Loving My Brother #2: Who's T...

By ziryanggg

58.6K 3.7K 953

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feeli... More

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]
CHARACTERS:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119.
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:
Chapter 123:
Chapter 124:
Chapter 125:
Chapter 126:
Chapter 127:
Chapter 128:
Chapter 129:
Chapter 130:
Chapter 131:
Chapter 132:
Chapter 133:
Chapter 134:
Chapter 136:
Chapter 137:
Chapter 138:
Chapter 139:
Chapter 140:
Chapter 141:
Chapter 142:
Chapter 143:
Chapter 144:
Chapter 145: Own me
Chapter 146:
Chapter 147:
Chapter 148:
Epilogue:
story ni blue?

Chapter 135:

644 65 20
By ziryanggg

Thrizel's POV

Nakasunod kami kay Thrale papasok ng bahay. Sa pagbukas niya ng pinto, sabay kaming natigilan ni Sittie nang makita naming sampalin siya ni mom. Hindi nakatakas sa aming mga mata ang pangyayaring ‘yon. Gulat na gulat ako dahil iyon ang unang beses na sampal ng aking nanay sa kuya ko. Sa likod ni mom, nandoroon si dad na agad napatayo. Natahimik kaming lahat. Kahit nakatalikod mula sa akin si Thrale, alam kong gulat ang kaniyang mukha.

“M-Mom...”  Bumabawi pa siya sa pagkagulat. Maayos pa ang pananalita dahil hindi alam ang dahilan kung bakit iyon ginawa ng aming nanay.

Pumasok kaming dalawa nina Sittie. Sa gilid kami pum’westo dahil mukhang may pag-uusapan sila. Nakaharap ako ngayon sa kanilang dalawa. Nag-aabang lang ng sasabihin ni mom.

“Why do you think I slapped you?” Ngayon ko lang narinig ang pananalita ni mom na sobrang sungit. Kahit kailan, hindi niya kami tinrato ng ganito kaya nakakapagtaka.

“Mom...” Hindi pa rin alam ni Thrale ang gagawin. Nananatiling nakatayo. “Siyempre po hindi.” Pilit siyang tumatawa para alisin ang tensyon sa pagitan nila. Humarap siya kay dad. “D-Dad, what’s wrong? May kasalanan po ba ako? I was surprised at mom’s opening.” Walang naging tugon si dad kaya takang-taka na si Thrale sa pangyayari.

Kinuha ni mom ang folder sa lamesa. Binuksan ito at hinarap kay Thrale. “Book in hotel?” May mga litrato siyang pinakita. Nanlaki ang aking mga mata dahil nakita ko ang sarili ko roon. “Sa unang hotel, kayong dalawa ng kapatid mo ang magkasama. Sa pangalawa, akala ko ba aalis ka para sa bonding niyong magkakaibigan?” Nalipat ang tingin sa akin ni mom “Anong masasabi mo, Thrizel? Si Kein Carson ang kasama mo, hindi ba? Bakit magkasama na naman kayo ni Thrale sa iisang kwarto?! Anong ibig niyon?!”

“Tama na, hon. Kausapin mo ng maayos ang mga bata. Baka may dahilan.” Pagpapakalma ni dad sa likuran ni mom. Hindi kalmado ang kaniyang boses. Tila nagtitimpi ring mainis.

“Paano niyo nalaman?” Iyon ang lumabas na salita sa bibig ni Thrale. “How did you know, mom? Yes po, magkasama kami niyan pero wala kaming ibang ginawa.”

Hindi nakumbinsido ng aking kuya si mom kaya nananatiling masungit ang mukha nito. “I have private investigator.” Hindi na kami nagulat. Iyon ang tinutukoy ni Link. “Alam ko lahat ng nangyayari sa inyo! Ang paglayas ni Thrale sa pamamahay na ‘to! Ang paghahanap mo kay Arella! Pinatira mo pa talaga sa bahay natin?! Hindi mo pa nalalaman, nalaman na ng aming investigator na siya si Redelyn Guaniria! Dahilan para umuwi ang daddy mo! Nagawa mo pang magsinungaling?! Para saan, Thrale?” Agad akong napayuko nang ako naman ang balingan niya. “Hindi kita pinag-aral para makisalamuha sa mga gano’ng tao. Tumambay? Makipag-away? Walang pakialam sa buhay kung anong mangyayari? Nakuha mo pa talagang pumasok ng kitchen helper! Don’t you have any money, Thrizel? I sent you money every day to buy everything you want!”

