Miss Victoria

Autorstwa nayawrites_

156K 7.5K 10.3K

Are you willing to sacrifice your love even if your life is the replacement? The professor who can save her b... Więcej

• Author's note
• Prologue
02 - unknown
03 - tour
04 - Professor Dawn
05 - breakfast
06 - stuck
07 - peaches and cream
08 - wet
09 - flowers
10 - resto-fee
11 - worried
12 - agreement
13 - her point of view
14 - Training
15 - enemy
16 - weak
17 - comfort
18 - cold
19 - what happened?
20 - sick
21 - closeness
22 - kiss
23 - love
24 - date
25 - clingy
26 - trip
27 - flirt
28 - beaches
29 - License or Love?
30 - friends
31- hurt
32 - forgiveness?
33 - reconciliation
34 - second
35 - picnic
36 - be mine
37 - honeymoon
38 - threatened
39 - movie marathon
40 - gift
41 - fishy
42 - Irene's pain
43 - I love you, goodbye.
44 - gone
45 - graduation
46 - new chapter of life
47 - she's back
48 - rest
49 - acceptance
50 - sister's love
51 - return of love
52 - evening
53 - forevermore
54- father
55 - dinner
56 - top
57 - Kaiden
58 - plan
59 - home
60 - yes or No?
61 - ride
62 - revealed
63 - felt guilty
64 - conciliation
65 - Mira's birthday
66 - before the wedding
67 - this is it!
Epilogue
Theme Song
Author's last note
SC 01 - Preggy Sammy
SC 02 - Material Wife
SC 03 - birthday

01 - first met

4.3K 156 236
Autorstwa nayawrites_


A wonderful morning to our protagonist Samantha Louise D. Mendoza, twenty one years of living in the world. A lovely, kind and innocent little girl.

Unang araw, sa unang kabanata ng aking buhay sa libro.

Handa na nga ba ako makasalamuha ng isang tao na magbabago sa aking buhay?

Samantha's point of view

THE SUN WAS RISEN AND SHINING, the wind is cold and breezy, people are back to work this morning, some cars are revving and the birds began to fly to get food for their family.

"Kring! Kring!"

Umaga na naman. Isang malakas na alarma sa cellphone ang sumampal sa akin na naging dahilan nang pagkagulat ko.

"Ayoko pa pumasok!" Hiyaw ko habang tinatadyak tadyakan ang mga unan na nakapalibot sa akin dito sa kama. Sinampal sampal ko na rin ang aking sarili para magising at ini-stretch ang katawan.

"Aray!" Daing ko nang masampal ko nang malakas ang aking mukha, tila ba'y gumising ang aking diwa sa sampal na 'yun.

Sino ba kasing tanga ang sasampalin ang sarili? Malamang ako.

I rose up from the bed at kinuha ang twalya na nakasampay sa balcony para makaligo ng mabilis. Fortunately, the condo I rented has a hot and cold shower. Hindi ako magugulat tuwing umaga dahil sa mala-iceland na tubig na 'yan.

After taking a bath, I looked for a plain white t-shirt and jeans in my mini closet. Ang sabi kasi sa amin, para raw sa mga baguhan ito muna ang susuotin tutal wala pa naman kaming uniporme.

Yes, ako ay isang baguhan na estudyante dito sa unibersidad sa Pilipinas. Isa akong dalaga na galing probinsiya ng Cagayan na titira dito sa Manila upang makapagtapos nang pag-aaral at maging isang ganap na Teacher. And also, I want to experience studying here, but at the same time I'm also nervous.

Ikaw ba naman na laking probinsiya ay titira sa ganitong lugar. Walang kakilala, maalikabok, maraming buildings, sasakyan, traffic pa at higit sa lahat ay kakarampot lang ang makikita mo na puno. Kumpara naman sa probinsya masimoy ang hangin, kalmado ang mga tao at higit sa lahat, marami na akong kakilala.

Pero walang makakapigil sa akin, dahil alam ko na para 'to sa kinabukasan ko at ng pamilya ko.

Pagkatapos ko maligo at magbihis, pumunta na ako sa kusina para magluto ng aking almusal. Itlog at hatdog ang aking nilutong ulam, kasabay ng kanin kagabi na isinangag ko na ngayon.

Habang kumakain ako mag-isa sa tahimik na espasyo ng aking condo, naisipan ko kamustahin muna si Mama at i-update ang aking buhay sakan'ya.

