𝕮𝖔𝖚𝖍 𝕸𝖔𝖈𝖍 (Self-Publi...

By FancyErah

2.1K 386 220

Isang sumpaan ang gagambala kay Jessica sa pagbabalik niya sa Pilipinas. Sa muling pagpapakita ng multo mula... More

Couh Moch
Prologue
✟ CHAPTER 1 ✟
✟ CHAPTER 2 ✟
✟ CHAPTER 3 ✟
✟ CHAPTER 4 ✟
✟ CHAPTER 5 ✟
✟ CHAPTER 7 ✟
✟ CHAPTER 8 ✟
✟ CHAPTER 9 ✟
✟ CHAPTER 10 ✟
✟ CHAPTER 11 ✟
✟ CHAPTER 12 ✟
✟ CHAPTER 13 ✟
✟ CHAPTER 14 ✟
✟ CHAPTER 15 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 16 ✟ (Alexander's POV)
✟ CHAPTER 17 ✟
✟ Epilogue ✟
✟ Epilogue 1 ✟
✟ Epilogue 2 ✟
✟ Special Chapter (Lukas POV) ✟
✟ Special Chapter 1 (Before The Wedding) ✟
✟ Special Chapter 2 (Before The Wedding ✟
✟ Special Chapter (Michael's POV) ✟
Physical Book Is Coming!!!
Couh Moch Pre-order

✟ CHAPTER 6 ✟

68 14 5
By FancyErah

"OKAY ka lang ba?" tanong niya sa akin.

Napatingin ako sa kaniya. Nakatayo siya na nakalagay ang kaniyang mga kamay sa bulsa ng puting coat niya. Habang hinahabol ko pa rin ang aking paghinga kaya hindi ko magawang sagutin ang kaniyang tanong agad. Para akong galing sa pagtatakbo sa isang malawak na oval.

"Ito inumin mo muna." Inabot niya sa akin ang isang bottled water na kinuha niya sa mesa na nasa harapan ko.

Inabot ko ito at sinimulang buksan. Lumagok ako ng mga limang beses para maibsan ang hingal kong paghinga. Pagkatapos kong inumin iyon ay nagtanong ulit ang matandang doktor sa akin. "Ano ang nakita mo? Nasagot ba ang tanong na gusto mong malaman? "

Tumingin ako sa kaniya at sinabing, "Bahay namin—mama ko at kapatid ko."

"Ibig sabihin ay totoong may kapatid ka. Mabuti at nasagot na ang katanungan na ninanais mo Mrs.?"

Marahan akong tumango sa kaniya. Tumayo na ako at inalalayan niya ako sa aking pagtayo. Inayos ko ang aking sarili at ngumiti sa doktor.

"Salamat po, dok," pasasalamat ko.

Kaagad akong tumalikod sa kaniya nung ngumiti siya sa akin. Nilisan ko kaagad ang kuwarto. Nabayaran naman na namin ang session bago kami nakapasok sa loob.

Paglabas ko ay nakita ko kaagad ang aking asawa na palakad na pabalik-balik sa isang maliit na pasilyo ng Clinic. Nilapitan ko siya at nang makita niya ako ay kaagad siyang lumapit sa akin. Hindi ko matansiya kung galit ba siya o nag-alala. Pagkalapit niya sa akin ay kaagad niya akong niyakap. Tinapik ko naman ang likod nito. Nag-alala nga siya. Nang kumalas na siya sa pagkayakap sa akin ay hinawakan niya ang magkabilang shoulder ko.

"Okay ka lang ba? Ano ba ang nangyayari, Jessica?" alalang tanong niya sa akin.

Pilit akong ngumiti sa kaniya. "I'm fine. Alam ko na ang katotohanan."

Biglang bumilog ang mga mata niya at napadiin niya ang kaniyang paghawak sa aking balikat. "Anong nalalaman mo?" tanong niya sa akin na may asik na kaniyang boses.

Bigla-bigla lang siyang nagalit. Dahil sa inasta niya ay bigla akong natakot sa tono ng boses ng asawa ko. Biglang nag-flashback sa utak ko ang banta ng bata at Mang Ricardo. Biglang nanginig ang tuhod ko ng marinig ko ang boses niya na parang galit.

