Reincarnated as a Stupid Daug...

Από DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... Περισσότερα

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 78

82.7K 3.9K 5.6K
Από DemLux_Pain

Inalis ko na lang sa isipan ko ang mga kabaliwang naiisip. Pakiramdam ko kasi patagal nang patagal lalong dumudumi ang pag-iisip ko. Tsk!





"Carnelia, tandaan mo na si Heavenhell tanga lang, hindi malandi! Aiya! Masisisi mo ba naman ang matandang kaluluwa ko, kung ganoon kagagwapo ang mga male characters sa nobela?!"





Sa Earth ba naman bihira ka lang makatagpo ng gwapo, samantalang dito sa Pangaea kahit saan ako tumingin may gwapo ehh! Magmula sa mga male leads, pati sa mga side characters ay mai-itsura lahat.





Geez! Kailangan mo nang itulog ang kalandian mo, Carnelia. Baka kung ano-ano pa ang kahihiyan ang magawa mo sa katawan ni Heavenhell kapag nanatili ka pang gising.





Napailing na lang ako bago dumiretso sa kama. Pagkahiga ko pa lang dito ay unti-unti nang bumigat ang talukap ng mata ko at agad na nilamon ng antok.





***


Naalimpungatan ako nang maramdaman na may nakatingin sa'kin. Hindi ko rin maiwasang makaramdam ng lamig sa klase ng titig nito na para bang papatayin niya ako kapag hindi pa ako nagising. Shit!



Nang maimulat ang mga mata ay tsaka ko nilibot ang paningin sa buong kwarto, hanggang sa dumako ang tingin ko sa gilid ng kama. Halos manlaki ang mga mata ko sa gulat nang matagpuan si Vile na nakaupo doon at nakatingin sa'kin. *Gulp*





"A–anong ginagawa niya dito?! Wa-wait! Huwag mong sabihin na may balak siyang gawing masama habang natutulog ako? Don't tell me... P-pfft! Ehem! Huwag kang assuming, Carnelia! Ikaw lang ang utak manyak sa inyong dalawa!"



"W–what are you doing here, young master?" Gulat kong tanong habang pasimpleng nagkukusot ng mata.





Syempre kailangang maayos ang itsura ko baka mamaya may muta pala ako diba. Nakakahiya naman sa perpektong mukha ngayon ng male lead. Geez!



"Wake you up." Malamig nitong sabi. Tinignan ko ang orasan at nakitang ala-siyete na ng umaga. Marahil ay ginising niya na ako dahil maaga pa ang trabaho niya ngayon.





Aiya. Ito kasing male lead ang lakas ng amats at talagang dinala pa ako sa condo niya. Pwede namang doon na lang siya sa hospital tumambay kung gusto niya lang pala akong makasama. Hahahaha! Ang kapal talaga ng mukha mo, Carnelia!





Tinignan ko na lang siya na ngayon ay nakaupo pa rin sa gilid ng kama. Kung hindi lang 'to ang male lead ay nasapak ko na 'to. Tama ba naman na pumasok siya sa kwarto ng babae nang walang paalam? Tsk! Nang makitang tumingin siya sa'kin ay tsaka ako nagtanong sa kaniya.





"But why are you just staring at me? O—oh, do you somehow think that I look like an angel while sleeping?" Nakangiti kong tanong habang pinipigilan ang sariling matawa. Napataas kasi ang kilay niya nang marinig ang walang hiya kong tanong.



"Aish! Kahit kailan talaga, Carnelia ay hindi mawala ang kalokohan sa utak mo! Alam mo naman na hindi 'yan sumasang-ayon sa mga sinasa––"



"Hmm, indeed. You're an angel." Walang emosyon nitong sabi habang nakatitig sa'kin. *Gulp* Ano raw sabi niya?! Parang bigla akong nabingi dahil sa papuri niya na parang hindi sincere!



Nginitian ko na lang siya dahil kahit papaano ay maganda naman ang nasagot niya sa'kin. Yun nga lang dahil sa walang emosyon nitong mukha ay para tuloy napilitan lang siyang purihin ako. Ouch! Hindi naman masakit, Carnelia! Nakakabwiset lang!



"S—stop that, it's still early for your sweet words, young master." Kunwaring kinikilig kong sabi habang nakatakip ng kumot ang kalahati ng mukha ko. Bale ang nakikita niya lang ay ang mata ko.



Well, sinadya ko talagang magtakip dahil hindi ko mapigilan ang sarili ko na matawa. Natatawa na nga lang ako sa inis dahil ang aga-aga ay kailangan kong umarte. Aiya!





"That's not sweet." Dinig kong sagot niya na kinatango ko na lang. Buti alam niya na hindi siya sweet dahil nakasama siya ng loob.



"Okay! So, you're just here to wake me up, young master?" Tanong ko sa kaniya pero ang animal ay nanatili lang na tahimik at hindi ako sinagot.



"Aiya! Mukhang bumalik na sa normal si Vile at hindi na siya ulit palasalita! Hehe! Mabuti 'yan dahil nababaliw ako sa pinaggagawa niyang kababalaghan kanina. Nakakakilabot ehh!"



Tumayo na lang ako sa pagkakaupo sa kama at dumiretso sa sofa kung saan nakalagay ang bag ko. Ala-siyete na rin kasi kaya kailangan kong kumilos ng mabilis para makabalik agad sa hospital. Nang makahanap ng pwedeng isuot ay tsaka ako tumingin kay Vile.



Katulad kanina ay nakaupo pa rin siya sa gilid ng kama na para bang nakaupo siya sa kaniyang swivel chair kung umasta. Paano ba naman pati dito ay para pa rin siyang boss kung umupo. Mabuti nga at hindi siya nangangalay sa ganiyang upo.





"Did you take a bath before you came here?" Nakangiti kong tanong nang makalapit sa kaniya.



Syempre lumapit na ako dahil hindi niya ako papansinin kapag nasa malayo ako. May pagkabaliw pa naman ang male lead at hindi ko mawari kung anong tumatakbo sa utak niya. Geez! Buti na lang nasa matinong pag-iisip pa ako dahil kung hindi ay mapapaaga ang giyera sa nobelang 'to. Hehe!



Pero teka nga? Sa hinaba-haba ng pakikipag-usap ko sa sarili ko ay hindi pa rin siya nagsasalita! Sinamaan ko siya ng tingin habang hindi pa siya nakatingin sa'kin. Pero nang bigla siyang lumingon ay mabilis pa kay Flash akong ngumiti sa kaniya.



"Shems! Kung may nakakita sa ginawa ko kanina ay iisipin nilang baliw ako dahil sa pinaggagawa ko dito. Ito kasing si Vile nakakabaliw kasama!"



Nilapitan ko na siya dahilan para matuon ang atensyon niya sa'kin. Kahit na kinakabahan ako sa titig niya ay hindi pa rin ako tumigil sa paglapit sa kaniya. Aba'y ngayon pa ba ako hihinto, ngayong ilang dipa na lang ang layo ko sa demonyo?



Pagkalapit ko sa kaniya ay walang pasabi kong hinawakan ang pisngi nito at hinarap sa'kin. O–oh lord, bigyan niyo sana ng mas mahabang buhay ang kaluluwa ko! Ikaw na pong bahala!



