Keeper of His Heart (Escarra...

By LadyStarOfDSea

14.9K 208 12

(Photo cover not mine credits: Unsplash) Escarra-Lauriel series #1 Henrietta Faye is such a hopeless romant... More

KOHH (ESCARRA-LAURIEL SERIES # 1)
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Epilogue

Chapter 17

239 6 0
By LadyStarOfDSea


Lumabas ako sa bathroom nang nakabalot pa rin ang tuwalya sa aking buhok. Inilagay ko na rin sa isang plastic bag na nakita ko sa bathroom ni Grant ang aking mga damit. Nang mailagay ko na ito sa aking bag ay nagmuni-muni muna ako sa kwarto. I checked his bookshelf, puro related sa kurso nito ang mga librong naka-display. Iilan lang yata ang librong hindi related sa pag-aaral. Ngumisi ako nang mahagip ng aking mga mata ang isang pamilyar na set ng libro.

"Fifty shades, huh." Hindi ko nabasa ang librong iyon but I watched the movie adaptations of it. Maganda naman kasi 'yong kwento aside sa spg scenes nito. Dumako naman ang mga mata ko sa study table nito, napaka organize talaga. Hinawakan ko ang picture frame nito na nakalagay sa kanyang side table. It was a picture of him na nakatayo lang at may nakasubong lollipop sa kanyang bibig, base sa picture he's around 4-5 years old siguro. Ang dugyot ng itsura niya sa picture..bukod sa sando lang ang suot kaya kita ang pututoy nito ay wala pa itong suot na tsinelas. Ibinalik ko na ito sa pwesto. Dahil curious ako kung anong meron sa katabing pintuan ng bathroom ay binuksan ko ito.

Wow. May sarili siyang dancing studio. So, talaga palang sumasayaw din siya. Sakto lang ang lawak nito. Dahil sa pangambang baka maabutan niya ako na nangingialam sa kwarto niya ay isinara ko na ito. Napahikab ako ng wala sa oras naramdaman ko na rin ang antok ko. Hindi rin kasi ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa pwesto namin. Mukhang matatagalan pa naman siya. Napunta ang aking tingin sa kama nito, ang linis parang nakakahiyang higaan. Pero dahil gusto kong humilata muna kahit mga limang minuto lang ay humiga na ako pero nakalaylay pa rin ang mga paa. Aayusin ko na lang kapag bumalik na si Grant.

Naalimpungatan ako kaya unti-unting bumukas ang mga mata ko. Anong oras na ba? Bumangon na ako at umupo muna sa kama. My eyes widened when I noticed that I'm not in my room. Napasapo na lang ako sa noo nang maalalang nasa Escarra's nga pala ako. Nataranta pa ako nang mapagtantong hindi rin ganito ang pwesto ko kanina at pati ang tuwalya sa aking ulo ay wala na rin. Umayos ako ng pwesto nang marinig ang pagpihit ng pintuan, iniluwa nito ang may-ari ng kwarto. "Gising ka na pala." Lumapit pa ito ng konti sa kanyang kama. Nahalata yata niyang naguguluhan ako.

"Tinanggal ko nga pala 'yong tuwalya sa ulo mo saka inayos ko na rin ang pwesto mo baka kasi mahirapan ka." Wala akong naramdaman...ibig, sabihin tulog mantika talaga ako kanina.

"A-anong oras na ba?" I asked.

"Mag-aalas dose na kaya kumain ka muna rito bago kita ihatid." Nanlaki na naman ang mga mata ko.

"Lagot na ako kay Lola, nito," I rattled.

"Naitawag ko na sa kanya kanina pa..naiintindihan naman niya kaya wala ka ng dapat pang ikabahala. Ssaka nandito ka naman sa amin kaya hindi iyon mag-aalala." Sabagay, malaki naman ang tiwala ni Lola kay Grant.

Tumayo ako at inayos ang bedsheet nitong gusot na. "It's okay..." pigil nito sa akin. "Tara na sa baba." Dahil masunurin ako ay sumunod na ako sa kanya.

Naabutan namin ang dalawang kapatid nito na kumakain na kasama si Lolo Gustave. He automatically smiled when he saw us coming. I smiled back to show some respect. Hinila naman ni Grant ang upuan para sa akin.

