A Martial's Query (Saint Seri...

By gereyzi

22.7K 1K 787

6/6 of Saint Series. Sylvia Ameliah and Feliciano are engaged for years. Little did Chano know that the 'mald... More

A Martial's Query
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30

Chapter 27

407 23 16
By gereyzi

Chapter 27
Wrap Up

Days and days more passes. Nanatili ako sa Ireland sa piling ng aking pamilya. Hindi ko rin akalain na darating si Drake kasama ang ama namin days after Daddy's funeral. It was overwhelming being acknowledged by my real father but I just can't seem to celebrate that knowing that the man who raised me just died.

"M-maybe... we can talk some other time?" kinakabahan kong habol sa matandang Alvarez nang lumabas ito sa aming bahay kasama si Drake.

Slowly, he turned around to face me. He didn't talk and just smiled at me genuinely. He then opened his arms sideward for me to run into. Hindi ko pinalampas ang pagkakataon na yon at agad na yumakap sa tunay kong ama.

"I just want you to know that when the door closes, there's another one to open for us," he whispered and kissed my temple. "And I want you to always keep in mind that all I wanted is your comfort."

Matapos ang usapan namin na iyon ni Mr. Alvarez ay tuluyan na rin silang umalis na Drake pabalik ng Pilipinas. I've also learned that he's been going through different medication since then. Nothing more. It's just overwhelming and painful at the same time. The boys went here as well. Ilang araw silang nanggulo rito sa bahay, nitong isang linggo lang sila umalis.

"Hey..."

Mula sa pagpipinta ay napalingon ako kay Kuya. Slowly, he sat beside me and stared at my painting. It was a fountain where we last went to. Where Dad and I saw Konon.

"Kuya," I smiled at him when he handed me a cup of tea.

"Hindi ka pa ba matutulog? Hindi ka ba napagod sa pagpunta natin kanina sa Ring of Kerry?" natatawa nyang tanong. "Yung dalawang bata ay kanina pa masarap ang tulog," he added.

"Hindi ako dinadalaw ng antok," I sighed. "Ang pogi ni Daddy," turo ko sa picture ni Daddy na nasa pader.

"Saan pa ba naman ako magmamana, di ba?" he joked kaya napangiwi kaagad ako.

"Itulog mo na yan, kuya," umiling ako tumayo na. I tapped his shoulders before leaving him inside the art room. Ilang sandali pa akong nanatili sa labas ng kwarto, at nang tuluyan kong narinig ang iyak ni Kuya ay doon na ako umalis.

Dumaan ang ilang linggo. Doon ko napagpasyahan na bumalik sa Pilipinas kasama ang kambal na halos ilang bwan ko ring nakasama sa Ireland. I'm so grateful kasi napakabuti ng puso nilang dalawa. I left their father but they still chose to let me mourn with them. Our bond becomes tighter. And I can't ask for more than this. I can say too that I'm fully healed now from Dad's death.

There's still pain pero bearable sya at gusto ko iyon dahil sign yon ng mga alaala ni Daddy.

"Tatay!" malakas na sigaw ni North nang makita si Chano na naghihintay sa amin sa airport.

"Mga anak kong miss na miss na ni tatay!" masayang masaya na salubong ni Chano sa dalawa at kaagad na niyakap.

I smiled at that view bago ako humakbang palapit sa kanila. Zoe smiled at me genuinely. We held each other's hand and hugged. I even brushed her hair using my fingers.

"I am so happy that you're completely fine now," marahan kong bulong sa kanya. Humiwalay ako sa kanya at chineck ko pa talaga kung may mga sugat pa sya, mabuti naman at wala na.

"Ayos na ayos na ako. Salamat sa concern," marahan nyang sabi at muli akong niyakap. "I'm so sorry about your father."

"Ayos na naman ako," balik ko at kumapit pa sa braso nya bago kami sabay na sumunod sa mag-aama na ngayo'y naglalakad na palabas. "Kumusta kayo ni Chano? May progress na ba?" nakakaloko ko pag tanong sa kanya.

"Ha? About nga pala dyan..."

"Hoy, ano ka ba, chill lang!" pigil ko dahil mukhang nagpanic talaga sya. "I'm telling you, Chano and I fixed everything before we part ways. And... I can say that I've moved on from him, too."

