Splintered Heart (Eastwood Un...

By waurdltsj

1.4M 38K 9.1K

Eastwood University Series #1: Adira Fayre Tuazon Graduate and get a degree. That's what Adira plans... More

Splintered Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Author's Note
Special Chapter
Special Chapter - Aspen's

Chapter 11

26K 840 92
By waurdltsj

Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay nagulat ako nang madatnan ko si Dad na nainom ng kape sa may kitchen counter, halatang may hinihintay. Nilibot ko pa ang aking tingin sa sala para sana mahanap si Mom pero bigo ako na makita ito. Siguro ay nasa ospital pa si Mom kaya hindi ko pa nakikita ito ngayon dito sa bahay. 

Nang mapansin ni Dad na pumasok ako ay agad itong ngumiti ng pagod at binati ako while asking me to come over to him.

"Hello there, princess." Sabi nito at tumayo para hagkan ako sa aking ulo. Napangiti naman ako at umupo sa tabing upuan nito.

"Where have you been?" Tanong nito sa akin at tiningnan ako ng mabuti, "You look happy." Pagbigay nito ng pansin sa aking aura kaya napapangiti akong napayuko ako.

"I just got home from school at naglibot saglit sa mall," saad ko dito at ngumiti. Ngumiti naman ito pabalik sa akin at sumimsim ulit sa kape niya. He looks really tired.

"It's Saturday. What are you doing at university?" Nagtataka nitong tanong nang mapagtanto na Sabado ngayon.

Dahil dito ay na-excite ako na i-kwento sa kaniya ang nangyari sa university kanina ngunit bago ko pa mai-kwento ay tumunog na ang cellphone nito.

Napabuntong hininga ito nang makita ang pangalan ng hospital. My Dad looked at me, asking permission if he could take the call so I nodded and smiled at him, allowing him to answer the call. It must be important. 

"Yes?" Sagot nito sa mahinahon na boses kaya tumalikod ako dito, kunwari ay hindi nakikinig sa kanilang pinag uusapan. Paniguradong wala na naman silang pahinga sa trabaho. Dati naman ay hindi ganito ang kanilang trabaho at minsan ay nakakapag outing pa kami. 

I heard him sigh for the nth time, "Okay. I'm on my way." Sabi nito at tumayo na. Bumaling ito sa akin at nagmamadaling nilagay sa sink ang mug na ininuman ng kape niya.

"I'm sorry, princess, but I need to go back at the hospital. They need me there." Paumanhin ni Dad at hinalikan ang aking noo. Naglakad na ito patungo sa pintuan without looking my way.

"Oh..." I trailed as I look down, "O-Okay, then. Take care, Dad!" Pilit kong pinasigla ang aking boses habang sinasabi 'yon at ngumiti ng pilit. Hindi na ito lumingon at dire-diretso nalang itong lumabas at pinaandar ang kotse.

Nang mawala na sa aking paningin ang sasakyan nito ay matamlay akong bumalik sa loob at dumiretso na sa aking kwarto. Hindi ko maiwasan na malungkot kasi kung dati all of them are here listening to my stories or what happened to my day. 

I sighed. Nasanay siguro ako na lagi nilang pinapakinggan ang mga kwento ko sa mga naging araw ko kaya ako nakakaramdam ng ganito. Gayunpaman, pinasigla ko ang aking sarili at inisip na may ibang araw pa naman na pwedeng i-kwento sa kanila ang nangyari kaya okay lang! 

Pumanhik ako pataas at nagsimula nang maglinis bago magpahinga. 











"Adira!" 

Isang malakas na katok sa aking pinto at malakas na boses ang naging dahilan ng pagkagising ko sa umaga. I sighed. Pwede naman siguro sila manggising ng hindi nilalakasan ang boses, 'di ba?

"Hoy, Adira Fayre! Gumising ka diyan! Sisirain ko talaga 'tong pinto. Tanghali na, myghad!"

Nang marinig ko ang boses na iyon ay wala sa sariling napairap ako. Napakalaki talaga ng bunganga ng babaeng 'yon!

"Adi---" 

"Isa pang sigaw, Dione, ako mismo sisira sa pinto at ihahambalos ko sa 'yo, peste ka." Inis kong saad bago mapahilamos ng mukha. Shuta, inaantok pa ako!

Buhat naman sa aking sinabi ay tumigil ito sa pagkatok at pagsigaw. Tiningnan ko ang orasan at nakita 5:30 palang ng umaga. Napapikit ako sa inis at bumaling sa pintuan na nakasara bago sumigaw ng galit sa kung sino man nandoon.

