La Pelea

By Maxchy18

629 38 15

Let love conquer all. Hasta ahora vamos a luchar. Date started: May 13, 2021 Date finished: --- Book Cover Cr... More

PROLOGO
KABANATA I
KABANATA II
KABANATA III
KABANATA IV.
KABANATA V.
KABANATA VI
KABANATA VII
KABANATA VIII
KABANATA IX
KABANATA X
KABANATA XI
KABANATA XIII
KABANATA XIV
KABANATA XV
KABANATA XVI
KABANATA XVII

KABANATA XII

13 2 0
By Maxchy18

"Malay mo naman amiga maging maayos naman ang magiging pagsasama niyo hindi ba?"

Gabi na at kaninang hapon pa kami magkausap dito ni Lorena habang si Augusta naman ay nilalaro yung tutang mabuti na lang ay maayos na ang kalagayan ngayon at masigla na maliban lang sa hindi pa nito maigalaw ang kanang binti.

Kanina pa din ako kinukumbinsi ni Lorena na pumayag na lang daw akong magpakasal kay Luci.

Napapakamot batok na lang ako sa kakulitan niya. Maski si Au nakumbinsi niya na. Ako na lang ang hindi pa. Isang pilit at propaganda niya pa talaga baka pumayag na ako. Pero gusto ko ding malaman ang side ni Luci kung bakit gusto niya akong pakasalan.

Ewan ko ba, kanina pa din ako may kakaibang nararamdaman sa isiping gusto akong pakasalan ni Luci.

Aaminin ko medyo crush ko siya. Pero dapat hanggang doon lang iyon lalo't hindi ko alam kung hanggang kailan ako dito sa panahon nila.

"Amiga."

Kailan nga kaya ako makakabalik sa totoong panahon ko.

"Stella Esperanza!"

Napabalikwas ako ng upo ng malakas na tinawag ni Lorena ang pangalan ko.

Stella Esperanza din tinawag niya sa akin? Bagay sila ni Luci. Ganyan din ang tawag nun sa akin e.

Pero syempre mas bagay sa akin si crush. Joke lang.

Ano ba tong pinag-iisip ko? Nahihibang na yata ako. Natulad na ako kila Fabiano.

"Stella Esperanza naman, kanina pa ako nagsasalita rito pero mukhang naglalayag sa kawalan ang iyong isipan. Ano bang iniisip mo riyan? Maaari mo namang ibahagi sa akin. Kaibigan mo ako." Mahabang litanya niya na tila nagtatampo na dahil hindi ako nakikinig sa mga sinasabi niya kanina pa.

Napakamot ako sa pisngi ko at alanganing ngumiti sa kaniya. Napailing na lang siya at nakasimangot na nakatingin sa akin.

Nilingon ko si Augusta na ngayon ay nakangiting nakatingin sa amin. Pasensya naman lutang lang. Si Luci kasi--- wait what?! No erase. Yung ano kasi----. Fine that wedding is the real culprit kaya ako nagkakaganito ngayon.

Hindi pa rin ma digest ng utak ko na gusto akong pakasalan ni Luci.

Bago pa lalong magtampo sa akin si Lorena ay nilapitan ko na siya tsaka nagpaliwanag.

Isa pa, gusto ko ring may mapagsabihan ng mga nasa utak ko kahit siyempre ifi-filter ko dahil hindi ko dapat lahat sabihin. Privacy ko na yung iba.

"Paumanhin Lorena amiga. Hindi na nga naging maganda ang simula ng bakasyon mo rito sa mansyon tapos hindi pa ako nakapakinig sa iyong tinuturan kanina. Sadyang nalilito at nabibilisan lang ako sa mga nangyayari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung maniniwala ba ako sa mga nangyayari." Pag-amin ko.

Mula sa nakasimangot niyang mukha ay ngumiti siya sa akin ng malumanay.

