Every Moment is Stolen

By simply_akooo

1.4K 88 3

If you believe in true love. You must read this. πŸ’— More

Moment Two
Moment Three
Moment Four
Moment Five
Moment Six
Moment Seven
Moment Eight
Moment Nine
Moment Ten
Moment Eleven
Moment Twelve
Moment Thirteen
Moment Fourtheen
Moment Fifteen
Moment Sixteen
moment Seventeen
Moment Eighteen
moment Nineteen
Moment Twenty
Moment Twenty- One
Moment Twenty-Two
Moment Twenty-three
Moment Twenty-Four
Moment Twenty-Five
Moment Twenty-Six
Moment Twenty-Seven
Moment Twenty-Eight
Moment Twenty-Nine
Moment Thirty
Moment Thirty- One
Moment Thirty-Two
Moment Thirty-Three
Moment Thirty-Four
Moment Thirty-Five
Moment Thrity-Six
Moment Thirty-Seven
Moment Thirty-Eight
Moment Thirty-Nine
Moment Forty
Moment Forty-One
Moment Forty-Two
Moment Forty-Three
Moment Forty-Four
Moment Finale

Every Moment is Stolen

182 8 0
By simply_akooo

Every Moment is Stolen
MOMENT ONE

Independent.
Live on my own.
Live with a passion.
And live with a purpose.

🏡
Absolute's House


Medyo nahihilo pa ako ng gumising ako. Kasalanan ko din kasi dahil naglasing na naman ako kagabi. Yes. Tama kayo, naglasing ako dahil sa isang babae. Nagmahal lang ako. Nagmahal lang ako ng totoo at nasaktan lang din ng sobra sobra. Hindi ko din alam kung bakit ako nagpapakalasing dahil sakanya. Minsan nga tinatanong ko ang sarili ko kung mahirap ba ako mahalin? Mahirap bang mahalin ang isang Absolute Cuenca.

Umagang umaga nga naririnig ko na ang mga ingay ng mga mokong ah. Dito kasi sila natulog. Dinamayan nila ako sa pagkasawi ko sa pagibig. Mga bata pa lang kami magkakaibigan na kami at hanggang ngayon matatag pa din ang pagkakaibigan namin. Naghilamos na nga muna ako at agad na akong bumaba ng matapos akong maghilamos at nakita ko..

😬😬😬

P*cha. Daig pa na ng madaanan ng bagyo ang bahay ko sa sobrang dumi. Sigh. Kasalanan ko din naman at pinapunta ko sila dito sa bahay. This is why I hate myself for letting them stay in my house. Ugh. 😡

Hindi ko na lang sila pinansin at sinimulan ko ng ligpitin yung mga kinalat nila. (Ang bait ko kasi ee). Medyo may pagkamasinop kasi ako. Naks. Sobrang dumi grabe, parang one month hindi nalinisan ang bahay ko. Nang matapos kong ligpitin ang mga kalat ay may iniwan akong note sa may Refrigerator; syempre yung mga mokong na yun ay alam kong mga patay gutom XD 😂 Iniwanan ko na nga sila  at papunta na ako ng Wattpad Academy.

🌞
Wattpad Academy

Medyo inaantok pa ako dahil siguro to sa hangover baka makatulog ako neto sa klase. T_T. Sigurado akong bagsak na naman ako neto sa English namin. Hindi pa naman ako nagreview para sa long quiz namin ngayong araw. Argh.

Bigla ako napatigil dahil parang may naririnig akong nagsisigaw habang tumatagal papalakas nga yung boses, paglingon ko ...

"TUMABI KAAAHHHH!! BILISSSS!! UMALISSS KAAAHH!"

Hindi na ako nakareact pa dahil sobrang bilis ng mga pangyayari. Nakakadiyahe din kasi etong babaeng to. Umagang umaga nagsskate papasok ng school. Argh.

"Pasensya na. Sorry talaga." Hindi pa nga ako nakakatayo sa pagkakatumba ko. Medyo malakas din kasi yung impact ng pagkakabangga niya sakin. Nakamusmos pa nga yung baba ko sa daan kaya mayroong konting gasgas. 💊

Agad naman niyang iniabot yung kanang kamay niya sakin.

