Mysterious Ladies

By mspahina

1.2K 77 30

𝗠𝗬𝗦𝗧𝗘𝗥𝗜𝗢𝗨𝗦 𝗟𝗔𝗗𝗜𝗘𝗦. "so dark, so deep. the secrets that we keep." Will they be able to keep th... More

Main Characters:
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Chapter 5

61 8 0
By mspahina

Valentina’s.

Nagising ako nung biglang tumunog ang phone ko. kinuha ko naman agad ’to saka binasa. galing ang message kay R.A. nag goodmorning lang naman atsaka nag sorry kagabi. tumayo nalang ako at tumingin muli sa bintana ko. Wala na ‘yong upuan niya ro’n. maging siya wala na rin do’n. tinignan ko ang kabuan ng kwarto ko. hindi ko alam pero para akong may hinahanap. Dumiretso nalang ako sa comfort room ko at ginawa ang morning routine. at saka bumaba para mag breakfast.

Naabutan ko naman na mukhang kababa lang si Vida at Veada. “Goodmorning, te Val.” sabay na sabi nung dalawa.

“Morning.” bati ko naman at umupo sa pinaka dulong mesa. daming sinabi nung dalawa na hindi ko na pinakinggan dahil yung utak ko nasa kagabing nangyari pa rin.

Natigilan nalang ako nung bumaba na si Violet na kasama si Venus at pumunta sa upuan nila. tumingin naman sila sa akin apat. Anong meron. Wala namang expression akong tumingin sakanila. “bakit?”

“Ate. teka, ngumiti ka.” naka kunot noo naman akong tumingin kay Vida.

“Ngumiti ka kanina, Anong iniisip mo?” sabi naman ni Veada.

“tama na, nahihibang na kayo.” sabi ko pero sumabat din si Venus kaya wala akong kawala. Ngumit ba talaga ako? or talagang binibiro lang ako nito.

“Saan ka nagpunta kagabi?” tanong ni Venus.

“Somewhere.” sagot ko habang kumakain. at sila naman umupo na pero hindi pa rin naalis ang mga tingin nila sa akin na para bang nakakita sila ng multo kanina.

“Saan ‘yang somewhere mo, teh? alam ba namin ‘yan? Atsaka sino ‘yong kausap mo kagabi?” tanong ni Violet kaya gulat akong tumingin sakanya pero hindi ko pinahalata.

“Wala. Wala ‘yon.” sagot ko muli.

“Baba ka pa sana kagabi?” sabi naman ni Veada. teka nga! bakit parang bawat kilos ko kagabi alam nila? hindi kaya... gising sila kagabi?

Nagtaas naman agad ang kilay ko. “teka nga, hindi kayo tulog kagabi ’no? bakit parang bawat kilos ko alam niyo.”

“Ate. Uhm. So, totoo nga mga sinabi namin?” sabi ni Vida. “No. I have to go.” sabi ko saka tumayo.

“Saan ka naman pupunta?” natigilan ako at humarap sakanila. “sa lugar kung saan alam kong mas napapanatag ako.”

“with him?” sabi ni Venus. With him?

Nilingon ko muli ’to. “Anong sabi mo, Venus?”

“I said, with him ba?” sabi niya muli habang nakatingin sa pagkain niya.

“Sino?” sabay-sabay na tanong nung tatlo.

“with... R.A.” this time, sa pangatlong pagkakataon tumingin ako sakanya.

“Paano ko nalaman? narinig and i saw you kagabi. Sinundan kita.” lalapit na sana ako pero naalala kong wala akong gloves.

“I won’t say anything nalang. At ayokong pangunahan ka, since hindi ka naman din kasi mapagsabi sa amin. kaya do’n sa nakita ko mananatili tikom ang bibig ko.” sabi niya kaya biglang na curious yung dalawa pero si Vea nanatiling nakayuko.

“omg, unfair. dapat pala sinundan ko rin kagabi.” Vida said.

