A Sad Rain (Completed)

By ladymasquerade

3.1M 82.8K 14.8K

How far can a person go in the name of true love? More

A Sad Rain
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
EPILOGUE
Note - NEW

Chapter 27

40.6K 1K 179
By ladymasquerade

(Max)

I woke up early in the morning.

It's already been a week ng umalis si Rain. Wala man lang exciting na nangyari sa akin. Same lang ang routine ko araw-araw: gigising, papasok sa trabaho, uuwi, tapos magtatrabaho hanggang sa makatulog ako. 

"Nakakabagot din pala kapag walang kasama."

Inayos ko ang sarili para sa pagpasok ko sa opisina.

Pagbaba ko, naamoy ko agad ang mabangong pagkain.

Pero sino naman ang magluluto? Wala si Rain, at sa office na ako kumakain. Hindi kaya nakabalik na siya?

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa kusina. Nakakarinig ako ng mga boses.

At pagtapat ko sa kusina, nakita ko sila.

"What are you all doing here?"

Sigaw ko.

Nagulat naman sila. Ang tinutukoy kong 'sila' ay sino pa ba e di ang buong barkada.

"Hey Maxy! Gising ka na pala!"

Sabi ni Zach. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Again. What are you doing here in my house?"

Lumapit sa akin si Chino.

"High blood agad ang aga-aga e."

Tinapik-tapik pa ako sa balikat.

"We received a message from Rain. Sabi niya puntahan ka namin dito. We have to make sure na kumakain ka. At isa pa kailangan mo ng makakasama."

Sabi ni Melody.

Rain? Napailing ako. Ibang klase talaga siya. Ang sabi niya si Zach lang ngayon lahat na sila.

"Don't worry we cooked breakfast naman for you."

Natigilan ako. She's here.

"You're here."

Napangiti siya.

"Yes, i am. We all received the message."

Tumikhim si Hugo.

"Kung hindi lang para kay Rainy baby, hindi ako pupunta. Mas gugustuhin kong nasa kama ngayon kasama ang aking mahal na si Angelique."

Sinapak naman siya ni Angelique. Kaya natawa kaming lahat.

"Manahimik ka dyan. Kung hindi pa kita kinaladkad, hindi ka aalis. Lagot ka kay Rain pagnalaman niya. Magtatampo yun."

Bigla namang namutla si Hugo sa sinabi ni Angelique.

"Wag niyong sasabihin. Ayokong magtampo sa akin iyon."

Napailing  na lang ako. Under talaga ni Rain  si Hugo. Dinaig pa niya si Angelique.

"Oh well, Mr. Del Valle. Please take a sit and eat your breakfast."

Sarcastic na sabi ni Lily.

Napailing na lang ako at umupo. Nakapalibot sila sa akin. Tinignan ko ang mga nakahaing pagkain sa harap ko.

"Sinong nagluto ng mga ito?"

Tanong ko sa kanila.

Nagtinginan lang silang lahat.

"Ahm. Si Chinie?"

Sagot ni China. Tumaas ang kilay ko.

"A-ako?"

Turo naman ni Chinie sa sarili.

"Bakit parang hindi ka siguro?"

Tumikhim si Hugo.

"Tss. Si Carisse ang nagluto niyan."

Tumingin ako kay Carisse.

"Thank you."

Bigla siyang namula.

"A-ano.. Kaming lahat ang nagluto niyan."

Nginitian ko na lang siya. Susubo na sana ako kaya lang napansin ko nakatingin silang lahat sa akin.

"What?"

Tanong ko.

"Nothing.."

Sagot nila sabay-sabay saka iling.

Napailing din ako. Alam ko naman kung bakit ganun sila makatingin.

"Sige. Sabayan niyo na ako kumain. Baka mamaya sa akin naman magalit si Rain. Kapag nalaman niyang ako kumakain tapos kayo nakatingin lang sa akin."

Hind na sila nag-dalawang isip inilabas nila ang mga nakatagong plato na hawak nila. At kumuha na ng pagkain.

"Akala namin hindi mo kami bibigyan. Buti na lang naisip mo. Hindi pa nga kami kumakain ng umagahan."

Sabi ni Dino.

"Si Rain kasi ang aga-agang manggising. Para namang bata yung pinababantayan sa atin."

Biro ni Zach.

Nakakatuw silang tignan parang mga hindi pinapakain.

Napatingin ako kay Carisse. Nakangiti lang siya habang kumakain. Hindi rin pala siya nakaligtas sa utos ni Rain.

"Ganito ba ang mangyayari sa akin sa mga natitirang araw?"

Out of the blue kong tanong.

"Yes. Utos ni Rain. But don't worry, hindi ka namin guguluhin. Kailangan lang may kasama ka palagi kapag kakain ka na."

Si Melody ang sumagot sa akin.

I think wala akong magagawa. Lahat sila under ng spell ni Rain. Well, mainam na rin siguro ganito para hindi naman ako mag-isa.

Kumain lang kami pagkatapos sabay-sabay din kaming umalis. May kanya-kanya din nmin kasi kaming trabaho.

