Splintered Heart (Eastwood Un...

By waurdltsj

1.4M 38K 9.1K

Eastwood University Series #1: Adira Fayre Tuazon Graduate and get a degree. That's what Adira plans... More

Splintered Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Author's Note
Special Chapter
Special Chapter - Aspen's

Chapter 16

25.1K 894 224
By waurdltsj

Pumasok ako ng lutang sa university, iniisip pa rin ang huling kataga na sinabi ni Jake bago kami maghiwalay kagabi.

'Just try, Adira. Take the risk, it might be worth it.'

Napapikit ako sa aking naisip. Kagabi pa ako ginugulo ng mga sinabi ni Jake kaya kulang ang aking tulog.

Now that I know that I like her, what's the next move? I can't just tell her I like her. Also, imposible din na may gusto siya sa akin, malaki pa nga ata galit noon sa akin.

Napabuntong hininga ako. I don't know what to do. Patuloy lang ako sa aking paglalakad habang nakayuko. Kulang na kulang ang aking tulog. Tatlong oras lang ata naging tulog ko considering na nag aral pa ako ng ilang oras para mawala lang sa isip ko 'yung mga sinabi ni Jake kagabi.

Hindi ko namalayan na may nakabunguan na ako sa sobra kong pagkalutang.

"I'm sor—"

"Adira, hey!"

Si Soleil lang pala na may misteryoso na nakakatakot na ngiti sa labi. Nakangiting aso kasi siya, na akala mo ay may nagawa siyang napakaganda at ikakasaya niya ng sobra. At anong ginagawa niya doon sa office ng SSC?

Lumabas kasi ito doon at sakto rin na nakangiti siya ng pagkalaki laki e halos impyerno nga ang nararamdaman ko tuwing papasok ako diyan.

"Ginagawa mo diyan, Soleil, ha?" Nakapamewang kong saad dito habang nakaturo sa pintuan ng SSC. Nakita ko na natigilan ito bago ngumiti ng alanganin.

"Pumunta sa office ng c-council?" Pilit ang ngiti nito at tumawa ng awkward. Okaay? And what did she do?

"And?"

"May tinanong lang." Nagkibit balikat ito bago ngumiti sa akin ng matamis. Nagdududa ko itong tiningnan kaya magsasalita na sana ako para tanungin ito ulit ng unahan na ako nito.

"Anyways, Adi." Pag-iwas nito sa usapan namin. "How are you? Balita ko tutugtog ka na daw?" Taas baba ang kilay nito habang sinasabi ito sa akin. Napairap ako. Napakabilis din ng balita ngayon, akala ko ay hindi pa alam ng iba na tutugtog ako. Tsaka, pinaalala niya pa e isa pa nga 'yung dahilan kung bakit ako kinakabahan ngayon papuntang university.

"Ano naman?" Taas kilay kong usal kaya napasimangot ito.

"Ang taray mo ngayon!" Nakasimangot nitong saad pero napairap lang ulit ako.

"Bakit nga? Tsaka, paano mo nalaman?" Tanong ko dito pero nagkibit balikat lang siya, na para bang napaka obvious ng sagot sa mga tanong ko.

Ngumiti ito sa akin, "Wala lang! Nonood ako ha?" Sabi nito at maglalakad na sana palayo ng pigilan ko ito.

I need to ask her about something. Mas marami naman siguro 'tong alam kaysa kay Dione. Mas worse nga lang reactions nito, geez.

"Wait lang, Soleil." Taka itong tumingin sa akin. I'm contemplating kung magtatanong ako dito e sakit sa ulo 'to sumagot minsan.

"I— Ahm, can I ask a question?" Tanong ko dito habang hinihimas ang batok sa hiya. Ngumiti naman ito, indicating na pwede ako magtanong dito kaya sinabi ko na ang nagpapagulo sa aking isipan.

"Have you ever like s-someone?" Pagkatapos ko itong sabihin ay ngumiti ito ng nang aasar kaya napairap ako. Magsasalita na sana ito ng maunahan ko na agad ito.

"No funny business, Soleil!" Nanlalaki ang mata na saad ko dito kaya tumawa na lang ito at umiling. This is why I don't like asking this human! Bago pa siya magbigay ng advice ay aasarin niya muna ako ng todo, inis lang!

