Dear Bebe, .℘ᶴᶬ.

By prettylittlemiss

194K 2.1K 360

Isang ngiti nya lang okay na. Simpleng sulyap nya lang busog na. Paano pa kaya kung tayo na diba? Dear Bebe, ... More

Dear Bebe, .℘ᶴᶬ.

194K 2.1K 360
By prettylittlemiss

                                                                            February 11, Monday

 

Dear Bebe,

          Kamusta Bebe? Alam mo, may chika na naman ako sa’yo today! Pa'no ba naman kanina habang naglalakad ako sa corridor, nakita ko siya at ang nagpasaya pa lalo sa'kin, nakita ko siyang nakangiti. Talaga namang nakakahawa ang ngiti niya, kaya siguro hindi ko namalayang nakangiti na rin ako. Ang sarap niya kasing talagang titigan. 'Yung tipong masulyapan ko lang siya kahit isang beses, buo na ang araw ko. 'Yung tipong kahit nakatitig lang ako sa likuran niya ayos na. Oh, 'wag ka nang magalit. Alam ko namang nagsasawa ka na sa’kin.  Sa inaraw-araw ba namang pagsulat ko sa’yo, siya ng siya ang sulat-kamay ko. Wala eh, tinamaan na ata ako sa kanya.

PS: ‘Wag ka ng mag-alala, baka bukas mas bongga pa! Yay! Goodnight Bebe! 3 days to go and I'll tell him I love him. ♥

***

Ako si Anaia Mae Cortez, mas kilala bilang “Aya” ng mga taong malalapit sa akin.  In just a month I’ll be at my legal age. A second year Fine Arts student. Boring? Nah! I enjoyed it. I see it as my passion. As I draw, I also expressed myself. Kung susumahin lahat, wala namang espesyal sa'kin. Isa lang akong ordinaryong babae, humihinga, dumidighal at umuutot.

I like someone. Ow, let me correct it -- I love someone. Since Third year High School pa lang ako, siya na ang lalaking pinapangarap ko. Sa maniwala kayo’t sa hindi, ang katotohanan sa likod ng pagpasok ko sa School na ito ay dahil sa pagsunod ko sa kanya. Siguro nga ay ganoon talaga, kahit sa malayong tingin lang kuntento na ako. Ang totoo niyan, magkakilala kami. Oo na, kakilala ko siya pero hindi ko alam kung natatandaan niya pa ba ako. Nakausap ko na rin siya noon. Nginingitian niya rin naman ako kapag nagkakasalubong kami at ang mas nakakatuwa pa doon, hindi niya ako ini-snob. May mga pagkakataon lang siguro na nagkakahiyaan kami, kaya hindi niya ako napapansin.

You know, akwardness.

Sino siya? Kapag kasi sinabi ko sa inyo, baka ma-inlove kayo sa kanya, madagdagan pa ang mga babaeng karibal ko sa kanya. Pero sige na nga! Krkkakak! He’s Andrew Landez, his friends call him, “Drew”. OMG! Binabanggit ko pa lang ang pangalan niya, nangingisay na ako sa kilig.

Heartthrob siya sa buong Campus -- as in, ang dami niyang napapatiling mga babae. Isa na ako doon pero syempre hindi ko naman pinapahalata sa kanya. Kapag kami lang ng mga kaklase ko saka ako naghaharumintado. Sanay na sila sa'kin, noon pa. May-kaya, matangkad, pogi at mabango, halos lahat nasa kaniya na. Ako na lang talaga ang kulang!

“Hoy, Babae! Pinagpapantasyahan mo nanaman ba si Drew d'yan sa malaswa mong utak?” pagtampal sa'kin ni Cristy. Nagising tuloy ako sa pagpapatansya sa Prinsipe ng buhay ko.

“Ay sobra ka naman Girl, hi… hindi naman.” 

Hindi na lingid sa kaalaman nila na lab na lab ko si Drew. Halos patayin na nga nila ako kapag hindi ako nakikinig sa kanila. Pinagtutulakan nila akong aminin ko na kay Drew ang feelings ko.

“Kung ako kasi sa’yo, sabihin mo na! Pa-martyr masyado teh!” dagdag ni Abi.

Ang tindi nila hindi ba? ‘Di ko malaman kung supportive ba itong mga kaibigan ko, o sadyang mga susot lang talaga.

