Fake Marriage, True Love (Lun...

By Jenlunalianiyah

18.3K 579 26

She was forced to accept Liam Andrei Buenaventura's mother's offer to be her wife because she needed money to... More

•••
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Author's Note!
Next Series

Chapter 7

476 23 0
By Jenlunalianiyah

Tapos ngayon ay aarte akong parang walang nangyari saming dalawa. Tapos pinapaalala niya pa sakin ang tapos na. Tapos di ko naman makalimutan. Tapos, tapos.

Hayyyy. Pumayag ako noon dahil sa kalasingan at hindi ko na alam ang mga pinanggagawa ko, at siguro ginusto ko naman. Kaya umabot kami sa ganun. Kahit anong kalasingan pa yun kung ginusto ko naman ay hahantong takaga ng ganun. Ne hindi ko kayang sikmuraing iniisip kong ginanun ako ng mga tambay sa kanto namin. Pag yun siguro, kahit na pasuray-suray na'ko sa daan at nababaliw na ng kalasingan ay gagawin ko pa ding humingi ng tulong at hindi ko hahayaang ang mga ganung tao ang makauna sa'kin.

At ngayon naman kahit di ko gusto ang makita siyang muli, mapipilitan akong gawin ito dahil lang naman kay nanay. Gagawin ko ang lahat mailigtas lang siya.

And speaking of nanay, matawagan nga siya.

Imbes na itawag na lang kay Ms. Lianna ay itinawag ko na lang kay Pat para makausap si nanay. Natatandaan ko ang numero ni Pat dahil sa ito lagi ang tinatawagan ko gamit ang cellphone ng kakilala ko sa kahit anong trabaho na mapapasukan ko.

Pero napatigil ako ng maalala ang pagtext sakin ni Liam. Paano niya nalaman na may cellphone ako? Di kaya...

Ng masagot ang tatlong ring ay agad akong nagsalita.

"Tita sinabi niyo po ba kay Liam ang numero ko?" Agad kong tanong dito.

"Ahmm. Pasensya na kung di ko nasabi sa'yo. Tinawagan niya ako kanina at hiningi ang number mo kaya binigay ko na. Importanteng malaman niyo ang number sa isa't-isa, normal na yun sa mag jowa." At humagikgik ito ng tawa na parang isang dalaga eh may edad na nga.

"Hindi po kami mag jowa at alam niyo yun." Napailing na lang ako ng may mga ngiti sa labi.

"HAHAHA! Oh siya! Puputulin ko na muna 'to at may appointment pa ako."

"Sige po..." At pinatay na nito ang tawag.

Minsan napapaisip ako kung gusto nga ba ni Ms. Lianna ang mahulog ako sa anak niya o hindi. Nakakalito siya minsan. Minsan tinutulak niya ako sa anak niyang babaero tapos binawalan naman akong mahulog dito na huli na. May nangyari na nga. Pero hindi ko naman gusto anv anak niya.

Sunod ko naman tinawagan ay si Pat.

"Hello? Who's this?" Napatulala na naman ako sa tuwing mag e-english siya.

I mean, nag e-english siya, oo. Pero nakakagulat lang yung sitwasyon niya. May accent kung magsalita siya parang... Hindi ko mapaliwanag. Sa tuwing nag e-english na lang siya ay napapatulala ako sa boses nito kung magsalita, parang isang-

"Hello? Bwesit! Magsalita ka at may importante pa akong gagawin kaysa sayo!" Sigaw nito sa telepono.

"Wag mo nga akong ma-bwesit-bwesit at baka tadyakan kita-"

"Ohh shit! Mabuti naman at napatawag ka na! Alam mo bang parang tanga akong isip ng isip kung alin sa mga numerong ginamit mo ang tatawagan ko? Tapos ngayon? Ngayon ka lang magparamdam?! Ang tagal-"

"Oh! Wag kang OA! Kanina lang ako umalis. Wag mo'kong artehan, ang sabihin mo lang ay gusto mo si doc." Pang -iinis ko dito.

