You Are My Everything (COMPLE...

By AiaRev3use

14.9K 560 1.8K

He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli... More

SYNOPSIS
YOU ARE MY EVERYTHING
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 23

333 14 53
By AiaRev3use

CHAPTER 23

'Shero May P.O.V'

Madaling araw na ng makauwi ako kagabi, sinamahan ako ni Ethan hanggang sa maging maayos na ako. Lahat ng bigat sa dibdib ko kagabi ay ibinuhos ko sa kaniya, iniyak ko lahat sa kaniya. Para akong isang musmos na bata na nagsusumbong sa kakampi dahil inaway ako.

At kaninang  umaga ay mas maaga akong nagising sa pangkaraniwang kong paggising, maaga rin akong pumasok. Ayaw ko silang harapin, ayaw kong harapin ang pamilya ko. Pakiramdam ko ay pinagkaisahan nila ako dahil sa lihim na ginawa nila sa akin.

At ngayon ay nandirito ako sa lugawan, nagpaalam na ako kay Aling Betty na maaga akong aalis dahil may pupuntahan pa ako. Gaya ng napagkasunduan namin ni Ethan kahapon ay susunod ako sa kaniya pagkatapos ng trabaho, pinayagan ko siya ngunit dapat ay kasama ako mahirap na at baka kung ano ang mangyari sa kaniya sa daan dahil sa kalasingan. Nag-aalala lang ako sa kaniya, siya lang naman ang iniisip ko kung kaya mahigpit ako sa kaniya sa ganiyang bagay.

Pagsapit ng alas-nuwebe ng gabi ay nagpaalam na ako kina Aling Betty, Mang Berting at kay Marlo na aalis na.

Sumakay na ako sa traysikel at nagpahatid sa bar kung nasaan si Ethan kasama ang mga kaibigan niya.

Ilang saglit lang ay nakarating na rin ako sa destinasyon ko, huminto ang sinasakyan kong traysikel sa mismong tapat ng bar.

Bumaba ako at nagbayad ng pamasahe sa traysikel driver bago naglakad papasok sa loob ng bar ngunit bago 'yon ay hinarang muna ako ng dalawang bouncer sa entrance.


Sinabi kong may mga kasama ako sa loob at tinanong rin ng mga ito kung minorde-edad pa ba ako o hindi. Nang masiguradong hindi nga ako minorde-edad ay tsaka lang nila ako hinayaang papasukin sa loob.

Sumalubong sa akin ang  maiingay at nagsasayang mga tao, sumasayaw at ang malakas na tugtog nang banda. Kadalasang senaryo sa isang bar ang naabutan ko, umiwas ako ng tingin ng may makitang naghahalikan sa gilid.

Lumakas ang tibok ng puso ko nang pumasok sa  isip ko na baka ganito rin ang ginagawa ni Ethan. Napailing-iling ako para tanggalin ito sa isipan, mahal niya ako at hindi niya iyon gagawin sa akin.

Nagpatuloy ako sa paglalakad at paghahanap sa table kung nasaan sila. Sinusubukan kong tawagan si Ethan kanina ngunit panay ang ring lang, walang sumasagot.

Nagpatuloy ako sa paghahanap kung nasaan sila, sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako. Ipinilig ko ang ulo, nagbabakasaling mawala ang kakaibang pakiramdam.

Natigilan ako sa paglalakad ng makita ang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Nakatagilid ito sa deriksyon ko, hindi ko makumpirma kung tama ba ang hinuha kong siya ba ito dahil hindi masyadong natatamaan ng ilaw ang pwesto nila.

Napakagat labi ako, sana mali ako. Sana mali ako. May tumamang sinag ng ilaw sa deriksyon nilang dalawa kung kaya dahil doon ay malinaw kong nakita ang dalawang taong naghahalikan, tila walang pakialam. Tila silang dalawa lang ang tao dahil sa klase ng kalaswaang ginagawa.

Tumingin ako sa itaas, nagbabakasaling mapigilan ang nagbabadyang luha ngunit kahit ganoon, kusa itong tumulo, walang paawat ayaw huminto.

