Via Dolorosa

By Dimasilaw_101

4.1K 403 2.9K

Sa taong 1891, ang Bayan ng San Fernando ay nababalot pa rin ng mga kakaibang nilalang. Ano kaya ang magiging... More

PAUNANG SALITA
Kapitulo - II
Kapitulo - III
Kapitulo - IV
Kapitulo - V
Kapitulo - VI
Kapitulo - VII
Kapitulo - VIII
Kapitulo - IX
Kapitulo - X
Kapitulo - XI
Kapitulo - XII
Kapitulo - XIII
Kapitulo - XIV
Kapitulo- XV
Kapitulo - XVI
Kapitulo - XVII
Kapitulo - XVIII
Kapitulo - XIX
Kapitulo - XX
Kapitulo - XXI
Kapitulo - XXII
Kapitulo - XXIII
Kapitulo - XXIV
Kapitulo - XXV
Kapitulo - XXVI
Kapitulo - XXVII
Kapitulo - XXVIII
Kapitulo - XXIX
Kapitulo - XXX
Kapitulo - XXXI
Kapitulo - XXXII
Kapitulo - XXXIII
Kapitulo - XXXIV
Kapitulo - XXXV
Kapitulo - XXXVI
Kapitulo - XXXVII
Kapitulo - XXXVIII
Kapitulo - XXXIX
Kapitulo - XL
Kapitulo - XLI
Kapitulo - XLII
Kapitulo - XLIII
โ€ขCapรญtulo Especialโ€ข
Aรบn No Es El Final
Author's Note
Via Dolorosa

Kapitulo - I

323 23 106
By Dimasilaw_101

[LAS ISLAS FILIPINAS, 1891]

(Pebrero 1, 1891)

MASAYA ang lahat sa pagdiriwang ng ikalabing-walong kaarawan ni Via Dolorosa. Lahat ng kakilala ay nakidiwang sa handaan.

"Ang ganda ng aking pamangkin!" Saad ni Señora Ariana.

"Salamat po, Nanang Aring! Hindi po ako mag mu-mukhang tao kung wala ang tulong ninyo." Biro pa ni Dolorosa.

Tumawa naman si Señora Ariana sa magpabirong pamangkin. "Naku! Kahit medyo masakit na itong tuhod ko ay tuloy pa rin ako sa pag suporta sa inyong magkakapatid."

"Ano na ang kaganapan dito?" Tanong ni Señora Amanda na ngayon ay nakikitaan na ng katandaan. Maputi na ang buhok at kulubot na ang balat pero hindi pa rin mapagkakailang nanatili ang kagandahan niya.

"Malapit na, ate." Tugon ni Señora Ariana.

"Ang ganda mo, Dolor! Tiyak na pagtitinginan ka ng mga Ginoo sa labas." Manghang sabi ni Señora Amanda.

"Nanang Amanda, wala ho akong interes sa kanila" Depensa pa ni Dolorosa sa tiyahin.

"Sus!" Tukso pa ni Señora Amanda sa pamangkin.

Pagkatapos ayusan ni Señora Ariana si Dolorosa ay pinasuot nila ito ng magarbong baro at saya na kulay pula at may nakadisenyong bulaklak sa buhok niya.

"Ang ganda ng aking anak!" Ani Doña Araceli. Napayakap agad siya rito at hinalikan sa pisngi. "Dapat maging tunay na dalaga na ang iyong kilos ha? Hindi na iyong magaslaw."

"Ina naman, talagang dalaga na ho ako." Sagot ni Dolorosa.

"O sige, halika na. Lumabas na tayo para makita nila ang iyong kagandahan"

Kinakabahan man si Dolorosa ay napangiti na lamang siya sa kaniyang ina.

Sa kalagitnaan ng nakakaindayog na tugtog na nagmumula sa mga bandurria, ay naroroon si Don Xavier na masaya at abala sa pag k-kwentuhan sa mga bisita.