"Naiintindihan kita Stella--"

"Can-- Maaari bang Yana or Marianna na lang ang itawag mo sa akin? Ako ang napapagod para sa iyo." Pagpuputol ko sa kaniya ng tangkain niyang buoing tawagin ang aking pangalan.

Napatawa siya ng mahina dahil doon. Itinago pa niya sa abanikong hawak niya ang kaniyang natatawang mukha at ngiti. Ms. Mahinhin talaga siya hindi tulad ko na wala lang. Sabagay mahihinhin talaga ang mga kadalagahan sa panahong ito dahil iyon ang itinuturo sa kanila mula pagkabata.

"Ang totoo niyan, hindi ko alam kung maniniwala ako o hindi o kung anong gagawin at iisipin ko ngayon lalo pa sa pagkawala ng mga magulang ko at ngayon naman bigla-bigla magdedesisyon si Luciano na magpakasal. Ni hindi naman kami magnobyo." Paliwanag ko sa kanya.

"Naiintindihan kita Yana. Kahit sino naman sa sitwasyon mo. Mayroon ka pa namang sapat na panahon upang makapagdesisyon ng maayos para riyan. Huwag mong madaliin ang kahit ano. Maski ang nararamdaman mo."

Nararamdaman ko? Wala naman akong nararamdaman para kay Luci. Oo crush ko siya. Pero hanggang doon lang naman yata iyon. Sana.

Pero tama siya. Wala din namang sinabi sa akin sila Luciano na kailangan ko ng magdesisyon tungkol sa kasal na sinasabi niya.

"Sa tingin ko kailangan niyo talagang mag-usap ng masinsinan upang mas makilala niyo ang isa't-isa at maipaliwanag rin niya ang dahilan sa kaniyang pagdedesisyon na magpakasal na kayo." Dagdag niya.

Tama ulit siya. Iyon din ang isa sa naiisip kong gawin. Ang kausapin si Luci at pakinggan ang dahilan niya.

Siguro bukas ko na lang kakausapin si Luci.

"Tama ka. Kailangan nga namin sigurong mag-usap. Pero hindi pa din ako natutuwa sa padalos-dalos niyang desisyon. Pero sige, kakausapin ko siya." Tulala kong ani kay Lorena na ngumiti lang at hinawakan ng marahan ang kamay kong nakapatong sa may hita ko.

"Maraming salamat Marianna dahil kahit ilang taon na tayong hindi nagkita ay hindi ka nagbago ng pakikitungo sa akin at handa ka pa ring makinig at magbahagi sa akin ng mga nilalaman ng iyong isipan." Aniya na sinuklian ko naman din ng ngiti.

Nagpapasalamat din akong nagkaroon ng kaibigan sa katauhan niya na handang makinig sa mga hinanaing ko at sa kaniyang pagbibigay ng mga payo.

"Maraming salamat din sa'yo Lorena dahil patuloy ka pa ring nakikinig sa aking mga hinaing at sa iyong mga binibigay na mga payo." Pagpapasalamat ko sa kaniya. Nagngitian na lang kami at natawa ng mahina kahit wala namang nakakatawa.

"O siya. Matulog ka na. Paniguradong pagod ka pa sa biyahe mo at sa mga nangyari kanina. Maiwan ka na namin. Maging payapa nawa ang iyong pagtulog. Magandang gabi amiga." Paalam ko sa kaniya tsaka kami umalis ni Au sa kwarto ni Lorena.

***

Kinabukasan, maaga akong nagising. Tulog pa si Augusta sa tabi ko ng magising ako. Nag-ayos na ako bago lumabas.

Hindi ko na ginising pa si Au ng lumabas ako dahil mahimbing pa siyang natutulog doon.

Naglakad lakad lang ako sa loob ng mansyon. Alam kong maaga din kung magising si Luci dahil ng mga nakaraang araw ay ginigising niya na ako ng alas kwatro pa lang ng umaga.

