Project LOKI AUs (Compiled)

By CattyLaFea

42K 1.4K 244

Are you a romance deprived? Too much mystery and headache after reading ProjectLoki? Do you want light storie... More

Project LOKI AUs (Compiled)
LoreThor AU: "Rekindled"
LoreKi AU: "Lean On Me"
LoreKi AU: "Good Night" (One Shot I)
"If Lorelei Will Change The Past"
LoreKi AU: "Little Things" (V-Day Entry)
Loreki AU: "Sudden Gift" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Sunday Morning" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Forgotten Again" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Celebration" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Watch Together" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Couples" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "It's You" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Hold My Hand" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "I Miss You Flowers" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Reminiscent" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Is This The End?" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "You And I, Become One" (V-Day Entry)
LoreKi AU: "Lo KI (2+1)" (V-Day Special Entry)
MagRye AU: "Nap"
LoreKi AU: "Your Scent" (ISR 1)
AlMie AU: "Wallpaper"
LoreKi AU: "Stucked"
LuGgie AU: "Unspoken Feelings"
LoreKi AU: "To Be With You" (ISR 2)
EmThor AU: "Attention On Me, My President"
LoreKi AU: "Unusual Morning"
LuGgie AU: "If You'll Let Me"
LoreKi AU: "A Day With You" (ISR 3)
"Clark High 10th Year Reunion" (AU Contest Entry)
LoreKi AU: "Tit-for-Tat" (ISR 4)
LuGgie AU: "My Treasure"
LoreKi AU: "What Happened To Us?"
Nevaeh's NOTE (Clarifications)
LoreStein AU: "How Far Can You Do For Love?"
LoreKi AU: "Protecting HER" (ISR 5)
LoreKi AU: "Work Out" (One Shot II)
LoreKi AU: "Back To Bed" (One Shot III)
LoreKi AU: "Lip Balm" (One Shot IV)
LoreKi AU: "Clingy Wife" (One Shot V)
LuGgie AU: "Shades Of Grey: The Confrontation"
LoreKi AU: "Precious Little Secret: The Meet Up"
Mendez Brother AU: "Piece Of Mischief"
New Achievement Unlocked
LoreKi AU: "Precious Little Secret: Unveil"
AlMie AU: "Caught"
LoreKi AU: "Tables Has Been Turned" (ISR 6)
PL Family AU: "Overprotective"
LoreKi AU: "Misunderstanding Resolved" (ISR 7)
AlMie AU: "Home Lunch Date"
LoreKi AU: "Drunk Thoughts"
"Project LoreKi: A Normal High School Story" (PL 7th Anniversary Special)
LoreKi AU: "Under The Moonlight"
LoreKi AU: "Every Moments We Share"
Happy One Year To Project Loki AUs (Compiled)

AlMie AU: "A New Beginning"

407 15 14
By CattyLaFea

☞Alistair X Jamie AU ¦¦ Requested by themonthofrosary
✎Genre: Psychological, OOC, Slight Fluff
✎ TagLish || 3600+ words || Full Version
✎TW: Blood?
WARNING: Major spoiler of ProjectLoki V3 / PL Forward, I recommend you to read PLV3/PLF first before reading this to avoid spoiler.
➜Happy 4K Reads, ily guys ✧\(>o<)ノ✧
Nevaeh's Note: Hi, your Ate Nevs is back. Did you missed me? choz. Anyway, please take note of the following:
1) Almost all of the following AUs came from your requests.
2) Some AUs are much longer than my past AUs
3) AUs will be posted every other day
4) Some AUs was already written before
5) First time writing again, so bare with me. Enjoy reading~

゚。・*.゚☆゚.*・。゚

Jamie

"Lo-lorelei Rios.. Lori" turo ko sa babaeng nasa litrato na hawak ko, mahaba ang kulay brown na buhok at may bangs.

"Al.. Alistair Ravenda? Ravensa? Ah! Ravena. Alistair Ravena" turo ko naman sa lalaking katabi ni Lorelei, matangkad at mestisong lalaki. Gwapo rin siya at may maamong mukha.

