After the Chase

By JEYL_Purple

5K 197 62

Suarez-Cordova Cousins Second Installment: Apollo Neecko S. Cordova *** "After all these years running around... More

After the Chase
One
Two
Three
Four
Five
Six
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen

Thirteen

138 9 5
By JEYL_Purple



#ATC13 Chapter Thirteen

ANG MAIINGAY na mga tunog ng sapatos na gumagasgas sa floor ng gym ang sumalubong kay Apollo pagkapasok niya sa loob. He was holding the handle of his duffle bag while whistling. Suot niya ang kanyang basketball jersey at ang kulay itim na Air Jordan shoes na niregalo ng ina noong nakaraang kaarawan niya.

"Good morning, Captain!" bati ng mga lalaking nasa gitna ng gym na nagsisimula nang mag-warm up.

"Good morning!" bati niya rin pabalik. Nagngisihan ang mga teammates niya saka siya pinalibutan.

"Naks! Sarap ba sa feeling matawag na Captain, Cap?" sabi ni Winston nsabay tapik sa balikat niya. "Congrats!"

"Congrats, Cap!" bati na rin ng ibang teammates niya.

Humalakhak si Apollo saka napakamot sa batok. Hindi siya sanay na nakakatanggap ng mga compliments lalo na kung galing sa mga loko-loko niyang kaibigan.

"Salamat," sagot niya habang nahihiyang nakangiti.

"Sus! Pa-humble pa si Cap. Mamaya mas malala ka pa magbigay ng training kaysa kay Captain Navarro," saad ni Dan.

"Huwag kayong mag-alala. Mas mahal ko kayo kaysa sa kanya kaya hindi ko kayo pahihirapan." Apollo smirked.

Justice graduated from college last year kaya iniwan na rin nito ang basketball team ng St. Michael. At dahil nasa senior year na siya at matagal na raw sinabi ni Justice sa coach nila na siya ang gusto nitong kapalit bilang captain ng Sharks, he was officially appointed last week. Nag-trending pa nga ang pangalan niya online dahil naging matunog ang announcement ng coach nila via livestream.

He called the whole team for a short meeting before they started their training. Maganda ang iniwang legacy ni Justice para sa kanila kaya hindi niya maipagkakaila na nakararamdam siya ng pressure bilang bagong captain.

But Apollo believed that in order for him to be an effective leader, his followers must have their own fighting spirit. Kasi kahit gaano siya ka-strikto o ka-seryoso sa pagiging captain niya, kung ang mga teammates niya ay walang puso kung makipaglaban, mababalewala lahat ng paghihirap niya.

And he knew his team well. Ilang taon na rin niyang kasama ang mga ito. He knew how determined his teammates were to win every game. Kaya malaki ang tiwala niya sa mga ito na hindi siya pahihirapan bilang captain.

"Sundin niyo 'yang training plan na napag-usapan natin, ha? I want to see an improvement until next week," Apollo said before they all went out of the gym.

Tinignan ni Apollo ang oras sa kanyang suot na relo. When he saw that it's almost dismissal, he made a turn toward the College of Business Administration and Accountancy building. May dapat pa siyang sunduin doon kung ayaw niyang makarinig na naman ng panunumbat.

He was stretching out his arms while walking when someone grabbed his jersey. Tumigil siya saglit sa paglalakad para tignan kung sino ang humila sa kanyang damit.

"Lilia," he said when he saw her clinging into his cloth.

"Tapos na ang practice niyo?" tanong nito at nakisabay pa sa paglalakad.

"Yeah," he said cooly.

"Great! Where are you heading to? Uuwi ka na ba? Gusto mo bang tumambay muna sa condo ko?"

Apollo looked at her for a second. He then showed a friendly smile before gently pulling her hand away from his jersey shirt.

"I'm sorry, Lilia. May lakad kasi ako ngayon," tanggi niya sa alok nito.

"Hindi mo ba puwedeng ipagpaliban 'yan?" pilit naman ng babae. "I want to congratulate you pa naman for being the team's new captain." She tiptoed and leaned over to his ear. "You deserve a good fuck today, babe."

Apollo pursed his lips tightly before stepping away from Lilia. She was smirking devilishly while looking at him. Napasuklay si Apollo sa kanyang buhok at humugot ng hininga.

"Lilia, I thought we're already clear about what happened to us the last day?" he asked. His voice was low because a lot may heard about what they were talking about. "It was just a casual sex."

"It is. I know." Lilia shrugged. "Pero hindi ba puwedeng maulit?"

