Akala Ko Kasi... (one shot)

By CallMeZE

17 0 0

Dahil sa maling akala...nagbago ang lahat. More

Akala Ko Kasi... (one shot)

17 0 0
By CallMeZE

Bakasyon ngayon sa pinagta-trabahuhan kong kompanya. Umuwi muna ako sa aming probinsya para makalayo sa ma-polusyong paligid ng syudad. Halos tatlong taon na rin akong namamasukan doon.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad pabalik sa aming bahay. Yung bahay kasi namin ay isang kanto pa matapos madaanan ang school na pinapasukan ko dati.

Nang matapat ako sa school ko nung high school ay biglang sumagi sa isip ko ang dati kong mga kaklase. Nagkahiwa-hiwalay na nga kaming lahat at nagkaroon ng iba't ibang daan sa buhay. Ni hindi ko na nga alam kung nasaan na yung iba kong mga kabarkada. Grumaduate lang ng college di na nagparamdam after. Yung iba nabalitaan ko na lang na hanggang high school lang kasi maagang nag pamilya.

You know. Teenage hormones.

Buti na lang mabait ako. 😁

Pinuntahan ko si lady guard na lagi kong kachikahan nong high school pa ako. Sya yung babaeng guard namin na sobrang laki ng katawan parang dating UFC wrestler. Pero mabait naman sya.

"Lady guard! Long time no see ah!" Masayang bati ko kay lady guard habang kumakaway.

"Aba nga naman! Kamusta ka na iha? Tagal mo na akong hindi dinadalaw ah." May halong tampo sa boses nya. Tumawa lang ako at inakbayan sya.

"Naging busy lang ate. Alam mo na, para maginhawa ang buhay. Hahaha!"

"Sa bagay. Sya, ikaw ba'y may nobyo na? Diba dati lagi mong kinekwento sakin si Howard? Ano na?"

Nabigla naman ako sa nabanggit ni lady guard. Tumawa na lang ako sa sinabi nya. Yung awkward na tawa.

Yung he-he.

Kinuha ko agad yung maruya sa bag ko at inabot ko kay ate.

"Ate oh, paborito mong maruya. Lakas nyo makaungkat ng past. Over na po ako kay Howard, and no jowa pa rin po ang beauty ko."

Napakamot na lang si ate ng kanyang ulo.

"Sayang naman ang ganda mo neng tapos wala ka pa ring nobyo? Tsk tsk. Ay! May naalala nga pala ako. Dumaan rin pala dito kanina si Howard may dala ring maruya. Uyyy destiny kayo ineng. Hahaha!"

"Paano ba naman lahat kami hinihingan nyo ng maruya dati. Nasanay lang kami. Kayo talaga. O sya, alis na po ako at nag-iintay na sa akin ang baby ko." Paalam ko sa kanya. Bigla namang rumehistro sa mukha ni lady guard ang pagkagulat dun sa sinabi ko.

"May asawa ka na?!"

"Wala ho!"

"Eh naanakan ka?"

Hindi ko na nasagot si lady guard kasi tumatawag na ang kapatid ko. Kailangan na nga pala ni baby yung mga diapers.

Dali-dali akong tumakbo papunta ng bahay namin at sinalubong ang nagmumura kong kapatid. Ibinato ko na lang sa kanya ang mga pinamili ko at dumiretso sa crib ni baby Alec.

Habang nilalaro ko si baby ay dumaan sa isip ko ang sinabi kanina ni lady guard.

Nong high school, normal lang naman na magkaroon ng crush ang babaeng kagaya ko pero ako yung tipong nakabukod ata sa aming henerasyon kasi wala akong magustuhan ni isa. Nung mag-third year kami ay nag-transfer sa school namin yung dati namin na kalaro nung mga bata pa kami. Kababalik lang nila galing Maynila.

Nakilala naman nya agad ako pero hindi kami masyadong naging close.

Acquaintances lang kami kumbaga.

Pero ang malala, sya ang naging unang crush ko. At friendzone nya lang ako. Hindi pala. Kababata-zoned lang pala.

