Their Long Lost Sister

lialabspurple tarafından

47.1K 1.6K 284

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... Daha Fazla

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 6

1K 45 5
lialabspurple tarafından

"Dhianne?" napakunot ang noo ni Dhianne nang may marinig siyang boses at may kumatok pa sa pinto ng bahay nila.

Inihinto niya muna ang pagpinta sa may sala nila at tumayo para maglakad palapit sa pinto nila para pagbuksan ang taong nakatok.

Wala silang pasok at day-off niya rin sa trabaho niya at wala din ang tatay niya sa bahay nila kaya nagagawa ni Dhianne ang lahat ng gusto niya ngayon. Natutuwa pa nga siyang madalas na itong wala sa bahay. Madalas na itong hindi nauwe.

Pinagdadasal niyang sana gano'n na lang lagi para hindi na siya nabubugbog or what. Okay lang na siya na lang mag-isa ang natutulog tuwing gabi basta h'wag nang umuwe ang tatay niya.

Naalala niya rin ang 18th birthday ng ate ng kaibigan niya no'ng isang araw. Hindi niya na nakilala 'yung mga kuya nitong pinsan dahil may biglaang lakad ang mga ito kaya ang ate na lang ni Josephine ang nakilala niya.

Masaya naman ang nangyare no'n at natuwa pa ang ate ni Josephine sa kaniya nang makilala siya nito at mas natuwa pa sa kaniya dahil sa magandang regalo niya dito. Hiyang-hiya naman siya pero nakangiti naman siya.

"Sino po 'yan–" hindi na natuloy ni Dhianne ang sasabihin nang pagbukas niya ng pinto ay nakangiting mukha ni Jazley ang bumungad sa kaniya.

Sinarado niya kasi ang pinto ng bahay nila para matiwasay siyang makapagpinta na hilig niya. Ayaw niya ring mapansin siya ng mga kapitbahay nila kaya gusto niyang palaging nakasara ang pinto ng bahay nila sa tuwing nasa bahay siya.

May screen door naman sila pero ayaw niya pa rin no'n, gusto niya sarado talaga.

"Kuya Jazy!" gulat na sigaw niya at dali-daling binuksan nang malaki ang pinto at binuksan niya na rin ang screen door nila para papasukin ito.

"Kumusta ka na?" tanong ni Jazley pagbukas niya ng screen door nila.

"Okay lang naman po. Pasok ka po." nahihiyang sabi niya at inaya itong maupo sa may kahoy nilang upuan.

Nang makita ang mga kalat sa maliit na mesa ay bahagya siyang nahiya kaya dali-dali siyang lumapit doon para ligpitin at linisin 'yon.

Nagpipinta kasi siya kaya medyo makalat. 'Yun lang naman ang makalat. Hilig niya kasi ang pagpinta kaya 'yon ang gawain niya kapag wala siyang ginagawa.

"You like painting?" Jazley asked while staring at Dhianne's painting. May ngiti pa sa labi.

"Opo." Dhianne answered.

"Ako din, hilig ko din 'yan. Gusto mo bang magpinta tayo?" nakangiting tanong ni Jazley kay Dhianne.

Nanlalaki ang matang tiningnan ni Dhianne si Jazley. Natuwa siya sa sinabi nito kaya ngiting-ngiti siyang tumango agad at nang marealize ang ginawa ay bahagyang yumuko dahil nahiya siya bigla.

Mas nakaramdam siya ng hiya ng marinig niyang tumawa si Jazley. Masyado lang kasi siyang naexcite at natuwa. Hindi niya inaasahan na mahilig din ito sa pagpinta at inaya pa siyang magpinta silang dalawa.

Ni hindi niya nga inasahan na bibisitahin siya nito. Buti na lang pala talaga at wala dito ang tatay niya nang bumisita ito.

Nang nasa bahay kasi siya ni Jazley ay sinabi niya dito ang address niya at ito rin ang naghatid sa kaniya pauwe sa bahay nila kaya alam nito kung nasaan siya nakatira.

Natuwa pa nga siya na binisita siya nito dahil ilang linggo na rin silang hindi nagkikita. Namiss niya rin ito, buong akala niya nga ay hindi na sila magkikita kaya nagulat talaga siyang nandito ito ngayon.

"It's okay, Dhianne. H'wag ka nang mahiya sa 'kin." natatawang sabi ni Jazley.

"Sorry po." Dhianne said and smiled shyly at Jazley.