Napatingin kami kay Lolo Gustave nang humagikgik ito na tila kinikilig pa dahilan kung bakit nakaramdaman na naman ako ng pagka ilang.

"Anong kursong kinukuha mo Iha?"

"Hospitality Management po," magalang kong sagot.

"Good choice...Sana ma-manage mo rin ng mabuti ang ugali ng apo ko." Muntik na akong mabulunan sa sinabi nito. He really thinks that Grant and I are in an intimate relationship.

"Gaano na kayo katagal?" Muling tanong nito. Medyo may pagkadaldal pala ang Lolo nila.

I was about to speak to tell him that I'm not in a relationship with his grandson when Grant suddenly spoke. " Lo, hindi pa po kami..." PA? Lolo Gustave's brows furrowed.

"Ohhh...just a reminder mga apo...wala tayong lahing pagong." Natawa naman si Gianni sa sinabi ng Lolo. Hindi ko na gets iyon pero napatawa na rin ako ng bahagya.

"So, nasa Manila pa rin sina Henry?"

"Opo. They're actually settling there for good para mas matutukan ang hotel doon," I answered.

"Since HM ang kurso mo, may balak ka bang sundan ang yapak ng mga magulang mo? I-manage ang nasimulan nila? I heard dumarami na ang branches niyo not just in Manila but also Internationally." Bakas sa tono nito ang paghanga habang nagsasalita.

I smiled. Hindi rin naman maikakaila na ang Lauriel Suites ay nagle level up na talaga. May 3 branches na sila Daddy at Mommy sa ibang bansa, while they have 8 branches here in the Philippines. Main branch is located in Manila.

"I still don't know po, iba po kasi ang gusto ko... I wanna work with the cruise line Industry in the near future."

"Ohhh...the floating city! that's nice, Iha. It will surely be a new and wonderful experience for you." I agree with Lolo Gustave. Siguradong mag-eenjoy ako roon. Ikaw ba naman araw-araw na gigising tapos iyong bubungad sayo eh magandang view.

Nagpatuloy lang sa pagdaldal si Lolo Gustave hanggang matapos ang pananghalian namin. Hindi talaga halata sa kanya na strikto siya.

"Oh, Ingatan mo ang sakay mo Elliot!" paalala ni Lolo kay Grant habang palabas kami ng mansyon.

"Mauna na po kami, see you next time Lolo." Pagpapaalam ko sa kanya. "I would love it too." He waved at me like a child. Grant just dropped me off the Mansion. Hindi na siya bumaba saglit dahil may kailangan pa itong tapusin, which is okay lang dahil na-explain na rin naman nila ni Lolo Gustave kay Lola ang mga nangyari through phone.

Dumiretso muna ako sa kwarto bago bumaba para hanapin ang dalawa. Nakarinig ako ng ingay mula sa kusina kaya nagtungo ako roon. "Wow, kailan ka pa natutong mag-bake?" Namamangha kong tanong kay Tria na ngayon ay busy sa paghahalo sa isang malaking bowl. Amoy ko rin kung gaano kabango ang mga cupcakes na bine bake nito.

"Kagabi lang...youtube tutorials," she answered. Kumuha ako ng isang cupcake sa mga nakalatag na tray sa mesa. "Hmm, sarap ah..." Walang halong biro, masarap talaga ang kanyang chocolate moist cupcake. Wala pang sampung minuto pero nakakalima na akong cupcake.

"Para saan ba ito, at parang dedicated ka talaga sa paggawa?" Knowing this lady...she hates cooking/baking kasi tamad talaga siya gumawa but now?

"Benta ko..."tumigil ito sa paghalo at binilang niya ang cupcake liners na nilapag ko sa mesa. "Lima...pang anim iyang nginunguya mo so bale 120 pesos." Muntik na akong mabulunan sa sinambit nito. "Bayad mo mamaya ah," paninigurado nito.

"Nabiktima ka rin ba?" lumingon ako sa nagsalita sa aking likuran habang patuloy sa pagnguya ng cupcake.

"Ako rin eh kanina...biruin mo nakaka sampung cupcake na ako nang singilin niya ako. Ibang klaseng strategy iyan." Tumatawang sambit ni Visha.

"Para saan naman at nagbebenta ka?" curious kong tanong.

"Pambayad utang daw..." kumunot naman ang noo ko sa naging sagot ni Visha.

"Utang?"