Umalis na silang lahat pero naiwan si Carisse.

"Carisse?"

Napatingin siya sa akin.

"May sasakyan ka na?"

Tanong ko. Umiling siya.

"Hindi ka ba susunduin ni Eric?"

I really hate that guy. Tss. Hindi ko alam kung ao ang nagustuhan ni Carisse doon at pati rin si Rain na kinaibigan nito.

"No. He's out of the country doing business. Mag-taxi na lang ako."

Taxi? Hay nako.

"Saan ka ba pupunta ngayon?"

Tanong ko.

"May meeting ako ng 9 am. Alam mo na sa dati pa din. Inaayos ko kasi yung party nila Mama at Papa para sa silver anniversary nila. It's a surprise party."

Tumango ako.

"Ihatid na kita. Tutal naman, malapit lang office ang meeting place niyo."

Well, wala namang problema. Alangan naman na iwan ko siya dito? At hayaan siyang mag-taxi? Paano na lang kung may hidden agenda ang driver nun? Mahirap na.

Umiling si Carisse.

"Wag na. I can take care of myself."

Matigas pa rin ang ulo niya.

"Sige na. For old times sake."

Napaisip siya. At saka bumuntog hininga.

"Fine."

Pinagbuksan ko siya ng pinto and she thanked me.

Sumakay na din ako at umalis na kami.

Habang nasa biyahe, i can't help but to take a glance at her side. At nararamdaman ko ang pagbilis ng tibok ng puso ko.

"So..  Magkwento ka naman tungkol sa mga pangyayari sayo the past years. How's New York?'

Tanong ko.

"Hmm. New York is still New York. Busy place but full of life. Ang dami ko ngang nakilala doon. They are all wonderful persons, kaya lang liberated talaga ang mga taon doon. Ay first, medyo nakakailang pero eventually naka-adjust din ako."

Tumango ako.

"I bet may mga nanligaw sayo doon."

Natawa siya.

"You can say that pero they are just my friends. Isa pa, hindi nil mapapalitan ang lalaking nasa puso ko."

Biro niya. Natigilan ako. Pero hindi ko ipinahalata.

"I know who you are talking about."

Sumulyap ako sa kanya.

"Who?"

Tanong niya.

"Sino pa e di ako."

Biro ko. I feel her body stiffened.

"You guessed it right. Alam mo namang mahal na mahal kita."

Napapikit ako.

"I know. And i love you too."

Naramdaman ko ang paghawak niya sa kamay ko.

"Pero hindi na tayo pwede."

Malungkot niyang sabi. Parang pinipiga ang puso ko ng sambitin niya ang mga salitang iyon.

Inihinto ko sa tabi ang sasakyan. At saka humarap sa kanya.

"I know that. Pero ikaw lang ang naging laman ng puso ko. Noon hanggang ngayon."

Hinawakan ko ang kamay niya at inilagay sa dibdib ko.

"Si Rain.. you love her and she's your wife."

Binitawan ko ang kamay niya at sumandal sa upuan. Pagkabanggit ng pangalan niya, bigla akong nagisinv sa katotohanan.

Alam ko hindi niya alam ang nangyari sa amin simula ng umalis siya. Hindi niya alam ang naging sitwasyon namin ni Rain noon. At kapag nalaman niya sisisihin niya ang sarili niya kahit ang may kasalanan ay si Rain.

"Rain.. I hurt her so much. Siya ang nasa tabi ko pero ikaw ang laman ng isip ko. Alam niya iyon. But she never give up, she believed that time will come at mamahalin ko rin siya."

Naalala ko na naman ang paghihirap ni Rain sa akin.

"And i did yet bumalik ka. Nagulo na naman ang mundo ko. Nangako ako sa kanya, Carisse."

Napayuko siya.

"I'm sorry. But Rain deserved to be love by you, Max. Don't break your promise to her. Mahal na mahal ka niya. Sa amin dalawa siya ang higit na nagmanahal sayo."

Mahinang sabi niya.

"Bakit mo ba kasi ako iniwan noon? Kung sinabi mo lang sa akin, i'll wait for you. Kahit gaano katagal. Pero umalis ka ng walang pasabi."

Sandali kaming natahimik.

"We are not meant to be. Kailangan na lang natin tanggapin iyon."

Sabi niya.

"You're right."

Inilahad niya ang kamay niya.

"We can still be friends, right?"

Friends? Hanggang doon na lang talaga kami.

"Of course. Friends."

Continue Reading

You'll Also Like

16.6K 907 25
an epistolary ; serenity and caesar
762 237 27
[UNDER REVISION] FIRST EVER ROMANCE-TRAGIC STORY THAT I'VE WROTE! --- Alam na'tin na sa bawat ngiti ay may kapalit na lumbay. Ang bawat buhay ay may...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
14.3K 683 35
Downtown Series #1 Malea Khristine De Silva is inlove with the same guy her bestfriend is inlove with. Afraid that she'll break her bestfriend's hear...