"No, don't say sorry, hmm." Jazley said softly at Dhianne and Dhianne just nodded.

Ngumiti na lang si Jazley at inayang maupo si Dhianne sa tabi nito. Inakbayan niya pa ito. Ramdam niyang nahihiya si Dhianne sa kaniya.

"By the way, pasensya na at basta na lang akong pumunta dito. Gusto ko lang kasing makumusta at mabisita ka kaya pumunta na ako dito." paliwanag ni Jazley.

"Okay lang po, natuwa nga po ako, eh. Sa totoo po niyan, n-namiss ko po kayo kaya natutuwa akong b-binisita niyo po ako ngayon." nahihiyang sabi ni Dhianne habang nakayuko at pinaglalaruan ang mga daliri sa kuko dahil sa kaba at hiya.

"Really? You missed me?" hindi mawala ang ngiti sa mga labi ni Jazley nang itanong 'yon kay Dhianne. Dahan-dahan namang tumango si Dhianne.

"O-opo, gusto po kitang makita at makausap ulit. Thank you po pala sa pagbisita at pagkumusta sa 'kin." sabi ni Dhianne, hindi talaga makatingin kay Jazley dahil sa hiya.

Si Jazley naman ay tuwang-tuwa lang kay Dhianne. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit tuwang-tuwa siya kay Dhianne.

"Aw, you're such a cute and sweet girl, Dhianne. I miss you too, at kung alam mo lang kung gaano akong nag-aalala sa 'yo sa araw-araw dahil baka may masama nang nangyare sa 'yo dito. Hindi ako makatulog nang maayos dahil sa pag-aalala sa 'yo." sabi ni Jazley at bahagya pang sinuklay-suklay ang buhok ni Dhianne na ikinangiti naman nito.

Hindi mapigilan ni Dhianne ang mapaluha dahil sa narinig. Hindi niya inaasahan na may mag-aalala sa kaniya maliban sa kaibigan niya.

"Salamat po sa pag-aalala, kuya Jazy at pasensya na din dahil lagi kitang pinag-aalala at hindi ka makatulog dahil sa 'kin, sorry po." sabi niya at inangat na ng tingin si Jazley na nakaawang ang labi dahil sa sinabi ni Dhianne.

"Uy, hindi, ano ka ba. H'wag ka mag sorry. Hindi mo naman kasalanan." sabi ni Jazley at napakamot na sa ulo. Alam niya kasing iniisip ni Dhianne na kasalanan nito kung bakit hindi siya nakakatulog.

"Ka–" agad niya ng pinutol ang sasabihin ni Dhianne.

"Alam mo, mag painting na lang tayo. Mag bonding tayo." ngiting sabi ni Jazley, iniiba ang usapan.

Mukhang gumana naman dahil naging masaya ang mukha ni Dhianne.

"Sige po! Kunin ko lang po 'yung ibang gamit ko." tuwang sabi ni Dhianne kay Jazley at nagpaalam pa sabay excited na tumakbo papunta sa kwarto niya para kunin ang dapat niyang kunin.

Nakangiting sinundan niya lang ito ng tingin. Sa isip niya ay mukhang magandang desisyon ang pumunta siya dito para bisitahin ito.

Habang naghihintay kay Dhianne ay sinilip niya ang pinipinta nito kanina at napangiti siya nang makita ang ganda at ayos ng pinta nito.

Masasabi niyang may talent ito sa pagpipinta. Napansin niya ring tinitipid ni Dhianne ang mga materiales niya.

"Kuya! Tara na!" napatingin siya kay Dhianne na excited na naupo sa sahig para magsimula. Inaayos niyang muli ang niligpit niya kanina at 'yung kinuha niya sa kwarto niya.

Nakangiting naupo naman siya sa tabi ni Dhianne at masayang inabutan siya ni Dhianne ng canvas at tsaka silang dalawang nag-umpisa.

Tawa pa nga sila nang tawa habang nagpinpinta. Natutuwa si Dhianne ngayong araw. Kanina lang ay naiiyak siya pero ngayon ay masayang-masaya siya.

Sa isip niya ay sana ganito na lang siya lagi kasaya hindi 'yung bilang lang kung kailan siya masaya.

"Saan ka pala nag-aaral, Dhianne?" maya-maya ay tanong ni Jazley sa gitna ng pagpipinta nilang dalawa.

"Sa Wingston University po, scholar po ako doon." nakangiti namang sagot ni Dhianne at saglit pang tiningnan si Jazley bago bumalik ang tingin sa pinipinta niya.