It hurts. 😩

Pero okay lang. Andyan naman si lady guard para pakinggan ang mga hinaing ko.

Pagkatungtong ko ng kolehiyo ay hindi ko akalaing magkaparehas pa kami ng university na pinasukan.

Magkaiba nga ang course namin, parehas naman kami ng department. Saklap no?

Naging suki sya ng mga pageant at sports fest dahil bukod sa saksakan sya ng gwapo ay saksakan din ng galing sa volleyball at basketball. Ewan ko ba. Mukha naman syang katutubo nung maliliit pa lang kami pero hindi ko alam kung bakit nag-evolve sya ng ganito.

Yung mismong graduation na ang huli naming pagkikita and after that wala na akong balita sa kanya.

Nasa terrace kami ngayon ni baby Alec kasi sobrang init sa loob ng bahay. Summer na kasi. Nilalaro-laro ko sya at mas nakakatuwa kasi lagi syang natawa kahit simangutan ko sya. Ang cute lang. Mana sa akin.

"Hello Baby~miss mo na agad ako ha? Sinong pogi ha, sinong pogi? Ngiti muna ang pogi dali~!" Alo ko sa napaka-cute naming baby. Nakakatuwa talaga.

Binuhat ko si Baby Alec na ngayon ay 4 months na. Matagal na rin pala. Ang bigat bigat na rin nya.

Habang nilalaro ko si baby ay natanaw ko sa harap ng gate namin si Howard.

Wait? Totoo bang si Howard yun?

Kinusot ko ang aking mga mata pero nang muli kong tingnan ay wala na sya sa harap ng gate.

Hala. Namamalik-mata ako sa kanya! Naka-move on na ako ah? Σ(゜ロ゜;)

Oh well.

Pero parang nakita ko nga sya? It seems so real. Naks.

Hinarap ko sa akin ang aking cute na pamangkin. "Bebyy, tita is so pretty naman di ba? Why tita's crush doesn't like her back?"

Hinampas lang ako ni baby Alec sa mukha at tinawanan lang ako. Mukha lang talaga ang minana sa akin. Magkasing ugali sila ng kanyang ina. Super.


***

Pinabili uli ako ni ate ng gatas ni baby dahil sobrang takaw na ng aking pamangkin. Kaya sya nabigat eh sobrang takaw.

Nilalaro-laro ko yung laylayan ng damit ko habang naglalakad pauwi. Madadaanan ko na naman ang school, buti na lang wala si lady guard. Naka-leave raw.

Habang naglalakad ako ay may biglang tumapik sa balikat ko. Nagulat na lang ako nang makitang si Howard iyon.

"Uy Howard! Andito ka na pala?" Casual kong sabi kahit na sa katunayan ay muntik nang malaglag ang shorts ko sa hitsura nya ngayon.

AMPOGI.

"Aparisyon lang ako. Hindi ako tunay, nasa Mars ang tunay kong katawan." Pambabara sa akin ni Howard. Aba, patawa naman pala ang crush ko.

Sinakyan ko ang kanyang biro. "Oh? Ang galing naman! Ipaguwi mo naman ako ng lupa galing Mars ha. Para sumaya naman tayong lahat." Sabi ko with matching takip pa ng bibig para mukhang shocked.

"Haha, nice to see you again, Cookie." Binigyan nya ako ng matamis na ngiti. Ang sarap kainin. Grrr.

Sinuklian ko naman ang mala-commercial nyang ngiti. "Same to you, Howard." Dadagdagan ko pa sana ng my-love-so-sweet kaso lang naalala ko na hindi nga pala ako pinanganak na malandi.

Nakalampas na kami sa may school at kanto na namin ang kasunod. Sa kabilang kanto pa kasi sya eh.

"So, how's the baby?" Tanong nya out of the blue. Si baby Alec ba tinutukoy nya?

Bumabagal ata lakad namin. "Hayun, sobrang takaw. Heto nga't bumili ako ng gatas nya."

"It figures. Ang taba nga nya eh."