Tangina. Tangina talaga.

"Lumayo ka sa pinto, Dione, sinasabi ko talaga sayo!" Nanggagalaiti kong sigaw dito. Anak ng tupa!

"Hehe, sorry na." Bungisngis nito dahilan pa ng pagkainis ko. Kuhang kuha niya inis ko.

Narinig ko naman ang mga yabag nito pababa, papunta siguro sa living room. Naghilamos muna ako ng mukha at nag-sipilyo bago bumaba sa hagdan. Hindi ko na inabala na magpalit ng damit dahil si Dione lang naman 'yon.

Pagkababa ko ay dumiretso ako sa kusina para kumain. Nadatnan ko naman na nandoon na si Dione na nilalantakan na ang pagkain at si Kale na nag-cellphone. 

"Morning, Adi!" Sigaw ni Dione nang may laman pa ang bunganga.

"May pagkain ka pa naman sa bunganga, Dione!" Inis na sabi ni Kale at binatukan yung isa. Hindi naman ako makapaniwalang tumingin dito. Isa pang engot. Kita nang may pagkain sa bunganga yung isa binatukan pa.

Napakamot na lang ako sa aking kilay at binalingan si Manang.

"Manang, kumain na kayo?" 

"Wag mo ako alalahanin, iha. Ikaw ang kumain na." Sabi nito at binigyan ako ng plato. Kumuha na ako ng pagkain at nagsimula nang lumamon. Gutom na ako dahil hindi nga pala ako kumain kagabi dahil sa pagod.

"Ano nga pala kailangan niyo?" Tanong ko sa mga ito after uminom ng tubig at tiningnan sila ng mabuti. Ang aga nila dito sa totoo lang.

"Gala tayo." Sabi ni Dione at uminom din ng tubig. Napailing ako dito. Typical Dione.

"Balak kong mahiga at manood lang ng movie sa higaan ngayong araw, Dione." Sabi ko dito pinagkrus ang braso, pinanood ito kung paano napunta ang masaya nitong mukha sa pagkakasimangot. 

"Ang boring mo naman, Adira!" Naghihimutok na sabi ni Dione at nagpapadyak pa sa sahig. Pinipigilan ko na lang na tumawa sa pagkakataong ito dahil nakakatawa talaga ang mukha nito.

"Wala akong pera pang gala!" Natatawa kong saad dito.

"Napaka-kuripot mo talaga! Nakita ko yung wallet mo nung Friday, puno pa 'yon." Naasar na saad nito at nangigigil na tumingin sa akin. Natawa na ako ng tuluyan sa sinabi nito bago amuse na tumingin dito. Gigil yarn?

"Tinatamad ako, Dione!" 

"Dali na! Mabuburyo na ako sa bahay sa sobrang boring!" Tila nagsusumamong sabi nito sa akin kaya nagkatinginan kami ni Kale at sabay na humagalpak ng tawa. Para kasi itong iiyak na habang nag aaya. Kung makapag aya siya e sa condo naman niya siya natuloy, boring talaga doon.

Wala na naman siguro itong kasama sa bahay nila. Lagi kasing wala din yung parents nito dahil katulad ng parents ko ay mga doctor din ang magulang nito, yung tatay niya naman ay isa ring lawyer. Sana ol matalino, 'di ba?

"E saan ba kasi tayo pupunta?" Tanong ko dito habang natatawa pa din. Pinipigilan ko nalang talaga tumawa dahil nakabusangot na ang mukha nito.

Ngumuso naman ito bago umiling sa amin, "Hindi ko alam." 

"Ang lakas mo mang-aya eh hindi mo naman pala alam kung san pupunta!" Sabi ni Kale at natatawa.

Namayani ang katahimikan sa aming tatlo. Nag-iisip kasi kami kung ano gagawin namin sa araw na ito nang bigla nalang sumigaw si Dione. Tiningnan naman namin ito.

Napairap ako, "Wala ka bang pending na activities? Kasi ako, mayroon pero tapos na."

Hindi ako nito pinansin at bakas pa rin sa mukha nito ang excitement habang nakatingin sa cellphone.

"Nood tayo ng sine. Showing daw yung Doctor Strange!" Sigaw nito at tumalon pa.

Buhat sa sinabi nito ay nanlalaki ang mata na tiningnan ko ito at mabilis na umakyat papunta sa aking kwarto. Napatigil naman sa pagtalon si Dione.

"Saan ka pupunta?" Taka nitong tingin. Patuloy ako sa pag-akyat.

"Magbibihis na ako!"