"Okay, okay. You like someone, e?" Nakangiti nitong saad. Yumuko ako at pinaglaruan ang mga daliri. Tumango ako sa tanong nito bilang sagot.

"Is it bothering you?" Napaangat ang aking tingin sa sinabi nito. Nakita ko ang concern sa mga mata nito kaya napakagat labi ako.

"Well, not really, I mean, yeah, it's bothering me." I started to ramble my words habang nakakunot ang noo. It's really not bothering me, wait— is it?

"Okay, calm down." Nakakunot ang noo na saad nito at hinawakan ako sa balikat. Tiningnan nito ang suot na wrist watch at napakagat labi. Mukhang late na siya sa next class niya.

"Late ka na? Pumasok ka na kaya mun—"

"No, it's fine. What's bothering you?" Sabi nito habang iwinagayway ang kamay, telling me that her class doesn't matter right now at inaya ako maglakad para pumunta sa isang bench na malapit sa amin.

"Well, I really like this woman and—" Natigil ako sa pagsasalita ng tumingin ito sa akin ng nanlalaki ang mata. May nasabi ba akong mali?

"What?"

"Wait, it's a woman?!" Sigaw nito kaya tinakpan ko ang buong mukha nito. Shuta, pareho na pareho sila ni Dione, mga nakalunok ng mic noong bata pa, jusko!

"Huminahon ka nga!" Inis kong saad dito at napa kamot sa ulo. Tumingin ako dito ng nag-aalala baka kasi against siya sa ganon ngunit iba ang nakita ko. Nakangiti ito ng malawak at tumitili ng walang sound. Weird, right?

"OMG! Girl, same!" sabi nito at hinampas ako sa balikat. Napadaing naman ako. Ang sakit ha!

"Magpinsan nga tayo." saad nito habang tumatawa at napalakpak.

Para siyang masayahin na sea lion.

"How about this woman, hmm?" Tanong nito habang may nakapaskil na mapang-asar na mukha at taas baba ang kilay.

"I-I... wait, nagkagusto ka na rin sa babae?" Nanlalaki ang mata na tanong ko kaya tumawa na naman ito ng malakas. Kumunot ang aking noo. Ano ba kasing nakakatawa?

"Ano ba, Adira! Matagal na akong out sa mundo, ghad!" Sabi nito habang nakataas ang dalawang kilay nito. Tumango tango ako at manghang tumingin dito. No way na payag sila Tito?!

For all I know kasi, sa paningin ko lang ha? Tito Homer is not really open about being gay. Yeah, he's homophobic. He once openly discussed it in the media and we are thrown some criticisms from the public about this. Yes, nadamay kami sa ginawa nito.

Bumalik ako sa ulirat when she smack the back of my head. Anak ka talaga ng tatay mo, Soleil. Masakit.

Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya saglit at lumapit sa akin.

"Anyways, back to the topic, my dear cousin. How about this woman that you're talking about, hmm?" Taas baba ang kilay nito habang nakangisi.

Bumalik ang pagkabahala at pagkalungkot ko ng maisip ko muli ito.

"Well, she's a professor..."

Hinintay ko itong may sabihin na iba.

"And?" Tanong nito habang kinakain ang baon kong pringles.

"No violent reaction?" Taka kong tanong dito. Kadalasan kasi sa babaeng 'to ay lahat ng sasabihin ko ay nakakagulat kaya nagtanong na ako.

"Girl, I'm not surprised! I mean, professors are hot!" Sabi nito at sumubo ulit ng pringles na hawak. Kapal ng mukha, akala niya siya bumili e ang mahal niyan! Nakipagsiksikan pa ako para diyan tapos kakainin niya ng walang paalam!

"Why is it bothering you?" Kalaunan ay tanong nito. Napakagat ako sa aking labi at napayuko.

"Well, her, being a professor is already my problem. You know, relationships like that are prohibited in our school, that's why I'm not going to pursue her." Mahina kong sabi dito habang nakayuko. She gasped dramatically and that made me roll my eyes. Ang OA ng babaeng 'to.

"Why not?!" Muling sigaw nito habang may laman ang bibig. Balahura naman!

"Ano ba? Natalsik yung kinakain mo, kadiri!" Inis kong sabi dito at inaalis ang tumalsik sa akin na pagkain sa aking buhok, nyeta naman o!

Nakita ko naman na uminom na ito ng tubig at binigay na sa akin ang pringles na isang piraso nalang ang laman. Nahiya pa siyang ubusin lahat!

