BABY ON BOARD

Par the_innocent

658K 8.7K 2.1K

Isang Ordinaryong Teenager si Althea Kim. May maayos na buhay at may Boyfriend pa na nagpapakilig sa kanya Ar... Plus

PROLOGUE
CHAPTER I the past
Chapter II PARA KAY JANSEN
CHAPTER III PARA KAY ANDREW
CHAPTER IV PARA KAY KIM
CHAPTER V REALITY
CHAPTER VI The Plan
Chapter VII Andrew's girl?
CHAPTER VIII Bantay Sarado
CHAPTER IX DEBUT
CHAPTER X tuwing umuulan at kapiling ka...
CHAPTER XI I'm Back!
CHAPTER XIII CAUGHT IN THE ACT
CHAPTER XIV FIGHT
CHAPTER XV NAG IBA KA NA
CHAPTER XVI DATE AGAIN
CHAPTER XVII ANG PAGBABALIK
CHAPTER XVIII DATE WITH HUBBY
chapter xix i love you
CHAPTER XX PINANIWALA MO AKO
CHAPTER XXI I'M SORRY
CHAPTER XXII UMUWI KA NA PLEASE
CHAPTER XXIII The Proposal
CHAPTER XXIV The Wedding
CHAPTER XXV A DAY WITH HIM
CHAPTER XXVI REVELATIONS
CHAPTER XXVII NIGHTMARE
CHAPTER XXVIII I LOVE YOU HUBBY.. FOREVER
CHAPTER XXIX FAREWELL
EPILOGUE
Important Note

Chapter XII date with him

17.4K 234 97
Par the_innocent

KIM'S POV

Pagbaba ko sa living room nakita ko si andrew na nag aayos ng mga gamit namin, ngayon pala dapat ang alis namin papuntang tagaytay. pero ngayon din kami magkikita ni Jansen.

"gising ka na pala kim, maligo ka na tapos aalis na tayo :)"

paano ko sasabihin kay Andrew na hindi na ako sasama? ayokong malungkot sya.

"oh, bakit hindi ka kumikilos?" napansin na ni andrew na hindi ako kumikilos.

"a-ano kasi andrew,, hindi ako makakasama. ano kasi masama pakiramdam ko." pagsisinungaling ko sa kanya.

"ha? gusto mo ba dalhin kita sa ospital?" nilapitan na ako ni andrew, halata na sobra na ang pag aalala nya.

"hindi,okay lang ako. ipapahinga ko na lang to. mas maigi siguro kung pumasok ka na lang sa school. baka matambakan ka kasi ng gawain eh"

"hinde, aalagaan na lang kita." binitbit na ni andrew yung mga bag paakyat sa kwarto.

"hindi na andrew. ipapahinga ko na lang to. kaya ko pa naman eh pumasok ka na lang sayang kung di ka makakapasok." sana umubra to.

imbis na sumagot, lumapit sya sakin at tumitig.

"ayaw mo ba na alagaan kita ?" napalunok ako sa tanong ni andrew, nababasa nya kaya ang nasa isip ko?

"hindi naman sa ganun andrew"

nagsimula na akong umiwas sa kanya.

"eh bakit pinipilit mo akong pumasok?" sa puntong to, mas malapit na ang mukha nya sa akin ngayon. kinakabahan ako sa susunod na gagawin ni Andrew.

"Hahahahahaha!" lumayo na sa akin si andrew.

"mukha kang ewan kim! ang pangit mo pala sa malapitan!" tapos umakyat na sya sa taas.

"tse! eh di sana hindi ka na lang sumipot sa kasal natin! panget pala ako eh!" tinalikuran ko na lang si andrew bwisit talaga tong lalake na to.

nanatili lang si andrew na nakatitig sa akin.

"b-bakit?"