“I followed you, also.” sabi ni Vea pero nakatingin siya kay Venus. “Sinundan ko si Venus dahil akala ko kung saan siya pupunta pero nung nag stop ‘yong kotse niya. nag stop din akin pero lumabas ako sa kotse para tanungin si Venus pero nakita kita Ate Val. gusto ko sana tumulong pero narinig ko ang boses ni R.A. at doon, i saw it also.” she added.

“Edi sana sinundan ko rin kayo kagabi. Nag tanong pa ako, pero okay lang. Nakita ko naman kagabi si R.A sa likod malapit sa bintana ni Ate Val tapos nakatingin siya sa bintana mo habang may kausap sa call. Nung lumabas ako sa Room ko, narinig kitang may kausap kaya alam kong si R.A na ‘yon. Pumasok lang ako nung marinig ko ‘yong pag hawak mo sa doorknob at sa pagkalabog sa likod.” paliwanag naman ni Violet.

Wala na akong kawala, parang lahat lang din sila nakakita sa pangyayari even though, hindi nakita ni Vida. Itong tatlo naman ang nakakita. Dalawang nakakita sa argh! Mygosh.

“teka nga? edi ano ‘yong nakita niyo? Vea, Venus. Ano? dali,”

“Oo nga, unfair! Ako lang talaga. pero maliban sa nakita at pagtatanong ko kagabi. tinanong ko sino ‘yong lalaki, sabi mo naman ate val. si R.A, so i bet. magkasama nga talaga kayo?”

“Tell the truth na kasi ate.” sabi naman ni Vea. eh, kung pagsa-sampalin ko kaya kayo dahil sa mga pinagsasabi niyo?

“Fine.” bumalik ulit ako sa upuan ko. saka muling i-kinuwento ‘yong nangyari.

Bigla naman kinikilig si Vea at Vida tapos palihim na natatawa si Violet, si Venus naman hindi ko alam kung anong nasa isip nito.

“OMG! Maybe siya si Rage?” sabi naman ni Vea. Nagsilingunan naman kami sakanya.

“oh, I get it. Remember nung sabi nila Stanley? Rage daw. then, biglang may nag message sa’yo. so, baka nga tama si Vea.” this time, si Vida naman ang nagsalita.

Nagkaroon ng ilang minutong katahimikan sa amin, pero napagpasyahan din namin na umalis nalang. maging ako, basta nalang ako dinala ng mga paa sa lugar na feeling ko magiging okay ako, at mawawala ang bumabagabag sa isip ko. masyadong maraming tanong na pumasok sa akin kanina.

Hindi ko naman alam kung saan nagpunta ‘yong apat. Maaring may mga importante nga talagang pupuntahan, pero saan? saan yung importanteng lugar. minsan kasi araw araw na silang wala sa bahay. kahapon lang talaga kami nagkaroon ng pahinga at nung isang araw pero araw araw talaga kaming wala sa bahay dahil may mga bagay kaming dapat pagtuunan, hindi ko nga lang alam sa mga kapatid kong laging ding wala. Wala naman talaga dapat akong pake kung saan sila pumupunta. Hindi ko ba alam sa sarili ko.

Sigurado naman akong safe sila kung nasaan man sila. Nabigla naman ako nung may tumabi bigla sa akin pero hindi ko naman pinahalata. “What are you doing here?”

“It's none of your business, anyway.” sagot ko nalang atsaka muling tumingin sa kalangitan at tinanggal ang gloves ko dahil pinagpagan ko ’to saka nilagay sa bulsa bago magsalita muli. “eh, what about you? bakit ka nandito?”

“Wala lang. Binabantayan ka siguro?” tinignan ko naman siya matapos niyang sabihin ‘yon.

“Hindi mo naman kailangan.” sabi ko, paano kung malaman niya yung mga ginagawa ko? oh, gosh! no. hindi siya pwedeng ma-involve sa mga ginagawa kong hindi legal para sa mga mata niya.

“But i have to pero kapag sinabi mo naman sa akin, hindi naman ako susunod araw araw sa’yo.” sabi niya. tumahimik naman ako.

