Hired to Protect

By trulyyourxx

19.3K 747 119

"Love me now and I'll protect you forever" When you love someone, kaya mong ibigay ang lahat. Kahit buhay man... More

Author's Note
1
3
4
5
6
7
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
36
37
38
Note
39
40
41
42
Finale
Author's Message

2

623 27 2
By trulyyourxx

Div's POV

It's 6 in the morning at naisipan kong pumunta dito sa café malapit sa condo ko. Actually ito na ang daily routine ko. Simula kasi nung nag resign ako sa trabaho ko 2 months ago dito sa Australia, wala na akong ibang ginawa kundi ang tumambay at magliwaliw.

Habang nakatanaw sa nag tataasang building ay nakita ko naman si Vinny na kumakaway sakin, kaya kumaway din ako sa kaniya.

Maya maya pa ay pumasok siya sa café.

"Good morning ate Div"

"Good morning too"

"You're early ah"

"Yeah! This is my daily routine"

"Talaga ba?"

"Yeah"

Nag order din siya ng makakain niya at saka umupo.

"So.. how's your vacation here?"

"Happy and nag eenjoy. Kahit papano naranasan namin ang private life"

"Private life?"

"You don't know ate?"

I look at him and he seems confused.

"Uhm... I don't know what?" pati ako na confuse na din

"It means you don't know me?"


"Of course I know you"

Nagliwanag naman bigla ang mukha niya.

"Diba ikaw pa nga unang nagpakilala sakin e"

Bigla naman siyang sumimangot.

Wait.

May nasabi ba akong mali?

"I-Is there something wrong?"

"You don't know the real me.. don't you?"

"Wait! I'm confused! The real you?? What do you mean?"

"Hay nako ate! Malalaman mo din once na bumalik ka na sa Philippines" sabi niya sabay higop sa inorder niyang kape

"By the way! Ilang araw na tayong magkakilala pero hindi ka pa nagkukwento about yourself ah" dagdag niya

"Ano bang gusto mong malaman?"

"About you.. why are you here? What is your business here?"

"I'm here for almost 5 years. Pumunta ako dito after my parents died"

"Aww I'm sorry I didn't mean to--"

"It's okay Vinny.. Wala akong business dito. I resigned 2 months ago. Pero sa Philippines merong naiwan na business si mommy. She's a doctor and meron kaming sariling hospital sa Manila" ngumiti ako sakaniya

"How about your dad? What's his work before?"

"He's a soldier"

"Ahh.. I'm sorry ate"

"It's okay ano ka ba! Ikaw naman, anong trabaho ng parents mo?"

Nakatitig lang siya sakin na para bang inoobserbahan ang buong pagkatao ko.

"You really don't know?"

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" napairap na lang ako sakaniya at natawa naman siya

"Okay okay chill! Hahaha"

"So ano nga?"

"My mom is a lawyer and my dad is the--"

"Vinny!"

Napalingon kami sa tumawag. At hindi nga ako nagkamali, ang tumawag sakaniya ay yung masungit niyang kapatid na para bang binagsakan ng langit at lupa ang mukha.

Anong problema nito?? Ang aga aga nakasimangot!

Ang sungit talaga!

"Kuya what are you doing here?"

"Hinahanap ka na nila mom"

Bigla siyang tumingin sakin at muli niyang ibinaling ang tingin kay Vinny.

"Go home" he said at saka umalis

Problema nun??

"Ate pagpasensyahan mo na si kuya ha. Marami kasi yun iniisip ngayon e"

"It's okay Vinny"

"Mauuna na ako sayo ate Div. See you around"

Tumango na lang ako at tuluyan na siyang umalis.

May kakaiba sa kapatid niya. Feeling ko hindi naman talaga siya masungit e. Sabi nga ni Vinny marami lang daw iniisip.

Teka! Bakit ko ba iniisip 'to??

Ano naman pakialam ko dun diba?

Hay nako Divonne! Stop it!

Napailing na lang ako sa mga naiisip ko.







---

Sandro's POV

Nandito na ako sa airport and I texted Vinny to fetch me here. I really need to relax kahit sandali lang kasi sobrang toxic na ng mga nangyayare sa Pinas. I also deactivate my accounts on socmed. I just want to relax before ako maupo as Congressman.

After a couple of minutes dumating na si Vinny at bumyahe na rin kami papunta sa condo.

Pagkababa namin ay agad lumakad ng mabilis si Vinny.

"Vinny wait!" sigaw ko pero hindi niya ako pinansin

Anong nanyare dun?

Nakita ko naman na may nilapitan siyang babae.

Pinakilala siya sakin ni Vinny pero hindi ko ito pinansin. Wala ako sa mood ngayon para mag entertain.

Nakita ko naman na hindi pa sila pumapasok sa elevator.

"Magkukwentuhan na lang ba kayo dyan?"

Tsk!

Dali dali naman silang pumasok sa elevator.

Pagod ako sa byahe pati na rin sa mga nababasa ko sa socmed kaya wala ako sa mood.

Pagdating sa unit ay agad naman akong sinalubong ni mommy at ni pops.

"Hey anak! How are you?"

"Okay lang naman Mom. But it's too toxic na kasi"

"Halika anak magpahinga ka muna. Kalimutan mo muna lahat sa Pinas. Magrelax ka muna dito kahit saglit lang" Pops said at saka ako inakbayan.

