Loving My Brother #2: Who's T...

By ziryanggg

58.2K 3.7K 953

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2] Sino nga ba ang may kasalanan? Siya o ako? Kasalanan ko bang magkaroon ako ng feeli... More

I LOVE YOU, KUYA [BOOK 2]
CHARACTERS:
Chapter 85:
Chapter 86:
Chapter 87:
Chapter 88:
Chapter 89:
Chapter 90:
Chapter 91:
Chapter 92:
Chapter 93:
Chapter 94:
Chapter 95:
Chapter 96:
Chapter 97:
Chapter 98:
Chapter 99:
Chapter 100:
Chapter 101:
Chapter 102:
Chapter 103:
Chapter 104:
Chapter 105:
Chapter 106:
Chapter 107:
Chapter 108:
Chapter 109:
Chapter 110:
Chapter 111:
Chapter 112:
Chapter 113:
Chapter 114:
Chapter 115:
Chapter 116:
Chapter 117:
Chapter 118:
Chapter 119.
Chapter 120:
Chapter 121:
Chapter 122:
Chapter 123:
Chapter 124:
Chapter 126:
Chapter 127:
Chapter 128:
Chapter 129:
Chapter 130:
Chapter 131:
Chapter 132:
Chapter 133:
Chapter 134:
Chapter 135:
Chapter 136:
Chapter 137:
Chapter 138:
Chapter 139:
Chapter 140:
Chapter 141:
Chapter 142:
Chapter 143:
Chapter 144:
Chapter 145: Own me
Chapter 146:
Chapter 147:
Chapter 148:
Epilogue:
story ni blue?

Chapter 125:

676 47 5
By ziryanggg

Thrale’s POV

Matapos ang kaunting pagdiriwang na ‘yon, wala namang nagbago. Nandidito na naman kaming lahat sa iisang lamesa, kumakain ng umagahan. Ewan ko ba, maganda naman ang gising ko pero hindi ko magawang ngumiti ngayon. Ang mga tingin at kilos ko ay pangtamad. Halos mapako na nga lang ang baba ko sa aking palad dahil pulos sabong-baba ang aking ginagawa. Laking pasasalamat ko rin na hindi ako nahahalata ng aking mga magulang. Tiyak akong magtatanong sila.

“Napag-usapan pala namin ng daddy mo.” Kahit nagsalita si mom, hindi ko nakuhang lingunin. “Next month is the school year. Your daddy and I decided to go on a family trip.” Hindi ako interesado. “Thrizel, baby. Saan mo naman gustong pumunta?”

Rinig kong napatikhim ang aking kapatid. “Uh, kahit saan, mom. Kasama naman ako.”

“How about beach? Magstay tayo ng onenweek sa resort.”

Napaharap ako kay mom dahil doon. “Kakapunta lang namin diyan sa resort nila Kein, mom.”

“Mommy is right! Tara na’t magbeach!” Tuwang-tuwang sigaw ng bata. Napatigil siya sa pagsasaya nang marinig ang sinabi ko. Naghintay siya ng magiging desisyon.

“Uhm...” Tila nag-iisip pa ang aking nanay. “On Canada.”

Kumontra muli ako. “Ayokong lumuwas ng bansa, mom.” Nilapat ko ang pisngi ko sa lamesa dahil tinatamad talaga ako.

“Mommy Thea is right! Let’s go to Canada! May snow doon!” Nagdiwang na naman.

Hinarap ko si Blue Man. Sinamaan ko siya ng tingin. “Mid-December to Mid-March lang ang snow sa Canada, bata.”

Napanguso siya sa tinuran ko. Binalik nalang ang atensyon sa pagkain. Pakiramdam ko, bunso namin itong si Blue Man dahil kung umasta, anak na anak siya. Wala namang kaso iyon sa akin. Kahit magpababy pa siya sa aking mga magulang. Huwag lang sa akin dahil ako mismo magpapalayas sa kaniya.

“Uhm, tita.” Nagpunas ng bibig ni Link. Nang bumalik siya rito, hindi na gaano madaldal, hindi na tumututok sa online games at hindi na rin nagbibiro. Panay sa laptop. “Naalala ko po. Mom told me we had a hacienda sa Tarlac, namana po iyon sa mga magulang niyo. Bakit po hindi tayo pumunta roon? Gusto ko ring libutin ang lupain natin.” Oh? Bakit hindi ko alam ‘yon? Gusto ko rin tuloy puntahan.