Huli kong itinuro ang lalaking katabi ko sa litrato, "Hmm.. Lo? Loki Mendez? Oo nga, Loki Mendez" lalaking may magulong buhok, nakatingin siya sa ibang direksiyon at parang napilitan lang na mag-pa-picture kasama namin.

Ibinigay sa 'kin ni Lori ang litratong ito kahapon, kahapon? kahapon nga ba? Nakalimutan ko kung kailan iyon, basta ay ibinigay niya sa akin para matandaan ko daw silang mabuti lalo na ang mga pangalan nila.

Ilang buwan na rin simula nang ma-discharged ako galing sa ospital at hanggang ngayon ay wala pa rin akong maalala tungkol sa nakaraan ko. Na-kwento nila sa akin kung paano ako naaksidente pero nakalimutan ko na naman.

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa upuan. Tumingala ako at tumingin sa kalangitan. Nandito ako ngayon sa labas ng bahay, nakatambay sa lilim ng puno. Hindi ko alam kung anong oras na pero mukhang pahapon na.

Mas pinipili kong dito mag-stay sa labas kaysa sa loob ng bahay, feeling ko kasi ay hindi ako makahinga at parang napapraning ako. Nawawala lang iyon kapag may kasama ako lalo na si Tita Dolores.

Itinaas ko ang litrato na hawak at tinitigan ang mga taong nandoon. Sana ay maalala ko na ang nakaraan ko, ang hirap nang ganito. Parang walang meaning ang buhay ko at lagi akong clueless sa mga bagay-bagay. Mabilis din akong makalimot, kahit kanina ko lang ginawa ay nakakalimutan ko agad.

"Jaime! May bisita ka"

Napalingon ako sa direksyon ng gate at nakitang naglalakad palapit sa akin si Tita Dolores kasama ang isang gwapo at matangkad na lalaki. Nakangiti ito sa akin at bahagyang ikinaway ang kamay. Napangiti rin ako at kumaway pabalik.

"Hi" bati niya pagkalapit, "Hello" masiglang bati ko.

"O siya, maiwan ko muna kayo. Gagawa lang ako ng meryenda ninyo." sabi ni Tita Dolores. "Ah, Tita pwede po bang pakisabay na po ito, dinala ko po yan para sa inyo ni Jamie." sabi ng lalaki at inabot ang paper bag kay Tita.

"Naku! Nag-abala ka pa pero salamat iho, sige, ako ay aalis muna sandali, mag-usap muna kayo." ngumiti ako kay Tita saka sinundan siya ng tingin hanggang mawala sa paningin ko.

"How are you?" biglang tanong ng lalaki sa akin, ano nga ulit ang pangalan niya? Tumingin ako sa litrato, nagbabakasakaling maaalala ko ang pangalan niya. Kanina lang ay kinakabisado ko pa iyon kaso ay nakalimutan ko na naman.

"I'm Alistair Ravena" napaangat ang tingin ko sa kaniya, nakaunat ang kamay niya sa harap ko na parang gusto niyang makipagkamay. Tinanggap ko naman iyon. Bahagya niyang pinisil ang kamay ko saka bumitaw.

"Can I sit here?" tanong niya sabay turo sa space ng upuan sa tabi ko, "Sige" umupo naman siya pero bahagyang nakaharap sa akin.

"Bakit mag-isa ka lang? Hindi mo ba kasama si Lo.. Lorene?" napakamot ako sa ulo at nahihiyang tumawa dahil baka mali na naman ang pangalan na sinabi ko. "It's actually Lorelei, short for Lori. But, I'm glad that you're improving, kaunti na lang at madali mo nang matatandaan ang pangalan namin." sabi niya habang nakangiti.

Napangiti rin ako, "Sana nga" sambit ko. "Anyway, Lori can't visit you for a week since she needs to go to Manila. Okay lang ba na ako lang muna ang dumalaw sa 'yo?"

"Huh? Hala okay lang, nakakahiya na nga na halos araw-araw niyo na akong dinadalaw dito lalo ka na. Feeling ko nagiging abala na ako sa inyo." napayuko ako at bahagyang nalungkot.

"No, don't say that Jamie. Hindi ka abala para sa amin, its our will to visit you everyday and to help you 'cause we're your friend."