"Pahinga po muna ako"

"Sige anak"

Pumasok na ako sa kwarto ko at saka nahiga.

"I need peace of mind" bulong ko












I woke up early. Pagtingin ko sa orasan it's 6 in the morning.

Lumabas na ako sa kwarto at nakita ko si Pops na nakaupo sa sala while drinking his coffee.

"Where's Mom and Vinny?"

"Your Mom went to the grocery, si Vinny naman pupunta lang daw siya dyan sa may café"

Maya maya pa ay dumating na si Mom.

"Where's Vinny?"

"Nasa café daw sabi ni Pops"

"Tawagin mo na kasi sobrang lamig sa labas"

"Okay Mom"

Kinuha ko lang yung jacket ko at saka bumaba.

Habang papalapit ako sa café ay nakita ko naman si Vinny na may kausap na babae. Kung hindi ako nagkakamali ay siya yung pinakilala ni Vinny sakin kagabi.

Pagkapasok ko sa café ay agad ko siyang tinawag.

"Vinny!"

Napalingon silang dalawa sakin.

"Kuya what are you doing here?"

"Hinahanap ka na nila mom"

Napatingin ako sa kasama niya. I admit, she's pretty. Napakasimple niya lang, she's not wearing any make up that's why lumabas ang true beauty niya.

Agad naman akong umiwas ng tingin kasi nakatitig lang din siya sakin.

"Go home" sabi ko sabay alis

Napansin ko naman na sumunod kaagad si Vinny. Pumasok na ako sa elevator at ganon din naman ang ginawa niya.

"Kuya what's your problem? Kagabi ka pa!"

"What?"

"Bakit ganon ka kay ate Div? Palagi mo na lang siyang sinusungitan"

"I don't have time for this Vinny. Pumunta ako dito para mag relax"

Pagbukas ng elevator ay agad akong lumabas. Pagkapasok ko sa unit ay dumiretso lang ako sa kwarto ko para magpalit.

Pagkatapos ay lumabas na ako at naabutan ko naman si Vinny na nakaupo sa sofa habang nanunuod sa TV.




--

Vincent's POV

Nandito ako ngayon nakaupo sa sofa habang nanunuod, naiinis pa rin ako kay Kuya. Bakit ba ganon siya kay ate Div? Wala naman ginagawa sakaniya yung tao, ang sungit sungit niya. Tsk!

"Vinny"

Tawag sakin ni kuya habang papaupo sa sofa.

Hindi ko siya pinansin. Bahala ka dyan!

"Hey! I'm sorry okay?"

Nilingon ko siya at ibinaling kong muli ang tingin sa TV.

"I'm just curious, pano ba kayo nagkakilala? Is she your fan?" tuloy tuloy niyang tanong

"No"

"Then how?"



Paano nga ba kami nagkakilala ni ate Div?

Flashback 3 days ago*

Nandito kami ngayon nila Mom and Pops sa labas kasi madaming nagpapapicture na mga Pinoy.

Ang saya kasi ramdam na ramdam ko ang pagmamahal ng mga Pilipino kay Pops.

Pagkatapos ng picture picture at kwentuhan umalis na din yung mga tao at sila Mommy naman ay nauna ng umakyat sa condo.

Pumunta lang ako saglit dito sa café para bumili ng coffee.

Habang papauwi ay may nakita akong ID na nasa kalsada. Agad ko itong pinulot at tiningnan ang pangalan.

"Allianah Divonne Manalastas, 26 years old. Ow she's Pinay pala!"

Pagtingin ko sa likod ay nakita ko ang contact number niya. Agad kong kinuha ang cellphone ko at saka tinawagan ang may ari.

Naka ilang ring lang at agad naman niyang sinagot.

"Hello?"

"Hello is this Allianah Divonne Manalastas po?"

"Yes! How did you know?"

"Uhm your ID--"

"Oh my!  You found my ID??"

"Yeah hehe"

"Wahh thank you so much! Where are you?"

"I'm here at the café--"

"Near at the ******?"

Kailan kaya ako nito patatapusin magsalita? hahaha

"Yes"

"Hey I'm coming! Just stay there"

Then she ended the call

How nice naman of her na babaan ako ng call hahaha

End of Flashback*

After nun ay palagi na kaming nagkikita at naging close na rin kami kahit ilang araw pa lang.

"So hindi niya tayo kilala?" kuya Sandro asked

"Yeah. I think because matagal na siya dito kaya hindi siya masyadong updated sa nangyayari sa Pinas"

Tumango na lang si kuya at ako naman ay nagpatuloy lang sa panonood.





Ano kayang magiging reaksiyon ni ate Div kapag nalaman niya na anak ako ng susunod na Presidente ng Pilipinas?



--

Continue Reading

You'll Also Like

31.6K 918 85
Lorin Emmanuelle Mendoza is a young lady from Mindanao who happens to challenge herself to come out from her comfort zone and explore the big city. S...
21.9K 166 12
Adrian suddenly has feelings for Marrinette but he cant control his body. He asks Marrinette on a date she says 'yes'. But thats not all.... Want to...
413K 12.5K 94
Theresa Murphy, singer-songwriter and rising film star, best friends with Conan Gray and Olivia Rodrigo. Charles Leclerc, Formula 1 driver for Ferrar...
1.1M 43.8K 48
He found her. He chose her. Now, she must decide if she chooses him. A Silverbloods Series ©The Found One (2015)