“Yes, hijo. Tutal wala namang gustong puntahan ang aking mga anak, doon nalang. Wala ng angal ang mga iyan.” Natawa sila ni Link. “Gusto ko ring kumustahin iyon. Ang tagal ko nang hindi nakapunta.”

Muling nagsalita si Link. “Saka nga po pala, tita.” Nangunot ang aking noo dahil sumulyap siya sa akin. “Hindi naman sa sinasabi kong mabuburyo tayo kung tayo-tayo lang ang magkakasama. Bakit hindi po natin yayain ang mga kaibigan ni Thrale? Pamilya rin naman po ang turing niyo sa mga ‘yon. Mas masaya kasi kapag marami. Mga madadaldal.”

Nagkatinginan kami ni Thrizel sa sinabi ni Link pero agad na naglihisan. Anong gustong mangyari ni Link? Hindi niya naman masyadong kinakausap ang aking mga kaibigan kaya anong dahilan niya para siya ang magdesisyon na isama ang mga ito? Kainis. Kung ganoon, walang duda na kasama si Kein. Pati sa hacienda, mamatay ako sa selos. Bakit hindi nalang ako ilubog ng buhay? Argh.

“That’s good idea.” Hinarap ni mom ang bata. “Silas, gusto mo bang pumunta roon? Baka hindi ka sanay sa tahimik sa lugar.”

Nilingon ko si Blue Man. Puno ng fried chicken ang kaniyang bibig. “Gustong-gusto ko po. P’wede naman pong isama si Smurf, ‘di ba? Baka po kasi umiyak siya kung maiiwan dito. Sasama po ako kahit saan, kasama naman po si Thrizel.” Napakamot pa siya sa kaniyang batok na may matamis na ngiti. Tumango sa kaniya si mom.

“What course will you take?” Napatingin ako kay dad. Nasa akin ang kaniyang mga tingin.

Napakamot ako sa ulo dahil hanggang ngayon, wala pa rin akong naiisip. “I don't know yet, dad. I'm good at English subjects, especially mathematics but I don't want to be an engineer.”

“Don’t you want to be a cop? Detective? Psychology?” Alam ko na kung bakit iyan ang gusto niyang kunin ko. Nagsasawa rin naman ako sa kaso at makakita ng mga patay.

“Wala po akong gusto riyan.” Diretso kong sagot.

“You’re now a college student. You must have thought of the course you will take because you will have a hard time. Malapit na ang school year, Thrale. Which university do you want to study at. I will support you.”

“Thanks, dad.” Ngumiti ako ng pilit. “Sasabihin ko po kapag may naisip na ako.”

Bumaling si dad kay Link. “How about you, Link?”

Kaswal na sumagot si Link. “Cybersecurity, tito.”

“Nice, good to heard that.”

SA SUHESTIYON ni Link kung saan kami pupunta, natupad iyon. Nandidito kaming lahat sa labas ng bahay. Kakaunti lang ang dala naming gamit dahil may mabibilhan naman doon. Dalawang van ang sasakyan, kumuha na rin ang aking mga magulang ng mga magmamaneho. Malayo-layo rin kasi ang biyahe niyon sa amin. Nagsisakayan na kami. Ang nakasakay sa unang van, Link, Gio, Kein, Mommy Threa at Daddy Leo. Dito naman sa isa, ako, Blue Man, Smurf, Thrizel, Elkhurt at Ryke. Ewan ko sa kapatid kong ito kung bakit hindi tumabi. O si Kein na mismo ang lumihis?

Umupo ako sa bandang bintana. Tumabi sa akin si Blue Man, ang katabi niya ay si Thrizel. Dibale napapagitnaan namin ang bata, walang kaso. Umandar na ang van, wala akong ibang ginawa kun’di ang ituon ang atensyon sa selpon. Wala naman kasing dadaldal sa akin. Tulog si Elkhurt sa likuran, halatang pagod.

“Tatay, tinitingnan ka ni Smurf.” Mahinang bulong sa akin ni Blue Man.