"Pero paano kung hindi na ako makaalala? Paano kung hindi na ako bumalik sa dati? Paano kung-"

"Jamie..." putol niya sa sinasabi ko "Jamie, look at me" napaangat ako ng tingin sa kaniya, our eyes met. "Don't let these negative thoughts flood your mind. Always remember that you can still regain your memories, don't lose hope, okay? We're always here for you until you recover, until everyone of us will be complete again. Okay?"

Hindi ko mapigilang mapangiti sa sinabi niya, walang assurance na mababalik ko pa ang memories ko, but he assured me that I still can, and I'll recover.

"Thank you Al" sambit ko sa kaniya, napangiti siya saka ginulo nang bahagya ang buhok ko, "Wala 'yon"

"By the way, you have an appointment for your therapy on Sunday right?" tanong niya, "Huh? Ah.." kinuha ko ang notebook na nakapatong sa lap ko, binuksan ko ang page kung saan nakalagay ang mga schedule ko. Madali kasi akong makalimot kaya lagi na akong nag-te-take down notes ng schedules o kaya'y mga ginagawa ko sa araw-araw.

Nakita kong may naka-schedule nga sa Sunday na therapy session ko. Kung hindi pa sinabi ni Al ay hindi ko maaalala. "Meron nga, buti pinaalala mo hehe"

"I'll pick you up on Sunday, sasamahan kita" he said. "T-Talaga?" tanong ko.

Tumango siya, "Of course"

Ilang oras pang nag-stay si Al kasama ko, kinikwentuhan niya ako ng mga memories namin together. Ang ilan ay sinusulat ko pa sa notes ko para lagi kong mabasa at maalala.

Sobrang thankful ko dahil may kaibigan akong kagaya nila, mahirap para sa akin na wala man lang naaalala tungkol sa nakaraan ko. Madalas ay hindi ko maiwasang mag-overthink na baka hindi na talaga ako gumaling. But with them beside me, and helping me. Na-e-encourage nila akong tulungan ang sarili ko.

***

Kanina pa ako nasa harap ng salamin at nagsusuklay ng buhok. Susunduin kasi ako ni Al para samahan niya akong pumunta sa therapy session ko. Tumawag pa siya kani-kanina lang para ipaalala sa 'kin, kahit hindi na kailangan dahil ipinaalala na sa 'kin ni Tita Dolores.

Narinig ko ang katok sa pintuan ng kwarto ko, lumapit ako doon at binuksan iyon. Bumungad sa 'kin si Tita Dolores na nakangiti, "Nandiyan na si Al sa baba"

Napangiti ako agad pagkasabi niya no'n, dali-dali kong kinuha ang tote bag at saka nauna nang bumaba. Mas napangiti ako nang makita si Al na naghihintay sa sala. Napalingon siya sa 'kin nang marinig ang yabag ng paa ko pababa ng hagdan.

"Good morning" he greeted, "Good morning" masigla kong bati habang malawak na nakangiti.

"Maganda ba yung suot ko?" tanong ko sa kaniya, nakasuot ako ng floral dress na one inch below the knee. Umikot pa ako para ipakita sa kaniya ang kabuuan ng suot ko. Ngumiti siya saka tumango, "Yeah, you look beautiful" naramdaman kong nag-init ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. "T-thank you" mahina kong sagot.

"Let's go?" tanong niya na sinagot ko nang tango.

Lumabas na kami at sumakay sa kotse niya. Buti at mabilis lang kaming nakarating sa hospital para sa Psychotherapy ko. While waiting outside the waiting area, Al keeps on reminding me on what to do while I'm on my therapy.

It actually feels deja vu, parang ilang beses na niya akong pinapaalalahanan tungkol sa therapy ko. Siguro ay lagi na niya akong nasasamahan hindi ko lang natatandaan dahil hirap na ako makaalala.

Maya-maya lang ay tinawag na ako. Hindi ko alam kung gaano katagal ang therapy ko but I actually felt relieved after. Masigla akong lumapit kay Al, "How is it?" he asked.

"It's good, sabi ng doctor medyo nag-iimprove na daw ang memory ko."

"That's good to hear, we should celebrate your little improvement. Where do you want to eat?"

