Reincarnated as a Stupid Daug...

Od DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... Viac

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 79

70.5K 3.5K 3.9K
Od DemLux_Pain

Naalis ko ang tingin kay Lieutenant nang makita ko ang pagkinang ng mata niya. Para bang sa itsura niya ay may narinig siya na bago sa kaniyang pandinig. Aiya! Hindi naman obvious na interesado siya sa suhestyon ko no?



"Torture?" Tanong nito na habang nakatingin pa rin sa'kin. Nginitian ko na lang siya atsaka tumango bilang tugon.



Sa training kasi ay parte talaga ang torture, pero hindi nga lang ganoon kagrabe kung ikukumpara sa naiisip ko ngayon. Hehe! Well, "Escape and Evasion" ay parte ng training namin noon, kung saan kunwari ay nahuli kami ng mga kalaban tapos ipaparanas sa'min ang ibat-ibang klase ng torture.



Dito kailangan mong maging matatag, dahil talagang masusubok ang pagiging tapat mo sa bansang sinisilbihan mo. Pinapakita dito kung gaano ka katibay na protektahan ang pinaglalaban mo kahit na anong mangyari.



Alam niyo ba kung gaano kadami ang bumabagsak sa test na 'to dahil hindi nila kinaya ang sakit? Jusko! Ikaw ba naman ilublob sa drum ng tubig tapos kuryentehin, sinong hindi mababaliw don? Nakakaramdam ka na ng sakit physically tapos pinanghihinaan ka pa mentally, edi tapos na ang laban!




Kapag nakaramdam ka na ng sobrang sakit ay doon na lumalaki ang tsansa na  bumigay na yung utak natin na dumating sa punto na hindi na tayo nakakapag-isip ng tama. Ibig sabihin, kung nasa giyera ka ay siguradong manganganib ang mga kasamahan mo at ang buong bansa dahil sa pwede mong masabi.



"Like duh? Paano pala kung nasabi mo ang mga plano ng army niyo sa kalaban, edi patay kayong lahat? Aish!"



Pasimple na lang akong napailing habang nakatingin sa mga military student na nakahubad na nag-eensayo. Marami sa kanila ang wala man lang kagalos-galos sa katawan! Kung makikita mo nga sila sa personal ay hindi mo aakalain na isa silang Military student!




"Barilin ko kaya sila isa-isa nang magtino? Tsk!"



"You want them to experience that?" Biglang tanong ni Lieutenant na kanina lang ay natahimik. Iniisip niya siguro kung itutuloy niya ang pag-arte niya na walang alam katulad kanina.


 
"In my opinion, yeah."  Sagot ko na lang at binalik na ang paningin kay Janice na may hawak na baril ngayon.



Seryoso niyang kinasa ang hawak nitong handgun at walang pagdadalawang isip na pinutok ang baril nang sunod-sunod. Napangiti tuloy ako nang wala sa oras dahil sa kaastigan ng babaeng 'to.



Sa itsura niya ay hindi mo iisipin na protektado siya ng kuya niya. Awra palang ng babaeng 'to ay natatakot na yung mga lalaking lumapit sa kaniya. Tulad na lang ng mga lalaking nasa paligid niya na nakatingin sa kaniya ngayon.



Halatang humahanga sila sa galing ni Janice sa pagbaril. Yun nga lang mas lamang pa rin sa kanila ang takot na baka kapag lumapit sila dito ay masapak sila nang wala sa oras. Aiya. Lalo tuloy akong nawiwirduhan kay Javier sa pagiging protective nito.



"Ito yata ang epekto ng walang jowa! Nyahahaha! Paano ba naman magkakaroon ng girlfriend kung laging si Janice ang inaalala?"




Inalis ko na lang sa isipan ang abnormal na si Javier at nagpokus na kay Lieutenant nang marinig ang tanong nito.



 
"Can you give me a reason? If you can justify your opinion, then I might think of including that idea in their training." Nakangiti niyang sabi na kinatigil ko sandali.




Iniisip ko kasi kung anong magiging kahihinatnan nito kapag nagsalita ako. Kaya lang paano naman ako makakatanggi kay lieutenant kung nakatingin siya sa'kin na parang excited na malaman ang sagot ko?!



"Ano na, Carnelia? Daldal pa more! 'Yan tuloy mapapasubo ka sa problemang sinimulan mo! Aish!"




Nagseryoso na lang ako bago sinagot ang tanong niya na nakabase sa mga karanasan ko noon.



 
"My reason? Well, in training, it's basic that your students will learn teamwork, discipline, rappel, how to handle a weapon, and such. But on the battlefield, you have to be in your best state because the work is going to be physically and mentally demanding." Pagsisimula ko habang nakatingin sa mga nag-eensayong mga trainee. Pero kahit ganoon ay hindi nakatakas sa'kin ang pagtango ni Lieutenant sa gilid ko na pawang sang-ayon sa narinig.




"You'll experience stress, doubts, and hesitation that will test your limits. Thus, putting your soldiers into war without brutal training will lead to casualties." Pagpapatuloy ko pa.
 
 

Sa totoo niyan ay ayoko talagang magbigay ng opinyon pero nakakainis kasi talaga ang mga pinaggagawa ng mga estudyanteng 'to! Ako nga na masipag mag-training noon ay halos mangatog ang tuhod sa unang misyon ko, paano pa kaya silang pa-chill lang?!



"Aiya! Baka hindi na sila makalakad kahit isang hakbang lang sa sobrang gulat at takot."




Well, talagang magugulat sila dahil hindi nila inaasahan na magiging madugo ang lahat kapag nasa labanan na. Makakaramdam din sila ng takot na baka masawi sila at maging mga kasamahan nila! Kahit kasi gaano ka pa katapang, kung hindi ka sinanay sa brutal na paraan ay matatakot ka rin kapag nasa totoong sitwasyon ka na...



"So I think their mental toughness and their pain tolerance need to be trained properly. It will be tough and painful, yes, but it is necessary for them to survive. They need to understand how it feels to be tortured. Why? To inflict fear. Fear of what? It's a fear of getting caught by the enemy. If they experience it, they will have a mindset that they would either choose to die in the battle or be killed fighting for their country rather than be held as prisoners of war." Dire-diretsong kong sabi na kinatahimik ni Lieutenant at kinatigil ko rin.




"O–oh my gosh! Masiyado yata akong maraming nasabi! Hindi naman halatang marami kang alam, bruha ka!"
 


 
"I–I'm sorry, it seems like I talk too much." Kunwaring nahihiya ko na lang na sabi. Aiya! Sa ganitong oras na nanganganib ako dahil sa bibig ko ay kailangan kong taasan ang level ng acting skills ko!
 