"Maganda ka, at kahit saang anggulo ka tingnan ang ganda ganda mo pa rin, kaya pakiramdam ko kahit na kulubot na ang balat natin. at dumating yung araw na mag kakaapo na tayo? mananatili pa rin yung ganda mo. at masaya ako na ikaw ang naging misis ko."

dumiretso na si andrew sa kwarto at ako naman? naiwang nakatanga hindi ko inaasahan na sasabihin sakin yun ni andrew, bakit ba may pagkakataon na kaya nya akong pangitiin? bakit may mga pagkakataon na nakikita nya pa rin ang kagandahan ko?

bakit parang gusto ko ikaw na lang ang makasama ko sa buong araw andrew?

natigil ako sa pag eemote ng tumunog ang cp ko, nakita ko naman na nagtext si Jansen.

'see you later sweety'

Frm: 0915*******

Hindi ko nga pala sinave yung number ni jansen, para safe.

teka nga?! ano ba tong ginagawa ko? bakit parang namamangka na ako sa dalawang ilog? nagiging unfair na ako kay andrew. sino bakasi sa kanilang dalawa ang mahal ko?

"bye wifey pasok na ako ha" tapos hinalikan ako ni andrew sa pisngi

pagkaalis ni andrew ay inayos ko na ang sarili ko at tsaka umalis tinanong ako ni manang kung saan ako pupunta at kung sinong kasamako, ang sabi ko lang ay magpapahangin ako.

-----

nagkita kami ni Jansen sa isang Restaurant. at syempre hindi pa rin kumukupas ang kagwapuhan nya. nakakainlove talaga.

umorder muna kami at kumain, pagkatapos namin na kumain ay nanood kami ng sine at pagkatapos ay pumunta kami sa isang park.

"Masaya ako kim.. na nakasama kita" hinawakan ni Jansen yung kamay ko pero hindi sya nakatingin sakin, pero nakangiti para syang kinikilig.

"ako din naman Jansen, ang tagal kong pinangarap na makasama ka ulit. Mahal na mahal kita.''

hindi na sumagot si Jansen basta na lang na lumapit sya sakin at hinalikan ako.

ang sarap sa pakiramdam.. pero.. bigla akong napaiyak.

"kim? bakit ka umiiyak?"

"masaya lang ako sweety, masaya ako na tayo na ulit. masaya ako kasi tinanggap mo ulit ako. masaya ako kasi mahal mo pa rin ako"

this time ako na tumingkayad para maabot ko ang lips ni Jansen, hinalikan ko sya sa paraang mapaparamdam ko kung gaano ko sya kamahal kung gaano ko sya kamiss.

sana.. hindi na matapos tong araw na to.

"salamat kim. Mahal na mahal kita. ipaglalaban kita kay andrew, dadating yung araw na hindi na natin kailangang magkita ng patago. mahal na mahal kita." niyakap ako ni Jansen.

"ihahatid na kita sweety baka kasi mahamugan ka at magkasakit ka pa."

hinatid ako ni Jansen pero hanggang kanto lang ng bahay namin.

"salamat Jansen." hinalikan ko sya sa labi.

"tatawagan na lang ulit kita ingat ka sweety"

tapos bumaba na ako sa kotse. maglalakad na sana ako ng bigla akong tawagin ni Jansen.

"sweety, magpapayat ka naman ng konti ang taba mo na eh, hindi sayo bagay hahahaha!" tapos pinaandar na ni Jansen yung kotse nya.

tiningnan ko na lang yung papalayo na sasakyan ni Jansen at tsaka ako naglakad papalapit sa bahay namin.

habang naglalakad ako ay natapat ako sa isang glass door. at doon ko nakita ang sarili ko, Tama si Jansen ang taba ko na nga.. at ang pangit pangit ko na.

nakakahiya tuloy tumabi kay Jansen.

pero.. naalala ko si andrew, bakit si andrew sinasabi na maganda ako kahit na ganito na ang itsura ko? bakit sa paningin nya maganda pa rin ako? andrew... bakit ganyan ka sakin?

bakit palagi mong pinapagaan ang loob ko?

"talagang dyan ka pa nanalamin ha" pagtingin ko si andrew na pala ang nasa tabi ko.