Napalingon naman ako sa sinabi nya. Paano nya nalaman na may baby sa bahay? So sya talaga yun?

"Wait, ikaw ba yung nasa may gate namin nung isang araw?" Tanong ko sa kanya.

Nanlaki ang kanyang mga mata at napakamot ng ulo. "Ah oo. Bale...uh...may kinuha lang ako dun sa may looban nyo. Uh...pinapakuha kasi ni mama. Nadaanan ko yung inyo. Sumilip lang ako. Tama, sumilip lang ako."

Ang weird.

Natatanaw ko na sa tayo namin ang aming bahay. Umuusok na naman siguro ang ilong ng kapatid ko sa sobrang tagal ko bumili.

"Uhmm, where's the baby's father?"

Lumabas ang kapatid ko sa bahay at tumingin sa direksyon ko. Nilingon ko naman si Howard at naalala yung gagong ex ni ate.

"Iniwan ng gago si baby. Takot sa responsibilidad. Bakit mo ba natatanong?"

Nakita kong nagtiim-bagang si Howard tungkol sa sinabi ko. Wait, bakit ba to interesado?

"Hinayaan mo na lang na iwan kayo? Hindi panagutan yung baby? Tarantado nga. Kung ako yun, aakuin ko ang bata."

Oh? Bakit parang ako pa ang may sala kung hindi panagutan si ate?

"Wait, why are you so into this topic?"

Tila napakamot sya sa kanyang batok at tumingala sa langit.

"Uhm...I have this...nevermind. Nakakainit lang ng dugo yung ginawa sa inyo. Oh, dito ka na. See you around?"

Ngumiti na lang din ako pabalik. "Sige, kitakits."

I was about to turn around at papasok ng bahay nang hawakan ni Howard yung braso ko. "If there's anything I can do for you, call on me." After that, binitiwan nya ako at mabilis syang naglakad paalis.

Anong ibig sabihin non?

"Cookie! Ano ba! Gutom na si Alec!"

Itong kapatid ko, ipapalamon ko na to sa sawa.

"Oo na! Oo na!"

***

It was a fair and sunny day sa aming lugar and here I am with Baby Alec. Ako na naman ang naka-tokang mag-alaga sa cutiepatootie na ito.

Sobrang nakaka-enjoy alagaan ang pamangkin ko at feeling ko ako na ang nanay nya.

"Baby, turuan kita mag close-open ng hands." Ipinorma ko ang kamay nya para makasunod sa akin.

"Close...open...close...open! Yey! Galing galing naman ni baby! Isa pa, close..."

"Hi, Cookie."

"Close...cookie...ay tasweng! Oh Howard! Hello! Di kita napansin ah!"

Ngumiti lang sya sa akin ng napakatamis at umupo sa tabi ko. Sinilip nya ang karga kong si Baby Alec at nilaro ang kamay nito.

"Hello, baby."

Gosh.

Medyo nagwala ang kalamnan ko nang ma-sight ang nilalang na nakikipaglaro kay baby.

Kung pwede ka lang maging akin naku!

"Can I carry him?"

Sure! Gusto mo pati ako eh! Charot.

"Oo naman."

Dahan-dahan kong iniabot sa kanya si Baby Alec. Medyo naglikot ng konti si baby kaya napatingin sa akin si Howard. Ani nga bang ginagawa dito ng nilalang na ito?

"Uhm, how do you...can you show me?"

Iginiya ko naman kung paano ang tamang paghawak kay baby.

"Ganito, ialalay mo yung right hand mo sa batok nya and yung kabila sa body nya. Malaki naman ang kamay mo so safe sya dyan. Wag kang masyadong tensed, hindi mababasag yan, aalalay naman ako haha!"

Habang inaayos ko sa kamay nya ang position ni baby, hindi ko namalayan na nakatingin na pala sya sa akin.

"You'll make a great wife."

Feeling ko namula ako sa sinabi nya. Gusto kong isiping may something pero alam ko ang mga tipo nya.

"Kaso walang husband, chos. BF nga wala eh tas magiging wife pa. Patawa ka, Howard."