 

 
"No worries. I was enjoying hearing the opinion of a non-military soldier like yourself. Hahaha! Your knowledge of military and war is kind of amusing, Lady Caventry." Nakangiti nitong sabi habang nagniningning pa rin ang mga mata.



Kapag ganito kasing usapan ay talagang nagiging excited at masaya ang mood ni Lieutenant kaya hindi na bago sa'kin ang ganiyang reaksyon niya.
 
 


"Ahh... Thank you, lieutenant." Pilit-ngiti kong sabi atsaka umayos ng upo sa bench.
 

 
"But I can't deny that your ideas are great. I'm sure that it will be helpful to them since these noble students are really not serious about their training. Actually, this is one of our problems. Some of them are so playful and stubborn that they forget their reasons for being here." Seryoso niyang sabi na ngayon ay nakatingin na rin sa mga trainee.
 
 

"Yeah, but I hope the management who handled their training will be more serious and tougher than today." seryoso kong sabi.



Kung ako ang drill instructor nila ay sisiguraduhin kong maghihirap sila. Tignan ko lang kung makalakad pa sila pabalik sa mga dorm nila kapag nagkataon. Baka nga patakbuhin ko pa sila ng tatlong rounds sa buong school na may 40+ kg na weights sa katawan. Ewan ko kung hindi pa sila magtino!


 
"Sige, Carnelia! Ipagpatuloy mo ang pagiging involve sa military nang makita ka ng mga Roosevelt at kidnapin papuntang Military camp! Shems!"



"Don't worry, because I am the one who decides everything here in the Military Department at AIA. So your torture idea or whatever training it is can be done if I say so." Nakangiting sabi ni Lieutenant na may hawak na cellphone ngayon.



Mukhang seryoso siya na gawin ang suggestions ko ahh! Hindi kaya ako resbakan ng mga trainee na'to, kapag nalaman nila kung kanino galing ang ideyang i-torture sila? Aiya! Bahala na sila basta labas ako diyan!



"That's great, sir."
 


"See how powerful my connection is? I can just make a training plan for them and sign it, then the process is done." Parang batang excited nitong sabi na halata mong pinagmamalaki ang koneksyon kuno niya.



"I see, you're really powerful, sir." Nakangiti kong sabi habang hindi pinapahalatang na-awkward ako dahil hindi ko alam kung anong dapat sabihin sa sinabi niya kanina. Alangan namang isagot ko ang "edi sana all", diba?
 



Nabalik lang ang atensyon ko kay Lieutenant nang bigla itong pumalakpak. Pero agad ding nagbago ang ekspresyon ko nang marinig ang susunod nitong sinabi na talaga namang kinagulat ko.
 


"Hahaha! I can even appoint you as part of the team without being officially enrolled in the military department! What do you think?"



(O_O)




"🎶Oh, no! Oh, no! Oh no, no, no, no!!!Tama ba ang dinig ko? Appoint me?!"
 


"W–wait, sir! What do you mean by appoint me? I appreciate the offer, but I can't." Mabilis kong pagtanggi with matching gestures pa yan para dama niyang ayoko sa ideya niya!



 
"Why?" Dismayado nitong tanong na kinalunok ko na lang. Sa itsura niya kasi ngayon ay bigla kong naalala ang isa sa heneral na close ko noon. Ganiyan kasi ang mukha niya kapag tinatanggihan ko siya sa gusto niyang ipagawa sa'kin. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapangiti sa naisip.
 
 

 
"Sir, I'm sure that if the students know that I am part of the team that will train them, they will definitely cause trouble. I don't want to involve you in that problem, lieutenant." Kunwaring concern ko namang sabi habang nagdarasal na sana ay hindi magkatotoo ang gusto niyang mangyari.



No way! Hindi ko magawang isipin kung ano ang magiging kahahantungan ng lahat kapag napasama ako sa Military Department. Isa pa nasa Research and Innovation Department na ako, kaya bakit ko pa gagawing involve ang sarili ko sa kanila? Atsaka saglit na lang naman akong mananatili sa AIA dahil sa usapan namin ng headmaster.
 
 

 
 
 
"If that's your only concern, then you don't need to worry. You're just going to be one of the people who's going to give ideas for the training and nothing more. In fact, I will ask a different person to handle and act as a leader for the team. He's going to be the person who will train them personally, so there's no need to be afraid." Seryosong sabi niya na kinaguho ng mundo ko.




"Bakit parang handang-handa naman siya?! Sa dating ng pagkakasabi niya ay maiisip mo na matagal na niya 'tong napag-isipan. Wala tuloy akong maisip na palusot para umayaw! Aish!"
 
 

 
 
 
"What if that person ends up being the one who is targeted?" Tanong ko pa na kinatawa niya ng malakas.
 
 
 

 
 
"Hahahaha! They wouldn't dare do that." Confident nitong sabi na kinataas ng kilay ko. Sino naman kaya ang tinutukoy niya?
 
 
 

 
 
"But I will have one week of classes before the event. I can't—" Pagpapalusot ko pa sana na agad niya namang pinutol.
 
 
 

 
 
"Shh! I will handle everything. All you have to do is attend the training with the military team, and everything will be fine." Nakangiti niya na namang sabi na kinainis ko. Sa ngiti niya pa lang alam ko na agad na wala na akong takas dito!
 
 
 

 
 
"Can I decline?"
 
 

 
"No! This is your idea. I don't want to steal your credit as the only person who suggests torture as their training. Hahaha! I'm excited about the students' faces after the announcement." Excited niya ngang sabi habang pumapalakpak pa.




Hindi ko tuloy malaman kung talaga bang kamag-anak niya ang male lead o baka siya ang ampon sa pamilyang Roosevelt?!
 
 
 

 
 
"Okay, it's good." Sabi ko na lang at sumuko na. Wala na akong maisip na ipalusot kaya mabuti pang sakyan ko na lang ang trip niya, tutal masaya rin namang isipin na mapapahirapan ko ang mga gorilyang nobles na 'to!




"Be ready everyone! Hehe!"
 
 

 
"Oh, right! Before I forgot, you need to wear a military uniform to avoid confusion. The department will provide you with a uniform tomorrow when you arrive here. There is no need to worry about the cost."




Tinanguan ko na lang siya nang marinig na kailangan kong pumasok na suot ay ang military uniform nila. Aiya! Matagal-tagal na rin mula ng makasuot ako non kaya hindi ko rin maiwasang matuwa. Heh!



"Okay, thank you, lieutenant. I have to go now." Pagpapaalam ko dito at naunang tumayo sa upuan.
 
