Blood of an Arrow (UNDER REVI...

By Er_rante

2.5K 200 144

Blood interests Diel the most but there came a challenger for her affection. He knows his ways with arrows bu... More

DISCLAIMER
PRΓ“LOGO
UNO
TRÉS
CUATRO
CINCO
SEIS
SIETE
OCHO
NUEVE
DIÉS
ONCE
DOCE
TRECE
CATORCE
QUINCE
DIECISÉIS
DIECISIETE
DIECIOCHO
DIECENUEVE
EPILOGO

DOS

212 14 7
By Er_rante

"Who killed him?"

She was surprised by my sudden approach.
Hindi niya napansin ang paglapit ko dahil siguro sa lalim ng iniisip niya. She's frowning kanina pa.

"Ikaw" Umangat ang tingin niya sa akin. By the looks of it, parang kinikilatis niya ang intensyon ko sa paglapit sa kaniya.

I raised a brow.

"I mean, ikaw? Sino sa tingin mo ang pumatay sa kaniya?" I sat facing her. I leaned forward to let someone pass behind me. Napaatras naman siya. She wasn't expecting that. Her emotions and responses, you can never tell which of what she'd show.

"I don't know, it could be anyone."

"But kung ina-narrow down natin, may tatlong person of interest." Her eyes searched for mine and tried to persuade me with it. Now, that's new. She's talking about her insights calmly and not sarcastically.

Nagsisialisan na ang kumpol ng estudyante sa school ground. Patuloy parin ang komosyon sa SSG office at kani-kanina lang ay isinama na sa presinto ang huling nakasama ng biktima. Nasa bandang kanan kami ng Administration building nakapwesto ngayon. Nakaupo lang kami sa damuhan at hindi alintana ang init dahil sa tapat na araw. Wala na akong balak pumasok sa susunod naming klase at mukhang gan'un rin ang plano ni Santera.

Dahil sa pagkuha ng mga pulis kay Vera ay umugong na naman ang paligid.

"Gosh, was it really Vera who did that?"

"Well, hindi na nakapagtataka, he dumped her last month."

"Yes, I heard about their break up."

"Kinulam niya siguro si Clive."

"Agree girl, ang rinig ko hindi daw matukoy kung ano ang dahilan ng pagkamatay. Yes, there was a signature on the forehead but it was marked after he died."

"Saan mo naman nalaman 'yan?" tanong ng isa .

"Papa ko 'yung pulis kanina girl, lalapitan ko sana kaso narinig ko yung pag-uusap nila ng isa pang officer."

"Have you heard about it? She lives in Sitio Maraya."

"The haunted town, seriously?"

"Yeah, marami na ang lumilipat ng lugar na galing doon. They kept on saying that someone's been walking on the streets every after midnight."

"Maybe si Vera talaga yun. She's a witch."

Tsk tsk.

These ladies, I really don't understand a girl's typical judgment. They go around their ways to spread rumors to appease their nosiness and feed their ego. Nakakahiya, to think that this is an advanced school and here they are, talking about witchcraft. Do they really believe that crap?

"She's within my guess." I looked at Diel, her confidence is what amazes me. She's not so logical but she carries her words well. She can twist an argument in her favor.

Nakatingin lang siya sa akin na para bang ang bobo ko at hindi ko nakikita ang obvious.

"Hmm, go on. Keep talking."

"So, I'm saying..." she sighed and scratched her elbow. "Vera is a potential suspect, as well as Luke and Aiden." She tucked a strand of hair in her ear as the wind blew. "That girl kanina, Vera, obvious naman sa chismis sa tabi-tabi na ex-girlfriend siya, Luke is the SSG Vice president, alam naman nating lahat na matagal na niyang pinapangarap ang presidential position, so if Clive died, he would gain the position. Then there's Aiden. Yung katatransfer lang na stepbrother ni Clive pero nasa kabilang section. They're not on good terms. I heard na gusto niyang magshift ng course so baka classmate na natin siya bukas o sa makalawa. It's not really that impossible kahit bawal naman talagang magshift o magtransfer sa kalagitnaan ng semester, I mean, come on, that's an Aguillo we're talking about."

I don't know kung sino 'yung Vera and Luke na binabanggit niya and she might've noticed it when I directed my eyes to the left as an indication of trying to remember something.

She rolled her eyes.

"Akala ko ba ikaw ang rank 1 sa buong Academy? Ba't 'di mo sila kilala?" Nakataas ang kanang kilay niya. I tried not to smile.

"That means you know me?" I was in fact taken aback. Her eyes rarely notice studious passers.

She laughed as if I was being ridiculous.

"Of course Mister Goodie! Kulang na nga lang punuin ng karatola mo ang buong academy. We all know you."

"And being the top rank obligates me to memorize every student of this academy? Or baka akala mo part yun ng pinag-aaralan ko para mapunta sa pinakamataas na rango?"
Ginaya ko ang ginawa niyang pagtataas ng kilay.

"Well, aren't you supposed to be observant?"

"And by that, you mean to say that I should memorize all of 'em?"

