Reincarnated as a Stupid Daug...

Por DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... Mais

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 75
Chapter 76
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 77

76.4K 3.8K 6K
Por DemLux_Pain

PIRA'S POV




Nakarating ako sa mansyon gamit ang kotse ni Lady Athy na agad namang pinagbuksan ng gate ng mga Elite Guards na nakabantay sa entrance. Nang makitang ako lang 'to at wala si milady ay agad silang nagtaka. Hindi ko na sila binigyan pa ng pansin at tinanguan na lang.




Sigurado na nagtataka sila kung bakit umuwi ako kaagad ganoong halos makipagpatayan na ako sa mga maid na humaharang sa'kin para makaalis lang. Tsk! Malay ko ba na papaalisin ako ni milady, diba? Kahit ako nagulat na nasayang lahat ng efforts ko ehh.




Napailing na lang ako at piniling intindihin ang pag-iisip ni Lady Athy. Baka kasi na-stressed siya o 'di kaya'y nagulat din na may mga young master na pinag-aagawan siya kanina. Well, napakaganda naman kasi talaga ni milady, kahit nga siguro babae ay maliligaw ng landas kung siya ang kaharap!




Kahit nga ako minsan ay natutulala na lang sa kaniya dahil sa ganda nito, lalo na kapag ngumingiti siya. Mukha siyang anghel na gusto mo na lang titigan araw-araw. Hayys! Kaya nagtataka talaga ako kung anong trip ni milady noon at pinili na magpakabaduy.




'Ay naku, Pira, mas maiging itikom mo na lang ang bibig mo. Baka mamaya bigla mo na lang masabi ang mga iniisip mo tungkol kay Lady Athy!'




Malapit na mag-alas kwatro kaya halos mga bantay na lang ang mga nakikita kong pagala-gala sa buong mansyon. Yung mga maid na sinapak ko kanina ay malamang abala sa paggamot sa mga mukha nilang nabangasan ko. Tsk! Hindi na nga kagandahan, lalo pang nasira. Hahahaha!




Mabuti nga at wala si Lady Mitchel dahil kasalukuyan pa rin siyang nagpapagaling dahil may nabali raw na mga buto sa kaniya. Hindi na rin ako nagtanong kung saang parte siya nabalian dahil hindi naman ako interasado.




Inalis ko na lang ang mga naiisip ko nang makasalubong ko si Butler Kajik na pababa ng hagdan. Nakasuot ito ng uniporme na halatang kagagaling lang sa opisina ni Lord Caventry. Bahagya akong yumuko bilang pagbati sa kaniya.




Bilang kanang kamay ni Lord Caventry ay normal lang na mataas ang posisyon niya dito sa mansyon. Isa pa ay bihasa din ang butler na 'to sa pakikipaglaban kahit na hindi masiyadong halata. Medyo lowkey kasi ang trip niya sa buhay parang si Lady Heavenhell lang.




Gwapo din ito kahit na 35 years old na. Matangkad, may kahabaan ang buhok, at higit sa lahat single! Lagi lang kasi siyang nagtatrabaho kaya hindi na ako magtataka na wala pa rin siyang nobya hanggang ngayon.




"Pira, you're back?" Tanong nito sa'kin at bahagya pang ngumiti. Tinanguan ko lang siya bago sumagot.




"Yes, butler." Naka-poker face kong sabi habang nakatingin lang ng diretso.




Pakiramdam ko kasi ngayon ay lumulutang na ang utak ko dahil sa antok at pagod. Ikaw ba naman, makipagsapakan, magmaneho ng pagkalayo-layo papuntang hospital, tapos pagkarating mo doon ay papauwiin ka lang? Hayys! Ang saklap nga naman.





"Why?" Nakataas nitong kilay na sagot na tinaasan ko na lang din ng kilay. Pake niya ba? Sa pagkakaalala ko wala silang pakialam kay Lady Athy ahh!




"Lady Heavenhell said that she doesn't feel comfortable about sleeping with someone else in her room." Sagot ko pa rin kahit na gusto ko na siyang samaan ng tingin. Kung hindi nga lang siya ang head butler ng mga Caventry ay nasapak ko na rin siya.




"Oh, really? That's weird." Komento pa nito habang nakahawak pa sa baba na parang nag-iisip.





Hindi na lang ako nagsalita at hinayaan siyang mag-isip. Makalipas ang ilang segundo ay humarap na ito sa'kin.




"I heard about what you did to the other maids." Bigla nitong sabi na tinanguan ko na ulit bilang pag-amin. Para saan pa kung nagsisinungaling ako diba? Ang dami kayang Elite guards na nakakita sa'king lampasuhin ang mga mukha nilang dinaig pa ang basahan sa dumi.





"That's right. Well, they deserved it." Sagot ko na lang habang pinapanatili ang pagiging kalmado sa oras ng tanungan session.





Sabi kasi ni Lady Heavenhell, kapag raw tinatanong ka ng mga hayop na pwede mong ikapahamak ay dapat daw magmukha kang nagsasabi ng totoo para daw hindi ka mahuli. Tinuruan niya pa ako kung paano panatilihin ang pagiging kalmado sa pamamagitan ng pagtatanong sa'kin ng mga tanong na halos ikaputol ng hininga ko.




Tama ba namang tanungin ka niya na kung sino sa mga young master ng Atlante ang kaya kong patayin? My gosh! Baka nga hindi ko pa nahahakbang ang paa ko ay wala na akong ulo. That's the scariest question I've ever heard in my twenty-three years of living!
 



Nagulat pa ako kung saan niya nakuha ang ideya na patayin ang isa sa mga young master. Minsan din talaga ay napapatanong na lang ako sa sarili ko kung nasiraan ba si milady ng ulo at kung ano-ano ang mga naiisip na ipagawa sa'kin.