"Did you take a bath before you came here?" Tanong ko ulit sa malambing na tono. Ngunit sa halip na magsalita ay hinawakan niya ang bewang ko at nilapit sa kaniya. Napanganga na lang ako nang mapagtanto ang ayos naming dalawa.



W—what the heck is happening?!



"Not yet." Sagot nito habang nakayakap sa bewang ko. Nakahangad siya patingin sa'kin habang ang ulo niya ay nakasandal na sa tiyan ko. Sa itsura niya ay mukha siyang batang naglalambing sa nanay niya. My gosh! H–he's so cute!



"Aiya! Carnelia, huwag kang natuwa dahil may mali sa male lead! Sinasapian yata siya ng cute na espiritu para umaktong ganito! Huwag kang papalinlang sa mukha niya, bruha!"



Kinalma ko na lang ang sarili habang nakatingin kay Vile. Tinitignan ko kung siya pa rin ang male lead at baka nga talagang may sumapi sa kaniya kaya siya naa-abnormal. Hinaplos ko na lang ang malambot niyang buhok bago nagsalita.




"Let's go together." sabi ko na lang. Humiwalay na rin naman siya sa'kin kaya nakahinga ako ng maluwag. Nagwawala kasi ang puso ko kapag nagpapa-cute 'tong animal na 'to ehh. Aiya! Masama siya mental health ko kaya kailangan kong mag-ingat!



Minabuti ko na lang na lumayo sa kaniya at nagsimulang maglakad. Kaya lang aalis na sana ako nang bigla niya akong hawakan at nagsalita na kinagulat ng buo kong pagkatao. Oo, buong pagkatao ko talaga!



"Okay, let's go." Sabi niya at hinila ako papunta sa—BANYO?!



O_O



"Te—teka lang! Hindi pa ako ready sa ganito! P–pfft! Ehem! Magseryoso ka, Carnelia kung ayaw mong masapak!"



"W–wait! What do you mean by, let's go?" Tanong ko sa kaniya habang hinihila ang kamay ko sa pagkakahawak niya.





Kaso ang animal patuloy lang ako hinihila papunta sa banyo sa hindi ko malamang dahilan. May nasabi ba akong mali kanina para magkaganito siya? Alalahanin mo, bruha! Loading...



Aiya! Wala akong matandaan sa dami ng iniisip kong kabaliwan kanina!



"Y–young master! Bakit mo ba 'ko hinihila?!" Madiin kong tanong habang nakikipaglaro ng tug of war sa male lead. Ang kaso nga lang kamay ko ang hinihila namin. Aish! Hindi naman siguro ako mababalian neto no?





Bigla siyang tumigil sa paglalakad dahilan para mauntog ako sa likod niyang napakatigas. Sana lahat tumitigas—I mean healthy! Jusko naman, Carnelia! Behave!





Pinakalma ko ang malandi hormones ko sa katawan atsaka tumingin sa male lead. Nakatingin na rin kasi siya sa'kin at talagang nakakunot pa ang noo na parang ako ang may mali sa'ming dalawa. Like hello? Tama ba namang hilain ka niya sa banyo? At ano namang gagawin namin don aber?!




Ang nalilito kong isip ay nabigyan ng kasagutan nang bigla siyang magsalita na kinalaki ng mata ko.




"Bath. Together." Seryoso niyang sabi na kinalunok ko na lang.


"E—errr? What the?! Tama ba ang dinig ko o imahinasyon ko lang 'to? Atsaka anong "bath together"?! Gusto niya ba akong himatayin sa kaba kapag nakita ko na ang kaniyang armas na tinatago niya sa loob ng kaniyang damit?! E–ehem! Totoong may armas siya sa loob ng damit niya. As in literal na armas! Huwag mong dumihan ang isip mo, Carnelia!"



"A–are you serious, young master? I might say yes to that—ehem! I mean, we shouldn't." Kunwaring inosente kong sabi habang kinukurot ang sarili para pigilan ang tawang namumuo sa loob ko.





Ngayon sigurado na talaga ako na nababaliw na ako! Aiya! Kailangan ko na yatang dumaan sa psychiatrist para tanungin kung may sapak na rin ba ako sa utak. Nahahawa na yata ako sa mga ka-abnormalan ng mga male characters dito!





Nabaling na lang ulit ang atensyon ko sa itsura ni Vile na nakasandal na ngayon sa pinto ng banyo. Tignan mo nga naman at talagang nahila niya na ako dito sa sobrang lakas niyang humawak.


"You said to go together. Are you backing out?" Nakataas kilay niyang tanong na kinataas din ng kilay ko.



Anong pinagsasabi neto at parang wala akong maalala na sinabi ko na sabay kaming maligo. At kung may sinabi nga talaga ako, bakit naman siya papayag?!



"Huh? Did I say that?" Kunwari ko na lang na tanong na kinatahimik niya lang. Bigla tuloy akong na-awkward at agad na kinalkal ang laman ng utak ko para matandaan kung talaga ngang may sinabi ako.



Agad kong nilagay ang dalawa kong hintuturo at nilagay sa sintido na pawang nag-iisip. Okay! Malapit ko nang maalala, konting push pa!



"What are you doing?" Dinig kong tanong ni Vile. Mukha siguro akong alien sa harap niya. Hahaha!



"Huwag kang maingay, ninjutsu ang tawag dito." Seryoso kong sabi habang pinipigilan ang matawa.



Nang maalala ang sinabi kanina ay agad kong dinilat ang mata ko. Doon sa harap ng pinto ay nakatayo ang male lead habang nakatingin sa'kin na parang ako na ang pinakabaliw niyang nakita.



"Ninjutsu?" Nakakunot noo niyang tanong na tinawanan ko na lang sa isip ko.




"Ne–nevermind that! What I mean earlier is that we should take a bath at the same time, but of course in different places, young master." Nakangiti kong sabi habang tumatango-tango pa.



"Okay, as you say so." sabi na lang niya at naglakad na paalis. Hindi niya na rin ako nilingon at nagdire-diretso lang ng lakad. Aiya! Anyare don? Hmm... I don't care!





Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ng banyo para maligo. Nang matapos maligo ay agad akong dumiretso ng kusina para magluto. Well, naging maayos naman ang daloy ng lahat dito sa kusina dahil wala pa si Vile. Siguro na-flush na sa inidoro kaya ganon! Hehe!





Nang maihanda ang lahat sa lamesa ay tsaka naman lumabas si Vile ng kwarto. As usual ay nakasuot siya ng black tuxedo habang nakasuklay pataas ang buhok nito. Mukhang nilagyan ng wax kaya ganiyan. Well, hindi ko alam ang tawag sa ganiyang ayos ng buhok dahil wala naman akong alam sa pagiging barbero no!



"Let's eat, young master." Pagyaya ko dito na agad din namang umupo sa upuan.  
 


Katahimikan ang bumalot sa buong paligid habang kumakain kami. Aiya. Ano pa bang aasahan ko sa isang male lead na parang pipi diba? Atsaka medyo tinatamad akong magsalita kaya uubusin ko muna ang pagkain bago siya kausapin. Hehe!