Kumain kami sa malapit na Mall, pagkatapos ay namasyal kami. We did a lot of things today, and I'm still taking notes of everything. Habang namamasyal ay kinikwentuhan pa rin ako ni Al tungkol sa nakaraan ko.

After that ay pumunta namin kami sa malapit lang din na park, nag renta si Al ng bicycle para hindi daw ako mapagod maglakad. Siya ang nagmaneho no'n habang nakaangkas naman ako sa likod. Pinanood din namin ang papalubog na araw. Sobrang saya ko hanggang makauwi sa bahay.

Hininto ni Al ang sasakyan sa tapat ng bahay namin, "Did you have fun today?" tanong niya pagkababa namin. Mabilis akong tumango, "Sobra, nakakatuwa rin kasi naaalala ko pa rin ang mga ginawa natin kanina hindi katulad dati na kahit saglit lang ay nakakalimutan ko agad. Thank you so much Al." sa sobrang tuwa ko ay yumakap ako sa kaniya.

He was stunned at first pero yumakap din pabalik habang marahang tinatapik ang likod ko. "I'm happy to hear that, don't worry we can still do a lot of things para makatulong sa pag-recover mo"

Kumalas ako sa pagkakayakap at tumingin sa kaniya, "Really?" tanong ko, mas lumawak ang ngiti ko nang tumango siya.

"Before I forgot, I have something to give you" umalis si Al at binuksan ang back seat ng sasakyan niya, pagbalik niya ay may dala na siyang paper bag.

"I bought you a panda plushie, if you have a problem that you can't tell to me or to anyone you can talk to this. It'll help you to avoid overthinking." kinuha ko ang plushie at saka niyakap. "I also bought some yarn" pinakita niya sa 'kin ang loob ng paper bag na may nakalagay na iba't-ibang kulay ng yarn. "You can try knitting, it'll help you releave your stress. It's actually fun. No'ng na admit ako sa hospital, kapag wala akong ginagawa ay tina-try ko ito. It really helps to divert your attention lalo na sa mga negative thinking."

"Hindi ako marunong maggantsilyo eh" I said, slightly pouting. "Don't worry, I'll come back tomorrow. Tuturuan kitang maggantsilyo." he assured me.

Napangiti na naman ako, "Okay"

***

The next few days were also fun, sa araw-araw na pagdalaw ni Al ay sinasabayan niya ako sa paggagantsilyo. I'm trying to make a scarf and plano kong ibigay sa kaniya iyon kapag natapos ko. Gagawa rin ako ng para naman kay Lori at Loki. Hindi pa sila makadalaw sa akin dahil si Lori ay nasa Manila pa rin habang si Loki ay nasa ospital. Minsan lang din ako makadalaw kay Loki dahil may traumatic experience ako sa ospital.

Today is friday, sabi ni Al ay papunta na siya dito. Excited na nga rin ako dahil malapit ko nang matapos ang scarf at mabibigay ko na rin sa kaniya.

Niligpit ko muna ang ilang kalat sa kama ko, hindi ko sinasadyang mapadaplis ang daliri ko sa matalas na gunting kaya nahiwa iyon. Napatingin agad ako sa daliri ko, napansin ko ang dugong lumabas mula sa hiwa. Napahawak ako sa ulo nang sumakit iyon, akala ko ay saglit lang pero bigla na lang may nag flash na sunod-sunod na ala-ala sa isip ko. Iba't-ibang boses at tunog din ang naririnig ko.

Napapikit ako saglit pagmulat ko ay napansin ko ang kamay at katawan ko na punong-puno ng dugo. Bigla akong napatayo saka sumigaw.

"A-ano 'to? B-bakit maraming dugo?" natumba ako nang maramdaman ang panginginig ng tuhod ko.

Napatakip ako sa tainga nang makarinig ng iba't-ibang ingay, ingay ng mga nagsisigawang tao, ingay ng mga taong humihingi ng tulong. Iba't-ibang imahe rin ng mga duguang tao ang pumapasok sa isip ko.

"TAMA NA!" sigaw ko. Kahit anong pikit ko ay patuloy ko pa ring nakikita ang mga imahe. Hindi rin mawala ang mga nakabibinging mga ingay. Sigaw lang ako ng sigaw upang tumigil na ang mga ala-alang bumabalik.