“then, huwag mo na akong sundan. kaya ko naman ang sarili ko. kahit sa bahay ka lang mag bantay pwede naman na. hindi mo kailangan bantayan ako araw-araw.”

“okay but text or call me, anytime. if you need my help.”

If i want tho. hindi ko naman kailangan ng tulong niya, gaya nga ng sinabi ko. kaya ko ang sarili ko hindi ko... no. i don’t know.

Marahan siyang tumayo. At hinawakan ang kamay ko. “Elle, hold my hand.”

Ano. Anong tinawag niya sa akin, Elle? tinignan ko naman siya, bakit ko siya hahawakan. Anong meron. “Why?”

“Just hold my hand and run,” seryoso niyang sabi at hindi atubiling kinuha niya ang kamay ko saka ’to hinawakan nang mahigpit. y-yung kamay ko! My gloves!

Tumakbo na lang kami at huminto kami sa motor niya. What the heck. “Sakay.” tinignan ko naman siya. How about my car?

“Ako na kukuha mamaya ng kotse mo, basta sumakay kana. Elle! Sakay,” sumakay na lang ako kahit hindi ko sure kung safe ba ’tong motor niya. Hindi ko naman alam kung saan ako hahawak kaya bigla niyang kinuha ang kamay kong walang kahit anong protection.

Inilagay niya ang dalawa kong kamay sa bewang niya kaya yung mukha ko parang napasandal sa balikat niya. Ramdam ko ang bawat paghinga niya. Shit. Parang nagtatakbuhan ang puso ko. Mabilis siyang magpatakbo pero bigla niyang itinigil sa madilim na parte nung magsalita ako.

“N-nilalamig ako.” iyon ang tanging sinabi ko at nagpahinto sakanya.

Bumaba ako, at bumaba rin siya. kinuha niya ang jacket na nakasuot sakanya saka dahan dahang lumapit sa akin para ipasuot ’to.

“there? Are you okay?” nagalalang tanong niya sa akin. tumango ako saka kumuha ulit ng hangin dahil parang kinakapos ako.

Siguro nga, hindi talaga ako sanay sa motor na sinakyan namin. “kaya mo ba?” tanong niya muli sa akin. “asan ang inhaler mo?”

“N-nasa kotse...” sagot ko. “kaya mo bang sumakay ulit d’yan sa motor? malapit na rin naman tayo sa bahay mo.” sabi niya.

“P-please... huwag muna ro’n. kahit saan basta huwag muna sa bahay.” tumango naman agad siya sa akin na parang alam niya kung saan nalang ako pwede muna.

Sumakay muli siya sa motor. At nagaalalang tumingin sa akin. “kaya mo ba talaga?”

Marahan akong tumango bago sumakay. Dahan-dahan akong umangkas saka hinawakan ang balikat niya pero inilagay niya ‘yon sa bewang niya. hindi na lamang ako nag reklamo dahil parang nanghihina lang at sumasakit ang ulo ko. Nilagay ko ang ulo ko sa balikat niya at pilit na nilalabanan yung sakit na nararamdaman ko.

“Elle...” pag-tawag sa akin ni R.A.

“N-nasaan tayo?” muling tanong ko bago niya ako alalayan. “Condo ko.”

Iginala ko naman agad ang mga mata ko sa paligid kahit nahihilo ako. “you okay? Ayaw mo bang iuwi na kita?”

“N..no—” bigla naman akong nahinto. At everything went black.

R.A’s.

Nasalo ko naman siya agad matapos siyang mawalan ng malay. Ibinuhat ko siya na pa-bridal style saka umakyat sa condo ko. Actually, malapit lang ’to sa bahay niya pero kapag kasi sinabi niyang ayaw niya. susundin ko.