Nang matapos na kami ay agad siyang tumayo sa upuan at pumunta sa sala nitong condo. Mukhang nandoon ang mga gamit niya na dadalhin paalis. Ang nakakainis lang ay parang wala siyang naiwan na plato sa lamesa ahh. Hindi man lang niligpit!



Ako naman na walang magawa ay sinumulan na ang pagliligpit at mabilisang naghugas ng plato. Mahirap na at baka mabaliw ang male lead tapos bigla na lang akong iwanan diba?! Yung tipong dinala ka niya dito tapos iiwan ka lang? Nasaan ang hustisya non?!



Lumabas ako ng kusina atsaka hinanap ang male lead. Katulad kanina ay nakaupo na siya sa sofa habang seryosong tinitignan ang black folder na may laman yatang report.



"Will you take me back to the hospital, young master?" Tanong ko nang makaupo sa tabi niya.



Makalipas ang isang minuto na paghihintay ay hindi pa rin siya nasagot at busy lang sa pagtingin sa papel. Aiya! Mas maganda ba ang papel sa'kin? Ang sakit niya sa puso ahh. Kinalma ko na lang ang sarili at minabuting hintayin siyang matapos sa binabasa niya.



Nang ibaba nito ang hawak na folder ay tsaka ko siya kinalabit. Kaso ang animal ay tinaasan lang ako ng kilay tapos tumayo na sa pagkakaupo. Ni hindi niya ako kinausap na talaga namang nakakabadtrip. Problema niya ba at ang lakas ng topak?
 


"Why are you quiet, young master? Has the talkative spirit left your body?" Tanong ko ulit nang makahabol sa paglalakad niya. As usual ay hindi niya ako tinapunan ng tingin at patuloy lang sa paglalakad.



"Carnelia, mukha ngang bumalik na sa pagiging normal ang male lead! Hindi mo na siya mauuto ngayon! Aiya. So, hindi niya na ako mahahatid ngayon?"



Napasimangot na lang ako sa sobrang inis. Hindi ko na rin siya sinundan sa paglalakad at nanatili na lang sa pwesto ko kanina.





"Well, nevermind. I'm sure you won't take me back." Kunwaring malungkot kong sabi, habang pinipilit ang sarili na huwag siyang batuhin ng vase na naka-display sa gilid ko. Kalma lang, Carnelia!
 


Nang hindi na siya sumagot ay tumalikod na ako at dumiretso sa kwartong tinutuluyan ko. Geez! Wala akong oras magpabebe ngayon dahil malapit na mag-eight ng umaga. Baka nasa hospital na si Pira at kung ano-ano na ang gawin sa buhay niya kapag nakitang wala ako doon.



Niligpit ko na lahat ng gamit ko at nang masiguro na kumpleto na ay agad akong lumabas. Nakita ko pa si Vile na nakatayo sa harapan ng sofa habang inaayos ang suot niyang tuxedo. Nang tumingin siya sa'kin ay nginitian ko na lang siya na para bang hindi ako naiinis sa ugali niya.
 


 
"I'm going back to the hospital now, young master. I'm sure Pira will be there before eight o'clock." Sabi ko na lang. Hindi siya nagsalita sa halip ay tinaas niya ang kamay niya at pinakita sa'kin ang black tie na hawak-hawak niya. Oh? Anong gagawin ko diyan?



"Wa–wait! Huwag mong sabihin na gusto niya na ako ang mag-ayos ng tie niya?! Tama ba ako o assuming lang ako?"
 


 
"Y—you want me to fix your tie?" Nagtataka kong tanong. Aba'y mabuti nang makasiguro baka mamaya nag-aassume lang pala ako dito diba? Nang makita ang marahan nitong pagtango ay bahagya pa akong napalunok sa itsura niya.



Shit! Bakit ba ang gwapo-gwapo ng male lead? Parang kasing biglang nagka-anay ang matibay na puno. Hahahaha! P–pfft! Ehem! Anay talaga, Carnelia?! *Sighs*



"Okay, I'll leave after that. You know that I can't say no to you, young master." Kunwari ko pang sabi atsaka lumapit sa pwesto niya. Inabot niya naman sa'kin ang tie na agad ko namang kinuha.


Nang tignan ko ang pwesto naming dalawa ay naiiling na lang ako sa isip ko. Nakatuwid kasi siyang tumayo kaya paano ko malalagay ng maayos ang tie sa leeg niya ganoong mas matangkad siya sa'kin? Hindi naman obvious na balak niya akong pahirapan diba?


 
"Bend a little, young master." Nakangiti kong sabi na kinatingin niya sa'kin. Ewan ko nga kung anong iniisip niya dahil wala naman siyang emosyong nakatingin sa'kin ngayon.



Nakipagtitigan na lang ako kay Vile dahil ayaw niya pa ring gumalaw. Pero maya-maya din ay nagulat ako nang biglaang niyang nilapit ang mukha niya sa'kin na dahilan para mabawasan ng ilang segundo ang buhay ko. Damn!
 


 
"Like this?" Nakangisi niyang tanong habang nakatingin pa rin sa'kin.



Kinalma ko na lang ang sarili bago siya tinanguan. Dahil nga sa nakayuko na siya ng konti ay magkatapat na ang mukha namin ngayon. Mabilis ko na rin na nalagay ang tie sa leeg niya, kaya lang nagmukha naman akong nakayakap sa kaniya ngayon. Aiya!



 
"All right, tell me when the tie is just right..." Malambing kong sabi habang inaayos ang tie sa leeg niya.



Hindi ko na rin pinapansin ang tingin niya sa'kin na para bang kakainin niya ako. Well, kinakabahan kasi talaga ako sa pagiging malapit ng mukha niya. Konting push na lang at mawawala na ang first kiss naming dalawa!



Napatigil lang ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at pumasok doon ang sekretarya ng male lead. O–oh gosh!


 
"Good morning, boss—ahh?!" Gulat na gulat nitong sabi habang nakatingin sa'min ni Vile. Sa itsura niya ay mukhang hindi siya makapaniwala sa nakikita niya.



Like duh? Kahit ako kapag nakita ko ang amo ko na ayaw sa ex-fiancé niya tapos makikita ko silang magkalapit ngayon ay talagang magugulat din ako. Lalo na sa pwesto namin ni Vile ay mukha kaming mag-asawa na inaalagaan ang isa't-isa. Aiya! Ang corny! Nakakakilabot!



"Out." Pagpapalayas ni Vile kay Secretary Chen na mukhang natauhan na ngayon.


 
"Y–yes, I'm sorry." Sabi na lang niya at dali-daling lumabas ng condo.
 


 
"Young master, what if he misunderstood us?" Tanong ko sa kaniya nang matapos na ang pag-aayos ng tie niya.
 


"It's okay." Malamig nitong sagot na kinataas ng kilay ko. Anong okay? Hindi 'yon okay! Sigurado na kung ano-ano na ang theories na naiisip ng sekretarya niya dahil dito.



Napadako na lang ang tingin ko sa kamay nito nang makita na hindi niya suot ang gloves niya. Aiya! Napapansin ko na sa tuwing kasama ko siya ay wala siyang suot na gloves, anong nangyari sa pagiging maarte niya?



