THE ARRANGE MARRIAGE (COMPLET...

By Titaniamagnum

116K 1.8K 52

Warning: Read at your own risk! MATURE CONTENT!!! Vladimir Shaun Monteverde & Zera Chann... More

(Chapter 3)
(Chapter 4)
(Chapter 5)
(Chapter 7)
(Chapter 8)
(Chapter 9. SPG)
(Chapter 10)
(Chapter 11)
(Chapter 12. SPG)
(Chapter 13)
(Chapter 14)
(Chapter 15)
(Chapter 16)
(Chapter 17)
(Chapter 18)
(Chapter 19)
(Chapter 20)
(Chapter 21)
(Chapter 22)
(Chapter 23)
(Chapter 24)
(Chapter 25)
(Chapter 26)
(Chapter 27)
(Chapter 28)
(Chapter 29)
(Chapter 30)
(Chapter 31)
(Chapter 32)
(Chapter 33)
(Chapter 34)
(Chapter 35)
(Chapter 36)
(Chapter 37)
(Chapter 38)
(Chapter 39)
(Chapter 40)
(Chapter 41)
(Chapter 42)
(Chapter 43)
(Chapter 44)
(Chapter 45. SPG)
(Chapter 46)
(Chapter 47)
(Chapter 48)
(Chapter 49)
(Chapter 50. SPG)
(Chapter 51)
(Chapter 52)
(Chapter 53)
(Chapter 54)
(Chapter 55)
(Chapter 56)
(Chapter 57)
(Chapter 58)
(Chapter 59)
(THE FINALE)
Author Note

(Chapter 6)

2.5K 36 0
By Titaniamagnum

Natapos na ang cruise pero nanatiling malamig si Vlad kay Zera. Dumirecho sila sa bahay ni Vlad sa Forbes dahil doon na sila titira.

"Pinaayos ko na ang isang guest room, doon ka matutulog." Sambit ni Vlad kay Zera.

"Pero.." Sambit ni Zera dahil sa gulat hindi niya inaasahan sasabihin yun ng asawa.

"Bakit? Ang akala mo ba mag-sasama tayo sa iisang kwarto?"Malamig na Sambit ni Vlad.

" Hindi naman sa ganon... "Sambit ni Zera. Medyo napahiya siya dahil sa sinabi ni vlad nag expect lang naman siya.

"Wala dito ang lolo para pakitaan ko siya ng isang magandang palabas."Sambit ni Vlad.

"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin..." Sambit ni Zera.

"Whatever Zera. Manang... Manang."Sambit ni Vlad kay Zera sabay baling sa pagtawag ng mayordoma niya sa bahay.

"Oh hijo... Andiyan na pala kayo." Sambit ng mayordoma na si manang fe.

"Opo manang. Si Zera nga po pala. Zera siya si manang fe ang mayordoma dito sa bahay. Ipakilala mo nalang siya mamaya sa iba." Sambit ni Vladimir.

"Siya na ba ang asaw mo hijo? Napaka-ganda mo naman iha." Sambit ni manang fe.

"Salamat po manang fe." Sambit ni Zera.

"Kayo na po bahala sa kanya manang. Mag-papahinga na ako." Sambit ni Vladimir.

"Oh sige hijo ako na bahala pero hindi ka ba muna kakain?" Tanong ni manang fe.

"Hindi na po. Kayo na lang po. Napagod ako sa byahe." Sambit ni Vlad.

"Ganon ba. Sige mag-pahinga ka na." Sambit ni manang fe. At umalis na si Vlad hindi man lang tinapunan ng tingin si Zera.

"Halika sa kusina hija, Ipapakilala kita sa ibang kasambahay dito." Sambit ni manang fe.

"Sige po manang." Sambit ni Zera at sumunod na sa matanda.

"Michelle, Ella, Romeo. Halika kayo dito." Tawag ni manang fe sa ibang kasambahay.

"Yes manang...? Oh...Ang ganda naman niya. Hehe sino po siya manang?"Tanong ni Ella mukhang siya pinaka-makulit sa kanila tatlo.

" Siya ang Señiorita Zera niyo. Asawa ni Señiorito Vladimir. "Sambit ni manang fe. Kinalaki ng mata ni Ella at Michelle.

"Ang ganda ganda naman ni Señiorita. Akala ko may artista naligaw." Sambit ni Michelle na kala mo na-tibo na sa ganda ni Zera.

"Pasensya ka na Señiorita. Ganyan lang talaga sila makukulit pero mababait ang mga yan. Ito nga pala si Romeo, siya ang driver ni Vladimir. Ito naman dalawa si Michelle at Ella kasama natin sila dito." Paliwanag ni manang fe.