Nandito kami ngayon sa SM at kasalukuyan nabili ng ticket. Makikita na napakadaming tao dito ngayon. They are also here siguro dahil sa showing na movie ngayon. Buti nag aya si Dione, I've been wanting to watch this kaso wala akong kasama to watch it. 

"Hey, bili lang ako ng popcorn. Any drinks you want to have?" Tanong ni Kale sa amin.

"Libre mo ba?" Maloko kong tanong at nginitian ito ng malawak. 

Napairap si Kale sa aking sinabi at sinabing, "Oo na." at napailing na lamang habang nakangiti. 

"Coke sa akin!" Sabat ni Dione.

"Sprite." Saad ko naman habang nakangiti.

Tumango si Kale at naglakad na papalayo. Napalingon naman ako kay Dione nang kinulbit ako nito.

"May chika ako." Mabilis pa sa alas-kwatro akong lumapit dito kaya agad itong napamaang. "Bilis ah!" Inirapan ko nalang ito and urge her to tell me the tea.

"Naalala mo ba yung Sienna na nakasabay natin sa cafeteria last time?" Kunot noo kong tiningnan ito at tumango, pinapahiwatig na ituloy niya ang kwento. Lumapit ito sa aking tainga at bumulong.

"Pinsan pala ni Ms. Ferrucci 'yon! I mean, no offense ha? Hindi halata!" Sabi nito at may makikita na may pagka-disgusto sa mukha nito.

"Paano mo nalaman?" Tanong ko dito, suddenly interested when she mentioned Ms. Ferrucci. 

"Sinabi sa akin ni Ms. Ferrucci." Gulat ko itong tiningnan nang bigla nalang itong humagalpak ng tawa. Nahiya naman ako kasi ang lakas ng tawa nito kaya napatingin ang mga tao sa amin. Humingi ako ng paumanhin sa mga ito bago hinampas sa braso si Dione, nagpatigil dito.

"HAHAHAHA--- aray ko naman!" Busangot nito at hinimas ang part na hinampas ko. Ang lakas ba naman kasi tumawa. 'Yung tawa pa naman nito ay 'yung tawa ng demonyo.

"Nagtatanong kasi ng maayos!" Naiinis kong sabi at sumimangot dito.

"E kasi naman! Malamang narinig ko lang 'yun! Sa laki ba naman ng tenga ko e!" Sabi nito kaya sabay kaming humagalpak ng tawa, not minding the people's stare. Bigla naman dumating si Kale, na may naguguluhan na tumingin sa amin.

"Anyare sa inyo?" Tanong nito habang inaabot sa amin ang kaniyang binili. Agad din naman namin kinuha iyon at nagpasalamat.

"Pinagchi-chismisan ka namin." Pabalang na saad ni Dione kay Kale. Bumusangot naman ang isa. Amusement is written on my face while watching them.

"Alam mo, Dione? Hindi rin naman masama kung sisingilin kita diyan sa kinakain mong popcorn." Sarkastikong saad ni Kale na nagpatigil kay Dione na kainin ang isang piraso na popcorn na nasa kamay niya.

"Nagbibiro lang ako!" Saad ni Dione at sumimangot dito.

"E---" 

"Hep! Tara na, manood na tayo!" Putol ko sa sasabihin ni Kale at kinaladkad sila papasok sa sinehan. Nakita ko naman na umirap pa sa isa't isa ang dalawa kaya napailing na lang ako.







Natapos na namin ang movie at nandito kami ngayon sa isang fast food restaurant. Napagpasyahan namin dito nalang kumain dahil na rin sa nagc-crave daw si Dione ng fast food kaya pinagbigyan na namin. Okay lang naman dahil mura lang at masarap pa.

The movie was great and I got to see my crush.

Yes, si Elizabeth Olsen. She was like the villain there but she did nothing wrong. I support woman's rights and wrongs. 

I squint my eyes when I saw a very familiar figure not very far from us. Hindi ko suot ang contact lens ko ngayon dahil nasakit na ang mata ko pag ginagamit ko iyon. Hindi pa kasi ayos ang aking salamin na nasira ni Kuya Caleb kaya 'yun muna ginagamit ko.

Nang maaninag ko iyon ay nakita ko si Ms. Ferrucci together with someone I don't know who. Nakita ko na masaya silang nag-uusap ng lalaki na kasama nito kaya iniwas ko ang aking paningin don. 

Mas lalo lang atang sumakit yung mata ko sa nakita. 

Napansin ko na makisig ang kasama niyang lalaki, matangkad din ito at halatang mayaman sa suot pa lamang nito.

