Splintered Heart (Eastwood Un...

By waurdltsj

1.4M 38K 9.1K

Eastwood University Series #1: Adira Fayre Tuazon Graduate and get a degree. That's what Adira plans... More

Splintered Heart
PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Epilogue
Author's Note
Special Chapter
Special Chapter - Aspen's

Chapter 5

28.7K 902 178
By waurdltsj

Dumating na kami sa venue kung saan gaganapin ang birthday party ni Tito Homer. As soon as nakapasok na kami sa loob ng venue ay makikita na ang mga mayayaman at sikat na businessman. Kahit mga sikat na mga doctors ay nandito.

Nailang ako sa tingin ng mga tao kaya dali dali akong yumuko at pinaglaruan ang mga daliri. I'm not really fond of parties kasi maraming tao. Iisipin ko palang na makikipag-usap ako sa marami ay nakakapagod na.

Mabilis kong nilibot ang aking paningin para hanapin ang aking mga pinsan upang hindi mailang sa mga tingin ng tao. Pag kausap ko kasi ang mga ito ay hindi ko na napapansin ang mga tingin ng mga tao dahil naka-focus na ako doon sa pinag-uusapan namin.

Nakita ko naman si Felicity na nandoon sa isang lamesa na siya lang mag-isa ang nakaupo kaya nagpaalam ako kay Dad na pupuntahan ito. Tumango na lang ito kaya agad na ako pumunta kung nasaan si Felicity.

Umupo ako sa katabi nitong upuan. Napapitlag ito dahil siguro ay hindi nito inaasahan na may uupo. Kanina pa kasi ito na parang lutang kaya nilapitan ko ito para hindi siya mukhang tanga na nakatulala. Bait ko 'di ba?

Handa na niya sana ako singhalan pero nang makita niya na ako ang umupo ay bigla itong nanlaki ang mata at sinabing, "Paano mo nakuha 'yung tumbler?" Agad nitong tanong kaya napairap ako bago tumango.

"Saan mo nakuha?" Pagtatanong nito na may halong takot sa kanyang mukha. Napa buntong hininga ako. Importante siguro ang mga nakasulat doon kaya ganito na lang siya kabalisa.

"Kay Ms. Costales. Buti nalang professor mo nakakuha at hindi sa estudyante dahil kung ang nakakuha noon ay estudyante ay paniguradong hindi na naibalik 'yon." Mahabang salaysay ko habang nakatingin sa kaniya ng mariin.

Panigurado talaga na hindi maibabalik sa kaniya kasi syempre hindi alam kung kanina iyon.

Nanlalaki ang mata nito ng tingnan ko.

"O bakit?" Taka kong tanong habang magka salubong na ang kilay na nakatingin dito.

"Sa kaniya? P-Paano niya nakuha?" Utal-utal na tanong nito kaya lalong kumunot ang aking noo habang nakatingin dito.

"Nino?"

"Ni Miss Costales, malamang! Doon mo nakuha 'di ba?" Inis nitong sabi kaya nilakihan ko ito ng mata. Ba't nagagalit?

"Aba! Ang sabi sa akin e iniwan mo daw doon." Naningkit ang mata ko dito, "Paano ka nakarating sa office ng professor, huh? You know we're not allowed in there." Nanlaki ang mata nito sa aking sinabi.

"Paano mo nalaman na nasa office niya ako?" Kinakabahan na tanong nito kaya gulo ko itong tiningnan.

"Duh, malamang! Sinabi ni Miss sa akin! Alangan naman napunta lang iyong tumbler mo doon ng hindi ka pumunta." Sabi ko bago irapan ito.

"Ah. H-Hehe. O-Oo nga." Sabay tawa niya ng pilit kaya yung mga mata niya ay nawawala na sa sobrang pilit na ngiti nito.

Anyare dito?

Bago pa ako makapagtanong dito ay lumapit na sila Ate Sid at ang iba pa naming mga pinsan.

"Adi!" Maangas na tawag sa akin ni Ate Sid at agad na niyakap ako. Ginantihan ko din naman ito at binigyan ito ng malawak na ngiti.

"Woah. My cousin is slaying it, gosh! Ikaw pala yung pinag-uusapan ng mga tao doon sa may entrance." Sabi nito after akong pasadahan ng tingin at tumili pa.

"Ano ba, Ate? You look gorgeous too." Sabi ko dito ng may ngiti sa aking labi. Humalakhak naman ito sa aking sinabi and flick her hair.

"Well, yes, I know." Mayabang na sabi nito.

