A Taste of Love [YWFF Book 2...

By kaminari1007

27.5K 519 48

(You're Worth Fighting For Book 2, 2nd Generation: Stacie Jaide Young's Story) Stacie Young hated Mark Tuan... More

Prologue
Love # 01: Incognizant
Love # 02: Starting Point
Love # 03: Text Messages
Love # 04: Back
Love # 05: Pushed
Love # 06: Ice Cream
Love # 07: Leila
Love # 08: Ten Seconds
Love # 10: Symbols
Love # 11: Batangas
Love # 12: Family
Love # 13: Closer
Love # 14: The Parents
Love # 15: Couple
Love # 16: The Youngs
Love # 17: Singing
Love # 18: Point
Love # 19: Together
Love # 20: Noticed Feelings
Love # 21: Missing
Love # 22: Saved
Love # 23: Confusion
Love # 24: Safety
Love # 25: His Perspective
Love # 26: Endure
Love # 27: Plan
Love # 28: Trapped
Love # 29: Stealer
Love # 30: Jaide Young
Love # 31: Escaping
Love # 32: Tagaytay
Love # 33: Wait
Love # 34: Sunshine
Love # 35: Play Wedding
Love # 36: Eavesdrop
Love # 37: Sharp
Love # 38: J'Adore
Love # 39: First Prize
Love # 40: Stars
Love # 41: Masked Stranger
Love # 42: Identity
Love # 43: Story
Love # 44: Last Warning
Love # 45: Forgiveness
Love # 46: Letters
Love # 47: Trust
Love # 48: Shoot
Love # 49: Confined
Love # 50: Official
Love # 51: Energy
Love # 52: Spell
Love # 53: Connected
Love # 54: Endlessly
Love # 55: Coco
Love # 56: Help
Love # 57: Time
Love # 58: Support
Love # 59: Argue
Love # 60: Fantasy
Love # 61: Power
Love # 62: Distance
Love # 63: Last Year
Love # 64: Jealousy
Love # 65: Smiles
Love # 66: Graduation
Love # 67: Definitely
Love # 68: Engagement
Love # 69: Preppin' up

Love # 09: Beware

408 8 0
By kaminari1007

[STACIE JAIDE YOUNG'S POV]

Another week passed by at ngayon ay magsisimula na ang midterm exams namin.. Every semester eh may dalawa kaming major exams.. the MIDTERM EXAMS and the FINAL EXAMS..

Malapit ng mag-start and first class kaya dumaan na agad ako sa may locker ko to get some of my things na gagamitin mamaya..

Pabalik na ako sa room ng maramdaman ko ang dalawang braso na yumakap sa akin mula sa likuran..

"Bitawa—"

"One.." narinig kong sabi n'ya kaya natigilan ako..

Tss.. Hinayaan ko lang s'yang magbilang..

"Two.. Three.. Four.." ewan ko.. isang linggo n'ya 'tong ginagawa sa akin at medyo nasasanay na din ako.. naaasar nga ako kung minsan eh..

"Five.. Six.. Seven.. Eight.. Nine.. Nine.. Nine.. Nine.. Nine.." katulad n'yan.. dinadaya..

"Ten.. Bitaw!"sabi ko at bumitaw naman s'ya.. "Akala ko ba ako ang bibilang?" sabi ko sa kanya..

"Madaya ka minsan eh.. Kasunod ng one mo ay eight.." sabi nito at ngumiti sa akin.. nagsalita ang hindi madaya -__- "I'll see you later.." at ginulo n'ya ang buhok ko..

Tsk.. Naglakad na din s'ya papunta sa classroom n'ya at naglakad na ako papunta sa room..

Pumasok ako sa room at umupo sa tabi ni kuya na busy sa pagbabasa.. mabuting estudyante eh.. kaya nga presidente ng student council.. 

"Stacie.." tawag ni kuya sa akin kaya tumingin ako sa kanya.. 

"May nagpapa-abot.." sabi n'ya at iniabot n'ya sa akin ang isang papel..

I opened the paper kasi nakafold 'to into half..

        Beware, princess..

        XOXO 

Nanaman? Sino bang nagbibigay nitong mga sulat.. Hindi ko naman maintindihan..

Siningit ko na lang sa libro ko yung papel at naghanda na para sa klase..

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

"Grabe.. nalula ako sa exam.." reklamo ni Ria habang nandito kami sa may field..

Nandito kami para magpahingin.. katulad ng sabi ni Ria.. nakakalula yung exam..

Well, okay lang naman para sa akin kasi pinag-aralan ko naman pero di pa rin maiiwasan na di maging sigurado kasi syempre mahirap nga talaga yung exam..