Mama:

Good Morning ma! Kamusta diyan? Papasok na po ako mamaya, ingat ka po palagi at inumin mo ang maintenance mo always. I love you!


Hindi ko na siya hinintay pa magreply, dahil alam ko na busy siya sa pagsasaka nang aming palay sa probinsya ngayong umaga.

Hays, nakakamiss pala si Mama't papa.

After I ate, I washed the dishes and ready my stuffs. Pagkalabas ko ng kwarto, tumakbo ako papuntang elevator para sumabay pababa.

"Sandali!" Malakas na hiyaw ko, nilahad ko ang kanang kamay ko sa pintuan ng elevator para pigilan iyon sumara.

Ngunit sa hindi sinasadya ay napatid ako sa aking sintas ng sapatos at aksidenteng nabunggo ang babaeng nasa harapan ko. Sinalo niya ako gamit ang dalawang kamay niya na naka ipit na ngayon sa aking kili-kili.

Grabe ang lakas niya! Aminin ko na malakas ako kumain at panigurado na mabigat ang aking timbang, pero sa ginawa niya ay hangang-hanga ako. Partida babae pa 'tong sumalo sa akin.

"Ang bigat mo!" Nanghihina na sambit niya sa akin, pilit hinihiwalay ang katawan sa akin.

Hala, pasensya na po. Magdadiet na talaga ako.

"Pasensya na po." Paghingi ko ng tawad at niyuko ang ulo ko sa kan'ya paulit-ulit.

Nang maangat ko ang aking ulo, naaninag ng aking mga mata ang kanyang maamong mukha. Woah, ang labi niyang mapula pa sa strawberry, ang pisngi niyang iisipin mo pa lang at titignan ay mukhang malambot, ang kilay niyang mapagmataas, at ang mata niyang singkit na tila ba'y hinuhusgahan ang buong pagkatao ko.

Goodness, she is so freaking gorgeous. Mukha siyang haponesa na naligaw sa pilipinas.

"I know I'm beautiful, are you done checking me out?" I heard she said arrogantly, raising her left eyebrow at me. Halos mapaawang ang mukha ko sa bangis ng tono ng boses niya.

Ang taray naman pala nito, sayang ang ganda.

"Hindi pa p– este opo, maganda kayo." Napakamot batok na lamang ako dahil sa hiya, pasimple akong lumalayo nang kaunti sa kan'ya. Muntik na ako doon ah!

Hindi na siya tumugon sa aking sagot, kaya muling napalibutan nang katahimikan ang elevator. Pagkabukas ng pintuan, dali dali na akong lumabas para makapara nang masasakyan.

Pagkasakay ko sa taxi, inikot ko ang tingin ko sa bintana. Nakita ko ang babaeng nagkabungguan ko na iba ang destinasyon na nilalakad.

Saan kaya siya pupunta? Ay psh! Bakit ko ba tinatanong, eh saglit lang naman kami nagka-usap.

Pero ang ganda niya, sa totoo lang.

Minutes passed, sa wakas ay nakarating na rin ako sa university nang ligtas at buhay. Pinakita ko muna ang ID ko sa guard bago libutin ang aking paningin sa loob ng university.

Sa labas ay maraming puno at upuan na pinagtatambayan ng mga estudyante. Kung titignan naman ang university, aakalain mo na para siyang simbahan, ngunit isa pa lang paaralan. Pagkapasok mo sa hallway, maraming estudyante ang naglalakad at ang iba naman ay nakatayo lang sa pader. Ang mga professor ay matatalas ang tingin at deretso ang lakad.

Woah, ang ganda at lawak pala sa loob nito.

Tinignan ko ang mapa ng university na ito sa aking cellphone para mahanap ko ang aking room. Sa sobrang lawak kasi ng paaralan na ito ay posible akong maligaw ng desitansyon.

Maligaw sa'yo, char!

"Third floor, General Education." Sambit ko nang malaman ko na ang floor ng room ko at unang subject namin.

Imbes na sumakay ako sa elevator, naghagdan na lamang ako para malibot ko ang bawat floor ng paaralan na 'to.

Sa huling hakbang ko sa hagdan, halos manghina ang aking tuhod sa sobrang pagod. Hingal na hingal ako at pawis na pawis ngayon, ewan ko ba at naisipan ko pa ang maglakad!

Habang naglalakad ako, napasandal na lang ako sa pader. Hinahabol ang aking hininga sa sobrang pagod. Nang maituloy ko ang paglalakad, sa hindi inaasahan ay may bumunggo sa akin na naging dahilan nang pagkatumba ko.