"Ayaw mo?"
"Kaya kong tumayo magisa."
"Pasensya ka na huh?Bigla bigla ka kasing sumusulpot eh." 

WOW? So sa sinabi niyang yun ay mukhang ako pa ang may kasalanan sa nangyare. 🙅

"Anyways, Gladys Gonzales pala. Transferee ako dito kaya wala pa akong friend. Ikaw? Baka gusto mo ako maging friend?" Iba din tong babaeng to. Ang kapal ng mukha. Sobra.

"I'm sorry pero hindi ako nakikipagfriend sa kung kani-kanino lang. I choose my friends." papaalis na sana ako ng bigla niyang hinila yung braso ko. WTF.

"Tss. Ikaw naman, I am a good person naman kaya kung ano man yang qualifications para maging kaibigan mo, for sure pasado ako." Nakangiti pa siya habang sinasabi yun. Weird. Dahan dahan kong inalis yung pagkakahawak niya sa braso ko.

"Pwede ba? Tigilan mo ako. Lumayo ka nga sakin. Huwag kang umasta na close tayo. Layo." Lumayo naman siya ng konti pero buntot ng buntot pa din sakin hanggang sa makapasok ako ng gate. Hinarangan nga siya ng guard. Tss. Buti nga.

"Hey. Saan ka pupunta? Alamo bang bawal pumasok ng hindi nakauniform." Manong guard.

"Ee Manong transferee po ako dito. Wala pa naman po akong nabibiling uniform kasi wala pa po saking binibigay na copy ng design ng uniform. Pero meron po ako ditong certificate of registration pwede na po ba yun?"

Malayo layo na nga ako sakanila kaya hindi ko na masyadong rinig ang pinaguusapan nila. Papasok na nga ako ng building ng biglang may humigit na naman ng braso ko.

Tae. Anak talaga ng tinapa. Nahabol niya pa ako at nakilala niya pa ako sa sobrang dami ng estudyante dito. Diyahe.

"Ikaw naman, iniwan mo agad ako. Ikaw nga lang kilala ko dito ee. Wait, ano nga ba name mo huh?"

Inialis ko ulit yung kamay niya sa braso ko.

"Pwede ba? Lumayo ka sakin. I don't talk to strangers and I don't give my name to nobody."

"Hey. Absolute, pinabibigay pala ni Miss Cruz. Pakibigay na lang daw kay Kendall." Di ko din alam kung bakit ang malas ko. Nakakabwisit din tong kaklase kong si Shiela ee. Kinuha ko na nga lang yung envelope at inilagay sa bag ko.

"Ibibigay ko na lang mamaya." Umalis na nga si Shiela. At nakita ko yung mukha ng babaeng to na sobrang saya. "Ano? Anong nginingiti ngiti mo jan?"

"Absolute pala name mo. Hahaha. Pinaglihi ka siguro sa mineral water." Medyo nagiba yung mukha ko at siguro nahalata niya kaya tumigil siya sa kakatawa. "Sorry? I didn't mean to offend you or --- Hey!" Tinalikuran ko kasi siya. At dirediretsong naglakad papunta ng room ko.

"Maybe you can help me to find my room? Please?" Napatigil ako at humarap sakanya.

"Seriously? Mukha ba akong nagtatrabaho sa registrars' office o kaya security guard huh? Look. Estudyante din ako sa school na to. Madami akong gagawin at madami akong responsibilidad bilang isang estudyante. Huwag kang umasta na parang okay lang sakin ang ginagawa mo. Lumayo ka sakin kung ayaw mong mapahiya."

Hindi ko alam kung bakit sa kabila ng mga sinabi ko. Nakabuntot pa din siya sakin. Pero nagtatanong siya kung saan daw yung classroom niya sa mga estudyanteng nakakasalubong namin. Siguro naman sa sobrang dami ng mga estudyanteng nakasalubong namin. Alam na niya kung saan ang classroom niya.

Nang makarating na ako sa classroom ko. Bigla siyang nagsisitalon talon.

"I knew it. Kaya naman nafifeel kong bumuntot sayo dahil alam kong magiging magkaklase tayo."

Me like -- Seriously?