“S-Sorry po...” Parang bumulong nalang ako niyon dahil sa takot. Ito ang unang beses na ganiyan magalit si mom.

Binato niya ang folder na hawak. Napasandal sa pintuan. “Hanggang ngayon wala ka pang sinasabing dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni Anissa. Maayos na babae ang batang ‘yon kaya nakakapagtaka. Hindi ko mahanap ang dahilan. Ano nga bang dahilan mo, Thrale?”

Nakayuko si Thrale na sumagot. “Hindi ko po alam...”

“Hindi mo alam? Napakawalang kwenta.” Mas lalong nainis si mom sa sagot niya. “Mahal na mahal mo ang batang ‘yon kaya hindi p’wedeng hindi mo alam. O baka naman may mahal kang iba para magkaroon ng dahilan si Anissa para makipaghiwalay sa ‘yo?” Nagkatitigan kami ni Thrale roon. Umiwas din dahil nagpatuloy ang aming nanay. “Para saan ang sampal ko, Thrale? Alam mo ba?” Dahan-dahan siyang umiling. “Paano mo nasisikmurang saktan ang kapatid mo habang wala kami? Nalaman din namin kung ilang beses siyang dinala sa hospital. Paano? Sa ‘yo ko binilin. Paano mo nagagawang alagaan ang ibang babae habang nasasaktan ang kapatid mo? Hindi ka ganiyan noong iniwan kita kaya paano?!” Nahawakan niya bigla si Thrale sa dalawang balikat dahil sa inis. “Dahil ba pati kapatid mo ay nakuha mong mahalin?!”

Natuod kaming dalawa. Binabalot na ako ng hiya. Hindi ko na alam ang gagawin at ipapaliwanag. Ito ang aming kinakatakutan. Paano namin idedepensa ang aming sarili? Paano kami magtutulungan ni Thrale sa ganitong sitwasyon?

Hindi natuloy ang pagsasalita ni mom dahil nagdating ang mga kaibigan ni Thrale. Kasunod nila sina Tita Line at Link, mukhang alam nila ang mangyayari kaya dumating. Baka may nalaman si Tita Line sa private investigator kaya pumunta rito. Hanggang ngayon ba may nakamasid pa rin sa amin?

“Threa, anong ginagawa mo sa mga bata?” Gumitna si Tita Line sa mag-ina. “Tama na ‘to. Kausapin mo sila ng maayos. Thrale, umakya—”

“Kahit ngayon lang, huwag ka munang mangialam, Line.” Matigas ang pananalita ni mom kaya walang nagawa si Tita Line kun’di ang bumuntong-hininga. Tumabi siya kay dad. “Sagutin mo ako, Thrale Keiter Wrent, tama ba ako? Sa dami ng babae, bakit ang kapatid mo? Bakit nagawa mong mah—”

“Ako po ang unang nagmahal.”  Putol ko sa kaniyang sasabihin. Nakatingin na ako sa mga mata ni mom na kailangan ko talagang harapin.

“Thrizel, ano ba?” Inis na baling ng aking kuya. “It’s all my fault, mom. Huwag kang magaga—” Nagulat si Thrale kaya hindi niya natuloy ang kaniyang sasabihin. Sapo-sapo ko ang aking pisngi dahil sa sampal ng nanay ko. Hindi ko inaasahan.

Nadurog ang puso ko hindi dahil sa ginawa niyang pananakit. Nadurog iyon nang marinig ko ang hikbi ng aming nanay. Hudyat na umiiyak na siya. Masakit sa anak na napaiyak mo ang sarili mong nanay. “H-Hindi niyo ba kami naisip? Kahit a-ako lang?” Nanginginig ang kaniyang boses. Nakaharap siya sa amin. “Ilang beses kong tinanggihan ‘yong private investigator! Ilang beses kong hindi tinanggap ang mga mali niyang report tungkol sa inyo na tama pala ngayon!” Nawala ang pagkamasungit niya sa pananalita. “Sinasabi niyang may mali sa magkapatid, na may namamagitan at may ibang kinikilos. Dinadahilan ko roon na ‘ganiyan lang talaga ang mga anak ko dahil malapit sa isa’t isa...’” Umaagos ang kaniyang luha. “Mga anakkkkk!” Umalingawngaw iyon. Napapadyak pa siya ng isang paa. “Pilit kong kinukumbinsi ang sarili kong hindi tama ‘yon... Pero dahil sinabi at pinakita niyo... Wala... Ito na... Paano nangyari? Siguro maling desisyon ang iwan namin kayo? Dapat daddy mo nalang ang pumuntang ibang bansa? Pakiramdam ko... Kasalanan ko... Bakit nagkaganito ang mga anak ko? Bakit nakakaramdam sila ng gano’n?”