“Manahamik na nga kayo d’yan.  Ayan na nga 'di ba, hintay lang. Sa Thursday promise! Why so gwapo kasi?” Saka ako bumalik sa pagde-day dream ko kay Drew.

“Gwapo nga, hindi ka naman napapansin!” 

“FYI! Pinapansin niya kaya ako. Kilala nya ‘ko no! Tinulungan niya pa nga ako noon!” depensa ko. Totoong may pagkasuplado si Drew pero minsan lang, basta mahal ko pa rin siya.

“Kelan, aber? Way back 1579?” pang-aasar ulit ni Abi.

“Sige! Sige, huwag kayong titigil ha!” saka ko sila pinagiirapang dalawa. “Nung 3rd year kami, maka way back ka naman Abi!” Malay ko naman kung hindi na tanda ni Drew iyon. Kung hindi naman, bakit niya ako nginingitian ‘di ba? And these past few days kapag nakikita ko siya, titingnan niya rin ako at nagha-hi na rin siya, ‘di ba improving? May development, kahit nagmumuka na akong hopeless minsan.

“K! Sana lang tanda niya pa ‘yun!” Mga atribida talaga sila kahit kailan.

Sasagot pa sana ako, ngunit dumating na si Sir kalbo -- Professor namin sa FA15. Hindi ako hater ni Sir, mabait din kasi iyon, sadyang ayaw niya lang ng hindi nakikinig sa oras ng klase. Tatlong oras ang itinagal ng klase namin, may bago kasing plate na ipinagawa sa'min. Kung sabagay, huling klase na namin ito for this day.

Bakit ko nga ba nagustuhan ang tulad ni Drew? Simple lang, dahil siya ang tigapagligtas ko. Tandang-tanda ko pa noon…

                                                                              

I was a Third year High School Student back then. Ako yung tipo na walang imik, nilalayuan ng lahat, walang kumakausap at wala ring pumapansin. Hindi ko alam, basta para lang akong hangin sa kanila. Ordinaryong babae lang naman talaga ako. Hanggang sa isang araw, ginabi na akong umuwi, nilinis ko pa kasi ang buong kwarto namin. Dahilan sa hindi kumilos ang mga naturingang Cleaners that day. Ewan ko ba, nasanay na sila na kahit may naka-assign na, ako pa rin ang naiiwan para gawin ang mga iyon. Nakasanayan ko na rin siguro. Lagi silang ganito, ang pinagkaiba lang ngayon, this day mas na-late ang uwi ko. Diniligan ko pa kasi ang mga halaman sa likod. Gustong-gusto ko talaga ang paghahalaman, marahil ay nakuha ko ito kay Mama.

Umuwi  rin ako matapos noon. Medyo nagdidilim na at may kalayuan pa ang Bus Stop, kaya naman hindi ko maiwasang tayuan ng balahibo. Napansin ko na lang na may sumusunod sa'kin na dalawang lalaki. Hindi ko sila mga kilala, siguro kaedaran ko lang rin sila. Nagsimula akong lumakad ng mabilis, ngunit nakasunod pa rin sila. Hanggang sa naabutan  nila ako. Hindi ko malaman ang ikikilos at gagawin ko, maski ang utak ko ay kusang nablanko dahil sa mga  nakakatakot na itsura nila. Halos namumula ang mata ng mga ito at amoy rin ang halimuyak ng alak sa bawat kilos nila.

Meron sa harapan ko at sa likuran naman ang isa. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, pilit nilang kinukuha ang bag ko. Habang nakahawak ang isa sa mga braso ko.

“Miss ibigay mo na, kung hindi mas masasaktan ka lang!” Sabi ng pangit na nasa harap.

“Ang kinis mo naman, mukang may malalamang tyan pa tayo, Pare!” Sabi ng nasa likuran ko, na ngayon ay nakahawak na rin sa braso ko. Doon ako mas lalong kinilabutan. Lalong nanaig ang kaba at takot sa loob ko. Sinimulan nilang himasin ang mga ito na tila ba gutom na gutom sa laman.

“H’wag po Kuya, h‘wag po! Parangawa niyo na!” pagmamakaawa ko sa kanila. Handa akong ibigay ang lahat ng laman ng  bag ko, ‘wag lang nila akong sasaktan.  