Hindi ko namang magawang magtanong dahil lagi niyang sinasabi sa'kin na malalaman ko rin ang lahat ng nangyayari sa mga susunod na kabanata. Ako naman na nalilito ay napatango na lang din, dahil hindi ko alam kung ano bang kabanata ang sinasabi ni Lady Athy!



"Hey, I'm asking you! How is she now?"




Inis akong lumingon sa madaldal na butler na 'to. Nakita niyang may iniisip ang tao tapos ang lakas ng loob na sigawan ako. Hindi porket siya ang kanang kamay ni Lord Caventry ay matatakot na ako sa kaniya.




Sa mansyon na 'to, ang kinakatakutan ko lang ay si Lady Heavenhell at wala nang iba. Kahit na nakakatakot pa rin ang mga miyembro ng Caventry ay mas nanginginig talaga ang tuhod ko kapag si milady na ang tititig sa'kin.




'May something akong nararamdaman... Para bang kakainin ako ng dragon kapag pumalpak ako!'




"She's perfectly fine, butler." Sagot ko na sa kaniya na mukhang nagtataka na sa iniisip ko. Well, sa sobrang paghanga ko yata kay Lady Athy ay pati ang pagiging tulala nito ay nagaya ko na!




"It's nice to hear that Lady Heavenhell is doing well." Seryoso niyang sabi habang tumatango-tango.




Pasimple ko lang siyang tinarayan dahil ang sa pagmumukha niya. Kung hindi lang ako tinuruan ni Lady Heavenhell na huwag maging uto-uto ay malamang naniwala na rin ako na concern siya kay milady!




'Sinasabi ko na nga ba at si Lady Athy lang ang tunay na nagmamalasakit sa'kin. Hmmp!'



"So, do you still have questions, Mr. Butler? I'm tired 'cause it's only quarter to four in the morning and I'm sleepy." Diretso kong sabi dahil inaantok na talaga ako. Pakiramdam ko nga ay babagsak na ang talukap ng mata ko dahil sa antok.




"Nothing else. You may rest." Nakangiti na nitong sabi na tinarayan ko na lang. Ang plastik ng gurang na 'yon! Anong akala niya sa'kin pabebe?




Well, ang pabebe raw ayon sa bokabularyo ni milady ay yung mga maaarte na nakakainis at parang isip bata na malandi tignan. Sabi pa niya, 'yon din daw yung mga taong sarap ibaon sa lupa at ipakain sa mga crocodile.




'Hayys! Ang wirdo talaga ni Lady Athy!'




Tinignan ko na lang si Butler Kajik nang marinig ang pagtikhim nito. Nginitian ko na lang siya atsaka tumungo.




"Yes, thank you. I'll go now."



Hindi ko na tinignan pabalik si tanda dahil lumulutang ang utak ko ngayon. Ni hindi ko nga alam kung paano ako nakarating sa kwarto namin! Hmm... Kailangan ko na pa lang matulog dahil susunduin ko pa mamaya si Lady Athy sa hospital!



 
THIRD PERSON'S POV



~at Chandler City, Mordovia (the second largest country in Pangaea)




Sa loob ng madilim na opisina ay eleganteng nakaupo ang napakagwapong lalaki na siyang pinaka-maimpluwensyang tao sa bansang Mordovia at sa buong Pangaea. Seryoso lang itong nakatingin sa ng stock market report na naka-flash sa screen ng kaniyang computer. 




Isang ngisi lang ang pinakawalan nito bago hinawakan ang kaliwang bahagi ng leeg niya kung saan doon nakalagay ang tattoo nito. Isa itong ahas na may bulaklak na desenyo na hindi naman kalakihan ang sukat para sakupin ang buong leeg nito.


Napatigil lang siya sa pangisi nang biglang pumasok sa opisina niya ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya sa grupo. Kung hindi niya nga lang nakita ang mukha nito ay malamang ay nakabulagta na siya sa sahig. Hawak-hawak kasi nito ang handgun niya na nakalagay sa ilalim ng lamesa nito.




Pagkapasok na pagkapasok ni Theo sa opisina ay agad na bumungad sa kaniya ang seryosong mukha ng kaibigan. Maging ang kulay lila nitong mata ay masama na nakatingin sa kaniya na para bang may ginawa siyang kasalanan.



"How's the trip?" Tanong nito sa malamig na tono na kinangisi lang ni Theo. Mabilis siyang umupo sa sofa na kaharap ng lamesa bago sumandal dito.




"It's good. I had already killed the spy in Atlante. It is a wise move that we take advantage of the other groups' plans for the assassination of Mr. Eckheart." Diretsong sagot ni Theo na agad bumalik sa pagiging seryoso.


"Hmm... You look happy. Something happened?" Tanong ng misteryosong lalaki nang makita na iba ang awra ng kaibigan.




"Oh, right, there's this amazing girl I've met in the hotel, Lucas..." Nakangisi na naman nitong sabi. Bahagya pang napataas ang kilay ni Lucas nang makita na naman niya ang mabilis na pagbabago ng emosyon nito.




"So, she knows that you killed the spy, right?"




"That's right." Sagot pa nito na parang wala siyang mali na nagawa. Lalo tuloy kumunot ang noo ni Lucas sa narinig. Tama ba naman na pakawalan mo ang babaeng nakakita ng krimen na ginawa mo?




"Why didn't you kill her?" Malamig na tanong ni Lucas na bakas ang panganib sa kaniyang tono. Ngayon ay nakasandal na ito sa kaniyang swivel chair habang hawak-hawak gold poker chip na nagkakahalaga ng milyong dolyar sa mga casino.

Seryosong pinapaikot nito ang poker chip sa kaniyang mga daliri habang hinihintay na magsalita si Theo. Kasalukuyan kasi itong umiinom ng wine na nakahanda sa lamesa dahil gusto niyang kumalma.