Napangiti ako ng magawa kong maihakbang ang mga paa ko sa kabila ng panghihina.  Naglakad ako papalapit sa kanila at huminto lang nang ilang dipa na lang ang pagitan ko sa kanilang dalawa.

Tumikhim ako hindi para kuhanin ang atensyon nilang dalawa kundi para tanggalin ang bumabarang kung ano sa lalamunan ko. Ngunit sa pagtikhim kong iyon ay ang ikinatigil nilang dalawa sa ginagawa, si Ethan ang bumitaw.

"Shero.'' Bigkas nito sa pangalan ko. Napatingin ako sa kulay tsokolateng mga mata nito, paborito ko itong titigan dahil dito ko mas napapatunayan kung nagsasabi ba siya ng totoo o hindi.

Kitang-kita ko sa mga mata nito ang kakaibang emosyon na ayaw kong pangalanan.

Umiwas ako ng tingin para tumingin sa babaeng kahalikan niya, ito rin ang babaeng nakita ko noon sa labas ng school, ito ang babaeng kahalikan niya noon.

Naroon ang pagmamalaki sa tingin ng babae, nakangisi ito na tila ba ay nanalo sa isang patimpalak.

Ibinalik ko ang tingin kay Ethan, wala akong pakialam sa babaeng 'yan. Ngumiti ako sa kaniya.

"Pwedi ba tayong lumabas? Maingay kasi rito." Walang buhay na boses kong aniya sa kaniya habang nakangiti.

...

'Third Person P.O.V'


Nakangiti siya ngunit walang emosyon ang kaniyang mga mata habang nakatingin kay Ethan. Hinihintay ni Shero ang tugon ni Ethan.

Nang tumango si Ethan bilang pag-tugon ay tsaka nagpaunang naglakad palabas si Shero. Wala itong pakialam sa mga taong nadaraanan at nababangga. Habang si Ethan ay nanatiling nakasunod sa kaniya, tahimik at walang kibo.

Walang pakialam ang mga taong naroon sa loob ng bar. Nang makalabas sila ay tumigil si Shero sa paglalakad at humarap kay Ethan.

"Paano mo nagawa 'yon?'' Mga salitang lumabas sa bibig ni Shero. Hindi agad nakapagsalita si Ethan, nanatili pa rin itong nakatingin sa walang emosyong mga mata ni Shero. "Sagutin mo ako!" tumaas ang boses ni Shero.

Hindi na kaya ni Shero na isuot pa ang maskara, unti-unti na itong natatanggal at lumalabas na  rin ang tunay niyang nararamdaman.

"She's just my friend." Sagot ni Ethan sa kaniya, maang na tumitig sa kaniya si Shero.

''G*go ka ba?! Kaibigan? Kailan pa ginawa ng mag-kaibigan ang maghalikan? Kanina lang?" Kahit anong pigil ni Shero sa luhang kanina pa pinipigilan ay kusa nanaman itong tumulo.

Napasuklay sa sariling buhok si Shero gamit ang kamay. "Anong klaseng pagkakaibigan ang mayroon kayo ng babaeng 'yon para gawin niyong dalawa ang bagay na 'yon? Higit pa ba sa relasyon nating dalawa?"

Gumagaragal ang boses ni Shero habang sinasabi ang mga salitang iyon kay Ethan,  pinipigilan nitong humikbi.

"I'm sorry Shero." Mahinang boses na sabi ni Ethan, hindi nito kayang tignan ang mga mata ni Shero.

"I'm so scared to hurt you, Ethan. Takot na takot akong saktan at makitang nasasaktan ka." Naluluhang wika sa kaniya ni Shero.

Ilang butil ng luha ang tumulo galing sa mga mata ni Ethan. Nakita iyon ni Shero, ngunit pinigilan niya ang sariling patahanin ito. Kung nasasaktan ito, mas masasaktan siya dahil siya ang niloko.