 
 

 
 
"Alright, see you tomorrow! The person in charge and the whole team will be introduced to you, so come early." Nakangiti nitong sabi na agad kong tinanguan.
 
 
 

"Yes, sir!" Nakangiti ko ring paalam bago nagbigay ng salute sa kaniya.



Mabilis akong tumalikod at naglakad paalis ng training ground. Ngayon ay halos alas-tres na pala ng hapon. Hindi ko man lang napansin ang oras dahil sa pakikipagkwentuhan kay Lieutenant at pagtingin-tingin sa mga trainee. Hayys!
 


 
Dire-diretso lang ako ng lakad palabas ng department nila. Hindi ko na rin pinapansin ang mga trainee na nakatingin sa'kin. Marahil ay nagtataka lang sila tungkol sa napag-usapan namin ni Lieutenant kaya kung makatingin sila ay dinaig pa ang imbestigador.




Pagkarating ng main gate ng school ay balak ko na sanang maglakad papunta sa parking lot nang mapansin ang nakaparadang kotse sa harapan. Ngunit hindi doon napunta ang atensyon ko, kung hindi sa taong nakasandal sa kulay pulang sports car.




Nakasuot ito ng itim na pants, itim na hoodie, puting sumbrero at sapatos, naka-mask, at naka black shades pa! Sa itsura niya ay para siyang artista na takot makilala ng lahat. Tsk!



Napailing na lang ako at nagsimulang maglakad, pero hindi pa ako nakakalayo ay agad din akong napatigil nang may maalala. Artista ba kamo?!




Shit! Hindi ko alam pero malakas ang kutob ko kung sino ang hinayupak na nag-aalamodel sa entrance ng AIA! Hindi nga ako nagkamali dahil malakas niyang sinigaw ang pangalan ko nang makita niya akong nakatingin sa kaniya.



"Heavenhell!!!" Nakangiti nitong tawag sa'kin habang winawagayway pa ang kamay sa ere.



"Aiya! Kahit mukha siyang baliw sa ginagawa niya ay hindi mo maipagkakaila na gwapo talaga ang walang hiyang animal na 'to!"



Kinalma ko na lang at sarili bago lumapit sa pwesto niya. Mabuti nga at wala pa masiyadong mga estudyante sa labas, dahil kung nagkataon na uwian ngayon ay siguradong makikilala ang lalaking 'to dahil sa boses niya.




Nang makita kong nakababa na ang mask niya ay mabilis na akong naglakad baka may makakita pa sa mukha ng hinayupak. Tsk!



"Bakit ka nandito, young master Lemuel?" Nakangiti kong tanong na akala mo talaga friendly ako sa kaniya. Geez! Kung alam niya lang kung gaano ko siya gustong sapakin ngayon dahil sa pagsigaw sa pangalan ko!




"Ano pa ba sa tingin mo? Syempre nandito ako para sa'yo." Nakangisi niyang sabi na sinimangutan ko lang. Sigurado akong sabog na naman 'to kaya ang lakas ng trip.




"Young master Lemue–" Hindi ko na natapos ang sasabihin nang takpan niya ang bibig ko. What the hell?!




Tumingin siya sa kaliwa't-kanan at talagang nilapit pa ang sarili sa'kin na para bang may pinagtataguan siya. Seryoso lang ang mukha nito na kinaseryoso ko na lang din, baka kasi may kalaban talaga sa paligid.




Nilapit niya ang mukha niya sa'kin at bumulong. Ngunit nang marinig ang sinabi niya ay agad kong pinigilan ang kamao kong dumapo sa mukha niya sa sobrang inis.



"Shhhh ka lang, honey! Baka may makarinig ng pangalan ko tapos agawin pa ako sa'yo. Hahahaha!" Parang ewan niyang sabi na tinaasan ko lang ng kilay. At anong honey ang pinagsasabi ng walang hiyang 'to?!




"D–damn! Kalma lang, Carnelia! Si Lemuel lang yan at wala pa si Clive, kaya maswerte ka pa rin na nag-iisa siya ngayon!"




"Lemuel honey, mas bagay sa'yo ang bee." Nakangiti kong sabi habang tinatapik-tapik nang malakas ang balikat niya. Ngunit sa halip na magreklamo ay lalo pa siyang napangiti sa sinabi ko.




"Bee? Why? Is it because I'm your ba–BEE?" Nakangiti nitong tanong na nginitian ko na lang. Tsk! May pa-baby pa siyang nalalaman! Upakan ko kaya 'to?




"Hindi ganon yon, young master. Mas bagay sa'yo ang BEE kasi mas maingay ka pa sa bubuyog!" Kunwaring inosente kong sabi na kinanguso niya lang. Aiya. Confirmed! May saltik talaga siya ngayon!




"Maingay lang naman ako kapag kasama ka. Pero alam mo ba kung saan ako mas maingay?" Nakangisi nitong tanong na kinakunot ng noo ko.



"Saan naman?"



"Saan pa edi sa ka—Hmmmp!" Bago niya pa matapos ang sasabihin ay agad kong tinakpan ang bibig niya. Shems!




"Tahimik na, young master!" Sabi ko na lang bago tinanggal ang kamay sa bibig niya nang makita na hindi na siya magsasalita. Isang ngisi lang ang pinakawalan niya bago tumawa ng malakas.




"Hahahaha! Ikaw ahh, iba ang iniisip mo! Sa tingin mo ba saan ako mas maingay? Huh? Syempre sa kantahan!" Natatawa pa rin nitong sabi na kinatahimik ko na lang. Halata kasi sa mukha niyang inaasar niya ako ngayon!




"S–shit! Malay ko ba kung saan siya mas maingay! Akala ko sa kama ang sasabihin niya ehh. P–pfft! Ehem! Tigilan mo ang kadumihan ng iyong isip, Carnelia at tayo ang napapahiya dito!"



"Ganon ba? Pero mas masasabi kong mas magaling ako sa'yo sa ka— ayy nevermind, young master." Nakangiti kong sabi na kinakunot ng noo niya. Hehe! Mag-isip siya kung saang "KA" ako mas magaling. Bwahahaha!




"Hey! Anong "Ka", Heavenhell?! Hindi ako papayag na mas magaling ka sa'kin don!" Pangungulit nito na tinawanan ko na lang. Bahala siya diyang mag-overthink!




"Wala lang 'yon, young master! By the way, bakit ka nga ba nagpunta dito?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa kasi kami nakatayo sa entrance ng AIA kaya dumarami na rin ang mga estudyanteng nakakakita sa'min.




Like duh? Sa kulay pa lang ng kotse niya ay agaw-pansin na, paano pa kaya kung may diyosa pang dadagdag diba? Mala-artwork ang labas pwede na sa museum!