"Kay Gianni...sa cellphone nito. Alam mo bang kagabi pa yan gumagawa ni hindi ko nga alam kung natulog pa 'yan kasi paggising ko kaninang umaga nandyan na iyan." Tuloy ni Visha na siyang ikinagulat ko.

"Mukhang isang Escarra lang pala ang makakapagpabago sa pananaw mo sa pag-ibig ah," I teased. She raised her brows at me. "May kasalanan ako kaya ko ginagawa ito."

"Kaya nga, knowing you na ayaw nagpapaka pagod for someone or something? Kung hindi si Gianni 'yong ginawan mo ng kasalanan ganyan din kaya ka todo ang effort mo? Hindi ka hihingi ng pera kay Lola?" Muling pang-aasar ko.

"Haler? Naka freeze nga ang atm natin diba? Saka hindi naman ako bibigyan ni Lola nuh!" She defended. Sus!

"Hoy!" Binatukan ako ng malakas ni Visha kaya napasubsob ang ilong ko sa icing ng hawak kong cupcake. "Mapanakit ka!" Agad ko itong pinunasan gamit ang kamay.

"Akala mo diyan nakaligtas ka na...ano isang Escarra rin ba ang bago mong boyfriend?" pinaningkitan niya ako ng mga mata. "Ikaw ah, 'di ka nagsasabi sa amin...hmmm kayo na pala eh."

"Hindi nga kami ano ba?"

"Sus! Lolo na mismo ng triplets nagsabi kay Lola?" Tria doubted.

"Hindi kayo? Kahit suot-suot mo ang mga damit niya?" Visha looked at me from head to toe. Hindi na kasi ako nagpalit. "Hindi kayo kahit magdamag kayong magkasama at ganitong oras ka nakauwi?"

"Okay listen, hindi kami...it's just a misunderstanding pero nasabi ko na kay Lolo Gustave na hindi kami. So stop concluding that we are together. Na-lock kami sa rooftop ng School kaya hindi ako nakauwi. Saka mag-jowa lang ba ang naghihiraman ng damit? Pati magkaibigan din! Hindi kami...Hindi kami...Hindi pa kami!"

"Hindi PA kayo?" muling ngumisi ang dalawa. Malakas loob nilang mang-asar lalo na at alam nila na may gusto ako kay Grant.

"Whatever. Basta magkaibigan kami period."

"Ang tanong kaibigan ba ang turing mo sa kanya?"Hindi ko natuloy ang pagkagat sa cupcake ko.

"B-basta ang alam ko we're good friends. Okay na sa akin na magkaibigan lang kami. Btw, ano palang sabi ni Lola?" pang-iiba ko ng topic. Masaya naman ako na hanggang kaibigan ko lang siya e. Kaysa umamin ako ng hindi sigurado.

"Wala...natutuwa nga e...kaya totohanin niyo na." pag-sulsol pa ni Visha. I rolled my eyes on her. Kulit!

"Nasaan ba si Lola?" hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Nasa garden niya." Kinain ko na ang natitirang cupcake na hawak. Akmang hahakbang na ako paalis nang sinigilin nanaman ako ni Tria. "Bayad mo muna."

"Ibibigay ko mamaya...nasa taas ang wallet ko. Hindi po kita tatakbuhan," natatawa kong sagot. Nag thumbs up na lang ito sa akin.

"Hinihingi nga pala ni Gav kahapon ang cellphone number mo tinatanong daw kasi ni Abigail," sambit ni Visha. "Binigay mo?" Nakangiti kong tanong. Oo nga pala at nakalimutan naming magbigayan ng numero. Hindi na rin naman ako masyadong active sa social media kaya nag deactivate muna ako.

"Malamang...hindi" She rolled her eyes. "Hayaan mo na...pina plastik ka lang naman ng babaeng iyon!" Kahit na, naging malapit din naman siya sa akin. Saka 'plastik' is not the right word siguro. Isa pa may pinagdadaanan siya ngayon. I'm praying still, that she could go through all the pain that she's feeling right now. I hope she will remain strong no matter what. Sana rin gumaling na ang Daddy niya.

***

Vacant time ko ngayon, kaya nagdecide akong maglakad lakad muna sa labas. Simula noong umalis si Gail wala na akong katabi. May mga ilan naman akong kaklase na namamansin lalo na 'pag groupings ganoon. Hindi lang talaga ako sanay na mag-first move kahit friendly naman ako.

