Writer's Block

By Yanalovesyouu

7M 283K 48.9K

A fantasy which seems to be more like a reality. Or a reality which seems to be more like a fantasy? Or perha... More

WB1
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 9

151K 6.5K 1.4K
By Yanalovesyouu

Each and every attendees was wearing black. It was a huge party, yet strange. But I can't tell, because that was the first time I've ever seen a party.

It was something na nakita ko na somewhere.

No... It was an eerie feeling of de javu. Parang nangyari na 'to sa'kin before. The party, the venue, the people, their stares. But that's impossible, kasi kahit anong isip ang gawin ko, wala akong naaalala na inattendan na ganitong party. Maybe nakabasa or nakapanood na ako ng ganito.

But I loved being there.

I want more. I want to spend the rest of the evening at the party. Not until I saw him...with someone else.

"Hayy! Ayan ka na naman sa kalandian mo Alexis!! Bakit ba laging si Lucian ang iniisip mo?" Bakit ba 'yung lalaking 'yun ang iniisip ko kahit na nasa kalagitnaan ako ng pagta-type ng story.


My heart jumped nung may madinig akong tumawa. A soft voice of a man laughing. "Sino 'yan?" Asdfghjkl!! Lumingon ako sa likod ko, nakahawak ako sa sandalan ng upuan na inuupuan ko habang pinakikiramdaman ko ang buong paligid.


Wala namang tao ah! And besides ang aga-aga pa! Mag-a-alas syete pa lang ng gabi may multo na?


*knock* *knock*

"Shit!" Halos tumalon na palabas ng dibdib ko ang puso ko sa sobrang gulat. Galing din ng timing nitong kumakatok na 'to. Sinakto pa kung kailan namang may kababalaghan akong nadidinig saka pa kakatok.


*knock* *knock* "Besss! Tulog ka pa ba? Ano ba naman! Gabing-gabi na natutulog ka pa! Bumangon ka na nga dyan at buksan mo pinto!!" Ito talagang si Eureka ang sarap gilitan ng leeg minsan. Kung maka-katok akala mo naman mamamatay kapag hindi pinagbuksan ng pinto. "Oo na!! Mag-hintay ka nga dyan!" Hiyaw ko sa kanya pabalik habang sine-save ang tinype ko sa computer.


"Hello my beautiful and awesome bestfriend" Pakaway-kaway pa si Eureka pagkabukas ko ng pinto ng apartment. "Hindi mo kasama si Samara?" I asked, tinignan ko din ang paligin but there's no trace of her. So malamang hindi nya kasama. "Kasama ko bes, nandito sa bag ko" She answered sarcastically.


"Okay" I rolled my eyes saka sinara ang pinto. "What brought you here?" Tanong ko. Kumuha ako ng isang sachet ng kape. "Gusto mo?" Tanong ko ulit. "Hahaha as if naman dalawa na mug mo bes" Oo nga 'no? Isa pa nga din pala mug ko. Hindi ko na naalalang dagdagan. "Bakit? Bawal na ba mag-share?" Sarkastikong tanong ko. "So ano nga? Bakit ka nga nandito?" Dagdag ko pa.


I noticed na parang wala sya sa sarili kasi she keeps on looking around. What the fudge is her problem? "May problema ka ba sa apartment ko bes?" I asked while pouring the hot water into my mug. Pero hanggang sa maisalin ko ang isang sachet ng instant coffee ay hindi pa din nya ako sinasagot.


"Uy bes! Bubuhusan kita nitong kumukulong kape!"

She shifted her glance at me pero mukhang nasa space pa din ang presence nya. "Ha? Ano 'yun bes?" Tanong nya. "Ano bang problema mo? Bakit bigla ka na lang nag space out?" Curious na tanong ko.


"Ahh—w-wala, wala. Para kasing may kung ano dito sa apartment mo bes. Wala ka bang napapansin?" Tanong nya. "Oh shit!" Ibinaba ko ang mug sa lamesa saka ako lumapit para dumikit sa kanya. "May nadinig ka bang tumatawa Bes?" I asked. Okay, natatakot na ako. Gustuhin ko mang mag-change topic at balewalain na lang 'yun, I can't. Kasi nacu-curious ako.