His jaw clenched. He and Lilia just happened to met in the bar where they were celebrating for their last year in college. They talked and flirted with each other. He asked if she wanted him, as much as she wanted her at that moment, and had a one night stand. Hindi sila lasing na dalawa noong nangyari iyon, kaya malinaw sa kanyang isipan na napag-usapan nila na hindi na puwedeng maulit ang nangyari. Lilia agreed to his condition. Kaya bakit ito naghahabol ngayon?

"We talked about this the last time, Lilia," Apollo said firmly. "I thought you're cool about it?"

"I don't know. I thought so, too." She started sliding her finger on his arm like she was seducing him. "Pero simula noong may nangyari sa 'tin, hindi na kita maalis sa isipan ko."

Apollo was starting to get pissed. Kaya ayaw niyang basta-basta na lang pumapayag sa gusto ng mga babaeng nakakasalamuha niya sa bar dahil karamihan sa mga ito ay hindi tumutupad sa usapan. Hindi niya masisisi ang sarili kung bakit mapili siya sa mga babaeng pinagbibigyan dahil mahirap talagang magtiwala sa mga pangako ng mga ito. Na kapag natikman na siya ay hahanap-hanapin na, kahit malinaw naman na napag-usapan na isang beses lang dapat ang mangyayari at hindi na puwedeng umulit pa.

"Apple!" a woman's voice called his nickname. Napapikit si Apollo at tahimik na napamura. Thank God!

Umikot siya paharap kay Nova na tumawag na pangalan niya. He smoothly walked away from Lilia's trap and went toward his friend.

"Tapos na klase niyo?" tanong niya habang nakatingin sa dalaga.

"Oo." Kumunot ang noo ni Nova nang makita nito si Lilia na nakatayo pa rin sa likuran nila. "May date ka?"

"Wala," mabilis na sagot niya kaya mas lalong nagtaka si Nova. "Tara na."

"E, paano siya?" Nginuso nito si Lilia na ayaw pa ring umalis. "Mukhang hinihintay ka niya. Sino ba siya?"

"Just someone I met in a bar," he replied. At dahil ilang taon na rin silang magkaibigan ni Nova, agad nitong naintindihan ang gusto niyang iparating.

"Ayaw mo?" she asked while looking at him.

Apollo shook his head. "It's just a one night stand. Napag-usapan naman naming dalawa na hindi na dapat maulit 'yon."

"E, ba't hinahabol ka pa rin?"

"Takam pa, e."

Malakas siyang hinambalos ng dalaga. "Gago ka talaga. Ga-graduate na lang tayong puno ng kalat mo ang St. Michael. Kung ako sa 'yo, itigil mo na 'yan."

Apollo laughed while caressing his arm where Nova threw her punch. Bumaling siya kay Lilia at nakahinga nang maluwag nang makitang wala na roon ang dalaga. Mabuti naman. Hindi na siya mahihirapang mag-isip ng dahilan para lang paalisin ito. As much as possible, he didn't want to hurt their feelings if he was rejecting them.

"Tara na," aya niya ulit kay Nova. "Dalawin natin si Justice sa ASDG."

Biglang na-excite ang mukha ni Nova. "Puwede?"

Ngumisi siya saka ito inakbayan. "Puwede. Wala pa naman siguro 'yong trabaho. Baka tambay lang 'yon sa office niya."

Inirapan siya ni Nova. "Ang sama-sama mong kaibigan."

Apollo laughed before dragging Nova toward the parking lot.

Nasa byahe sila papuntang ASDG para dalawin si Justice nang mag-ring ang kanyang cellphone. At dahil siya ang may hawak ng manibela, pinasagot muna niya 'yon kay Nova.

"Hello?" sagot ng dalaga sa tawag. "Uy, Snow! Wow! Sigurado ka bang hindi ka nagkamali ng tinawagan? Si Apollo talaga?"

Halos maapakan ni Apollo ang break nang marinig niya ang sinabi ni Nova. Malalaki ang mga matang binalingan niya ito. He caught her grinning maliciously at him. Apollo groaned. Wrong timing naman! Bakit ba niya pinasagot ang tawag kay Nova? Hindi niya naisip na posibleng si Snow nga ang tumatawag.

"Akin na," sabi niya habang nakalahad ang isang kamay sa harapan ng kaibigan. "Hoy!"

"Ha? A, oo. Nandito siya sa tabi ko. Papunta kasi kami sa ASDG para dalawin si Justice," patuloy na pakikipag-usap ni Nova kay Snow.

"Nova! Akin na 'yang cellphone ko."

"Kinukuha na sa 'kin 'yong phone, Snow," sumbong ni Nova sa kausap. "What? Okay, sure. Don't worry. Hindi ko muna ibibigay sa kanya."