“Pwes, akin na!” sabay hugot ng bag ko. Sobrang lakas nila, pakiramdam ko nga ay mapupunit na ang uniporme ko. Kinakaladkad nila ako pasama sa kanila nang biglang may sumigaw na naging dahilan ng pagkakuha ng atensyon nilang dalawa.                                                                                       

“Hoy! Bitiwan niyo siya!” sabay palo sa lalaking nakahawak sa'kin. Sapol naman ito kaya napabitiw siya.

Doon sumugod ang isa pang lalaking may hawak ng bag ko. Ngunit magaling ang lalaki, nakaiwas siya at saka pinalo muli ito sa ulo. Bulls eye! Napaupo ang isa. Susugod na naman ang lalaki na kanina’y nakahawak sa'kin nang bigla niyang ambahan ito ng suntok. Hindi na ito nagtangkang lumapit pa, bagkus mabilis niyang inakay ang kasama niya at dali-daling nagtatakbo na mukang takot na takot.

Hangang-hanga ako sa kanya. Yung tindig niya, yung galing niya, yung mga galaw niya kanina. Para akong nasa isang scene sa teleseryeng pinapanuod ko sa telebisyon. Itinapon niya ang dala niyang kahoy na ipinampalo doon sa dalawa. Nakauniform din siya at napansin kong kagaya ng uniform namin. Lumakad at kinuha niya ang bag ko sa lapag, ipinagpag ito at saka humarap sa akin. Tama nga ako, nag-aaral din siya sa school namin.

Marahan siyang lumakad papalapit at iniabot sa’kin ang bag ko. Nakatulala lang ako sa kaniya, pinagmasdan koang makisig niyang mukha at kinabisado itong mabuti. Unti-unti nang nanlambot ang mga tuhod ko, para siyang 'Knight In Shining School Uniform' ko. Biruin niyo ang ‘sang tulad ko, maililigtas ng isang prinsepeng katulad niya?

Matagal akong napatitig sa kanya, halos siya lang ang nakikita ng mga mata ko noong oras na 'yun. Doon ko napansin na may dugo sa gilid ng labi niya. Hindi kaya natamaan siya kanina?

“Oh, bag mo. Sa susunod mag-ingat ka, ‘wag kang nagpapagabi sa daan.” Kalmado niyang sabi, pagkatapos noon ay lumakad na siya papalayo. Habang nakikita ko siyang papalayo sa'kin ay nakita kong pinunasan niya ang mga labi niya na may bahid ng dugo.

“Te, te…” pero huli na, malayo na siya at siguradong hindi na niya ako maririnig pa. Sa sobrang kaba ko, hindi man lang ako nakapagpasalamat sa kaniya, ni hindi ko rin naitanong kung ano ang pangalan niya. Kahit nga konting salita man lang wala akong nasabi sa kaniya. Sobrang bilis kasi ng tibok ng puso ko, that time. Wala akong masabi sa nasaksihan kong katapangan niya.

Matapos ang nangyari ng gabing iyon, doon na nagsimula ang pagtingin ko sa kaniya. Noong una ay simpleng pagsunod lang, dahil nga sa School ko rin siya pumapasok. Nalaman ko na Andrew ang pangalan niya at isang 4th year student. Walang araw na hindi ko siya hinahanap. Lagi akong dumadaan sa tapat ng room niya. Alam ko pa nga kung kelan siya umaabsent. As in, lahat inalam ko sa kaniya. Nakikita niya ako, pero parang wala naman, ngumingiti lang siya. Hanggang sa ‘di naglaon, mas lumalim ang pagtingin ko sa kaniya. Hindi na lang basta-basta gusto kundi, mahal ko na pala siya.

Noong una ay nasaktan ako, dahil sa katotohanang Graduating Student na siya at ako, isang taon pa ang ilalagi ko dito ng hindi siya masisilayan. Pero hindi iyon naging hadlang sa akin, dahil matapos ang isang taon sinundan ko siya. Inalam ko kung saang University siya magaaral ng kolehiyo. Ginawa ko ang lahat para makapasa sa Entrance Exam ng Unibersidad na iyon. And everything is all worth it, heto ako ngayon at dito rin pumapasok.

Dito na rin nagsimulang umikot ang buhay ko. Nagkaroon ako ng maraming kaibigan. Simula kasi noong araw na iniligtas nya ako, naging bukas na ang isip ko sa mga bagay-bagay. Kaya nga bukod sa mga kaibigan ko, bonus na sa’kin na makita siya araw-araw. Na siya namang kumukumpleto sa araw ko.