Halos hindi na ako makahinga dahil sa matinding pag-iyak, sumasakit na rin ang ulo ko.

"Jamie!"

Naramdaman kong may humawak sa 'kin pero mabilis ko itong tinulak nang makita ang lalaking nakasuot ng police uniform, "LUMAYO KA SA 'KIN! HUWAG MO KONG HAWAKAN!"

"Jamie!"

"LUMAYO KA SA 'KIN! TIGILAN MO NA AKO! TAMA NA!" sigaw ko sa kaniya.

"Jamie, it's me, Alistair" pagkarinig ko noon ay napaangat agad ako ng tingin, biglang nawala ang mga imahe, nawala na din ang mga ingay. "A-Al?"

"Yes, it's me"

Agad akong yumakap nang mahigpit sa kaniya, napahagulgol din ako dahil sa takot. Naramdaman ko ang yakap niya at ang marahang paghaplos sa buhok ko, "It's okay Jamie, I'm here, ayos lang ang lahat"

He keeps on whispering that I'm safe and everything is fine while still holding me in his arms. Nakatulong iyon para kumalma ako. Tinulungan niya akong makatayo matapos kong tumigil sa pag-iyak, pinaupo niya ako sa kama.

"Are you okay now?" he asked. Marahan akong tumango sa kaniya. "I'll just get you water, wait here-"

Humawak agad ako sa pulso niya para pigilan siya, "Ayoko, w-wag mo akong iwan" sabi ko habang paulit-ulit na umiiling.

He held my hand and lean down para magpantay ang mukha namin, "I'm not leaving okay? Kukuha lang ako ng tubig sa baba, babalik agad ako"

Umiling na naman ako, "A-ayoko, n-natatakot ako" naramdaman ko na naman ang tuloy-tuloy na pagbagsak ng luha ko. Natatakot akong baka bumalik na naman ang mga nakakabinging ingay pati na rin ang sunod-sunod na imaheng nagfa-flash sa isip ko. Natatakot akong mag-isa, ayaw kong iwan niya ako.

Huminga siya ng malalim at saka ngumiti sa akin, "Okay, sumama ka na lang sa 'kin sa baba para doon ka na uminom ng tubig, okay lang ba sa 'yo?" agad akong tumango bilang sagot.

He wiped my tears using his thumb, "Huwag ka nang umiyak, I'm here" tumayo ako at kumapit sa braso niya saka sabay kaming lumabas at bumaba.

***

Alistair

The next day, I was surprised that Jamie forgot who am I again. It might be the side effect of what happened yesterday. Sobra ang pag-aalala ko sa kaniya nang makita siyang nahihirapan kahapon. She's so scared, she must remembered some of her painful memories kaya gano'n na lang ang naging reaksiyon niya.

I assured her that she's safe, I even stayed until midnight hanggang makatulog siya. Nabanggit ko na rin iyon kay Lori at nangako siyang babalik agad ng Pampanga para dalawin si Jamie.

With someone that has retrograde and anterograde amnesia like Jamie. She needs help and support from her loved ones, that's why me and Lori made sure that we're always here for her.

I took Jamie to her Psychiatrist today. At first, ayaw niya at natatakot pa siya but thankfully, I convinced her. Isinama ko na rin si Tita Dolores para alam ni Jamie na may kasama siya.

The doctor said that its normal for her to react that way because of the sudden recoveries of some of her memories. The doctor gave some medication, tulad ng gamot para sa pampakalma lalo na kapag nangyari ulit ang naranasan ni Jamie kahapon.

I'm still worried while driving, napansin ko kasing mas tahimik na si Jamie, nakamasid na lang siya sa labas ng sasakyan. Kahit pagkahatid ko sa bahay nila ay dire-diretso na lang siyang naglakad papunta sa kaniyang kwarto saka umupo sa kama niya at nanatili na namang nakatulala.

"Iho" napalingon ako kay Aling Dolores nang marinig ko siya, nandito kasi ako sa labas ng kwarto ni Jamie at binabantayan siya. "Bakit po?" tanong ko.