"November!" Apollo said angrily.

"Shh!" Sinamaan siya ng tingin ni Nova. "Mag-focus ka na lang sa pagda-drive. Kaya ayaw ni Snow na ibigay ko sa 'yo ang phone kasi delikado raw."

Walang nagawa ang binata kung hindi ipagpatuloy ang pagmamaneho hanggang sa makarating sila sa harapan ng matayog na building ng Alpha Suarez Design Group. It was a construction company owned by his family on his mother's side and where Justice is currently working. May sariling kumpanya ang pamilya ng binata pero mas pinili nitong mag-apply sa kumpanya nila dahil daw gusto nito na magtrabaho nang hindi ginagamit ang pangalan ng pamilya.

Paglabas nila Apollo at Nova ng sasakyan, sinalubong sila ng security guard sa harapan ng building. Binigay niya rito ang susi ng sasakyan niya bago sila tumuloy ng dalaga sa loob.

"Give me that," he demanded to Nova.

The lady grinned before giving him his phone. "Iba talaga kapag naka-LDR."

He groaned and rolled his eyes at her. Natawa naman si Nova at tumungo na sa front desk para tanungin ang availability ni Justice.

Apollo licked his lower lip before looking at his phone. Naka-on call pa rin 'yon. He put his phone near his ear to hear Snow from the other side.

"Hello?" mahinang sabi niya. "Snowy?"

He heard her groaned a little before speaking. "Hey. Nakarating na kayo?"

"Yeah. Kagigising mo lang ba?" malambing na tanong niya sa dalaga.

"Medyo." She sounded so sensual with her bedroom voice. "It's raining here. Nakakatamad bumangon."

Apollo glanced at his watch. "It's almost time for your first period. Bumangon ka na."

Snow moaned lazily. Napalingon sa kanyang paligid si Apollo saka tumikhim. Lumakad siya palapit sa may malaking indoor plant saka doon pumuwesto para walang masyadong tao ang makarinig sa pag-uusap nila ni Snow.

"I can smell Sunshine's cooking," Snow said with her sleepy voice. Napangiti si Apollo. "Amoy pancake."

"How is she?" tanong niya para kamustahin ang kapatid nito. Unlike him and Snow, wala siyang contact kay Sunshine dahil alagi siya nitong bino-block sa mga social media accounts nito. She's very firm about rejecting him multiple times na halos immune na siya sa sakit.

Of course it was a bit painful to get rejected by the same person for how many times already. Parang natapakan ang kanyang ego dahil harap-harapan pang sinabi ni Sunshine sa kanya na hindi siya nito gusto at tumigil na siya sa kahibangan niya.

Apollo didn't know why he couldn't stop himself from pursuing Sunshine over and over again. Parang naging hobby na niya iyon at nahihirapan na niyang tigilan. He was really enjoying making Sunshine pissed of him dahil sa pangungulit niya rito. It became normalized as part of his daily routine.

Two years. He'd been pursuing her for two years. And she'd been rejecting him for two years also.

Siguro isa sa rason kung bakit mas ginaganahan siyang kulitin ang dalaga ay dahil sa dalawang taon na nakalipas, hindi pa rin nagkaroon ng opisyal na relasyon sila Sunshine at Dane. For those years that had passed, the two were still on the dating stage. Tinanong niya si Snow tungkol sa plano ng dalawa, pero maski ang dalaga ay wala rin itong kaalam-alam kung ano ba ang gustong mangyari ng kapatid nito.

And speaking about Snow...

"Buti pa si Sunshine kinakamusta mo. Paano naman ako na bebe mo?" tunog nagtatampong wika nito mula sa kanilang linya.

Apollo bit his lip to prevent himself from smiling. Napasuklay siya sa kanyang buhok habang ini-imagine ang dalagang cute na nakabusangot habang nakadapa sa kama nito.

"Lagi naman tayong nagkakamustahan. Hindi ka pa ba nagsasawa?"

"Never," agad na sagot ni Snow. "Tanungin mo ulit ako kung kamusta na ako."

"Alright." Apollo couldn't help but to smile. "Kamusta ka po?"

Snow sighed dramatically. "Heto, nami-miss ka na. Kailan ka ulit dadalaw rito?"

Apollo grinned. "Soon."

"Hmm..." Snow mumbled. "How soon?"

"Soon, Snowy," he said. "Galingan mo na lang ang panliligaw kay Sunshine para sa akin."

Narinig niya ang paggalaw ng dalaga. Nova called his name and told him na aakyat na raw sila sa opisina ni Justice.

"Ayoko nga!" Snow grunted. "Nakakapagod kaya masungitan. Para raw tayong tangang dalawa sabi niya."

