My Karma Stipulation

By jemaxx_

224 63 5

Sovereign Ladies Series #2: UNDER EDITING She doesn't acquiesce a miscarriage by her existence. She had an e... More

Prologue
Chapter 1 - A Mission To Seduce
Chapter 2 - Decision Will Still Remain
Chapter 3 - Don't Have A Girlfriend
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8 - Let The Plan Begin
Chapter 9 - I Feel Heaven Pleasure
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

Chapter 14

8 2 0
By jemaxx_

Dalawang buwan ang lumipas, iminulat ko ang aking mga mata.


Akala ko mga kaibigan ko ang sasalubong sa akin pagkagising ko, pero hindi.


Bumangon ako at nag-unat. Ilang segundo ko pang napagtanto na may nakadikit sa noo ko.


Ano ito?


Kinuha ko 'yun at may nakasulat doon. Letter nila sa akin na mauuna na raw silang pumasok.


Ang alam kasi nila ay kailangan ko ng space ngayon... na mapag-isa lang muna ako.


Bumuntong hininga ako.


Kinusot ko ang maliit na papel at tinapon iyon sa kung saan.


Naghanda ako para sa sarili ko upang makapasok. Mukhang gusto ko magpa-late ngayon, kaso mas nangingibabaw 'yung pagkausyoso ko sa mga kaibigan ko kung kumusta na sila.


Masyado na yata akong nagiging unfair sa mga 'yon.


Ayaw ko namang mag-isip sila ng kung ano-ano sa akin kaya dapat ako sigurong bumawi sa mga 'yon.


Napapansin ko rin na these past few days after naming mag-away ni Daven, masyadong nag-iinit ang ulo ko kahit wala naman dapat ikainit ang ulo.


Hindi naman na niya ako ginugulo-gula pa kaya bakit?


That bastard never dominated all my thoughts that's why I never considered him to continue what he's doing.


I've never considered him as my one and only man...


Para na rin naman iyon sa ikabubuti niya. Bahala na lamang siya kung hindi niya iyon magets.


If he didn't get it, then he is silly!


Somehow, why do I feel so unwell?


Like... baka masuka ako mamaya o 'di kaya mahimatay kung tatagal.


When I finished showering, I noticed something. I feel like my breast is aching.


Kahapon pa ito nangangati at normal ba ito?


Kailangan ko ba magpa-check up sa doktor?


Hindi naman ako tanga para hindi maisip 'yung naiisip ko ngayon.


Kaso impossibleng mangyari iyon...


Fuck, magpapa-check up na lang ako. Bahala na, basta matapos na itong iniisip ko.


Imbes na pumasok ng eskwelahan, nagpunta ako ng clinic upang magpa-check up.


Kung magkatotoo man ang iniisip ko ngayon, siguro nga karma ko na ito...


Bago ako pumasok ng clinic, pinaypayan ko muna ang sarili ko upang ako ay kumalma.


Gusto ko lang ihanda ang sarili ko sa kung ano ang sasabihin ng doktor sa akin.


Pumikit ako mula sa huling pagakakataon. Bumuntong hininga ako ng malalim at ibinukas ang aking mga mata.


"Huwag kang matakot, Risha..." bulong ko sa aking sarili.


Pagkatapos, pumasok ako ng clinic kahit na kabadong-kabado ako dahil first time kong magpa-check up ng ganito.


"Yes, miss? What can we do for you?"


Sa tanong pa lang na iyon, mas lalo pa akong kinabahan.


Lumunok ako at sinabing, "I-I'm here to take a medical check up."


"Uhm, miss? Do you have an appointment with Dr. Rigel Velasco?"


"No, I don't. This is just so sudden, miss. I-I'm sorry, but can I take the next appointment? I will pay you..."


Wow, just wow. I really look like desperate now, huh?


"Miss, just a second. Okay, I'll talk to Dr. Velasco for you," aniya, sabay tango.


I didn't even say thank you right after that. Hindi sa ganoon dahil nalimutan ko na dahil sa kaba kong nadarama.


Ayaw ko mag-set ng appointment at pumila pa. Matatagalan lang ako at mala-late sa school kahit na alam kong late naman na talaga.


It's just... gusto ko ng tapusin itong kalokohan na ito.


Lumabas ang isang babae sa isang kwarto, akala ko siya 'yung babaeng kausap ko kanina pero hindi.


Bumuntong hininga ako at hinintay 'yung babae.


Nang makita ko na siyang lumabas, agad akong tumayo at hinarap siya.


"Dr. Velasco can handle you, miss. He said it's okay so you can go to his office now."


This time, nagpasalamat na ako at agad na tumungo sa pintong nilabasan niya.