She is wearing a black turtleneck that fits her body and light brown trousers. Marami rin itong nakukuhang atensyon katulad ko ngunit 'di gaya ko na naiilang sa mga tingin ng mga tao, si Ate Sid naman ay gustong gusto ang atensyon. Napailing nalang ako dito.

I'm wearing an black ruched asymmetrical dress. It is a below the knee dress and just perfect in my body shape. Hindi naman siya uncomfortable 'di katulad ng mga nakikita kong damit ng ibang tao dito na halos ipakita na ang mga private part nila.

"Where is Soleil?" Tanong ko kung nasaan ang kapatid nito. Sa mga ganito kasing event ay hindi ito nahuhuli at minsan siya pa ang nagsisimula kahit hindi kaniya ang party.

"She will be late, I guess?" Hindi sure na sagot nito sa akin at uminom ng wine. Napangiwi ako sa nakita, 7pm pa lang at nainom na siya.

Maya-maya pa ay pumunta na rin ang iba ko pang pinsan sa aming table kaya maingay na naman sa aking paligid.

Napalinga-linga si Ate Sid sa buong venue na para bang hinahanap kaya naguguluhan ko itong tiningnan. Mukhang napansin niya ito kaya medyo lumapit ito sa akin para siguro magtanong.

"Asan na yung friends mo, si Kale and, ehem, D-Dione?" Aligaga nitong sabi at parang kinakabahan pa. Nagtataka ko itong tiningnan at sasagot na sana ng magsalita si Felicity.

"Ayon, may kausap na lalaki." Tinuro nito kung nasaan si Dione.

Mabilis pa sa alas-kwatro na lumingon si Ate Sid kung nasaan si Dione na ngayon nga ay may kausap na lalaki at mukhang tuwang tuwa pa. May hawak din itong plato habang nakikipag usap.

Inuna niya pang lumandi kaysa puntahan muna ako. Anong klaseng kaibigan 'to?

Nakita ko ang medyo pagdilim ng aura ni Ate Sid habang ang mga kamay na nakatingin sa direksyon ng aking kaibigan at noong lalaki. Parang gusto niya lang kasi bigwasan sa sama ng tingin na pinupukol nito doon. Is she mad?

"Uh, Ate Sid? Are you okay?" Nag-aalala na may kasamang pag iingat kong tanong dito. Bigla bigla nalang kasing magagalit eh wala naman nang-aaway sa kaniya.

Napalingon naman ito sa akin. Ngumiti ito ng pilit at agad in-excuse ang sarili. Even though I'm worried, I let her. Maybe she needs a breather.

Nilibot ko ang aking paningin sa buong venue at makikita na lalong dumami ang tao na dumalo sa party. Halo-halong businessman at mga sikat na doctor ang aking nakikita. Sigurado akong ito ay ang mga nagtatrabaho sa hospital ni Tito Howard.

Ilang minuto kong nilibot ang aking paningin ng magsimula mag bulong-bulungan ang mga tao. Nagtataka man ay tiningnan ko kung sino ang nasa entrance dahil halos lahat ng bisita ay duon nakatingin.

At the entrance, I saw a man who was wearing a black suit along with, I guess his wife, wearing an elegant red dress. Sa tindig palang ng mga ito ay malalaman mo na isa silang mga respetadong tao kung kaya't marami nang lumalapit dito upang makipag-usap. Their aura is surely intimidating and powerful kaya mayroong mga tao na hesitant na makipag-usap sa mga ito.

When suddenly Tito Homer approached those people along with my parents.

"Mr. Ferrucci!" Natutuwang saad ni Tito Homer. "I'm glad you came!"

"Well, the highly respected surgeon personally invited me to his birthday party, of course, I will come." Sabi nito kay Tito Homer sa baritonong boses at tumawa pa. Nangilabot ako sa tawa nito.

Wait. Ferrucci? Tatay ni Miss?

So, they really came here. I wonder where she is.

Nang mapagtanto ko na nandito sila Miss ay muli kong nilibot ang aking paningin para hanapin ito.

Ilang minutong paghahanap ay nakita ko ito na nakatayo kasama ang mga ibang businessman. May hawak itong champagne glass at pinaikot ikot iyon. Tiningnan niya ito na para bang iyon ang pinaka-interesadong bagay sa mga oras na ito. Patuloy ko itong tinitigan.

Maya maya pa ay nararamdaman siguro nito na may nakatingin sa kaniya kung kaya't inangat nito ang tingin at nilibot ang mata hanggang sa dumako ang tingin nito sa aking pwesto kaya inalis ko ang aking tingin dito at tumayo sa aking kinauupuan. Pumunta ako kung nasaan sila Dad at duon na naupo.