Natawa siya. "Sa tingin ko tama naman siya."

"Ikaw kasi, e. Sabi ko namang tigilan mo na 'yang trip mo at dinadamay mo pa ako."

"And what did I also said? Titigilan ko lang si Sunshine kung titigilan mo ako."

Pinuntahan na niya si Nova na naghihintay sa harapan ng elevator.

"Ayoko ngang tigilan ka!"

"Then I won't stop annoying your sister."

"Wala ka naman kasing pag-asa sa kanya. Dapat lang na tigilan mo na siya."

He smirked. "At ikaw may pag-asa sa akin kaya ayaw mo akong tigilan?"

"Yes," Snow replied confidently.

"How sure are you?"

"Ipupusta ko ang 13th rejection mo."

Umawang ang kanyang mga labi. He heard Snow's hearty chuckle after.

"Grabe. Bilang mo talaga?"

"Oo naman. Pang-thirteenth mo na 'yan kapag itutuloy mo pa 'yong sinasabi mo noong isang gabi."

"Ituloy mo 'yon."

"Ay, wow! Matapang! Immune na immune sa rejection." Tumawa ulit ito. "Dito ka na sa 'kin. You will never feel rejected."

Natawa siya. "Nakakarami ka na ngayong araw, Snowy."

"Bilang mo rin ba?"

"Yes. Tatlong beses ka nang bumanat."

"At tatlong beses ka na ring kinilig?" pang-aasar ni Snow sa kanya. "Ikaw, ha? Not because I can't see your face, doesn't mean puwede mo ng i-deny na kinikilig ka sa akin."

"Snowy, stop," he said because he couldn't stop his lips from stretching into a wide smile. Kanina pa niya napapansin na tinitignan siya ni Nova na para siyang tanga na ngumingiti nang mag-isa.

"O, bakit?" tumatawang saad nito.

"Let's talk again tomorrow, okay? I need to drop this call," he said while looking at Nova who was raising her eyebrows at him.

"Fine. Fine. Good bye, Apollo. Mwuah!" masayang sabi ni Snow bago pa niya maibaba ang tawag.

"Bakit?" tanong ni Apollo kay Nova nang matapos ang tawag.

Mapang-asar na ngumiti si Nova. Saktong bumukas ang pinto ng elevator kaya pumasok na silang dalawa sa loob.

"Ang healthy naman ng LDR niyo," sabi nito.

"LDFR," Apollo corrected.

Kumunot ang noo ng dalaga. "Huh?"

"LDFR. Long Distance Friendly Relationship."

"Ang landi niyo namang magkaibigan kung gano'n." Umirap ito.

"We're just really close."

"Tigilan mo ako, okay? Puro ka pauso."

"Anong pauso? Totoo 'yon, hoy. LDFR lang 'to."

"Huwag ako, Apollo, ha?" Pinanlakihan pa siya nito ng mga mata. "Alam ko na malandi kang nilalang. Halos babae mo na nga lahat ng college students sa St. Michael. But I never saw you smile and laugh with them like how you do with Snow." Her face became serious as she continued, "Kanina habang pinagmamasdan kita, para kang ibang tao. You laugh so pure and your smiles are real."

Natahimik siya at saka nagtatakang tinignan ang dalaga. Bumuntonghininga ito at hindi na tinuloy ang sasabihin. Apollo wanted to ask her more. To hear more about how people see him as him. He wanted to understand his own self from other people's perspective. Kung ano ba ang tingin ng mga ito sa kanya. Kung bakit nasabi ni Nova na para siyang ibang tao sa tuwing kausap si Snow.

What made him more real and purer when talking to Snow? How could Apollo be a different person when he thought all about her?

Nawala ang pag-iisip niya tungkol sa dalaga nang makarating na sila sa floor ng opisina ni Justice. Excitement was flashing on Nova's face as they walked to his office. Si Apollo ang kumatok sa pinto. Pero bago pa sila mapagbuksan ng pinto ay hinarap siya ni Nova saka ito seryosong nagsalita.

"I know that you already know to yourself what's the best for your own happiness, Apollo. If you could just accept it as a fact and stop beating around the bush," she said and embrace Justice when the latter opened the door for them.

***
JEYL_Purple

Continue Reading

You'll Also Like

168K 3.9K 49
TO BE PUBLISHED UNDER BIBLIOTHEQUE PUBLICATIONS - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, s...
1.3M 18.8K 41
Dice and Madisson
72.3K 5.5K 16
Kenny Rae B. Sinclair is a fourth-year college student. Pretty handsome but aloof and prefers to be alone. She has only two friends at school and has...