At may biglang sumaging maliit na imahe akong nakita dahilan para sumakit ang aking ulo. Parang tinutusok ang sentido ko ng matalas na karayom. Napaatras ko ang aking sarili sa kaniya dahilan na makawala ako sa pagkahawak niya sa akin. Unti-ubting lumabo ang aking paningin. Naging blurry ang mukha ni Xander ng tingnan ko ang mukha niya. Pero kahit ganun ay nakikita ko na magpag-alala ang mukha niya.

"Jessica! Jessica!" rinig ko ang kaniyang boses pero pa-echo ito. Ang mukha niya ay parang nagswi-switch bigla ng batang bersyon niya mga eighteen or twenty years old niya.

Naramdaman ko na lamang ang aking likod na may braso na nakalapat dito. Sinalo ako ng asawa ko sa aking pagkabagsak. Tiningnan ko kaniyang gwapong mukha na ngayon ay klaro na.

"Did we met before?" I ask him.

"Huwag ka na munang magsalita. You are not in a good shape."

Dahan-dahan niya akong tinayo at inalalayan palabas ng clinic. Nakita ko rin ang iilang staff ng clinic na nagbubulungan dahil sa nangyari. Hindi ko halos mailakad ang aking sarili na para bang may pinapasan akong mabigat. Siguro ay dahil ito sa stress na natamasa ko, ilang araw na o hindi kaya epekto ng hypnosis.

Pagkalabas namin sa gusali ay kaagad kami nagtungo sa kotse at pinagbuksan niya ako ng pintuan at pinasakay. Nasa likod niya ako pinaupo—humiga na lang ako para kahit papaano ay maipikit ko abg mga mata ko. Kaagad siyang nagtungo sa driver seat. Hindi pa man din ako nakapikit ay nakita ko sa salamin na seryoso niyang pinaandar ang kotse.

Hindi na ako umiimik pa. Wala ma akong enerhiya kahit sa pagbuka pa ng aking bibig. Ipinikit ko na lamang ang aking mata.

💀💀💀

"YCA? Yca?" mahinang narinig ko ang aking pangalan.

Marahan kong ibinuka ko ang aking mga mata, medyo malabo pa ang nakikita ko at napansin kong si   Xander ang pumukaw sa akin. Umupo ako nang maayos at iginala ko ang aking mga mata sa labas ng kotse. Nakita kong nasa harap pala kami ng ospital. Ramdam ko ang pagkunot ng noo ko dahil dun.

"Ano ginagawa natin dito, Xander?" tanong ko sa kaniya.

"Kailangan mo magpatingin sa doktor. Nakalimutan mo bang nakita kita sa banyo na nakahandusay? At kanina? Nanghihina ka Yca. Siguro nabinat ka. Kalalabas mo lang kahapon, mahal. "

Alam kong nanghihina ako pero dahil yun sa stress. Anxiety lang siguro ito kaya ayoko nang magpatingin sa doktor.

Nginitian ko siya. "Huwag na mahal. I'm definitely fine."

"No, 'wag matigas ang ulo, Yca." asik niya.

I rolled my eyes. Kapag ganito kasi ang eksena namin ay palaging siya ang nanalo.

Lumabas siya ng kotse at pinagbuksan niya ako ng pinto. Wala akong nagawa kundi sundin na lamang ang kagustuhan ng aking asawa. Naka-cross-arm akong lumabas at naka-ismid sa asawa kong pinagbuksan ako ng pinto. Kaagad niyang hinawakan ang aking kanang kamay at sabay na kaming pumasok sa loob.

Nagtungo agad kami sa Information Desk at narinig kong nagtanong na si Alexander kung saang floor ang puwedeng ipa-check ako. Pinabayaan ko lamang siya at sumunod lang sa kaniya. Mayamaya ay biglang sumakit ang ulo ko at naduduwal ako.

Hindi ako nakapagpaalam kay Xander at dumaretso agad ako sa banyo.

TAHIMIK kaming nakaupo sa kotse habang umaandar ang sasakyan. Hindi ko alam ano ang magiging reaksyon ko sa sinabi ng doktor kanina. Sa gilid ng bintanang sarado lang ako nakatanaw. Ang ulang tubig ang nagpapalabo sa salamin ng kotse sabay sa malumo kong nararamdaman.