"Riri!" sigaw ni Brixton sa di kalayuan ng hallway. Para itong batang tumatakbo ng nakabukas ang mga kamay para yakapin ako.

"I miss you!" Kinutusan ko ito nang bumitaw sa yakapan namin.

"Sira! Kahapon lang tayo hindi nagkita hindi 10 years!" Tumawa naman ito.

"Eh sa ganoon kita namiss eh. Vacant mo?" Tumango lang ako bilang tugon. "Sakto, vacant ko rin...tara sa canteen libre kita ng ice cream."

"Sige, pero ako naman manlilibre ngayon." Nakailang libre na rin kasi siya sa akin...sila ni Grant. Napakamot ito sa ulo. "Sige na nga." Madali naman pala sumuko eh. Sabay na kaming nagtungo sa Canteen. Pareho kami ng flavor ng Ice cream siya kasi pumili. "Basahin mo 'yong quote ang cute," ani nito pagkabigay na pagkabigay sa ice cream ko.

GYM KA BA? I THINK WE CAN WORK OUT EH.

Bahagya akong natawa.Corny talaga ng mga pick up lines ng Cornetto.

"Coin you be mine?" lumingon ako kay Brixton. Pinakita niya sa akin ang takip ng ice cream niya. Iyon ang pick up line ng sa kanya.

"Corny nuh? Pero at the same time cute din..." he commented. We went to the School Garden, para roon tumambay muna.

"Ilang taon kayo ng ex mo?" he suddenly asked.

"Almost a year?" I uninterestedly answered.

"Whoa...almost a year kang nagpakatanga?" Lumingon ako dito. Nag peace sign naman siya. "Sorry for the word."

"It's okay...totoo naman eh."

"Pero...handa ka na bang sumubok ulit? I mean ready ka na bang tumanggap ulit ng manliligaw kung sakali man?"

"Hmm, oo naman. Nakaka trauma ang ginawa sa akin pero hindi ko pa rin isasara ang puso ko. Naniniwala naman ako kahit papaano na maraming lalaki pa riyan ang matitino. Kaya kung sakaling may manligaw..." I suddenly remembered Grant. "I will give him a chance." I barely laughed because of my illusions. Bakit ko ba ini-imagine na liligawan ako ni Grant?

"Yown...dapat ganyan ang mindset ng mga babaeng naloloko na hindi lahat ng lalaki pare-pareho. Nadadamay tuloy kaming matitino." He chuckled.

"Hindi niyo rin naman kasi masisisi ang mga babae kung ganoon ang mga sinasabi nila. Nasaktan sila eh," I defended before licking my ice cream.

"Nasasaktan din kaya kaming mga matitino kapag nadadamay." Umakto pa itong nasasaktan talaga na siyang ikinatawa ko.

"Bakit may girlfriend ka na ba?"

"Wala."

"Nililigawan?"

"Wala pa...nagbabalak pa lang." Muli akong sumulyap dito. "Torpe ka?" I teased.

"Hindi ah. Naghahanda lang...espesyal kasi 'yong babaeng balak kong ligawan. I think she's the one." He happily and confidently said.

"Kung sino man yan ngayon pa lang sinasabi ko na ang swerte niya kasi may manliligaw siyang kagaya mo." Sigurado rin ako na magiging mabuting boyfriend siya sa kanyang future girlfriend. He's handsome, kind, and he knows how to treat a lady well. Pagkatapos naming tumambay ay hinatid niya ako sa aking room dahil may klase na ako.

Pagdating ng dismissal ay agad akong nag-ayos ng aking mga gamit. Nag-announce 'yong isang prof namin na nextweek na pala 'yong 30th Anniversary ng School. I need to talk to Grant, para sa mga praktis namin.

"Tagal mo." Saktong palabas na ako nang may nagsalita. Speaking...

"Paano mo nalaman ang room ko?" I asked. Lumapit ako ng konti sa kanya dahil may kaklase pa akong papalabas.

"Uy, Grant sasali ka ba sa Interpretative dance?" My classmate suddenly asked. Kung 'di ako nagkakamali siya si Aya.

"Aya...hindi sumasali si Grant sa Duo...puro solo lang kaya siya." Emma answered, her bestfriend na kaklase ko rin. Halata ang kinang sa mga mata ni Aya habang nakatitig kay Grant, namumula na rin ang mga pisngi nito.