"By the way, where are your gloves? Lately, you're touching me without it, so I'm worried." Kunwaring nag-aalala kong tanong habang hawak-hawak ang kamay niya.



Nang mahawakan ko ang kamay niya ay hindi niya naman inalis, kaya hindi ko tuloy maiwasang malito sa trip ng male lead. Sa nobela pa naman ang arte-arte niya tapos ngayon parang wala lang sa kaniya na hinahawakan ko siya. Hmm... Nabaliw na yata kaya ganon.



"I'll wear it." Sabi niya at sinuot ang gloves nitong exclusive at naka-customize pa para sa kaniya. Iba talaga kapag rich kid ka!
 


"Okay, that's good." Nakangiti kong sabi atsaka inayos ang kwelyo ng polo niya.
 


 
 
SECRETARY CHEN'S POV



Nagmamadali akong sumakay ng elevator nang makita ang message ni boss. Pinapunta niya kasi ako sa condo niya dito sa Capital, kaya agad-agad kong pinatawag ang driver ni boss para sunduin siya.





Sa pagkaka-message pa naman ni boss ay mukhang hindi maganda ang naging gising nito. Hmm... Ano na naman kayang nangyari kay boss at mukhang nabadtrip na hindi ko maintindihan? Well, alam kong wala siyang emosyon kaya mas lalo akong natatakot sa kaniya.





"Paano pala kung pati ang Elite condominium ay pasabugin niya? Edi nagkaroon na naman ng panibagong problema?"





Napailing na lang ako at nagdasal na hindi masama ang gising ni boss ngayon. Nang bumukas ang elevator ay patakbo na akong pumunta sa kwarto ni boss at dali-daling pinindot ang passcode.





Binigay kasi sa'kin ni boss ang code dahil madalas ay inuutusan niya ako para kunin ang mga gamit na naiwan niya. Oh diba? Instant katulong at alalay ang naging itsura ko! *Sighs*





Agad naman na bumukas ang pinto kaya nakapasok ako kaagad. Alam ko kasi na sa ganitong oras ay busy si Boss D na nagbabasa ng files, kaya dire-diretso lang akong pumapasok sa loob.





Tumungo ako sa sala at agad na binati si boss. Pero agad din akong napatigil nang makita ang isang senaryo na hindi ko kailanman maiisip na posibleng mangyari!


"Good morning, boss—ahh!?" Gulat na gulat kong tanong habang nakatingin kay Boss at kay Lady Heavenhell ngayon.



"Out."


 
"Y–yes, I'm sorry." Mabilis kong sabi at agad na lumabas ng kwarto.



Napasandal ako sa pader habang pinoproseso ang nakita ngayon lang. Si boss ay nakayuko habang si Lady Heavenhell naman ay inaayos ang tie niya?! Seryoso ba yon?! Atsaka, bakit sila magkasama? May nangyari ba na hindi namin nalalaman?! Katapusan na ba ng mundo?



Nakatulala lang akong naghihintay na lumabas sila boss dahil hindi pa rin gumagana ang utak ko. Masiyadong nakakagulat ang eksena na naabutan ko na dumating sa punto na hindi ko alam kung nananaginip lang ako o ano.



At isa pang nakakagulat ay walang suot na gloves si boss! Nakahawak siya sa bewang ni milady nang walang gloves na suot! This is a big deal, okay! Ayokong mag-overreact pero hindi ko maiwasang mag-overthink!



Isa pa bakit nasa condo ni boss si milady? Hindi ba't dinala siya ng kapatid niya at nung bodyguard niya sa hospital kaya paanong nandito na siya ngayon? Atsaka kung nandito si Lady Heavenhell ng ganito kaagad, ibig sabihin ba non ay dito siya natulog?!



"A–argghh!!! Nababaliw na ako sa kakaisip! Gusto ko ng kasagutan pero natatakot akong magtatanong!"



Sa tingin pa lang sa'kin ni boss kanina ay para bang may nagawa akong malaking kasalanan sa kaniya... Hindi kaya nainis siya dahil istorbo ako? Well, imposible! Kahit anong gawin ko ay imposible talaga 'tong naiisip ko.



Kung talagang kilala mo si Boss Eli ay hindi mo talaga maiisip na may ganitong eksena kang makikita ngayon. Kahit sino pang tanungin nila ay isa lang ang masasagot sa'kin at yun ay imposible.





Ang walang emosyon na si boss ay talaga namang mapagpanggap kung minsan. Kahit sino nga ay nauuto niya ehh, si Lady Heavenhell pa kaya na may gusto sa kaniya?


 
"Good morning, Secretary Chen." 



Halos malagutan ako nang hininga nang makita ang nakangiting mukha ni Lady Heavenhell. Hayys! Napakaganda talaga ni milady, kahit sino ay kikiligin kung ngingiti siya ng ganiyan!
 
 
 


"G—good morning, lady boss—I mean, Lady Heavenhell." Nakangiti kong sabi habang iniiwas ang tingin sa kaniya. Nakita ko kasi na lumabas na rin si boss at nauna nang maglakad sa'min.



⊙﹏⊙





Napalunok na lang ako sa nangyayari. Ini-expect ko kasi na sasabay si Lady Heavenhell kay boss pero hindi ko naman inaakala na sa'kin siya sasabay sa paglalakad. Ang nangyari tuloy ay si boss ang nauuna, samantalang naiwan naman kami ni milady na naglalakad sa likod.



"*Gulp* Hindi ko naman siguro ikamamatay 'to diba?!"


 
"You're cute. Do you have a girlfriend?" Biglang tanong ni milady na kinaubo ko.



Hindi ko rin maiwasan na mamula dahil sa papuring sinabi niya sa'kin. Sinong hindi matutuwa kung sinabihan ka ng diyosa na cute diba? Haha! Babaunin ko 'to hanggang sa mamatay ako!





"A–ahmm..." Utal-utal kong sagot nang makita ang mukha ni Lady Heavenhell na sobrang lapit sa'kin. Hinihinaan niya lang kasi yung pagtatanong niya para siguro hindi marinig ni boss. Pero sa lakas ng pandinig ni boss, siguradong naririnig niya kaming dalawa!



"Based on your expression, there's no one." Agad niyang sabi habang nakatingin sa'kin. *Gulp* O–oh, dear! My heart can't take it! She's so beautiful!



"That's right, my lady." Nahihiya ko pang sabi na kinatango niya naman.


 
"That's nice to hear." Dagdag pa niya pero hindi na ako nagsalita. Nararamdaman ko kasi na parang nalalapit na ang kamatayan ko kung patuloy akong makikipag-usap kay Lady Heavenhell. Damn! So scary!



"So how old are you?" tanong na naman ni milady na kinalunok ko na lang ulit. Hindi ba nararamdaman ni milady ang nalalapit kong kamatayan?



"I–I'm twenty-three years old, Milady." Sagot ko na lang na kinangiti niya nang malawak. Mukha siyang natuwa sa nalaman na dumating sa punto na nasigaw niya yung susunod niyang sasabihin.



"Oh really?! What a coincidence! I want to meet you some other day. Is it okay?" Inosente nitong tanong sa'kin na lalong kinakaba ng puso ko. Sa tanong niya kasi para bang niyaya niya akong makipag-date.