Sadyang nakakatakot kasi talaga itong si Lucas. Sa pagkakakilala niya pa dito ay napakabrutal niya na dumating sa punto na kaya niyang patayin ang mga taong hahadlang sa mga gusto niyang gawin. Nasa ugali niya na lahat ng gusto niya ay dapat nakukuha niya. Kaya sinong hindi matatakot sa ganoong klaseng tao diba?




"Well, it's because she's a young lady from the Caventry family." Diretsong sagot ni Theo na agad na kinatingin sa kaniya ni Lucas. Mukhang sa itsura nito ay interasado siya sa mga Caventry.



"Oh, the first young lady?" Tanong nito na kinailing agad ni Theo at mabilis na ngumisi.




"Nope. She's the second young lady."




Nang marinig ni Lucas na binanggit ng kaibigan ang pangalawang young lady ng Caventry ay hindi niya maiwasang isipin ang lalaking kalaban niya sa lahat.




"Isn't she the woman who is always in the news because of her pursuit of Eli? Oh, so she's that girl, huh?" Isip-isip nito.




Dahil sa naalala ay mas naging interesado si Lucas na malaman kung anong klaseng engkwento ang nangyari sa pagitan ng young lady at ni Theo.




"I see, so she's Eli's ex-fiancé..." maikling sabi nito habang nakapangalumbaba.





Napailing si Theo nang makita ang reaksyon ng demonyo. Sinong mag-aakala na mabubuhay ang mala-patay nitong mga mata nang mabanggit ang ex-fiancé ng young master ng Lucretius?




"Yeah, the second lady who doesn't know how to fight despite being a daughter of the mafia lord." Dagdag na lang ni Theo atsaka inalala ang maamong mukha ng babae.




Kung ibang tao lang siya ay hindi niya maiisip na ang babaeng mala-anghel na 'yon ay ex-fiancé pala ng demonyo. Napailing na lang siya bago lumingon sa pwesto ni Lucas nang hindi na ito magsalita.




"And you'll be surprised at what she confessed to me." Biglang sabi niya na nakapukaw sa interes sa demonyong nasa harap niya. 




"She confessed to you?" tanong nito. Napahalakhak na lang si Theo bago tumingin kay Lucas na masama na ang tingin ngayon.




"Wrong! She confessed that she had a crush on you!"

.

.

.

.

Makalipas ang isang minuto, ang reaksyon na gulat na inaasahan ni Theo ay nawala bigla. Seryoso lang kasing nakatingin sa bintana si Lucas na parang wala siyang narinig. Napa-poker face na lang si Theo at tinuloy na lang ang kwento.




"Yeah, but I feel like she's lying."




"How do you say so?" Malamig na tanong ni Lucas na ngayon ay seryosong nakatingin sa kaniya.




Hindi na lang pinansin ni Theo ang nakamamatay na tingin nito dahil agad niyang inisip ang itsura ni Heavenhell, nang banggitin niya ang pagkakaroon nito ng crush sa demonyo niyang kaibigan.




"Her eyes are too cold, and she doesn't look sincere when blurting out her confession." seryosong sagot ni Theo nang maalala ang mukha nito.




Katahimikan ang namayani sa buong kwarto hanggang sa tinignan na ni Theo ang reaksyon ng kaibigan na tahimik pa rin hanggang ngayon. Ngunit nang makita niya ang mukha nito ay alam niya na agad na may hindi magandang mangyayari.




"Well, that's interesting. Meeting her would be fun since she's connected to Eli." Nakangisi na nitong sabi atsaka hinagis pataas ang chip na hawak niya bago saluhin.




Si Theo na nakatingin lang sa ginawa ni Lucas ay napailing. Alam niya na kapag hinahagis nito ang chip sa itaas at sasaluhin din pagkatapos ay simbolo ng pagsisimula.




'That gesture is dangerous!'




HEAVENHELL'S POV



Napatahimik na lang ako sa isang tabi habang ang hinayupak na si Vile ay hawak-hawak pa rin ang kamay ko na parang wala siyang sinabing kakaiba kanina. Well, ang totoo niyan ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko kung anong sinabi niya sa'kin dahil sa mga kabaliwan ginagawa niya.




'Sigurado na ako na sinasapian 'to ng masamang espiritu para magkaganito siya! Geez! Huwag kang papayag na ikaw ang napapatameme sa inyong dalawa, Carnelia!' 



"Say it again." Bigla kong sabi nang makapasok kami ng elavator. Napatingin naman siya sa'kin pero hindi na siya nagsalita pa ulit. Baka naman umalis na ang espiritu sa katawan niya?
 



"What? You just said that I calling you Daddy is better, right?" Nakangiti kong sabi pero ang animal ay sumandal lang sa gilid at naka-crossed arms na tumingin sa'kin.



"Happy?" tanong nito na kinakunot ng noo ko. Okay, pahabain natin ang translation, Carnelia. Tinatanong niya siguro ako kung masaya ba ako sa sinabi niya kanina?




'Tsk! Bakit naman kasi mahilig sa one word ang lalaking 'to? Anong tingin niya sa'kin instant translator na maiintindihan agad ang ibig niyang sabihin? Geez! Mas mabuti pang intindihin mo lang, Carnelia. Abnormal lang 'yan!'




"H–huh? I'm not that happy, but I didn't expect you to like it." Kunwaring natutuwa ko na lang sabi habang pinagdadasal sa isip ko na sana ayusin niya na ang pagsagot niya. Nabobobo ako sa kaniya ehh!
 



"I didn't say I liked it." Mala-robot niya na namang sabi.




'E—err?! So, naging assuming pa ako ganon?!'
 


"But you said it sounded better, so that means you like it!" Hindi nagpapatalo kong sabi.




Like duh? Kahit sinong makakarinig ng sinabi niya kanina ay iisiping gusto niya talagang tinatawag ko siyang ganon. Deny pa siya nang deny, nagmumukha tuloy akong assuming dito.
 