"Kilala mo pala siya?" Aya glanced at me. "Oo, he's my friend."

"Baka gusto mong sumali sa Duo? I'm willing to learn to be your partner." Hindi siya pinapansin ni Grant. Kaya lumapit ako para tapikin ang kamay nito at sinenyasan siyang pansinin si Aya.

"Let's go, magpa-praktis pa tayo," walang emosyong ani Grant. Naglipat lipat ang mga tingin ni Aya sa aming dalawa ni Grant. I was about to talk to Aya when Grant suddenly grabbed my hand. Mas malaki at malakas siya sa akin kaya wala na akong nagawa. Nang makalabas na kami ng building ay hinila ko ang aking kamay mula sa pagkakahawak niya.

"Bakit naman hindi mo sinagot o pinansin man lang si Aya? Nakakabastos tuloy," I uttered.

"Eh sa ayoko e." I pouted at what he answered. "Hindi ako komportable sa kanya." He continued.

I took a deep sigh before talking. "Kahit na...kahit simpleng sagot lang sana para hindi ka nagmumukhang bastos sa mga kumakausap sayo. Baka mamaya ma-misinterpret ka pa nila." Like what I did when I met you for the first time.

"Wala akong pake sa iisipin nila sa akin. Hindi naman ako nabubuhay para sa opinyon nila."

"Fine...let's just talk about the contest," pagsuko ko. Oo, pagdating sa kanya ang dali kong sumuko.

"We can start our practice today...kung dito tayo sa School salitan sa dancing studio. If you want, sa bahay na lang...sarili pa natin at walang time limit." Oh right...he has his own dancing studio inside his room.

"Sige, game ako...para mas maka focus tayo." I agreed. While we were on our way to Casa Escarra, I texted my cousins to inform them about our practice. Para hindi na nila ako hanapin at hindi na rin magtaka.

I rolled my eyes when I read Visha's replies.

Weh? Practice lang?

Galingan niyo.

Sira talaga ang isang ito. Hindi ko na siya nireplayan dahil alam kong hindi naman niya ako titigilan.

Hindi ko nakita si Lolo Gustave sa mansyon nila dahil dumiretso na kami sa kwarto ni Grant.

"You can sit on my bed," he said pagkatapos kunin ang bag ko at isinabit sa sabitan nito. Umupo naman ako sa kama nito.

"For now, let's finalize the song that we'll use. Sure ka na ba sa Love Me Like You Do? Maganda siya...pero parang common?" He said before grabbing his phone from his pocket.

Napaisip naman ako sa sinabi nito. He has a point. "How 'bout this...listen." Nilakasan niya ang volume ng kanyang cellphone bago iplay ang kanta.

The song is Fire on Fire by Sam Smith. Habang nagpe-play ang song ay napipicture ko na sa utak ko ang possible steps nito.

"Pwede..." I responded habang nakikisabay sa kanta.

"Fire on fire would normally kill us..."

"Shhh...uulan," he teased kaya napahinto ako sa pagkanta. Talagang sa sayaw lang ako biniyayaan. Natapos na rin ang kanta.

"Final na? Ito na gagamitin natin?" He asked. "Yeah!"

"Okay, so wala ka naman yatang damit ngayon for practice—"

"Malamang...hindi ko naman alam na ngayon tayo magsisimulang mag-praktis eh," I cutted what he's saying. Nakaskirt pa naman ako ngayon.

Ngumisi ito sa akin na siyang ikinakunot ng noo ko. "I'm sure naka cycling ka naman diyan saka...spaghetti sando?" Alam kong may laman ang sinasabi niya reaksyon palang.

"Love me like you do...Love me like you do.."pagkanta nito. Sabi na e!

"Shatap...uulan!" Hindi niya ako pinansin at dumiretso lang ito papunta sa kanyang closet.

"Wear it." He handed me some clothes. Isa isa ko itong chineck. Boylet short and oversized shirt.

"Thanks. Ibabalik ko rin ah pati 'yong pinahiram mo kahapon."

"No worries," simpleng sagot nito. "Magpalit ka na sa bathroom," dagdag pa niya. Automatic naman akong sumunod sa sinabi niya. Pagkatapos mag palit ay naabutan ko si Grant na nasa dancing studio nito at nags-stretch. He's just wearing jogging pants and a white fitted sando that suits him well. Kitang kita ang mga muscles nito dahil sa suot.