Naka-upo lang kami sa may bench at nagpapahinga ng konti bago magsimulang mag-aral muli..

"Nakakagutom.." sabi ni Ria..

"May dala akong pagka—" naputol yung sasabihin ko ng mapansin kong di ko pala nadala yung lunchbox ko..

Pag exam week kasi pinapadalhan kami ni mommy ng pagkain na s'ya mismo ang nagluto.. favorite ko lahat ng luto ni mommy, ang galing kasi n'ya.. I mean, titingnan n'ya lang minsan kung paano lutuin yung pagkain tapos kaya na n'yang gawin.. she's really amazing..

Ayun nga, pinapadalhan n'ya kami ng pagkain para in case kailangan talaga naming mag-aral eh makakakain pa din kami..

"Stacie?" tawag ni Ria sa akin..

"Nakalimutan ko pala.. iniwan ko muna sa locker para di masyadong mabigat yung dala ko.." sabi ko sa kanya.. "Kunin ko muna ha.." sabi ko at tumayo para pumunta sa building kung nasaan yung mga lockers.

Dumaan ako sa may tabihan ng building.. Nasa likod kasi nung building yung field kung nasaan kami ni Ria.. dun kasi malimit nag-aaral ang mga estudyante kasi tahimik dun hindi katulad nung field sa unahan ng building kung saan puro recreational activities ang ginagawa..

Habang naglalakad ako..

"Stacie!" narinig ko ang boses ni Rick na tinawag ako kaya naman napatigil ako sa paglalakad at lumingon..

*CRASH*

I flinched ng marinig ko yung pagkabasag.. I looked beside me at nakita ko dun yung basag na paso.. tumingin ako sa taas at nakita ko yung isang patungan dun na wala yung isang paso..

"STACIE!" sigaw ni Rick at lumapit sa akin.. "Okay ka lang ba? Nasaktan ka ba?" tanong n'ya while inspecting my arms or my head.

"O-okay lang ako.." sabi ko..

Nakita ko naman na napatingin din ang ibang estudyante sa amin..

"Buti natawag kita.. hindi ka natamaan.." sabi ni Rick..

"O-oo nga.." sabi ko at tumingin ulit dun sa paso..

Paano nahulog yung paso?

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

"S-stacie, o-okay ka l-lang ba?" tanong ni kuya na hingal na hingal pa sa pagtakbo..

"O-oo kuya.." sabi ko..

"Buti naman.." at bumuntong hininga s'ya pagkatapos ay umupo sa tabihan ko..

Nagtataka pa din ako kung paano nahulog yung paso.. kasi imposibleng hangin yun.. ang bigat kaya nung paso.. hayyyy..

Nandito na ulit ako sa may field kasama ni Ria.. at katulad ni kuya.. nag-aalala din s'ya kasi syempre.. umabot na sa buong school yung nangyari sa akin.. A small accident pero big deal na sa lahat.. hayyy.

"Tapos na ba kayong mag-aral.. tayo na lang sa loob.." sabi ni kuya..

Tingnan mo 'to.. masyadong paranoid?

"Okay lang ako kuya.. ano ka ba naman.. baka aksidente lang yun.. may nakasaging pusa or something.." sabi ko..

Yan na lang yung inisip kong rason.. siguro nga ay nasagi lamang ng pusa yun..

"Kahit na.. tama si Jaycie.. tayo na lang sa loob ng room para walang pumatak sa'yo.." sabi ni Ria..

"Coincidence lang naman yun.. Sige na, para sa ikatatahimik ng loob ninyong dalawa.." sabi ko sa kanila at tumayo na..

Nagsimula na kaming maglakad pabalik sa may building pero dumaan muna si kuya dun sa may soccer field kasi nandun daw s'ya kanina before s'ya tumakbo papunta sa amin..

Nagvibrate naman yung phone ko na nasa bulsa ko kaya kinuha ko yun.

Napangiti naman ako.. Weird nga eh.. pag nagtetext s'ya napapangiti ako..

Ibabalik ko na sana sa bulsa ko yung phone ko when a book slipped through my hands..

Yumuko ako at kinuha yung libro ko ng..

*TOK*

May narinig akong tumama sa puno na katabi ko..

"STACIE!" sigaw ni Ria na medyo nauna sa akin..

Lumingon ako and saw an arrow on it..

Nanginig ako ng makita ko yung pana sa puno.. I mean..

Lumingon ako sa kabilang side and I saw a girl na palapit sa akin..

"S-sorry.. natamaan ka ba?" tanong n'ya..