 
"Oh, really?" Nakakunot-noo niyang sabi na parang hindi naniniwala sa'kin. Ako naman na may pagka-mabait ay inintindi na lang ang sira niya sa utak, kahit pa na ang sarap niyang sapakin.



"Hmmp! You should be happy!" Nakasimangot kong sabi atsaka ginaya ang pwesto niya. Nakasandal din ako habang naka-crossed arms sa harap niya. Sa itsura tuloy namin ay mukha kaming magkaaway na magjowa. P–pfft! Ehem!



"Why?" Maikli nitong tanong na kinangisi ko na lang sa isip ko.
 


 
"It's because before, the only person I called "daddy" was myself, but now I can't." Nalulungkot ko kunong sabi habang nagpapa-cute pa sa harap ng animal na 'to.



"How 'bout your dad?" 




Napaubo na lang ako sa sinabi niya. Shit! Nakalimutan ko na kahit ganito siya kademonyo, sa lahat ng male lead si Vile ang may pagka-inosente ang utak. Tignan mo ngayon, yung tipong lalandi ka tapos bigla siyang sisingit ng ganito. Kainis lang diba?!



"Don't talk about him because he's not important here. The important things here are you and me." Pilit-ngiti kong sabi habang tinatago sa likod ko ang nakakuyom kong kamao. Pinipigilan ko lang talaga siya baka bigla ding kumilos mag-isa tapos mamatay pa ako.



"I see. So why?" Maikli ulit niyang tanong, so ako kailangan ko na namang mag-translate ng ibig niyang sabihin. Aish!
 



"Are you asking about why I can't call myself Daddy anymore?"



 
"Hmm..." 




'Damn! Ang hilig niyang sumagot ng "hmm" ahh! Ano siya si Cabell? Grabe ahh! Napapansin ko na kapag si Vile ang kaharap ko, kailangan laging mataas na pasensya ang meron ako. Feeling ko kasi konti na lang mababaliw na ako sa kaniya!'
 



Inalis ko na lang sa isipan ang naiisip, atsaka nagkunwaring nahihiya bago sinagot ang tanong niya.



"Well, it's because I have you now. Calling you my daddy is much better than calling myself like that." Natatawa kong sabi kaya mabilis pa kay Flash kong nilagay ang dalawa kong kamay sa mukha ko.




'Sh–shit! Nakakakilabot! Muntik na akong humalakhak sa sobrang corny nitong pinaggagawa ko. P–pfft! Ehem! Huwag kang tatawa, Carnelia! Mamaya masabihan ka na namang sinungaling ng animal ehh.'



 
"I see."



Nang mapakalma ang sarili ay tsaka ko na lang siya tinignan. Sakto naman na bumukas na rin ang elevator at nakitang nasa rooftop na kami ng hospital.




'Te–teka lang?! Huwag mong sabihin na nababaan siya sa 10th floor ng hospital kaya sa rooftop niya ako ihuhulog?!'




Nang hahawakan niya sana ang kamay ko ay mabilis kong dinikit ang sarili sa sulok ng elevator. Ayokong lumabas dahil baka magkatotoo 'tong iniisip ko. Kanina nga ay hindi ko inaasahan na itutulak niya ako pero nagawa niya! Paano pa ngayon, diba?




Bahagya pa akong napaatras kuno dahil sa takot nang lumapit siya sa'kin. At dahil nasa sulok ako ng elevator ay wala akong kawala sa laki ng katawan nitong male lead!




"Your hand." Walang emosyon nitong sabi habang nakalahad ang kamay sa harap ko.





'Aiya! Kung marupok ako ay hahawakan ko agad ang kamay niya kahit papunta pa siyang impyerno, pero dahil isa akong matibay na puno ay hindi ako papayag! Ano siya chicks?'




"Ayoko, as in no way!" Sabi ko na lang with matching hand gestures pa yan para dama niya na ayoko siyang samahan sa road to hell niya.




'I don't trust a demon like him! Yikes! Kung makapagsalita ka, Carnelia, akala mo naman ang bait mong bruha ka! Pero kasi mas demonyo pa 'to sa'kin at talagang sa lahat ng mga character sina Vile at Lucas ang hindi ko kakayanin! Masiyado silang malaki! P–pfft! Ehem! I'm serious!'




Tinignan ko na lang si Vile na nakakunot na ang noo niya. Aiya. Sa itsura niya mukha siyang naiinis pero dahil wala siyang nararamdaman ay hindi niya ako mauuto sa ganiyan niya. Kaso nang marinig ko na naman ang pagbabanta niya ay halos tumigil na naman ang puso ko. He sounds so—hot! Yikes!



"Hold it or I'll hold you. Choose." Seryoso niyang sabi. Kaya lang hindi sa nagpapakipot pa ako dito, pero kayo kaya ang magkaroon ng trust issue! Tignan ko lang kung sino ang magtitiwala sa kaniya pagkatapos niya akong itulak!




"No, you'll push me! I'm sure of it!" Kunwaring pag-arte ko na natatakot. Aish!




'Actually, naiinis na ako sa pagpapanggap ko ehh! Kailan ko ba kasing pwedeng ilabas 'tong sungay ko na unti-unti nang lumalabas? At bakit ba kasi ang tagal ng female lead?! Feeling importante siya ganon? Tsk!'




Hindi ko tuloy maiwasan ang pagsimangot sa sobrang inis kay Lilian. Maganda at magaling ngang makipaglaban, ang bagal naman pumasok sa eksena!




Huwag niyang sabihin na hihintayin niyang magkagusto sa'kin ang mga male lead tapos babawiin niya rin sa huli? Aiya! Mapapatay ko siya kapag ganon!




"Come here, silly."




Tinignan ko na lang ang gwapong mukha ng male lead atsaka hinawakan na ang kamay niya. Pakiramdam ko kapag hindi pa ako sumama sa kaniya ay bubuhatin niya na naman ako! Nang makalapit sa pwesto niya ay tsaka niya na ako tuluyang hinila papalabas.