                                                                                  

Matapos ng mahabang paalaman namin ng mga kaibigan ko, nag hiwa-hiwalay na kami. Kaunting lakad pa at nakarating ako ng sakayan ng Bus. Doon na ako nagpasyang umuwi. Sayang nga at hindi ko siya nasilayan ngayong araw. 

                                                                       February 12, Tuesday

Dear Bebe,

                 Bebe, superb ang araw ko ngayon! Kanina habang nasa school ako, hindi ko maiwasang maging malungkot dahil maghapon ko siyang hindi nakita. Ang kaso bigla 'yung nag-iba noong mag-uwian na. Alam mo ba? Nakasabay ko siya sa bus kanina. Ang matindi pa nun, nasa other side ko siya! 'Di ba parang ang laking sign nun para sa'kin? Nung una hindi ko siya napansin, pero nung lumapit na si Manong Konduktor napatingin ako sa kanya at 'yun nga, bigla ko nalang naramdaman ang bilis ng tibok ng puso ko. Akala ko nga hindi na ako makakahinga. Hindi ko alam pero pakiramdam ko nakatingin siya sa'kin. As in, para akong naging istatwa sa kinauupuan ko. Yung feeling na hindi mo siya matingnan dahil feeling mo nakatingin din siya sayo, Ow my! Bebe, I’m really super duper kilig! Salamat kay Manong Konduktor, baka sa susunod mailibre ko na siya ng snacks dahil sa pagsingit niya sa eksena naming dalawa ni Drew.

PS: Excited na ako Bebe, 2 days to go! ♥

***

Maaga akong gumising, 8:00 am ang klase ko at 30 minutes din ang byahe kaya dapat lang na mas agahan ko ang gising. Nakarating naman ako ng maayos sa School. Hindi ako late at syempre ngiting-ngiti rin dahil nga naalala ko na naman ang nangyari kahapon sa bus. Basta nakakakilig, kahit pa walang imikang naganap, naka-treasure pa rin 'yun. Dalawa lang ang klase ko kaya maaga nanaman akong makakauwi.

Nagklase lang si Sir, saka niya pinapasa ang plate na pinagawa sa amin, pagkatapos noon ay wala na, 12:00 nn na ang susunod naming klase. Kumain muna kami nina Cristy at Abi sa Canteen, at agad ding bumalik. Kalahating oras lang kasi ang naging Lunchbreak namin, minsan nga ay wala pa.

Naglalakad na kami pabalik sa kwarto namin nang bigla kaming napatigil dahil sa mga taong nakaharang sa Hallway. Nilapitan naming tatlo iyon para malaman ang nangyayari. Pero bigla akong nagsisi, sana pala ay hindi ko na  ginawa pa iyon, dahil ang sumunod na eksenang nakita ko ay ang eksenang dumurog ng puso ko…

“Sila na kaya?” Girl 1

“Oo siguro, tingnan mo nakaakbay pa si Drew sa kaniya.” Girl 2

“Hay, ang swerte nung Girl 'no? Narinig ko sila na daw nung Friday pa. Besides, ni minsan wala pa tayong nabalitaan na girlfriend ni Drew, right?” Girl 3

Sa hindi malamang dahilan kusang tumulo ang luha ko. Nakita ng dalawa kong mga mata na naka-akbay ang lalaking mahal ko sa isang saksakan ng gandang babae. Kung ikukumpara mo ako sa kaniya, isa lang akong maliit na tinik. Kitang-kita ko na bumubulong pa sa kanya si Drew. Nakikiliti naman ang babae, pagkatapos ay nagtatawanan pa sila. Napatigil pa nga sila sa paglalakad dahil napansin nila na tanggal ang sintas ng sapatos nung Girl. Payuko na sana ang babae pero pinigilan niya iyon at siya pa mismo ang nagsintas nito.

Mas dobleng kirot ang naramdaman ko. Hindi ko na kinaya pa, agad akong tumakbo palayo. Narinig kong tinatawag ako nina Cristy ngunit hindi na ako lumingon. Ayoko ng bumalik pa. Ayokong makita ang mga nangyayari. Nagpasya akong umuwi at doon sa aking maliit na kwarto nagsimulang umiyak.