"Are you having fun?" Tanong ni Dad. Tumango nalang ako bilang sagot dito. They know I'm not having fun. Parties are not my thing.

Nakita ko na lumalapit papunta sa aming pwesto sila Tito Homer kasama si Mr. Ferrucci at ang kaniyang asawa. Umupo ang mga ito at binati si Mom and Dad.

"Mr. and Mrs. Tuazon. Good evening." Sabi nito with his Italian accent at ngumiti pa ng bahagya. Binati naman sila pabalik ng aking parents.

"Well, hello dear. What's your name?" Baling sa akin ng asawa ni Mr. Ferrucci at inilahad ang kamay

Gulat man ay nginitian ko ito at tinanggap ang kamay nito habang pinakikilala ang sarili. "I'm Adira, Ma'am."

Ngumiti ito pabalik at sinabing, "You look gorgeous." Namula ako sa papuri nito at yumuko na lamang. Natawa naman ang mga kasamahan namin sa lamesa kaya lalo akong napayuko sa kahihiyan. Ginawa pa nga akong clown.

"Howard, this is my first time seeing your third born. She really is beautiful." Sabi pa nito kay Dad na lalong nagpapula sa akin.

"Well, I have some great genes, Madam, that's why," sabi ni Dad at humalakhak pa. Nagtawanan naman ang mga ito at nag-usap pa ng kung ano ano habang ako ay awkward lang na nakikinig sa kanila.

Hindi man sinasadya ay narinig ko na nag-uusap ang mag-asawang Ferrucci.

"Hai visto nostra figlia?" Unang saad ni Mrs. Ferrucci. (Have you seen our daughter?)

"Fabrizia?" Tanong ni Mr. Ferrucci.

"È la nostra unica figlia, Anselmo. Non dirmi che hai un'altra figlia?" Mukhang naiinis na wika ni Mrs. Ferrucci. (She is our only daughter, Anselmo. Don't tell me you have another daughter?)

Nag-aaway ba sila?

"Non c'è nessuno, Alice." Iling na sabi nito sa asawa at inilibot ang tingin na akala mo ay may hinahanap. Bumaling muli ito sa asawa. (There is no one, Alice.)

Palagay ko hinahanap nito si Miss. Magsasalita na sana ako para sabihin kung nasaan ito ay nagsalita muli ito.

"Oh. There she is!" saad ni Mr. Ferrucci. Napalingon ako at nakita ko na papunta na dito si Ma'am.

Habang naglalakad ito ay dala pa rin nito ang intimidating aura na lalong nagpapaganda sa kaniya. Pinasadahan ko ito ng tingin. She is wearing a black long sleeves t-shirt with brown wool pants and pointed toe heels and that makes her look alluring. Suot niya rin ang kaniyang brown na blazer.

"Hello there, figlia (daughter)." Pagbati ni Mrs. Ferrucci kay Miss. Nagbeso pa ang mga ito. Bago umupo si Miss ay tumingin muna ito sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

"Is this your daughter, Mr. Ferrucci?" Tanong ni Kuya Caleb at tumingin sa akin na parang nang-aasar dahil bahagyang nakangisi pa ito.

Ano na naman ba?

"Well, yes. She is my unica figlia (only daughter)." Sagot nito kay Kuya Caleb na may ngiti.

"She is a professor in Eastwood." Proud na sabi ng kaniyang ina kaya napangiti ako at tumango tango sa sinabi nito.

"Oh well, Fabrizia, this is the Tuazon family. Mr. Tuazon is the brother of the birthday celebrant and this is their children. I know you know the twins already since you've seen them in our last visit in the hospital. This is their second—" Pagpapakilala ni Mr. Ferrucci ng pinutol ito ni Miss.

"I know them already, especially Adira. She is one of my students in Eastwood." Pagsabat ni Ma'am at umupo sa tapat ko, sa tabi ng kaniyang ina.

"Really? That's great!" Sabi ni Mrs. Ferrucci at pumalakpak pa. Bakit parang tuwang tuwa siya?

"Ikaw—" May sasabihin pa sana si Dad ng may nagsalita na sa unahan kaya napadako ang aming mga tingin sa unahan.

"Good evening ladies and gentlemen! We are here in tonight's event to celebrate the 51st birthday of Mr. Homer Allan Tuazon. I'm here to call on the birthday celebrant for his opening speech. Please come up to the stage, Mr. Homer Allan Tuazon. Please give him around of applause!" Pagsasalita ng emcee sa stage at pumalakpak ang mga bisita. Tumaas na sa stage si Tito at kinuha ang mic dito.

