*cring cring* *cring cring*
"Haaaay ano ba namang alarm yan feeling may tumatawag!!!!!!!"
"Freyaaaaaaa! Gising naaaaaa! May review ka pa today!"
"Manang mamaya na anong oras na ba?"
"7 am na ho maam"
"Holy cow holy horse holy frog holy na lahat ng animals!!!! manang malapit na ko malate sa review ko!!!!!!!"
Oh did i over react? Kasi naman first day ko sa review center, mamaya mo may gwapo dun tapos nalate ako baka maunahan pa ko.
Sobrang daldal ko ata pero di pa ko nagpapakilala. I'm Freya Lyrica Augustine. Incoming senior high. Di naman ako ganon kayaman, sakto lang. Matangkad, maganda (sabi nila), katamtaman lang kutis ko. Karaniwang tao lang ako. Ang storya ng buhay ko? Malalaman nyo kalma lang *evil laugh* HAHAHAHA pero bago yan makaligo na nga! Baka sapakin pa ko ni Ainna. She's my bestfriend through thick or thin parang kapatid ko na eh. Minsan parang nanay sa sobrang tindi mangaral sakin. Sabi kasi nya matalino raw ako sa acads pero sa pag-ibig binawi ang kabobohan.
After 1 hour.
"Sa wakas Freya! Akala ko kinain ka na ng toilet eh o sinipsip ka na ng gripo"
"Manang ang oa mo naman, 1 hour lang ako naligo grabe ka."
"Maam naman kasi sobrang late ka na sa review mo, mapapagalitan ka nanaman ng mommy mo nyan."
"Wag mo nalang ako isumbong manang, tsaka 9 pa review ko di ako malalate trust me."
"Maam traffic sa katipunan so bilisan mo na"
Ainna calling.....
*narinig ko nanaman ang pangalan mo kapag ganito kadilim ang araw ko ang liwanag mo ang kailangan ko*
Hehe. Ring tone ko yun jeje masyado eh no. Hot kasi magrap ni Ron Henley. Ay teka masagot na nga to. Speaking of the devil...
"Teka lang on the way na ko beh"
"Ilang oras pa yang on the way mo? Baka bukas ka pa dumating?"
"Eto na wait mo ko sa starbucks, kasama mo na si Stephen?"
"Yes kanina pa faster nalang bhe"
*tut tut*
Hmmm... Amoy kape. Gaga malamang nasa starbucks ka. Jusko naman kasi Freya meet up lang starbucks pa. *medyo nababaliw na ata ako kinakausap ko sarili ko?* hay teka nga nasan na ba yung dalawang yun?
"Ainna!!"
"Hoy beh tagal mo naman nagpaganda ka pa"
"Natural yan ano ba"
"Tss."
"Freya, sayang pala binreak kita. Narealize ko ang ganda mo pala"
"Tigilan mo nga Stephen, late na tayo. G na dali!!!! Magjeep na tayo"
Sa wakas nakasakay din. Earphones on, play music. Pero bago ko pa magawa yun tinapik ako ng pagkalakas lakas netong katabi ko....
"Freya, si Isaac yun diba? Ex mo?"
"Ay onga haha. Sino kasama nya?"
"Si Nico De Leon yun, pogi ba?"
"Jusko Ainna tigilan mo ko. Taba taba nyan gagawin ko dyan bebenta ko sa palengke?"
"Ikaw ang mean mo masyado, schoolmate kaya natin yan"
"Ayweh? Buti naman ininform mo ko. At yung pake ko nauna na sa review center"
"Sus bitter mo teh"
"Luh dyan naman kayo ni Stephen for me, diba? Kaya nga bestfriends diba? Di ko kailangan ng lovelife no!"
"Onga, mahal kita, Freya"
"Oy Stephen masyado ng malalim yan! Bestfriends nga diba?!"
"Sorry na Ainna, selos ka nanaman."
"Ew."
"Tigilan nyo na nga yan. Manong sa tabi nalang po. Pasok na tayo late na tayo oh. 9:30 na. Hay. Sana pogi teacher malay nyo yun maging lovelife ko. Chos."