"H-hindi.." sabi ko at tumayo ng ayos..

"Stacie!" agad na lumapit si kuya sa akin.. "Anong nangyari?" tanong n'ya dun sa babae..

"Ah.. kasi nagprapractice ako.. Kaso may dumaan sa likuran ko at sinagi ako.. sumala yung target ko.. Pasensya na talaga.." kita ko din na natakot nga s'ya sa nangyari.. aksidente nanaman..

"O-okay lang.. hindi naman ako nasaktan.. salamat sa libro ko.." sabi ko at nginitian s'ya..

"Sorry talaga.. g-gusto mo bang dalhin kita sa infirmary?" tanong n'ya na halata mo talagang di n'ya sinasadya..

"Okay lang.. Sige na, balik ka na sa pag-papractice mo.." sabi ko at nginitian s'ya..

Nag-aalinlangan pa s'yang umalis at bumalik dun sa mga kasama n'ya na kinomfort naman s'ya..

"Sigurado ka bang okay ka lang?" tanong ni Ria.. "Ano bang nangyayari?" nagtataka n'yang tanong..

"Maybe it's not my day.. or maybe it is.. nakakaiwas ako sa aksidente eh.." sabi ko at tumawa ng bahagya..

"This is not a laughing matter, Stacie.. paano kung natamaan ka talaga ng pana na yun.." seryosong sabi ni kuya.

"Okay lang ako kuya.. chill ka lang okay.." sabi ko sa kanya..

Bumuntong hininga naman s'ya at inakbayan ako..

"Dito ka nga sa tabi ko.. hayyyy.." sabi n'ya..

I looked back dun sa pana na nasa puno.. nangilabot pa din ako sa takot na baka nga tinamaan ako nun kung hindi ako nakayuko kanina..

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

Dismissal na.. kakatapos lang ng huling exam namin for this day..

3 pm pa lang eh dismissed na kami.. ganun talaga pag exam week.. maaga kaming pinapalabas para daw maka-pagprepare sa exam kinabukasan..

"Stacie.. mauna muna ako.. dadaan pa ako sa student council office.. intayin mo na lang ako sa sasakyan mamaya.." sabi ni kuya at binigyan ko lang s'ya ng tango..

Inayos ko na ang gamit ko at lumabas na ako ng room para pumunta dun sa may locker ko para ilagay yung mga gamit ko sa subject na kakatapos lang i-exam at kuhanin yung gamit ko na i-eexam namin bukas..

Bubuksan ko na sana yung locker ko ng..

"Stacie.. nakalimutan mo.." narinig kong sabi ni Ria..


[a/n: Now Playing : Be Alright - Song Ha Ye]


Lumingon ako kay Ria pero sa ibang tao natuon ang pansin..

Sa papalapit na si Mark na grabe kung maka-ngiti.. pero biglang napawi yung ngiti n'ya at napalitan yun ng pagkagulat..

"STACIE!" sigaw n'ya at agad na tumakbo palapit sa akin pagkatapos ay hinila ako palapit sa kanya at niyakap..

*CRASH*

Bigla akong nahirapang huminga.. ano bang nangyayari?

"Okay ka lang ba?" tanong ni Mark sa akin ng ilayo n'ya ako sa kanya.

Lumunok ako at tumingin sa likuran ko at nakita kung paanong ang buong locker ay natumba ngayon sa sahig..

"Stacie.." sabi n'ya sa akin at pinalingon ako sa kanya..

"Stacie.. Ano bang nangyayari? Kanina ka pang muntik ng maaksidente.. PArang gusto ka yatang saktan.." sabi ni Ria..

"Oo nga.. nabalitaan ko din yun.." sabi ng kakadating lang na si Kai.

"H-hindi ko din alam.." sabi ko..

Nanghihina ako.. nahihirapan din akong huminga dahil sa takot..

"S-salamat.." sabi ko kay Mark.

"It's nothing.. It's good I saved you on time.." sabi n'ya at niyakap ako..

Napatingin ako kay Ria at Kai na nagkatinginan sa isa't isa at nagsikuhan pa..

"STACIE! / ATE!" ayan na ang boses ng mga lalaki sa buhay ko..

Binitawan naman ako ni Mark at nakita kong hingal na hingal yung dalawa, kaso hindi pa sila makalapit sa akin kasi tumba pa din yung locker at halos sinakupin nito ang buong hallway..

"OKAY KA LANG BA ATE?!" sigaw ni Bambam..

Tingnan mo 'to.. akala mo naman nasa kabilang building ang kausap..

"Okay lang ako, Bam.. at pwede ba wag ka ngang sumigaw.. rinig kita sa normal voice mo.." sabi ko sa kanya..