"Thank you, Mark but you don't need to tell them my age. I feel so old." Sabay halakhak ni Tito Howard. Napatawa din ang ibang mga bisita. Ipinagpatuloy ni Tito ang kanyang speech at nang matapos ay binigay na sa emcee ang mic.

"Thank you, Mr. Tuazon. Everyone, have a great night and enjoy the party!" Huling sabi ng emcee at bumaba na ito ng stage.

Muling naghalubilo ang mga tao upang mag-usap. Ang parents ko ay muling tumayo at nakipag usap sa mga tao ganon din sila Mr. Ferrucci. Sila Kuya Caleb naman ay tumayo din para siguro kumuha ng pagkain. Kanina pa kasi ito nagrereklamo na gutom na sila habang nag s-speech si Tito kaya pigil ang aking tawa habang nakikinig.

Ngayon ang ending ay kami ni Miss na lang ang nandito sa lamesa na kanina ay walo ang nakaupo. Gaya kanina, nakita ko naman ito na pinaglalaruan muli ang kaniyang baso ng champagne at tinitingnan ito.

"Aren't you tired staring at me?" Biglang sabi nito na siyang ikinagulat ko. Gulat man ay tumikhim ako at nagsalita.

"Mukha po kasi kayong bored." Sagot ko dito at tiningnan pa ito. Napa-angat naman ng tingin ito sa akin at inikot muli ang baso na hawak.

"Well, I don't really like parties." Sabi nito at sumisimsim sa kanyang baso. I nodded, agreeing with her.

"Parehas tayo, Miss." Pagsang-ayon ko dito na dahilan ng pag angat ng tingin nito sa akin.

"You don't like parties?" Tanong nito with an interesting tone.

"Kakasabi lang eh." I whispered at uminom din ng champagne.

"Pardon?"

"Ah. Wala po." Sabi ko nalang dito. Ilang minutong katahimikan ang namayani sa amin.

Maya maya lamang ay nagsalita ulit siya.

"Is it okay for you to drink a glass of champagne, Ms. Tuazon?" Sabi nito at tiningnan ako ng maigi. Napalunok ako at hindi sumagot dito. Ayoko kasing sabihin ang totoo at the same time ayoko din magsinungaling kaya 'wag na lang magsalita.

"How old are you?" Muling saad nito pero hindi pa rin ako sumagot. Napasandal ito sa kaniyang upuan habang nakatingin pa rin sa akin.

My mouth went agape when she suddenly stood up, got my champagne glass and gave it to the waiter. Tinawag pa niya ito.

"Excuse me. Can I get a glass of water or juice, perhaps?" Tanong nito. Tumango naman ang waiter at sinunod ito. Maya maya pa ay dumating ang waiter at ibibigay na sana ito sa kaniya ng magsalita ito.

"Give it to her, please." Sabi nito. Ginawa naman ng waiter ang sinabi at nilagay sa harap ko ang juice. Nagpasalamat naman si Ma'am.

"Ma'am?! Pwede na ako ng champagne!" Gulat kong sabi dito at tiningnan ito ng hindi makapaniwala. Ginagawa niya akong bata!

"Who says you're allowed to drink?" Taas kilay nitong sabi kaya nairapan ko ito, which is a very wrong move.

"Don't you dare roll your eyes on me, missy." Madiin nitong sabi kaya napalunok nalang ako at tumango habang iniinom ang juice.

Ngayon na nga lang makakainom noon ng hindi nakikita nila Dad eh!

Ayaw na kasi nila ako painumin because last time I got drunk, only God knows what happen to me!

I sighed before drinking the juice that I have.

No choice, then.

Continue Reading

You'll Also Like

1.6M 44.4K 23
~ COMPLETED ~ Side story 1 of Sweet Surrender 🦋 Started: July 24, 2021 Ended: October 30, 2021 ALL RIGHTS RESERVED 2021 ****UNEDITED****
367K 11K 45
Eastwood University Series #2: Dione Chavez Dione can't think of any idea why the most famous medical student and the eldest Tuazon suddenly...
40K 1.4K 37
SAMLY AU (Completed. Unedited) Samantha is an actress managed by Windstrike Entertainment. Unfortunately, her reputation is tainted by something she...
882K 34.2K 30
~ COMPLETED ~ Side story 3 of Sweet Surrender 🦋 Started: February 2022 Ended: October 2022 ALL RIGHTS RESERVED 2022 ****UNEDITED****