Si Jazley naman ay bahagyang natigilan ngunit nakabawi rin agad at tumikhim pa.

"Gano'n ba? Kumusta naman ang pag-aaral mo doon?" tanong ni Jazley. Kinikilala niya si Dhianne kaya nagtatanong siya.

Gusto niyang magkakilala pa sila nang lubos ni Dhianne. Gusto niyang magkalapit silang dalawa.

"Ayos naman po, masaya nga po ako na nakapasok ako doon, eh." nakangiti pang sabi ni Dhianne pero tutok ang mata sa pinipinta.

"Hmm, dito? Dito sa bahay niyo, kumusta? B-binubugbog ka pa rin ba ng tatay mo?" nagdadalawang isip pa si Jazley nang itanong 'yon.

Si Dhianne naman ay ngumiti, ramdam niyang nagdadalawang isip ito sa itatanong, nag-iingat kaya tiningnan niya ito.

"Ayos naman po ako at si tatay po minsan na lang po siya umuwe kaya medyo panatag po ang loob ko ngayon dahil walang mananakit sa 'kin. H'wag na po kayong mag-alala sa 'kin, ayos na po ako. Malakas po ako, eh kaya h'wag na kayong mag-alala at matulog na po kayo nang maayos." nakangiting sabi ni Dhianne.

Sa tuwing ngingiti si Dhianne sa kaniya ay nahahawa siya kaya napapangiti na rin siya. Sino ba naman kasing hindi mapapangiti sa tuwing makikita mo ang napakaganda niyang ngiti?

"I want to help you, Dhianne. Are you sure na ayaw mo siyang ipademanda?" tanong pa ni Jazley.

"Gusto naman po kaso natatakot po ako sa posibleng mangyare, eh. Marami pong what if sa utak ko kaya po natatakot akong gawin 'yan. Natatakot akong magsumbong, gano'n po." Dhianne said at napakuyom naman ang kamao ni Jazley.

"Nandito naman na ako, hindi mo na kailangan pang matakot. You can trust me naman, I really want to help you, Dhianne. Gusto kong madala ka sa hospital para matingnan ka, lalo na 'yang mga pasa mo. I want to know if may mga nabali bang buto sa katawan mo dahil sa hinahampas sa 'yo. Gusto kong kunin ka at ilayo sa tatay-tatayan mo. Marami akong gustong gawin sa 'yo, Dhianne para makamit mo ang kalayaan na hindi mo naranasan. Gusto kong mailayo ka sa impyernong 'to pero iniisip kita, nirerespeto ko ang desisyon mo. Gaano ko man kagustong ilayo ka dito at tulungan ka ay pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayaw kong magalit ka sa 'kin kapag pinilit kita at nirerespeto ko nga ang desisyon mo pero hindi ko na kaya Dhianne." mahabang sabi ni Jazley at may pumatak pang luha sa mga mata nito. Kitang-kita 'yon ni Dhianne kaya hindi niya rin maiwasan ang maluha.

Nahinto na rin silang dalawa sa ginagawa nila. Nahinto na sila sa pagpipinta.

Hindi niya maiwasan ang masaktan para dito, lalo na nang lumuha ito. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito kabait sa kaniya si Jazley.

Kakakilala lang nila pero ganito na ang trato nito sa kaniya. Sobra-sobrang umaapaw ang kasiyahan sa puso niya dahil sa wakas may taong gustong tumulong sa kaniya. Matagal niyang pinagdasal ito pero ngayong nangyayare na ay natatakot siya sa pwedeng mangyare.

Kaibigan niya ay nag-alok ding tulungan siya pero tumanggi din siya dahil nahihiya na siya sa pamilya nito. Ito na ang pagkakataon niya para makalaya pero heto siya at inaayawan ang mga taong gustong tumulong sa kaniya.

"Kuya Jazy–" nakagat ni Dhianne ang ibabang labi nang hindi siya patapusin ni Jazley sa pagsasalita.

"Dhianne, I know nasa isip mo ngayon ay kung bakit ganito na lang ang trato ko sa 'yo, kung bakit gano'n na lang ang kagustuhan kong tulungan ka kahit na kakakilala pa lang natin. Maski ako, Dhianne hindi ko alam, basta ang gusto ko lang ay tulungan ka. Alam kong hindi pa tayo gano'n magkakilala para pagkatiwalaan mo ako pero, Dhianne mapagkakatiwalaan mo ako. Just let me help you, Dhianne. Isipin mo na lang na ito ang kapalit ng pagligtas mo kay Summer, sa aso ko." pakiusap ni Jazley at hinawakan pa ang kamay niya.