"Good, let's go."




Nakarating kami ng rooftop at nakita ang helicopter na nakahanda nang lumipad. May dalawa na pilot na nasa unahan na agad kaming binati.




"Good morning, Young master and milady." Magalang nilang bati na ngitian ko na lang. Kunwari nga ay mabait ang role ko dito, kaya tamang acting lang ako habang wala pa ang female lead.



"Wait? Are we going to ride a helicopter?" Baling ko kay Vile na wala pa ring emosyon ang mukha. Ni hindi mo nga masabi kung anong nararamdaman niya dahil literal siyang walang feelings!  




Hindi niya ako sinagot, sa halip ay inalalayan niya akong makaakyat sa loob na kinangiti ko na lang. In fairness, minsan sinasapian ng pagiging gentleman ang lalaking 'to. Isa itong malaking himala! 




Hanggang sa makaupo at makalipad ang helicopter na sinasakyan namin ay hindi pa rin siya nagsasalita kaya naman ako ay tahimik lang din. Hindi ko rin kasi feel masiyadong tumingin ngayon sa tanawin dahil kung tutuusin ay sanay na sanay na ako sa mga helicopter.




Ikaw ba naman makasubok ng ilang beses na high-altitude parachuting, tignan ko lang kung hindi ka magsawa. Kaya mas trip ko pang tignan ang mukha nitong si Vile dahil hindi talaga siya nakakasawang titigan. Kahit naman kasi loka-loka ako ay marunong akong maka-appreciate ng art no!



 
"Where are we going?" tanong ko na lang sa kaniya. Nakasandal kasi siya sa pinakagilid sa may bintana na mukhang ayaw dumikit sa'kin.
 



"Hoy, sumagot ka!" Bigla kong sabi na kinaubo ng dalawang piloto sa unahan. Hmm... Ayos lang kaya sila?




Nang mapansin ng dalawa na nakatingin ako sa kanila ay bahagya lang silang tumango at binalik na ang atensyon sa pagpapalipad na parang walang nangyari. Aba'y magaling 'tong mga piloto ng animal at mukhang nagmana sa kaniya. Mabilis makalimot ng mga nangyayari!




Binalik ko na lang ang atensyon kay Vile at bahagya itong kinalabit. Syempre nakikiramdam ako kung magagalit siya, baka mamaya niyan mabaliw 'to tapos dito ako sa helicopter ihulog.



"You'll see later." Sagot nito na mukhang naiinis na sa pagkalabit ko.
 
 

 
'Sus! Itong male lead kung maka-arte ng ganiyan akala mo hindi siya parang linta kung makayakap sa'kin kanina! Pasalamat siya at mas naiinis ako sa author ng nobelang 'to kaysa sa character niya.'




Well, ang dahilan kung bakit mas naiinis ako sa author, yun ay dahil sa binigyan niya ng walang emosyon ang male lead ng istorya. Yan din ang dahilan kung bakit ilang taong luhaan 'tong si Heavenhell no!




Gusto ko mang sisihin 'tong si Vile pero hindi ko naman magawa dahil biktima rin siya ng kasamaan ng author. Napakabruha non! Pasalamat siya dahil may pa-mysterious effect siyang nalalaman dahil kung hindi ay sinugod ko na siya noon.




Isa pa sa rebelasyon ng nobela ay sa lahat ng male lead, si Vile lang ang hindi nanakit kay Heavenhell physically. Ewan ko kung anong rason niya, marahil ay wala siyang pakialam o kung ano man ay walang nakakaalam.




Isipin ko pa lang na magmula kay Alexio na siyang tao na ilang beses nilason si Heavenhell sa nobela. Yung three idiots na sina Clive ay walang araw na pahinga sa pamamahiya sa kaniya.




Si Vance na nagpalahalaga sa babae dahil sa mommy niya ay nagawang saktan si Heavenhell. Sina Theo at Lucas na halos sunugin ng buhay ang bruha dahil sa galit nila. Si Javier na tahimik lang pero ang daming nagawa. Tapos ang huli sa lahat, si Trider na siyang pumatay kay Heavenhell! See that?! Lahat sila RED FLAG! Walang natirang mabait!




Si Vile wala man siyang pake ay at least hindi siya nanakit physically. Dahil kapag sinaktan niya si Heavenhell, ewan ko lang kung kayanin pa ng bruhang 'yon makatagal sa nobela.




'"Yan din ang rason ko kung bakit sa lahat ng male lead, kay Vile ako kumakapit ng konti. Nyahahaha! Ehem! Kalma, Carnelia! Malandi ka lang kaya huwag ka nang magrason."




Dahil sa naisip ay hindi ko maiwasang mapalingon kay Vile na mukhang pagod na ngayon. Sa tantsa ko ay wala pa nga talaga siyang tulog galing sa airport hanggang ngayong mag-aalas kwatro. Aiya!




Nilibot ko na lang ang paningin sa loob ng helicopter at naghanap ng pwedeng unanan ng animal. Nang makakita ng malaking tela ay tsaka ko naman ito tinupi at nilagay sa hita ko.




"Hey, are you sleepy?" tanong ko na lang sa kaniya. Mabuti nang makasiguro ako na inaantok siya bago ko siyang yayain diba? Mamaya mapahiya tayo dito ehh.




Tumingin lang siya sa'kin na may namumungay na mata na ngayon. Da–damn! Matutulog na lang siya tapos mang-aakit pa ahh?



"Here. Sleep here." Sabi ko na lang habang tinatapik pa talaga ang tela sa hita ko. Alam ko namang mayaman 'tong animal kaya dapat maganda ang service.




Hindi ko na natuloy ang pag-iisip nang lumapit na siya sa'kin. Ang kaso imbes na sa hita ko siya umunan ay sa balikat ko siya sumandal. Naramdaman ko na rin ang mainit nitong paghinga sa leeg ko na talaga namang nakakakaba.