"Oh right! Muntik ko nang makalimutan na nandito nga pala ako para yayain ka sa labas." Nakangiti niyang sabi na kinataas na naman ng kilay ko. Yayain sa labas? Para saan naman?!




"Nasa labas na tayo ngayon, pwede na ba 'to?" Kunwaring tanga kong tanong na kinatawa niya ng malakas. Sa sobrang lakas nga ay hindi lang estudyante ang napatingin sa'min pati na rin yung guard!




"Geez! Mukhang may future ka na talaga sa pagiging komedyante, Carnelia! Congratulations!"




"Hahahaha! Oh my god, you're so stupid! I mean—you're cute so it's okay." Sabi niya na halatang pinipigilan pa rin ang matawa. Seryoso? May nakakatawa ba talaga sa sinabi ko o baliw lang talaga siya? Tsk!




Hindi ako nagsalita at tinignan na lang siya ng diretso. Nang mapansin na tahimik lang ako ay agad siyang tumigil sa pagtawa.




"Ehem! Don't be angry, hmm? I'm sorry! Forgive me, Heavenhell! I need you!" Parang tanga niyang sabi na kinakuyom ng kamao ko.




Naiirita na ako sa kaingayan niya pero kailangan ko siyang intindihin dahil mabait ako sa mga taong may kapansanan. Aiya!




"Ano ba kasi ang kailangan mo, young master?" Tanong ko na agad dahil nangangalay na ako sa kakatayo dito sa harap niya. Atsaka nagugutom na ako dahil wala pa akong kain mula kanina.




"Magpapasama sana ako sa mall na mamili ng susuotin ko bukas." Paalam niya sa'kin na nagpapa-cute pa sa harap ko.




"Well, kahit na cute talaga siya sa paningin ko ay hindi dapat tayo nagpapadala sa mga ganiyan. Hmm! Hmm! Tama 'yan, Carnelia! Sa wakas may naisip ka na ring tama!"




"Susuotin bukas, para saan?"




"May live performance ako bukas kaya lang hindi ko alam ang susuotin ko. Tulungan mo ko, Heavenhell! Please?" Patuloy niya pa ring sabi habang magkahawak palad pang nakatingin sa'kin. Sa totoo lang mukha siyang batang cute na baliw sa harap ko.




"Saang station ka naman magpe-perform?" Tanong ko na lang sa kaniya. Actually, interesado akong malaman kung saan para alam ko kung saan ko siya unang isasalang, kapag binigay ko na sa kaniya yung naisip kong kanta.




"Hehe! Excited na akong makita ang ekspresyon ng mga tao kapag narinig nila yung kanta. Siguradong mapababae o lalaki ay magugulat doon. Nyahahaha! Good luck, Lemuel!"




"Doon ako magpe-perform sa SML Station." Seryoso nitong sabi na kinatango ko na lang. SML? As in...




"Share mo lang?" tanong ko na pinagtaka niya.




"Tinatanong mo ko, honey, kaya kita sinagot." Nakangiti niya nang sabi bago kumindat pa sa'kin. Tsk! Ang landi nito ngayon porket may kailangan siya. Asus!




"Oh sige, sasamahan kita pero sa isang kondisyon!" Pa-inosente kong sabi habang pinipigilan ang matawa. Shit! Delikado ako sa iniisip ko pero minsanan lang naman!




"Okay! Ano ba yon?" Game na game niyang tanong na parang kaya niyang gawin kung ano man ang sabihin ko. 




"Okay–pfft! Ehem! Ka–kapag sinabi kong "who let the dogs out?" Sasabihin mo lang, "woof! woof! woof! woof! woof!" Dapat with tone ha! Ge–gets mo ba?" Pigil tawa kong sabi nang makita ko ang nakakunot nitong noo.




"O–oh my gosh! Kinakabahan ako sa pantitrip dito kay Lemuel pero laughtrip talaga kapag naiisip kong gagawin niya 'to. Hahahahaha! Isang tawa muna bago ako mamatay!"




"It doesn't sounds right." Nakakunot pa rin nitong sabi na kinatawa ko na lang ng mahina. Shit! Natatawa talaga ako!



"A–ano ka ba, young master? Singer tayo dito kaya dapat with nice harmony with a touch of growl sound ang gagawin mo. You know a professional singer should sing any song with passion!" Pagkumbinsi ko pa sa kaniya.




"Okay, ulitin mo. Dapat makita ko ang passion mo sa pagkanta." Seryoso niyang sabi na kinatigil ko. Bakit parang na-back to you ako ng animal na 'to?



"Well, hayaan mo na, Carnelia! Tutal sanay ka na namang mapahiya, pero siya once in a lifetime mo lang maririnig na magtunog aso! That's right! You have a nice mentality there, bruha! Hehe!"




"Okay! Watch and learn, young master. Dapat mag-solo ka pagkatapos ko ahh! *Light coughs* Ehem! Ehem! 🎶Who let the dogs out? woof woof, woof, woof, woof! Who let the dogs out?! Woof, woof, woof, woof, woof!" Nang matapos ko ang pagkanta ay napatingin na lang ako nang marinig ang mahinang pagtawa ni Lemuel sa harap ko.



"Happy?" Nakataas kilay kong tanong na kinatango niya.



"Yeah! It's a wonderful performance! You made me happy! But you sound like a dog, a cute dog!" Namamangha niyang sabi habang pumapalakpak pa sa harap ko na halata mong nang-aasar lang.



"Hinga, Carnelia! Kalma ka lang dahil hindi ka papayag na hindi makaganti sa animal na 'to!"




"It's your turn, young master!" Nakangiti kong sabi na kinatigil niya. Nakita ko rin ang paglunok nito na kinangisi ko na lang. Haha! Akala niya siguro makatakas siya sa'kin? No way!



"Pwe–pwedeng iba na lang?" Nakanguso niyang sabi na agad kong inilingan.




"No! Ang usapan ay usapan at ayoko sa mga sinungaling!" Seryoso kong sabi na lalo niyang kinanguso.




"F–fine! But my image–Hah! Siguraduhin mong sa'kin ka buong araw, Heavenhell!" Naiinis nitong sabi na tinanguan ko na lang. Aba'y wala akong pake basta marinig ko lang siyang kantahin 'yon ay masaya na ako. Hehe!




Isipin ko pa lang na napakanta ko ng ganoong kanta ang isa sa mga male characters ay napakalaking achievement na non no! Kaya naman para sa isang araw na pagsama sa baliw, kapalit ng isang pagkakataong mapagtripan siya ay panalong-panalo na 'ko! *Evil laughs*



"Whatever you say, bee!" Mataray kong sabi habang pinipigilan ang matawa. Paano ba naman sa itsura niya ay parang may gagawin siyang na "life threatening" na bagay. Aiya!