"We can do this, hmm? Gagawin natin ang lahat para mapakulong siya. Ayaw mo bang mabuhay ng payapa? 'Yung walang ibang iniisip kung hindi ang mga gusto mong gawin? 'Yung kalayaan mo. Kapag naipakulong na natin siya pwede kitang ampunin, Dhianne." sa huling sinabi ni Jazley ay nanlaki ang mga mata ni Dhianne.

"Kuya Jazy, hindi na po kailangan." gulat na sabi ni Dhianne.

"No, gusto kong ako na ang magiging guardian mo once na naipakulong na natin siya." Jazley seriously said.

Hindi alam ni Dhianne kung anong sasabihin pero hindi niya rin maintindihan kung bakit gusto niya ang alok nito.

Parang tumalon sa saya ang puso niya dahil sa narinig. Matagal niyang pinagdasal 'to. Nasa isip niya ay baka ito na nga ang tamang panahon para ipaglaban ang kalayaan niya.

Bumuntong hininga si Dhianne at kinagat pa ang ibabang labi. Wala pa nga siyang sinasabi ay naeexcite na siya na may kasamang kaba.

Gustong-gusto niyang magkaroon ng pamilya. Hindi niya alam na dahil kay Summer ay makikilala niya si Jazley na sobrang bait sa kaniya. Na gustong-gusto siyang tulungan.

"I can also help you to find your real family, Dhianne." sabi pa ni Jazley na mas lalong ikinatuwa ni Dhianne.

"Kuya Jazy." tawag niya dito at tiningnan ito sa mga mata. Nangingilid na ang luha niya sa mga mata niya.

"Thank you, kuya Jazy. Thank you so much for your concern, for your kindness. Alam ko pong kulang ang salitang pasasalamat ko sa kabaitan niyo sa 'kin pero gusto ko pong sabihin na sobrang thank you po sa lahat, thank you po dahil dumating kayo sa buhay ko." sabi ni Dhianne at tuluyan ng nahulog ang mga luha niya.

Agad naman siyang hinila ni Jazley para yakapin at hinagod pa ang likod niya para patahanin siya.

"Shh, it's okay. I just want the best for you, Dhianne." Jazley whispered to her ear. Mas napahagulgol lang si Dhianne.

At habang pinapakinggan ang hikbi ni Dhianne ay nasasaktan naman si Jazley.

"Sige po, kuya Jazy. Payag na po ako sa alok niyo. Ipakulong na po natin si tatay, ipaglaban na po natin ang kalayaan ko. I trust you, kuya Jazy. Sana maging successful tayo." Dhianne whispered to Jazley sa gitna ng pagkhibi niya.

"That's good to hear, Dhianne. Thank you, makakaasa ka. Gagawin ko ang lahat para maayos ang nagulo mong buhay." napangiti lang si Dhianne sa sinabi ni Jazley, lalo na nang halikan ni Jazley ang noo niya.

"Thank you, kuya Jazy. Sobrang nagpapasalamat ako sa 'yo." bulong ni Dhianne na ikinangiti lang ni Jazley. Masaya siya dahil napapayag niya na si Dhianne, magagawa na nila ni Marcelo ang balak nila.

Thank you, Lord dahil pinakilala mo sa 'kin si kuya Jazy. Thank you po dahil pinadala niyo siya sa 'kin.  Sabi ni Dhianne sa isip niya at ngumiti pa kahit na puno ng luha ang mukha.

Napakagaan talaga ng loob ni Dhianne kay Jazley. Alam niyang tama ang naging desisyon niya. Pinagdadasal niya lang na sana gabayan ni Lord si Jazley, na gabayan sila, na walang mangyareng masama kay Jazley o sa kanila. Na maging maayos ang nais nilang gawin.



Lia

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

82.2K 283 13
As the title says
1.7M 17.4K 3
*Wattys 2018 Winner / Hidden Gems* CREATE YOUR OWN MR. RIGHT Weeks before Valentine's, seventeen-year-old Kate Lapuz goes through her first ever br...
997K 22.5K 48
Luciana Roman was blamed for her mother's death at the age of four by her family. She was called a murderer until she was shipped onto a plane for Ne...
13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...