Lintek naman oh!

"What the hell!" Inangat ko naman ang aking tingin at nakita ko na nabasa ng tubig ang kan'yang uniporme sa may bandang dibdib.

Sa ekspresyon naman ng mukha niya ay labis ang galit at inis, pero napagtanto ko na siya! Siya ang babaeng sumalo sa akin sa elevator. Ano naman kaya ang ginagawa rito? Sinusundan niya ba ako? Ang assuming ko naman 'pag ganun. Tsk!

I lost my mind when she snapped her fingers in front of me. "Ikaw na naman, sinusundan mo ba ako rito?" Tanong niya na ikinagulat ko.

Ang assuming mo naman.

Tumayo ako mula sa pagkakatumba sa sahig at pinagpag ang aking damit. Puti pa naman, 'tapos matutumba lang sa sahig. Ay bwisit!

"Excuse me? Ikaw sinusundan ko? For your information, student po ako dito. Kaya huwag kang assuming hmm.. Ms. Irene." Palaban ko na tugon sa kan'ya at binasa ang name plate niya na nakaclip sa dibdib niya.

Ms. Irene? Professor siya rito?

"Puwes ako ay isang Professor dito, so know you place here." Mariin niyang wika sa akin bago ako tuluyang layasan.

Bakit, saan ba ako dapat lumugar? Paaralan naman 'to ah.

Kamot ulo akong pumasok sa room subject General Education habang minamasid ang aking paningin sa loob ng room. Bumungad sa akin ang mga ka-batchmates ko na maiingay, lahat sila ay may kani-kan'yang buhay kaya hinayaan ko na lang ang mga 'to. Umupo ako sa pinakadulo na malapit sa bintana.

Hayst relaxing charot!

Sa maya-mayang pagmamasid at pag-upo ko rito sa pwesto ko, may isang babae ang kumalabit sa akin na kakapasok lang at tinanong ang pangalan ko.

"Hi what's your name?"

Nakita ko na para bang hindi pang karaniwan ang kulay ng mata niya dito sa bansang Pilipinas nang matitigan ko siya. Halong blue at green ang kulay ng mata niya, maputi, mahaba ang buhok, at petit.

"Huy, Hindi ka ba nakakaintindi ng english? Ang sabi ko anong pangalan mo!"

Taray trinanslate, google ka?

"Sorry, u-uhm.. Samantha." Pagpapakilala ko sa kan'ya at nilahad ang kamay ko para makipag shake hands, mabuti ay tinanggap niya ang kamay ko at binigyan nang matamis na ngiti.

"Samantha lang? Wala kang apilyedo? Unique mo naman kung ganun."

Pilosopo pala 'to.

"Samantha Louise D. Mendoza," I formally introduced my name to her and smiled. Sabi kasi pangalan, hindi naman sinabing full name.

"Ang ganda! Kasing ganda mo." Puri niya sa akin. "Ako naman si Saviel Amara L. Guerrero, but you can call me Savi."

Tinanong kita? Joke

"Okay, Savi," Tumawa nalang ako para mawala ang awkwardness namin sa isa't isa.

"Wala ka bang nickname man lang? Ang haba kasi ng Samantha." Saad niya. Ang reklamador mo naman.

"Louise, call me louise."

Tumahimik ang aming pwesto nang maya-maya lang ay bumukas na ang pintuan.

Panigurado ako na ito na ang unang guro namin para sa general education. Hindi ko gaano mapansin ang mukha niya dahil sa nakatakip niyang hood sa jacket, pero parang pamilyar 'yung suot niyang pencil skirt sa akin. Atsaka 8:00 am ang start namin, pero bakit 8:20 na siya dumating?

"I'm sorry, I'm late everyone. I just had a problem with my polo shirt earlier, kaya nakajacket ako ngayon." Teka parang pamilyar din 'yung boses niya..

Nang maihubad na niya ang hood sa ulo niya, laking gulat ko na kilala ko nga ang babaeng nasa harapan.

Siya! Siya si ms. Irene, ang babaeng dalawang beses ko nakabungguan.

Ang ganda niya talaga, para siyang anghel na bumagsak galing sa langit.

Pero huwag mong sabihin na siya ang professor namin sa general education? No!

"Victoria Irene R. Malven, I am your adviser for the entire school year. So that means, I will handle this entire batch. I'm also be your subject professor in General Education and mentor in the upcoming events of this whole batch." She casually introduced herself and leaned her body at the front table.