"Oh! Shut the fuck up, girl. I don't want to talk about that bullshit guy. He's annoying, you know." Ayun na naman. Nakakatulala naman parang hindi si Pingkay 'tong kausap ko. Hayst alam kong trulala ka naman. Ibibigay ko na lang kay nanay ang telepono para magkausap na kayo." Sabi nito ng di ko siya masagot agad.

"Sige." Ilang minuto din bago may nagsalita.

"Anak... Ikaw ba'to?" Mahinang boses na sabi ni nanay.

At dahil siguro sa di ko na naman ito makakatabi ay na miss ko na agad.

Naglandas ang luha sa mukha ko ng di ko mapigilan ang emosyong nararamdaman. Ang iyakin ko talaga kahit kailan.

Gusto kong sabihin kay nanay ang mga nararamdaman at sitwasyon ko ngayon. Ngunit alam ko na di na ako pwedeng dumagdag pa sa nararamdaman niya. Wala pa siyang sakit, siya ang naging sandalan at karamay ko sa mga paghihirap na nakaharap ko. Siya ang nagpapalakas ng loob ko na wag sumuko sa kahit anumang bagay na makakapagbagsak sa sarili ko.

Kaya hindi ko matatanggap na mawala ang taong nagpapalakas sa'kin. Paano na lang ako? Nasanay na'kong nandiyan si nanay lagi. Hindi ako sanag mag-isa.

Huminga ako ng malalim at kinontrol na wag manginig ang boses kapag nagsasalita. "Nay... Ako 'to si natay na mahal na mahal ka." Biro ko dito habang ginagaya si Natoy sa ewan ko kung anong pamagat nun na teleserye. Masyado ng matagal kaya hiindi ko na matandaan.

Pero yung nangyari samin ni Liam... Kahit anong tagal pa yun ay hinding-hindi ko yun makakalimutan.

"Pwes. Ako budoyyy." Mahinang boses na biro din nito.

Dapat ay tatawa ako sa biro niya pero hindi ko mapigilan ang maluhang muli. Ayan na naman siya, pinipilit na maging malakas kahit hindi naman. Ako yung nanghihina sa ginagawa ni nanay, pero hindi dapat ako maging mahina dahil kailangan niya ako.

Si nanay ang buhay ko. Pag nawala siya sakin,hindi ko alam kung anong gagawin ko sa buhay ko. Wala ng dahilan para manatili pa ako sa mundong 'to.

"O siya. Kumusta ka, anak ko?" Tanong nito na ikinatigil ko.

'Nay... Hindi po ako okay...'

"O-okay lang po ako. K-kayo ba?" Pinunasan ko ang luhang tumulo sa pisngi ko.

"Ayos lang ako, anak. Malakas pa naman-" bigla na lang siyang napaubo.

"Nay? Ayos lang ho ba talaga kayo?"

"Oo anak ubo lang yun." Naging maayos naman agad ang pagsasalita niya.

"Nay-"

"Sige na, anak. Nandito na si doc. Mahal kita." At pinatay nito agad ang tawag.

Bumaba ako at paalis na sana ng bahay para pumunta sa ospital at matingnan ang kalagayan ni nanay ng maalalang hindi ko nga pala alam ang lugar kung nasaan ako.

Sinara ko na lang ang malaking pintuan sa harap ng bahay at unti-unting napapadausdos pababa sa pinto.

Nay... Miss na miss na kita... Kumapit ka lang nay. Alam kong hindi ka okay. Nay parehas lang tayo, pero kailangan nating lumaban. Mahal na mahal kita.

Napahagulgol akong mag isa habang nakaaupo sa hamba ng pintuan at nakahawak sa mukha kong walang sawa sa pag agos ang mga luha ko.

Kaya ayaw kong mag isa.  Dahil sa tuwing nag-iisa na lang ako, hindi ko mapigilang ilabas ang mga nararamdaman ko. Okay na 'to kaysa ng may makakita saking nagkakaganito ako.

