Their Long Lost Sister

By lialabspurple

50.2K 1.6K 285

The Fernandez family was thrilled to learn that they would have a princess in their family, especially when s... More

DISCLAIMER
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
EPILOGUE
AUTHORS NOTE
JAZLEY'S STORY

CHAPTER 4

1.2K 47 0
By lialabspurple

"Kumusta na kaya siya?" Jazley whispered.

"Sino, pre?" Marcelo asked him.

"Si Dhianne." Jazley said then sighed. Marcelo immediately frowned.

Isang linggo na rin kasi ang nakalipas simula ng huli nilang kita. Ang balak niyang hanapin ang taong dahilan ng mga pasa ni Dhianne ay hindi niya na ginawa dahil naisip niya na baka magulat si Dhianne.

Ayaw niya naman itong gulatin or takutin kaya nagpigil na lang siya at kinausap ito nang maayos.

Wala nga siyang pakealam kung magalit ito sa kaniya dahil sa gagawin niya pero naisip niya na baka matrigger ito or what kaya minabuti niyang h'wag na lang ituloy ang balak niya at kausapin na nga lang ito nang maayos.

No'ng una ay ayaw pang magsalita ni Dhianne, ayaw nitong magkwento kaya nagdesisyon siyang h'wag na itong pilitin kung hindi kaya pero nagsalita rin naman ito na ikinatuwa niya.

Ayaw pa nga sana niyang pauwiin si Dhianne no'n kaso ayaw naman ni Dhianne kaya hinayaan niya na lang. Nag-aalala lang talaga siya dahil baka may hindi magandang mangyare sa dalaga.

"Sinong may gawa niyan sa 'yo? Kung ayaw mong sagutin it's okay." ngiting sabi ni Jazley.

Nagising na kasi si Dhianne at agad niya itong inasikaso. Nag-alala pa nga si Dhianne dahil sa trabaho nito at sa kung nasaan siya.

Pinaliwanag naman ni Jazley kay Dhianne kung anong nangyare sa kaniya at ngayon ay nag-uusap na sila nang masinsinan.

Napagdesisyunan ni Dhianne na magpapaliwanag na lang siya sa amo niya kung bakit hindi siya nakapasok sa trabaho niya.

"Y-yung papa ko po." Dhianne answered and lowered her head.

"What?! He... He... Fuck!" Jazley said at sinuklay ang buhok sa inis.

"Lagi ka niyang... niyang g-ginaganiyan?" tanong ni Jazley at hindi napigilang mapiyok.

Dahan-dahan namang tumango si Dhianne habang kagat-kagat ang ibabang labi.

Hindi niya namalayan na lumuluha na naman siya. Pumapasok kasi sa isip niya ang mga masasakit na salita at mga pananakit ng tatay niya sa kaniya.

"Hey, hey, shh." Jazley called her then hinila niya ito palapit sa kaniya para yakapin ng malamang umiiyak na ito. Hinagod niya pa ang likod nito para pakalmahin.

Habang yakap ni Jazley si Dhianne ay parang may kung anong kumukurot sa puso niya habang naririnig ang hikbi nito.

"Hindi na ako magtatanong, shh." patuloy na sabi ni Jazley at hinaplos na rin pati buhok ni Dhianne.

"O-okay lang po. Gusto ko rin pong magkwento." Dhianne said and Jazley just nod.

Naghiwalay sila ng yakap at hinawakan ni Jazley ang mukha ni Dhianne bago ito tinitigan.

Kitang-kita ni Jazley ang mga luha ni Dhianne at kung gaano kalungkot ang mga mata nito.

Kita niya sa itim na mga mata nito na mayroon itong dinaramdam. Na kahit anong ngiti ang ipakita nito sa kaniya ay siya namang lungkot ng mga mata nito ang nakikita niya.

"If hindi mo naman kayang ikwento, it's okay, I understand." Jazley said and wiped Dhianne's tears.

Dhianne just smiled. Hindi niya kayang magkwento tungkol sa sitwasyon niya pero hindi niya maintindihan kung bakit gusto niyang ikwento sa lalaking kaharap niya ang nangyayare sa kaniya.

Ni hindi niya nga masabi sa kaibigan niya ang sitwasyon niya pero sa lalaking kakakilala niya lang ay gusto na niya itong sabihin.

Kaya hindi niya maintindihan ang nangyayare sa kaniya. Hindi niya alam kung bakit sa lalaking kaharap niya ay magaan ang loob niya at gusto niyang ilabas lahat ng problema niya dito na ni minsan ay hindi niya ginawa sa kaibigan niya.