"Kumain ka na muna, kanina ka pa nagbabantay diyan" alok niya sa akin. I smiled at her then shook my head, "Okay lang po ako, bantayan ko na lang po muna si Jamie"

"Naku Iho, baka naman ikaw na ang magkasakit niyan. Sige na, may hinanda akong pagkain mo sa baba, ako na muna ang magbabantay kay Jamie." bago pa ako makaangal ay hinila na niya agad ako at marahang tinulak paalis. Wala na akong nagawa at sumunod na lang.

Days and weeks passed by but still Jamie hasn't regain her memories yet. But thankfully, she's getting better. Naging masiyahin na ulit siya lalo na nang dalawin siya ni Lori. Last week ay sama-sama kaming pumunta sa Clark High para balikan ang lugar kung saan nabuo ang aming pagkakaibigan. Nakasama na rin namin si Loki na nagising na rin mula sa pagkaka-Comatose. He also lost his memories but unlike Jamie, mas possible na makaalala si Loki.

We strolled around Clark High and shared our memories together, hoping that they'll remember their past. I noticed Lori's trying hard to stop herself from breaking down in front of our two friends. Alam kong sa aming dalawa ay mas naapektuhan siya dahil sa mga nangyari pero lagi pa rin niyang pinapakita na matatag siya at okay lang siya for the sake of our friends.

Nag-usap rin kami kung dapat bang hayaan na lang namin na wag nang maalala ng dalawa ang kanilang mga nakaraan. They looked innocent and more peaceful than before.

We doesn't know what to do in that time but I realized its not us who should decide whether Jamie and Loki want to regain their memories. We're just here to help them and support them.

***

Jamie

"Tita!" tawag ko kay Tita Dolores mula sa second floor, "Bakit?" tanong niya. "Pakisabi po kapag nandiyan na si Al" sagot ko.

"Sige, tatawagin na lang kita"

Excited akong pumasok sa kwarto at muling ch-in-eck ang mga gamit ko, mag-ha-hike daw kami ngayon ni Al kaya minabuti ko nang kumpleto ang mga gamit ko. Kasama dapat namin ngayon si Loki at Lori kaso ay hindi sila available kaya kaming dalawa na lang ni Al.

Alas dos palang ng umaga ay gumising na ako para maghanda. Mas maganda daw kasing magsimulang mag-hike around 4 AM, para hindi mainit at para maabutan ang papasikat na araw.

Maya-maya lang ay narinig ko na ang tawag ni Tita sa akin, dinala ko ang malaking back pack saka lumabas. Lumapit agad sa akin si Al para tulungan ako sa gamit ko.

"Mukhang excited ka ah" nakangiti niyang sabi sa akin pagkapasok namin sa sasakyan. "S'yempre naman, first time ko mag-ha-hiking eh"

"I'm sure mag-eenjoy ka"

Halos kalahating oras lang ang tagal ng biyahe bago kami nakarating sa Mabalacat, Pampanga. We arrived at Clark's Green Canyon Eco Art Resort, kung saan pwede makapag-hike sa Mt. Balakbak.

Bukod sa 'min ay may iba rin kaming kasabay sa pag-ha-hiking, may tour guide din kaming kasama. Hindi masiyadong matarik ang mga daanan paakyat sa bundok kaya hindi masiyadong nakakapagod pero lagi pa rin akong inaalalayan ni Al. Kanina pa nga niya hawak ang kamay ko para daw hindi ako matisod lalo na at medyo madilim pa.

Mahigit isang oras ang tinagal at nakarating na din kami sa summit. Naglatag si Al ng mantel sa damuhan para makaupo kami habang hinihintay ang sunrise.

"Napagod ka ba?" tanong niya, umiling ako. "Hindi gaano" sagot ko.

"I brought a hot chocolate for you, here, you can drink it while its hot"

"Thank you" kinuha ko sa kaniya ang maliit na basong inabot niya. Mainit pa iyon, tamang-tama dahil medyo malamig dito sa taas.

Napansin kong medyo manipis ang jacket na suot ni Al, kinuha ko ang back pack ko at kinuha ang regalo ko sa kaniya.

"Al" tawag ko sa kaniya.

"Hmm?"

"May gift ako sa 'yo"

"Really? What is it?"

"Tsaraaann" pinakita ko sa kaniya ang puting scarf na gawa ko para sa kaniya. Napangiti siya at kinuha iyon, "This is for me?"