"Teka nga lang. Paano namang magiging magkaklase tayo. Nakakasigurado ka bang dito ang classroom mo?" Tumango tango siya at ibinigay sakin yung Certificate of Registration niya.

Nanlaki nga yung mga mata ko. Anak ng tinapa pa nga naman at totoo ngang magkaklase kami ng babaeng to. Hindi ko pinahalatang apektado ako sa nalaman ko. Agad agad kong binalik sakanya yung COR niya.

"Well, congrats you totally found your room." Tapos  sabay pasok ko sa room. Umupo na nga ako dun sa respective seat ko. Kakaupo ko palang pinuntahan agad ako ni Cassey -- bestfriend ni Camille.

"Good morning Abs. Uhm. May ipinapaabot pa lang message sayo si Camille. Wait lang hahanapin ko sa phone ko." Scroll nga siya ng scroll sa phone niya.

"Cassey."

"Saglit lang, eto na malapit na."

"Cassey. Utang na loob. Kung ano man yang message niya ay wala na akong pakialam pa. Pakisabi na lang na, hindi ko na kayang makarinig pa ng kung ano tungkol sakanya."

"Pero ---"

"Please. Nakikiusap ako. Huwag na."
"Huwag na ang alin?" Hayst. Kahit kailan talaga mushroom tong babaeng to. Ang hilig sumingit.
"Uh, at sino ka naman?"
"Ahm. Gladys Gonzales. Transferee student. Kaibigan ni Absolute." Kaibigan ko daw? Huh. Ang kapal ng mukha ng babaeng to. Sobrang kapal.

"Whatever." Tinalikuran na nga lang ni Cassey etong Gladys na to. Habang ako, ginawa kong busy ang sarili ko sa pag rereview para sa long quiz namin sa English.
"Anong nangyare dun? Sigh. Uy. May nakaupo ba diyan sa katabi mo? Kung wala diyan na lang ako uupo." Hindi naman ako nagresponse sa tanong niya pero inilagay niya na yung bag niya dun sa upuang katabi ko. Actually, upuan nga yan ni Camille.

Maya maya pa, nagbell na. Sign na yun na kailangan ng mag attend ng flag Ceremony.

"Uy teka lang. Hintayin mo ako."

Bigla ako napatigil. Hindi ba alam ng babaeng to na bawal umattend ng flag ceremony ang hindi nakauniform. Hmp. 😏

🇨🇿
Attending Flag Ceremony


Habang nasa grounds kami at isinasagawa ang ceremony. Napansin kong nakatitig na samin si Mrs.  Mendes. Mukhang napansin niya na ata si Gladys. Mukhang okay ang plano.

Maya maya pa ay natapos na yung ceremony. Medyo binilisan ko yung lakad ko para hindi niya ako maabutan. Nang malapit na siya sakin. Lumapit na si Mrs. Mendes.

"Ikaw. Come with me."
"Ako po?" Dali dali naman akong lumayo sakanya. Panigurado ako, kahit anong rason ang ibigay niya hinding hindi yan tatanggapin ni Mrs. Mendes.

Habang nagaayos yung mga kaklase ko. Nakita kong papasok palang si Summit. (Isa siya sa mga matalik kong kaibigan)

"Sum!" Lumapit naman siya sakin. Medyo magulo yung buhok niya at panay ang hawak niya sa mga daliri niya. "Anong nangyare sayo? Okay ka lang?" Medyo pinipigilan ko yung tawa ko dahil baka batukan pa ako.

"Yung babae kasi kanina ee. Nakakainis. Ang lakas banggain ang isang Summit Miraflor at apakan pa ako. Naku talaga. Pasalamat siya at hindi ko nakita yung pagmumukha niya. "

"Easy buddy. Relax. Wag mo ng patulan, nakakabawas yan ng kagwapuhan bro. Sige na bumalik ka na sa upuan mo."

Nagstart na yung klase at mukhang hinahanap ni Teacher Bernardo yung transferee.

"Pumasok na ba yung transferee student?"
"Nakita po namin siya kanina ma'am. Nagattend pa nga po yun ng Flag Ceremony ee."

"Kaso po, baka pinatawag ni Mrs. Mendes dahil po hindi po siya nakauniform ng nagattend siya ng flag ceremony."