"Wala" Eye to eye contact pa nya 'yang sinabi kaya agad ko syang binitawan. Akala ko naman nadinig nya 'yung nadinig ko. "Para kasing ang pangit na ng apartment mo" Itinulak ko pa sya pahiga ng kama sa sobrang inis. "Ouch! Bakit ka ba nagagalit dyan Bes? Totoo naman sinabi ko ah! Hindi ka ba na-bo-bore dito kapag mag-isa ka?" Tinignan ko ng masama si Eureka para naman kahit papaano makaramdam sya at magtigil na sya sa kadaldalan nya.


Kaso hindi effective. "Eh kung sa bahay ka na lang kaya namin tumira Bes? Ako lang naman ang nasa bahay, saka 'yung mangilan-ngilan naming maids. Kaya wala namang problema kung doon ka muna mag-stay"

"Ano bang pinagsasasabi mo dyan? Ayoko 'no! I prefer living alone" Diretsong sagot ko.


"Pero seriously speaking, hindi talaga maganda ang vibes ko dito sa bahay mo Bes, sa bahay ka na lang kasi," She insisted. "Ayoko nga Bes, mas gusto ko 'yung solo lang" Kinuha ko ang isang mug ko ng kape sa lamesa saka humigop ng konti.


"Bahala kang multuhin dito"

Binato ko sya ng pinakamatatalim kong tingin dahil sa mga sinabi nya. Alam naman nyang to the highest level ang katakutan ko sa mga multo tapos mananakot pa. "Eh kung ikaw kaya ang gawin kong multo Bes?" Nakakainis naman kasi diba.


"Hahahaha joke lang Bes enebe. O sya aalis na nga ako,"

"Agad-agad?" Nagtatakhang tanong ko. 'Yun na 'yun? Pumunta lang sya dito para sa wala lang? Akala ko naman may importanteng sasabihin oh ano. Bumeso sya sa'kin bago sya lumakad papuntang pinto ng apartment. Tumayo na di naman ako at lumapit sa may pintuan. "Yes, actually may naramdaman lang akong bad vibes kaya ako dumaan," I frowned kahit tumatawa sya pagkatapos nyang sabihin 'yun. Hindi naman ako boba para hindi mapansin na may kakaiba sa kilos nya.


I just shrugged saka bumalik sa pagkakaupo sa harap ng computer. Binuksan ko ulit ang ginagawa ko para maipagpatuloy ko.


A day has passed without him. Madaming tanong na nabubuo sa isip ni Alexis, pero ayaw nya itanong. She was planning to spend the whole night at her apartment, nung may hindi inaasahang bisita ang dumating.


Si Kindred.

Hindi nya alam kung paano magre-react.

"Paano nga ba kasi ang dapat sabihin kapag ganun? Okay naman kami kagabi nung ihatid nya ako dito.. Kaso parang awkward kasi—"

*knock* *knock*

"Hayy! Si Eureka na naman 'to panigurado! 'Yan talang babaeng 'yan, ang kulit,"

Padabog kong binuksan ang pinto ng apartment. And hindi ko pa man nakikita kung sino ang kumaton nag-umpisa na akong magbubunganga "Oh ano na naman Bes?! Pupunta ka na naman dito tapos lalayasan mo na naman ako tap—L-Lucian" I gulped. At the same time bumilis ang tibok ng puso ko. Nakakahiya! Hindi ko naman alam na sya 'yung kumakatok, tapos—bumalik ang tingin ko sakanya kaya na-realize ko na dapat ayain ko nga pala syang pumasok sa loob. "Pasok ka" Nahihiya ako kasi ang gulo-gulo ng apartment.


"Ahm pasensya ka na pala sa apartment ko ha. Kahit naman kasi linisin ko 'yan magulo pa din, kaya bakit ko pa lilinisin diba?" Ngumiti ako ng pilit, para naman gumaan ang atmosphere kahit papaano. "Ay wait dito ka pala maupo" Tumakbo agad ako at hinila ang nag-iisang monoblock chair dito sa loob ng apartment.


Lumapit ako sa may computer para i-save at i-close ang ginagawa ko. Baka kasi mabasa pa nya, nakakahiya naman. "Bakit ka nga pala nandito? May gusto ka bang kaninin? Ibibili kita ng pagkain sa labas," Tanong ko habang busy ako sa pagt-turn off ng computer.