"Call me ms. Irene or ms. Malven." She added emotionless and looked around. Nang magtama ang aming paningin, nag-iba ang timpla ng mukha niya, kaya kaagad akong umiwas ng tingin at yumuko.

Ang ganda! Ang ganda ni..Savi, oo hehe.

"In this classroom, I have a golden rule. A very simple rule. 'Yun ay ang bawal malate sa klase ko at bawal akong kulitin, bastusin at kausapin ng mga nonsense na topics. Maliban nalang kung close tayo o 'di kaya kapamilya kita 'di ba?" We just nodded in response.

"Ikaw na may brown hair, sexy body, white t-shirt and jeans. Kapamilya ba kita?" Tanong niya sa akin na ikinakaba at gulat ng damdamin ko.

"P-po?" I stammered.

"Kapamilya ba kita? Malven din ba apilyedo mo?" Naglolokohan ba kami rito? Aminin ko na parehas 'M' ang apilyedo namin, pero hindi 'no.

Pero pwede ring future mrs. Malven, ay charot! Landi.

"H-hindi po. Mendoza po ang apilyedo ko." I politely replied which she just rolled her eyes to me before shifting her eyes to my other classmates.

Ano ba problema nito at parang may kaaway, 'tapos sa akin binubuntong ang galit?

Bumalik naman ang tingin niya sa akin at tinitigan lang ako nang walang emosyon. "Ms. Mendoza, ipakilala mo ang sarili mo at bakit BEEd (Bachelor of Elementary Education) ang kinuha mo na course." Aniya sa akin.

Tumayo ako sa kinauupuan ko at huminga nang malalim. "My name is Samantha Louise D. Mendoza, twenty one years old and I took a BEEd course, because I want to teach children who doesn't have enough knowledge, also who wants to study for free. Because, I will give them the education they want for free." I sincerely uttered, my batchmates applauded me that made me simply thanked them.

"Okay." She rolled her eyes at me after I introduced myself. Huh? 'yun na 'yon?
"Next to Mendoza, a girl with blue eyes." She was referring to Saviel.

Blue raw, kahit may green din.

"My name is Saviel Amara Guerrero, 22 years old and nag BEEd ako, kasi wala. Trip ko lang haha! Para may chocolates every teacher's day at valentines." She jokingly said and giggled, all of our classmates cheered her including me, but except for ms. Irene.

Hindi yata siya binigyan ng Diyos para sumaya.

"Are you all done laughing?" She asked with a little bit sarcastic tone, nagsitahimikan naman kaming lahat at yumuko.

I closed my eyes tightly and pressed my lips to prevent my laugh, I clung tightly to my desk as I crouched. Sinusubok na naman ako ng kademonyohan ko.

"What's funny ms. Mendoza?" The woman in front of us asked me emotionless, which made me frightened and the hair on my body rose up. Patay!

"I said what's funny ms. Mendoza?" I heard she slammed her desk in annoyance

"W-wala po.. ms. Irene.."

Halos mabaliw na ako nang mapansin niya na tumawa pala ako. Jusko! I love my life.

Kung kanina ay para siyang anghel na bumagsak galing langit, puwes ngayon ay para siyang binagsakan ng langit at lupa. Tsk!

She didn't utter any words after what happened, she just turned around to write something on the board. Then, after she wrote a long lecture for us, she made us write what she wrote on the board.

"Copy this lesson for today bago ko ituro, magkakaroon tayo ng recitation for tomorrow." She fiercely ordered, as she sat on her chair and turned her eyes on the laptop.

Magtataka ka man na first day of school pa lang ay busy na kaagad kami, pero bilang isang college student normal na sa amin 'yun. Hindi uso ang pahinga.

She put on her glasses that which made my eyes widen and my mouth open. Oh my fvcking–she looks like a hot terror professor.

"Your mouth ms. Mendoza might be caught by a fly." She warned, as she crossed her legs, leans her elbow on the table and rest her face on her fist.

Uh.. yes! Papakasalan. Huh? Joke!

After two hours of her discussion, I almost felt dizzy from the letters I wrote and ms. Irene cursive letters font on the board.

"Class dismissed everyone." When the bell rang, inayos ko na ang aking gamit at ready to go ng lumabas para sa break time.

"Sa Cafeteria ba punta mo?" I heard Savi ask me while I was fixing my things.

"Yes, why?"