"Approved na tayo, Zowe. Hindi mo pa rin baa ko sasagutin?" parang bat ana humarap sa amin si Chano kaya napairap ako dahil doon at hinigit na ulit si Zoe.

"Wag mo muna sagutin. Pabebe," bulong ko kay Zoe at parinig ko naman kay Chano.

"Mali-mali kasi diskarte mo, Tatay, e!" pagalit ni South sa ama na ikinatawa naming lahat.

Masaya kaming lahat na lumabas sa airport. May ilang fans pa ang nasa labas na saglit kong inasikaso bago ako sumunod sa kina Chano na pinauna ko na sa sasakyan.

"Ate Liah, how are you po?" nag-aalala na tanong nila sa akin.

"Ayos naman na ako, you don't have to worry about me," marahan kong sagot at inakbayan pa ang ilan sa kanila. "Kayo, lagi kayong maging mabait sa mga magulang nyo, ha? We don't know kung kailan ba sila mawawala sa atin."

"Naging wake up call nga po sa amin ang nangyari sa inyo, e," sagot ni Vanji. Ang president ng club ko rito sa bansa. "Lalo na po at matagal din kayong... hindi okay."

"Ang mahalaga, habang maaga pa ay ayusin nyo na," payo ko pa na agad nilang tinanguhan.

"Ate Liah, I have one question po," nagtaas pa ng kamay ang isa. Hindi ko alam ang pangalan ng iba dahil marami sila.

"Yes?"

"We're just confused about your situation with Attorney Gonzaga po. Are you still a Gonzaga, ate? I mean..."

"I'm back to Zeich now," nakangiti kong sabi. "Guys, listen here," tawag pansin ko sa lahat. Mas lumapit sila sa akin.

"Ano po iyon?"

"Diba, gaya nga ng sabi ko, habang maaga pa ay ayusin nyo na?" usal ko na agad nilang tinanguhan. "Pero nililinaw ko na hindi lahat ng inaayos ay kailangan pa ng reconnection. Hindi lahat kailangan ibalik ang relationship sa dati. May mga bagay kasi na kailangan ayusin para matapos na."

"Gaya po ba ng sa inyo ni Konon Dior, Ate?" biglang may isang nagsalita. Natigilan ako doon.

"Paano nyo nalaman yan, ha?" natatawa kong tanong sa kanila.

"Ate, alam mo namang nagiging detective kami pagdating sa love life mo, e," sabi pa ng isa na tinawanan namin.

"Ate, seriously, hindi na ulit kayo magiging close ni Kuya Konon?" concern na tanong ng isa. Mapait akong napangiti dahil doon.

Ngayon lang talaga pumasok sa isipan ko iyan makalipas ang ilang bwan ng pagkikita namin ni Konon.

"Ship ko pa naman kayo, ate! Pero nanatili akong tahimik kasi may mga rabid shipper kayo ni Atty. Gonzaga!" tila nagtatampo na sabi ng isa.

"Ate, friends lang ba talaga ang tingin mo sa kanya?"

"Hoy, kayo! Mga marites kayo!" saway sa kanila ni Vanji. Natawa ako dahil doon.

"Konon is a soulmate to me," sagot ko na naging dahilan ng sigawan nila. "But... things are different now," bawi ko na ikinatahimik nila.

"Aww! Pero may possible po kaya na magkita ulit kayo?"

"Sa tingin ko... coincidence na lang kung magkikita pa ulit kami," sagot ko.

Marami pa silang gusto sana itanong sa akin pero naiinip na akong sinundo ni North. Medyo natagalan pa kaming makaalis dahil pati sya ay pinagkaguluhan ng mga kabataan. Nang umalis kami ay sinabi ko kay Chano na ideretso na ako sa aking unit kahit inaanyayahan pa nya akong kumain sa bahay nya.

"Call me anytime," marahan nyang sabi sa akin bago ako yakapin. "I miss you!"

"I miss you too," balik ko at nginitian sya. "Sige na at naghihintay na sila. Tawagan mo na lang ako kapag may concern sa dalawang bata."

Nang tuluyang mawala si Chano ay tahimik akong pumasok sa aking unit. I also informed Bianca and the whole squad na nakauwi na ako. Si Ali nama'y kaagad na nakasugod dito kanina at mas kinalat lang ang mga gamit na dala ko. Mabilis din naman syang umalis dahil may trabaho pa yata.