"Tiyak na pinakamagandang dalaga si Dolorosa dito sa baryo," Pakli ni Timoteo na siyang anak ni Don Mateo at Doña Catalina.

"Siyang tunay," Sagot pa ng binatang si Valentino na anak ni Señora Ariana at Señor Crisologo.

Napangiti na lamang si Xavier sa sinabi nila. Maya-maya ay bigla na lamang siyang inagbayan ni Don Mateo na kagagaling lamang sa bayan upang bilhan ng regalo si Dolorosa. Kasama niya rin ang kaniyang naging asawa na si Doña Catalina.

"May tagay ba rito?" Pabirong sambit ni Don Mateo.

Napangisi na lamang si Don Xavier. "Syempre naman,"

Nagtawanan silang dalawa at natigil lamang ito nang biglang magsalita si Oliver sa harapan--- ang panganay na anak ni Don Xavier at Doña Araceli.

"Magandang hapon sa lahat! Narito po tayo dahil sa ika-labing walong kaarawan ng aming pinakamamahal na bunso. Kami'y nag pa-pasalamat dahil kayo ay dumalo at gustong matunghayan ang kaganapan sa araw na ito," Tumango muna si Oliver sa ama, senyales na gusto niya itong pumunta sa kaniya sa harapan. "Ama, samahan mo ako rito sa harapan para sabay-sabay nating salubungin si Dolorosa."

Sumunod naman si Don Xavier.

Sa labas ng mansyon ng Sarmiento gaganapin ang piging dahil mas malawak ito at maraming tao ang makakadalo.

Tinanguan din ni Oliver ang dalawang kapatid na tabihan siya.

"Makikita na naman sa madla ang taglay kong kagwapuhan," Bulong ni Marco. Narinig naman iyon ni Oliver at Adrian.

Napaismid lamang si Adrian. Samantalang si Oliver ay hindi na lang nagpahalata na naiinis at nasusukot siya sa kayabangan ng kapatid.

"Heto na, ang aming magandang bunso! Via Dolorosa Sarmiento!"

Nagpalakpakan ang lahat nang lumabas si Dolorosa mula sa malaking pinto, kasama ang ina nito. Sumunod din na lumabas si Señora Amanda at Señora Ariana.

Halos malaglag ang panga ng mga binatang Ginoo nang makita ang kagandahan ni Dolorosa.

Pangiti-ngiti naman si Dolorosa sa mga bisita at nagbigay galang. Ngunit sa kalagitnaan ng kaniyang pagtingin sa mga madla ay may napansin siyang isang binata na nakatayo lamang at seryosong nakatingin sa kaniya. Siya lamang ang hindi pumapalakpak o ngumingiti sa bawat taong dinadaanan siya.

Hindi na lamang iyon pinagtuunan ng pansin ni Dolorosa, bagkus ay humalik na lamang siya sa mga pisngi ng magulang at mga kapatid.

NATAPOS na ang sayawan at oras na ng hapunan. Maraming handa ang nakalatag sa mga mesa. Hindi rin basta basta ang mga bisitang dumalo dahil ang iba ay nabibilang sa alta sociedad.

Inilibot ni Dolorosa ang kaniyang paningin. Nakita niya ulit ang misteryosong binata na nakatayo malapit sa isang poste ng ilaw malapit sa ilog.

"Ina, g-gagamit muna ako ng palikuran," Pagpapaalam ni Dolorosa sa kaniyang ina na abalang nakikipag-usap sa kaniyang mga tiya at kay Doña Catalina.

"Sige, anak... hindi ka ba magpapasama kay Immaculada?" Tanong ni Doña Araceli.

"H-hindi na po. Baka ma-disturbo ko po ang kaniyang pag kain." Tugon ni Dolorosa. Napasulyap muna siya sa kaniyang kaibigan na si Immaculada De Lopez na masayang kumakain kasama ang ama at ina.