Mula noon, hanggang ngayon ay hindi pa ako lumalabas ng kwarto. Kinakatok ako nina Mama ngunit hindi ko na sila nagawang pagbuksan pa, sa halip ay sinabi kong busog pa ako at walang ganang kumain. Muli kong kinuha ang isang pulang kwaderno at doon nagsimulang magsulat…

                                                                    February 13, Wednesay

 

Dear Bebe,

                 Ang sakit pala. Nakikita ko nga siyang nakangiti, hindi naman ako ang dahilan, hindi naman para sa'kin. Ok na nga ako sa pasulyap-sulyap sa kanya ‘di ba? Kahit nakatalikod lang siya basta nakikita ko ang kabuuan niya, ok na. Mali ba ako, Bebe? Na hindi ko ipinaalam sa kanya sa loob ng maraming taon? Sa hindi ko pag-amin? Naghahanap lang naman ako ng tamang oras Bebe, ‘di ba nga aaminin ko na sana bukas? Handa na nga lahat para bukas, gumawa na ako ng Chocolates na ibibigay sa kaniya. Pero bakit ganon? Alam kong wala akong karapatang masaktan dahil wala namang kami, pero 'di ko mapigilan. Bakit? Bakit parang mas masakit pa sa mga sugat ang nararamdaman ko? Bebe, bakit? 

Sorry nabasa ka nanaman. Hindi ko kasi mapigilan umiyak, kusa silang tumutulo. </3

***

Hindi ko alam kung saan ko hinugot ang lakas ng katawan ko para pumasok. Sinasabi ng isip ko na, Sige, huwag kang magpaapekto habang ang puso ko naman, Huwag na, mas masasaktan ka lang! Lalo pa at araw ng mga puso ngayon. Paano kapag nakita ko sila? Kakayanin ko ba o magpapasa walang kibo  nalang ako?

Sa huli, nanaig ang isip ko at pumasok pa rin. Bawat daanan ko lahat ay masasaya. Lahat nakangiti, may mga dalang rosas at may kahon pa ng chocolates. Ang sasaya nila tingnan. Samantalang ako, ano pa eh di nganga. Medyo mugto pa nga ang mga mata ko, pero kailangan talaga. Malapit na ang Prefinals at dapat pumasok. May nadadaanan din akong mga couples na magkayakap pa, holding hands at magkaakbay pero hindi ko na lang pinapansin. May mga bumabati sa'kin ngunit tatango lang ako at magpapakawala ng isang pilit na ngiti.

Nakarating ako sa School at tulad ng inaasahan ko ganun din ang senaryo. Kung noon ay pinakahihintay ko ang araw na ito ngayon bitter na kung bitter, mas gugustuhin ko pang matapos agad ito. 'Yung parang wala lang nangyari, parang walang okasyon na parang isang ordinaryong araw lang. Halos masama na ang tingin ko sa lahat, buti nalang tumunog ang telepono ko kung hindi baka ultimo kalsada inirapan ko na.

(1 new message)  Cristilog

“ Girl! Bilisan mo, punta ka dito sa may Corridor.”

  

Hindi na ako nag-abala pang sagutin si Cristy. Wala akong gana, sa totoo lang, siya pa rin ang laman ng utak ko. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit nasasaktan ako may lakas pa 'ko ng loob na makita siya, kahit alam ko naman na ikakikirot na naman iyon ng damdamin ko.

Malapit na ko sa may corridor ng mapansin ko na ang daming taong nagkukumpulan. May kung anong pumipigil sa akin na pumunta doon, baka kasi hindi ko lang lalo ikasiya yung makikita ko, bagkus ikalugmo ko pa. Isa lang naman kasi ang ibig sabihin kapag may kumpulan, ano pa? Eh di tungkol nanaman kay Drew.  ‘Di ba nga heartthrob ang mokong? Konting galaw niya pinag-uusapan na.  Ngunit kusang gumalaw ang mga paa ko, masokista nga ata ako. Nakarating na ako sa lugar kung saan maraming tao.

Hanggang sa…

Tuluyan na ngang pumatak ang mga luha ko. Nag-uunahan sila sa paglabas dahil sa bugso ng nararamdaman ko ngayon. Nasa harapan ko ang isang banner na may nakasulat na…

         “ Aya Cortez, manhid ka. Mahal kita.”