Tumutulo ang luha ni Thrale habang nakayuko. Walang tumulong luha sa akin dahil naiipon ang sakit sa puso. “Sorry, mom. Patawad po. Hindi ko  napigilan. Inaamin ko pong mahal ko talaga si Thrize—”

“Thrale, tama na!” Tumaas ang boses ni dad.

Kinontra ni Thrale ang aming tatay. “Dad! Minahal na ako ni Thrizel ulit. Nangako ako sa kaniyang ako ang haharap sa inyo. Ipaglalaban ko siya dahil mahal ko si—”

“Leo, stop!” Galit na rin ang boses ni Tita Line. Lumapit siya kay Thrale dahil sinuntok ito ni dad sa mukha kaya napatumba. “Intindihin niyo ang mga bata. Ano ba?”

Huminga ako nang malali. Nakita ko kasing gumitna ang nanay ni Link. “May tanong po ako.” Ito na yata ang oras para isahan nalang. Lahat sila ay napatingin sa akin. “Bakit nanggaling kay Tita Line ang private investigator? Bakit siya ang nakaisip?” Pinapakalma ko ang sarili dahil tila ako inuulanan ng kaba. “Ang sabi rin ni Link, may peklat sa tagiliran si Arella na galing sa inyo. Look mom, I have!” Pinapalakas ko ang aking loob. “May napapanaginipan po akong bata, kinakawawa ng kaniyang tatay...” Nagiging barag ang aking boses. “Iniwan siya ng kaniyang nanay sa bahay na ‘yon. Do you know who her mother is?” Bumaling ako kay Tita Line. “It’s Tita Line...” Pinipigilan ko ang aking pag-iyak. “Kamukha ko ‘yong bata pero may pinagkaiba kami... May peklat po siya sa mukha... Ngayon naguguluhan ako, kung patay na si Arella, bakit may ala-ala sa akin? Tell m—”

“Nag-iilusyon ka lang, Thriz—”

“Pero ni pati si Manang Lory, Arella ang tinawag sa akin!” Napaiwas siya ng mga mata dahilan para mangilid ang aking mga luha. “Wala akong kasiguraduhan kung ako ba talaga ‘yon e... Nanay ko ba si Tita Line? Pinsan ko ba si Link? Sino ang tatay ko? Bakit bawal kami ni Thrale? Dahil ba magpinsan?”

Natahimik silang lahat. Ang bumasag ay si Tita Line, nakatingin siya kay mom “This si the right time para sabihin ang totoo, Threa. Huwag ka nang magtago sa bata. Dapat matuwa ka dahil sa napakaraming taon na lumipas, ngayon lang siya may naalala.”

Napapunas ng luha si mom at inayos ang sarili. “Yes, you’re Arella, Thrizel. Kaya ganito ako magreaksyon, kaya bawal kayo ng kuya mo dahil magpinsan kayo.” Wala akong naging sagot. “Magpinsan ka—”

“Hindi sila magpinsan.”

Napatingin kami sa aming likuran nang makita namin si Manang Lory na nakaupo sa wheel chair. Si Manang Perry ang nagtutulak niyon.

“Manang Lory naman...” Nakikiusap ang boses ni mom.

“Nagulat ako kung bakit mo tinatago ang katotohanan kay Arella, Threa.” Maowtoridad ang pananalita ni Manang Lory dahilan para matuptop si mom. Malaki talaga ang paggalang ni mom dito. “Line, bakit hindi mo aminin ang totoo sa anak-anakan mo?”