Ngumiti lang ulit si Howard at tiningnan ang bata.

Howard, kinalimutan na kita eh. Tapos bumalik ka na naman. Lakas ng effort ko makalimutan ka lang then, charan! Heto ka at nagpapaka-pogi sa harap ko. Please stop this sweet torture, Howard. Ayoko na muling umasa. Tama na ang hopia ako since diaper days pa lang tayo.

"Pwede bang ako na lang ang umako sa baby na ito?"

Sa sinabi nyang iyon. Mistulang nagunaw ang ginawa kong mundo.

May gusto ka ba sa kapatid ko?

Gusto kong magtanong ngunit walang lumabas sa bibig ko.

***

After that said incident, dumalang ang paglabas ko ng bahay. Naka-kulong lang ako sa kwarto at tumatanaw sa labas. Nakikita ko ang mga araw na pumupunta si Howard sa bahay at may dalang bulaklak. Tuwing kakatok sila Mama sa pinto ko ay sinasalpak ko ang headset para hindi ko sila marinig.

Minsan nakikita kong buhat ni Howard si Baby Alec sa terrace namin at dahil doon lalo akong nagkukulong sa kwarto.

Sana matapos na ang bakasyon ko. Sana bumilis ang araw nang makaalis na ako at para hindi na rin makita si Howard at ang kapatid ko.

***

Tinanghali ako ng gising ngayong araw at sure ako na hindi pupunta ngayon si Howard sa bahay kasi wala ang kapatid ko dahil ngayon ang check-up ni Baby Alec kaya kami lang ni Mama ang laman ng bahay.

Pagbaba ko sa hagdan ay tumambad sa akin ang pigura ng iniiwasan kong lalaki noong isang araw pa.

Ang initial reaction ko ay aakyat muli pataas nang bigla akong hawakan ni Howard sa braso. Humarap naman ako sa kanya na tila normal lang lahat.

"Howard? Bakit? Wala dito sina Ate. Check-up ni Baby. Nasa Baby center sila ngayon."

Tila hindi ako narinig ni Howard.

"Are you avoiding me?"

"No! Why would I?" Pagkasabi ko noon ay dahan-dahan kong kinalas ang pagkakahawak nya sa braso ko.

I was about to return upstairs nang dumating ang kapatid ko dala si Baby Alec.

Great. Makatulog na lang uli. Ayoko mag-almusal ng dinurog na puso ngayong umaga.

Hahakbang pa lang ako nang magsalita ang kapatid ko.

"Oh! Buti naman at bumangon na si Sleeping Beauty! Hoy, Cookie! Noong isang araw pa nagpapabalik-balik itong manliligaw mo tapos hindi ka nagpapakita. Ngayon nagpakita ka naman mukha ka pang bruha."

Medyo naguluhan ako sa sinabi ng kapatid ko kaya napaharap ako sa kanila.

"Manliligaw? Hindi ba't ikaw naman ang nililigawan ni Howard?"

Nang lumingon ako kay Howard ay naka-kunot ang noo nya na tila nagtataka sa mga sinasabi ko. As if I said something that only I can understand.

"Hoy, Conchita! Kailan pa ako pumatol sa mas bata sa akin aber? At paano mo naman nasabing ako ang gusto ng lover boy mo eh sa tuwing pumupunta dito ikaw ang hanap. Nagtataka nga kami kung bakit hindi ka lumalabas ng kwarto mo."

Halos lumaglag ang panga ko sa sahig sa lahat ng sinabi ng kapatid ko.

Ako ang hinahanap ni Howard? Pero sabi nya nung isang araw gusto nyang maging anak si Alec? Diba dapat sa kapatid ko sya may gusto? Naguguluhan ako.

Naramdaman kong dahan-dahan akong ipinihit ni Howard sa kanyang direksyon at may ngiting naglalaro sa kanyang mga labi.

"Now I know why you're avoiding me."

Nangunot ang noo ko sa sinabi nya. Nang magsink-in sa utak ko ang mga nangyari these past few days...may napagtanto ako.

"Hala. Akala ko..."