Sa katunayan ay medyo madilim pa ang paligid ngayon. Kinuha ko pa nga yung isang lampara na nasa tabi ng pinto namin para makita ko ang daanan ko.

Paglabas ko ng kwarto ay nagulat pa ako ng may makitang maliwanag na ilaw sa may terasa. Out of curiosity ay pinuntahan ko iyon.

"Sino ka?" Tanong ko sa bulto ng lalaki. Lumingon siya sa akin.

"Ikaw lang pala." Napahinga ako ng maluwag ng makitang si Luciano lang pala iyon.

Maaga nga siyang nagising ngayon. Nakatayo lang siya sa may terasa habang may hawak na isang tasa ng kape na tinimpla niya yata kanina.

"Isang himala na maaga ka ngayong magising. Naunahan mo pa ang pagtilaok ng manok." Ngisi niya.

Ayan na naman siya sa pang-aasar niya.

"Himala nga. Tulog pa nga si Au sa kwarto. Iniwan ko na muna at hindi muna siya ginising. Babalik din naman ako agad doon bago sumikat ang araw." Ani ko. Napailing na lang siya sa akin.

"Kahit kailan talaga ay pasaway ka." Aniya na tila sanay na sa akin kahit sa katunayan ay ilang araw pa lang naman kaming magkasama.

"Grabe naman to. Alangan namang gisingin ko pa si Au para lang magpasama sa labas ng maaga tapos iistorbohin ko pa tulog niya." Depensa ko. Umiling lang siya.

"Sa susunod, ako ang gisingin mo kahit anong oras pa iyan. Sasamahan kita." Bilin niya habang nakatingin sa diretso sa mata ko.

Napalunok ako ng sariling laway at napaiwas ng tingin. Kumakabog din sa hindi ko malamang dahilan ang puso ko.

Hindi ako sanay na may nagsasabi sa akin na handa silang samahan ako sa kahit saan kahit kailan ko kailangan.

Ngumiti ako sa kanya pero kalaunan ay naging ngisi ang ngiti ko.

"Gustong gusto mo talaga akong kasama no? Para-paraan ka e." Tukso ko sa kaniya.

Sandaling kumunot ang dating seryoso niyang mukha tsaka muli itong nagseryoso tsaka umiling.

"Aminin mo ring kinikilig kang isipin iyan, hindi ba?" Ngisi niya. Ako naman ang napaseryoso ng tingin sa kanya. Ang kapal.

"Ang kapal naman ng pagmumukha mo. Hindi ako kinikilig sa'yo no." Tanggi ko.

Hindi naman kasi talaga. Bakit naman ako kikiligin sa kaniya?

"Ikaw ang bahala."

"Luci." Tawag ko sa kaniya makaraan ng ilang minutong katahimikan sa pagitan namin.

Lumingon lang siya pero hindi siya nagsalita. Ang gwapo niya talaga. Bagay sa kaniya yung tangos ng ilong niya at ang magandang hugis ng mukha niya at ang gwapo tignan sa kaniya ng panga niya.

"Alam kong magandang lalaki ako, Yana." Aniya na nagpakunot sa noo ko. Nag-drool na pala ako sa kaniya---- ayy hindi! Natulala lang ako dahil iniisip kong mabuti kung ano ang dapat kong sabihin o itanong sa kanya. Oo yun nga.

"Ang kapal talaga ng mukha mo." Singhal ko sa kaniya pero ngumisi lang siya at naghintay sa susunod kong sasabihin.

"Yung... Yung tungkol sa k-kasal..." Naiilang ako sa topic na to.

"Seryoso ka ba talaga doon?"

"Ibig kong sabihin ay... Kakakilala lang natin tapos hindi pa nga natin kilala ang bawat isa tapos kasal agad? Seryoso talaga?" Dire-diretso kong tanong sa kaniya.

Diretso at seryoso lang ang tingin niya sa akin.

"Naiintindihan kong nabigla ka sa sinabi ko noong nakaraang araw tungkol sa kasal, ngunit tulad ng sinabi ko sa iyo kahapon ay seryoso ako roon." Panimula niya.