Tinanguhan ko lang siya at muling tumuon sa selpon. Nang maburyo ako, tumanaw nalang ako sa bintana. Hindi ko alam ang kakalabasan ng pag-alis namin. Sana naman ay matuwa ako. Hindi puro selos ang aatupagin ko roon. Maiiwasan kung iiwasan ko ang aking kapatid. Hays, ano na ba itong ginagawa ko? Umiiwas na nga sa kaniya.

Dahan-dahan akong napapikit dahil nakaramdam ako ng antok. Ilang oras din akong natulog hanggang maramdaman kong huminto ang van. Napatingin ako sa aking gilid dahil wala si Blue Man. Ang nakita ko lang ay si Thrizel na nakatingin sa labas kaya tumingin din ako roon. Pinaihi ni Blue Man ang aso niya sa labas. Mabuti naman, alam niya ang gagawin. Kapag inihian ako ng aso niya, sasakal-sakalin ko siya ‘gaya noong naglaro kami ng basketball.

Napatigil ako sa paghinga nang tumapat sa ilong ko ang buhok ni Thrizel. Isa lang ang ibig sabihin niyon, katabi ko na ang aking kapatid dahil pinausog siya ni Blue. Doon na siya umupo sa p’westo ni Thrizel, hindi na nag-abalang pumuntang gitna. Napahinga ako nang malalim nang umandar na ang van. Tumuon nalang ako sa bintana. Iwas na iwas din akong madikit ang balat ko sa aking kapatid, ramdam ko namang ganoon din siya. Hays, nakakailang naman ‘to.

Lumipas ang ilang minuto, napaigtad ako nang may ulong sumandal sa aking balikat. Hays, babae, bakit mo ba ako ginagawang magugulatin? O malaki lang talaga ang epekto sa akin ng babaeng ‘to?

Hinayaan ko na siyang matulog sa balikat ko. Wala akong naging galaw, wala akong balak ayusin ang ulo niya para maging maganda ang kaniyang tulog. Siya ang nagkusang isandal ang ulo ko sa balikat, bahala siya riyan. Ilang oras pa ang lumipas, natahak na namin. Dumadaan kami ngayon sa maraming puno, kakaunti lamang ang bahay pero may mga tindahan. May mga tao rin. Sa pinakadulo kami dinala ng van kung saan tahimik. Kusang nagising ang katabi ko, wala naman siyang naging reaksyon, diretso na pababa. Bumaba na rin ako.

Hacienda Agbayani, basa ko sa arko. Hindi ko alam kung saan kinuha ang pangalan. Nilibot ko ang aking paningin dahil sobrang laki ng lupain. Namangha rin ako sa ganda nito. Napatingin kami sa mga kawani dahil pumunta ito sa aming harapan at sabay-sabay na bumati.

“Manong Boy, kayo po pala. Ang tagal ko nang pumunta rito at nandirito pa po kayo. Walang duda na mahal na mahal niyo ang lupain ng mga Agbayani.” Nagmano si dad sa isang matanda na may katandaan na. May uban na rin ang kaniyang buhok.

“Oo naman, hijo. Dito na talaga ako namamalagi. Halina kayo, pumasok kayo sa loob. Nakapagluto kami para sa inyo.” Mukhang pinaalam na ng aking mga magulang na pupunta kami. Napaghandaan nila.

Kinuha ng ibang kawani ang dala namin. Ang dala ko ay hindi ko na binigay dahil hindi naman mabigat at nag-iisa lang ‘to. Nilibot ko nalang ang paningin ko, may mga nakita akong baka at manok. Pinapakain sila. Sa isang sulok naman, nakita ko ang kuwadra, nandoroon ang mga kabayo. Sobrang lawak ng lupain, kapag nangabayo ako, solong-solo ko ang daan. Masaya rin pala mamalagi rito.

Pumasok kami sa malaking bahay. Medyo may kalumaan na ang hitsura sa labas pero kapag pumasok ka sa loob, sobrang ganda at linis. Alagang-alaga rin nila ito.

“Maraming kwarto sa taas, mga hijo’t hija. P’wede kayo mamili ng kwarto kahit saan niyo gusto. Ilagay niyo na ang inyong gamit para kumain dito sa hapag.” Pakikipag-usap sa amin ni Manong Boy na agad naming tinanguhan.