Dumausdos sa dalawang kamay ko ang mga palad nya at tiningnan ako nang may ngiti sa mukha.

"You thought I am after your sister? You're wrong. Well, we we're both at fault. Noong huli kitang makita after graduation, that's when I lost connection with you. I was hoping to see you here after pero sabi ng Mama mo diretso trabaho ka na daw and that was the time na naging busy din ako and I lost you. Nangako ako sa sarili ko na next time na magkita tayo, I wont't hold back and I wished na sana wala ka pang lalaki sa piling mo sa panahong magkita tayong muli. Nang makita naman kita noong isang araw, sinadya kong silipin kita, to see how are you doing. If you're still that same girl I used to know and everything I was planning that day crashed down when I saw you carrying Baby Alec."

Medyo namilog ang mata ko. So hinanap nya ako? Bakit?

"I was shocked and dumbfounded. But I didn't lose hope. Nung makita naman kita sa harap ng guard house at kaharap si Lady Guard, that's when I told to myself, 'I will ask her about the baby' tapos noong tinanong naman kita, I assumed that you got impregnated by some douche guy. I got my confidence back learning that you still don't have a man by your side. I don't care what everyone will say about me going out with a single mom. Kaya sinabi ko sa'yo nung isang araw na ako na lang ang mananagot at aako bilang ama sa bata not knowing that Alec is not yours."

Naluluha na ako sa sinasabi ni Howard. Is everything was because of akala? And all this time we're having mutual feelings? My goodness gracious. He even wanted to be the father of Alec kahit na hindi kanya! At akala nya ako ang ina ni Alec all this fcking time!

"So after kong sabihin na ako ang aako sa bata, you started to avoid me at hindi ko alam kung bakit. I asked your sister about you and nakuha ko ang realization sa kanya. That you are not the mother of Alec and I only based my assumptions sa lahat ng sinasagot mo sa akin. That's why we are both at fault. Hindi mo naman kasi sinasabing hindi pala iyo si Baby Alec. Naguguluhan ka tuloy."

"Akala ko kasi alam mo na hindi sya akin. Tapos akala ko si ate ang kursunada mo."

Nagulat na lang ako nang biglang punasan ni Howard ang pisngi ko. Why the hell am I crying?!

Narinig ko ang malakas na tawa ng kapatid ko habang buhat si Baby Alec.

"Sa susunod kasi magtanong at magsalita ng maayos nang hindi kayo magkagulo! Sakit nyo sa matris grabe."

Lumingon naman uli ako kay Howard.

"By the way, your sister also conveyed to that you're still crushing on me since diaper days. Is that true?"

Kahit nahihiya ay tumango na lang ako. Mamaya ko na lang kukurutin ng nail-cutter ang kapatid ko.

"We have the same feelings then. So, Cookie. I am here to ask you formally to have your approval to become your suitor, to be your future boyfriend, and kung pwede, the future father of your future children. What will be your answer miss?"

***
Ang relasyon namin na nabuo sa maling akala.

Akala ko hindi posibleng maging kami pero naging kami.

Akala ko ako lang ang may pagtingin ngunit mali ako. Parehas lang pala.

Akala ko magiging yaya na lang ako ni baby Alec forever, mali na naman.

Kaya simula noong araw na iyon, walang naging mas masaya pa na araw sa buhay ko.

(Bukod syempre nung nagkaroon kami ng sarili naming Baby Alec. Yes, kinasal kami after 2 years.)

Salamat sa maling akala, sumaya ako.

***FIN***

Continue Reading

You'll Also Like

487K 23.2K 73
May chanak -- este bata na nahulog sa kanal ang naligaw sa bahay ko. Kinupkop ko, inalagaan, pinakain, basta lahat na ng pinaka mabuting bagay ginawa...
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
21.1M 517K 52
What H wants, H gets. And Camilla is not an exception. Montemayor Saga [ complete ] [ old story reposted ]
3.2M 89.6K 60
WARNING: This story is my oldest story! You might encounter some cringe and immature scenes that needs some revisions! ... He bought me, but I didn't...