"Hindi ka ba papasok?"


Tumingin ako sa kanya but I also immediately looked away nung mahuli kong nakatingin pala sya sa'kin. This is bullshit! Bakit ba ganito ako ka-affected? "Hindi eh, masama kasi pakiramdam ko" Sagot ko, saka naupo sa kama. To whom it may concern, pakidagdag na lang 'to sa listahan ng kasinungalan ko.


"Masama ang pakiramdam?" Nakakunot ang noo nya, at nakakainis kasi kitang-kita ko reaksyon ng mukha nya na alam nyang nagsisinungaling ako.


"Oo bakit? Ano bang alam mo sa nararamdaman ko?" A little smile formed on his face and he spoke very softly "Oo nga naman"


Tumayo ako at tumalikod kasi pakiramdam ko namumula na ako sa sobrang hiya. Bakit ba naman kasi sa dinadami-dami ng pwede mong sabihin Alexis, ganun pa? Ano hugutera ka na din? Linchak! "Ang ibig kong sabihin, hindi ka naman doctor diba? Kaya hindi mo masasabi kung may sakit nga ako o ano—" Humarap ako sa kanya. And there I was stunned. Nakatitig lang ako sa kanya habang tumatawa sya ng mahina. "Lucian" I whispered.


Tumingin sya sa'kin na nakapag-panumbalik ng diwa ko. "Bakit?" Tanong nya.


"Yung babae bang kasama mo nung gabi ng party, ayun 'yung sinasabi mong babaeng itinakda para sa'yo? Asawa mo ba sya?"

"Hindi at hindi" Diretsong sagot nya.


Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. "Hindi 'yun ang asawa mo? Eh bakit wagas-wagasan ka kung makipag-lingkisan doon, aba!"


"Sino ba may sabing may asawa ako?"


"Diba sabi mo doon ka nakatira sa bahay ng—-OMG live-in partner mo? So meaning, hindi pa kayo kasal?"

"Ikakasal kami...sana... kaso hindi pwede"

"So sya nga 'yun?" Bumalik ako sa pagkaka-upo sa kama. Chance ko na 'to magpa-kwento at maliwanagan sa mga bagay na gusto ko malaman.

Wag kang malandi Alexis, pigilan mo 'yang mata mo sa pag-iyak.


"Hindi, iba si Narkissa doon sa babaeng tinutukoy ko"

Saglit akong natigilan, and also medyo naiinis na ako. "Si Narkissa, 'yun 'yung pangalan ng babaeng kasama mo sa party?" Paglilinaw ko.


"Oo"

"Tapos, iba pa 'yun sa babaeng sinasabi mong itinakda para sa'yo at doon ka nakatira?" Dagdag ko pa.


"Oo"

Aba'y taran-tula! "Manloloko" Nakasimangot na pahayag ko.


"Two-timer" Bulong ko pa.


"Taksil" Nakakagigil sa galit. Minsan talaga ang mga lalaki masarap ibalik sa sinapupunan ng nanay nila. Para magbagong-buhay.


Natahimik si Lucian kaya ako ulit ang nagtanong. "Alam ba 'yan nung babaeng itinakda sa'yo? Alam ba nyang niloloko mo sya?"

Tumingin ng diretso sa mga mata ko si Lucian kaya hindi ko na nadugtungan ng follow-up questions ang tanong ko. "Hindi ko sya niloloko" He said. Ngumiti sya ng mapait at umiwas ng tingin sa'kin. "Sya pa nga nag-utos sa'kin na gawin ko 'to eh"

Aba'y isa pang tarantula! "Sino namang babae ang mag-uutos ng ganyan. Alam mo? Hindi ka mahal nun. Pinagtutulakan ka palayo kaya tingin ko dapat kalimutan mo na sya. Saka isa pa, madami namang ibang babae dyan," Nandito naman ako.


Teka bakit ako?


For the nth time, natigilan ako dahil napatitig ako kay Lucian. He's smiling bitterly at parang ang lalim ng iniisip nya. "Sana nga ganung kadali" Grabe? Ganyan ba sya ka-head over heals doon sa babaeng 'yun? May mga ganyang klase pala ng lalaki 'no? Hindi ko pa nami-meet 'yung babae nakakaramdam na ako ng insecurities.


