Seeking Light in the Darkness

By sunfloweryy_seeds

3.1K 346 20

"Ate, hindi na po ba tayo pupuntahan ni mama?" Tanong ng nakababata kong kapatid. Hindi ako nagsalita dahil h... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16

Chapter 15

166 16 4
By sunfloweryy_seeds

Naluha ako nang sabihin niya 'yon.

"Birthday mo pala!" Sabi ng isang lalaki.

"Kantahan natin!" Sabi naman ng tindera.

"Happy Birthday to you~" Pati si Jazen ay nakisabay din. Ayaw pa rin tumigil ng luha ko tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad.

"Yey! Happy Birthday!" Tinignan ko sila at ngumiti.

"Salamat po." Tumingin ako kay Jazen at niyakap siya. Nakalimutan kong birthday kona pala dahil ang laman ng isip ko ay si kuya.

"Sorry ate. I don't have candles," Sabi ni Jazen.

"It's okay." I kissed him in his cheeks. "I love you."

"I love you too, ate!"

"Ano wish mo?!" Sabi ng lalaking nasa harap ko.

"Wala ngang candles na ibo-blow, ano ka ba Jenzen!"  Sabi ng katabi niya.

"Ano naman?!" Inis na sabi ni Jenzen.

"Wish ko lang ay maging maayos na ang kuya ko." I smiled. At syempre maging maayos ang buhay naming magkakapatid.

"At dahil kaarawan mo, anong gusto niyo? Ililibre ko kayo." Lumawak ang ngiti ng dalawa at nagsimula nang magsabi ng mga gusto nila sa tindahan.

Nakangiti lang akong nakatingin sa kanila, hindi ko akalaing sila ang makakasama ko sa pagsalubong sa birthday ko.

Hindi ko naman sila gaanong kilala pero habang nag-uusap kami ay parang sobrang close na namin.

Pati si Jazen ay tuwang tuwa sa kanila, ang naging handa ko ay biscuits, mga tsitsirya at soft drinks.

Lumabas na rin ang tindera para sumama sa amin na kumain.

"Alam mo sobrang daming nagkakagusto sa kuya mo!" Sabi ni kuya Jon, ka-edad lang siya ni kuya at si Jenzen naman ay seventeen palang.

Natawa ako. Alam ko 'yon dahil tuwing sabay sabay kaming lumalabas ay nakikita ko ang mga babae ay nakatingin lagi kay kuya.

"Pinag-aagawan nga ang kuya mo! I mean gwapo naman talaga ang kuya mo at palakaibigan pa!" Dagdag niya.

Nagtagal ang aming kwentuhan hanggang alas-tes ng madaling araw, sakto ay papasok na ako sa karinderya.

Mabuti nalang at maaga ako natulog kaya medyo marami pa ang energy, nagkape nalang ako bago umalis.

Sinama ko na si Jazen dahil walang maiiwan sa kaniya dito sa bahay. Sumakay kami ng tricycle ni kuya Jon. Tricycle driver siya at nang malaman niyang papasok ako ay nag-alok siya na siya na daw ang maghahatid sa amin.

Pagdating namin ay as usual nandoon na si Sara, nagulat pa siya ng kasama ko si Jazen.

"Shay! Happy Birthday!" Bati niya.

"Salamat." Tinignan niya ako saglit at ngumiti.

"Tara na!" Hinila niya kami papasok sa loob. Kumpleto na silang lahat at nagpeprepare na para sa pagbukas ng karinderya.

Nang makita nila ako ay agad nila akong binati, pinaupo ko muna si Jazen sa isang tabi at binigay ko nalang sa kaniya ang phone ko.

Nagtulungan kami para mas lalong mapabilis ang mga gawain. Alas-singko na kaya naman binuksan na ni Jhun ang karinderya.

Lunch na at medyo nagulat ako nang dumating si ate Rein kasama ang kaniyang mga kaklase, sila ulit anim.

Kasama ni kuya Jasiah. I smiled when he looked at me.

Si Yuichi na ang nag-asikaso sa kanila dahil nasa counter ako kumukuha ng take outs.

Nagbreak muna ako ng five minutes at tinawagan si tita para kumustahin si kuya.

"Hello, tita. Kumusta na po si kuya?"