"Hindi kita mamadaliin. Magpapakilala ako ng maayos sa iyo at mas maganda nga kung kikilalanin muna natin ang bawat isa bago ang kasal."

"Ito lamang ang tanging susi upang maprotektahan kita mula sa kanila. Lalo na sa nagtangka sa buhay ng iyong ina. Huwag kang mabahala. Narito lang naman ako lagi. Hindi kita pababayaan."

Katulad kanina, heto na naman ang kakaibang pagkabog ng puso ko.

Sapat bang dahilan ang mga sinabi niya para pumayag akong magpakasal sa kaniya?

"Madaling sabihin ang mga bagay na iyan ngayon Luciano ngunit hindi lahat madali ring gawin at tuparin." Seryosong saad ko sa kaniya. Tumango tango siya sa sinabi ko.

"Tama ka. Madaling sabihin, at hindi madaling gawin ngunit sa pagkakataong ito, tutuparin ko ang anumang ipapangako ko. Lalo na sa iyo." Sana nga talaga. Quota na ako sa mga broken promises.

"Sabi mo e. Bakit nga ba kasi kailangan ng kasal? Ang ibig kong sabihin, alam kong gusto mong ikasal ako sa'yo para iligtas ako. Pero... Iyon nga lang ba?" Tanong ko. Naalala ko yung kwinento ni Au sa akin kahapon sa may garden.

"Ano ang nais mong iparating? Gusto mo bang marinig na kaya seryoso ako tungkol sa kasal ay dahil may gusto ako sa iyo?" Sagot niya.

"Ang ibig kong sabihin ay, baka kailangan mo ding iligtas ang iyong sarili sa isang sitwasyong ayaw mong gawin kaya mo pinipilit yung kasal. Hindi yung sinasabi mong---" Hindi ko natapos ang pagpapaliwanag sa sinasabi ko ng maintindihan ang huling sinabi niya.

Hindi naman iyon ang gusto kong marinig sa kaniya e.

"Maaari nga. Kung gayon, papayag ka na ba?" Tanong niya pero hindi na siya nakatingin sa akin at pansin ko rin ang pamumula ng tenga niya.

Anong nangyari sa kanya?

Pero kung meron ngang ganun, papayag na nga ba ako?

"Depende. Depende kung gaano kalala ng gusto mong takasan at ng kailangan kong iwasan." Sagot ko.

"Kamatayan. Kamatayan ang kapalit ng parehong sitwasyong hindi natin maiiwasan kapag hindi nangyari ang kasal." Gulat na napalingon ako sa kanya.

Grabe naman. Kamatayan talaga?

"Maaari ka nilang patayin kapag bigla kang tumiwalag sa kanila. Kamatayan din ang maaari mong sapitin sa mga pumatay sa iyong ina. Hindi pa natin sila kilala. Masyado silang mailap sa mata ng hukbo at gobyerno." Paliwanag niya.

Nanlamig ang buong katawan ko dahil sa narinig. Naalala ko rin ang nangyari sa akin sa totoo kong panahon.

Kamatayan nga rin ba ang maaari kong kahinatnan kapag hindi nasunod ang gusto ng mga kumidnap sa akin?

"Papayagan lamang nila akong maililigtas kita kapag--"

"Kapag naging asawa mo ako? Kapag kasal na tayo? Ganun ba?" Putol na tanong ko sa kaniya.

Pilit kong iniintindi ang lahat. Kasal nga lang ba talaga ang huling sagot para hindi ako mapahamak sa panahong ito?

Hindi ako taga rito kaya kung ikasal man ako dito single pa din ako sa totoo kong panahon. Pero willing na ba akong ikasal sa kaniya?

"Isa pa, bago ka nakipagtanan sa iyong kasintahang kasapi ng mga rebelde ay napag-usapan at naipangako ko na ang pagpapakasal sa iyo. At iyon ang huling kahilingan ng iyong ama." Aniya saka may binigay sa aking papel na nakatupi.