"Mahal, okay ka lang?" biglang pagputol ni Alexander sa katahimikan.

Hindi ko magawang sagutin ang tanong niya. Hindi pa rin mawala sa isipan ko si Mochel at may dumagdag pa.

Ang sabi ng doktor ay bawal daw akong mai-stress. Ngunit paano ko gagawin yun kung may multong kumagabla sa akin. At nalaman ko pang kapatid ko pala. Naghahanap yata siya ng hustisya at ako lang ang makakatulong sa kaniya. Pero paano ko gagawin yun kung may dinadala ako ngayon?

"Pagkauwi natin magpahinga ka kaagad, ha. Iyan ang sabi ng Doktor na hindi ka puwedeng ma-stress dahil sa kalagayan mo."

Dahil sa narinig ay kumawala ako nang buntonghininga. I'm out of words. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin—isasagot sa asawa ko.

"Hindi ka ba natutuwang buntis ka, Jessica?" mala-otoridad na boses niyang tanong sa akin. Nag-iiba talaga palagi ang mode niya. Naiintindihan ko naman pero ayaw ko siyang patulan. Paano ko naman sasabihin sa kaniya ang tungkol sa kakambal ko, hindi ba?

Nakita niya siguro sa passenger mirror ang aking mukha na malungkot. Inayos ko uli ang aking sarili at marahang ngumiti upang makita niya sa salamin na masaya ako. "Ano ba iyang pinagsasabi mo riyan? Syempre natutuwa akong mabuntis," sagot ko sa kaniya.

Dahil sa sagot ko ay hindi na muling nagsalita si Alexander, siguro ay galit na talaga siya sa akin. Pero wala akong pakialam. Isa lang ang gusto ko ngayon. Ang matahimik ang kapatid ko.

"Alam ko namang kinakailangan ko mag-bed rest dahil sa mga nangyayari, mahal," dagdag ko para magsalita ulit si Alexander.

"Dapat lang, Yca," maikling tugon niya sa akin.

Tumahimik na ulit ako at tumingin ulit sa labas ng bintana. Bakit pa kasi nabuntis kaagad ako? Kailangan ko pang puntahan ang lumang bahay namin sa Cavite. Hadlang ito para sa kagustuhan ko na matahimik ang kapatid ko.

Ano ba kasi ang malalalim na dahilan para multuhin ako ng aking kapatid? At paano siya namatay? Bakit hindi ko maalala ang lahat ng nangyari nung kabataan pa ako? Parang mababaliw na yata ako!

At bakit parang—may kuneksyon si Xander sa pagkamatay ng kapatid ko. Hindi ako sigurado pero . . . parang may kutob akong may kinalaman siya.

Nabaling ulit ang aking atensyon nang huminto ang sasakyan. Nakarating na pala kami ng bahay. Lumabas si Xander at pinagbuksan niya ako ng pinto; palagi pa rin kasi akong nahihilo siguro epekto ito sa lahat ng stress na encounter ko this month. Inalalayan ako ng aking asawa at nagtungo na kami sa loob ng bahay.

Dumiretso kaagad ako sa kuwarto at umupo sa may gilid ng kama. Hinihintay kong umalis ang aking asawa upang makaalis ulit ako. Pupuntahan ko ang lumang bahay namin sa Cavite. Alam kong mahina pa ako pero hindi ako matatahimik kapag hindi ko mapuntahan ang bahay na yun.

Kung hindi lang sana ako nahilo nang matapos ang hipnotize hindi namin nalaman na buntis ako ay siguro ay nandun na ako sa Cavite. Buti na lamang at may senyales kung hindi ay kawawa ang batang nasa sinapupunan ko. Sa ob-gyne agad ako dinala ni Xander kanina nang malaman niyang sumusuka ako.

Ibinagsak ko ang aking sarili sa malambot na kama at tulalang nakatanaw sa malawak na kisame.