"Ehem! I'll start now so don't laugh at me!" Seryoso niyang sabi na tinanguan ko na lang. S–shit! Wala pa siyang ginagawa ay natatawa na 'ko!




"E–ehem! Pigilan mong matawa, Carnelia at baka sa inis niya ay masuntok ka niya bigla! Hehe!"



"🎶W–who..."



"P–pfftt! Ehem!"



Bigla akong napatakip ng bibig nang makitang napatigil siya sa pagkanta dahil sa pagtawa ko. Shems!


 
"Don't laugh! This is so difficult! I feel like this is the hardest song I've encountered in my life!" Seryoso niyang sabi na muntik ko na ulit ikatawa.




Hayys! Feeling ko mamamatay ako sa pagpipigil ng tawa sa itsura niya! Kasi naman halatang napipilitan lang siyang kumanta kaya lalong nakakatawa kapag iisipin.
 

 
"Ha–hardest? Okay, I understand. You may start over." Kunwaring kalmado kong tanong atsaka binanggit ang exact value ng pi sa utak para hindi matawa.
 


 

"Ehem! Here I go! 🎶 W–who let the dogs out? Woof, woof, woof, woof, woof! Who let the dogs out?! Woof woof, woof, woof, woof! Done!" Nakasimangot niyang sabi habang mahahalata mo sa mukha niya na nakahinga na siya ng maluwag.



"P–pfft! Para siyang na-trauma na hindi ko maintindihan. Nyahahaha! Sa wakas nakaganti na rin ako kahit papaano sa pagpapahiya niya kay Heavenhell sa nobela. Heh!"



"Okay, huwag ka nang sumimangot dahil sasamahan na kita. Basta libre mo ko ahh!" Nakangiti kong sabi nang makitang inangat niya na ang paningin. Nakasimangot kasi siyang yumuko kanina at nagdadrama.



"Okay, let's go!" Nakangiti niya na ulit na sabi na parang batang pinagbigyan sa kaniyang gusto.




"Aish! Napapansin ko lately na napapaligiran ako ng mga characters na kung umasta ay daig pa si Cabell sa pagiging bata ehh. Lahat na yata sila nagkakaroon ng defects kung minsan kaya ganon!"




Pumasok na lang kami sa kotse niya at hinayaan ang baliw sa driver seat. Siya raw ang nagmamaneho dahil isa daw siyang gentleman. Hinayaan ko na lang din dahil nagugutom na ako at baka kung ano pang masabi ko.




"Heavenhell, are you hungry?" Tanong niya sa'kin habang nasa daanan pa rin ang tingin.




"Yeah, super duper hungry!" Agad kong sagot. Syempre hindi na ako aarteng busog no! Baka mamaya sa kaka-arte ko dito ay talagang unahin namin ang pamimili ng damit niya kaysa kumain!




"Just wait for a while, okay?" Nakangiti niyang sabi na agad kong tinanguan.




Tutal mabait siya sa'kin ngayon ay wala akong rason para sungitan pa siya. Basta ba ilibre niya lang ako ay ayos na ayos na akong samahan siya!



Makalipas ang halos kalahating oras na pagmamaneho niya ay nakarating na rin kami sa isa sa pinaka malaking mall sa capital. Actually, sila ang nagmamay-ari nito kaya siguro dito siya nagbalak mamili.




"Welcome to our mall, honey!" Masaya niyang sabi nang pagbuksan niya ako ng pinto.




"Young master, tigilan mo ko sa kaka-honey mo. May daddy na ako kaya lagot ka kapag narinig ka niya!" Naiiling kong sabi habang nakangiting nakatingin sa kaniya. Mukha kasi siyang natigilan na parang nag-iisip. Aiya! Masiyado niya namang sineryoso yung joke ko!




"Well, yeah, pero wala naman siya dito kaya okay lang. Hahahaha!" Sabi pa niya na kinailing ko na lang. Bahala na siya sa buhay niya at wala akong oras para intindihin pa ang takbo ng kaniyang pag-iisip.




"Isuot mo ang mask mo, young master. Baka gusto mong makuhanan ng camera?" Sabi ko habang tumitingin-tingin sa paligid.




In fairness naman at talagang malaki ang mall na 'to. Sa tantsa ko ay may lima siyang palapag at malawak din ang espasyo. Puro glass din at nagkikinangang mga chandelier sa loob ang unang bubungad sa'yo mula dito sa labas. Talaga nga namang pang-high class ang desenyo na mahihiya kang pumasok nang hindi ka nakaporma!




"Let's go, Heavenhell!" Yaya niya sa'kin at nauna na sa paglalakad.



Sinundan ko na lang siya habang hindi na pinapansin ang tinginan ng mga tao dito kay Lemuel. Sa itsura niya ba naman ngayon, sino ang hindi titingin diba?




Kahit kasi halos nakatalukbong na siya ay ma-appeal pa rin ang hinayupak. Idagdag mo pa na kung maglakad siya ngayon ay dinaig niya pa ang model sa runway.




"Yan tuloy pati sa'kin ay napapatingin din sila! Aiya! Ang hirap pala kapag may kasama kang gwapo sa mall, dahil nagmumukha kang mang-aagaw ng boyfriend. Kung makatingin kasi ang mga babae sa'kin akala mo inagaw ko sa kanila si Lemuel!"



"Hoy, Lemuel!" Mahina kong tawag sa kaniya hanggang sa nagulat na lang ako nang huminto siya sa paglalakad na parang hinihintay niya ako. At nang magkatabi na nga kami ay tsaka niya ako sinabayan sa paglalakad na kinagulat lalo ng mga babaeng.




Hehe! Kakaiba rin talaga ang appeal ng mga male characters sa mga tao ahh! Pati nga mga lalaki ay napapalingon dito kay Lemuel dahil sa tangkad nito. Mabuti na nga lang ay matangkad na ang height ni Heavenhell sa babae dahil kung hindi ay naku!



"Like duh? Ayoko ngang mapagkamalang nakababatang kapatid ng mga kapreng male leads!"



"Saan mo gustong kumain?" Biglang tanong ni Lemuel na kinaputol ng pag-iisip ko.



"Ikaw na mamili." Sagot ko na lang habang tumitingin-tingin sa mga boutique at stores sa loob.



"Okay! May alam akong masarap na restaurant sigurado akong magugustuhan mo don." sabi pa niya.



Kahit na naka-mask siya ngayon ay alam kong nakangiti siya dahil sa mga mata niya. Masiyadong expressive ang mga mata niya na hindi mo aakalain na masamang tao siya.