"S–shit! Ayusin mo ang pag-iisip mo Chen kung ayaw mong mabaril ng demonyo sa harap mo!"



"I–I'm not sure, my lady. I still need permission from my boss." Sagot ko na lang habang hinihiling na hindi na niya tanungin si boss tungkol dito. Pero mukhang kabaliktaran yata ang nangyari nang bigla siyang tumango.
 


"Oh, your boss! Okay, I'll ask him." Nakangiti niyang sabi at agad na lumapit kay boss.



Hindi pa ako tuluyang nakaka-move on ay tsaka ko naman nakita na hinawakan ni Lady Heavenhell ang braso ni boss. Ang nakakagulat doon ay hindi siya pinaalis at nasaktan sa ginawa niya. Si boss na walang puso na pinapatay ang mga babaeng magtatangkang hawakan siya ay hinayaan lang si milady na lumapit sa kaniya?!



Lalo tuloy akong naguluhan sa nangyayari! Bakit kung umasta si Lady Heavenhell ay para bang sanay na sanay na siyang humawak kay boss? Bakit si boss kung kumilos parang wala lang sa kaniya ang ginagawa ni milady?!



"A–arghh! Nababaliw na talaga ako dahil sa lovelife ng iba! Mukha kailangan ko nang humanap ng babae na pwedeng maging girlfriend ko. Kahit sino diyan basta humihinga ay ayos na sa'kin!"
 




Nang makarating kami sa sasakyan ay tsaka lang ako nakahinga ng maluwag. At least, hindi na ako third wheel dahil may kasama na kaming driver ni boss na si Dust.





Halos magka-edad lang kami dahil kaklase din namin siya sa A.I.A. Well, this guy is a professional racer, kaya si boss ay malaki ang binabayad sa kaniya para maging driver niya.



"Milady, ito nga pala si Dust ang personal driver ni boss." Pakilala ko kay Dust na nakasuot ngayon ng shades na akala mo naman may araw sa loob ng kotse.



"Good morning, milady." Nakangiting bati ni Dust na mukhang nagpalakas kay milady. Kapal talaga ng mukha netong alikabok na 'to.



"Hello! Nice to meet you, Dust!" Mala-anghel na ngiti ni Lady Heavenhell na kinagulat namin ni Alikabok. Shit! She's an angel!!!



"Enough." Malamig na sabi ni boss na kinatahimik na lang naming lahat. Ang kaso lang biglang nagtanong si Lady Heavenhell na kinakaba ko ng husto.



"Young master, I'll ask you for your permission." Sabi ni Lady Heavenhell kay boss. Nagkatinginan lang kami ni Dust na nagmamaneho na ngayon.



"For what?" 
 


"You see, I want to borrow your secretary for a day." Diretsong sabi ni Milady na kinalaki ng mata ko. D–damn! Ngayon lang ulit ako kinabahan sa kahahantungan ng buhay ko!
 
 



"Oh, heaven! Hindi pa ako nakahanap ng girlfriend, huwag niyo muna akong kunin ngayon!"



HEAVENHELL'S POV
 
 



Nakasakay na kami ngayon sa kotse at napakilala na rin sa'kin ni Chen si Dust na personal driver nitong si Vile. Actually, ngayon ko lang siya nakita dahil iba ang nagda-drive kapag magkasama kami ni Vile last time.





Napadako ang tingin ko kay Chen nang may maalala. Aha! Tatanungin ko nga pala si Vile kung pwede kong hiramin ang secretary niya kahit isang araw lang. Hehe! Hindi niya naman siguro ipagdadamot ang secretary niya diba?





Lumingon ako kay Vile at bahagyang lumapit sa tabi niya. Nasa gilid kasi siya na para bang ayaw akong lapitan. Well, wala naman akong pake dahil kahit ako ay ayaw siyang lapitan ganoong nandito ang driver at secretary niya.



"Young master, I'll ask you for your permission." Nakangiti kong sabi nang tignan si Vile na nakatingin lang sa bintana.
 




"For what?" Tanong nito nang hindi pa rin lumilingon sa'kin.



"You see, I want to borrow your secretary for a day." Dire-diretso kong sabi. Napangiti lang ako nang humarap na siya sa'kin na nakakunot na ang noo ngayon.


 
"Is that alright?" Nag-aalinlangan kong tanong dahil sa itsura niya. Mukha kasing hindi siya papayag dahil sa tingin nito sa'kin!




 
"No." Malamig nitong sagot na kinanguso ko na lang.
 



 
"Just for a day?" Tanong ko ulit pero sinamaan niya lang ako ng tingin. Bakit ba ang damot niya sa sekretarya niya?! Isang araw ko lang naman siyang hihiramin tapos ibabalik ko rin sa kaniya pagkatapos. 
 



 
"Silence." Seryoso na nitong sabi na lalo kong kinasimangot. Kung pwede nga lang siyang samaan ng tingin ay ginawa ko na, kaya lang hanggang pagpapa-cute lang talaga ang pwede kong gawin sa harap ng male lead!
 



 
"But..."
 




"No buts." Sabi pa niya na halatang ayaw niya talagang pumayag.





Napasandal na lang tuloy ako sa upuan ng kotse sa sobrang inis. Tahimik lang din sa harap sina Dust at Chen na parang hindi na yata humihinga sa mga pwesto nila. Nakakagulat nga na nakakapagmaneho pa si Dust ng maayos sa lagay nila ngayon.





Nilingon ko na lang ulit si Vile na walang emosyong nakatingin ng diretso. Hindi ko talaga siya maintindihan dahil wala naman masiyadong nakasulat sa nobela tungkol sa pabago-bago ng trip ng male lead. Ako tuloy itong nalilito sa nangyayari!





Lumapit na lang ako kay Vile atsaka siya hinawakan sa braso. Bahagya kong hinila ang braso niya para mapatingin siya sa'kin. Nagmumukha na nga yata akong bata sa inaasta ko ngayon dahil sa hinayupak na 'to ehh.





"What?" Nakakunot noo niyang tanong. 




Aiya! Mukhang kailangan ko yatang sabihin kung anong rason ko kung bakit hihiramin ko si Chen sa kaniya. Napalingon ako sa passenger seat para tignan ang ginagawa niya.





Nang makita na pawang hindi pa humihinga si Secretary Chen ay tsaka naman ako lumapit kay Vile para ibulong ang dahilan ko. Sa umpisa ay ayaw niya pang lumapit sa'kin, kaya sa inis ko ay hinawakan ko ang batok niya atsaka bumulong.



"A–actually, I just want to match him with my personal maid and let them have a blind date. Don't tell Secretary Chen about this, okay?" Bulong kong sabi sa kaniya bago tumingin sa mukha niya.



"Blind date with your maid?" Nakakunot noo nitong tanong na agad kong kinatango.  
 




"Yes, isn't that fun? They're around the same age, so I think that they will become friends. But you don't agree, so I guess—" Kunwaring nalulungkot kong sabi pero hindi ko na natapos ang dapat sabihin nang marinig ang sinabi nito.



"Okay." 





O_O





"Ta–tama ba ang dinig ko?! Pumayag na siya?" 





"O–okay? As in, you agree?" Paniniguro ko pa dahil baka nabingi lang ako sa narinig kanina.