Tumikhim siya at nagbaba ng tingin, I'm about to deal with her silence at this point.

I waited a few minutes for her to say something but truth told, I dealt with silence.

"C'mon, lemme hear your thoughts."

"And should I?"

I laughed and showed her a thumbs-up.

"Good laugh, thank you."

"Nahh. Ain't sharing it. Di tayo close, 'wag kang FC." She formed her lips into a thin line. "What's a goodie doing here anyway?"

"Uh-huh, goodie? Sinong FC sa'tin? Tumayo na ako at pinagpag ang aking pang-upo. "What's with goodie, anyways?"

"Aren't you the mr.-good-at-all, good to all and good for all?"

I laughed at her remarks. That's quite good for the heart. And that faint smile on her face paints her innocent. Well, that's if her violence wasn't known to me. Kanina nga lang ay pinakulo niya ang dugo ng propesor. I'm guessing that she slept at the laboratory kanina ng sumunod siya sa akin palabas.

"But... I don't believe it." may pagdududa at pagkadisgusto ang mababasa sa mukha niya.

"Being number 1 requires sacrifice..." she stopped and crossed her arms. She's being a herself again. "What did you sacrifice?"

_________

GABI na nang pakawalan ng mga pulis si Vera at pinauwi. Tinanong lamang siya patungkol sa kaniyang mga nalalaman. Siya ang pinakahuling taong nakasama ng biktima bago ito pinatay. Hindi nila alam ang sanhi ng pagkamatay nito, nakita na lamang itong nakaupo sa kaniyang upuan at nakatapat sa bukas na laptop nang wala ng buhay. Walang kahit anong bakas ng panlalaban sa opisina, wala ring kahit anong bahid ng dugo saan mang parte maliban sa noong inukitan ng binaliktad na letrang V ngunit nasisiguro nilang hindi ito ang dahilan ng pagkamatay ng binata sapagkat ang ukit ay hindi malalim at minarka noong wala na itong buhay.

Clive was her ex. They've been together for a year. Maayos naman ang kanilang naging relasyon hanggang sa nahalal bilang SSG president ang binata at tuluyan ng nawalan ng oras sa kaniya. Si Clive ang nakipaghiwalay sa kanilang dalawa. Alam nitong magtitiis ang dalaga kahit pa nababalewala na niya ito. Alam niyang hindi niya kayang pagsabayin ang mga responsibilidad niya kaya mas pinili niyang tapusin ang tungkulin sa isa.

She still loves him at araw-araw niyang dinadalaw ang binata sa opisina nito. Pakiusap niya ay hayaan nalang siya at 'wag nang pansinin. Hindi niya inakalang panghuling pagbisita na niya iyon.

She visited him in hopes he'd remember the day they first met. She never expected it'd also be the day they'd last meet each other. For good.

Umalis siya ng opisina nang sinigawan siya ng binata. Aaminin niyang sobra siyang nasaktan ngunit hindi aabot sa puntong gugustuhin niyang maghiganti at patayin ang dating kasintahan.

Tuluyan nang bumagsak ang kanina pa niyang pinipigilang luha. She is a psychology major student at naturuan siyang maging kalmado ano man ang sitwasyon. Kanina niya pang nais magwala at isigaw ang lahat ng dinaramdam niya, ngunit alam niyang wala itong maidudulot. Dala na rin ng labis na pagkabigla sa nangyari, hindi maayos na naiproseso ng kaniyang utak ang tuluyang pagkawala ng minamahal.

Ngayong malinaw na sa kaniya ang lahat ng nangyayari, hindi na maawat sa pag-agos ang kaniyang mga luha.

Maya-maya pa ay napansin niya ang taong nakasunod sa kaniya. Maliliit lamang ang mga hakbang nito ngunit sapat na para marinig ang kaniyang mga hikbi.

Kumalabog ang kaniyang puso at mas binilisan pa ang paglalakad. Tila nais kumawala ng kaniyang kaluluwa sa kaniyang katawan nang binilisan rin ng tao ang kaniyang paglalakad.

Tumakbo na siya at tinahak ang palikong daan sa kaliwa niya. Kung didiretso siya sa bahay niya ay mas lalo lamang siyang manganganib. Hindi na rin siya pwedeng bumalik sa daan patungong bayan dahil siguradong makakasalubong niya ang sumusunod. Ang tanging nasa isip na lamang niya ay ang makatago at hindi na siya masundan.

Tumigil na rin ang kaniyang paghikbi. Pinipilit niyang kumalma, isa ito sa mga natutunan niya.

She knows the person following her. Nakita niya itong nakatayo sa gilid ng pinto ng opisina ni Clive bago ito pinatay. Nauna ito ng dating sa kaniya. Ang hula niya kanina ay napadaan lamang ito, maaaring tumingin sa memorandum ng school na nakapaskil sa bulletin board na nasa gilid lamang ng opisina.

Hindi niya lubos maisip na maaaring ito rin ang pumatay sa dating kasintahan niya.

Takbo lang siya nang takbo. Nilingon niya ang nakasunod sa kaniya at hindi na niya ito nakita. Napangiti siya.