Maging ang mga piloto niya sa harap ay parang na-estatwa rin sa ginawa ng amo nilang walang emosyon. Aiya! Isa na naman itong malaking isyu!


 
"H–hey, I said in my lap, not on my shoulder." Mahina kong sabi para kaming dalawa lang ang nakarinig.




Nakakahiya kasi sa mga piloto baka sa sobrang gulat nila sa nangyayari ay bigla na lang kaming mag-crash! Mabuti sana kung sila lang dalawa, ehh kasama kami ni Vile kaya hindi maaari.
 



Ang male lead naman sa tabi ko ay lalo lang sumiksik sa balikat ko habang nakapikit na ang mga mata. Wala tuloy akong nagawa kung hindi ang ayusin ang pagkakaupo ko at sumandal sa upuan para maging komportable siya.




Nakakahiya naman kasi ehh. Siya 'tong matangkad, hindi ba dapat ako ang nakasandal sa kaniya? Aiya. Mukhang baliktad na nga talaga ang mundo.



 
"May sakit ka ba?" Tanong ko na lang na nagmistulang patay na dahil hindi ako makahinga sa higpit ng kapit niya sa'kin. Akala ko pa naman tapos na ang pagiging linta niya, nagpahinga lang pala.



 
"Hmm..." Maikling sagot nito na hindi ko malaman kung meron o wala ang ibig niyang sabihin.



"Saan? Sa utak—este yung ulo mo?" Tanong ko habang pinipigilan na matawa. Shems! Tigilan mo ang pagiging komedyante, Carnelia kung ayaw mong masipa ka palabas ng helicopter ng male lead.
 



Nang maramdaman na tumango si Vile ay nilapit ko na lang ang kamay ko sa noo nito at dahan-dahang minasahe.



"I'll massage it a little. Tell me if it hurts." Sabi ko na lang at ginamit ang kaliwa kong kamay para mahawakan siya. Nasa kanan ko kasi siya nakayakap kaya ang nagagalaw ko lang ay ang kaliwa kong kamay.



"Is this okay?" tanong ko nang hindi siya nagsalita. Takot ko lang na masaktan siya no!



 
"Hmm... I like it." Mahinang sagot nito na kinalaki ng mata ko. S–shocks! Nagtataasan ang mga balahibo ko dahil sa hinayupak na 'to!



"What do you like?" Pasimple ko na lang na tanong habang minamasahe pa rin ang mahal na hari. Balak ko na ring magseryoso muna at tigilan ang pangmamanyak sa male lead. Kaso kung kailan naman ako mananahimik ay tsaka naman siya sasagot ng kung ano-ano!



"Your hand. I like it."
 



⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄




'Kalma self, huwag kang mag-isip ng kung ano-ano! At huwag kang tatawa! Da–damn, I can't! Ngayon tanggap ko na ang katotohanan na napakadumi talaga ng utak ko. P–pfft!'




Napapikit na lang ako at pinigilan ang sarili na matawa. Nang maikalma ang sarili ay tsaka ako sumagot. Syempre pinag-isipan ko muna ang sasabihin at baka may masabi akong iba.




"You need a lot of practice to be able to have professional hands like this." Seryoso kong sabi habang kinakagat ang dila ko. Tengena mo, Carnelia! Anong professional hands?!



 
Nang malapit na akong maka-move on ay agad namang nagtanong si Vile na muntik nang magpawala ng kaluluwa ko sa katawan. W—what the heck, sir?!



"Aside from massaging, what else can your professional hands do?" Seryoso nitong tanong habang nakahangad na sa'kin dahil para maglapit ang mukha naming dalawa.




⊙﹏⊙




'God, why?! Paano ko siya sasagutin nang ganito kalapit?! Parang kanina lang ay natatawa pa ako sa tanong niya, ngayon naman ay kinakabahan na ako sa sobrang lapit ng mukha niya!'




"Ahmm... there are a lot! You'll be surprised if you know." Sagot ko na lang atsaka binalik ang ulo niya sa pagkakasandal sa balikat ko. Mas maigi na huwag siyang lumapit sa'kin at nasisilaw ako.




"How surprised?" tanong niya ulit na kasalukuyang sinisiksik ang mukha niya sa leeg ko. M—my gosh! Manyak ba 'to?! Pero siya ang male lead at pinaka-inosente sa lahat, Carnelia! Kaya huwag kang assuming, okay?



 
Napailing na lang ako at hinayaan na lang siya sa ginagawa. Kung hindi lang talaga matibay ang protective barrier ng puso ko ay malamang nahulog na ako sa kabaliwan nitong si Vile ngayon.



"A surprise to the point of experiencing heaven—I mean, you know, I can cook different foods that taste so heavenly." Pagpapalusot ko na lang dahil sa muntik ko nang masabi. Pahamak talaga ang bibig nitong si Heavenhell ehh.



 
"Hmm... heavenly, you say? Let me experience that taste then." Seryoso nitong sabi bago hinila ako papalapit sa kaniya. Mukha kasing napansin niya ang paglayo ko dahil mabilis niya akong hinila at dinikit pa lalo sa kaniya.
 



"Okay, when we arrive, I'll cook." Sabi ko na lang atsaka sumuko na sa kaniya.




Nang maramdaman na bumigat na si Vile sa balikat ko ay alam kong nakatulog na nga siya ng tuluyan. Ako naman na mabait ay hinawakan ang ulo nito para alalayan siya, baka kasi biglang magpreno itong helicopter tapos mauntog siya.




'P—pfft! Ehem! Paano nga ba magpreno ang helicopter sa himpapawid, Carnelia? Nabaliw ka na naman!'




Umupo na lang ako ng maayos atsaka marahang hinaplos ang buhok ng male lead. In fairness, pwede na siyang maging model ng shampoo sa lambot ng buhok niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang kamay ko na suklayin 'yon dahil nakakainggit ang pagiging perpekto niya.