Narinig ko ang pintuan na bumukas kaya napakurap ang aking blankong kaisipan. Nakita ko ang anino ng tao na palakad patungo sa aking kinaroroonan ko. Hindi ko na inusisa at hindi na ako nag-abalang tumayo at hinihintay na lamang siyang makarating sa kama. Pakakuwa'y ay tumabi na siya sa akin. Dahan-dahan akong lumingon sa kaniyang kinaroroonan pero lumakas ang tibok ng aking puso nang makita ang katabi ko. Naiiatras ko ang aking sarili sa kama habang napadiin kong hinawakan ang kumot. Ang lamig ng aircon ay napalitang ng nakakakilabot na lamig sa buong sistema ko.

Nakangiting nakatingin si Mochel sa akin na ang mga mata nito ay halos puti na lahat. Hindi mawala ang kaba ng aking dibdib at hindi ko namalayang nasa gilid na pala ako ng kama. Kapag gagalaw pa ako ay sigurado akong mahuhulog na ako.

Hindi ko magawang magsalita o magtanong. Isa lang ang alam ko, takot ako sa kalagayan ko ngayon. Nagsimula ng uminit ang aking mata sa luhang hindi ko mailabas. Gusto ko umiyak sa takot pero nanaig sa akin ang galit na kahit ako ay hindi ko maintindihan.

Namalayan kong may tumatapik sa aking kanang may balikat. Ano ito? Bakit parang naramdaman kong may tumatapik sa balikat ko?

Dahan-dahang nawala ang imahe ni Mochel na nakatitig sa akin at doon ko pa lamang napagtanto na panaginip lang pala ang lahat. Ibinuka ko ang aking mata at nakita ko ang isang kasambahay namin.

"Nandiyan pa rin ba ang iyong among lalaki?" hindi ko maalala ang kaniyang pangalan kaya hindi na ako nagbangit ng pangalan.

Nakita ko lamang itong umiling kaya kaagad akong bumangon. Hindi na ako nagbihis at kinuha ang susi ng aking kotse.

"Ma'am, bilin po ni Sir Xander na huwag ho kayong paalisin!" dinig ko na sigaw ng kasambahay pero hindi ko na siya pinansin at nagtungo agad sa aking kotse.

Pinaandar ko kaagad ang kotse at pinaharurot ito patungo sa Cavite. Hindi ko alam kung ilang minuto ko lamang biniyahe ang Cavite mula Pasay dahil sa kagustuhan kong malaman ang katotohanan ng nangyari sa aking kapatid.

💀💀💀

Rosal Residents

NAKARATING ako sa isang maliblib at nagkalat na madamong nakaharang sa isang kinakalawang na malaking gate na may nakamarkang malaking desenyong letrang R sa ibabaw. Akala ko ba may nangangalaga sa bahay namin? Pero bakit ganito na ang paligid nito? Sinuot ko ang naglalakihang talahiban na halos lagpas na sa aking taas na nakaharang sa gate, iwinaksi ko ito gamit lamang ang aking mga kamay.

Sa wakas ay nakita ko na ang malawak na bermuda grass; na halatang hindi nalilinisan. Ibang-iba ang paligid noon kaysa ngayon. Nagmukhang nakakatakot kasi ang bahay dahil mukhang pinapabayaan na lamang ito.

Tinanaw ko ang kabuan ng bahay at ipinikit ko ang aking mata para imaginen ang magandang desenyo nito noon. Inamoy ko ang simoy ng hangin atsaka ko binuksan ulit ang aking mata. Natuon agad ang aking pansin sa isang fountain na noon ay paborito naming magkapatid na iniikot-ikot habang naglalaro. Pumunta muna ako roon at hinawakan ang tuyong nilumot na ang semento.

Napangiti ako bigla ng maalala ko ang masayang araw na kasama ko si Mochel. Pagkatapos kong pagmasdan ang fountain ay nagsimula na akong maglakad patungo sa hagdanan patungo sa looban ng bahay. Grabe ngayon ko lang napagtanto na malaki pala ang bahay namin noon.

Tinahak ko ang marumi at maraming nagkalat na patay na dahon sa paligid. Ang mga haligi ng bahay ay may mga wild vines nang umaakyat sa kabuuan ng bahay. Nang marating ko ang malaking pintuan ay kinuha ko muna ang spider web na nakalibot sa door knob ng bahay.