"Good morning, miss. I've talked about my assistant and what is your emergency about?" he said as he sighed.


"Take a sit, please."


I clenched my jaw as I sitted in front of him. What the fuck, Risha?


"Y-Yes, this is emergency. I want to know if it's normal, doc. I feel like sometimes being unwell. I-I feel like I was about to vommit but it didn't come soon. Also, I was about to collapse as well and I can actually feel it, but just like the vommiting situation, it didn't come as well. Can I know what is this about?"


"Can you tell me some more, miss?" Dr. Velasco asked.


"I-I know this may be sounds weird to you, doc. But my breasts is aching. Yesterday was and I showered earlier, it's kind of itchy still and the way it's itchy, it hurts sometimes. Is that normal?"


Okay, Risha. You need to focus what he is going to say now.


Huminga siya ng malalim at yumuko na para bang may mali.


"I can confirm your situation in last question, miss. When was your last period?"


Ito ang iniisip ko ngayon...


Hindi nagparamdam ang dalaw ko ng dalawang buwan at hindi ko lang alam kung itong buwan na ito ay dadalaw.


Punikit ako dahil baka sa makumpirma ng doktor na pareho kami ng iniisip.


Ayaw ko na lang sumagot dahil nakuha naman na niya yata sa hitsura ko.


"Having an itchy and ached breasts. Needed to vommit and collapse, but it didn't come soon as you feel it. And your period didn't even visited you." Bumuntong hininga siya.


"I know what you're thinking, miss..." Tumango-tango siya sa akin. "I don't know if it's good or not, but let me congratulate you."


"Congratulations. You are pregnant, miss."


Tumulo ang mga luha ko dahil sa aking narinig.


Just like the doctor said, I don't know if it's good or not. I mean... having a baby is a blessing, yes, I know that.


But fuck... I am not ready to be a mother.


I still have goals and plans for my future.


How come...


How shall I say this to my friends? Or are they even happy on this news?


They will be mad for sure and how about Zara? She's on the Vigan.


Baka kung umuwi na siya rito sa Maynila ay malaki na ang tiyan ko.


Kung ipalaglag ko na lang kaya itong batang ito?


Ni pagiging independent nga hindi ko magawa-gawa, maging magulang pa kaya sa isang bata?


"How about ultrasound, miss? Do you want me to--"


"H-Hindi na, doc. Kailangan ko ng umalis, babalik na lang ako rito."


Agad akong umalis ng clinic at hindi na nilingon ang kung sino-sinong nandoon. Pati pagtulo ng mga luha ko ay medyo malakas ang pag-agos.


Tangina...


Ako? Magiging magulang na?


Hindi pa ako ready dito...


At aanhin ko siya? Paano ko siya aalagaan? Ni wala nga 'yung tatay ng bata.


Pinaalis at pinalayo ko si Daven...


Nilingon ko ang cellphone ko at magte-ten quarter na. Sinapo ko ang ulo ko dahil sa batang dinadala ko ngayon.


Hindi na bale, Risha. Hindi mo na lang muna sasabihin sa kanila.


T'saka na lang kung handa ka na...


Pagkarating ko sa bahay, namahinga ako saglit at nagbihis na ng uniform.


Hindi pa ako makapag-desisyon kung aalagaan at papalakihin ko ang bata na ito o 'di kaya ipapalaglag na lang....


Kaso naaawa ako sa bata kung ipapalaglag ko siya...


Tangina, alam kong anak ko ito kaya parang ang hirap sa akin na ipalaglag siya.


Baka kasi pagsisihan ko...


Ayaw ko na magkaroon ng pagsisisi kahit na ilang beses ko na itong nagawa.


Ginamit ko ang itim kong sasakyan at nagmaneho ng mabilis papunta ng eskwelahan. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa steering wheel at halos matatalim ang mga titig ko sa mga ibang dumadaang sasakyan.


Kulang na lang na talaga banggain ko ang mga sasakyan nila, mawala lang lahat ng sama ng loob ko.


Tinapakan ko ang brake gamit ang kaliwa kong paa nang may humarang na kotse sa parkingan.


Pinindot ko ang horn at hinampas ang steering wheel.


Kita mo, naunahan ka pa pumarking ng kotse, Risha.


Peste!


Niliko-liko ko ang steering wheel upang maghanap ng bagong available na mapaparkingan at mabuti na lamang ay mayroon pa.


Kung tutuusin katabi ko 'yung kotse ni Gwen kung dito ko ito ipa-parking. Itim rin ang kotse niya at memorize ko ang plate number nito kaya alam kong sa kaniya ito.


Bumaba na ako ng kotse at nagpunta sa entrance ng school.


Thankfully, there is no guard around.