Mahirap ang mawalay sa pamilya kung nasasanay ka ng nasa tabi mo sila lagi.

Masarap sa pakiramdam ang may nasasabihan ka ng mga nararamdaman mo kahit papaano ay nababawasan ang kabigatan nito. Ngunit pag umabot na sa puntong lahat ay iiwan ka, yun ang mahirap pero kailangang labanan. May mga tao namang may kasama naman sa buhay pero mas pinipili na lang sarilihin ang nararamdaman kasi pakiramdam nila ay hindi sila maintindihan. Mayroon namang mas pinipili na isarili ang lahat ng pinagdaanan dahil hindi gustong pati ang mahal niya sa buhay ay mag-alala sa kanya at makadagdag ng problema. Sa pagiging mag-isa kasi, karamay mo lang ang sarili. Kasama mo sa paglaban ay ang sarili at wala ng iba. Kung may dadating, edi salamat.

---

Nagising ako kinaumagahan na masakit ang likod.

"Shit. Bakit kasi dito pa ako natulog."

Nakatulogan ko ang pinanood ko kagabi dito sa sofa. At ang kinalabasan ay sumasakit ang likod ko dahil sa posisyon kong humiga.

Hinilot-hilot ko ang likod ko habang naglalakad patungo sa kusina.

Nag-init ako sa heater para makapag-kape.

Umakyat na muna ako sa taas para makapagpunas habang wala pa dito ang damit ko. Ngunit di pa ako nakakapasok sa banyo ng may biglang nag doorbell.

Inuna ko munang buksan ang pinto bago mag punas.

"Good morning po ma'am. Pinapabigay po ni Madam Lianna." At may inabot itong napakaraming mga paper bag at may malaking karton sa baba.

Inusad nung lalaki ang karton papasok bago niya kunin ang mga paper bag na inilapag niya sa sahig para iusad ang kartong Hindi ko alam kung ano ang mga laman. At ng makuha niya ang lahat sa kotse ay tinanong niya ako kung saan niya ilalagay at sinabi kong sa bukas na lang kwarto sa taas para ipasok sa guest room na naiwan kong nakabukas kagabi.

"Salamat." Nakangiting saad ko dito ng mahakot na niya lahat sa taas at isasara na sana ang pinto ng may mahagip ako ng mga mata ko.

Si Liam... May kahalikang babae sa labas ng kotse niya.

Nung una ay natigil ako pero kalaunan ay napayuko na lamang ako at dahan-dahang isinara ang pinto at nagkape na lamang.

Nandito ako ngayon para magpanggap sa buhay niya hindi para totohanin ang kung anuman ang ginagawa ko ngayon. Wala ito sa plano ko. Pero kahit anong gawin ko ay may naramdaman pa din akong kakaiba ng makita siya sa labas na may kahalikan. Hindi ko mapaliwanag pero parang nawalan na ako ng gana magkape.

Pinikit ko ang mga mata ko at iwinaksi ang eksenang yun sa isip ko. May mas importante akong isipin, at hindi dapat siya yun.

Iminulat ko ang mga mata ko at sumimsim na ng kape.

Matapos akong magkape ay umakyat na ako ng hagdan ngunit nahagip ko ang isang kwartong naiiba sa kulay ng mga pinto dito.

Ano kaya ang nasa loob nun.

Binalewala ko yun at dumiretso na lang sa kung saan ako pupunta kahit naakot talaga ng pintong yun ang atensyon ko.

Pagdating ko sa kwarto na naiiba sa kwarto ni Liam ay sinimulan ko ng buksan ang pinamigay ni Tita at mga mamahaling damit, make-up, at gamit yun. Kung ebebenta siguro to ay sapat na para sa pagpapagamoy ko kay nanay.

