Their Long Lost Sister

By lialabspurple

47.1K 1.6K 284

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 5

1K 46 4
By lialabspurple

Dhianne smiled as she saw herself at the mirror wearing a beautiful gown. Isa ito sa mga pangarap niya, ang makasuot ng magandang gown.

Naka light make up din siya. Ngayong araw kasi ang birthday ng ate ng kaibigan niya at tulad ng sabi ng kaibigan niya ay inasikaso siya nito.

No'ng una ay nahihiya pa nga siya dahil gumastos pa ang kaibigan niya para sa kaniya ngunit mapilit ang kaibigan niya kung kaya't hinayaan niya na lang ito sa gusto nito.

Bago pa man mangyare ang araw na 'to ay sinabi na niya sa kaibigan niya ang dahilan kung bakit siya naka long sleeves lagi.

Umiyak pa nga ang kaibigan niya ng malaman nito ang nangyayare sa kaniya. Gusto rin nitong ipakulong ang tatay niya para pagbayaran ang ginawa sa kaniya. Marami na itong sinabi, na gusto siya nitong tulungan, na handa siya nitong tulungan para mapanagot ang tatay niya, na nandiyan ang mga pinsan niyang kuya, mga pamilya niya na handa siyang tulungan.

Hindi maiwasan ni Dhianne ang mapangiti at matuwa sa kabutihan sa kaniya ng kaibigan niya. Sobra-sobra siyang nagpapasalamat na nakilala niya si Josephine, na naging kaibigan niya ito.

Alam niyang gano'n talaga ang magiging reaction ng kaibigan niya kaya kinausap niya ito nang maayos. Pinakiusapan niya ito na walang ibang makakaalam ng nangyayare sa kaniya, na sinasaktan siya ng tatay niya, na wala siyang ibang pagsasabihan ng mga pinag-usapan nila.

Nagulat din si Dhianne ng sabihin ni Josephine sa kaniya na may hinala na ito sa dahilan ng palagi siyang naka long sleeves at minsan na rin nitong nakita ang mga pasa ni Dhianne.

Hindi man payag si Josephine sa gusto ni Dhianne ay hinayaan niya na lang ito dahil nirerespeto niya ang gusto at desisyon ng kaibigan niya.

Pero hindi niya maiwasan ang mag-alala para sa kaibigan. Gustong-gusto niyang tulungan ang kaibigan ngunit ayaw naman siyang payagan ni Dhianne.

Ayaw daw kasi ni Dhianne na madamay pa ito baka daw kasi mas lumala kung mangengealam pa siya at ang pamilya nito sa kanila ng tatay niya.

Naging maingat tuloy si Josephine sa kaibigan niya. Natatawa na lang si Dhianne sa ikinikilos ng kaibigan niya sa kaniya.

At ngayon nga ay nakasuot siya ng gown, gown na maitatago ang mga pasa niya sa katawan. Dahil sa light make up na nilagay sa kaniya ay bahagyang natago ang mga sugat at pasa niya sa mukha.

Si Josephine lang din ang nag make up sa kaniya dahil ayaw niyang may ibang mag make up sa kaniya dahil ayaw niyang malaman ng iba na marami siyang sugat at pasa sa katawan. Buti na lang at magaling sa make up ang kaibigan niya.

Naka half pony tail siya na bumagay naman sa kaniya. Ang manipis na labi ay pinapula ng kaunti ng kaibigan niya. Ang bilugan at maamo niyang mga mata ay nagniningning sa tuwing siya ay ngingiti. Halata sa mukha niya na siya ay mabait at maamo.

Suot niya pa rin ang contact lens niya para itago ang berdeng mga mata niya. 'Yon pa ang hindi niya nasasabi sa kaibigan niya. Nawala na sa isip niya.

Nasa isip niya noon ay baka may lahi siya dahil iba ang kulay ng mga mata niya. Hindi pa man sinasabi sa kaniya ng nanay niya na hindi siya nito tunay na anak ay may hinala na siya dahil nga una pa lang ay pansin niya ng hindi sila magkamukha at magkaiba ang kulay ng mga mata nila. Ni minsan ay hindi niya narinig sa mga tao na kamukha niya ang nanay o tatay niya.

Dahil rin sa kulay ng mata niya ay naging agaw atensyon siya kung kaya't nagdesisyon sila ng nanay niya na mag contact lens na lang siya para itago ang totoong kulay ng mga mata niya.

"Dhianne cutie!" napalingon siya sa kaibigan niyang si Josephine nang tawagin siya nito.

Agad naman siyang ngumiti ng makita ang ayos nito. Napakaganda ng kaibigan niya. Nasa isip niya nga ay pwede itong mag model.