"Thank you manang and please stop with the Señiorita. Call me Zera. Nice meeting you Ella, Michelle, mang romeo."Sambit ni Zera.

" Talaga palang mabait ka Zera. Mukhang tama na naman si Don Rafael."Sambit ni manang fe. Na kinapula ng mukha ni Zera.

" Mag-merienda ka muna Señiorita Mukhang napagod ka sa byahe. "Sambit ni Ella.

"Hindi na... Hindi pa naman ako nagugutom mamaya na lang siguro at Ella at ikaw na din Michelle wag niyo na akong tawaging Señiorita. Ate Zera na lang." Sambit ni Zera sa kanila.

"Naku... Sige po ate Zera. Dadalhan ko na lang po kayo ng makakain mamaya kung sakaling magutom kayo." Sambit ni Ella.

"Sige Salamat Ella. At ikaw po mang romeo. Zera nalang po itawag niyo sakin." Sambit ni Zera. At nag tawanan na sila dun sa kusina.

"Sige ikaw ang bahala Zera. Salamat." Sambit ni Mang Romeo.

"Soge po, mauna na muna ako. Mag papahinga lang po ako sandali." Paalam ni Zera.

"Sige sige hija...pahinga ka na. Ella ihatid mo na si Zera sa kwarto niya."Sambit ni manang fe.

" Sige po manang. "Sambit ni Ella. Saka tinulungan si Zera mag hatid ng gamit sa magiing kwarto niya.

Nang makarating sa kwarto ay napaluha na lang siya dahil talagang hindi siya tinuturing na asawa ni Vladimir Ngunit madali naman nakaidlip si Zera dahil na rin siguro sa pagod. Hapon na ng magising si Zera.

"Mabuti't gising ka na Zera. Halika at kumain ka muna, panigurado gutom ka na." Sambit ni manang fe.

"Sige po Manang... Nasan nga po pala si Vlad?" Tanong ni Zera.

"Vlad?"Tanong pabalik ni manang fe.

"Ah opo...kasi yon ang tawag ko sa kanya. Bagay naman po sa kanya ang pangalan niya diba?"Sambit ni Zera sabay ngiti.

"Oo naman bagay na bagay! Maaga siyang nagising kanina dahil pupunta pa daw siya sa opisina." Sambit ni manang fe.

Kumain lang si Zera na tatlong cookies na binake pala ni manang at uminom lang ng isang basong juice dahil baka hindi siya makapag-hapunan mamaya.

Tumulong magluto si Zera ng hapunan kay manang fe dahil kahit lumaki siya sa yaman ay ginusto talaga niyang magluto. Pati si manang ay hindi makapaniwala na ang tulad niya ay marunong mag-luto at nasasarapan pa ito sa luto niyang braised beef.

Alas-otso pasado ng dumating sina mang Romeo at Vladimir sa bahay.

"Good evening Vlad. Nakapag-pahinga ka ba kanina? Hindi ka na muna sana pumunta ng opisina dahil pagod ka. Marami ba trabaho kaya ngayon ka lang?" Sunod sunod na tanong ni Zera.

"Pwede ba Zera stop acting as my wife. It's just on paper at wala kang pakialam kung anong oras ako uuwi or umuwi dahil bahay ko to." Singhal ni Vladimir kay Zera. Natahimik lahat si manang fe nagulat sa ginawa ng alaga.

"Vladimir...kumain ka na muna. Nakahanda na yung hapunan."Basag naman ni manang fe sa katahimikan.

" Sige po manang. Paki handa na lang po. Mag bibihis lang po ako. "Sambit ni Vlad.

" Sige hijo..."Sambit ni manang at umakyat na si Vladimir sa kanyang silid.

" Tulungan ko na po kayo mag-handa manang..."Sambit ni Zera na halata mo gusto na maiyak dahil sa ginawa ng asawa pero pinipilit pasiglahin ang sarili.

"Pag-pasensyahan mo na hija baka pagod lang asawa mo." Sambit ni Manang fe.

"Wala po yon."Sambit ni Zera.

" Siya tara na at ng maayos na natin ang hapunan. "Sambit ni Manang fe kaya dumeretso sila sa komedor.

Nung una ay hindi malaman ni Zera kung sasabay ba siyang kumain kay Vlad dahil sa nangyari kanina pero sa huli ay sumabay na rin siya dahil na rin sa kapipilit ni manang fe sa kanya.

" Manang sumabay na po kayo kumain." Sambit ni Zera kay manang fe.