Iba talaga pag mayaman. Kailanman ay malayo ang agwat sa pagitan ng pagiging mayaman at mahirap. Nabibili nila kaagad ang gusto nila at hindi na pinoproblema ang kakainin sa araw-araw sa konting hirap, samantalang kaming mahihirap ay kinailangan munang maghirap ng maghirap makakain lang ng tatlong beses sa isang araw.

•••

NAIINIS na binalingan ni Liam ang babaeng sunod ng sunod sakanya hanggang sa bahay nito na parang linta.

"Fuck you. Get the hell out of here." Umiigting ang panga na sabi ni Liam sa babaeng parang higad na sunod ng sunod sakanya. Kung hindi lang 'to babae ay kanina niya pa 'to sinugod ng suntok hanggang sa masira ang mukha.

"Ohh. Shut up, babe. Kakatapos lang natin kanina tapos umalis ka kaagad?" Lumapit ito sakanya at hinagod  ang mga balikat nito.

"Fuck." Napahilot sa sentido ang lalaki dahil sa ginawa niya. Nalasing lang naman siya kagabi dahil sa babaeng nasa loob ng bahay niya ngayon. Kung ano ang dahilan ay hindi niya alam.

Lumayo ng kaunti si Liam bago kinuha ang cellphone sa bulsa nito at tinawagan ang kapitbahay niya.

"Trix. Get the hell out of your house and come here in my fucking house." Di pa nakasagot ang kaibigan nito sa kabilang linya ay pinatayan na niya agad ito bago balingan ang babae ngunit bigla siyang hinalikan ng babae sa labi.

Tinulak niya ang babae dahilan para muntik na itong matumba mabuti na lang at dumating si Trix at hinawakan ang babae sa balikat tsaka ito hinarap.

Ganun nito kabilis na tinakbo ang bahay papunta sa bahay niya.

"Hey bitch. Go home and get your fvcking ass out of here or I wilI fucking kick you. I don't care if you're a girl. Just fvcking leave." Madilim ang mukha na sabi ni Trix sa babae.

Inis na kinuha ng babae ang braso kay Trix bago ito irapan at sumakay sa kotse nito at umalis..

Binalingan naman ni Trix si Liam na nagpupunas ng labing hinalikan nung babae.

"Dude. What the hell are you doing? Sinabihan na kita na hiwalayan-"

"Ginawa ko na, okay? So shut the fuck up."

Ang madilim na mukha ni Trix ay unti-unting napalitan ng nang-aasar na ngiti.

"What?" Inis na tanong ni Liam ng makita ang ngiting nag-aasar ni Trix.

"Is cupid hit you?" Ngiting-ngiti na asar nito sa kaibigang si Liam.

"Na-ah." Iiling-iling na sagot nito bago pumasok sa bahay niya kasunod si Trix. Napahinto si Liam ng mapansin iyon at nilingon ang kaibigan. "Go to-"

"At dahil may napalayas akong higad. Libre mo ang agahan 'namin'." Pagpuputol nito sa iba pamg sasabihin ng kaibigan.

'Namin... Tsk. Tsk.'

•••

NG matapos naman ako ay lumabas ako sa banyo na nakatapis lang ng puting twalya na siyang pagbukas naman ng pinto ng kwarto at iniluwa dun si Liam.

Nanlaki ang mata ko ng makitang pinaglakbay nito ang tingin sa katawan ko.

"Shit."

"Fuck."

Sabay naming sabi. Agad akong bumalik sa banyo at ini-lock yun.

"Di ba uso ang katok?!" Sigaw ko sa loob dahil sa inis sa bwesit.

"Lumabas ka na diyan. Nakita ko na din naman yan." Dinig kong sabi nito.

"Bwisit." Mura ko ng mahina ng ipaalala na naman niya. "Pwede ba?! Lumabas ka muna?!"

"Okay." Dinig ko pa ang tawa nito bago ang pagsara ng pinto.

Huminga ako ng malalim dahil sa kabang nararamdaman.

Paano niya nasasabi ang mga yun? Bwesit. Kailangan ba talagang ipaaalala pa?