Siguro ang akala nila ay wala ng papasok sa school dahil ano naman ng oras. Isa pa, nasa classroom lahat ng mga istudyante kaya walang magtatangkang umalis dito.


Nagpunta muna ako ng canteen. Bumili ako ng softdrink upang malamigan ang aking isipan.


Wala akong ginawa. Tumambay lang ako rito sa canteen hangga't sa magsimulang mag-ring ang bell.


Umalis na kaagad ako bago pa magkaroon ng ingay sa canteen.


Malamang, marami nanamang mga istudyante rito.


Nagpunta ako section ko at may nakasalubong ako roong eskandalo.


Damn you, Vic.


Ninakawan mo pa ako ng kaaway.


"Ano ba?!" sigaw ni Jubie kay Vic. "Ano bang kinalaman ko sa lalaking iyon, ha? E'di go, sa'yo na 'yun! Wala naman akong pakialam sa lalaki na 'yun!"


"Aba! Dapat lang! Kung hindi, lagot ka sa akin!" sagot ni Vic.


Itinuro siya nito gamit ang hituturo niya. "Kung ako sa'yo, layuan mo na siya dahil hindi ka nababagay sa kaniya. Tanginang hitsura 'yan! Bakit? Papatulan ka? Talaga? Ngek ngek mo! Dream on, Jubie!"


Dahil sa sinabi ni Vic, tinulak siya ni Jubie kaya napaupo si Vic sa sahig.


Nagdilim agad ang paningin ko sa ginawa niya kaya ako na mismo ang tumapos sa kalokohan nilang dalawa.


Talaga, Vic? Natututo ka na pa lang makipag-away sa isang lalaki! Wow!


"Lay one more finger on her or I'll break arm," mariin kong sabi kay Jubie.


Pinaningkitan ko ang mga mata ko nang hinawi niya ang kaniyang buhok at pumunta kay Vic.


May binulong ito sa kaniya at umalis na ito nang parang wala lang.


"So tama nga ang bali-balita nila. Takot nga talaga sa'yo si Jubie. Dumating ka lang dito, biglang umalis..." si Vic na tumatayo.


"Anong binulong niya sa'yo?" tanong ko.


"Magpasalamat daw ako, bakit?"


"Tsk, magpasalamat ka talaga," bulong ko.


"May sinasabi ka ba, teh?" aniya.


Sarkastiko akong umiling at sinabing, "Ang sabi ko kung nasaan 'yung iba."


Humalakhak siya at sumagot ng, "Nasa canteen na siguro, nauna na."


"Tsk, hindi nila alam na nakipag-away ka?" mariin kong tanong na ikinagulat niya.


"Gagi! Hindi ba obvious ba, Risha?"


Bumusangot ang mukha ko at naglakad na, nilagpasan at binangga 'yung kanang balikat niya.


"Aray, hindi ka ba naniniwala? Basta huwag mo ng sabihin sa kanila kundi patay ka sa akin!"


I tsked as I rolled my eyes.


Nagdadalaga ka na, Vic. Hindi ka na nagsasabi ng kung ano-ano.


Sinundan ako ni Vic hanggang sa canteen. Hindi niya ako pinantayan sa aming paglalakad kundi nasa likod niya lamang ako.


Pinagbubulungan tuloy kami ng mga ibang istudyante sa hallway kung bakit ganoon.


Well, magkaakbayan pa nga kami kung minsan.


"Akala namin hindi ka papasok, Risha. You need space, right?" Gwen inquired.


"Yeah, we thought of something to make you feel better after class. Are you feeling good now?" Gairel blurted.


Well...


I just want to see you all...


"I know, but you see I'm fine now. I'm not that weak, Gairel."


Gairel smiked to my tattled answer.


Isa-isa kami kumuha ng aming mga pagkain sa canteen. Si Drina ay may baon kaya hindi na siya nag-abala pang tumayo.


She said she will wait for us. But when we arrived, she is already eating.


Bumaba ang tingin namin sa kaniya, tinging disappointed sa kaniya. Nalalag pa ang panga ni Vic.


"Tanga ka?" si Vic.


"Gutom na talaga ako, sorry na. Hindi ako nakapag-almusal kaninang umaga, eh..." she said as she pouted.


"I didn't eat breakfast, too," Gwen said.


"Hayaan mo na, Gwen. Jusko, gutom naman na raw, eh..." Vic protested.


Umiling ako at umupo na sa tabi ni Drina. Nilingon niya ako at nginitian.


I didn't respond to her facial expression. Well, uhm, atleast I cared enough to look at her.


"Just eat already. We still have upcoming class," Gairel spoked, looking at her wrist watch.


"Time is running..." she added.