Nang makapasok ako sa loob ng condo ko. Dahan-dahan ko siyang inilapag sa kama ko nang mapunta ang mata ko sa mukha niya. Ngayon ko nalang muli natignan ng malapitab ang mukha. Maganda naman siya. Makinis ang balat, halatang alagang-alaga ’to. Maputi rin pero sa height siguro... bagay. bagay yung height namin sa isa’t isa. Matangkad ako, maganda siya. yung mga mata niyang sobrang magaganda na parang may something tapos yung labi niyang mapupula. Halata talagang alaga niya ang kanyang sarili.

Ang cute rin ng mga kamay niya. Napalingon ako sa damit niya lagi siyang naka turtle neck and laging naka gloves. takot daw siyang mahawakan sa hindi nila malamang dahilan. Baka phobia ’to? pero ang sabi, hindi naman daw may iba pa raw bukod doon. kung phobia ’to bakit nung una nagulat siya? pero hindi rin siya nagalit sa akin. Bagkus hindi na niya ’to tinignan. Baka hindi nga phobia ’to? dahil kung phobia ito, hinding hindi niya ako pahahawakin. And also, may nakita akong medicines kanina na pampakalma. Pati yung inhaler niya? Ano bang meron sakanya.

Masyado ring matagal ang titig ko sakanya kaya napagpasyahan ko nalang na magluto ng lunch, pa merienda na nga siguro eh. Nag luto ako saka pumunta muli sa kwarto ko para tignan siya. tulog pa rin siya. pupunta sana ako sa terrace pero— biglang nagsalita siya.

“R..A.” napalingon naman agad ako.

Dali dali akong lumapit sakanya, atsaka tinignan siya. “Are you okay? May masakit pa rin ba sa’yo? What do you want? Nagugutom ka ba?”

“R— wala ka bang matinong name?” singhal niya sa akin. Tuluyan na siyang bumalik sa reyalidad. “And also, please. mag tigil sa kakatanong. First of all, I’m okay. pangalawa, wala na.” she added while looking at me.

“Just call me... rage.” sabi ko. “your name... okay naman ang pangalan mo pero bakit talagang tinago mo pa?”

“Wala lang.” maikli kong sabi. tumayo naman ako. “Let's eat? you should eat.”

Hindi naman siya nagdalawang isip saka tumayo. Lumabas na kami ng kwarto ko at umupo naman siya. “ang ganda ng condo mo. kagabi dito ka ba natulog? or talagang natulog ka do’n malapit kung saan ang bintana ko. sayang naman ’tong condo mo kung hindi mo rin tutulugan.”

“Yeah. actually, binantayan kita kagabi dahil nga may umaaligid sa’yo.” bigla naman siyang napatingin sa akin at parang may inaalala. “teka? umalis ka kagabi. may narinig din akong kalabog, anong nangyari sa’yo?”

“Wala. May bigla kasing nagmasid sainyo. kaya ayon sinundan ko at napagpasyahan ko na rin na dito na ako matulog.” bigla naman siyang tumayo saka tumingin sa isang kwarto.

No. Mapigilan ko na sana siya pero binuksan niya na ’to. “binabantayan mo nga talaga ako. Bakit kailangan mo pang pumunta do’n sa likod ng bahay?” sabi niya habang nakatingin sa mga computer at kita don yung room niya.

“Nagkataon lang.” sabi ko, lumapit naman siya rito. “pero— kuwarto ko lang ’to atsaka yung labas. Pati yung sa sala. lahat siguro ng bahay ko, nakikita mo mula dito. Maliban sa mga guestroom at kwarto ng kapatid ko. Bakit kwarto ko nga lang?”

“Siguro dahil may nagbabantay na rin naman sakanila?” nagd-dalawang isip kong sabi.

“yung mga kaibigan mo?” tanong niya atsaka umupo ro’n.

“yes, and my brother.” nagtataka naman siyang lumingon sa akin. “Sino? si Wade?”

“yes. but step brother lang dahil inampon siya ng mga magulang ko,”

“Ah. okay.” tumayo muli siya saka sinarado ang pintuan. umupo at kumuha ng food.

“bakit nga pala elle ang tawag mo sa akin?”

“hindi ko alam. basta ko nalang nasabi ‘yon.”