"Why, Adira?" Malumanay na sabi nito after uminom. Napabuntong hininga ako.

"Like I told you, she's a professor here, a highly-respected one to be exact and I feel like I'm out of her league. I feel like I don't deserve her, I mean, she's perfect! If you ever see her, she's a walking goddess! And I'm just a student here, wala pa akong maipagmamalaki sa kaniya." Mahabang kong salaysay at may hand movements pa. Mahina ko lang sinabi ang huli dahil baka may makarinig. Hinihingal pa ako ng matapos ko itong sabihin dito.

"Okay, cous, no need to be cheesy."

Parang nandidiri na usal nito na napanganga sa akin. I'm not cheesy! I'm just expressing my thoughts about Ms. Aspen!

"You know Adi, you will never know if you don't try. Confess to her and if she rejects you e 'di... shot puno." Sabi nito at tumawa pa ng malakas. Tiningnan ko ito ng masama, na nagpatigil dito sa pagtawa.

"Okay, I'm deadly serious here..." Biglang seryoso na saad nito,"Be brave, my dear cousin. Yeah, there are risks but Adi, keeping it to yourself will not help you. If you are waiting for me to say that if you're going to be rejected, you need to move on. No."

Maliit na ngumiti siya sa akin. "It is easy to say that we're going to move on but it takes us a long time to finally do it."

Napabuntong hininga ako, feeling helpless suddenly. Ang hirap pala magkagusto sa isang tao. Ang mas worst, professor at babae pa.

"Okay, baby girl," she chuckled at hinawakan ang aking ulo, "I'm not saying you have to confess, already. Take your time, okay? And remember, Tuazon are not raised to be a coward."

Ayon ang sinabi nito sa akin at kinindatan pa ako habang tinatapik ang aking balikat. Magsasalita pa sana ako when the bell rings. Napabuntong hininga pa ako bago isukbit sa balikat ang aking bag. This is stressing me out.

"Ops, time na. Hatid na kita sa classroom mo," sabi nito kaya tumayo na kami at nagsimula na maglakad. Katahimikan ang namayani sa amin.

Iniisip ko pa rin ang mga sinabi nito sa akin. Hindi ko pa nga nasabi dito ang buong reason kung bakit ayaw kong i-pursue si Miss Aspen.

"By the way, Adira, sinong professor ang nagpagulo sa isipan mo?" She said and chuckled while looking at me. Inirapan ko ito.

Sasabihin ko na lang din sa kaniya kung sino, hindi naman kasi 'to titigil pag 'di ko sinabi.

"Miss Ferrucci."

"Oh, I can tell. Tell me what you like about her," saad nito habang sa malayo ang tingin. Mukhang hindi na siya nagugulat sa aking mga sinasabi. Kumunot naman ang aking noo.

The hell, you mean you can tell?

"I don't know." Ngumiti ako ng maliit. "Maybe, her rare smiles that only show when she's with me, her sweet and caring gestures, and how she gets mad everytime I roll my eyes on her." I smiled at the thought. I remember how she got mad at me for rolling my eyes on her multiple times that she needed to pinned me onto the door. I blushed at the thought.

Wow, Adi. You don't know why you like her but proceed to talk about her like you're in love.

"Sounds like you're in love with her." Natatawa na sambit nito kaya lalo akong namula.

"You're in a deep shit, Adi." sabi ni Soleil habang nakangiti ng malaki. Napairap na lang ako sa kawalan at iniwas ang tingin sa kaniya. Mas lalo lamang namumula ang aking mukha sa sinasabi niya.

"God. It's my first time seeing you blushed, Adira." Natatawa nitong sabi kaya hindi ko na napigilan at natawa na lang din ako at napailing sa sarili.

Maya-maya ay nasa tapat na kami ng classroom namin kaya ginulo nito ang aking buhok at ngumiti ng nang-aasar. Tiningnan ko ito ng masama. Ginulo pa nga ang buhok ko!

"Balitaan mo ko pag nag-confess ka na, hmm? It's either inom tayo o magc-celebrate!" Sabi nito sabay tawa. Inirapan ko ito at tinulak na paalis.

"Aray naman! Ang daming nagkakandarapa sa akin tapos tinutulak mo lang ako?!" Ma-drama nitong saad at hinawakan pa ang dibdib, wala naman siya non.