Humarap ako sa aking pagkain ng dumating ito at magsisimula na sanang kumain nang biglang nagsalita si Dione... ng malakas.

"Ay? Si Ms. Ferrucci 'yon?" Malakas nitong sabi at tinuro pa si Miss Nakalunok ba ng microphone 'tong babaeng 'to at napakalakas ng boses?!

Napatigil naman sa pagkain si Kale at lumingon sa pwesto ni Miss, tumayo pa ang siste! Naiintindihan ko naman na maraming tao sa loob pero shuta naman, bakit kailangan tumayo?!

Napapikit ako sa nasaksihan at napakamot sa aking kilay dahil na rin sa kahihiyan. Lumingon ako sa pwesto nila Ma'am at nakita na nakatingin na ito sa amin specifically, sa akin kaya napayuko at tiningnan yung dalawa. Inis kong hinila paupo si Kale at inis silang dalawang tiningnan.

"Ano ba?! Ang lakas ng boses niyo, Dione, at Kale! Bakit kailangan tumayo? May kasama yung tao o!" Naiinis kong sabi at napakamot sa ulo dahil sa frustration at inis.

"Ito naman! Curious lang kung si Miss talaga 'yon and confirmed, si Miss nga." Kibit balikat na sabi ni Dione at tumango si Kale kaya napasapo ako sa aking noo.

Minadali na namin ang pagkain at nagbayad na. 10:30 na rin kasi at baka nag-aalala na si Manang sa bahay.

Pagkatapos namin magbayad ay lumabas na kami. Saglit pa akong tumingin sa pwesto nila Miss at nakita itong nakatingin sa amin. Umiwas naman ito ng tingin at lumingon sa kasama at tumayo.

Nang makarating kami sa labas ay kaniya kaniya na kami ng uwi dahil magkakaiba ang daan namin pauwi. Nauna na si Dione kasama ang kaniyang driver. Nagpaiwan naman si Kale para hintayin na makasakay na ako.

"Pwede ka naman sumabay sa akin, Adi. I don't mind." Sabi nito at ngumiti. Umiling lang ako dito at ngumiti.

"Hindi na. Kaya ko na, Kale." Tango ko dito at nginitian ito. Tiningnan pa ako ito ng maigi kaya natatawa na umiling ako dito habang tinutulak ito papasok sa kotse niya. Kulit talaga!

"Sige na!" Sabi ko dito ng natatawa habang tinutulak ito. Pumasok na ito sa kaniyang kotse. Bago pa ito paandarin ay nagsalita pa ito, na nagpailing muli sa akin. 

"Text me when you get home?" Tanong pa nito kaya natatawa akong tumango. Nang makaalis na ito ay napailing ako at nagsimula na maglakad. Dumating ako sa sakayan at doon naghintay ng taxi. Napansin ko na marami pa rin ang tao na nasa labas, siguro ay kaka-end lang ng shift nila o uuwi pa lang ng bahay nila galing trabaho.

Ilang minuto ang lumipas ay may tumigil na sasakyan sa aking harap. Akala ko ay si Kuya Carlo dahil parehas sila ng sasakyan ngunit laking gulat ko ng bumaba ang bintana nito at nakita ko na si Ms. Ferrucci ang nagmamaneho. Bakit parang ang dami niyang kotse?

Napansin ko na pabago-bago ang sasakyan nito. Kahapon din ay iba ang ginagamit niyang sasakyan.

"Get in." 

"Hindi na po, magt-taxi nalang po ako," sabi ko dito at nagbigay pa ng ngiti. Ayoko talaga sumakay sa sasakyan nito sa hindi malamang dahilan kaya hindi ko tinanggap ang offer nito.

"Come on, Adira." Pagpupumilit nito ngunit umiling lang ako. Nang tumingin ito ng masama sa akin ay nagsalita ako.

"G-Gusto kong matutong mag-commute ngayon, Miss." Sabi ko dito kaya napatitig ito sa akin, na dahilan ng aking pagyuko. 

"You want to learn how to commute?" Tumango ako bilang sagot sa tanong nito. "At this rate?" Tumango ulit ako.

Hindi naman ito makapaniwalang tumingin sa akin before sighing and getting out off her car. Lumapit ito sa akin at tumayo din sa aking gilid habang nakakrus ang braso. Nagtataka ko itong tiningnan.

"Miss"

"I'll wait with you." Saad nito habang nakatingin sa daan. Naguguluhan ko itong tiningnan at umiling dito ng mapagtanto ang sinabi nito. She really don't have to.

