ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY...

By iirxsh

120K 1.5K 27

COMPLETED | SELF-PUBLISHED UNDER IMMAC PPH She is Kirsten Kelly Tolentino, 25 years old. NBSB. A Private Empl... More

ACCIDENTALLY GLANCES THE CITY BOY
SINOPSIS
SIMULA
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
NOT AN UPDATE
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30
KABANATA 31
KABANATA 32
KABANATA 33
KABANATA 34
KABANATA 35
KABANATA 36
KABANATA 37
KABANATA 38
KABANATA 39
KABANATA 40
KABANATA 41
KABANATA 42
KABANATA 43
KABANATA 44
KABANATA 45
KABANATA 47
KABANATA 48
KABANATA 49
KABANATA 50
KABANATA 51
KABANATA 52
KABANATA 53
KABANATA 54
KABANATA 55
KABANATA 56
KABANATA 57
WAKAS
AUTHOR'S NOTE
ANNOUNCEMENT
SOON TO BE A PUBLISHED BOOK
AGTCB IS NOW A PUBLISHED BOOK
PRE-ORDER IS NOW OPEN
AGTCB PHYSICAL BOOK

KABANATA 46

1K 18 0
By iirxsh

Kabanata 46

NAUNA nang lumabas si Kelly nang sabihin na pwede na silang umuwi, sinadya niya talagang iwan si Alex dahil hindi talaga siya tinigilan nito kanina. Akala mo kung bumalik sa pagiging bata, kung makapang-asar sa kanya.

"Hindi mo sinagot iyong kanina, siguro may balak ka?"

Mariin na napapikit si Kelly sa narinig. Nauna na nga siyang lumabas para lubayan siya ni Alex pero nagawa pa rin siyang sundan nito. Buong akala talaga niya tapos na si Alex sa pang-aasar sa kanya. Hindi pa pala, nagawa pa niyang ipagpatuloy sa labas.

"Pwede ba?!" Nanggigigil niyang tugon. Inirapan pa niya si Alex nang harapin niya iyon, pero napahalakhalak lang naman si Alex. Mukhang tuwang tuwa sa pang-aasar sa kanya.

"Alam mo girl. Support naman kita, kung sakaling maging marupok ka na naman." Nang-aasar talaga ang tinig ni Alex, may patapik tapik pa siyang nalalaman sa braso ni Kelly.

Napahilamos naman sa mukha si Kelly. "Wala akong balak!" Hindi na niya napigilan at napasigaw na lamang. "Tsaka hindi ako marupok 'no!" Giit pa niya.

"Excuse me."

Natigil naman sa pag halakhak si Alex nang marinig niya ang boses na iyon. Halos manlaki pa ang kanyang mga mata. Kahit pa man nakatalikod pa si Kelly, kilalang kilala na niya kung kaninong boses iyon nanggaling.

Walang iba kung hindi ang kanyang Boss na si Adam.

Sa mga oras na iyon, ipi-nagdadasal niyang walang narinig si Adam sa kanilang pinag-uusapan. Nahihiya man siyang harapin iyon, pero naglakas loob pa rin siya.

Huminga siya ng malalim bago ito hinarap, nagawa pa niyang irapan si Alex na alam niyang nagpipigil ng tawa at nanunudyo ang tingin. "Sir?"

"Where are you heading?" Halos manuyo ang lalamunan ni Kelly sa narinig na sinabi ng kanyang Boss.

Bakit naman ganito kaaga?

Hindi niya maiwasan na kabahan. "B-Bakit po, sir?"

"I want to send you home." Hindi nagdalawang-isip naman na tugon ni Adam, animo'y siguradong sigurado.

Agad naman siyang umiling. "Ah, hindi na po, sir. Kaya ko na umuwi, tsaka kasama ko naman si Alex. Ayaw ko pang makaabala sa inyo." Ramdam na ramdam sa kanyang boses ang pagtanggi.

Bigla namang sumama ang mukha ni Adam, mukhang may hindi na naman nagustuhan sa kanyang sinabi. "You're not a disturbance to me!"

Tipid siyang ngumiti at umiling muli. "Hindi na talaga, sir." Muli niyang tanggi. "Sige po una na kami," Aligaga niyang paalam at bahagya pa siyang yumuko. Mabilis na niyang hinila si Alex na mukhang natutuwa pa sa kanilang pag-uusap.

Hindi na niya naisip pa ang sasabihin ni Adam, kasi alam niyang kapag hinayaan pa niya ito. Wala na siyang magiging kawala pa. Alam niyang kapag may sinabi pa si Adam, hindi na niya matatakasan pa iyon.

"GIRL, mag dahan-dahan ka naman. Para kang nakikipag habulan sa mga kabayo sa lagay na 'yan, eh!" Suway ni Alex. Kanina pa kasi niya sinusundan ni Kelly na sobrang bilis maglakad. Kabababa lang nila ng tricycle at kung maglakad parang nakikipag-unahan.

"Eh, baka kasi sinundan tayo." Saglit na hinarap iyon ni Kelly bago nagtuloy ulit sa paglalakad.

Mabilis naman na hinabol iyon ni Alex at pinigilan ito sa paglalakad. "Huwag ka ngang mag-isip ng ganyan." Suway ni Alex. "Kung dumating man sa puntong iyon, wala ka nang magagawa pa."

Napairap naman si Kelly. "Wala kang naitulong, mas lalo lang akong kinabahan!" Sumbat pa niya kay Alex.

Natutuwa naman si Kelly na nandiyan si Alex kapag kailangan niya ng katulong sa mga iniisip niya, pero sadyang pagdating sa ganitong bagay mukha yatang ganoon na si Alex. Hindi pa rin talaga nagbabago.