Tumango na lamang si Doña Araceli. "Mag ingat ka."

Pero ang totoong pakay ni Dolorosa ay ang sundan ang misteryosong binata. Kanina pa siya binabagabag ng sarili, tila kumakati ang kaniyang paa na puntahan ang binata at makilala.

Palingon-lingon pa si Dolorosa sa paligid baka makita siya ng kaniyang ama o mga kapatid na lalaki, tiyak mapagsasabihan na naman siya.

Apat na dipa na lamang ang pagitan sa kanilang dalawa ngunit parang may humaharang na alambre sa lalamunan ni Dolorosa na tila ang hirap magsalita. Kinakabahan na siya at nag da-dalawang isip na kausapin ang binata.

Aalis na lang sana si Dolorosa nang biglang nagsalita ang binata.

"Via..."

Naninibago si Dolorosa sa pagtawag sa kaniyang unang pangalan, mas nakasanayan siya na tawaging 'dolor' o 'dolorosa'.

Napalingon si Dolorosa, doon niya lang napagtanto na may kakaibang karisma ang binata.
"Ha? Ah---b-bisita ka ba namin?" Wala sa sariling tanong ni Dolorosa. "A-ang ibig kong sabihin ay kumain ka na ba sa piging? Ay! Mali..." Pinagpapawisan na si Dolorosa dahil sa hindi konektadong tanong niya na parang walang saysay.

"Oo, bisita niyo ako." Ikling tugon ng lalaki. "Hindi mo lamang ako masyadong nakikita dahil hindi ako lumalabas ng aming tahanan."

"Takot ka ba sa araw?"

Napangisi ang binata. "Hindi...wala sa aking kalooban ang makipag-halubilo."

"Ganoon ba? bakit ngayon ay naisipan mo?"

"Dahil kaarawan mo?"

"Hindi naman kita kilala." Tugon ni Dolorosa.

"Ako, kilala kita."

Kinabahan si Dolorosa sa naging pakli ng binata. "Baka espiya ka?"

"Kung espiya ako, may panahon pa ba ako makipag-usap?"

"Sabagay... Uuwi ka na ba Ginoo?"

"Oo."

"Sandali nga, hindi naman pwede iyon na kilala mo ako pero hindi kita kilala. Alam mo, may kapatid akong lalaki na kasing-edad mo. Pwede mo siyang maging kaibigan." Ani Dolorosa. Hindi na niya mapigilan ang pagiging madaldal.

"Ahh... Ganoon ba, binibini?"

"Oo naman. Kaya ngayon, huwag ka na muna umalis. Ipakilala kita."

"Kailangan ko at baka hinahanap na ako sa amin."

"Ano? A-akala ko ba narito rin ang iyong pamilya?"

"W-wala...abala sila." Ani binata.

"Tiya Dolor!"

Napalingon si Dolorosa sa gawi ng isang batang babae. Kumaway pa siya bago lumapit.

"Luna? Bakit ka narito?"

"Sinundan po kita. Kagigising ko lang po. Pinag-siesta ako ni ina kanina, pero ang siesta ko ay naging tulog." Sabi ni Luna at ngumiti ng alanganin.

"Ganoon ba. Teka, siya nga pala---" Lumingon si Dolorosa sa gawi ng misteryosong binata ngunit nawala ito na parang bula. "M-may napansin ka ba na binata kanina, Luna?"

"Po? Wala naman. Nagtataka nga ho ako kung bakit ka nag-iisa rito sa tabing-ilog." Tugon ni Luna.

"Ano? Ikaw ba ay seryoso na wala kang nakita?"

"Hindi ko naman kasi kita agad tiya, alam mo naman takipsilim na."

Napahinga ng malalim si Dolorosa. Ngumiti na lamang siya ng marahan at hinawakan ang maliliit na kamay ni Luna.

Sa huling sandali, nilingon muli ni Dolorosa ang poste kung saan kanina lang ay doon nakatayo ang misteryosong binata.