Binuksan ko ang iniabot niyang papel sa akin.

30 ng Disyembre, 16**

Isa itong liham na isinulat dalawang araw bago ako makipagtanan sa aking nobyong si Danilo-- bago pala makipagtanan si Marianna kay Danilo.

Nakasaad sa liham ang paghingi ng tawad ni ama sa akin (sa totoong Marianna ng unang panahon) at ang dahilan niya sa pagkakasundo niya sa akin at sa gobernador heneral.

Napalingon ako kay Luci pagkatapos kong mabasa ang buong liham. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin.

Naabutan na kami ng pagsikat ng araw na magkausap sa terasa. Kahit papaano ay nakilala ko na siya paunti-unti.

Madaldal din naman pala siya pero lamang ang pagiging mapang-asar niya dahil halos sa buong pag-uusap namin mula pa kanina ay lagi niya na lang akong inaasar sa kahit anong usapan man.

Natigil lang ang pag-uusap namin ng hinanap ako nila Augusta, Lorena at Fabiano. Inasar pa nga nila kami ng madatnang magkasama sa may terasa at nag-uusap.

"Gobernador heneral."

Tawag ng isang guardia sibil kay Luciano pagkatapos ay yumuko ito sa harap naming apat bilang pagbati at pag galang bago muling magsalita at sabihin ang kaniyang pakay sa gobernador heneral.

"¿Qué estás haciendo aquí? (What are you doing here?) " Tanong sa kaniya ni Luci.

"May gusto pong kumausap sa inyo." Sagot nito. Nagkatinginan kaming lahat dahil doon.

"¿Quién? (Who?)"

"Mucho tiempo sin ver a Luciano, hijo. (Long time no see Luciano, son.)"

Agad na nagsiyukuan ang mga kasama namin ni Luci sa harap ng bagong dating na may edad ng lalaki. Maski sila Fabiano ay yumuko rin.

Akmang yuyukod na rin sana ako bilang pagbati sa kararating lang pero pinigilan ako ni Luciano.

Seryoso lang itong nakatingin sa kaharap na tila namangha pa ng makitang hinawakan ni Luci ang kamay ko para pigilan sa pagyukod kanina at hanggang ngayon ay hindi pa nito iyon binibitawan.

"¿Quién es esta joven aquí?  ¿Por qué no me la presentas, hijo? (Who is this young lady here? Why don't you introduce her to me son?)"

"Ella es mi prometida. (She is my fiancee.)" Diretsong sagot ni Luci sa lalaki.

Napabilog pa ang bibig nito sa pagkagulat. Pero agad din itong naglaho at tumawa sa harap namin.

"Estás poniendo a esta mujer en peligro.(You're just putting this woman in danger.)" Hindi ko sila maintindihan ngayon pero alam kong hindi na yun maganda dahil lalong dumilim ang awra ni Luci dahil sa sinabi ng lalaking nasa harapan namin.

"¿Por qué papá? ¿Vas a matarla también como lo que le hizo Lolo al marido de Lucía? (Why dad? Are you going to kill her too like what lolo did to Aunt Lucia's husband?)" Kakaibang kaseryosohan ang nakikita at nararamdaman kong pinapakita ni Luci sa harap nitong lalaking ito.

"Si eso es lo que debería hacer por usted, para que acepte casarse con su altura. (If that's what I should do for you to agree to marry Her Highness.) " Seryosong aniya nito na lalong ikinadilim ng mukha ni Luciano.

"Tendrás que matarme primero antes de que puedas hacer eso, lo juro. No en mi perro papá. No te dejaré hacer tu cosa en ella. (You'll have to kill me first before you can do that, I swear. Not on my watch dad. I won't let you to do your thing on her.)" Nanggagalaiti na si Luciano at pilit niya na akong nilalayo sa kausap niyang lalaki.