"Of course, naalala mo ba no'ng tinuruan mo akong maggantsilyo? That was 2 or 3 months ago, dapat ay tapos na yan dati pa kaso may mga unexpected na nangyayari. When I found this, sinubukan kong tapusin. Sorry, kung medyo natagalan. Pero maganda naman 'di ba?" nahihiya akong tumingin sa kaniya. Napatigil ako nang makitang malawak ang ngiti niya habang nakatitig sa akin.

"B-bakit ganiyan ka makatingin?" nahihiya kong tanong, "I'm just happy, unlike before na madali kang makalimot, ngayon ay natatandaan mo na lahat kahit ilang buwan na ang lumipas. I'm really happy for your improvement Jamie."

"And that's because of you and also Lori. Hindi niyo kami sinukuan ni Loki, you were there on our hardest time. You were there when we needed help. And I really thank you for that Alistair."

Ilang segundo kaming nagkatitigan habang parehas na nakangiti, nauna akong umiwas dahil parang matutunaw ako sa titig niya. Kinuha ko sa kaniya ang scarf, "Amin na nga yan, isusuot ko sa 'yo"

Lumapit ako sa kaniya at ako na ang naglagay noon, paikot sa leeg niya.

"Does it look good on me?" he asked and I nodded.

"Actually, mas gumwapo ka nga eh" sabay kaming napangiti.

Napalingon ako nang mapansin ang papasikat nang araw, "Al, bilis video-han mo" sabi ko sa kaniya

Nilabas ni Al ang dalang Digi-Cam para mas malinaw na makuhaan ng video ang papasikat na araw. Sobrang saya ko habang nakatitig sa magandang sinag ng araw. It's worth hiking and waiting for this, sobrang ganda.

"Jamie"

Agad akong napalingon kay Al, nakatapat na sa akin ang camera na hawak niya. Ngumiti naman ako at kumaway doon.

"You look beautiful, Jamie" Al whispered making me blush. Napahawak tuloy ako bigla sa pisngi ko.

"Let's take a picture together" bigla niyang sabi, nilabas niya ang tri-pod na dala saka ipinwesto hindi kalayuan sa 'min. Pagka-set up noon ay dali-dali siyang lumapit sa 'kin.

He held my shoulder and pulled me beside him. Kahit nagulat ay ngumiti pa rin ako. Nakailang shots pa kami bago bumalik sa inuupuan para panoorin ang araw at ang kalangitan, habang kumakain ng sandwich na dala niya.

"I have something to confess to you Al" I suddenly said.

"What is it?"

Ilang segundo muna akong tumahimik, huminga ng malalim saka tumingin sa kaniya. "I..."

"I already regained my memories" mahina kong sabi pero alam kong sapat na para marinig niya.

Hindi agad siya nag-react, akala ko ay wala lang sa kaniya. Pero biglang nanlaki ang mata niya at napaawang ang labi, "R-really? Are you sure? As in, naaalala mo na lahat?" hindi makapaniwala niyang tanong. Tango lang ang isinagot ko sa kaniya.

Bigla niya akong hinila at niyakap, "I'm so happy for you Jamie" napangiti ako at yumakap pabalik.

"Thank you so much Al for being there for me. For giving me hope and for helping me start a new beginning." I said while crying in so much happiness.

゚。・*.゚☆✿◕ᴗ◕✿☆゚.*・。゚

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

➜Nevaeh's Note: PL AU Request is temporarily close at the moment. I'll finish the first batch of requests first before accepting again. Hopefully, you’ll like how I wrote your requests, I really did try my best to write them •ᴗ•

▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬

Request receipt:
This request was not directly sent on my sayout so I copied it and sent it myself for consistency :)

Continue Reading

You'll Also Like

9.2K 284 18
AshMatt fanfic
166K 5.2K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
41.4K 1.4K 100
Classmates turns to Lovers. "I will always love you, FOREVER"
183K 12.2K 56
| COMPLETED | METRO MANILA, PHILIPPINES YEAR 2051 Kaya mo bang lumaban para mabuhay? O magiging duwag ka hanggang sa mamatay? Kaya mo bang makatakas...