"Halika na, tiya. Gutom na ako. Bigyan mo ako ng masarap na pagkain. Hindi ko abot ang inihaw na manok sa mesa." Reklamo ni Luna.

Tumawa na lang ng mahinhin si Dolorosa, sabay tango sa pamangkin.

KINABUKASAN, maaga pa ay nagising na si Dolorosa upang tingnan ang kaniyang munting hardin. Inaalagaan niya ito ng mabuti. Winiwisikan niya ng tubig lahat ng tanim tuwing umaga at hapon, masipag din siya mag bungkal ng lupa gamit ang maliliit na kalaykay.

"Aba, gising na pala itong unica hija ko." Sambit ni Don Xavier sa anak na ngayon ay abala sa pag gupit ng tuyong dahon.

"Opo, ama." Ani Dolorosa sabay ngiti.

"Tapusin mo agad iyan dahil mag-aagahan na tayo." Saad ng kaniyang ama at pumasok na agad sa kanilang tahanan.

Patuloy pa rin sa pag gupit si Dolorosa.

Habang abala ay nahagip sa gilid ng kaniyang paningin ang misteryosong lalaki. Pinakiramdaman niya ang paligid. Nararamdaman niya ang bawat hinga ng mga halaman.

"Ang bigat naman ng inyong paghinga... May bagyo bang darating? Sakuna? Ulan?"

Yumuko ng bahagya ang puno ng mangga.

Tumaas naman ang isang kilay ni Dolorosa sa pagtataka. "Hmmm...punong mangga, maari mo ba akong ilagay sa pinakatuktok ng iyong puno? Buhatin mo lang ako, may gusto akong makita."

Biglang pumulupot sa beywang ni Dolorosa ang sanga ng punong mangga at binuhat paakyat para makita ang kabuuan ng Barrio Querrencia.

Namangha si Dolorosa sa nakita. Isang kulay berdeng kabukiran, ang halimuyak ng mga halaman sa paligid, may mga ibong masayang lumilipad, at ang sariwang hangin na nanunuot sa kaniyang makinis na balat.

Sa kalagitnaan ng ganoong eksena ay nakita niya na naman ang misteryosong lalaki na nakahiga sa damuhan, pinalibutan siya ng mga putol na tangkay ng mga sanga na tila isa itong ritwal at siya ang alay.

"B-bakit siya nakarating kaagad diyan? Kanina lang ay nahagip siya ng aking paningin?" Nagtatakang tanong ni Dolorosa.

Samantala, ang misteryosong binata naman ay napabangon nang mapansin na may nakatanaw sa kaniya mula sa malayo.

Nagtama agad ang kanilang paningin ni Dolorosa.

"Naku! Ibaba mo na ako!" Tarantang sabi ni Dolorosa nang mapansin siya ng binata. "Bilisan niyo po!"

Agad na ibinaba siya ng puno na ikinabagsak ni Dolorosa sa lupa.

"Aray! Sabi ko lang na ibaba mo ako hindi ibabagsak." Reklamo ni Dolorosa at napahawak pa sa kaniyang balakang.

"Dolor, Bakit ka paika-ika maglakad?" Tanong ni Adrian nang mapansin ang kapatid na papasok sa mansyon.

"Ah---nadulas lang ako, kuya." Saad ni Dolor at sinabayan ng hilaw na ngiti.

"Mag-ingat kasi, magaslaw ka pa naman kumilos." Ani Adrian at ibinalik ang sarili sa pagbabasa ng libro kasama ang kaniyang isang basong tsaa.

Napairap na lamang si Dolorosa at patuloy na naglakad patungo sa kusina. Nakita niya agad ang kaniyang ama at ina na masayang nag-uusap.

Haaay! Mahal nga talaga nila ang isa't-isa.

Ani Dolorosa sa isipan at napangiti. Lumapit na lamang siya sa mesa at hindi nagpahalata na masakit ang balakang.