"Ano ba! Joke lang 'yung sinabi ko 'no!" Binawi ko ang mga sinabi ko kasi napansin kong malungkot sya. Sige na nga. Sususportahan ko na lang ang love team nila kahit na naiinis ako. "Siguro may dahilan sya, kaya nya ginawa 'yun. Hindi ba nya sinabi sa'yo?" Tanong ko.


"Hindi kasi kami pwedeng magsama. Magkaiba ang mundo naming dalawa. Ayaw ng pamilya nya sa'kin. Ganun din ang pamilya ko sa kanya. Kaya pinili nyang kalimutan ang lahat para sa ikabubuti ng lahat,"

Aww, ang tragic.


Hindi ko na namalayan na naluha na ako sa kwento ni Lucian. Agad ko namang pinunasan ang mga luha ko. Ang gusgusin ko pa namang umiyak. "Tapos anong nangyari? Kinalimutan ka na nya?"

He stared at me for a while and without a word, tumango sya habang nakangiti ng mapait.


I can feel the sadness with his smile, gusto kong yakapin si Lucian at sabihing tigilan na nya pag-iisip sa babaeng 'un. Eh putspa! Kinalimutan na pala sya iintindihin pa nya. Kaso sino ba naman ako para sabihin 'yun diba?


"Sorry ah? Hindi ko alam kung ano ang ipapayo sa'yo kasi wala naman akong alam sa mga love-love na 'yan eh, hindi pa naman ako naiinlove kaya hindi ko alam kung ano dapat gawin kapag ganyan" I said.


Tumayo ako para mag-change ng topic. SObrang bigat at dami kasing emotions ang topic namin. "Gusto mo bang kumain? Maglakad sa labas? Magpahangin?"

Umiling sya sabay kuha sa isang libro ng vampire story. Mahilig nga kasi ako sa mga vampire stories. Kaya ayan. Ang dami kong ganyan.


"Vampires"

"Oo favorite ko vampires eh, diba nga naikwento ko na sa'yo na pati 'yung ginagawa kong story tungkol sa vampires"

He smiled.


My god! Kapag ito hindi tumigil sa pag-ngiti magkakasala talaga ako! "Minsan umaasa ka pa na babalikan ka nya?" Tanong ko out of nowhere. Akala ko ba magche-change topic na ako? Bakit bumalik na naman dito.


Pero teka—"Diba ang sabi mo, nakatira ka sa bahay nya? Papaanong nangyari na—"

"Kinalimutan nya ako, literal na kinalimutan"

"You mean nagka-amnesia sya?"

"Parang ganun"

Aww. Parang mas lalong nakakalungkot 'yung ganun. 'Yung hindi ka maalala. "Ganyan 'yung nangyari sa Meteor Garden eh. Umiyak talaga ako dun sa part na nakalimutan nung bidang lalaki 'yung bidang babae" ayoko talaga ng mga tragic stories, pero minsan hindi mo din talaga maiiwasan. Ang hirap pala ng pinagdadaanan nito ni Lucian.


"Hayaan mo, memories lang naman nya ang nawala diba? Siguro naman makikilala ka pa din ng puso nya," For the first time in forever may naipayo akong matino about sa love. Kahit na hindi ko pa nararanasan mainlove.


Tumingin sya sa'kin at ngumiti. Yung ngiti nya, hindi na katulad kanina na may halong lungkot. Kaya nginitian ko din sya.


**


A/N :

Sorry di ako nakapunta sa Cavite last time, uhm may nangyari kasi.


Pero sa 25 nasa Marquee mall Pampanga ako. See youuu :*

Continue Reading

You'll Also Like

6.7M 154K 37
[Rated SPG] This is a story about a hired wedding intruder, Sidney Villanueva. She ruined someone else's wedding and now she has to pay for it. Writt...
27.1M 717K 35
Based on true story. A psychological Romance-Horror-Paranormal novel by Jamille Fumah. Please read with caution. Highest rank: Consistent #1 both in...
14.9M 481K 51
He is cursed. He is in heat and he wants you.at she has *** Sampung taon lamang si Perisha nang kupkupin siya ni Kaden, ang misteryosong lalaki na k...
21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...