"Here! We're here at Pow Tang in a Dine restaurant!" Nakangiti nitong sabi habang ako ay napanganga na lang sa narinig.



"A–ano raw? Putang ina day restaurant?! Nabingi ba ako o talagang tunog mura ang pangalan ng kainan na 'to?"



Agad akong napatingin sa pangalan ng restaurant dahil sa narinig. M–my gosh! It's Pow Tang in a Dine! P–pfft! Ehem! Konti na lang talaga mababaliw na ako sa pinagpapangalan ng author ng nobela sa mga extra details ng libro!



Like seriously?! So, who is that Pow Tang in a dine, huh? Aish. Napailing na lang ako sa naiisip at sinundan na si Lemuel na iniwan na pala ako sa labas. Nang makita ko siya ay agad akong lumapit sa kaniya na may kausap na manager yata ng restaurant. Isa pa 'tong rich kid ehh!



"Follow me to your room, young master and young lady." Magalang na sabi ng manager at naunang naglakad sa'min papunta kuno sa VIP room.




Pagkapasok namin sa loob ay hindi ko maiwasang mamangha sa sobrang gara ng desenyo sa bawat sulok ng kwarto. May lamesa at dalawang upuan sa gitna na mala candlelight dinner ang dating. Hindi ko tuloy maintindihan kung bakit mukhang mag-jowa ang kakain dito sa kwartong napuntahan namin.




"Geez! Noon nababasa ko lang 'to sa mga nobela ahh! Tignan mo nga naman ang tadhana at yung hindi mo pa ka-close ang magdadala sa'yo dito!"




"Masiyado ka bang kinilig para matulala diyan?" Biglang tanong ni Lemuel na kinawala ng imagination ko.




"Kung hindi ka nagsalita malamang kinilig ako." Seryoso kong sabi na kinatawa niya lang.




Pumasok kaming dalawa sa loob at agad na umupo sa upuan. Nagugutom na nga ako kaya wala na akong pakialam sa itsura ng lugar. Ang importante ay makakain na ako bago ko malapa 'tong si Lemuel na nakapangalumbaba na sa harap ko.




"What do you want to eat?" Nakangiti niyang tanong habang nasa baba nito ang kamay niya.



"Ikaw na rin ang magdesisyon dahil ikaw naman ang magbabayad." Sabi ko sa kaniya at tinignan siyang pumili ng kakainin.




Actually, hindi talaga ako pamilyar sa mga lasa ng pagkaing nakasulat sa menu kaya siya na lang ang bahalang pumili.



"May allergy ka?" Tanong nito na agad ko namang inilingan.




Mabilis niyang inorder ang mga pagkain sa manager na nag-ala waiter ngayon sa harap ni Lemuel. Syempre anak ng boss ng mall na kinatatayuan ng restaurant nila ang nasa harap niya, kaya takot lang nila kapag nagalit ang baliw na 'to.




Nang lumabas na yung manager ay agad ko na akong nagtanong sa kaniya. Curious lang talaga ako sa kung ano talaga ang tunay na pakay niya at nandito siya para pagtripan ako. Like hello? Si Lemuel na sobra din ang yaman ay walang stylists? Sinong niloko niya?




"Young master, ano talaga ang trip mo at naisipan mo kong gambalain–este isama ngayon?" Pilit ngiti kong tanong nang makita kong napangisi siya.




"Hmm... Ano pa bang dahilan bukod sa napag-usapan nating kanta na gagawin mo para sa'kin? Kailangan ko na kasing maglabas ng new single ngayong buwan. Tapos next month pa ang paglabas ng whole album na isusulat ko. Kaya naman naisipan ko na sa'yo ko kukunin ang single na ipeperform this month!" Nakangiti niyang sabi na halatang excited sa mangyayari ngayong buwan kuno.




"Ibig mong sabihin ay sa'kin mo kukunin yung kanta mo na kailangan mong i-release ngayong buwan?" Paniniguro ko na lang na agad niyang tinanguan.




"O–oh my! Mukhang mapapaaga ang pa-surprise Pangaea plan ko dahil sa sinabi ng animal. Aiya. Tignan mo nga naman at minsan ay sinuswerte din ako kahit papaano."




Magandang balita 'yon para sa'kin dahil wala pa ang female lead ng mga araw na 'yon. Hindi naman siguro magkakaroon ng problema kung ipapakanta ko kay Lemuel ang isa sa mga secret favorite song ko. Hehe!




"Okay, akong bahala sa'yo, young master! Gagawin kitang pinakasikat na performer hindi lang sa Atlante kung hindi sa buong Pangaea!" Nakangiti kong sabi na kinangiti niya rin ng malawak.




"Hayys. Lahat na lang ng male lead mga gwapo! Wala akong maisip na pwedeng itapon dahil sa mga characteristics nilang iba-iba. Kawawang Lilian dahil siguradong mahihirapan siya sa pagpili  sa kanila ng kaniyang "the one and only."




"Aasahan ko 'yang sinabi mo, honey." Malambing nitong sabi na kinatayo ng balahibo ko. Y–yuck! Bakit may nakakatiis na tawaging sila sa mga ganiyang call sign? Uso ba talaga yon?




"Ayoko ng honey, ang gusto ko lang si daddy." Nakangiti kong sabi na tinawanan niya lang.




"You're funny, Heavenhell!" Naiiling nitong sabi na pasimple ko na lang na  tinarayan.




Hindi rin naman nagtagal ay dumating na rin yung mga inorder niyang pagkain. Sa itsura ng mga 'to ay masasabi kong mukha naman silang masarap.




"Eat what you want, honey, since it's my treat." Pang-aasar na naman ng ulaga.




"Okay!" Masaya kong sabi at inumpisahan na ang pagkain. Tinikman ko isa-isa ang mga nasa lamesa, hanggang sa napansin ko na lang na pati pala yung pagkaing kinakain niya ay natusukan ko na rin ng tinidor.




"I'm sorry..." Nahihiya kong sabi na kinangiti niya lang. Mukha ngang mas natuwa siya base sa mga mata niyang nakatingin sa'kin ngayon.




"It's okay. I don't mind sharing my food with you." Sabi pa niya na kinangiti ko. In fairness, nakikita kong sincere siya sa sinabi niyang ayos lang sa kaniya!




"Mukhang bumabait si Lemuel ng iilang porsyento. Siguro naman hindi na siya magtatanim ng loob sa'kin kapag dumating na si Lilian no? Aish."




Hindi na kami nagkibuan at tinapos na lang ang pagkain. Kailangan pa naming mamili ng damit niya para kuno sa performance niya bukas. Mag-aala sais na rin kasi ng gabi kaya dapat makapili na kami bago pa dumilim.




