Truce (Erityian Tribes Novell...

بواسطة purpleyhan

5.1M 179K 96.9K

Erityian Tribes Novellas, Book #1 || As the war ended, another problem has arisen. المزيد

front matter
00 - Prelude
01 - Hill
02 - Takeoff
04 - Trouble
05 - Eyes
06 - Summoned
07 - Ambush
08 - Role
09 - Support
10 - Resolve
11 - Restricted
12 - Victory
13 - Reminiscence
14 - Memories
15 - Future
preview

03 - Assembly

270K 10.7K 7.5K
بواسطة purpleyhan


Dinilat ko ang mata ko at inadjust ang paningin sa paligid. Nakita ko si Hiro at Akane sa magkabilang gilid ko, samantalang hindi ko naman makita 'yung tatlong kasama namin.

"Glad you're awake," sabi ni Hiro.

"Ilang oras akong walang malay?"

"Twenty five minutes and thirty two seconds," sagot naman ni Ms. Reina habang papasok sa jet at nakasunod sa kanya sina Sir Hayate at Sir Hiroshi.

"I guess your body can't take the speed of this jet yet." Pumunta si Sir Hiroshi doon sa control area at may pinagpipindot.

"It's 10:30 PM at malapit na tayo sa Romania. We'll arrive there at approximately 10: 47 PM," sabi naman ni Sir Hayate habang tinitignan 'yung location namin sa radar.

Siguro nga ako na lang ang hindi sanay sa ganitong speed. For sure ay wala na lang 'to sa tatlong teachers dahil mukhang lagi silang sumasakay sa mabibilis na sasakyan. And of course, walang-wala rin 'to kay Akane. Mukhang excited pa nga siya eh. Ganun din si Hiro dahil naexperience niya na ng ilang beses ang pagiging reckless driver ni Akane.

Medyo nakaadjust na ako sa speed ng sasakyan though blurry ang vision ko at hindi ako makagalaw sa pwesto ko. Bakit ba kasi ganito kabilis 'to? Para akong nakasakay sa roller coaster na hundred times ang bilis!

"Drink this," sabay abot ni Hiro ng isang maliit na vial.

"Ano 'to?"

"It'll ease your dizziness. Binigay ni Reiji dati."

Napaisip pa ako kung kailan pa 'yung dati pero kinuha ko kaagad 'yun nung umikot na naman ang paningin ko. Binuksan ko 'yun at naamoy ko kaagad ang strong scent ng white liquid. Hindi ako huminga at ininom ko lahat ng nandoon at akala ko ay masusuka ako sa lasa pero nagulat ako nung naging lasang mint pagdating sa lalamunan ko.

"Effective 'yan. 'Yan din 'yung laging iniinom ni Riye kapag ako ang nagdadrive eh," sabi naman ni Akane na nasa kanan ko. Mukhang may stock din ng ganito si Riye. Kailangan kong humingi sa kanya kung sakali mang pilitin ni Akane na ipagdrive kami sa susunod.

After a few minutes ay nawala na 'yung bigat ng sikmura ko at medyo umayos ang pakiramdam ko. Effective nga 'yung gamot. Sino kaya ang gumawa nun? Si Reiji? Si Riye? At paano kaya nila nagawa 'yun?

"We'll drop you at the top of Mt. Tampa. May hidden way doon papunta sa Transylvanian Alps kung nasaan ang Yllka Shrine. I think it'll take you ten minutes from Mt. Tampa to Yllka Shrine so makakarating kayo doon ng mga 11 PM."

"Hindi po kayo sasama sa amin?" tanong ko kaagad kay Ms. Reina.

"Oh, no. May sarili kaming mission at nagkatanong same way lang ang dadaanan natin kaya hinatid na namin kayo."

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam 'yung mission na tinutukoy nila pero hinayaan ko na lang. Nung 10:45 PM na ay unti-unting bumaba ang plane at nakita ko ang mountain ranges sa ilalim namin. Sa kabilang banda ay puro city lights pero sa ibaba namin ay sobrang dilim dahil puro bundok iyon.

"Teka, Sir. Hindi ba tayo mahuhuli nito dahil pumasok tayo sa Romania ng walang pasabi?" tanong ni Akane habang nakasilip pa sa bintana at palakad-lakad.

"Gawa sa glass ang surface ng plane na 'to kaya magrereflect lang ang paligid at maliit ang chance na makita tayo. Isa pa, hindi rin ito madaling madetect dahil ibang signals ang ginagamit dito," sagot ni Sir Hiroshi.