Maski si Fabiano ay lumapit na rin sa akin. Nasa likod ko sila ni Lorena. Nasa tabi ko naman sa kaliwa si Augusta na nakakapit sa aking braso.

"Pruébame hijo. Pruébame. Y seguramente te arrepentirás. (Try me son. Try me. And you'll surely regret it.) " Natatawang aniya nito saka siya tumalikod na paalis.

Pero bago siya tumalikod sa amin ay tumingin siya sa akin. At nagulat ako sa nakita ko.

Paano siya napunta dito?

Agad akong itinago ni Luci sa likod niya habang inaabangang umalis na ng tuluyan ang hindi inaasahan at hindi gustong bisita.

"¿Cuándo vuelve a su partida, Fabiano? (When is your departure again, Fabiano?)" Napalingon si Fabiano sa kaniya ng marinig ang pangalan niya na tinawag ni Luci.

"Bakit?" Maikling tanong naman sa kaniya pabalik ni Fabiano.

"Quiero enviar una carta a Su Majestad.(I want to send a letter to His Majesty.)" Napatango naman agad si Fabiano sa sinabi ni Luci.

Pero dahil hindi ko na rin matiis na magtanong ay nagsalita na ako. Kanina ko pa sila hindi maintindihan.

"Ano ba'ng nangyayari? Sino yung lalaki kanina? Bakit parang tensyonado kayo?" Sunod-sunod na tanong ko sa kanila.

Napalingon sa akin si Luci at si Fabiano naman ay lumingon kay Luci.

"Siya ang aking ama. Pero huwag mong hahayaang lumapit siya sa iyo kahit kailan. Isa siyang delikadong nilalang." Seryosong sagot sa akin ni Luci.

Delikado?

"Mamamatay tao ba siya? At isa pa, kung ama mo siya bakit ganun ang pakitungo mo sa kanya kanina?" Tanong ko ulit sa kaniya.

"Oo kaya niyang pumatay masunod lang ang kanyang minimithi. Ayaw naming magkakapatid sa prinsipyo niya sa buhay at sa mga ginagawa niya kaya ganoon ang pakikitungo namin sa kaniya." Kayang pumatay ng tatay nila para lang masunod ang kaniyang gusto?!

Delikado nga siyang lapitan. Pero naalala ko ang nakita kong mukha sa kaniya ng tumingin siya sa akin kanina.

Baka namalik-mata lang ako kanina. Oo tama baka guni-guni ko lang iyon.

Sumasakit ang ulo ko sa lahat ng nangyayari ngayon. Parang ang tagal ko na tuloy dito sa panahong ito. Sunod-sunod ang mga nangyayari. Hindi ko na nga masundan sa sobrang dami.

Paano ba ako napunta sa ganitong sitwasyon? At bakit? Naging mabait naman akong tao, anak, kapatid at kaibigan sa panahon ko pero bakit nangyayari ito? Ano bang kasalanan ko?

"Nanganganib na naman ba ako?" Tulala kong tanong sa kaniya.

Huminga pa muna siya ng malalim bago sumagot.

"Katulad ng sinabi at ipinangako ko kanina, hinding-hindi ko iyon pahihintulutang mangyari. Nasa pangangalaga kita simula ng dalhin ka namin rito sa mansyon at huwag kang mag-alala magiging maayos din ang lahat." Sagot niya.

Aaminin kong nakahinga ako ng maluwag kahit papaano dahil alam kong hindi niya ako pababayaan katulad pangako niya. At nagpapasalamat ako dahil doon.

"Salamat sa inyo. Maraming salamat." Sinserong pagpapasalamat ko sa kanila na tumango lang.

***

Para Bang, Para Lang by Angeline Quinto

Continue Reading

You'll Also Like

4.7M 190K 31
"Wattys 2021 Winner in Historical Fiction Category" Sa loob ng labinlimang taon, ang makasal sa kababata niyang si Enrique Alfonso ang tanging pinapa...