Dali-dali akong nagbihis at lumabas ng kwarto.

Natigil ako sa pagbaba ng hagdan ng makita ko ang mga  maingay na tawanan ng kaibigan ni Liam.

"Sabay tayong nagpatuli nun! HAHAHAHA! Tapos si Trix! HAHAHAHA-"

"Shut your fucking mouth, Collins." Naiinis na boses ni Trix sa tumatawang lalaki.

"Ng madinig ni Trix ang sigaw ni Scott, uuwi na sana HAHAHAHAHA!" Walang humpay na tawa nung tinawag ni Trix na si Collins.

"Shawn Collins is a fucking marites guy." Napailing na lang si Trix sa ginawa ng kaibigan.

Ng makita ako ng isang kaibigan ni Liam na hindi ko pa nakikita ay nagsalita ito.

"Hey, babe. I'm Isaac, friend of your future husband." Pagpapakilala sakin nung lalaking nakakita sakin na nakangiti.

"Hey there, baby! Shawn, ang marites ng tropa." Napabaling ako sa lalaking nang-aasar kay Trix at kinindatan ako nito.

"Esther... Estherella Fernadez." pagpapakilala ko at nginitian sila.

"At welcome dito sa Reterson Village. Kung may kailangan ka, pumunta ka lang sa mga kasambahay mo. At kami yun." Sabay-sabay nilang sabi.

"A-ano?" Di ako makapaniwalang sila ang mga kasambahay ni Liam na mga kaibigan na din pala niya.

"Magsilayas na nga kayo. Ang ingay niyo." Biglang lumabas si Liam sa kusina kasama si Tyler na may hawak na namang sandok at naka apron.

"Luto na ba, Ty?" Imbes na pagtuunan ng pansin ang sinabi ni Liam ay tiningnan na lang nila si Tyler.

"Malapit na. Wala ba kayong pagkain sa mga bahay niyo? Motherf*ckers." Si Liam ang sumagot na para kay Tyler at pumasok na lang ulit ito sa kusina dala ang sandok. Sandok ata ang buhay nito.

"Wala akong pera." Agad na sagot ni Curt.

"Baon na ako sa utang." Si John na may paproble-problema ang mukha.

"Ninakawan ako kagabi" si Scott.

"Nawala ang credit card at pitaka ko." Si stefan.

"Binigay ko ang pera ko sa pulubi kanina, naawa ako eh." Si Isaac.

"Binigay ko kay Ryan Bang ang pera ko, nakita ko kanina eh." Si Shawn.

"Pwes. Binigay ko sa presidente ng Pilipinas ang pera ko kanina." Si Trix na may mga pilyong ngiti.

At himala na nakilala ko na sila.

Napapailing na lang ako sa mga kalokohang sinasabi nila at mukhang pinagt-tripan si Liam.

Nasobrahan naman ata sa pera ang mga ito at hinahayaan na lang na mawala. Pati pa artista at presidente ay nadamay sa kagaguhan nila.

"Fuck you all." Si Liam at lumapit sakin at naramdaman ko na lang ang mga bisig niyang nakayakap sakin patalikod.

Mabilis ang pintig ng puso ko dahil sa ginawa niya na hindi ko inaasahang gagawin niya.

At sa harap pa talaga ng mga kaibigan niya...





End of chapter seven...

Continue Reading

You'll Also Like

28.3K 725 106
just a random twice chatroom which contains twice royal ships but mostly michaeng lol p/s: kids are not allowed here 16+ only
24.7K 843 19
This story is dedicated to @MarissaRhoden who gave me the idea for it. Allow me to introduce you to Akima Lycan, she arrived on Pandora 4 years befor...
106K 4.8K 57
The dream team gets teleported in the minecraft world by some weird kind of magic, while they try to find a way out they decide that beating the game...
2.2K 55 100
Let this book take you to a dimension inside my mind where you will see how I fell and got hurt by the universe and you creating my very own younive...