 
Halos thirty minutes ang nilipad ng helicopter nang makita na papalapit kami sa napakalaking building na may nakalagay na Eldaim Elite Condominium. Teka? Diba dito rin yung condo ni Arianna na ipinusta niya sa'kin?!
 
 

 
'I see that this is a condominium! So it means, we'll stay at his condo?'
 



O_O




'Itigil mo na agad kung ano mang kalokohan ang iniisip mo, Carnelia! Walang kababalaghan na mangyayari kaya iuntog mo ang ulo mo nang magising ka!'




Heh! Kasalanan ko ba na uso sa mga nababasa kong story ang isa sa pambansang anuhan ng mga characters ay condo?! Aiya! Magseryoso na tayo, Carnelia, dahil napapagod na ang utak kong mag-isip.




Pagkatapos ng makikipag-away ko sa aking sarili ay natagpuan ko na lang ang dalawang piloto na hindi mapakali. Nakalapag na kasi ang helicopter sa rooftop nitong condominium. Ang pinagtataka ko lang ay bakit mukha silang natatae na ewan?




"Anong nangyari sa inyo?" Kunwaring mabait kong tanong.




"Yo—young lady, can you wake up our young master?" Kinakabahan na tanong ng isa na kinatawa ko na lang sa aking utak. Isipin mo na may kalakihan din ang katawan nila pero takot sa male lead?! Iba talaga kapag favorite character ng author!



 
"Why won't you do it?" Tanong ko sa kanila na lalo nilang kinakaba. Hehe! Ang sarap nilang asarin. Nyahahaha!


"We—we'll die." Nauutal naman na sabi ng isa. Napataas tuloy ang kilay ko sa sinabi nila. Kung iniisip nila na mamamatay sila kapag ginising 'to, ehh paano naman ako?


"So you want me to die?"




"W—we apologize, Milady." Nakayukong sabi nila na kinainis ko na lang. Aiya!
 
 


"Fine! Just pray for my soul if I die." Inis kong sabi na kinangiti ng dalawa. Aba'y talagang ang saya nila na ako lang ang mapapahamak kapag nagalit 'tong animal ahh!




 
"We'll just go out first, Milady." Nakangiti na paalam nila bago tuluyan nang lumisan at ako'y iniwan. Shocks! Hindi kaya ako mamatay kapag ginising ko siya?
 



Napatingin ako kay Vile na nakayakap pa rin sa'kin. Ako naman na hindi alam ang gagawin ay dahan-dahang nilapit ang kamay sa mukha niya.
 



"Y—young master..." Bulong ko dito pero makalipas ang ilang segundo ay hindi pa rin siya gumagalaw.
 


 
"Wakey! Wakey! Young master!" Sabi ko pa habang sinusundot-sundot ang malambot nitong pisngi.
 
 


'Bakit ba ayaw niyang magising? Hindi ba't mafia lord 'to dapat malakas ang pakiramdam niya! Well, baka naman inaasar ka lang niya Carnelia?'




Ilang ulit ko siyang tinawag pero nanatili pa rin siyang nakayakap sa'kin. Tsk! Sigurado na ako na pinagtitripan na ako ng hinayupak na 'to. Okay! Hehe!





Hinawakan ko na ang pisngi nito at bahagyang nilapit ang mukha sa tainga niya. Pero dahil tuloy sa ginawa ko ay mas lalong lumapit ang labi niya sa labi ko na at konting push na lang ay mahahalikan ko na siya. Ai–aiya!




"Wake up, da—daddy!" Kinakabahan kong sabi. Nang ilalayo ko na sana ang mukha ko ay mabilis niyang nahawakan ang leeg ko at nilapit sa kaniya.





O_O

.

.

.

.



'W—what the heck?!'




Tumigil ang paghinga ko sa nangyari bago ma-realize ang posisyon ng mukha naming dalawa. Ang labi namin ngayon ay halos magkalapat na, kung hindi ko lang naharang ang kamay ko sa pagitan ng labi naming dalawa.




'O–oh my gosh! Ayoko na talaga!'


Mabilis kong inalis ang kamay niyang nakahawak sa leeg ko atsaka lumayo sa pwesto niya. Kumakalabog ang puso ko sa kaba dahil sa nangyari. Kyahh! Muntik na 'yon, kung hindi lang mabilis ang reflexes ko!
 



"What are you doing?" Seryoso niyang tanong habang inaayos ang suot nitong white polo shirt.
 
 


"What do you think? Of course, I was planning to steal a kiss from you when you suddenly woke up." Dire-diretso kong sabi na mabilis ko ring pinagsisihan.




'Shems! Ikalma mo ang puso mo, Carnelia at kung ano-ano ang sinasabi mo!'



 
"Silly." Sabi niya at naunang lumabas ng helicopter. Pagkababa niya ay agad niya akong hinila pababa at sinalo nang muntik na akong matumba. Ikaw ba naman hilain bigla, diba? 
 
 


"Let's go." 
 
 


Nang makita ko ang dalawang piloto ay tinarayan ko lang sila. Nakakainis talaga isipin ang kahihiyan na nangyari kanina. Mabuti na lang at walang emosyon 'tong male lead dahil kung meron ay naasar na ako nito o worst nasakal.




"Good morning, young master. Enjoy your rest together." Bati nila na hindi naman pinansin ni Vile kaya ako na lang ang nagsalita.
 


 
"We'll enjoy our rest. Thank you!" Mataray kong sabi atsaka tinuon ang atensyon sa paglalakad.




Ngayon ay hindi niya na hawak-hawak ang kamay ko kaya mabilis ko ring nakalimutan ang nangyari kanina. Aba'y anong akala niya siya lang ang mabilis magmove on?