Dumating naman yung mga maintenance at agad na itinayo yung locker..

Sabi nila.. natanggal daw yung screw nung locker kaya daw ito natumba.. buti na lamang daw at walang nasaktan.. at mabuti na lang at sarado yung mga locker kung hindi ay nagkalat ang gamit dito ngayon..

Ng maitayo at mai-ayos na yung locker ay bumalik na ako dun para kuhanin nga yung gamit ko..

Agad naman na lumapit si Mark, Ria, kuya Kai, kuya Jaycie at Bambam sa akin..

Tiningnan ko sila at lahat sila nakasandal dun sa locker..

"Anong ginagawa n'yo?" sabi ko..

"In case.." sabi ni kuya Kai..

Napa-iling na lang ako at binuksan yung locker ko..

May papel na biglang pumatak dito kaya naman yumuko ako at pinulot iyon..

          Luck's on your side princess.. But enjoy it while you can..
          XOXO

Napakunot ang noo ko at napansin naman yun ni Mark..

"Bakit?" tanong n'ya..

"Huh.. ah.. wala.." sabi ko at agad na kinuha yung gamit na gagamitin ko at iniwan na yung hindi ko kailangan..

"Tapos na ako.. ah.. tara na.." sabi ko kasi mga wala pa atang balak magsi-alisan dun..

"Tara.." sabi ni Mark at naglakad na sa tabihan ko..

Nasa unahan namin si kuya Kai at Ria na nagkukulitan at nag-aasaran.. habang nasa likuran namin si kuya Jaycie at Bambam..

Bumuntong hininga ako as I roll my eyes..

"Tigilan n'yo ako kuya.." sabi ko at lumingon sa kanila..

"Wala pa kaming ginagawa eh.." sabi ni Bambam..

"Ano yun?" tanong ni Mark sa akin..

"Wala.." sabi ko at tiningnan s'ya..

Ngumiti ito sa akin at hindi inalis ang tingin sa akin..

"You had me worried earlier.." sabi n'ya..

"Bakit ka naman mag-alala sa akin?" sabi ko sa kanya at tumingin sa harap at napansin kong tumigil sa pag-aasaran sina kuya Kai..

Kaya pala..

"Hi Mark.." bati n'ya kay Mark pero..

"Of course I'll be worried.. What if something worst happened to you?" sabi nito completely ignoring Vina..

Napansin ko ang pagkunot ng noo ni Vina bago ito tumingin sa akin at inirapan ako bago nagpatuloy sa paglalakad..

"Mark, binati ka ni Vina.." sabi ko..

Tumaas yung kilay n'ya tapos lumingon.. "Nino?" sabi n'ya..

"Si Vina.." sabi ni kuya Kai.. nakita ko ang pagbabago ng mood ni kuya Kai at pati na din ng mga kapatid ko..

"Sinong Vina?" sabi ni Mark..

"Hindi mo kilala si—" pero pinutol n'ya ang sasabihin ko..

"Wala akong kilalang Vina.. the only girl I know is.." ngumiti ito.. ".. Stacie Jaide Young.."

"Ughhh.. kinikilabutan ako sa pagka-cheesy n'yong dalawa.." sabi ni Ria..

Halos mapanganga ako sa sinabi nito ng maalala ko yung babaeng kasama n'ya nung isang araw

"Wag mo nga akong lokohin.. may kausap ka kayang babae nung isang araw.." sabi ko at sumimangot..

"Paano mo yun nalaman?" tanong n'ya.. so hindi sinabi sa kanya ni Jackson.. "Are you jealous?" tanong n'ya ulit..

"I'm not.." sabi ko.. "Nakita ko kayo sa cafeteria.." sabi ko.

"So napansin mo ako nun.." sabi n'ya..

Tahimik lang sina kuya sa likuran.. bakit di pa sila nasingit sa usapan namin?

"Oo.. tingin mo sa akin, bulag ako?" sabi ko.

"I asked her to put the note on your desk.. kaso sabi mo nga.. may pumunit.." sabi nito..

"Ah, kaya pala may nilagay si Angela sa desk mo nung isang araw.." sabi ni kuya Kai..

"Ah, so Angela pala pangalan n'ya.." sabi ni Mark at tumawa.. "Di ko kasi naalala.. basta alam ko kaklase mo s'ya.." sabi n'ya at tumingin sa akin..

"Ewan ko sa'yo.." sabi ko..

Nakarating na kami sa sasakyan namin sa may parking lot..

"Sige na.. alis na.. tsupi!" sabi ko kay Mark..