"Hello, pasensya na sa istorbo at sa paggastos mo sa 'kin–" natigil ang pagsasalita ni Dhianne nang pigilan siya ni Josephine.

"Tama na 'yan, ayaw ko ng marinig 'yan. H'wag ka na sabing mag-alala diyan na baka galit ako sa 'yo or what. Masaya pa nga ako dahil napasuot kita ng ganiyan at naayusan kita ng ganiyan. Hayaan mo na lang ako na i-spoil ka tsaka ako naman may gusto at nagpumilit nito kaya wala kang dapat na ikabahala. Tama na 'yang kaka sorry mo, wala ka namang ginagawang masama sa 'kin, eh kaya tama na kaka sorry, okay? Sasabihin mo lang 'yan sa 'kin kapag may kasalanan ka or nagawa ka sa 'kin na hindi maganda, maliwanag?" mahabang sabi ng kaibigan niya na ikinaawang ng bibig niya.

Pero maya-maya ay nahihiyang napatango na lang siya sabay yuko at pinaglaruan ang kuko ng mga daliri niya.

Nahihiya kasi talaga siya sa kaibigan niya dahil marami na itong ginawa para sa kaniya.

Narinig niya naman ang pagbuntong hininga ng kaibigan niya at maya-maya ay inakbayan siya nito kaya napatingin siya dito.

"Dhianne, I'm your friend, so no need to be shy, matagal na tayong magkaibigan, eh. Don't be shy to tell me your all problems. If you need someone to talk, I'm just here, okay? At hindi mo kailangang humingi ng sorry sa 'kin lagi, lalo na at wala ka namang kasalanan o ano." Josephine said and Dhianne smiled then hug her bestfriend.

"Thank you, Josephine. Thank you for always understanding me, thank you dahil lagi kang nandiyan para sa 'kin, thank you for everything. And I'm sorry if hindi ko nagawang magsabi sa 'yo sa mga problema ko. Hindi naman sa wala akong tiwala sa 'yo, ayaw ko lang talagang makaistobo kaya mas gusto kong hindi na lang sabihin." sabi ni Dhianne na ikinangiti lang ni Josephine.

"It's okay, I understand pero never kang magiging istorbo sa 'kin, never kang naging istorbo sa 'kin, Dhianne, always remember that. Kahit pa tumatae ako sa banyo tapos kailangan mo 'ko, pupuntahan kita agad kahit hindi pa ako nakakapaghugas ng pwet." Josephine said na ikinahagalpak nila ng tawa.

"Kadiri ka, Josephine." natawang sabi ni Dhianne. Tumawa lang lalo si Josephine.

Matapos ng tawanang naganap sa kanila ay inaya na ni Josephine si Dhianne na lumabas. Nasa isang kwarto kasi sila ng mansyon nila.

Gabi ang party at sakto lang ang paglabas nila dahil mag-uumpisa na ang party.

Hindi maiwasan ni Dhianne ang mamangha sa desenyo ng lugar at sa mga taong nakikita niya habang naglalakad sila ng kaibigan niya.

Kitang-kita niya kung gaano kaganda, kagwapo at kayayaman ang mga nakakasalubong nila. Nasa isip niya nga ay baka siya lang ang mahirap na nandoon sa birthday party ng ate ng kaibigan niya.

Kung hindi lang dahil sa kaibigan niya ay hindi sana siya pupunta dito. Ayaw niya kasing magtampo sa kaniya ang kaibigan niya kaya pumayag na lang siya at naisip niya na ito na lang ang isa sa pambawi niya sa lahat ng nagawa sa kaniya ng kaibigan niyang si Josephine.

"Mommy! Daddy!" sigaw ni Josephine nang makita niya ang mga magulang niya. Napalingon tuloy si Dhianne kung nasaan ang mga magulang ni Josephine.

Hila-hila siya ni Josephine nang lumapit sila sa magulang nito. Nagbesohan pa muna sila, kasama siya.

"Good evening po, tita at tito." magalang na bati ni Dhianne na ikinangiti ng mag-asawa.

"Good evening din, Dhianne. We're glad you came." Josephine's mother said at tanging ngiti lang ang ibinigay sa kaniya ng Daddy ni Josephine. Dhianne just smiled.

"By the way, nasaan na si ate, Mom?" tanong ni Josephine.

Marami ng tao sa garden kung saan gaganapin ang 18th birthday ng ate ni Josephine. Dito kasi naisipan ng ate niya na ganapin ang kaarawan niya.

"On her room, I think. Don't worry, nandito na rin 'yon maya-maya at baka si kuya Shawn mo ang mag escort sa kaniya." nakangiting sagot ng Mommy ni Josephine.