Kaagad kong binuksan ang bahay pero naka-lock pala ito. Nakapamaywang akong naiinis dahil hindi ako makapasok sa loob. Hindi ko alam kong ano talaga ang sadya ko sa bahay na ito. Baka gusto ko lang taalaga makita ang bahay para may maalaala ako. At baka may makita akong ebidensya or trail sa pagkamatay ng kapatid ko.

Biglang sumagi sa isipan ko na may sekretong lagayan pala kami ng susi na kaming pamilya lamang ang nakakaalam. Tumingala ako at nakita ko ang isang naka-hanging wind chime. Malikabok at pinamamahayan na ng mga gagamba. Pagkatapos ay kinuha ko ang isang silyang kahoy sa may gilid ng pintuan at iyon ang ginamit ko para tumungtong upang makuha ko ang susi. Pagkatuntong ko ay inabot ko ang susi sa ibabaw ng wind chime. At hindi nga ako nadismaya. May spare key na nakatago pa rin doon. Kaagad kong binuksan ang bahay.

Pagbukas nito ay bumungad sa akin ang bahay na malawak na maraming nagkalat na cobwebs sa loob. Kinuha ko ang aking cellphone at ina-on ang flashlight dahil medyo madilim ang loob. Mag-aalas sais na rin kasi ng gabi. Nagsimula na akong maglakad sa malawak na salas ng bahay. Nakita ko ang hagdanan patungo sa itaas na sa pagkakatanda ko ay may limang kuwarto; dalawa para sa aming dalawa ni Couh at ganoon din ang aking mga magulang. Lahat kami ay may sariling kuwarto at iyong isa ay bakante lamang. Dinala ako ng aking mga paa sa isang mahabang hapagkainan, grabe ang haba nito. May mga imahe na naalala ako habang tinitigan ang mesa. Mga alaala na nakangiti kaming apat habang kumakain ng masasarap na inihanda sa mesa.

Bigla akong naigtad nang may narinig akong may nabagsak na isang babasagin mula sa salas. Kaya marahan akong nagmasid kasi baka may ibang tao sa bahay bukod sa akin. Inusisa ko ang lahat ng sulok pero wala akong nakita. Baka may pusa lang na nakabasag ng kagamitan sa loob. Parang nabunutan ako ng tinik ng masigurado kong ako lang mag-isa sa bahay.

Sa pagtalikod ko ulit ay napansin ko ang isang makitid na hagdanan tapat sa may kusina. Naalala ko na, ito ang daanan patungo ng basement. Kailangan kong pumasok sa loob dahil gusto mo makita ang loob at para maalala ang nangyari noong bata pa lamang kami ni Moch. Madalas kasi kaming dalawa pumunta sa basement at doon namin sinusulat ang hiling at pangako sa isa't-isa.

Dahan-dahan akong bumaba at tanging ilaw ng cellphone ko ang nagpapailaw sa madilim na hagdanan. Tatlong hakbang pa lamang ako pero may nararamdaman na akong malamig na hangin na sumagi sa aking mukha; dahilan para tumaas ang balahibo ko mula batok hanggang sa buo kong katawan. Pero hindi pa rin ako nagpapapigil at nagtungo na talaga sa basement.

Nang marating ko ang pintuan ay kaagad ko itong binuksan. Buti na lang ay hindi ito naka-lock. Nakapasok na ako sa loob at kinapa ko sa may dingding ang switch nagbabasakali na umilaw ang ang loob ng basement.

Pagka-click ko nito ay umilaw kaagad ito at may tumambad sa aking harapan dahilan para magulat ako.

To be continued. . .

💀💀💀

Continue Reading

You'll Also Like

6.2K 582 15
Paano ka mananalo sa larong tagu-taguan kung hindi mo alam kung sino ang taya? Hindi ka mananalo, dahil pinaglalaruan ka lang ng tadhana. -COMPLETED...
37.9K 1.6K 62
(COMPLETED) Gangster Series #2 Krisha grew up in a happy, complete and loving family. She's known for being bold of her opinion, brave and spitef...
72.9K 2.2K 36
[Formerly known as Four Princes and I] Si Joy Palmes ay isang promdi na nag-aaral sa isang prestihiyosong unibersidad sa siyudad ng Liazarde. Masaya...
257K 1.7K 7
Demon Derius Lopez AVAILABLE IN DREAME