"Wait.." sabi nito at hinila ang kamay ko..

May nilagay s'ya sa palad ko at tsaka nito itinikom ang kamay ko..

"I'll see you tomorrow.." sabi n'ya at tsaka binuksan yung pintuan nung sasakyan at pinapasok ako..

Pumasok naman ako, sunod si Bambam at huli si kuya..

Sinarado na ni kuya yung pintuan at nakita ko naman na nag-wave s'ya sa amin, pati sina Ria at kuya Kai..

Ng makalayo na kami.. tsaka ko binuksan ang kamay ko..

It was a simple bracelet na may moon at star as the design..

"Wow ate.. para sa'yo pala yan.." sabi ni Bambam..

"Nakita mo na 'to?" tanong ko kay Bambam..

"Oo, lagi yang nasa bulsa n'ya eh.." sabi ni Bambam..

Tumingin ako kay kuya..

"Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi.. hayyy.. dalaga ka na nga.." sabi ni kuya at ngumiti sa akin..

"Maasar ba ako dun o maaasar?" sabi ko sa kanya at sumimangot pero deep inside ewan ko, natuwa ako..

Tiningnan ko ulit yung bracelet na bigay n'ya ng bigla itong hablutin ni Bambam..

"JADEITE!" sigaw ko..

"Chill ate.." sabi n'ya at kinuha yung kaliwang kamay ko at tsaka n'ya isinuot yung bracelet sa akin.. "Di mo na pala sinusuot yung bracelet na bigay ni kuya Kevs.." sabi ni Bambam..

"Naputol kasi, di ko pa napapagawa." sabi ko..

"Ah ganun pala.. oh yan, may bago.." sabi ni Bambam at nilabas na n'ya yung earphones n'ya at sinalpak na sa tenga n'ya..

Tss..

Kinagat ko ang labi ko bago ko kinuha ang phone ko..

Tumingin ako sa labas ng bintana habang hawak ko sa kamay ko yung phone ko..

Maya maya lang ay nag-vibrate na ito..

I smiled sa text n'ya.. nakakainis.. bakit ba ako napapa-smile?

- ∞ - ∞ - ∞ - ∞ -

Pagdating ko sa kwarto ko ay agad akong napahiga sa kama.. parang pagod na pagod ako ngayong araw..

But I need to study kaya naman bumangon ako at nag-bihis na..

Kinuha ko ang libro ko sa bag ko at dadalhin sana sa study table ko ng may pumatak na papel dito..

Ito yung note na pumatak sa locker ko kanina..

          Luck's on your side princess.. But enjoy it while you can.. 
          XOXO

Kumunot ang noo ko.. naalala ko yung isang note kanina..

         Beware, princess.. 
         XOXO

Yung flower pot, yung pana at yung locker..

'Stacie.. Ano bang nangyayari? Kanina ka pang muntik ng maaksidente.. PArang gusto ka yatang saktan..'

Saktan.. sino namang gustong manakit sa akin..

Bumuntong hininga na lang ako at nilagay sa may drawer yung papel.. ng mahagip ng mata ko ang bracelet na bigay ni Mark..

Despite everything that happened.. napangiti pa din n'ya ako..

"Tss.. Thanks a lot, jerk.."



Continue Reading

You'll Also Like

2.1M 108K 62
โ†ณ โ [ INSANITY ] โž โ” yandere alastor x fem! reader โ”• ๐ˆ๐ง ๐ฐ๐ก๐ข๐œ๐ก, (y/n) dies and for some strange reason, reincarnates as a ...
983K 17.1K 43
What if Aaron Warner's sunshine daughter fell for Kenji Kishimoto's grumpy son? - This fanfic takes place almost 20 years after Believe me. Aaron and...
308K 12.7K 60
โ•ฐโ”ˆโžค *โ‹†โ ๐ข'๐ ๐ซ๐š๐ญ๐ก๐ž๐ซ ๐ง๐จ๐ญ ๐ฅ๐จ๐ฌ๐ž ๐ฆ๐ฒ ๐œ๐จ๐Ÿ๐Ÿ๐ž๐ž ๐ญ๐š๐›๐ฅ๐ž ๐š๐ฌ ๐š ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฎ๐ฅ๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐ฒ๐จ๐ฎ ๐ฉ๐ข๐ฌ๐ฌ๐ข๐ง๐  ๐จ๐Ÿ๐Ÿ ๐ญ๐ก๐š๐ญ ๐ญ๐ข๐ฆ๐ž-๐›...
164K 5.9K 42
There's no way you're hitting on me right now. โ” Lando Norris x Fem!OC ยฉ KissLeclerc , April 2024