"Hmm..." Pagsang-ayon nito na kinangiti ko na lang. Hehe!



"W–wow! Thank you!" Excited kong sabi nang ma-imagine ang magiging first meeting ni Pira sa magiging boyfriend nito sa hinaharap. Bwahahaha! I want to watch it live!





Sa sobrang occupied ko yata ay nakalimutan ko na nakahawak pa pala ako kay Vile. Shit! Nakakahiya naman kila Secretary Chen at Dust na mukhang natuluyan na talagang hindi humihinga dahil sa gulat. Hehe! They are funny!



"Hey, Secretary Chen, he agreed! I'll invite you once you're free!" Nakangiti kong sabi na nagpagulat sa kaniya. Mukha ngang nabuhayan ulit siya dahil sa narinig.
 
 


"My boss agreed?" Tanong niya na parang hindi makapaniwala.



"Yes! My dad—love is the best!" Natatawa kong sabi habang hindi lumilingon kay Vile. Aiya! Carnelia, nagsisimula na naman 'yang bibig mo!





"E–ehem! Okay, my lady." Sagot na lang ni Chen na mukhang nawalan ulit ng kulay, ganoon din si Dust na parang nanigas na yata. Anong problema nila? May mali ba sa sinabi ko?




 
Natigil lang ako sa pagtatanong sa sarili nang biglang magsara ang partition ng kotse dahilan para mahiwalay kami sa front seat.





Oh? Nilingon ko si Vile na may hawak-hawak na remote ngayon kaya hindi ko tuloy maiwasang mapangiti sa itsura niya. Mukha siyang badtrip na hindi mo maintindihan. Haha! Cute!
 


 
"H–huh? You close it so that no one will bother us, right?" Kunwaring nagtataka kong tanong habang nakapangalumbaba na nakaharap sa kaniya.  



"Silence." Saway niya sa'kin at binalik na sa bintana ang paningin.



"I'm still sleepy. Hug!" Nakasimangot kong sabi habang pinipigilan na huwag matawa.




Shit! Nakakatawa kasi talaga ang itsura niya nang makita niyang nakabuka ang kamay ko na parang humihingi ng yakap. Nakakunot lang ang noo niya atsaka bahagyang umiling.



"Shut up."



"Ehh? You don't want to? Daddy..." Kunwaring paiyak ko nang sabi pero ang animal ay sinamaan lang ako ng tingin.
 



"Shh! Be quiet, okay?" Malamig niyang sabi na kinatango ko na lang.




Mukha kasi siyang teacher na mahinahong pinapatahimik ang napakaganda at top one niyang estudyante. Hahaha! Ang kapal mong bruha ka, tumahimik ka na! 



"Okay!" Sabi ko na lang at tumahimik na buong biyahe.
 
 
 

 
Makalipas ang ilan pang minutong biyahe ay nakarating na rin kami sa tapat ng hospital. Ngayon ay sigurado na ako na nandoon na si Pira sa loob dahil lagpas alas-otso na! Mabilis akong bumaba ng kotse bago nagpaalam sa kanila.



"Thank you, and take care! Secretary Chen, I'll invite you some other day, so don't forget. Bye!" Hindi ko na sila hinintay na magsalita dahil mabilis akong naglakad papasok ng hospital.



May pagkabaliw pa naman yun si Pira at baka kung ano ang maisipan tapos magreklamo sa mga doctor don. Aiya! Ewan ko kung kanino niya nakuha ang pagkabaliw niya ganoong napakatino naman ng amo niya.



Nang marating ang kwarto ay agad na sumalubong sa'kin si Pira na mukhang haggard na ngayon. Sa itsura niya kasi ay para siyang nanakawan ng pagkain, tapos yung pagkain na yun ay nag-iisa na lang. Yung ganoong vibe ba!
 
 


"Milady, where did you go? I'm so worried that something bad might happen to you." Nag-aalala niyang sabi na dinaig pa ang nanay ko kung magsalita.



"Geez! Siguro may plot twist 'tong nobela tapos siya pala ang nanay ni Heavenhell no? Kung hindi lang siya ka-edad ni Chen ay iisipin kong siya ang nanay ni Heavenhell dahil sa pagkakamali ni Lord Caventry sa kaniya."



"I'm fine. Don't worry about me. Let's just get out of this hospital since I hate being here." Sabi ko na lang at inalis na sa isipan ang mga karaniwang plot na nangyayari sa nababasa kong novel noon.



"Alright, my lady." Pagsang-ayon na lang niya at mabilis na inasikaso ang papel na kailangan naming pirmahan.  
 




Nang matapos ang lahat ng proseso ay tuluyan na nga kaming nagkalabas ng hospital. Habang nagmamaneho si Pira ay hindi ko maiwasan na magtaka sa mga kinikilos ng mga nurse at doctor sa hospital. Kung kumilos kasi sila parang naghahabol sila ng oras. Nilingon ko si Pira at agad na nagtanong.



"What happened? The nurses and doctors look like they're in an emergency."



"Maybe it's because of the bombing last night, my lady." Sagot nito na kinalaki ng mata ko. Anong bombing pinagsasabi nito?
 




"Bombing? As in pinasabog, binomba, nagliyab tapos nawasak? Ganon?" Gulat kong tanong na agad niyang kinatango.
 


"Yes, milady. Pinasabog ang building ng hotel kagabi. Base sa nakalap kong impormasyon ay military officials daw ang nag-utos na gawin 'yon. Pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nagbibigay ng official statement tungkol dito kaya marami ang hindi pa nakakaalam ng totoong dahilan." Mahaba niyang paliwanag na kinakunot ng noo ko.
 


"Aiya! Sinong siraulo ang maglalakas ng loob na pasabugin ang building sa mata ng maraming tao? Hmm..."



Sigurado ako na hindi ang higher officials ng military ang nag-utos non dahil alam nila ang mangyayari kapag nakalabas ang balitang 'to sa bansang kalaban ng Atlante.



Lalo pa't isang government property ang hotel na pinasabog nila! Sa magiging labas tuloy nito sa ibang bansa ay mahina ang impluwensya ng gobyerno sa bansang 'to.



"Mukhang hindi magtatagal ay sasabak sa giyera ang bansang Atlante laban sa iba't-ibang bansa. Ang tanong nga lang, anong bansa o sino sa kanila ang unang kikilos? Hehe! This is fun but scary!"



***



Ngayon ay ang araw ng pagbabalik ko sa  AIA. Actually, hindi ko nadama na may isang buwan akong bakasyon dahil sa sunod-sunod na problemang hinarap ko. Mabuti na nga lang at hindi ko pa nakakasalubong sa buong mansyon ang isa sa mga Caventry, maliban kay Heleina.



Ang sabi ni Heleina sa'kin ay nasa ibang bansa sina Lord Caventry at Madam Abella para sa secret transaction daw na walang akong pakialam. Si Harry naman ay abala daw sa pamamahala ng mafia organization habang wala yung magulang niya.



Si Henry malay ko kung nasaan, malamang nasa hospital yun kung nasaan si Mitchel. Nasa hospital pa kasi ang bruha na akala mo comatose siya kung makaasta. Ilang bali lang naman ang natamo kung maka-arte akala mo hindi assassin. 