Nang saglit akong makakain ay binuksan ko ang aking TV na ginagabok na. Sinimulan ko na ring linisin ang aking bahay dahil lagpas pitong bwan din akong nawala kaya nagkasapot-sapot na. Mamaya ay pupunta pa ako sa bahay nila Drake at Pam para kuhanin Chris.

"Tungo naman tayo sa balitang showbiz!" sabi mula sa TV. Agad kong itinigil ang aking ginagawa at inabangan ang balita roon.

"Ang pambansang golden-boy natin ay nakabalik na sa Pilipinas matapos ang ilang bwan nyang pananatili sa America kasama ang ina."

"Konon, how was the trip so far?" tanong ng isang reporter na pilit nakikisiksik sa mga taong nagkakagulo para makalapit kay Konon. Nasa airport sila.

"It was fun. That's a complete therapy, to be honest," sagot ni Ali habang patuloy ang lakad at pagkaway sa fans.

"What are the things you enjoyed?"

"Oh, that! First, I made my hair grow again," masaya nyang kwento sa reporter. Napanganga ako dahil doon. Ngayon ko lang napansin na humaba na nga ulit ang buhok nya. Blonde na iyon.

"Then? You look more handsome!" papuri naman ng reporter.

"Oh thanks! Thanks! So, by the way, I focused on sea surfing, uh... I did some parachuting, and made friends, too. I did so many things outside the country."

"And you're now ready to be back on showbiz again?"

"I don't think so," umiling si Konon. Nangunot naman agad ang noo ko dahil doon. "I'm planning to focus on my work, which is doctor. And yeah, I'm also planning to start a volunteering team who would roam the country and help those in needs," mahabang paliwanag nya.

Wow. Masyado talaga syang productive.

"Girlfriend? Meron na ba?" nakakalokong tanong ng reporter na syang nakakakaba naman para sa akin.

"No girlfriend."

"But you're planning to have one?" pangungulit ng reporter.

"For now? I guess not?" confused pang sagot ni Konon.

"Why is that?'

"Because I believe that love is not something to be rushed? Yeah. For me, love will always be patient," tumatango nyang sabi.

"So, you're saying that love is patient and Ameliah?" the reporter fired. Tumawa pa ito pagkatapos. Halatang nagulat si Konon dahil nabanggit ang pangalan ko.

Mas lalo naman ako, hoy!

"Where did you learn about her?" nagtataka nyang balik sa reporter. Natawa na rin sya kalaunan.

"Just answer us, Konon. No sources, nah-uh," tanggi ng reporter kaya mas nagtawanan sila.

"Love is Ameliah. Ameliah is the full package type of love, I must admit that," biglang diretsahang sagot ni Konon. Nanlaki ang mata ko dahil doon at napalunok.

"And you're patient because of her?" tanong na naman ng reporter.

"Again, ma'am," natatawang sabi ni Konon. He even licked his lips dahil kinakabahan na. "Love is patient. And pushing a love to her won't mean patience anymore."

Matapos ang interview ni Konon ay bumalik na ako sa aking ginagawa. Hindi ko pa mawari ang nangyayari sa akin dahil kanina pa ako pangiti-ngiti habang naglilinis ng bahay.

"Liah, ano ba? Parang tanga!" saway ko sa aking sarili. I was about to smile again nang biglang mag-ring ang aking cellphone. It's Bianca. "What?"

"You have foods there? Dyan na kami makikikain!" she said that made me roll my eyes.

"I'll buy outside before ko kunin si Chris," sagot ko.

"Ha? Chris? Nandito si Chris!"

"Crazy. Yung aso ko ang tinutukoy ko," napapailing kong sabi.

"Oh! By the way, basta we'll be there, ha? Prepare foods, yaya!"

Nang matapos akong bababaan ni Bianca ay ibinalik ko na ang aking cellphone sa lamesa. Minadali ko na rin ang aking paglilinis para marami pa akong magawa para sa araw na ito.

Pasado alas quatro ng hapon nang matapos ko ang aking gawain. Bago maligo ay saglit ko pang chineck ang aking email dahil baka may importanteng mensahe doon. Mabuti na lang at wala kaya naman tuluyan na akong naligo dahil talagang nanlalagkit na ako.