"Umalis ka na nga!" Tinulak ko ito ngunit hinawakan nito ang aking braso dahil matutumba na ito sa sahig. Mahina akong natawa sa posture nito ngayon.

"Hoy— shuta ka, Adira. Ayon 'yung gusto mo 'di ba?" saad nito habang nakatingin sa aking likod. Lumingon naman ako tiningnan kung sino 'yon at nakita na si Ms. Ferrucci 'yon na malalaki ang hakbang na papunta sa amin habang masama ang tingin sa amin or specifically kay Soleil.

"Gago, para akong papatayin sa tingin." sabi nito habang nanginginig pa ang boses nito. Pigil ang tawa na tiningnan ko ito.

"Alis na ako. Bye! Panoorin kita next week!" sabi nito habang nakaway kaya kinawayan ko din ito habang pinipigilan ang tawa.

"Having the time of your life?" Isang malamig na tinig ang aking narinig.

Tumingin ako kay Ms. Aspen ngunit iniwas rin dahil nabilis na naman ang tibok ng puso ko kahit tingnan ko lamang ito. Papasok na sana ako sa loob ng pigilan ako nito.

"Why won't you talk to me?" Inis na tanong nito. Tiningnan ko ito ngunit ibinababa ko din ang tingin dahil hindi ko kaya na tingnan ito.

"Time na po ngayon, Miss." I said while looking down and playing with my fingers, not meeting her eyes.

"Look at me." She said using her monotone voice.

Sinalubong ko ang tingin nito kahit hindi ko kaya. Ramdam ko ang mga titig ng ibang estudyante sa amin, narinig siguro ang mga sinabi ni Miss kaya naisipan na mag eavesdrop. Mga chismosa!

Para hindi na makakuha ng atensyon ay agad na akong tumingin kay Miss at binahagian ito ng maliit na ngiti, na nagpagulat sa kaniya. Bahagyang nanlaki ang mata kasi nito.

"Pasok na tayo, Miss." sabi ko dito habang nakangiti pa rin ng pilit. She looked at me for a matter of seconds before sighing.

"Fine." She grumbled at naunang pumasok sa loob. Nakahinga ako ng maluwag at sumunod dito.

Pagkapasok na pagkapasok ko ay umupo agad ako sa tabi ni Dione at inilabas ang yellow pad dahil may quiz kami ngayong araw.

"Are y'all ready for the quiz?" Biglang tanong ni Miss habang nakatingin sa kaniyang laptop. I can hear some gasps kaya nagtaka ako kung bakit. Hindi ba nila alam?

"What? You didn't know?" Takang tanong ni Miss Aspen. When no one answer, she hissed and ready to start, maybe, a long sermon. Bago pa ito makapagsalita ay naunahan ko na ito.

"We know po, Miss." sabi ko dito habang nakangiti. Tiningnan naman ako nito at nakita ko na lumambot ang postura nito kaya napa buntong hininga ang aking mga kaklase sa relief. Sinamaan ko sila ng tingin.

Bakit ba kasi hindi nila alam?

"Okay..." She softly murmurs and started doing something in her laptop. After niya matapos ang ginagawa sa laptop ay inangat nito ang tingin sa amin.

"Okay, let's start."







After ng madugong quiz namin kanina kay Miss Aspen ay nandito agad ako sa auditorium para mag-practice. Hindi katulad ng iba naming practice na kami lang, ngayon ay nandito ang council officers para siguro tingnan kung may problema daw.

Nainom ako ng tubig ng may kumuha ng aking atensyon. Nakita ko na papunta dito sa aking direksyon si Astraea with her usual emotionless face. Napalunok ako sa kaba. Ano na naman ba?

"Is Soleil your cousin?" Wala sa sariling napatango ako sa bungad nito. 'Yung tunog kasi ng kanyang pananalita ay mas malamig pa sa yelo.

Iniharap nito ang kanyang cellphone sa aking mukha. Tiningnan ko naman iyon at nakita na may text messages si Soleil doon na... pick up lines?!?! Just what the f is she up to? Goodness!

Nanlaki ang mata na tiningnan ko si Astraea na wala pa ring emosyon ang mukha.

"Please tell your cousin to stop texting me some cheesy and corny pick-up lines, it makes me wanna puke." Sabi nito at nilagay sa bulsa ang cellphone. Napatango ako sa sinabi nito at napayuko.