"Are you just going to stare at me the whole time?" Nabalik wisyo ako nang magsalita ito. Nahuli niya akong nakatitig sa kanya. Gosh! nakakahiya!

Huminga ako ng malalim bago pumasok sa studio nito.

"Warm up na tayo..." ani ko at saka nagsimula ng mag-stretching, tinuloy na rin niya ang pagwa-warm up.

After that, nagsimula na kaming magbigay ng ideya at nagsuggest ng steps para sa sayaw namin. We are also executing the steps para mas makita namin kung bagay talaga. Hindi nga ako maka focus ng husto dahil sa tuwing magsasagi ang mga balat namin eh para akong kinukuryente.

Matagal na akong sumasayaw at lahat ng mga naging kapareha ko walang malisya talaga, but this one is different. He is different from all my partners before because I have feelings for this person. Kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng kilig, ilang at kaba lalo na at palihim ko itong ginugusto.

Hindi ko namamalayang napapangiti na pala ako habang pinapanood siyang sumayaw. Para na akong nabubusog sa mga galaw nito. "Gets mo?"

"H-hah?" Kita ko iritasyon sa mukha nito.

"Can you please focus?" seryoso nitong saad.

"S-sorry." Umayos ka Henrietta!

Inulit nito ang steps na tinuturo kanina, pinilit ko namang hindi madistract habang ini execute rin ang tinuturo niya. Sabay na kaming sumasayaw ngayon, nakaharap sa malaking salamin.

Hininto nito ang music nang matapos kami dahil may kumakatok sa pintuan ng kwarto nito. Sumunod ako sa kanya palabas ng studio. Kaagad binuksan ni Grant ang pintuan at iniluwa nito si Lolo Gustave kasunod nito ang isang katulong nila na may bitbit na tray ng mga pagkain.

I automatically smiled at Lolo Gustave. "Hello po," I happily greeted. Ngumiti din ito. "Nice seeing you again Iha. Nakaistorbo ba ako?" natatawa nitong tanong.

"Hindi po Lo," si Grant na ang sumagot. Hinarap siya ni Lolo at nagulat ako nang hampasin niya ito sa braso dahilan ng pagdaing ni Grant.

"Ikaw talaga, hindi mo man lang ako sinabihan na pupunta si Rie dito. Mabuti na lang at pumunta rito ang mga pinsan niya kaya nagpahanda ako ng meryenda at nabanggit nga nila sa akin na nandito ang pinsan nila." Sinenyasahan ni Lolo ang may hawak ng tray na ilapag ito sa may study table ni Grant dahil wala naman itong ibang mesa sa kwarto. Teka, nandito 'yong dalawa?

"Nandito pa sina Visha?" Paninigurado ko. "Oo, nasa baba sila kasama ang mga apo ko nagme-meryenda na rin."

"Lo, nagpa-praktis po kami..." singit ni Grant.

"Anong praktis iyan at mukhang...pawis pa kayo." Sumeryoso ang mukha ni Lolo.

"Lo, sayaw po. May contest kaming sasalihan," agarang sagot ni Grant. Tila nakahinga naman ng maluwag si Lolo sa narinig.

"Oh sige magmeryenda muna kayo bago niyo ituloy ang praktis na iyan, halika na, Paula." Ngumiti si Lolo sa akin bago magpaalam.

"Rie, try mo 'yong Avocado chocolate chip cookies...masarap, paborito namin ng triplets iyan." pahabol pa ni Lolo bago tuluyang lumabas ng kwarto.

"Sure! Lo," I responded.

Napakamot naman si Grant pagkasarang pagkasara nito ng pintuan. "Merienda muna tayo..." he said bago magtungo sa may study table para kunin ang tray. Ipinasok niya ito sa studio. Sumunod naman ako sa kanya.

Inilapag niya ang tray sa may sahig at saka nag-indian sit, tinapik niya ang sahig sa tabi bilang senyales na umupo ako roon.

Kumuha ako ng Avocado chocolate chip cookies. "Hmm...sarap..." I commented as I tasted it. It's my first time trying these cookies and they didn't disappoint me.