"Hindi pa rin siya nagigising pero lagi naman nagmomonitor ang mga nurses at doctor niya." Laking pasalamat ko kay tita dahil nandyan siya.

"Salamat tita."

"Nga pala, Shay. Happy birthday!"

"Salamat po." Napangiti ako.

Bumalik na ako sa trabaho pagkatapos namin mag-usap. Kahit pagod na pagod na ay pinipilit ko pa rin, iniisip ko nalang si kuya na nasa hospital kailangan kong magtrabaho at mag-ipon para sa babayaran namin sa hospital.

Dahil legal age naman na ako, siguro susubukan kong mag-apply ulit ng trabaho.

Kailangan magdoble sikap dahil paglabas ni kuya paniguradong wala akong pera dahil binayad ko na sa hospital. Saka hindi pa makakabalik si kuya sa trabaho niya dahil sa nangyari kaya kailangan ko talagang magbanat ng buto para may pangkain kami.

Pinakain ko na si jazen ng lunch niya and after that kumuha ako ng dalawang monoblock para may tutulugan si Jazen dahil napansisn kong inaantok na siya dahil hindi na kami nakatulog kanina.

Pinuwesto ko siya sa gilid ng kusina, napaisip ako na sana dinala ko muna siya kay tita Jhin dahil hindi siya kompotable, ang unan niya ay ang dala niyang bag. Siguro bukas makiki-usap muna ako kay tita Jhin kung pwedeng doon muna si Jazen sa kanila.

Lumabas na ako ng kusina para magtrabaho, tinulungan ko si Yuichi na magdala ng mga orders dahil dumadami na ang mga costumers. Sobrang sakit na ng mga balikat at paa namin sa kakabuhat ng orders at pagbabalik-balik sa kusina at sa mga tables ng cosumers.

Akala ko ay hindi magtatagal sila ate Rein dito dahil akala ko may klase pa sila dahil mga naka-uniform silang lahat pero nagstay sila hanggang alas-tres ng hapon. 

Ako naman ay nagpaalam ako kay tita Kiann na maaga ako uuwi dahil pupuntahan ko si kuya sa hospital.

"Sige, magiingat kayo. Shay huwag kang mahihiyang lumapit sa amin, okay? Handa kaming tumulong, baka sa isang araw ay dadalaw ako sa kuya mo." 

"Maraming salamat po, tita." Kinuha ko na ang bag ko and bago umalis ay niyakap ko muna si tita. Hinawakan ko na ang kamay ni Jazen at lumabas na kami ng kusina, nagpaalam na rin ako sa mga katrabaho ko.

"Shay," Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si ate Rein kasama ang kaniyang mga kaklase.

"Ate," I smlied at them. 

"Uuwi na kayo?" She asked. 

"Opo ate." I answered. 

"Nabalitaan ko ang nangyari sa kuya mo, ano na ang lagay ng kuya mo?" nagulat ako nang malaman niya 'yon, siguro ay sinabi sa kaniya ni tita. 

"Nasa hospital pa rin siya ate hindi pa nagigising." Napayuko ako. Dahil naaalala ko nanaman ang sinapit ng kuya ko. 

"Wala pa bang balita sa mga gumawa sa kaniya non?"

Umiling ako. "Wala pa raw ate." Tumulo na ang mga luha ko dahil napansin ko na parang walang ginagawang aksyon ang mga pulis, ang sabi nila ay kukuha sila ng copy ng CCTV na malapit kung saan natagpuan si kuya pero wala pa silang balita sa amin. 

Natatakot nga rin ako na baka puntahan kami ng mga taong nanakit kay kuya, natatakot ako na baka saktan din nila kami.

Napataas ang tingin ko kay ate nang hawakan niya ang magkabila kong balikat her face softened when she saw my tears.

"Tutulungan namin kayo. Makakakuha ng hustisiya ang kuya mo, okay?" Tumango ako at pinunasan ang mga luha. "Nga pala, diba birhtday mo ngayon?"

"Opo, ate." I smiled, naalala pala ni ate,. Sobrang nakakataba ng puso kapag may nakakaalala ng birthday mo.

"Happy birthday!" Bati niya.

