalawa niyang kamay sa kanyang likuran.

Nang tuluyan ng makapasok ang babae, tsaka naman binalingan ni Adam ng tingin ang lalaki. Nginisihan naman niya iyon at tinaasan ng kilay.

"H-Hayop ka! Bakit mo pa dinamay ang babaeng mahal ko?!" Sigaw nito kay Adam. Nagpupumiglas na naman iyon, halatang halata na gusto na niyang sugurin si Adam ngunit wala itong magawa dahil mahigpit ang pagkakatali sa kanya. Maliit ang posibilidad na makaalis pa siya.

Hindi naman maiwasan na mapa halakhak ni Adam. "Babaeng mahal, sa babaeng mahal." Mariing sambit ni Adam. "What do you think would be your feelings if I let the woman you love be put in the same situation as what you did to the woman I love?" Matigas na sabi ni Adam, nag-igting ang kanyang panga sa galit.

Tuwing sumasagi sa kanyang isipan ang nangyari na iyon, tila nawawala siya sa kanyang katinuan at gusto na lang parusahan ang dahilan kung sino man ang may lakas ng loob na mag-utos ng bagay na iyon.

Nagpupumiglas pa rin ang lalaki. Kita ang galit sa kanyang mata, kulang na lang mamula ang kanyang mukha sa galit na nararamdaman. Hindi rin maitatago ang panginginig ng lalaki. "H-Hayop ka! Huwag mong susubukan!"

"You know what I want," Nakangising ani ni Adam. "You should speak now before it is too late for you and for that woman you love."

"P-Pakawalan niyo muna siya," Mahinang pakiusap ng lalaki, sobrang layo ng pinapakita niyang reaksyon kumpara kanina. Gustuhin man niyang ituro ang babaeng mahal, pero wala siyang kakayahan na gawin iyon dahil nakatali ang kanyang kamay. "Tsaka ko sasabihin sa iyo ang nag-utos sa akin." Ramdam man ni Adam na sinsero iyon, pero hindi pa rin niya hinayaan ang sarili na maniwala.

"Sure." Sang ayon niya. "Is that the only thing you want me to do?" Dugtong pa niya.

"H-Huwag mo siyang tatanggalan ng piring, ayaw kong makita niya ako."

Nangunot ang noo ni Adam, nagtataka kung ano ang posibleng dahilan. Mukha naman nakuha ng lalaki iyon. "N-Natatakot akong iwan niya ako kapag nalaman niyang may ginawa akong masama. Kung sasaktan mo man siya, ako na lang. Hayaan mo na lang na makawala siya, hindi siya dapat nadamay pa sa ginawa ko." Basag ang boses na paliwanag ng lalaki. Natigilan si Adam nang makita ang tumulong luha sa mata nito. "K-Kasi mahina iyong pandinig niya, eh. Nangangailangan ako ng pera, para makabili man lang ng hearing aids niya."

"That's why you did it to the woman I love?"

Tumango iyong lalaki. "H-Hindi ko ginusto iyon, dahil lalaki rin ako. May Ina at may babaeng mahal. Napagutusan lang ako." Depensa niya sa kanyang sarili. "N-Natatakot lang naman akong dumating ang araw na hindi na niya marinig kung gaano ko siya kamahal. Kaya ko nagawa iyon. Kung may pagpipilian naman ako, hindi naman ako aabot doon. Kasi alam ko kapag nalaman niya iyon, wala na akong babalikan."

Lumamlam ang tingin ni Adam. "Who told you to do this?"

"Noreen... Noreen Chavez."

*End of Flashback*

Lumakas ang kabog ng dibdib ni Kelly. Naging alerto si Adam nang makita ang panginginig nito sa kanyang tabi.

"W-Why?"

"N-Natatakot a-ako..." Hirap na sambit ni Kelly.

Mabilis na hinila ni Adam si Kelly sa kanyang bisig. Hinaplos nito ang kanyang likod para kumalma kahit papaano si Kelly.

"Shh... don't think about it,"

"I-Iyong anak natin, baka idamay niya! Hindi ko kakayanin, Adam! Baka ikamatay ko 'yon!"

Tuluyan ng napahagulgol si Kelly. Hindi talaga niya maitago ang kaba sa kanyang sarili dahil sa narinig na kwento ni Adam.

Hindi naman niya tuluyan na pinaniniwalaan noon si Noreen, pero hindi naman niya naisip na aabot sa ganoong punto ang kayang gawin nito.

Mas hinigpitan ni Adam ang pagka kayakap kay Kelly, panay pa rin ang kanyang haplos sa likod nito dahil hindi pa rin kumakalma si Kelly. Ramdam pa rin niya ang mabigat nitong paghinga.

Ilang beses na pinatakan ni Adam ng magaan na halik ang gilid ng ulo ni Kelly, bago inilapit ang kanyang labi sa tainga nito. "Stop thinking about it, baby. You and our son are safe. As long as I am by your side, no one can do it again."

Itutuloy... 

Continue Reading

You'll Also Like

525K 2K 16
A revenge story. Full of revenge scenes and ended in a vengeful way. In short, it is revenge story.
234K 4.2K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
396K 20.6K 32
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.
1.2M 44.6K 92
[π™Άπš‡π™Ά] [π™Ώπšπ™Ύπ™΅πš‡πš‚πšƒπš„π™³π™΄π™½πšƒ] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...