"Masarap din i-dip sa fresh milk." Grant dipped his cookie in his glass of milk before putting it in his mouth.

I followed what he did. "Hmmm, masarap!" I commented. Dahil nagustuhan ko ang lasa nito wala akong tigil sa pagsawsaw ng aking cookie sa fresh milk.

My eyes widened when Grant suddenly wiped the side of my lips. "Para kang batang kumain," he chuckled. At dahil doon nagwala na naman ang mga paru-paro sa aking tiyan. Kalma!

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at tinuloy ang pag nguya. "Major mo rin ang contemporary?" I asked, para maiba ang topic. Para iwas ilang na rin.

"Modern..." he simply answered habang ngumunguya pa.

"Ahh..same. Ayoko kasi sa masyadong formal," I responded. Contemporary dance is more on the formal side of dancing while Modern or Interpretive dance is more on freestyle.

"Kailan ka nagsimulang sumayaw?" He asked.

"Elementary pa lang...pero more on ballroom dance ang inaaral ko hanggang high school. Noong nag-college lang ako nag try ng Interpretive at 'yon na ang mas nagustuhan ko. How about you?"

"Pareho lang...sinubukan ko rin lahat ng uri ng sayaw pero ito ang sayaw na nagustuhan ng puso ko...pero more on solo ako." It means ako ang unang partner niya. "Nagtry na rin ako ng solo...kaso mas feel ko 'pag may kasamang sumayaw."

"Ilan na naging partners mo?" Natawa naman ako sa tanong nito.

"Marami rami rin naman," I simply answered. "Sa rami nila wala kang nagustuhan kahit isa?" I furrowed my forehead.

"Wala...I'm professional!" I confidently said. Kung sayaw, sayaw lang. No feelings involved. Ngayon lang meron. Hindi na siya naimik kaya tumahimik na naman ang paligid.

Nagpahinga kami saglit pagkatapos kumain bago itinuloy ang aming rehearsal.

Nasa chorus na kami banda, ang huling step bago ang chorus ay nakalayo ako sa kanya. Kinakabahan man pero buong tapang kong ginawa ang step na ito. Tumakbo ako sa kanya at tumalon para mabuhat niya ako. My legs was wide opened na nayakap na nito ang likod niya, it's part of the step kailangan ganoon para maganda ang pagkakatanggal mamaya. Nakaalalay naman ang magkabilang kamay nito sa likuran ko. Bale magyayakapan din kasi kami. Nang mai baba na niya ako ay sabay naming ginawa ang susunod na step. He's just next to me... tumalon kami, umikot at humiga sa sahig. Parehong sumasabay ang aming katawan sa musika habang todo ang paglabas ng emosyon sa aming mga ekspresyon. It's like there is a wall between us because of our distance but it's part of our concept.

Nakaupo na kami sa sahig at unti unting nagkatinginan habang papalapit sa isat isa. Sabay naming itinaas ang kanang paa at ang kanang palad ay pinaglapit namin habang ang kaliwang paa ay nakaluhod pa rin. Pareho lang ang steps sa kaliwa hanggang sa nakatayo na kami inikot lang namin ang mga palad naming nakadikit sa isa't isa. Umatras ako at saka niya ako hinabol at niyakap habang ako ay nakatalikod. We bend a bit. Nagpatuloy lang kami sa pagsayaw, patapos na kami nang maisipan ni Grant na palitan ang steps nito.

"Mas maganda yata kung bubuhatin kita sa kili-kili mo tapos iikot ka while moving your feet." Ginawa namin ang sinabi niya para masubukan kung bagay. Ipinasok niya sa aking kili kili ang magkabilang kamay at inikot ako while Im freely moving my feet.

"Teka, mukhang mas maganda kung sa bewang nalang kita bubuhatin," he suggested. He's behind me kaya humarap ako sa kanya.

"Sige, try natin." Tumalikod akong muli. Hinawakan niya ako sa bewang at tsaka inikot. Tinapos namin hanggang sa last steps.

"Ganoon na lang...mas maganda tingnan."

"Okay," I agreed. I trust him naman.

"Last one?" He asked after our rest. "Sure!"