"Young master, ano bang klaseng kanta ang kakantahin mo? Mabuting alam natin ang style ng song para maibagay sa susuotin mo bukas." Panimula ko nang makalabas na kami sa restaurant.




Nagbayad na rin naman siya gamit ang kaniyang black card na talaga namang pinagtingin ng mga customers. Sino ba kasing mag-aakala na ang tao na nakasuot ng simpleng jeans at hoodie ay may black card na hawak diba?




"Rock song." Maikli niyang sagot na kinatango ko. So, rock song ang kanta niya, huh?




Sa tingin ko dapat medyo bad boy style ang suotin niya bukas para nakakalakas ng dating sa audience. Isa pa ang gwapo ng animal kaya kahit siguro sako ang ipasuot mo dito ay bagay pa rin sa kaniya. Tsk!




"Doon tayo sa Po–pogika?!" Gulat kong sabi habang nakatingin sa brand ng mga damit.




Hindi na ako magtataka kung bakit puro panlalaking damit lang ang binibenta dito, kasi nga pogi siya, pogi sila, at POGIKA! D–damn! Wala bang Bench at Jag dito?!




"Ayos ka lang? Hindi mo ba gusto sa PogiKa?" Nagtataka niyang tanong nang makitang natigilan ako sa harap ng store.





"I'm fine. Dito na rin tayo bumili, tutal bagay naman sa'yo ang pangalan ng damit." Sabi ko na lang atsaka siya hinila papasok. Natigilan kasi siya saglit sa hindi ko malamang dahilan kaya kailangan ko na siyang hilain.




Naglakad ako papunta doon sa mannequin na may suot na black pants at black leather jacket. Sa loob noon ay simpleng white t-shirt lang, pero kahit ganon ay hindi 'yon nakawala ng angas. Siguradong bagay 'to kay Lemuel lalo na maputi siya at may maganda ring katawan.




"Hey, miss!" Tawag ko sa sales lady na parang espasol na nabuhusan ng pulbo dahil sa itsura nito. Aiya.




"Magandang gabi, milady. Anong kailangan nila?" Mataray nitong tanong na kinataas ng kilay ko. Hindi na nga maganda tapos ang arte pa?!




"Tanggalin mo nga 'to sa mannequin nang masukat ng kasama ko. Ayokong may gusot kaya magdahan-dahan ka sa pagtanggal. Atsaka pakisiguro mo rin na naglagay ka ng sanitizer sa kamay bago mo hawakan ang damit, baka malagyan ng germs tapos malipat pa sa susuot. Thank you." Maarte ko ring utos sa kaniya na kinagulat niya at kinatahimik ng ibang sales lady na nasa malapit.




"Heh! Akala niya siguro mabait ako, pwes diyan siya nagkakamali!"




"Y–yes, ma'am!" Natataranta nitong sabi na kinatango ko na lang. Mabuti naman at alam niyang mapapahiya siya sa'kin kapag tinuloy niya pa ang pagiging maarte sa harap ko. Tsk!




"You're cool, Heavenhell." Dinig kong bulong sa'kin ni Lemuel na nasa likod ko ngayon habang nakahawak sa balikat ko ang kamay niya.




"Hahaha! Mukha na ba akong mataray?" Kunwaring mabait kong tanong sa kaniya habang nasa likod ko pa rin siya.




"Yeah! You acted so well!" Natatawang sabi niya na kinatawa ko na lang din. Kunwari nga daw ay natuwa ako sa papuri niya, kaya tamang acting lang para hindi na ulit matawag na sinungaling tulad ni Vile!




Dumating ang na rin ang sales lady dala-dala ang mga damit kaya agad ko itong kinuha at inabot kay Lemuel.




"Sukatin mo kung komportable ka, young master."



"Okay." Nakangiti niyang sabi bago pumasok sa changing room.




Habang naghihintay ay umupo muna ako sa malapit na sofa na katapat lang ng changing room na pinasukan ni Lemuel. Sa itsura ko siguro ngayon ay mukhang ako yung boyfriend na hinihintay na lumabas ang girlfriend niya. Aiya!




Makalipas lang ang ilang sandali ay lumabas na rin si Lemuel sa loob. Halos manlaki nga ang mata ko sa gulat nang makita kung gaano kabagay sa animal ang suot niya. Mukha na siyang tunay na vocalist ng isang rock band.




Ang maganda nga lang ay hindi siya nagmukhang adik, sa halip ay mas lalo pa siyang naging astig tignan. Maganda naman kasi talaga ang katawan ni Lemuel, kaya kapag nabasa siya ng pawis sa performance niya ay siguradong maaaninag mo ang abs nyang tinatago.




Medyo may kanipisan kasi ang tela ng t-shirt kaya ganon. Well, hindi na rin masama dahil sa panahon ngayon ay katawan niya ang isa sa lalong magpaparami ng fans niya sa buong mundo.




"Aiya! Mga babae talaga, minsan may pagkamanyak din ang utak ehh."




"Is this okay?" Nakanguso niyang tanong habang nakatingin sa'kin.




"Yeah, you're handsome." Sabi ko na lang habang naka-thumbs up pa. Ayoko naman kasing magsinungaling na hindi bagay sa kaniya kahit na ang totoo ay bagay na bagay diba?




"Thank you!" Nakangiti nitong sabi bago nagpalit na ulit ng damit. Bibilhin na daw niya dahil sinabihan ko raw siyang gwapo sa damit na 'yon. Aish. Siraulo talaga.




Nang matapos na ako sa pamimili ng iilang mga damit na babagay sa kaniya ay nagbayad na rin siya sa wakas. Gusto ko na kasing umuwi dahil ala-siyete na rin ng gabi at medyo napagod ako ngayong araw.




"Heavenhell, sigurado ka bang wala kang gusto? Magturo ka lang na kahit na ano tapos ako nang bahala sa babayaran." Pangungulit niya pa rin sa'kin hanggang sa makarating kami sa parking lot.



"Actually, kanina niya pa ako kinukulit na mamili sa mga nadadaanan naming stores pero hindi ko ginagawa dahil trip ko lang. Kaya naman ngayon ay nagdadrama ang bata."




"Wala nga akong gusto kaya ayos lang, young master." sagot ko na lang atsaka nagpokus na sa daan.




Nang matanaw na namin ang kotse ni Lemuel sa hindi kalayuan ay doon naman ako nakaramdam ng kakaiba sa paligid. Sigurado rin ako na naramdaman din 'yon ng animal dahil sa mahina nitong pagsipol.