Kung alam ko lang na balak niyang umarte na comatose, edi sana tinuluyan ko na siya para hindi niya na kailangang umarte. Pasalamat siya nagpapanggap pa akong mabait ngayon dahil konting hampas ng vase at sipa lang ang natamo niya sa'kin. Tsk!



Humarap na lang ako sa salamin at inayos ang nakabusangot na mukha. Kailangan ko munang isawalang bahala ang bitch na mukha ni Mitchel dahil mababadtrip lang ako sa kaniya.



Nang matapos sa pag-aayos ay napangiti  na lang ako sa itsura ni Heavenhell. Ngayon ay nakasuot ako ng simpleng jeans, khaki boots, at white sweater. Hinayaan ko na rin na nakalugay ang ash brown kong buhok dahil sa tinatamad akong magtali. Heh!



"Mi–milady, you're so cool!" Namamangha na namang bati sa'kin ni Pira nang makita ang itsura ko.





Nginitian ko na lang siya at hindi na nagsalita. Ayoko nang magyabang at baka biglang humangin tapos magulo pa ang buhok ko. Tsk!





Naglakad na ako palabas ng kwarto at dumiretso na sa garage. As usual ay pinagtitinginan pa rin ako ng mga maid at Elite guards pero hindi ko na sila pinansin pa.





"Take care, milady!" Paalam sa'kin ni Pira na tinanguan ko na lang.





Mabilis kong pinatakbo ang kotse papunta sa AIA dahil pinapatawag ulit ako ng headmaster. Sigurado naman ako na kaya niya lang ako pinatawag para sabihin na pasok ako sa top 10 kuno na magpre-present next week.





Bumaba ako ng kotse at taas noong naglakad papasok. Agad naman napalingon sa'kin ang mga estudyante na mukhang namumukhaan na yata ako.






Noong unang pasok kasi ay hindi pa sila sigurado kung sino ako, pero ngayon iba na ang sitwasyon. Ikaw ba naman laging laman ng balita, tignan ko lang kung hindi ka pa nila makilala.





Isa pa sa dahilan kung bakit mabilis nila akong natandaan ay dahil sa lagi na akong involve sa aksidente. Aiya! Hindi ko naman ginusto na mapasok sa gulo, sadyang mahal lang ako ng gulo kaya siya na ang lumalapit sa'kin.



"Is that Lady Heavenhell?"
 
 

"O–oh my! I'm so in love with her!"
 
 

"I'm glad that she's safe after the accident!"
 
 

"Yeah, I saw it via live streaming and I'm still scared thinking about it."
 


"Me too. In particular, the bombing of the building is scary!"
 


"I wonder who ordered that? It's so heartless!"
 

 
"Shh! Quiet! Don't worry about it too much."
 
 
 


Napailing na lang ako sa pinag-uusapan nila atsaka dumiretso sa building kung nasaan ang opisina ng kalbong headmaster.
 
 


 
"Welcome, Lady Heavenhell." Nakangiting bati niya sa'kin pagkapasok ko palang ng opisina niya.
 




"Yes, thank you. So why are you calling me here, headmaster?" Diretso kong tanong nang makaupo sa upuan na nasa harap ng lamesa niya.
 


"Oh, I'm congratulating you for entering the top 10 that is going to represent your department to the visitors next week." Excited niyang balita sa'kin na tinanguan ko na lang.
 



"Okay, thank you." 
 


 
"You don't look surprised." Nakangiti niyang sabi sa'kin na kinangisi ko.  
 


"It's okay, I already expected myself to be part of that so-called presentation in front of the business elites." Nakangiti kong sabi na kinatango niya na lang.





Actually, ayokong magyabang pero yun talaga ang sagot ko sa tanong niya kaya wala akong magagawa. Hehe!
 



 
"It's good that you have confidence. At first, we thought of disqualifying you for not following instructions, Lady Caventry. You just passed a one-page introduction that is supposed to be a report. Who would do that?" Bigla niyang sabi nagmukhang na-stressed siya sa pinasa ko.



 
"It's an abstract different from the introduction section of my whole research report. It is more detailed than the other one." Paliwanag ko na lang.





Tulad nga ng sabi niya ay isang page lang talaga ang pinasa ko sa head ng department. Kumbaga yung abstract lang ng research para iwas nakawan ng ideya.





Mahirap na at baka may mala-Mitchel sa department namin tapos kunin ang report ko, edi kailangan ko ulit gumawa ng bago?! Ayoko, nakakatamad!


"Oh, really? I see! You're quite clever, Lady Caventry! Even though we want to disqualify you, we can't do that since your research has attracted the attention of the directors. Even so, I am curious about that small thing you mentioned in your report." Sabi pa niya na halata mo talaga na gusto niya nang malaman ang laman ng research ko.
 



 
"Thanks for your consideration and for not disqualifying me, headmaster." Pagpapasalamat ko na lang.
 
 




"Don't thank us. We just did our job, and you also did a good job. So I will see you next week for your presentation. Congratulations again." Nakangiti niyang sabi na kinangiti ko na lang din pabalik.  
 



 
"Yes, thank you, headmaster. I'll go now."




 
Nakahinga ako ng maluwag nang makalabas na ng building. Kaso lalakad pa lang sana ako nang harangin ako ng dalawang lalaki na nakasuot ng military uniform.



"Are you Lady Caventry?" Tanong ng isang lalaki na pamilyar sa'kin, parang nakita ko na siya. Wait! Kung tama ang pagkaka-alala ko, siya si Captain Wood na kasama last time nung bruhang Fey ba 'yon?



"Yes, why?" Tanong ko na lang sa kaniya.
 




"Lieutenant Roosevelt wants to meet you, Lady Heavenhell." Sagot niya na tinanguan ko na lang.
 




"Okay, lead the way."
 
 



Sinundan ko sa paglalakad ang dalawang lalaki sa harap ko habang hindi na pinapansin ang mga tumitingin sa'kin. Tutal ay sanay na rin naman ako na maraming nagagandahan sa'kin ay hindi na bago ang ganitong sitwasyon na pinagtitinginan ako ng lahat. Hehe!





Nakarating kami ng mapayapa sa opisina ni Lieutenant Yu. Mabuti nga at hindi ko nakasalubong si Janice dahil siguradong magtatanong yun kung bakit ako nandito.
 



 
"Good morning, Lieutenant Roosevelt." Nakangiti kong bati sa uncle ng male lead. Aiya. Kailangan mong maging mabait dahil kamag-anak niya si Vile, Carnelia!
 



"Oh, Heavenhell! It's been ages since I saw you!" Natatawa niyang sabi na kinailing ko na lang.
 
 



"You're being funny again, sir! So why did you call me? Something happened?" Kaswal kong tanong. Well, ayoko mang aminin pero malapit ang loob ko sa kaniya dahil isa siyang sundalo.




 
"Yeah, I heard that you don't have a class since you're going to take part as your department representative, right?" Mala-tsismoso niyang tanong na tinanguan ko na lang. Aba masiyadong updated itong si Lieutenant ahh!
 
 


 
"Like your department, the military department will also have an exciting event coming up, so I want to invite you now to oversee their training. Are you going?" Bigla nitong sabi na kinalaki ng mata.