Bago pa ako kumain, tumunog ang cellphone. Nilingon ko muna sila bago tinignan iyon.


Walang nakapansin dahil kumakain sila kaya palihim kong sinilip ang cellphone ko.


Dalawang messages kay Rianne at isa kay mom at dad.


Mom:


Anak, umuwi ka na.


Dad:


Darling, we miss you. Come back home, please.


Rianne:


Ate, hindi ko na kaya...


Rianne:


Mahal na mahal ka nina mom at dad. Nahihirapan silang dalawa dahil sa pag-aalala nila sa iyo. Ate, please... nag-aalala ako para sa kanila kaya umuwi ka na. At para ito sa pamilyang ito, ate. Ako na ang naglalakas loob para umuwi ka dahil walang magawa sina mom at dad dito.


Ilang beses nagmumura ang utak ko dahil sa text ni Rianne.


Really, huh?


Para sa pamilyang ito? Ikaw na ang naglalakas loob ngayon sa akin? Sabagay. Siguro napag-utusan ka lang nina mom at dad na magtext sa akin dahil sa desperado na silang magpakasal ako sa Isles na iyon.


At ang totoo ay wala kang pakialam sa akin, Rianne.


Ni magulang nga natin hindi ako ma-suportahan tapos ikaw pa kaya?


Ano nanaman ba ito, Rianne?


Katatapos ko lang malaman na buntis ako tapos dadagdag ka pa? Kayo nina mom at dad?


Wow...


Ang pamilyang mayroon ako ay biglang nandiyan para sa akin kung kailan hindi ko kailangan...


Sa dinami-dami ng panahon na gusto kong masuportahan niyo ako, sana ginawa niyo dati pa...


Hindi itong kung kailan nagkaka-mental breakdown na ako dahil sa lahat ng mga nangyayari ay gusto niyo na akong umuwi dahil lang... miss niyo na ako...


Kung umuwi ako, baka lalo lang lumala ang lahat...


Baka mabaliw na ako dahil sa pagod na pagod na ako...


Baka makapatay pa ako ng bata na dinadala ko ngayon...


Ayaw ko...


Hindi ako papayag...


Gusto kong patunayan na hindi ako kagaya niyo...


Gusto kong palakihin ang batang ito na nakakamit niya ang mga gusto niya at suportado siya sa kung ano ang gusto niya.


Gusto kong ipakita sa kanila na may magulang pang nag-eexist dito sa mundong ito na... ginagawa ang lahat para sa kanilang anak.


Hinawakan ko ang aking tiyan at hinaplos ito. Halos mapapikit pa ako, madama lang siya sa aking tiyan.


Anak...


Hindi man buo ang pamilya mo, sisiguraduhin kong sasaya ka sa akin. Sa mga magiging ninang mo... sina Zara, Gairel, Drina, Gwen at Vic.


Kahit pasuway ang mga magiging ninang mo, alam kong matutuwa ka kahit na ganoon sila.


"Nahihibang ka na ba, Risha? Anong ginagawa mo?" tanong ni Gwen.


"Masakit yata 'yung tiyan..." si Drina habang ngumunguya.


Umiling ako at tumayo.


"Hindi, nawalan lang ako ng gana. Sige, magbabanyo lang..." Tumango ako at pineke ang aking ngiti.


"H-Ha? Eh, hindi ka pa kumakain kahit isang subo la--"


Pumikit ako nang makatalikod ako sa kanila. Pakiramdam ko tumutulo nanaman ang mga luha ko.


Napatakbo ako hanggang sa banyo.


Imbes na ilabas lahat ng mga nararamdaman ko, hindi ko magawa-gawa dahil may mga babaeng nasa cubicle.


Mukhang pinag-uusapan pa yata ako...


"Sabi ni Jubie buntis daw si Risha..."


"True ba 'yon?"


"Oo, sinabi daw sa kaniya nu'ng lalaking pinsan nu'ng nakabuntis sa kaniya."


"Hindi ko alam 'yung name niya, but isa lang ang alam ko. Remember the guy na ikakasal kay Risha? Siya 'yung guy na ikakasal kay Risha, pero yung pinsan niya ang nakabuntis."


"Seriously? What the fuck?"


"Yes, mapapa-what the fuck ka na lang talaga."


Tangina...


Ano 'tong mga naririnig ko?


Paano nalaman ni Jubie ang tungkol dito?


Wala pa akong ibang pinagsasabihan nito kaya...


Paano?


Sinundan niya ba ako kanina sa clinic? O 'di kaya...


Bumabawi lang siya kaya sinisiraan niya ako kahit na totoo na 'yung sinisira niya sa akin?

__________________________________________________________________________________

<3

Continue Reading

You'll Also Like

1.9M 54.4K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...