"Happy birthday!" Bati ng classmate ni ate na babae, I think Anastacia ang name niya naalala ko nang narinig ko silang nag-uusap ni Jazen.

"Maraming salamat po." I smiled.

"Eighteen kana, diba?" Nakangiti niyang tanong.

"Opo." Mas lumawak ang ngiti niya at tumingin sa likod niya, sa mga lalaking kasama nila.

Napatingin ako kay ate Rein nang hawakan niya ang kamay ko. "Anyway, hatid nanamin kayo sa hospital."

"Oo nga, Shay! Aalis na rin kami sumabay na kayo ang init pa naman magbyahe ngayon. Diba?" Sabi ni ate Anastacia at inakbayan ni kuya Jas at tinignan.

"Get off me." Parang nandidiring inalis ni kuya Jas ang braso ni ate Anastacia sa balikat niya.

"Ito naman! Napaka-arte!" Sinamaan niya ng tingin si kuya Jas. Napangiti ako habang nakatingin sa kanila, ang cute nila. Bagay sila.

Sa sasakyan ni kuya Jas kami sumakay, bali lima kami sa loob ng sasakyan niya at ang iba ay sa sasakyan ng isa pa nilang kasama. Nakakandong sa akin si Jazen at nakasandal sa balikat ko dahil inaantok pa raw siya.

Kulang pa ang tulog niya kanina at saka hindi siya makatulog ng maayos dahil hindi siya komportable sa hinihagaan niya.

"Shay ilang taon na ba ang kuya mo?" Napatingin ako kay ate Anastacia. Magkatabi kami at si ate Rein naman ay nasa shot gun seat katabi ni kuya Jas.

"Twenty po." Sagot ko.

"Strict ba ang kuya mo? Mabait ba siya?" Mga tanong niya ulit. 

"Hindi naman po siya strict." Hindi niya naman kami laging pinagbabawalan ni Jazen siguro kung alam niyang mali na ang ginagawa namin ay saka niya kami kakausapin.

Tumango tango siya habang malaki ang ngiti at tumingin sa unahan hindi ko alam kung bakit niya 'yon natanong pero hinayaan ko nalang. Interesado rin ba siya sa kuya ko?

Humarap nalang ulit ako sa bintana at tumingin sa labas. Nang mapansin kong medyo malapit na kami ay ginising ko na muna si Jazen dahil hindi ko siya kayang buhatin masyado na siyang mabigat.

Pagka-park ni kuya Jas ay lumabas na kami ng sasakyan, inalalayan ko si Jazen dahil papikit pikit pa siya baka biglang matumba dahil sa antok. Ako nalang ang nagdala ng bag niya ay hinawakan ang kamay niya.

Nakapikit siyang naglalakad, gusto ko nga sana siyang buhatin kaso mabigat na siya at dala ko pa ang mga bag namin. Pagpasok namin sa loob ay lumapit sa amin ni kuya Jas.

"Buhatin ko nalang siya." Alok niya. Bago pa ako makasagot ang binuhat na niya si Jazen. Sumandal naman agad si Jazen sa balikat niya. 

"Salamat po, kuya." He smiled at yumuko. Narinig ko ang mga tawa ng mga kaibigan niya na nasa likuran namin kaya napatingin ako sa kanila. Nang mapansin nilang nakatingin ako ay agad silang napaiwas ng tingin pero nagpipigil pa rin sila ng tawa.

Huh? Bakit sila tumatawa? May nangyari ba?

Continue Reading

You'll Also Like

7.6K 105 19
Zariyah Krystelle Mariano, Is In love with his dad's personal driver. She confess her feelings to him but, Giovanni Salazar's rejected her. Date Star...
1.6M 71.3K 103
"I will rule all of you." Raiven said to the last section. Mahirap makihalubilo sa isang seksiyon na lahat ay lalaki. Mas lalong mahirap kung makas...
28.6K 1.4K 19
(Epistolary ⌖ GA: The Game) All Belle Santiago wanted was to have a normal college life. Iyong walang mga matang nakabantay, hindi engrande o espesy...
120K 4.9K 99
STARTED: 08/01/21 ENDED: 05/12/22 ☆☆ A woman enters a room full of rowdy men. In the past few days, she has gradually gotten closer to those men. The...