Napangiti naman si Dhianne habang pinagmamasdan ang pamilya ni Josephine. Hindi niya maiwasan ang mainggit sa kaibigan dahil marangya ang buhay nito at masaya pa silang magpamilya.

Isa sa mga dasal niya ay 'yung sana magkaroon din siya ng pamilya na kagaya ng pamilya ng kaibigan niya.

Gusto niyang maranasan ang mahalin ng isang nanay at tatay, na maalagaan at kung ano pa. Gusto niyang maranasan na masaya ang laging nasa paligid niya at hindi ang lagi siyang umiiyak.

Hindi rin nagtagal ay nagpaalam na sa kanila ang magulang ni Josephine. Sabay na umalis ang nanay at tatay ni Josephine para asikasuhin ang mga bisita.

"Ipapakilala kita kila kuya mamaya, Dhianne tsaka kay ate." excited na sabi ni Josephine ng makahanap sila ng mauupuan nila.

Palaging wala ang ate ni Josephine sa tuwing nasa bahay siya ng mga ito kung kaya't hindi pa siya nito nakikilala ng personal. Tanging mga magulang lang ni Josephine at 'yung driver at ibang katulong sa bahay nila Josephine ang tanging nakakakilala pa lang sa kaniya. Minsan lang din naman siya pumunta sa mansyon nila Josephine.

"Nakakakaba naman." natatawang sabi ni Dhianne sabay kagat ng labi.

Kinakabahan siyang kilalanin ang mga ito dahil natatakot siyang baka hindi siya magustuhan ng mga ito bilang kaibigan ni Josephine dahil nga sa mahirap lang siya, ganon.

"H'wag kang matakot or kabahan. Mababait sila, gusto ka na nga nila, eh kahit hindi pa kita napapakilala sa kanila. Always kitang kwene-kwento sa kanila at natutuwa sila sa 'yo kaya gusto ka na nilang makilala. H'wag ka na matakot, ha?" ngiting sabi ni Josephine na ikinatango na lang ni Dhianne na may ngiti sa labi.

Dahil sa sinabi ng kaibigan ay medyo nabawasan ang kaba niya. Tapos no'n ay nagdaldalan na lang silang dalawa.

Naisip niya rin pala na maganda ngang makita niya ang ate ni Josephine para maibigay niya ng personal dito ang regalo niya.

Isang panyo ang regalo niya dito. Nagdadalawang isip nga siyang ibigay ito dahil hindi ito kagandahan. Nasisiguro niya kasing puro mamahalin ang matatanggap na regalo nito.

Binordahan niya na lang ang panyong 'yon. Tinahi niya 'yon, nilagyan ng disenyong bulaklak na may paro-paro at nilagyan ng pangalan nito sa may gilid.

Nakakahiya naman daw kasi kung pupunta siya ng walang regalo kaya naisipan niyang bumili ng panyo tapos pagandahin na lang.

"Good evening, everyone! Are you all excited to see our birthday girl, Marinela?" napatigil lang sila sa pagdadaldalan nang marinig ang boses ng mc.

Mag-uumpisa na ang party kung kaya't umayos na ang lahat. Pinakinggan ang sinasabi ng mc.

Maya-maya ay lumabas na nga ang ate ni Josephine na nakasuot ng napakagandang gown. Sa tabi nito ay hawak siya ng pinsang si Shawn.

"Ang ganda niya." nangingiting sabi ni Dhianne habang pinagmamasdan si Marinela.

May kung anong saya siyang naramdaman ng makita ang napakagandang ngiti nito. Halatang masaya ito sa kaarawan.

Nang madako ang tingin niya sa lalaking umaalalay dito ay bahagya siyang natigilan ng mamukhaan niya ito.

"Hala, magkakilala pala sila?" takang bulong niya. Nang maalala ang nangyare ay nakaramdam na naman siya ng hiya.

"Oh my g! Ate ko 'yan! Ganda mo, teh!" sigaw ni Josephine na ikinatawa ni Dhianne.

Matapos no'n ay tuluyan ng nag-umpisa ang party. May 18th roses na nangyare at 'yung 18th dance at kung ano pang ganap sa tuwing 18th birthday. Tuwang-tuwa si Dhianne sa pinapanood.

Nagpapasalamat talaga siya na wala ngayon ang tatay niya sa bahay nila kung kaya't nakaalis siya ng bahay nila. Next week pa ang uwe nito kung kaya't malaya siya ngayon.

"Ang saya siguro sa feeling niyan. Mararanasan ko kaya 'yan? 'Yung masayaw ko 'yung totoo kong tatay sa 18th birthday ko? 'Yung ganiyan din ba kabongga 'yung 18th birthday ko? Hanggang imagination na lang ata ako." emosyonal na bulong ni Dhianne. Hindi siya naririnig ni Josephine dahil busy na ito sa kung ano mang ginagawa nito.