Malamang sa malamang pinaparusahan na yung babaeng yun ngayon. Haha. Pano ba yan. Walang asungot at walang mangungulit sakin.

"Di bale, kakausapin ko si Mrs. Mendes about this. Anyway, please get 1/2 crosswise paper."

Patapos na nga yung exam namin. Medyo nakuha ko din naman yung mga sagot pero di ko lang sure kung tama yung mga sagot ko. Break time na nga. Papunta na nga sana ako sa office ni Kendall para ibigay yung pinabibigay ni Mrs. Cruz. Hindi ko pala kasama si Summit dahil pinuntahan niya si Jacob.


Student Council's Office

Naabutan ko nga sa office ng student council si Karen na mukhang busy kakafacebook.

"Hi Karen. Mukhang busyng busy tayo uh? Busy magfacebook. Haha. Joke lang. Nandyan ba si Ken?"

"Eto namang si Absolute o, minsan na nga lang magstalk hahaha. Anyways, si Ken nandyan sa loob. Pasok ka na lang."

"Sige. Thanks 😊"

Kumatok na nga muna ako bago ako pumasok. Nakita ko ngang mukhang busy si Ken. Andaming mga papel sa mesa niya ee.

"Ken."
"O, ikaw pala Abs. Tuloy."
"Uh, pinapaabot pala ni Mrs. Cruz." Sabay bigay ko sakanya. "Uh, Ken pwede ba akong makigamit ng cr niyo. Ihing ihi na talaga kasi ako ee."

"Sure."

Habang nasa cr nga ako. Feeling ko may kausap si Ken sa labas. Syempre nagassume ako na baka si Karen lang yun or isa sa mga kasamahan niya sa council.

Paglabas ko, nakita ko si Gladys hawak hawak ni Ken yung magkabilaang kamay nito.

"Sino ka? Ba't pasok ka ng pasok dito sa office ng student council? Outsider ka. Sabihin mo"

"Hoy! Para sabihin ko sayo, hindi ako outsider, isa akong transferee student besides sinundan ko lang yung kaibigan ko dito. Di ko naman alam na student council pala ito. Malay ko ba kung kasama pala siya sa mga ganito ganito."

"Sinong kaibigan? Tell me."

Bigla ko ng inawat si Ken baka kasi kung saan pa mauwi tong usapan na ito.

"Ken. Its okay. She's my new classmate. Her name is Gladys. Gladys Gonzales right?" Tumango tango naman si Gladys. Agad naman siyang binitawan ni Ken.

"I'm sorry. Its my fault. Hindi naman dapat ako basta bastang pumapasok ng isang room. My apology to you."

"No, its okay. Ako nga dapat magsorry. Sorry masakit ba. Eto naman kasing si Absolute di ako sinabihan."

"Whoow. So, kasalanan ko pa ngayon? FYI guys, hindi ko naman alam na sinusundan ako neto. Avid fan ata kaya panay ang pang stalk."
Tapos nabigla kami pareho ni Ken ng biglang lumapit si Gladys kay Ken na parang animo na hahalikan na siya.

"Awwwwe. 😍 You're so cute. Urgh. I wish I could have this chubby cheeks too!" Bigla niyang pinisil pisil yung cheeks ni Ken. Sa sobrang pagkagulat ni Ken kaagad siya nakareact.

"Teeeka ngeee.. Argh. Aaano baa bitawan mo ngee akooow? sabi ng biitawaan moo akoo ee." binitawan naman agad ni Gladys yung cheeks ni Ken, grabe namula yung mukha ni Ken. Hindi ko napigilang hindi tumawa dahil sobrang pula ng mukha niya.

"Argh! Anong tinatawa tawa mo diyan Absolute?"
"Wala. Ako tumatawa? Pfft. HAHAHAHA. Sorry bro, yung mukha mo kasi sobrang nakakatawa."

At dahil nainis at napikon samin si Ken, pinalayas kami. Hanggang sa paglabas tawa pa din ako ng tawa. 😂😂 Pero narealize kong kasama ko pala yung topaking babaeng to kaya bumalik agad ako sa katinuan ko.