"Pero bakit at paano mo natiis na saktan ako? Is that how you play woman's heart? Is that how heartless you are? Ang sabi mo ay mahal mo ako pero paano mo nagawang lokohin ako?'' Dugtong niya sa sinabi, nananakit at naninikip ang dibdib niya dahil sa labis na emosyong nararamdaman.

Buong akala niya ay maayos na, akala niya ay si Ethan na. Akala niya si Ethan na ang kakampi niya, akala niya si Ethan na ang para sa kaniya, akala ni Shero ay si Ethan na ang sagot sa matagal na niyang ipinapanalangin.

"Bakit? Bakit Ethan?" Umiiyak nitong tanong.

"Babe, please. I didn't mean to-." Natigil sa pagsasalita si Ethan ng malakas siyang sampalin ni Shero sa pisngi.

"Hindi sinasadya? Sinong niloko mo? Pwedi kang umiwas, pwedi kang humindi at umayaw sa babaeng 'yon pero hindi mo ginawa." Tumalim ang mga mata ni Shero habang nakatingin kay Ethan, naroon ang sakit, galit, lungkot at pagkamuhi sa umiiyak nitong mga mata.

Akmang hahawakan siya ni Ethan ng umatras siya ng isang hakbang. "Anong pagkukulang ko, Ethan? Sagutin mo ako, sumasakit ang ulo ko kakaisip kung saan ako nagkulang. Kaya sabihin mo, saan ako nagkulang?"

"Wala, hindi ka nagkulang." Nanunuyong sagot ni Ethan sa kaniya.

Umiling si Shero. "Hindi eh." Napapunas ito sa sariling mga luha. "Nagkulang ba ako sa oras na ibinibigay ko sa'yo? Nagkulang ba ako sa pagmamahal? Ano sabihin mo? Huwag kang magsinungaling, huwag mo nang dagdagan ang kasalanan mo."

"Babe, wala. Umuwi na tayo, please. Bukas na tayo mag-usap, aayusin natin to." Nagsusumamong wika ni Ethan, walang buhay na tumawa si Shero.

"Sagutin mo ako. Anong mali at nagawa mo 'yon?!" Hindi titigil si Shero hanggat hindi niya nalalaman ang sagot, at hindi sila aalis hanggat hindi niya nalalaman ang sagot.

Nakainom si Ethan, ngunit hindi naman ganoon karami. Hindi niya maiwasang hindi makaramdam ng inis kay Shero.

"Gusto mong malaman ang sagot?" Tumaas ng bahagya ang boses nito. "Marami kang naging pagkukulang, nakakasakal na rin."

Natigilan si Shero, pakiramdam niya ay tinakasan siya ng sariling dugo, namumutla na rin ang kaniyang labi.

"Palagi na lang trabaho ang inaatupag mo, minsan na lang kung magkaroon tayo ng oras sa isa't isa, nakakasakal ka na rin, gusto kong sumama sa mga kaibigan ko pero palagi kang humahadlang. Lahat na lang tingin mo ay magiging mali ko. Hindi ako makahinga, masyado mo akong binabakuran." Sunod-sunod na sabi ni Ethan, lahat ng kinikimkim niya ay nasabi niya.

"Hindi iyon ang gusto kong iparamdam sa'yo." Mahinang tinig na tugon ni Shero, pakiramdam niya ay sinampal siya dahil sa sakit ng mga salitang narinig niya. Hindi, hindi ganito si Ethan. Hindi ito ang Ethan na minahal niya.

"Ethan, hindi iyon ang gusto kong iparamdam. Ginagawa ko 'yon dahil para sa'yo, ayaw kitang mapahamak, nagtratrabaho ako para may pandagdag sa amin. Ethan alam mo naman 'yon, hindi ba? Akala ko ba ay naiintindihan mo ako?" Hindi niya napigilang humikbi, nadudurog ang puso niya.

Umiling si Ethan. "I think, we need some space. Itigil na natin to."

Sunod-sunod na umiling si Shero. "Hindi, hindi natin gagawin 'yan. Patatawarin kita kalilimutan ko ang nakita, please. Huwag mo lang akong iiwan."