Nang maramdamang may tumulong luha sa mga mata niya ay dali-dali niya 'yung pinunasan.

"Josephine, banyo lang muna ako, pwede ba?" maya-maya ay tanong niya sa kaibigan.

"Oo naman! Tara, samahan na kita." sabi nito at tumayo na kaso agad siyang pinigilan ni Dhianne.

"Hindi na, dito ka na lang baka kapag sumama ka mawalan tayo ng upuan. Kaya ko naman na, alam ko naman kung nasaan ang banyo niyo." nakangiting sabi ni Dhianne.

"Sure ka? Pwede naman kitang samahan, eh tsaka pwede kong ipabantay 'tong upuan natin." nag-aalalang sabi ni Josephine.

"Hindi na nga, dito ka na lang." nakangiting sabi ni Dhianne. Nagdadalawang isip si Josephine pero hinayaan niya na lang ang kaibigan.

Nang makaalis na si Dhianne doon ay napabuntong hininga siya. Hindi naman siya naiihi, gusto niya lang magbanyo dahil naiiyak siya.

Ayaw niyang makita siya ng kaibigan niya na umiiyak kaya gusto niyang magbanyo na lang muna at mag-aayos na din siya baka kasi nasira ang make up niya.

"Oh my!" napasinghap si Dhianne ng matumba siya dahil nabangga siya ng isang ginang. Buti na lang nasa walang tao sila kaya walang ibang nakakita ng nangyare sa kaniya.

Dali-dali naman siyang tinulungang tumayo ng taong nakabangga sa kaniya.

"I'm sorry, iha. Are you okay? I'm really sorry, hindi ko sinasadya. Tell me, nasugatan ka ba? Saan masakit?" sunod-sunod na tanong ng babaeng nakabangga sa kaniya habang tinitingnan ang katawan niya. Halata ang pag-aalala sa boses nito.

"O-okay lang po ako, wala naman pong masakit sa 'kin. Salamat po sa pag-aalala." ngiting sabi ni Dhianne at bahagya pang yumuko.

Tiningnan lang naman siya ng babae, binitawan niya na rin ito. Hindi niya kasi napansin na may makakasalubong siya habang naglalakad siya.

Alam niyang kasalanan niya dahil hindi siya nakatingin sa dinadaanan niya dahil hinahanap niya ang cellphone niya sa bag niya habang naglalakad siya.

"Sigurado ka ba? I'm really sorry, just tell me if nasugatan ka or what." nag-aalala talagang sabi nito.

"Ayos lang po, alam ko pong hindi niyo sinasadya at sorry din po dahil kasalanan ko rin naman po dahil hindi ako naka focus sa dinadaanan ko. No need to worry po, ayos lang po ako." ngiting sabi ni Dhianne.

Hindi naman maiwasang manlambot ng puso ng babae dahil sa ganda ng ngiti ni Dhianne. May kung ano pa siyang naramdaman nang makita 'yon.

"Sige po, mauuna na po ako." sabi ni Dhianne at umalis na. Hindi na siya nagawa pang tawagin ng babae dahil nakalayo na ito. Gusto pa sana niya itong makausap.

"I forgot to ask her name." She whispered then sighed.

"Mom, what happened? I saw you with a girl, who's that?" Shawn asked.

"Oh, I'll tell you later. Let's find your father first." His mother said and he just nod then naglakad na sila paalis doon.



Lia

Continue Reading

You'll Also Like

7.3M 303K 38
~ AVAILABLE ON AMAZON: https://www.amazon.com/dp/164434193X ~ She hated riding the subway. It was cramped, smelled, and the seats were extremely unc...
1M 91.4K 39
๐™๐™ช๐™ฃ๐™š ๐™ ๐™ฎ๐™– ๐™ ๐™–๐™ง ๐™™๐™–๐™ก๐™– , ๐™ˆ๐™–๐™ง ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ข๐™ž๐™ฉ ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž ๐™ƒ๐™ค ๐™œ๐™–๐™ฎ๐™ž ๐™ข๐™–๐™ž...... โ™ก ๐™๐™€๐™๐™„ ๐˜ฟ๐™€๐™€๐™’๐˜ผ๐™‰๐™„ โ™ก Shashwat Rajva...
28.9M 916K 49
[BOOK ONE] [Completed] [Voted #1 Best Action Story in the 2019 Fiction Awards] Liam Luciano is one of the most feared men in all the world. At the yo...
6.1K 174 38
Title : Ex-husband wants to remarry again part 2 Author : ็ณ–็ณ•ๅพˆ็”œ Category : BL Doujin Chapters : 296 chapters (no extras) "Don't you love me? If you lo...