Bahagya naman na natawa si Alex sa reaksyon ni Kelly. Hindi talaga maitatago sa mukha niya ang pagka-aburido. "Pero, seryoso... habang hindi pa naman dumarating ang araw na iyon, ihanda mo muna ang sarili mo."

Napa tango-tango naman si Kelly. "Alam ko naman iyon, sadyang kinakabahan lang ako sa magiging reaksyon ng anak ko."

Kapag naman sa mga ganitong usapan, hindi talaga maiiwasan na kabahan ka sa mga posibleng mangyari lalo na at hindi lang naman sarili mo ang iisipin mo. Bago ka gumawa ng desisyon, kailangan mo na rin alalahanin ang magiging reaksyon ng anak mo.

"Matalino ang anak mo, alam kong maiintindihan niya iyon." Panigurado pa ni Alex, kaya naman tumango na lang si Kelly.

Tinungo na nila ang bahay dahil malapit na naman na iyon. Sinusundan lang ni Alex si Kelly pero nang marating na nila iyon, si Alex naman na ang kumatok.

Saglit lang din ang paghihintay nila at tuluyan na bumukas iyon, si Lyn ang iniluwa.

"Good evening, sir," Nakangiti pang bati ni Lyn, bahagya pa siyang yumuko. Tsaka naman niya binalingan ng tingin si Kelly sa likod ni Alex. "Good evening, ma'am."

"Good evening," Tugon ni Alex. Nauna na kasing dumaan si Kelly na hindi man lang niya sinagot ang pagbati ni Lyn sa kanya.

"Pasensya ka na," Paghingi naman ng paumanhin ni Alex. Nakatanggap lang siya ng ngiti mula kay Lyn. "Ayos lang po, sir. Mauuna na po ako..." Balewalang paalam ni Lyn.

Tumango naman si Alex. "Sige, mag-ingat ka."

"Salamat, sir."

Nang tuluyan nang makaalis si Lyn, sinundan ni Alex si Kelly sa kusina. Kasalukuyan itong nag-aayos ng dala niyang pagkain para sa kanyang anak.

Iyong binigay kanina sa kanya ni Adam.

"May hindi ba kayo pagkakaintindihan ni Lyn?"

Natigilan man si Kelly pero nagawa pa rin niyang harapin si Alex. "Oo," Walang pagdadalawang-isip na tugon niya. "Noong nag volunteer ako na umuwi para kunin ang files na kailangan mo, nadatnan ko siya sa kwarto namin naghahanap... pero ang hawak niya, birth certificate ni Riri." Pagtuloy na paliwanag ni Kelly.

"Bakit naman niya gagawin iyon?"

Nagkasalubong naman ang kilay ni Kelly. "H-Huh? Ikaw daw may sabi na maghanap siya."

"Wala akong alam diyan!" Giit naman ni Alex.

"Sabi ko na nga ba, eh." Umiling-iling pang sambit ni Kelly. "May mali talaga!"

"Kumalma ka!" Pigil agad ni Alex. "Ako na ang kakausap sa kanya, hahanap ako ng oras."

Napabuntong hininga na lang si Kelly bago tumango. Naisip niyang hayaan na iyon kay Alex, dahil ito naman ang kumuha ng yaya para kay Riri. Sa dami ng kanyang iniisip ayaw niyang idagdag pa niya iyon.

Matapos ang saglit na pag-uusap nilang dalawa. Nagpaalam si Kelly na titingnan ang anak sa itaas. Nakaawang ang pinto ng kwarto ng bata at kasalukuyan iyon na nanonood ng palabas na cartoons.

"Anak," Pagkuha niya ng atensyon kay Riri.

Maagap na bumaling sa kanya ang anak. "Nanay ko!" Masayang sambit nito. Niluwagan naman ni Kelly ang pintuan, para makasalubong niya ang anak.

Binuhat niya si Riri at hinagkan iyon sa noo at labi.

"May pasalubong ako sa iyo... panigurado ako magugustuhan mo." Masayang pahayag ni Kelly.

Nanlaki naman ang mata ni Riri. "Talaga po?"

Nakangiting tumango si Kelly, saglit niyang ibinaba ang anak at pinatay muna ang telebisyon tsaka niya muling binuhat ang anak para makababa na sila pareho.

"Hi po, tata..." Magalang na bati ni Riri. Nagpababa iyon mula sa pagkakabuhat ni Kelly at lumapit kay Alex para magmano.

"Godbless, anak."

Binuhat muli ni Kelly ang anak, para maiupo iyon sa kanyang upuan.

"Wow!" Nanlaki ang mata ni Riri na napatingin sa kanyang Nanay. "Favorite ko po, Nanay. Sa akin po tatlo 'yan?" Tinuro pa niya ang spaghetti.

Hindi maitatago ang ngiti sa labi ni Kelly habang nakatingin sa kanyang anak. "Oo, anak..."

"Salamat po, Nanay ko." Malambing na sambit ni Riri. Hindi talaga maitatago ang tuwa sa kanyang tinig.

"Ipaparating ko 'yan sa nagbigay sa iyo."

Huli na nang mapagtanto ni Kelly ang kanyang sinabi. Nawala ang ngiti sa kanyang labi dahil sa sumunod na sinabi ni Riri, halos nagkatinginan pa sila ni Alex at nagpalakihan ng mata.

"Sino po ang nagbigay nito, Nanay ko?" Akala ni Kelly iyon lang pero mas nawindang siya sa dagdag pang sabi ng kanyang anak. "Ang Tatay ko po ba, Nanay?"

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

4.7K 163 41
Ang Bagong Taon ay isang pangyayari na nagaganap kapag nagdiwang ang isang kultura ng katapusan ng isang taon at simula ng susunod na taon. Mayroong...
3.7M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...