"Don't beg, Shero. That's not your thing, right? Ito ang mas makabubuti para sa ating dalawa." Kalmado at walang buhay na boses na sabi ni Ethan sa kaniya.

"Hindi, huwag. Ikaw lang ang mayroon ako Ethan." Naroon ang pagsusumamo sa boses ni Shero, ang kaninang tapang sa boses nito ay nawala, naging marupok at naging mahina dahil sa narinig.

She can't lose the man she loves the most. Hindi niya kaya, nasanay na siya. Mahal na mahal niya si Ethan, mahal na mahal niya ito.

"I want to end this relationship, Shero. I'm tired, I want to be free." Walang emosyon na wika ni Ethan sa kaniya.

Tumingin si Shero sa mga mata nito, wala siyang makitang emosyon. Hindi niya makita ang emosyong minahal niya sa mga mata ni Ethan. Tuluyan ng nanghina si Shero, tuluyan ng nagkapira-piraso ang puso niya.

"Sige." Pagpayag niya, labag sa kalooban niya. Ayaw niyang sumuko, ayaw niyang maiwan at masaktan, ngunit ito ang hiling ng lalaking mahal niya at wala siyang magagawa. "Pero pwedi mo ba akong pagbigyan, isang hiling lang."

"What is it?" Malamig na tanong ni Ethan sa kaniya, bakas rin ang iritasyon sa boses nito. Siguro nga ay naubos na siya kung kaya ito ang naging dahilan, napagod na siya. Mahal niya si Shero, ngunit hindi niya napigilan ang sariling sabihin ang mga iyon.

Nakakapagod na rin...

"Pwedi bang yakapin mo ako? Kahit sa huling pagkakataon? Pangako, pagkatapos nito lalayo na ako." Ngumiti siya, ngumiti si Shero. Ngiting durog na durog, pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya, ngunit ang yakap ni Ethan ang magiging pansamantalang lakas niya, kung kaya ito ang hiniling niya.

Humakbang palapit sa kaniya si Ethan at niyakap siya. Hindi katulad noon na sa tuwing nagyayakapan sila ay naroon ang saya, galak at tuwa. Ngunit hindi kagaya ng huling yakap nila ngayon.

Shero and Ethan love each other. They really love each other. And they thought they really meant for each other, akala nila ay iyon na 'yon, wala nang pagsubok at hindi na maghihiwalay pa. Before, they can't imagine their life without each other. Ngunit heto sila ngayon, tinatapos ang relasyong sinimulan.

They say love is full of happiness.

But no, love is full of uncertain things. Hindi maipaliwanag, hindi alam kung ano ang eksaktong depenasyon nito.

Rinig ang impit na paghagulgol ni Shero sa bisig ni Ethan, ngunit ni isang salita ay walang lumabas sa bibig ni Ethan. He just let Shero cry in his shoulder, Ethan can't wipe the tears of her.

Ilang saglit lang ay bumitaw na si Shero sa pagkakayakap niya kay Ethan. Saglit niyang tinitigan ang lalaking mahal bago ngumiti.

"Pwedi ka nang umalis, hinahayaan na kita. You can now rest without me. After all, it's still your choice. Kagaya ng sinabi ko noon, hanggat hindi mo hinihiling na palayain ka ay hindi kita palalayain, ngunit ngayon hiniling mo ito mismo sa akin at wala akong karapatang hindi tuparin ang sinabi ko sa'yo Ethan."

Isa sa bagay na pinakamahirap na gawin ay ang magpaalam, ngunit walang ibang pagpipilian kundi ang tumugon at sabihing paalam din.

Is this the end? Is this really the end of their love story?

Continue Reading

You'll Also Like

4.8K 141 23
[Matured Content] May mga bagay sa mundo na mahirap paniwalaan at mapanindigan, isa sa mga bagay na ito ay ang tinatawag nila na mga kathang-isip at...
70K 4.5K 13
Rocket Grimalde is the not-so-known playboy of Eastern Hills International School. Sa kabila ng reputasyon nito bilang dakilang palikero, the school...
520K 1.7K 153
Complete story Tagalog / English
2.7M 53K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...