Ni hindi ko napansin kanina na sa glass pala gawa 'to. Grabe, ang taas talaga ng tingin ko kay Sir Hiroshi at sa Technology department sa paggawa ng machines. Napapaisip tuloy ako kung gaano kagaling ang predecessors niyang sina Sir Aiwa at Ma'am Mayu. Kaso hindi ko na sila naabutan.

Bigla namang umalog 'yung plane kaya napakapit ako sa upuan ko at pumikit. Pagdilat ko ay namatay na 'yung machine at bumukas 'yung pinto. Tumayo kaagad ako at ako ang unang lumabas sa aming tatlo. Sa wakas, nakaalis din! Huminga ako nang malalim at sobrang fresh ng hangin dito pero sobrang lamig din.

"Here," sabay abot ni Hiro ng coat. Pagtingin ko ay nakasuot na sila ni Akane ng coat.

Nagpaalam sa amin sina Ms. Reina at lumipad ulit 'yung plane kaya humawak ako sa trunk ng puno dahil sa sobrang hangin. After that ay nagsimula na kaming maglakad. Ginamit ko ang sixth sense ko para tignan ang paligid. Nakapag-adjust na rin ang mata ko sa dilim kaya nakikita ko kahit papaano ang nilalakaran namin at ako ang naglead ng way. Ang kailangan ko lang gawin ngayon ay hanapin ang hidden way na sinasabi nina Sir Hiroshi kanina.

"Akemi, don't go that way," sabay turo ni Akane sa harapan. "May naririnig akong wild animals. I think may wild bears at boars sa area na 'yun."

Umiwas naman ako doon at sinundan ulit nila ako. After a few minutes ay napahinto ako sa harap ng isang malaking bato at inilawan ko 'yun.

"Tignan niyo 'to." Lumingon ako kina Hiro at Akane tapos pinakita ko sa kanila 'yung nakita ko sa pagitan ng crack ng bato. Nakasulat doon ang:

ҁѫǂϫ•⨳ͽ⊱•ҁᴥ•ҁѫҩ•ϫѫѯǂᵻҩ•ᴥϕ•⊱ҵҵжͽ∎•ᴥᵻҩ•ᴥϕ•ҁѫҩ•Ϟǂҵҵͽѯϫ•ᴥϕ•ѫϭᵻҁѯҩϫ•ҁѯǂ⧝ҩ ↣

Naintindihan kaagad namin iyon kaya pumunta kami kung saan nakaturo ang arrow. Naalala ko bigla 'yung sinabi ni Hiro dahil sa nabasa namin sa bato. Si Yllka ang isa sa founders ng Huntres tribe. Ibig sabihin ba ay galing siya sa Romania? May sarili rin kayang base dito ang Huntres tribe?

Actually, gusto kong pag-aralan ang History ng Erityian race pero hindi ko magawa dahil sa dami ng mga nangyayari. Para kasing ang galing ng founders ng four tribes at nagawa nilang paghiwa-hiwalayin at bumuo ng sariling grupo.

'Interested?' Narinig ko ang boses ni Hiro sa isip ko kaya sinagot ko kaagad siya.

'Yes. Panigurado kayo, alam niyo na ang buong history nila.'

'Yeah. But of course, written records are always incomplete and sometimes, inaccurate.'

Minsan napapaisip ako, ano kaya kung simula bata ako ay nasa Tantei High na ako? Siguro ang dami ko na ring alam tungkol sa kanila. Pero okay na rin 'yung ngayon. At least naexperience kong maging normal sa loob ng fifteen years.

Bigla naman kaming napahinto nung nakita namin ang nasa harapan. May isang kweba na napapalibutan na ng vines at iba't ibang klaseng halaman pero kita pa rin ang ancient symbols sa taas kaya pumasok kami doon. Dahil maliit lang 'yun ay nakalinya kaming lumakad. Ako sa harapan, tapos si Akane at si Hiro naman ang nasa dulo. Nagulat pa nga kami nung biglang may nalaglag na bato galing sa taas at naharangan ang butas ng kweba.

"S-siguro naman mechanism 'yan ng kweba no?" tanong ko sa kanila.

"M-mukha nga. Hindi naman siguro tayo matatrap dito." Mukhang unsure at natakot din si Akane.

"Go. I'll watch your back," sabi naman ni Hiro sa aming dalawa kaya nagpatuloy na kami sa paglalakad.

After a few minutes ay may nakita akong opening kaya napatakbo agad ako papunta doon. Paglabas namin ay namangha ako sa nakita ko.