"Hindi naman kasi kailangan---"

"Shut it, Adira." Madiin na sabi nito ng hindi tumitingin sa akin. Naitikom ko nalang ang aking bibig at hindi na nagsalita. 

Napansin ko na wala na 'yung kasama niya kanina. Gusto ko sana tanungin siya pero ayoko naman na isipin niya na interesado ako sa kasama niya kanina kaya 'wag nalang. Assuming pa naman 'to si Miss minsan.

"You have something to ask or tell me?" Biglang sabi nito na nagpagulat sa akin. Hindi ko namalayan na nakatingin na pala ito sa akin. Nagtataka ko itong tiningnan dahil paano niya nalaman? Nakatingin ba siya?

"I saw you opening then closing your mouth so I conclude that you have something to ask?" Sabi nito at binaling na sa akin ng maayos ang katawan nito. 

"Ah wala po, Miss." Nahihiya kong sabi dito at yumuko. Nakita ko ang pag iling nito bago lumapit ng isang hakbang sa akin. 

"Come on, you can tell me while we're waiting for your taxi." Sabi nito at mataman na nakatingin sa akin. Naisip ko naman na mabo-boring-an lang ako habang naghihintay ng taxi at medyo magiging awkward din kung hindi ko siya kakausapin kaya magtatanong na lang ako. Besides, curiosity kills the cat, right?

"I'm just wondering po kung asan na yung kasama niyo kanina?" Tanong ko ng nagpangiti agad dito. Bahagya naman akong sumimangot ngunit agad din nawala ng bumaling ito sa akin. Umiwas ako ng tingin saka ngumuso. 

Tch. Inaalala niya siguro yung mga masasayang alaala nila. E 'di sana all. Sobrang saya siguro nila kaya siya ganan makangiti. 

Napairap ako sa aking isipan at napa-krus ng mga braso sa naisip.

"He's already home, he texted me." Sabi nito at nakangiti na tumingin sa akin. Hindi na ako umimik sa sinabi nito at naghintay na lang ng taxi. 

Maya maya pa ay may dumating na kaya itinaas ko ang kamay ko para tawagin ito. Tumigil naman ito sa aming harap.

Bago ko pa mahawakan ang pinto ay naunahan na ako ni Miss at siya nagbukas noon. Ang hilig niyang buksan ako ng pinto e kaya ko na naman!

Lumipat ito sa bintana ng driver at kinausap ito. Kinausap niya ito ng mahina kaya hindi ko narinig ang kanyang mga sinabi. Marami pa rin kasing sasakyan sa labas kaya may maingay pa rin kahit malapit na mag midnight. 

Nakita ko na tinapik nito ang balikat ni Kuya at umalis na sa bintana. Pumunta ito sa harap ng taxi habang nilalabas ang cellphone at mukhang kinuhanan ng litrato ang plate number ng taxi. 

Why, though?

Buhat don ay taka ko itong tiningnan ng lumapit ito sa aking bintana. Binuksan ko ito ng sinenyasan niya ako. 

"Text me when you get home. Okay?" Saad nito at may binigay na kapirasong papel sa akin. Napatango nalang ako. Tumayo na siya ng ayos at bahagya ng tinapik ang bubong ng kotse, isang senyales sa driver na paandarin na nito ang taxi.

Nang umandar na ang sasakyan ay tiningnan ko ang papel na binigay nito at nakitang nakasulat ang number nito kasama ang pangalan niya. Napangiti ako sa nakita.

Lumingon ako sa aking likod upang tingnan ito.

Nakita ko na nakatayo pa rin ito doon at nakapamulsa sa suot na slacks habang nakatingin sa sasakyan na aking sinasakyan. Na-save ko na ang number nito at napangiti nalang ako habang nakatingin sa bintana, inaalala ang mga nangyari bago makaalis ang sasakyan na ito doon.


Never thought that she's this caring, huh?

Continue Reading

You'll Also Like

570K 15.6K 22
Nagawang paghiwalayin ni Leon Fortalejo sina Jewel at Bernard noong una. Nagkaroon ng relasyon si Bernard kay Sandra kaya umalis si Jewel patungong A...
796K 26.9K 52
Prof x Student | Girl x Girl | Intersex Vianca and Clio. Started: April 16, 2023 Finished: December 8, 2023 Highest rank achieved: #3 girlxgirl and #...
121K 4.1K 20
"All I want is to live a normal life Lauren, ayoko ng ganito" I'm crying so hard in front of her. "then let's live a normal life together hmm, just t...
4.6M 190K 39
Cecelib x Race Darwin x Makiwander Temptation Island's Monasterio Legacy