Ako yung nahihiya para sa 'yo, Soleil! Anak ka talaga ng tatay mo o!

"I'm sorry po." sabi ko dito ng nahihiya.

"You don't need to apologize, it's not your fault." Sabi nito sa malamyos na boses kaya napatingin ako dito.

"Astraea." Isa pang malamig na boses ang aking narinig sa likod.

Minsan talaga naf-feel ko na kung paano maging hotdog e, paligiran ka ba ng mga yelo.

"Hey, cous." Boring na sabi ni Astraea kay Miss Aspen at binalingan ito ng tingin. Napanganga naman ako sa nalaman.

Mag-pinsan sila?!

"Yes, unfortunately, she's my cousin," parang nabuburyo na saad ni Astraea bago humalukipkip sa pinsan.

Tiningnan ko si Astraea, "Yes, you say it out loud." Narinig ko naman ang paghinga ng malalim ni Miss kaya lumingon ako sa kaniya.

"Can I talk to Adira?" Tanong ni Ms. Aspen. Ngumisi naman si Astraea.

"Yeah." Sabi nito at umalis na while her smirk is still not leaving her face. Bago ito umalis ay hindi nawala sa aking pandinig ang sinabi nito sa ibang lengguwahe.

"Sì. Fai una bella chiacchierata con la tua piccola stella." (Yes. Have a nice chat with your little star.)

Bumaling naman ako kay Ms. Aspen na ngayon ay matiim na nakatingin sa akin. Nakita ko ang paglambot ng ekspresyon nito ng makita na nakatingin na ako sa kaniya.

"Are you guys done practicing?" Tanong nito at namulsa sa suot na slacks. Umiling ako bilang sagot dito.

"Hindi pa e—"

"Adi! Need ka dito!" Tawag sa akin ni Jake kaya napatigil ako sa pagsasalita bago tumango ako kay Jake. I looked at Ms. Aspen with an apologetic smile. Ngumiti naman ito ng maliit.

"Go." Sabi nito kaya pumunta na ako kung nasaan sila Jake.

Pinag-usapan lang namin yung mga gagawin pag magpe-perform na kami. This weekend kasi ay hindi na kami magpa-practice i-consider nalang daw namin na pahinga namin 'yon para hindi kami masyadong pagod pag magp-perform. Sa huling araw pa naman ng school anniversary kami magp-perform.

"Okay, you guys can go." saad ni Astraea after nito ipaliwanag ang mga gagawin. Umalis naman na ako at inayos ang aking mga gamit.

Pumunta na ako sa parking para hintayin si Kuya Carlo ngunit isang oras na ang lumipas ay wala pa rin ito. Imbes na mainis dito ay nag-aalala na ako dito baka kung ano na nangyari doon. Tiningnan ko ang aking cellphone at nabasa na hindi niya ako muli masusundo dahil sa anak nito na nasa ospital. Napabuntong hininga ako. I guess, mag-commute nalang ako.

Maglalakad na sana ako para pumunta sa sakayan ng jeep ng may dumating na pamilyar na kotse sa aking harap. Bumaba ito sa kaniyang kotse at pinuntahan ako.

"Hey..." Bati nito ng makalapit sa akin. Si Miss Aspen.

"Miss Aspen... bakit po?" Tanong ko dito, iniiwasan na mapunta ang tingin sa kaniya.

"Do you need a ride home?" sabi nito habang nakatitig pa rin sa akin. Namula ang aking mukha at umiwas ng tingin dito.

"Are you okay? Why are you so red?" Nag-aalala nitong tanong at hahawakan na sana ang aking mukha ng iniwas ko ito.

"I'm fine." Mahina ang boses na sabi ko.

"Right..." Mahina rin na saad nito. I saw her clenching her jaw and looked away.

Namayani ang katahimikan bago niya basagin iyon.

"Let's go, I'll drive you home." Malamig na saad nito.

"Mag commute—"

"Just get in, Adira. Don't make me carry you inside."

Madiin na sabi nito habang binibigyan ako ng nagbabagang tingin. Napalunok nalang ako at pumasok sa loob ng buksan nito ang pinto. Wala naman akong ginagawa tapos magagalit.

Sinimulan na nito mag-drive kaya tahimik lang ako na nakadungaw sa bintana habang pinaglalaruan ang mga daliri. I'm getting nervous just because of her mere presence! Oh my, goodness!