"Hinde na hija. Mamaya na ako pag katapos niyo." Sambit ni manang fe.

"Sige na po manang..." Pamimilit ni Zera kay manang fe pero nagulat sila ng mag salita si Vladimir.

"Sige na manang Sumabay ka na." Sambit ni Vladimir. Aaminin niya medyo ikinagulat niya ang ginawa ni Zera. Kahit pala laki rin ito sa yaman ay hindi man lang ito nag-alinlangang pasabayin kumain si manang fe.

"Sige kung ganon...Kumain na tayo..." Sambit ni manang fe.

"Masarap tong Braised Beef Manang. Lutuin mo ulit ito sa susunod." Sambit ni Vladimir.

"Kay Zera mo sabihin. Ang asawa mo nagluto niyan. Tinikman ko rin kanina at masarap talaga." Sambit ni manang fe sabay ngiti kaya nasamid si Vladimir at tinapos na agad ang kanyang pagkain kahit pa nagugutom pa siya at talagang masarap ang niluto ni Zera.

" I'll go ahead. Marami pa akong tatapusin. "Sambit ni Vladimir.

"Pero Vladimir hindi ka pa tapos kumain." Sambit ni manang fe.

"Sige na po manang. Nawala na rin ako ng gana." Sambit ni Vladimir.

"Pag-pasensyahan mo na ang asawa mo hija. Baka may problema lang siya sa opisina." Sambit ni manang fe.

"Wala po yon...Ok lang po. Pahatiran na lang po ng pagkain si Vlad sa taas kadi baka magutom yon. Hindi pa naman niya natapos. Ang pagkain niya." Sambit ni Zera. Asawa niya pa rin naiisip niya.

Habang si Vladimir naman ay nagkulong na sa kwarto niya. Nasarapan naman talaga siya sa niluto ni Zera kaya lang medyo napahiya siya kanina kaya hindi na niya tinapos ang pagkain niya kahit sa totoo lang ay nagugutom pa siya. Pag dating pa lang kasi niya ay nasigawan na niya agad ito. Ayaw niyang umasa pa si Zera kaya habang maaga ay dapat nang mawala ng pagmamahal nito sa kanya.

Nagulat na lang si Vladimir ng may kumatok sa kanyang silid.

"Seniorito Vladimir, si Ella po ito." Sambit ni Ella

"Bakit Ella? may kailangan ka?" Tanong ni Vladimir ng pagbukas ng pinto niya.

"Seniorito, pinapadala po ni ate Zera. Baka daw po kasi gutumin kayo dahil marami pa kayong ginagawang trabaho." Sambit ni Ella ang tinutukoy niya yon dala niya pagkain.

"Sige...Salamat Ella." Sambit ni Vladimir saka kinuha yung tray.

"Wala po yon. Ang bait naman po kasi ng asawa niyo. Ni ayaw magpatawag samin ng Señiorita. Ate na lang daw ang itawag namin sa kanya."Sambit ni Ella na halata mo giliw na giliw kay Zera.

"Sige na Ella. Salamat ulit dito." Sambit ni Vladimir

"Sige po Seniorito." Sambit ni Ella na nakangiti pa rin.

Nang maisara ni Vlad ang pinto at siya na lang ulit mag-isa ay napaisip na naman siya. Isang araw pa lang ay Gustong gusto na agad siya ng mga tao dito sa bahay.

"You're really something Zera. Hindi ka mapagmataas tulad ng ibang mayayaman at kaya mong pakisamahan kahit pa mga taong hindi mo ka-level. Pag nakalimutan mo na ko sana maging-kaibigan tayo. Gusto ko ang mga tulad mo na totoong tao. Sorry Zera...Malapit ko na siyang mahanap. The person that I've been looking for my whole life. Kung sana naging ikaw na lang siya hindi ka sana mahirap mahalin. "Sambit ni Vladimir sa sarili niya. Saka kinain ang pagkain pinadala ni Zera para sa kanya.


______________

-TITANIAMAGNUM mention a user

Continue Reading

You'll Also Like

8.4K 156 27
Read at your own risk! ~ ©2022 This story can't be transmitted or used without the author's permission.
105K 1.9K 18
Caella Harieda is a not so famous model na pinapangarap na makasali o mapabilang manlang sa mga sikat na modelong madalas nakikita sa New York o kaya...
14.1K 308 59
Seven years ago, I miraculously got married to the woman of my dream, Alexandra Solidad Faulkerson. She's the clear definition of a witch who cast a...
19.7K 1.4K 31
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