"Tara sabay na tayo Louise para naman may kasabay ka 'di ba? Alam ko na baguhan ka pa lang dito dahil sa uniform mo, so ano tara?" Anyaya niya sa akin.

"Sure, why not."

"Wait- ito nga pala si Francine, bestfriend ko dito sa DLSU since first year college." She introduced her friend, Francine to me and smiled widely.

"Hi Samantha!" Francine greeted me joyfully.

"Hello, Francine! Louise na lang din kagaya ng kay Saviel."

"Ang ganda mo, pwede pahawak?" She requested that made me uncomfy.

Hawak talaga? Alam ko naman na maganda ako eh.

"S-sige. Hehe."

She caressed my face and stroked my hair, I was startled when she suddenly scream. "AHHHH!"

"Savi, para siyang si Mama Mary." She shook Saviel's body and acted dramatic.

Ang oa huh, ganda ko talaga. Psh!

"Bakla ka! Tara na nga." Saviel irritatedly replied while frowning.

We were about to leave, when ms. Irene called my name that made me to stay here in her subject room.

"Ms. Mendoza, can you stay for a while?" She implored calmly and I nodded in response.

Sinenyasan ko nalang ang dalawa na mauna na sa Cafeteria at susunod na lang ako. Kaagad naman silang nag-agree at umalis. Pinasara sa akin ni ms. Irene ang pintuan at lumapit sa table niya na kung nasaan siya.

"Yes po ma'am, may kailangan po ba kayo?" I politely asked and smile lightly.

"Ikaw, ikaw ang kailangan ko."

"Ano nga po 'yung kailangan niyo?"

"Ikaw nga!" She yelled.

Ano nga ang kailangan niya sa akin? Psh!

"Ano ho ba 'yun? Ano ho ba ang kailangan niyo sa sarili ko?"

"Hindi mo alam? Really? Wow, just wow ms. Mendoza!" She sarcastically uttered. Magtatanong ba ako kung alam ko?

"Miss, hindi ko po talaga alam ang tinutukoy niyo, pwede po bang sabihin niyo na? Kasi nagugutom na po ako eh." Totoo naman, kumakalam na sikmura ko.

"I want you to apologize to me and sabihin na hindi na mauulit 'yung ginawa mo kanina." Huh?

"Bakit may nagawa po ba akong mali sa inyo?" Palaban kong tanong, wala naman kasi talaga akong nagawa sa kan'ya para humingi ng tawad' no.

"Pinapakulo mo ang ulo at dugo ko ms. Mendoza! Mag sorry ka sa ginawa mo na pagbunggo, pagbasa ng damit ko and for disrespecting me during my class earlier!" She exclaimed to me which made me flinch in nervousness to her intimidating voice tone.

"Disrespect? Miss ma'am, tumawa lang naman ho ako kanina huh!" I brawl, furrowing in confusion.

Disrespect na ba 'yun?

"Ayun nga! Tinawanan mo ako kanina kahit wala namang nakakatawa. Your making my nerves explode, ms. Mendoza!"

"Wala raw nakakatawa, psh! Meron kaya, 'yung mukha mo na parang clown." I jokingly murmured, preventing my laugh. Patay talaga ako rito.

"Apologize now!" She yelled.

"Edi sorry." I simply replied and walked to the door to get out of here.

Sa hindi inaasahan, nagulat ako nang may tumama na libro sa aking ulo at napadaing ako sa sakit dahil sa sobrang lakas ng bato niya sa akin.

"Get the hell out of here!" Patuloy lang ako sa paglalakad habang hinihimas ang aking ulo.

"Ito na nga aalis na." I murmured nang makalabas na ako sa loob ng classroom niya.

Magsorry muna siya sa akin bago magsorry sa kan'ya. Para it's a tie 'di ba?


__________________________________________


Edited Chapter

I apologize for the incorrect grammar and typographical error. Vote and Comment!

See you in next chapter!

- your author krispykwim

Czytaj Dalej

To Też Polubisz

8.1K 420 43
-UNEDITED- Olivia Valencia is a famous actress and singer.she is 24 years old and also a heir of Valencia prime holdings.olivia has a big name in sho...
63.1K 3.3K 20
Will Lennox forget about Keegan and move on or will she find her missing piece with a new found love?
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
76.8K 1.8K 63
I love you. I really do love you but you love her the most - that lesbian? Why, my love? Ako si Maika Shaye Retanan at hindi ako naiiba sa ibang simp...