Ngunit bigla rin itong napawi nang may makabangga siya. Dala ng papalalim na gabi kinailangan niyang tumingala para makita ang mukha ng nakabangga niya.

It was then she knew, she was doomed. She turned around and was about to run but the pursuer grabbed her wrist tightly, making her wince in pain. Hindi siya naging malikot sa pagkakahuli sa kaniya, bagkus ay kalmado siya at nag-iisip ng mabisang paraan ng pagtakas.
Pero bago pa siya tuluyang makapag isip ay isang matalim na bagay ang tumusok sa tagiliran niya. Nasisiguro niyang hindi ito dulot ng kutsilyo, ngunit hindi niya matukoy ang bagay na iyon. Hindi na niya nagawang tingnan ang kaniyang tagiliran dahil sa sobrang bilis ng pangyayari. May kung anong ipinahid sa kaniyang sugat at bigla siyang nahilo. Muntikan na siyang matumba ngunit nasalo siya. Ang kaniyang paningin ay unti-unti na ring nanlalabo.Nilalabanan niya ang epekto ng kemikal na ipinahid sa kaniya. Pinipilit niyang hindi mawalan ng malay.

Naramdaman niyang napahiga siya sa sahig matapos tinadyakan ang kaniyang kaliwang tuhod. Hindi rin niya kayang sumigaw, wala na siyang lakas manlaban at kahit magsisisigaw siya ay walang makakarinig sa kaniya, kung meron man ay hindi siya tutulungan. Takot ang lahat ng tao sa kanilang sitio na makialam sa kamalasan ng iba. Nasa likod rin siya ng Sitio kaya malabong may makapansin sa kanila.

The captor dragged her farther. Nasa gitna sila ng isang bakanteng lote. Walang nakatayong bahay ngunit maraming nagtataasang damo ang nagsitubo. Ramdam niya ang labis na pananakit ng katawan. Ang mga mata niya ay nais nang bumigay pero hindi niya ito hinahayaan.

Her captor is wearing a black face mask and a cap at dahil dito ay hindi na ito makikilala ng kahit sino mang makakita sa kaniya maliban nalang kung kilalang-kilala mo na siya at kabisado mo ang tindig at galaw niya. Nakasuot ito ng black gloves.

Hindi na maigalaw ni Vera ang kaniyang ulo. Nakatutok lamang ito sa mukha ng papatay sa kaniya. Hindi na rin siya makapagsalita. Napaparalisa na ang kaniyang buong katawan at tanging impit na ungol nalang ang kaniyang nagawa.

The captor looked at her and smiled. Without remorse, inukit na nito ang binaliktad na letter V sa binti ni Vera. Dahan-dahan at parang tinutukso siya. She screamed internally in pain, sa pagkakataong ito, malalim ang pagkakasulat ng lagda hindi kagaya ng pagsulat sa naunang biktima.

Nang makitang hindi pantay ang pagkakaukit ng linya ay mas idiniin nito ang pag-ukit.

Sinunod nitong kinuha mula sa bag na dala niya ang lagareng tinago. Ngayon lang din napansin ni Vera na may dala itong bag.

Inumpisahan na nitong lagariin ang kaniyang binting inukitan. Hindi na nakayanan ni Vera labanan ang sakit sa bawat pagsayad ng ngipin ng lagare sa kaniyang balat. Tuluyan siyang napapikit at binawian ng buhay.

Nang maputol ang binti ay isinilid muli sa bag ang lagare. Binuksan ang gas na nasa galloon at sinimulang ibuhos sa bangkay ng dalaga. Inilayo niya muna ang binti na may ukit at saka sinilaban ang katawan ng dalaga. Sa nagliliyab na apoy makikita ang pagngiti nito. Tila nasisiyahan sa bawat sayaw nito sa pag-ihip ng hangin.

Kinuha niya ang kaniyang mga dalang gamit at tuluyang nilisan ang lugar.

Pangalawang pagpatay sa loob ng isang araw.

Continue Reading

You'll Also Like

85.9K 2.7K 51
π’π‚π‡πŽπŽπ‹ 𝐁𝐔𝐒 π†π‘π€π•π„π˜π€π‘πƒ "πšπš‘πšŽ πš‹πšŽπšœπš 𝚠𝚊𝚒 𝚝𝚘 𝚐𝚘, πš’πšœ πš’πš— πšœπšπš’πš•πšŽ. πš†πš‘πšŠπšπšœ πš–πš˜πš›πšŽ πšœπšπš’πš•πš’πšœπš‘ πšπš‘πšŠπš— 𝚊 πš–πš˜πš...
17.3M 543K 37
"It's like he's a different breed of werewolf. Something... beyond us." β€’ β€’ β€’ Adrienne Gage has spent her entire life being shunned and punished for...
1.5M 67K 171
''After a few seconds of them staring at one another, Dante finally spoke. But his voice had changed; it was breathless and soft, echoing with a swee...
736K 37.2K 30
Reeling from her father's death and mother's recklessness, Delilah Sterling's life is turned right side up when she meets Hunter Carlisle, a man who...