"Good afternoon, ma'am!" Bati sa akin ng gwardya ng lumabas ako sa building.

"Good afternoon po," balik ko bago ako tuluyang pumasok sa aking sasakyan.

Bago dumiretso sa mall ay saglit pa akong nagpalinis ng sasakyan dahil puro alikabok na rin iyon. Hindi rin naman kasi pinalinis ito ni Drake kahit inihabilin ko na bago ako umalis. Napakasipag nya kasi, sobra.

"Ma'am, parang ngayon ka lang ulit nakapagpalinis, ah? Makapal-kapal ang dumi," puna ng tagalinis sa aking sasakyan.

"Ngayon lang kasi ako nakabalik, Kuya, e," I shrugged. Naupo ako sa isang bakanteng upuan para hintayin.

Inabot din ng thirty minutes bago ako nakaalis sa car wash station na yon dahil napasarap din ang kwentuhan namin ng tagalinis. Kaagad na rin akong dumiretso sa mall para mamili ng mga gamit sa bahay. Medyo marami pa ang ang tao kaya naman medyo siksikan sa paligid. Dumiretso na ako sa department store dala ang aking mahabang listahan.

Lahat ng mga kakailanganin ko ay sinigurado kong kumpleto na nailagay sa aking cart. Dumiretso na rin ang bilihan ng pagkain ng mga pets dahil sigurado namang hindi na ibibili ni Drake ng pagkain si Chris lalo na ngayong alam nyang kukuhanin ko na ito.

"Excuse me, pero nauna ako, mr.," magalang kong sabi nang may nakasabay akong dumampot ng sako ng dog food.

"Oh, I'm so sorry, miss," agap naman ng lalake na ngayo'y naka hoodie jacket, face mask, at shade. "You can have it-"

"Konon?" putol ko nang tuluyan ko syang nakilala. Doon lang nya ako hinarap.

"Ah, Ameliah, you're here," tila bigla syang nataranta at napaatras. Nadanggil pa nya ang ilang paninda kaya nahulog ang mga ito.

"Can we talk?" tanong ko. I was about to go near him nang mabilis syang umiling na akala mo'y iwas na iwas sa akin. "About doon sa sinabi mo sa news-"

"Ah, those were nothing, Liah," agap nya. Luminga pa sya sa paligid dahil sa takot na makita ng mga tao. "I just said them para hindi na nila ako tanungin."

"Pero-"

"Don't worry. I have no plans about you. I didn't know you were actually here," putol na naman nya sa akin. Hindi ko alam pero nasaktan ako doon. "I used those words kanina to describe you to the people, not to pursue you."

"Konon..."

"Sige, I better get going na. Ingat ka palagi and... goodluck sa release and book signing ng Rimbo and Freeda Book Two," huling sabi nya bago tuluyang umalis.

Naiwan ako sa loob ng department store na tulala at nanghihinayang sa pagkakataon na pinalagpas ko. Nagulat din ako na alam nya ang tungkol sa libro ko, kasi akala ko'y abala sya sa sarili nya for the past months gaya ng sabi nya sa balita.

"Can't you tell him to come?" problemado kong tanong kay Mrs. Dior nang tawagan ko sya. "I mean, you already told him about the book pero you didn't tell him to come?" I pouted.

"Hoy, bata ka," masungit nang sabi sa akin ng matanda. "Kailan ko ba pinakielaman kayong dalawa? Ayaw kong may mangyari dahil nakielam ako!"

"Maybe, this time?" pagsubok ko ulit.

"Nah. You go find him and ask him to come if you really want to," tanggi nya sa akin. "He also told me rin kasi na ayaw na nyang magulo pa nya ang isipan mo dahil sa kanya."

"Hays! Bahala na nga po," I sighed for the nth time. "In three weeks pa naman, e."

"You're right," tumango si Mrs. Dior. "Saka... clear your mind and heart. Ayaw ko lang din na masasaktan palagi ang anak ko, Liah. He may not say it to me but I feel him."

Nang sabihin iyon ni Mrs. Dior ay natahimik ako. "He's the only son I have, hindi pa mahilig magsabi ng hinaing. This is his first time na nagpaka-dedicated yon sa babae."