Nakita ko na patingin tingin din ito sa akin habang nagt-tap ang mga daliri sa hita nito. Ilang minuto din ay nagsalita na siya, na ayaw kong mangyari.

"Have you eaten? Want to grab—"

"I just want to go home now." Mahina kong saad na nagpatahimik dito. Naramdaman ko na lang na binilisan nito ang pagmamaneho kaya napakapit ako habang hawak ang aking seatbelt. She's mad, I can feel it and it's my fault.

Maya maya ay nandito na kami sa labas ng bahay kaya mabilis kong tinanggal ang aking seatbelt at lumabas ng kotse. God, it's suffocating me! Hindi ako makahinga pag malapit lang siya! Ano ba ang nangyayari?!

Papasok na ako sa aming gate ng hinawakan ako nito sa aking siko.

"Adira, wait..." pagtawag nito sa akin. Hindi ko naman namalayan kasi na nakalabas na rin ito sa kaniyang kotse.

Pilit ko naman na tinatanggal ang hawak nito sa akin pero sadyang napaka lakas talaga nito.

Nang hindi ako tumigil sa pagtanggal dito ay hinawakan nito ang dalawang kong siko at sinandal sa pintuan ng kotse. Gayunpaman, tinatanggal ko pa rin ang hawak nito.

"Stop, Adira, before I do something that you will regret later." Mababang saad nito na nagpatigil sa akin. Nakapikit ito habang sinasabi iyon.

Nang minulat nito ang kaniyang mga mata ay bumilis na naman ang tibok ng aking puso ng makita ang berdeng mata nito na nakatingin sa akin ng sobrang lambot. Para naman nanlambot ang aking tuhod sa nakita at kung hindi niya ako sinandal sa pintuan ng kotse ay matutumba talaga ako.

"Why are you not talking to me?" Malumanay na tanong nito, voice slightly wavering. "Is it still about the Serena thing or not? I'm already distancing myself from that girl." She desperately added as I only kept my mouth shut.

"Or I did something that you don't like? M-Maybe, you're feeling uncomfortable around me. Whatever it is just tell me, come on." She desperately said and it only made me close my eyes. I don't want those eyes to look at me with tears, pooling.

Napakalapit na ng aming katawan sa isa't isa habang ang aming mukha ay kaunti nalang ang pagitan sa isa't isa. She's too close at nagsisimula na bumigat ang aking paghinga.

"Say something..." Mahina nitong sabi at mas lalong nilapit ang katawan sa akin. Napapikit naman ako ng mariin.

"You won't understand..." Nanghihina kong saad habang nakatingin dito. God, I'm getting weak by her stares.

"Make me understand." Bulong nito while looking right into my eyes. Halos maduling na kami habang nakatingin sa mata ng isa't isa habang ako ay lalo lang ata nanghina.

"No... I--"

"What do you mean no?! I'm already desperately, almost begging on my knees, asking you what's wrong and you're just going to tell me that I'm not going to understand what you're going to say!? Then, make me fvcking understand!"

Nagtataas baba na ang dibdib nito sa emosyon na nararamdaman bago mapahilamos sa mukha niya.

"I don't kneel and beg just for an unknowable reason, Adira but if you're asking for it, I'll do it in a blink of an eye. Just talk to me, please."

By seeing those crying eyes ay hindi ko na mapigilan ang sarili at bigla na lamang tinawid ang distansya namin. I kissed her lips for the first time.

Time stopped when my lips met hers, but the flutter only intensified. My heart pounded in my chest as my knees got weaker. I could only focus on how soft she felt against my mouth. Before she responds to my kisses I immediately push her away and get inside my house.

Namula ako sa aking ginawa dahil sa kahihiyan at dahil na rin hindi malaman na pakiramdam. I just gave someone my first kiss and it was just supposed to be a peck! Goddammit!





Kill me now.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 44.4K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
40K 1.4K 37
SAMLY AU (Completed. Unedited) Samantha is an actress managed by Windstrike Entertainment. Unfortunately, her reputation is tainted by something she...
570K 15.6K 22
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong A...
1.3M 46K 91
Yvette Gwen Martinez, An Archery scholar in Cromwell Univeristy, and the sole reason why the next reigning Queen extended her stay in the Philippines...