                                                              -Drew

Pumatak  ang mga luha ko hindi dahil sa kirot, ngunit sa saya na nararamdaman ko. Simpleng tela lang ito, walang halong kaartehan may kaunting palamuti sa gilid na pana’y puso at bulaklak. Halatang gawa ng isang lalaki.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako gumagalaw. Hindi ako makapaniwala sa mga nasaksihan ko. Panaginip ba ito? Paanong naging ako, samantalang kahapon lang ay may kasama siyang babae na akala ng lahat ay ang maswerteng kasintahan niya. Ngunit dahil sa lalaking ngayon ay papalapit sa'kin, mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko at halos manghimatay sa unti-unti niyang paglapit. Dala niya ang isang nakakamatay na ngiti na hinahangad ng bawat babae.

Ngayon ay nasa harapan ko na siya. Nawala ang ngiti niya sa labi dahil sa nakakarinding sigawan sa buong paligid. Ngunit bumalik rin naman ito kaagad lalo na nang magkatagpo ang mga mata namin. Ang ngiti nyang iyon, na lagi kong  nakikita sa kanya. Yung ngiti na kumukumpleto ng araw ko. May dala siyang isang rosas na pulang-pula.

“Ang manhid mo. Hindi porket hindi ko sinasabi sa’yo ng harapan, hindi mo na napapansin. May gayuma ka ba? Tuwing nakikita kita, hindi ko mapigilang mapangiti. Mula pa nung makita kita noon, sinabi ko na sa sarili ko na hindi na kita hahayaan pang masaktan. Pasensya ka na, hindi ko mapigilan. ‘Di kita nililigawan dahil, ih.. basta! Isang buwan nalang naman nasa tamang edad ka na. Mukang hindi ko na mahihintay ang araw na iyon, saka.. mahal talaga kitang manhid ka.” Diretso sa kaluluwa ko ang titig niya. Kahit hindi niya sabihin ang mga salitang binanggit niya alam ko na kaagad na iyon ang isinisigaw ng puso niya. Pinahid niya ang luha ko sa pisngi at muling ngumiti ng pagkatamis-tamis.

Sa mga sigawang naririnig ko, boses ng kaibigan kong si Cristy ang nangingibabaw. At nang hawakan niya na ang mga kamay ko, doon ko mas napatunayan na mas malakas pala ang sigaw ng puso ko kaysa sa kanilang lahat.

“Sira, mas manhid ka!” pasimpleng pagtataray ko. Dahil hindi ako magpapatalo sa kaniya,“Mas mahal kaya kita.” At doon niyakap niya ako sabay biglang sabi “Pa’no ba’yan, eh di akin ka na?” Tanong niya na alam kong rinig ng lahat.

Nagpakawala ako ng isang ngiti at saka tumango. Muli niya akong ikinulong sa maiinit niyang bisig at syempre ginantihan ko rin iyon ng isang napakahigpit na yakap ng pagmamahal. 

Ngayon ko masasabing hindi lahat ng naghihintay mauuwi sa wala. Siguro lahat talaga ng bagay may tamang panahon at siguro nga it’s my time. And there I was, apat na taon na ang nakakalipas ng may isang lalaking kumuha ng puso ko at hanggang ngayon hindi niya pa rin ibinabalik ito, dahil sabi niya nga..

“Akin ka na.”

***

                                                                   February 14, Thursday

 

Dear Bebe,

                  Bebe, hindi ko expected ‘to! ‘Wag kang mabibigla ha! Kami na at ang sabi niya, pinsan niya raw ang babaeng kaakbay niya kahapon. Siya daw ang tumulong sa kanya para sa plano niya sa akin. Ang sweet ‘di ba? At take note naibigay ko sa kaniya yung mga Chocolates na ginawa ko. Oh sige ha, may date pa kami eh! Valentines naman ‘di ba? Sana ikaw din Bebe masaya para sa akin. Simula ngayon siya pa rin ang magiging laman mo pero hindi na sa patagong paraan, dahil siya, siya na lagi kong kinukwneto sa’yo, ay hindi na isang sulyap na pagmamahal kundi isang tunay na pagmamahal! Baboo Bebe! ♥

 

 

 

•••

“Happy ♥’ Day”

 

prettylittlemiss♥

Continue Reading

You'll Also Like

170M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
3.4M 134K 23
What would you do if you wake up one day and find yourself in a different body? [Completed]
1.7M 72.8K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
34.2K 1.7K 34
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...