"I know po," mabilis akong tumango.

"Ano ba talagang plano mo sa anak ko, Liah?" tanong nya. Natameme ako nang sandali doon.

"Actually po, hindi ko pa alam talaga. All I know is that, for the past months, ang gusto ko lang ay makasama sya palagi katulad nang dati," I replied after awhile.

"And what if hindi na nya gusto na makasama ka? Let's say na... he's really giving you the freedom you have?" magkasunod nyang tanong. "I also want to know kung gusto mo ba talaga sya o gusto mo lang sya kasi wala na kayo ng ex-husband mo?"

"If I tell you that he's the reason why I pushed my divorce with Chano, would you believe me, Ma'am?" lakas loob kong sabi. "I don't really know my plans about him, but there's a thing I'm hundred percent sure about. And that is my feelings for him po."

I don't know why but a tear fell from my eye. I feel so offended by her words pero hindi ko sya masisisi dahil anak nya ang nakasalalay dito. Isa pang nagpapabigat ng loob ko ay ang katotohanan na baka nga talagang sumuko na sa akin si Konon.

"Ano nang plano mo?" nag-aalalang tanong sa akin ni Gab habang tahimik akong umiiyak habang inaayos ang aming hihigaan para ngayong gabi.

"Hindi ko alam," humihikbi kong sabi. Nilingon ko si Bianca na nakahalukipkip at pinapanood ako. Nang makita nyang lumingon ako sa kanya ay nagkibit balikat sya.

"I have no words," she said. "All I know is that you two would end up together. Mas sure pa ako sa inyo kaysa sa amin ni Leandro, e."

"Mahal, naman!" angal agad ni Leandro na nakaupo sa sahig dahil sya lang ang lalake. "Hindi naman!"

"Kumalma ka nga, Liah!" saway sa akin ni Bianca nang iiyak na naman ako. "Just trust the time! Remember, oras din ang naging dahilan kung bakit kayo nagkakilala. Kahit kayo pa ni Chano dati ay nagtagpo ang landas nyo. Oras na kailangan na kailangan mo sya."

Mga salita ni Bianca ang dahilan kung bakit ako kumalma at nakatulog nang gabing iyon na kasama ko sila sa aking bahay. Kaya naman nang gumising ako kinabukasan ay pinili kong mag-focus sa nalalapit kong event. Ginamit ko ang buong linggo na yon para mag-isip ng mga dapat kong gawin sa oras na makita ko ulit si Konon.

"Ito ang bilihin mo, ha! Ayusin mo ang bibilhin mo," habilin sa akin ni Chano nang umalis kaming dalawa para mamili ng groceries.

Napag-usapan kasi naming magkita ngayong araw at magbonding naman since pinaplano na nyang magpropose kay Zoe. I'm really happy for them pero hindi ko maiwasang malungkot. I'm finally letting him go. My forever best friend, my knight in shining armor.

"Mali naman kasi yang balloon na binili mo! Bonak ka talaga!" inis kong sabi kay Chano nang pang-birthday na lobo ang dinampot nya.

"Oh edi, ikaw na ang pumili! Ikaw na rin ang magbigay! Kontra ka ng kontra!" balik nya at hinayaan nang ako ang pumili since isip bata pa rin naman sya.

"Dito ka muna. Hahanap ako sa kabila ng confetti," paalam ko kay Chano nang wala akong makita na materyales na kailangan ko.

Masaya kong nilakad ang kahabaan ng hallway papunta sa kabilang section ng mga art materials. I was about to continue when I heard some people laughing.

"Not gonna happen, Alister."

That's Konon!

Kaagad akong sumilip sa isang estante. Nanlaki ang aking mata nang masiguro kong siya nga iyon. May kasama pa syang lalake at babae- wait. That's Alister Zobel ang Venida Zamora! Ali is the famous son of the current president of this country while Venida's his rumored girlfriend!

"Kung pumupunta ka sa Vincere baka nakahanap ka na ng magandang probinsyana do'n," sabi ni Venida.

Nang mag-umpisa silang maglakad ay umayos na ako ng tayo at inabala na ang sarili sa paghahanap ng aking bibilhin habang pilit na pinapakinggan ang lumalayo nilang boses. Sana lang ay huwag silang lumiko sa section na ito-

"Ameliah."