Makalipas ang ilang minutong pananahimik ay nakarating na rin kami sa loob ng condo niya. Sa lahat nga yata ng kwarto, siya ang pinakamalaki ang espasyo dahil buong floor yata ay walang tao siyang kasama.



 
Nilibot ko ang paningin at napangiti na lang ako sa itsura. Moderno na ang desenyo at masasabi ko na halos lahat ng mga muwebles ay milyones ang halaga. Malalaman kaya nila kung iuwi ko ang lamp shade dito? P—pfft! Ehem!
 



"Child." Komento ni Vile. Well, alam ko na, ang ibig niyang sabihin ay mukha na naman akong bata sa itsura ko.


"Yes, that's why you're my daddy, right?" Nakangiti ko na lang atsaka siya kinindatan. Kaso ang animal ay tinignan lang ako na expected ko na rin naman. Aish!



"Okay, I'll take a quick shower first. Change your clothes too. Bye!" Paalam ko na lang sa kaniya atsaka pumasok na sa kwarto na nakita ko.




Tumingin na lang ako ng damit na dinala ni Pira at kinuha ang simpleng pajama at oversized white shirt. Pagkatapos ay mabilisan lang akong naligo tutal sabi ng doctor ay huwag ko raw masiyadong ibabad sa tubig ang paa ko.



 
"How do I look?" tanong ko kay Vile na mukhang kalalabas lang din ng banyo.
 


 
"It's okay."
 
 


"You didn't know how to compliment a girl, after all. Okay, okay, let me teach you! Oh my, you're so handsome even in your white shirt and black pajamas! Touch my forehead." Sabi ko at kinuha ang kamay niya at hinawak sa noo ko. Napataas na lang siya ng kilay na kinangiti ko.
 


 
"Why?" Tanong niya na habang hinahawakan ang noo ko.
 



"Be—because I feel like I'm going to have a fever by just seeing your face." Kunwaring kinikilig kong sabi habang nakahawak sa dalawa kong pisngi. Pagkatapos ng drama ay tsaka ko na siya tinignan.
 


 
"See that? That's just an example of a compliment. Hmmp!" Seryoso kong sabi. Babanatan ko pa sana siya ng lecture nang makita na ginalaw niya ang kamay niya na nasa noo ko.


 
 
"W—what exactly are you doing?!" Kinakabahan kong tanong nang maramdaman ang kamay niyang hinawi ang buhok ko. Marahan niya itong inipit sa tainga ko bago nagsalita na kinalaki ng mata ko.




"Pretty."



⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄




'O—oh shit! Buti alam niya!'



 
"I—I know. Fine, you want me to cook for you to eat, right?" Pag-iiba ko na ng topic. Baka kung saan pa kami humantong kapag nagpatuloy pa 'to.


 
"Hmm." 




"Just wait here, I'll go to the kitchen by myself." 
 



***
 
 


Nang makatakas sa male lead ay mabilis ko nang sinimulan ang pagluluto. Simple lang at magaan sa tiyan ang dish na niluto ko dahil madaling araw pa lang. Matutulog pa kaming dalawa, lalo na siya. Kinulang yata siya sa tulog kaya kung ano-anong kababalaghan ang ginagawa ehh!




Hinawi ko ang buhok ko na humaharang sa mukha ko atsaka inayos hinalo ang soup na niluluto. Nang hihigupin ko na ang sabaw ay agad kong hinawakan ang buhok ko, kaya lang nabigla ako nang maramdaman na may kamay na humawak non.




"Thank you." Nakangiti kong sabi atsaka hinigop ang sabaw ng soup. Well, ayos na rin naman ang lasa kaya pwede na sigurilo 'tong kainin. Inaantok na rin ako ehh!
 
 


Mabilis akong kumilos at nilagay na sa lamesa ang pagkain. Mabuti na nga lang at tumulong na rin sa wakas ang mahal na hari kaya napabilis ang paghahanda ko.


 
"Here it's done. Let's eat so that we can sleep now." Seryoso kong sabi kaya nagsimula na nga kaming kumain ng tahimik.




Pagkatapos niyang kumain ay agad akong ngumiti at nagtanong sa kaniya. Syempre dahil makapal ang mukha ko ay kailangan natin ang comment ng male lead sa niluto ko. Bwahahaha! Aba'y malaki kayang achievement na kinakain niya ang luto ko!




"How does it taste?" Nakangiti kong tanong.




"It's good." sagot niya na lalo kong kinangisi. Aba'y ang sarap kayang yabangan 'tong hinayupak na 'to kahit isang beses lang.




"See? I have a good hand?" Sabi ko pa habang ginagalaw-galaw ang kamay ko sa harap niya na para bang ini-exercise ito. Kaso ang ngiti sa mukha ko ay agad na nawala nang marinig ang susunod nitong sinabi.




"Yeah, you're good when it comes to hand jobs."




O_O




'E—err?! Tama ba ang dinig ko o madumi lang utak ko?'
 


 
"H—halt! Don't say that again, okay?" Pilit-ngiti kong sabi habang mahinahon siyang kinakausap.


 
"What? Hand jobs?" tanong nito na kinaubo ko ng malakas. W–what the heck, Vile?!



"S—stop! I'm not listening! Stop, okay?" Sabi ko na lang habang pinipigilan ang matawa. Shems! Ayoko na talaga siyang kaharap, nababaliw na yata ako!


 
"Why? What's wrong with hand jobs?" Nakataas kilay niyang tanong. Si–sir, nasaan ang talino mo?!
 
 

 
 
"Stop it! I don't know! Goodnight!" Mabilis kong sabi atsaka nagmamadaling tumakbo sa kwarto at doon tumawa ng malakas.




'F—fuck! Muntik na akong mamatay sa pagpipigil ng tawa! Ano raw? Ako? Ma—magaling sa hand job?! P—pfft! Paano siya nakakasiguro?!'
 
 
 

 
 
________________________________________

Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

Continuar a ler

Também vai Gostar

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...