Sinayaw namin ang mga nabuo naming steps kanina mula simula hanggang dulo. Nakakatuwa nga eh, nakabuo kami kaagad ng steps...kumpleto pa. Magaling din kasi siya. Sa huling parte ng sayaw ay nag harap kami at nagtitigan, tinaas ko rin ang aking tuhod sa kanyang hita. Natapos na ang kanta pero nanatili pa rin ang mata naming nakatitig sa isa't isa. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi at kita ko ang pagtaas baba ng kanyang adams apple.

Kung may adams apple lang din ako baka nakita rin niya ang ilang ulit na pagtaas baba nito. We're both catching our breath. Hindi ko na rin na iwasan at napatingin ako sa kanyang labi. Naalala ko na naman ang nangyari sa Old house. Talaga bang hindi niya naalala 'yon?

"Yuhoo! Tao po...anong ginagawa niyo riyan!" Napahiwalay na lang kami sa isa't isa nang makarinig ng malakas na katok mula sa pintuan ni Grant. Nakabukas ang pintuan ng studio nito at wala na ring tugtog kaya rinig talaga namin. Lumabas na kami ng studio.

"Hoy! Buksan nyo ito...nood kami!" Boses palang kilala ko na kung sino ang sumisigaw. Ang ingay ni Visha, kung makasigaw akala niya bahay niya ito.

"Busy– tagal niyong buksan ah, Anong ginagawa niyo?" Usisa ni Visha nang mabuksan ni Grant ang pintuan. Tumambad din sa amin ang natatawang mga mukha ni Gav at Gianni. Si Tria naman naka cross arms lang na parang napilitang makisama sa mga ito.

"Tapos na kami," Grant said with irritation in his tone.

"Ulitin niyo...gusto namin mapanuod para majudge na rin namin." Pangungulit ni Visha at akmang hahakbang papasok sa kwarto ni Grant nang harangan ko ito.

"Sa susunod na kayo manood, tapos na kami...uwi na tayo mag pre prepare lang ako kaya hintayin niyo na ako sa baba. Ba bye!"

"Ay pinagdadamot kwarto ng jowa..." hirit pa nito bago ko tuluyang saraduhan sila ng pinto. I faced Grant, "Sorry...maingay talaga alam mo naman."

"I know, no need to apologise." Ngumiti naman ako. Inayos ko na ang gamit bago lumabas ng kwarto.

"Harriet." Humarap ako kay Grant at itinuro ang sarili.

"Me?" Ako lang naman kasama niya rito. Pero anong Harriet.

"Yes. Can I have your number?" Why?

"Para hindi ako mahirapang i-contact ka pa, for our next rehearsal," he continued.

"A-ah...sure..." Lumapit ako rito para kunin ang cellphone na hawak niya. Nagtipa na ako ng numero.

"Thanks. Ihahatid na kita–"

"Ah hindi na...for sure nandiyan 'yong sundo namin." Im sure kasi nandito ang dalawa kong pinsan.

"Ihahatid na kita sa baba..."

"Okay lang, ano ka ba hindi naman na ako bata—"

"Harriet, 'wag ng makulit. Halika na." Akmang lalagpasan na niya ako nang magsalita ako kaya napahinto muna ito.

"Harriet?" I furrowed my brows. Baka mamaya ibang babae pala tinutukoy niya.

"Short for Henrietta." Hindi naman ako nakaimik agad. "From now on I will call you, Harriet, so start getting used to it already," he resumed.

"Okay...maganda naman e," I contentedly commented. May nickname na naman ako.

"Of course...much better than Riri," He whispered after niya akong lagpasan kaya hindi ko naintindihan. Pero hindi na 'yon mahalaga.

Para naman akong tanga ritong nakangiti habang nakasunod sa kanya palabas ng kwarto.

Continue Reading

You'll Also Like

60.3K 1.2K 49
Do you believe in love? or love at first sight? Most of the people believe on what they are saw and feel. Some of us also believe to those sentences...
37.3K 3.4K 71
Hazelyn Saoirse Candelaria is the Student Council President of their university and was the Grand Champion of the World Archery Championship during h...
8.7K 181 52
Sila Danette, Annabelle, Uriella, at Monniella. apat na magkakaibigan. Magkakaiba man sila nang mga ugali ay agad naman silang nagkasundo. high schoo...
176K 2.5K 58
WARNING: RATED - SPG |RšŸ”ž| Asher Isiah Villareal, was well-protected and loyal. But it all came crashing down when the woman he loves broke his heart...
Wattpad App - Unlock exclusive features