"andrew mataba na ba ako?"

"oo obvious ba?" sagot naman nya sakin grabe! diretsahan talaga!

"pero maganda ka pa rin. at sexy :" sabay kindat nya sakin.

"bakit ba ang sinungaling mo? alam ko naman na pangit na ako eh!"

"eh sa maganda ka sa paningin ko eh! at tsaka bakit parang conscious ka ha? may pinapagandahan ka ba na iba ha? bukod sakin?!"

"ha?! wala noh! dyan ka na nga!" dumiretso ako sa loob ng bahay namin at naupo sa sofa.

umupo rin si andrew sa tabi ko at inakbayan ako.

"sakin ka lang ha wifey? ;)))" tapos nilagay ni andrew yung ulo nya sa balikat ko.

andrew.. kung alam mo lang.. pumikit ako at mukha ni Jansen ang nakita ko.

"Wifey! sino nga pala yung kasama mo kanina?"

"h-ha? ano... si Carla.sige hubby akyat na ako."

Andrew's POV

"Wifey! sino nga pala yung kasama mo kanina?"

"h-ha? ano... si Carla.sige hubby akyat na ako."

ang sakit. nagagawa na ni Kim na magsinungaling sakin ngayon. Bakit kailangan nyang maglihim at hindi na lang nya sabihin ang totoo. pero kung sakaling sabihin nya ang totoo handa na ba akong tanggapin yun?

FLASHBACK

"hello Carla si Andrew to. kasama mo ba si kim ngayon?"

tinawagan ko si Carla just to make sure na nasa maayos na lagay si Kim, tunawag kasi sakin si manang at ang sabi ay namasyal daw si Kim.

"No andrew, nasa England ako ngayon."

"ah ok thanks."

END OF FLASHBACK

Siguro nga si Jansen na ang kasama nya, siguro nga si Jansen na ang nagpapasaya sa kanya siguro nga si Jansen ang nag alaga sa kanya ngayon at siguro nga...

darating ang araw na mawawala na sakin si Kim.

"hindi ako makakapayag!"

dali dali akong umakyat sa kwarto ni kim at tumabi sa kanya.

"Andrew ano ba?! bakit ba nandito ka? dun ka nga sa kwarto mo?"

hindi ko pinatulan yung pangtataboy nya sakin, basta ko na lang syang niyakap ng mahigpit.

"hindi mo naman ako iiwan di ba wifey?"

say YES kim, sabihin mo lang na di mo ako iiwan sapat na sakin yun.

"andrew ano ba?! para kang sira nakashabu ka ba?"

"oo, at high na high ako sayo"

mas lalo ko pang hinigpitan yung yakap ko sa kanya ayaw ko na syang pakawalan pa.

"ano ba kasing sinasabi mo andrew?"

tuluyan ng bumangon sa higaan si Kim.

"kim, please bigyan mo ng pagkakataon na magkaroon tayo ng masayang pamilya."

tapos lumabas na ako ng kwarto nya at nagpunta na ako sa kwarto ko.

ang hirap pala ng ganito no? yung nakikihati ka sa pagmamahal ng asawa mo.nakikihati nga ba ako? o nakay Jansen na lahat ng pagmamahal ni Kim? hanggang kailan ako mamamalimos ng atensyon at pagmamahal ni Kim? hanggang kailan kami magkakaganito?

sana dumating yung araw na ako lang ang hahanapin ni Kim, ako lang yung sasabihan nya ng ilove you, yung ako lang ang magpapasaya sa kanya. Sana kaya ko... pero parang kahit na anong ibigay ko sa kanya at kahit na anong gawin ko. Hindi nya makita at hindi nya madama.

Bulag na sya

bulag na sya sa pagmamahal nya kay Jansen.

namalayan ko na lang na tumutulo na yung luha ko.

Sana pag gising ko mawala na ang sakit sa nararamdaman ko.

END OF CHAPTER

Continuer la Lecture

Vous Aimerez Aussi

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...