Nagsimula na nga akong maglakad. As usual, para na naman siyang anino, buntot ng buntot.

"Balik na tayo sa room." narinig kong sabi niya.

Pero hindi ako nag response hanggang sa hinila niya yung polo ko.

"ANO?!" napalakas ko ata yung boses ko. Lahat kasi tinginan sakin.

"Saan ka ba pupunta?" Saan man ako pupunta, wala ka ng pakialam dun. Hindi naman kita girlfriend. Argh. Sobrang kulit niya.
"Teka nga, di ba dapat nandun ka ngayon kay Mrs. Mendes at tinatanggap ang mabigat na kaparusahan huh."

"Pinalinis lang naman niya ako ng office niya, hindi na natukoy yung iba pa adahil dumating yung adviser daw natin. Hmm. Miss Bernardo ata yun." Tss. Pasalamat siya at dumating si Miss Bernardo, kung hindi panigurado hanggang ngayon nandun siya sa loob ng gymnasium at nag aassist sa mga players.

"Hrmt. Pupunta ako ng library." Bigla ko na lang siya tinalikuran pero, bigla ko ulit siyang hinarap. Nakokonsensya kasi ako ee, masyado na ako nagiging masama sa isang stranger na katulad niya ngayong araw.

"Gusto mong sumama?" I smiled at her, tutal ayoko namang maging malungkutin ang mukha ko ee. Sayang ng pagkababy face ko nuh.

Dali dali naman siya pumunta papunta sakin tapos hinawakan yung arms ko. (As usual, lagi naman niya yang ginagawa)

Pumunta nga kami sa library ee, tuwang tuwa siya pero biglang sumimangot.

"Akala ko ba pupunta tayo ng library?" *~pout~*
"Oo nga, library! Eto na ang library."
"Kaya nga, bat di pa tayo pumapasok?"
"Sino naman nagsabi sayong papasok tayo? Ang sabi ko lang naman pupunta ako ng library,hindi papasok ng library."  pilosopong sagot ko.

Binatukan niya ako tapos sabay walk out. Ano naman ang kawowalkoutan niya sa sinabi ko? Girls are weird. 😑

"Oy, Gladys! Wait!" Teka nga, bakit parang ako na ngayon ang naghahabol sakanya? Urgh. Hindi niya na nga ako magawang lingunan pa, ano bang problema? Dahil dun sa sinabi ko? Agad agad?Kaya hinabol ko siya hanngang sa mahawakan ko ang kamay niya. Slow motion ko siyang pinaharap sakin.

"Teka nga lang!" Sa pagharap niya, nakamusamot at namumula yung mukha niya.
"Ano bang problema? Ba't ngayon wowalk-outan mo ako?Wala naman akong sinabing masama  ah?"

Hindi siya kumikibo, parang nakikipagusap ako ngayon sa hangin. Nagulat na lang ako ng bigla siyang umiyak tapos tinitigan akong mabuti mata sa mata.

"Yang ang hirap sayo, sainyo. Lahat na lang. Ginagawa ko naman yung best ko para magexcel sa lahat ng bagay, pero bakit parang kulang pa din. You're trying to make my life , my happiness miserable!"

Hindi ko alam ang gagawin ko. Speechless ako sa nangyare. Hindi ko alam na may pagkasenstive pala ang taong to. Ang mean ko ba? Hindi ko akalain na makapagpapaiyak ako ng isang babae dahil lang sa *library* Yun ang hindi ko matatanggap ee. Tanggap ko pang umiyak siya dahil sinaktan ko siya physically or emotionally pero yung dahil lang sa library. Ikenat. 😭

End of Moment One.

Continue Reading

You'll Also Like

626K 15.9K 46
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya AΓ±asco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
368K 15.2K 90
FORMER TITLE: MR.SUNGIT MEETS MS. PALABAN SYNOPSIS: "Ina, anong nangyayari?" Naguguluhang tanong ng batang prinsesa ng makitang nagkakagulo sa loob n...
36K 798 26
{Finale} Kami ba talaga ang para sa isa't-isa? [COMPLETE] BOOK 1: http://www.wattpad.com/story/17193861-ang-boyfriend-kong-bading-complete-c [ compl...
376K 25.2K 94
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...