Ako ang unang umakyat. Bumungad sa akin ang napakahabang pasilyo, sa mahabang pasilyong ito ay puro pinto. Naglakad na ako para pumili ng kwarto. Pinili ko iyong pintong nasa bandang gitna. Pumasok ako sa loob, napakalawak at linis. Kusa ko nalang naibagsak ang aking sarili sa kama. Nang makapagpahinga ng sandali, inayos ko na ang aking mga gamit.

Napagpasyahan ko nang lumabas kaya binuksan ko na ang pinto. Hindi natuloy dahil sa kaharap ng pintong ito, si Thrizel ang nakita ko. Sa pagkakaalala ko, si Thrizel ang huling umakyat. Hindi niya ba napansin na rito ako pumasok? Nang makita niyang bumukas ang pintong kaharap niya, nanlaki rin ang kaniyang mga mata dahil ako ang nagbukas niyon.

Sabay kaming naglakad. Wala kaming naging imik. Pakiramdam ko kapag pinauna ko siya, talo ako. Mukhang ganoon din naman ang kaniyang nasa isip kaya sumabay nalang ng lakad sa akin. Nang makapunta kaming silid-kainan, kami nalang pala ang hininhintay. Napatabi rin kami ni Thrizel sa hapag dahil magkatabing upuan nalang ang bakante. Tahimik nalang akong kumain. Wala akong balak magsalita kahit na nagkukwentuhan sila. Ewan, mga nakaraang araw pa na hindi ako makasabay sa kanila.

Nang matapos, uminom muna ako ng tubig bago magsepilyo. Sabik na akong libutin ang lupain kaya ako ang naunang tumayo. Habang nagsesepilyo, nangunot ang noo ko dahil tumabi sa akin si Thrizel. Nagsesepilyo rin siya. Sinusundan niya ba ako? Tsk. Nagmadali na ako sa ginagawa hanggang matapos.

“Mom, dad, sa labas muna po ako. Mukhang maganda ang tanawin.” Paalam ko.

“Hoy, hintayin mo naman kami. Gusto rin naming sumama sa ‘yo, e!” Palatak sa akin ni Ryke.

Nagpamulsa ako. “Ang bagal niyo, hanapin niyo nalang ako kung saan ako nagpunta pagkatapos niyo riyan.” Nag-umpisa na akong maglakad.

“Wow, huh! Sa lawak ng lupain, hindi kita makikita!” Si Elkhurt ang sumigaw niyon. Bungangero talaga.

Nagtingin-tingin na ako. Sinusuri ko pa ang mga gawain ng mga kawani dahil gusto kong subukan ‘yon. Napatingin ako sa kuwadra. Nagpaalam ako sa nagbabantay na gusto kong makita ang mga kabayo, sumang-ayon siya sa akin. Lima ang nandidito, ang nakakuha ng atensyon ko ay itong puti. Sobrang linis kasi.

Lumabas din naman ako matapos ‘yon. Kakakain ko lang kaya hindi magandang mangabayo. Naglalakad ako ngayon sa maraming puno, tutunguhin ko ang ilog. Rinig ko kasing may bumabagsak na tubig. Tatakbo na sana may narinig akong boses babae na dumaing. Lumingon ako sa likuran, narinig kong hawak-hawak ni Thrizel ang kaniyang paa. Aba? Sinusundan ba talaga ako nito?

“Anong ginagawa mo riyan?” Medyo pagalit ang boses ko. “Nagtatanim sa gitna ng daan? Sana nagpasama ka sa kawani kung saan p’wedeng magtanim ng gulay.” Napasinghal ako. Tumuloy na ako sa paglalakad pero nakakapagtaka dahil wala siyang naging tungon. Muli akong lumingon sa kaniya, ganoon pa rin ang kaniyang p’westo.

Napahinga ako nang malalim at mabilis siyang binalikan. Walang pasintabi ko siyang binuhat na pang-isang sakong bigas. Anong akala niya? Magiging mabait ako sa kaniya? Naawa lang ako kaya ko siya binuhat. Kung magrereklamo pa siya sa klase ng buhat ko. Maglakad siya mag-isa na ika-ika. Nasa likuran ko ang ulo niya kaya kitang-kita ko ang paa niya sa harapan ko, may tapyas doon. Dumudugo.

“Hoy, Thrale, ibaba mo nga ako! Lumilipat ang dugo ko sa ulo!”