"Aiya! Ang isang Roosevelt ay niyayaya ako na manood ng training ng mga trainee?! Oh my! I'm so excited! E–ehem! Kalma lang, Carnelia. Huwag kang pahalata na excited ka." 




 
"Really? Isn't it too strange for them if they saw me?" Kunwari ko na lang na tanong. Syempre tamang pakipot muna tayo para hindi halata na gustong-gusto kong manood. Hehe!
 




"They will not dare say a word. You're just going to watch and enjoy the show." Nakangiti niyang sabi na pinagdiwang ko naman sa aking isip.



"Okay, I'll go." 
 



"Hmm... Sana makakita ako ng exciting na training sa military camp ng department! Please, I hope they're good!"
 




***



(ー_ー゛)





Tahimik lang akong nakatingin sa mga military trainee habang nagpapractice silang bumaril. Yung ibang nasa obstacle course at doon nagpapasikat. Ang iba naman nasa field at tumatakbo ng nakahubad at iba't-iba pang training na sa tingin ko ay naman ay may pagkakahanlintulad sa Earth.





"Pero kung ikukumpara ko ang training nila sa training namin noon, ay naku po! Higit na mas madali ang ginagawa nila ngayon, kumbaga basic na 'to sa'kin! Hindi ako nagyayabang dahil totoo ang sinasabi ko."




Marahil may mga magagaling talaga sa kanila pero mas marami ang mga estudyante na parang hindi seryoso sa ginagawa nila. Aiya! Delikado sila kapag nagkaroon ng giyera, dahil hindi pa nila natututok ang mga baril nila ay may nakabaon ng bala sa mga bungo nila.


 
"How is it?" Biglang tanong sa'kin ni Lieutenant nang makaupo kami sa bench na malapit sa field.
 




"They're good." Komento ko na lang. Hangga't maaari ay ayokong magbigay ng opinyon tungkol dito dahil nakakahiya naman sa lieutenant na katabi ko.
 




"Just good?" Tanong nito na bakas ang gulat sa kaniyang tono. Hindi niya siguro inakala na ang isang estudyante na galing sa Research and Innovation Department ay hindi namangha sa pinakita ng mga estudyante nila.




 
"Hmm... They are all talented and strong physically. But there's something that you can't test even if they continue doing all that training." Sabi ko na lang.





Ayoko man na magbigay ng opinyon ay hindi ko pa rin mapigilan ang bibig ko. Syempre kapwa sundalo ko ang mga 'to, kahit papaano ay may awa pa rin ako sa kanila.




 
"And what is it?" Tanong niya na mukhang interesado sa gusto kong sabihin. Huminga na lang ako ng malalim bago magsalita.




 
"Those exercises are beneficial, but they cannot be used to test one's willpower." Kaswal kong sagot habang nakatingin sa iilang trainee na nagkakatuwaan sa pag-eensayong bumaril.
 



 
"What are you talking about?" Tanong nito na para bang wala siyang nalalaman. Aiya. Ang galing ding magpanggap ng uncle ni Vile ahh. Kung uto-uto lang ako ay naniwala talaga ako na clueless siya sa gusto kong sabihin.



"What else, of course, is a will to protect the people and the country itself? How sure can you get that they will not betray their brothers, their team, and the country?" Tanong ko sa kaniya na kinatigil niya. Hindi rin nakatakas sa'kin ang bahagya niyang pagngiti nang marinig ang sinabi ko.
 




"Oh, really? They're just students. They still need a lot of experience before we come to that conclusion." Pagkukunwari niya pang walang alam na sabi na sinakyan ko na lang para hindi ako matawag na killjoy.
 



 
"This is just my opinion, sir, but one mistake can lead to death. Lack of experience, lack of training, and lack of knowledge, whatever it is, just ends in one result, and that is death. Especially now, a war may break out without warning." Seryoso kong sabi habang hawak-hawak ang baril na pinahawak niya sa'kin kanina.
 




"I see, so what do you think is the solution to that?"
 
 



Lumingon ako kay lieutenant bago siya sinagot. "Pain. Let them experience it."



"Why?" Tanong niya ulit. Aba'y talagang kinarir niya na ang pagiging aktor ahh? Well, papatalo ba naman ako sa aktingan ganoong sa plastikan, ako ay batikan? Hehe!






Nagseryoso na lang ako atsaka pinagmasdan sa malayo ang pigura ni Janice nang mahagip siya ng mata ko. Kasalukuyan itong nag-eensayo sa paghawak ng espada na talaga namang nakaka-engganyong tignan. Habang nakatingin kay Janice ay tsaka ko siya sinagot sa tanong niya.
 




"It's because people tend to give up when they experience pain. So I'm going to ask you a question. How strong is your soldiers' ability to endure pain, sir?" Tanong ko kay lieutenant na kinatahimik niya. Mukhang hindi niya inaasahan na magtatanong ako tungkol sa kakayahan ng mga sundalo nila.



"I'm not sure about that. I can't think of a way to test them without hurting them." Bigla niyang sabi na kinataas ng kilay ko sa inis. Anong without hurting them? Seryoso?!
 




"Stop that noble mentality, sir. Let them experience what would happen in the real battleground." Seryoso kong sabi na kinatingin niya sa'kin. Naramdaman niya siguro na hindi ako natuwa sa sinabi niya kanina.
 




"So if you're the commander, what would you do?" Tanong niya sa'kin na kinatigil ko.






Naging tahimik kami sa loob ng ilang segundo bago ako nagsalita base sa napagdaanang kong hirap sa mga giyera. Ano ba ang pinaka kailangan ng sundalo sa oras ng labanan? Well, para sa'kin motibasyon at tibay ng loob ang importante.





Bakit ka ba lumalaban? Para saan at para kanino? Yan ang tanong na palagi kong sinasagot sa tuwing napanghihinaan ako ng loob. Kaya kung babalikan ko ang pagiging trainee dati, 'yon ang gagawin kong prayoridad.




 
"Of course, testing their mental capability and their ability to endure pain." Sagot ko na lang. Well, ito ang sa palagay kong kailangan nila. Marahil ay iba ang kanilang pananaw, pero bilang sundalo noon ay ito ang pinaka nahirapan akong pagtibayin.





"My gosh! Isipin ko pa lang kung paano manginig ang tuhod ko sa unang misyon ko dahil sa takot na baka mamatay ako. Aiya! Kung ganoon din ang mangyayari sa kanila sa giyera ay talagang mamamatay sila nang walang laban!" 





"And how would you do that?"





Nabalik ang atensyon ko kay lieutenant nang marinig ang susunod nitong tanong. How would I do that you say? Hehe!



"It's simple, by means of..." Sabi ko na lang habang pinag-iisipan kung sasabihin ko ba 'to o hindi. Napatingin na lang ako sa mga estudyante na ginagawang biro ang paggamit ng baril na agad kina-init ng ulo ko. Well, they deserved to experience this!
 




"By means of what?"




 
Napatingin ako kay Lieutenant na seryoso ngayon, bago siya sinagot nang nakangisi.





"Torture."
 
 
 

 
 _______________________________________

Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Συνέχεια Ανάγνωσης

Θα σας αρέσει επίσης

Lerwick Από Yana

Περιπέτεια

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...