"Whoa...paanong..." Hindi na naituloy ni Akane ang sasabihin niya at napanganga na lang din siya.

Sa harapan namin ay may isang malaking arc at maliit na bahay...na gawa sa yelo. Tapos sa paligid ay may mga halaman na hindi ko alam na nag-eexist pala dahil sa sobrang unique at kakaiba rin 'yung lupa dahil sobrang pino na parang buhangin na. Meron ding lamp post na imbes na ilaw ang nakalagay ay apoy at parang may miniature na kidlat din ang nandoon at kahit may hangin ay hindi sila namamatay. Pero ang mas nakakamangha ay sa kaliwa, maliwanag na parang umaga pa lang at sa kanan naman ay sobrang dilim.

"This place represents the different attributes of our tribe."

Napatingin agad ako sa pinanggalingan ng boses at nakita ko ang isang babae na nakaupo doon sa pintuan ng bahay na gawa sa yelo. Kitang-kita ko ang crystal blue eyes niya at bigla ko siyang naituro.

"Ikaw 'yun. The Huntres from before," sabi ko at naalala ko ang pagsampal niya pati ang mga salitang binitiwan niya sa akin na pinanghawakan ko para maging malakas.

Sa loob ng bahay ay may lumabas na dalawang babae at pumwesto sila sa magkabilang gilid nung kausap kong Huntres.

"I'm Krystal. You look so much stronger now than the first time we've met." Tumayo siya at naramdaman ko kaagad ang strong presence niya.

"Ah. Ikaw 'yung nasaktan niya dati. Pagpasensyahan mo na siya. Ayaw niya lang kasing nakakakita ng mga taong nawawalan kaagad ng pag-asa," sabi naman ng babae sa right side niya habang nakalagay sa balikat niya ang isang wooden sword.

"Tsk. Natetempt akong sirain 'yung lamp posts," sabi naman nung isa pang babae sa kaliwa habang iniikut-ikot niya ang dalawang kutsilyo sa daliri niya. Napaisip tuloy ako kung may galit siya sa lamp posts o di kaya sa apoy.

"Oh. Nice place. Hindi ko akalaing may nag-eexist na ganito." Sabay-sabay naman kaming napatingin sa likuran dahil sa boses ng isang babae. Pagtingin namin ay papasok siya sa arc at may dalawang lalaking nakasunod sa kanya. They all have red eyes.

They are the representatives of the Custos tribe. Hindi ko sila masyadong nakita noong war pero parang pamilyar sila. Siguro ay nakita ko silang makipaglaban that time kaya tumatak sa isip ko ang image nila though ngayon ko na lang ulit naalala.

Natahimik kaming siyam at nagstay kami sa mga pwesto namin. At kahit walang magsabi ay alam kong may tension na namamagitan sa aming lahat. After all, malaking bagay ang mangyayari ngayon na pwedeng makaapekto sa kanya-kanya naming tribes.

"You're all here."

Naramdaman ko bigla ang pag-open ng Black Dimension sa harapan ko at alam kong si Darwin ang lalabas doon. Nakita ko siyang naglakad at may kasama siyang isang lalaki at babae na nakasunod sa likuran niya. Tumingin siya sa akin tapos ngumiti kaya napangiti rin ako.

Parang tumangkad siya at gumanda rin ang katawan niya. Tinanggal niya ang hood sa ulo niya at narinig ko ang boses niya sa isip ko.

'It's nice to see you again, Rainie.'

'Same here.' Ngumiti ulit ako sa kanya pagkatapos ay naging seryoso ang expression niya at tumingin kina Krystal at doon sa babaeng Custos na hindi ko alam ang pangalan.

"Now that we're all here, let's start the meeting. We have so much to talk about."

Pagkatapos sabihin 'yun ni Darwin ay isa-isa kaming pumasok sa bahay na yelo at kung anu-ano na ang tumatakbo sa isip ko. Pagkatapos ng assembly na 'to ay mag-iiba na ang lahat.

This will be the start of the new generation.


***

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

951 97 13
. . . In turn for the observation journal's consent, the subject made observationalist L.M. promise her three things: First, he (the observationalist...
2.8K 394 83
Bored ka ba? Gusto mo bang magbasa ng pampalipas oras? Kung gano'n ang librong ito ay nababagay sa 'yo! The Following Contents: 1. Short Story 2. Rid...
4.3M 120K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...
198K 8.2K 17
Vander #2 Cooler Vander 01042020 Genre: action, romance Cover image not mine. Credits to the rightful owner.