Hindi ko pinansin ang kaniyang bulyaw. Patuloy pa rin ako sa pagtahak sa ilog.

“Woi! Ano ba?! Masakit na nga ang paa ko, pinapasakit mo pa ang tiyan ko! Naiipit ng balikat mo! Ang tigas!”

“Malamang may muscles ako.” Pabalang kong tugon. “Huwag ka nga magulo. Hindi mahigpit ang hawak ko sa ‘yo, kapag lumikot ka. Beripekadong lalaglag ka.”

Sa sinabi ko, tumigil siya. Buti naman hindi na matigas ang ulo. Binaba ko na ang babaeng ‘to nang matanaw ko ang ilog. Namangha pa ako dahil nagmimistulang pira-pirasong kristal ang nagbabagsakang tubig dahil sa linaw nito. Isa itong talon, sobrang linaw ng tubig. Sinawsaw ko ang isang paa ko, ang lamig.

“Ito ang pinuntahan mo?” Tanong sa akin ng kapatid ko.

Hindi ko siya pinansin. Binuhat ko na ito ng maayos. Dinala ko siya sa mababaw at pinaupo sa bato. Nilinis ko ang sugat niya sa tubig, halos mapadaing pa ‘to. Nang matapos, nilabas ko ang panyo na nasa aking bulsa. Tinali ko ‘yon sa kaniyang paa. Hindi kasi nag-iingat. Alam na may bato roon.

“Bakit ba nasa likuran kita kanina? Sinusundan mo ba ako?” Tanong ko. Buhat-buhat ko siya papunta sa isang bato kung saan p’wedeng umupo.

“Gusto kong sumama sa ‘yo, ayos na?”

Napasinghal ako. “That’s not a valid reason, ang sabihin ko sinusundan mo talaga ako. Ano bang kailangan mo sa akin?”

Namangha ako dahil dire-diretso siyang sumagot. “Hindi ayos sa akin na malayo ang loob natin sa isa’t isa. Gusto kong nag-uusap pa rin tayo.”

Lumayo-layo ako rito. Hinubad ko ang damit kong pang-itaas. “Iyong ikaw nga ang nagmamahal sa akin, iniwasan mo ako. Nakuha mo pa nga akong iwan. Unfair naman kung sasang-ayon ako sa gusto mo.”

“Sandali, bakit ka ba naghubad?” Hindi ko siya sinagot. “Kinukumpara mo ang sitwasyon dati sa ngayon. Gumaganti ka ba?”

Napatawa ako sa kaniya. “Gaganti? Halos masaktan na nga ako. Tanga lang ang sasagot ng oo sa ‘yo sa ganitong sitwasyon.” Lumangoy na ako sa tubig. Wala lang sa akin kung malamig iyon. Umahon ako at muling humarap sa aking kapatid. “Kung gaganti ako at ibabalik ko sa ‘yo ang ginawa mo sa akin dati, mararamdaman mo ang naramdaman ko noon. At kung iyon ang inaasahan mo. Can I leave you too?”

Natigilan siya sa aking sinabi. “Bakit ka ba nagkakaganiyan?”

“Nakukuha mo pa talagang tanongin ‘yan, huh? Dumaan ka sa ganito, dapat alam mo na ang sagot.  Patay malisya pa.” Muli akong lumusong sa tubig.

“Sorry...” Pahabol niya.

Wala na akong naging tugon doon. Ang atensyon ko ay nasa paglangoy nalang. Kahit umahon ako sa tubig, wala kaming naging pag-uusap. Alam kong naiilang siya at gusto niyang tanggalin iyon pero ako, wala akong balak. Kung anong nararamdaman niya, damhin niya.

Itutuloy...

Continue Reading

You'll Also Like

272K 3.6K 41
If my love for you will fade that means only one thing i will never be yours again. -Claire Santillian •Unwanted Series #...
7.5K 259 19
Everyone has an ideal man, ideal boyfriend but not me. Posted : May 26, 2021 - May 26, 2021 Pic is not mine... Credits to the rightful owner. Unedited
4K 127 35
this story tells my version of events that happened prior the award season that included golden globes and the critics choice awards back in January...
953K 30.3K 82
Vena isn't a selfish person. Everything she does is for her brother, her family, and the expectations of everyone else. She doesn't like to disappoin...