Hindi nga ako nagkamali dahil isa-isang naglabasan ang mga lalaki na nakasuot ng iba't-ibang kulay ng damit at may hawak na mga pamalo.




Napahinga tuloy ako ng malalim nang makitang hindi sila miyembro ng kahit na anong mafia organization. Ibig sabihin non ay simpleng mga gangster lang 'tong nasa harap namin.




"Stay behind me, Heavenhell." Dinig kong sabi ni Lemuel na kinabalik ko sa ulirat.




"Hahahaha! Ang sweet naman ni lover boy! Baka gusto mo namang ibigay na sa'min yang babae mo, boy?" Sabi ng isang mukhang inodoro.




"Oo nga! Huwag kang mag-alala kasi aalagaan naman namin siya. Hahahaha!" Sabi namn ng mukhang tae sa kanila.



"No way." Seryosong sabi ni Lemuel at tinago ako sa likod niya.



"Aba'y matapang ang batang 'to at talagang sinusubukan ang pasensya natin ahh!"



"Bakit hindi na natin sya unahin tapos tsaka natin kunin ang babae?"



"Oh sige! Unahin na lang naging patayin ang lalaki atsaka nating siya kukunin!"




Sasamaan ko na sana sila ng tingin nang maramdaman ang pagbabago ng mood ni Lemuel. M–my gosh! Nagagalit ba siya sa mga lalaking nasa harap namin?




"You're dead." Malamig na sabi ni Lemuel na kinalunok ko.




Mukha rin namang kinabahan yung mga lalaki dahil sa nangyari. Ekspresyon pa lang ni Lemuel ay  seryosong-seryoso na para bang papatayin talaga sila nito kapag hindi pa sila tumakas.



"Wa–wait! Hindi na kami makikipagtalo at–"




*BANG!*




Gulat ang rumehistro sa mukha ng mga lalaki nang bumagsak sa sahig ang katawan ng isa sa kanila na wala ng buhay. Takot at kaba ang nararamdaman nila nang makita nila kung paano nito patayin isa-isa ang kanilang tauhan at umarte na parang walang nangyari.




"S–stop!"




*BANG!*



*BANG!*



*BANG!*



Napangiti na lang ako sa nakikitang live performance ng isa sa mga male lead ng nobela. Mabilis niyang kinakasa at pinuputok ang baril nito. Ngunit ang nakakamangha pa don ay hindi niya binibigyan ng panahon na makapag-isip ang kalaban niya.




Ibig sabihin ay napakagaling niya sa paghawak ng baril. Aiya! Nakakapanghinayang tuloy na natapos agad ang laban nang walang thrill. Bakit naman kasi ang hihina ng mga gangster na 'to at wala man lang may hawak ng baril sa kanila kahit isa?!



"Tsk! Mga wirdo!"



Nang bumagsak na lahat ng kalaban ay agad na humarap sa'kin si Lemuel at chineck kung may sugat ako o wala.




"Are you scared? I'm sorry about this." Paumanhin nito na halata mo sa mata na talagang sincere siya. Kaya naman wala akong nagawa kung hindi ang nginitian na lang siya.




"Aiya! Kahit gusto ko siyang tanungin kung bakit ang bilis niyang pinatay ang mga kalaban ay hindi naman pwede! Baka mapagkamalan pa akong lunatic at hibang dahil doon."




"I'm fine. Let's go home, young master." Kunwaring nanghihina kong sabi na agad niyang sinunod. Mabilis siyang lumapit sa'kin at inalalayan ako papunta sa kotse niya.




Buong biyahe ay tahimik lang kami at di ko rin namang trip na magsalita dahil inaantok na talaga ako. Atsaka wala akong lakas na makipag-kwentuhan ngayong gabi na.





Nang makarating kami sa tapat ng mansyon ay mabilis akong bumaba bago kumaway sa kaniya.




"Young master, thank you! Take care!" Nakangiti kong sabi bago naglakad papasok ng mansyon.




Dire-diretso lang ako ng lakad at hindi na pinansin ang mga tinginan at bulungan. Pagod ang utak ko ngayon kaya hindi ko muna sila sasakyan sa trip nila.




Pagkarating ko sa kwarto ay agad akong humiga sa kama hanggang sa maramdaman na bumagsak na ang talukap ng mga mata ko.




***



Ngayon ay umaga na at kasalukuyan akong nakaharap sa full length mirror. Suot-suot ang military uniform na binigay sa'kin kanina ay handa na akong harapin ang bagong team na makakasama ko sa buong linggong pananatili ko dito.




Ang uniform ko ngayon ay plain green lang ang design dahil ganito talaga ang uniporme ng mga trainee sa AIA. Maliban na lang sa mga officials na naka-camouflage military uniform.



Pagkalabas ko ay agad na sumalubong sa'kin si Lieutenant na nagniningning na naman ang mga mata.



"Wow! You look so good in that uniform, Lady Caventry!" Papuri niya sa'kin na nginitian ko na lang. Well, kahit na alam ko na naman na maganda ako ay mas maganda pa rin kung may magsasabi. Hehe! Ang kapal ng mukha ehh! 
 


 
"Thank you, sir." 



Umupo nalang ako sa sofa na malapit sa table ni Lieutenant. Nandito kasi kami ngayon sa opisina niya dahil hihintayin daw muna namin yung tatayong head ng team. Pagkatapos ay tsaka kami pupunta sa meeting place kung nasaan ang iba pa namin makakasama.



"Oh, yeah, the person who'll be your partner is coming now, so wait for him a little." Paalala ulit ni Lieutenant.


"Te–teka! Anong partner ang pinagsasabi niya ganoong wala akong naalala sa usapan namin na by partner pala ang kailangan!"
 


 
"My partner? You mean the person who will act as a leader for a week?" Kalmado ko pa ring tanong kahit na kinakabahan na ako sa loob-loob ko.
 


 
"That's right! I bet you know him." Nakangiti niyang sabi na kinataray ko na lang sa isip ko.


"May nararamdaman akong problema na paparating na gugulo sa buong linggo ko! Shocks!"


 
"My apologies for being late, Lieutenant."
 


Isang malamig na boses ang pumalibot sa buong opisina na kinatindig ng balahibo ko. Sh–shit! That voice... Sounds so fucking familiar!




"No, it's okay. It's our department's honor to have you here." Dinig kong sabi ni Lieutenant habang ako ay nanatiling nakayuko.
 



"I–I don't want to accept this! Can I go home?!"


 
"Oh, by the way, this is your partner, Lady Caventry. Please take care of her, Mr. Gideon."
 


(O_O)




A–Ano raw?



"Gi–Gideon? As in, Javier?!"
 
 
 

________________________________________

Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...