"Kain na, anak." Saad ni Doña Araceli kay Dolorosa.

Tahimik lamang si Dolorosa na sumandok ng pagkain. "Bakit po?" Nagtatakang tanong ni Dolorosa sa magulang dahil kanina pa siya tinitingnan.

"Ikaw ba ay ayos lang?" Tanong ng kaniyang ama.

"Po? A-ayos lang naman po, ama."

"Ganoon ba. Sige. Kumain ka na, anak." Seryosong tugon ni Don Xavier.

"Ama, m-may nakita po akong misteryosong binata na dumalo sa aking kaarawan kagabi. Nakita ko rin siya kanina, kilala niya ako, pero---" Natigilan si Dolorosa nang madulas ang kaniyang dila dahil isa sa mga ayaw ng kaniyang ama na makikipag-usap sa mga estranghero.

"Pero? Ano? Kayo ba ay nag-usap?"

Magsasalita na sana si Dolorosa pero biglang dumating si Oliver at ang asawa nito. Dala-dala nila si Luna na walang malay.

"Ama! Si Luna, nawalan na naman ng malay!" Tarantang sabi ni Oliver.

Agad na napatayo si Don Xavier at kinuha ang apo. Pumasok sila sa silid.

Napatayo rin si Dolorosa at sumunod din papasok.

"Kawawa aking apo!" Ani Doña Araceli.

"Sabi ko naman sa inyo na huwag niyong masyadong pagurin ang bata. Huwag ninyong hayaan na maghapon na nasa labas."

"Baka po napagod kagabi, nasiyahan sa kaarawan ni Dolor." Saad ni Oliver.

"Kahit na walang kasiyahan, dapat ilagay sa utak na hindi hayaan ang anak!"

Napayuko na lamang si Oliver at ang asawa nito.

"Hindi ako galit, pinagsasabihan lang kayo." Ani Don Xavier pero sa kanilang pandinig ay nagagalit ito dahil si Luna ang kaniyang kauna-unahang apo at ayaw niyang may masamang mangyari rito.

Napahawak si Dolorosa sa kwintas na buwan na iniregalo ng kaniyang ina kagabi.

"Ina, mas nababagay ho ito kay Luna." Saad ni Dolorosa at hinubad ang kwintas. "Kuya, isuot niyo ho ito sa kaniya kapag nagkaroon na siya ng malay." Sabay bigay nito kay Oliver.

Lingid sa kanilang kaalaman na ang kwintas na buwan ay siyang nabuo ng pulang buwan noong lumitaw ito. Marami ang namatay at nasugatan.

Ang kakayahan ng kwintas ayon sa namayapang pinuno ng Kongegasyon ay kaya nitong ibahin ang panahon, maaring gawing gabi ang umaga at kapag naisuot ito ng nangangailangan na nabibilang sa maharlika ay magkakaroon ng kakayahan na humaba pa ang buhay.

"Salamat, Dolor."

Napangiti na lamang si Dolorosa sa kaniyang kuya at sa esposa nito. Naaawa siya sa kaniyang pamangkin at hinihiling sa kalangitan na gumaling na si Luna.
-----

Talaan ng Kahulugan:

Alta Sociedad
(àl•ta•sos•ye•dàd)

: mataas na lipunan ; saray ng mayayaman at iginagálang.

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 741 25
Have you ever come to encounter a dangerous animal, broken and backed into a corner? It doesn't think clearly. It only has one thing on it's mind. S...
491K 10.9K 48
Sheltered shifter Celeste runs away after disappointing her parents with another failure to secure a worthy mate bond, but she accidentally stumbles...
6.7M 234K 41
"Who was your first kiss?" Ares asked very seriously and my face started reddening. "I. . . haven't been kissed. Yet." I looked away as I didn't have...
12.8K 411 57
DISCLAIMER: Please be reminded that this story is not mine. Any typographical or grammatical errors you might stumble upon while reading this story w...