“But i like it. i like that nickname. Buti nalang at hindi mo ako tinawag sa tina or... nvm.” sabi niya saka kumain.

Nang matapos kaming kumain. Sinabi ko na kukuhain ko ang kotse niya. Hinatayin niya lamang ako rito. Nagpumilit pa ngang sumama pero ang sabi ko sakanya, baka manghina na naman siya kaso matigas ang ulo hindi talaga nagpatalo. Wala na akong nagawa kung hindi isama siya at mag motor muli. Hindi na siya nag dalawang isip hawakan ako, pero isinuot niya ang gloves niya.

“Ano bang meron sa’yo? May phobia ka ba sa paghahawak?” hindi ko maiwasang magtanong dahil kinain ako ng curiousity.

“i’m sick,” diretso niyang sabi.

“Sick? Cancer? or—” natigil naman agad ako nang magsalita muli siya.

“Forget about it.” itinikom ko na lamang ang bibig ko dahil sa sinabi niya.

I’ll respect her privacy nalang about her condition. Hindi ko pa rin maiwasang mag-alala. teka nga, bakit nga ba ako nagaalala sakanya. Siguro dahil ako ang nagbabantay sakanya? siguro dahil... i like her? no, i don’t like her.

Agad kong inalalayan si Valentina pababa sa motor. kumaripas naman ng takbo si Valentina sa kotse niya. ilang oras lang naman kami nawala eh, parang akala mo mahabang taon.

“Go home, Val.” sabi ko kaya nabaling ang atensyon niya sa akin.

“who are you para sundin ko?” she retorted.

“Val, just go home. susundan kita hanggang sa pag uwi mo.” bago pa man siya mag reklamo. Pinapasok ko na siya saka isinara ang pinto ng kotse niya.

Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa motor ko. “Mr. Andrade. magingat ka.”

“Mag-ingat ka rin, Mrs. Andrad— Aray!” nagulat nalang akong may binato siya. 

“Shut up!” sigaw niya matapos niya akong batuhin actually, nasalo ko ’to. Muling nabaling ang atensyon ko sa nasalo ko mula sakanya. Isang sulat pero may nasa loob.

“Isang relo? may relo ako dito.” sabi ko at pinakita sakanya ang relo. “Just wear it, mierda.” singhal niya.

Naalala ko ang relo’ng ito. saan ko ang nakita ’to? Ayun! sa kamay niya. magkapareho ’to.
“Regalo ‘yan ng mom ko kay daddy, pero hindi naman niya ’to sinusuot. kaya napagpasyahan na rin ng mommy na hindi suotin ang kanya at ibingay lamang sa akin, iniwan na rin niya ‘yan. sayang din naman kung hindi makakagamit. Masyadong mahal ‘yan kaya sana huwag mong walain.” sabi niya at pinaandar ang kotse niya. sumakay na rin ako sa motor ko saka siya sinundan.

***

Ayan, sunod sunod tayo sa ibang stories ngayon. pag-tyagaan niyo na. gano'n talaga ang buhay busy chariz.

Continue Reading

You'll Also Like

105K 3.5K 57
𝐒𝐂𝐇𝐎𝐎𝐋 𝐁𝐔𝐒 𝐆𝐑𝐀𝐕𝐄𝐘𝐀𝐑𝐃 "𝚝𝚑𝚎 𝚋𝚎𝚜𝚝 𝚠𝚊𝚢 𝚝𝚘 𝚐𝚘, 𝚒𝚜 𝚒𝚗 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚎. 𝚆𝚑𝚊𝚝𝚜 𝚖𝚘𝚛𝚎 𝚜𝚝𝚢𝚕𝚒𝚜𝚑 𝚝𝚑𝚊𝚗 𝚊 𝚖𝚘𝚝...
7.9K 398 11
All that terrified 23-year-old Ayra were pink notes. Whenever she found one, she ran like hell. This time, her frantic escape led her to the bustling...
4.8K 65 7
Now you gotta ask yourself. What would it be like to find out that the people you love and would die for, turn out to be self centered assholes who w...