“You’re Arella pero hindi kita anak, Thrizel.” Tutok na tutok ang mga mata ko kay Tita Line. Desperadang malaman ang katotohanan. “Galing kang ampunan, ang mga magulang mo ay namatay dahil sa sunog. Gustong magkaanak ng babae ang asawa ko pero manipis na ang matres ko, hindi na kaya. Kaya inampon kita. Kung ano man ang mga nasa panaginip mo, lahat iyon ay totoo. May asawa ako, ang tatay ni Link. Wala akong bagong asawa nang iwan kita, kinukumusta ko si Link sa ibang bahay. Nilalayo ko siya sa tatay niya dahil alam kong sasaktan niya ‘to. Babaeng anak ang gusto niya, hindi lalaki.” Huminto siya. “Gumagawa ako ng paraan para kunin ka pero tinatago ka talaga sa akin. Mahal na mahal ko ang tatay ni Link para hindi idemanda. Noong lasing siya, siya ang dahilan kung bakit may peklat ka sa pisngi. Kinabukasan, nagtanong siya kung saan galing ang sugat mo dahil mahal na mahal ka niya. Ayaw kang masaktan. Ako ang dahilan kung bakit minsan ay gusto ka niyang patayin. Iniwan ko siya kaya ikaw ang napagbuntungan. I failed as mother to you... Pinagsisihan ko ‘yon. Hindi ko na kinaya kaya pinakulong ko siya. He’s gone now, you’re safe, anak...”

Nakatingin lang ako sa kawalan. Halo-halo ang emosyon ko. Hindi ko alam ang irereaksyon. Sa isang sampal ni mom kay Thrale, babagsak lahat ng katotohanan.

“Pinalabas ka naming patay para mabulok talaga sa kulungan ang asawa ko. Matapos ang pangyayaring ‘yon, sina Threa na ang kumupkop sa ‘yo. Dinala ka sa ibang bansa habang may dinadala siyang bata. Nakunan siya. Tutal wala namang nakakaalam ang tungkol sa ‘yo, ikaw nalang ang pinalabas na anak. three years old ka nang dalhin sa ibang bansa.”

Naputol ang pagkukwento nang magsalita si Thrale. “Tita, ako ang three years old niyon! Four years namatay si Arella, I’m five years old that time!”

Nagpatuloy si Tita Line. “Mali ang nalaman mong impormasyon, Thrale. Magkasing-edad lang kayo.” Kasinungalingan pala lahat ng sinabi ni dad kay Thrale tungkol kay Arella. Humarap muli sa akin si tita. “Grabe ang natamo mo n’on, dahil sa trauma nawala ang ala-ala mo. Hindi namin alam kung dahil ba sa pagkahulog sa hagdan pero ang sabi ng doktor, sa trauma kaya pinatanggal ni Threa ang peklat mo sa mukha para hindi mo na maalala ang pangyayaring ‘yon pero umaasa akong maalala mo ngunit wala na talaga. Lahat ay binago sa ‘yo, pati pangalan, edad. Isang taon lang ang nilamang ni Thrale para maipalabas na magkapatid talaga kayo. Nang makauwi ka sa Pilipinas, maganda na. Maayos na ang buhay mo.”

“Kahit hindi sila magpinsan, tutol ako sa kagustuhan nila.” Desidido ang aking nanay. Matapos ko malaman ang totoo, parang ayoko nang ipaglaban si Thrale. “Magkapatid kayo, iyon ang isipin niyo. Bukas ng gabi, Thrizel. Aalis ka. Luluwas tayong dalawa ng bansa.”

Hinihintay kong kontrahin ni Thrale ang desisyon ni mom pero pati yata siya ay ayaw nang ipaglaban ang kagustuhan. Nakasandal nalang siya sa pader habang nakayuko. Hindi ko mawari kung galit o nasasaktan.

Huminga ako nang malalim dahil hinihintay nila ang magiging reaksyon ko. Dalawa lang ang gusto kong tanongin. “Nang ampunin ako sa ampunan, anong pangalan ko?”

“Kalihra,” sabi niya. “Kalihra Sarmiento.”

Tumango ako. Huminga muli nang malalim para sa huling tanong. “May pamilya pa bang naghahanap sa akin?”

“Oo, si Kalel Sarmiento.” Rinig ko ang mahina niyang pagbuntong-hininga. “Kalel Sarmiento which is Dominic Carter.” Nanlaki ang aking mga mata sa nalaman. May kinalaman si Dominic dito?

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

273K 3.7K 41
If my love for you will fade that means only one thing i will never be yours again. -Claire Santillian •Unwanted Series #...
20.3K 81 79
I have an aura of stunning beauty After adulthood, her talent lies in her appearance, and Su Momo, who is extremely frail, was assigned to the halo...
5.3K 460 16
Liderando a maior rede de advocacia de Belo Horizonte, Caroline Gattaz se ve na necessidade de ter uma secretária para estar com ela a todo momento...
12.6K 821 6
|FEATURED| Cupid has been using arrows implanted with Laughter bombs, A pinch of madness, A big spoon of confusion, A jealousy-filled mixture that...