Natigilan ako sa aking kinatatayuan ang nilingon ang tumawag sa akin. Agad na nag-init ang ulo ko nang makitang si Chano pala iyon at tumatawa pa.

"Bwisit ka!"

"What? Marites ka rin kasi, e. Sino ba ang chinichismisan mo dyan?" tanong nya at akmang makikisilip pa pero hinigit ko na sya sa kamay paalis sa lugar na yon.

Wrong timing lang dahil nakasalubong namin sila Konon.

"Oy, Doc! Hi!" bati ni Chano at kumaway pa gamit ang kamay naming magkahawak kamay. I saw how Konon stared at it for awhile bago ngumiti sa amin.

"Been a long time, Attorney, Liah," bati nya sa amin. Nilingon ko ang mga kasama nya na naghihigitan na palayo. "How's life?"

"Ah, ayos lang naman, Doc. Ikaw ba?" sagot ni Chano.

"I'm... fine," ngumiti si Konon. "Uh, sige na, guys. Enjoy shopping, I'll get going na. Baka iwan ako ng mga kasama ko, e," paalam pa nya saka dahan-dahang sumunod na sa mga kasama.

Nagkatinginan kami ni Chano dahil doon. Nanlaki parehas ang mata namin, natatarantang itinulak ako ni Chano papunta kay Konon kaya wala na akong choice kundi sundan sya.

"Konon, sandali!" tawag ko sa kanya.

I saw how he stopped because of my call. I can clearly feel how hesitant he was before facing me. Para bang iwas na iwas na sya sa akin.

"Yes?" he smiled.

I took a deep breath before speaking. "About nga pala sa darating na book signing ko-"

"Ah, yung Dearest Pesigan?" he cuts me off. Kabado akong tumango. "Mom told me about it. She also told me about your invitation."

"Ah, oo. Free ka ba noon?" lakas loob kong tanong.

He clicked his tongue and shook his head. He looked at me as if he's really ready to leave me here. And that hurts.

"That," he sighed. He's still so cool. "That's Wednesday, right?"

"Oo, e," I nodded twice. "Could you come?"

"That's my flight to Vegas, e."

"Ah, pero babalik ka rin agad?" agap kong tanong. Nagtataka nya akong tiningnan. At nakakapanibago ito sa totoo lang.

The way he looks at me is very different now. Too light to the point that I can't feel any emotion.

"Yan ang hindi ko sure, e. I might stay there for good since mom wanted me to live with her there," paliwanag nya na ikinabagsak ng mundo ko.

"So... hindi ka makakapunta talaga?" tanong ko. He smiled and shook his head. "Hindi ka na babalik?" tanong ko ulit.

Bahagya syang natigilan dahil doon. He then shrugged.

"Don't you... want to hear my words about you?" mahina kong tanong. Muli syang ngumiti at bumuntong hininga.

"Liah, when I told you that I'm letting you go, I was serious about it. I will always be serious of what I'm telling you. Remember that," aniya at hinawakan pa ako sa balikat.

"Can't I really have you back, Konon? Is this really the end?" naiiyak ko nang tanong. Hindi manlang nagbago ang expression ng mukha nya. Malamlam pa rin ang ngiti nya sa akin.

"You will be very happy. I'm sure of it."

Nang sabihin ni Konon iyon ay tuluyan na syang naglakad palayo. Wala akong magawa dahil hindi ko maigalaw ang aking katawan para sundan pa sya. All I can do now is stare at his back fading from my sight. Gustong-gusto ko syang sundan at pilitin na bumalik sa akin pero hindi ko rin naman sya masisi kung talagang ayaw na nya. Hindi ko sya masisisi kung pagod na ang puso nyang intindihin ang sa akin.

If this is the last time, for the first time after a very long time, I will pray again. I will have hope and faith in Him again para lang pasayahin Niya habangbuhay si Konon. Yan na lang ang hihilingin ko. And I will forever thank Him for giving me an angel even just for awhile.

Continue Reading

You'll Also Like

109K 4.6K 53
The Madrid-Esquival siblings Nora, Fort, and Ansel, find love through their phones...and go from there. *** Nora's crush on her older brother's teamm...