"Sa totoo po niyan, h-hindi ko po siya totoong tatay. 'Yung asawa niya po, si mama, napulot lang po ako kung saan at pinalaki. Ayaw po ni papa sa 'kin, galit na galit nga daw po siya no'ng inuwe ako ni mama sa bahay nilang mag-asawa at nagdesisyon na palakihin ako. Wala na po pala si mama ko, namatay po siya dahil sa sakit sa puso. Simula po nang mamatay si mama mas lumala pa 'yung pangbubugbog sa 'kin ni papa. Ako po lagi niyang pinagbubuntunan niya ng galit niya. Sinisisi niya rin po ako sa pagkamatay ni mama, kesyo ako daw po ang malas kaya nagkagano'n sila ni mama, na nasira 'yung masaya nilang buhay. Hindi ko naman po ginusto 'yon." mahabang kwento ni Dhianne na naging dahilan ng pagkuyom ng kamao ni Jazley.

"You don't deserve to be hurt like that. Ang bata mo pa para maranasan lahat ng paghihirap na 'yan. Sa edad mo dapat ineenjoy mo ang masayang pagkabata at pagkadalaga mo kasama ang mga kaibigan mo. You deserve to be happy, you deserve to be loved. And hindi mo naranasan ang mga 'yon because of that bustar– man." He said then sighed. Nakakuyom ang kamao.

"Bago po mamatay si mama sinabi niya po lahat sa 'kin. Na hindi po nila ako totoong anak. Kaya rin po siguro gano'n ang trato sa 'kin ni papa dahil nga po hindi niya naman ako anak." dugtong pa ni Dhianne.

Tanggap ni Dhianne ang sinabi sa kaniya ng mama niya, na hindi siya nito tunay na anak.

Nahirapan siya no'ng una pero habang natagal ay natuto na rin siyang tanggapin ang katotohanan.

Hindi naman siya nagalit sa mama niya dahil sa tinago nito sa kaniya ang katotohanan. Nagpapasalamat pa nga siya dahil ang mama niya ang nagpalaki sa kaniya.

"No, kahit na hindi ka niya anak dapat tratuhin ka niya nang maayos hindi 'yung sasaktan ka nang ganiyan." magkasalubong ang kilay na sabi ni Jazley.

Ngumiti na lang naman si Dhianne dahil medyo gumaan ang pakiramdam niya dahil sa ginawa niya.

Nararamdaman niyang mabuting tao si Jazley kung kaya't nagawa niyang magkwento dito.

May sarili atang buhay ang bibig niya dahil nagawa niyang ikwento dito ang hindi niya kayang sabihin sa iba.

May tiwala siya sa kaibigan niya ngunit hindi niya alam kung bakit nahihirapan siyang sabihin dito ang problema niya.

Napapaisip siya na baka wala siyang kwentang kaibigan dahil doon. Baka magalit pa sa kaniya ang kaibigan niya dahil sa ginagawa niya.

Kaya napagdesisyunan niyang ikwento na rin ito sa kaibigan niya. Natatakot nga lang siya na baka biglang sumugod ang kaibigan niya sa tatay niya kapag nalaman na nito ang dahilan kung bakit lagi siyang naka long sleeves.

"Gusto mo bang tulungan kita? Pwede natin siyang ipakulong if gusto mo. Just tell me, tutulungan kita." alok pa ni Jazley.

"H'wag na po baka lumala pa at madamay pa po kayo, ayaw ko pong mangyare 'yon." agad na sabi ni Dhianne.

"Hmm, sabihin mo na lang sa 'kin kung anong pangalan ng tatay mo." sabi ni Jazley na nakangiti namang sinagot ni Dhianne.

Hindi mapigilan ni Jazley na makagat ang ibabang labi dahil sa galit nang marinig ang pangalan ng tatay tatayan nito.

"Tawagan mo lang ako kapag kailangan mo ng tulong. Nandito lang ako, isang tawag mo lang, pupuntahan kita agad." sabi pa ni Jazley.

"Salamat po pero wala po akong cellphone para magawa 'yan tsaka hindi na po kailangan, ayaw ko po kayo madamay." mahinhin na sabi ni Dhianne.

Napabuntong hininga na lang si Jazley at nag-iisip kung paano mapapapayag si Dhianne sa gusto niya.

Marami pa siyang gustong itanong pero nanahimik na lang muna siya. Ni hindi niya rin alam kung bakit gustong-gusto niyang tulungan si Dhianne.

"Pre, attorney ka 'di ba?" Jazley asked his friend, Marcelo.

"Oo, bakit? Nagka amnesia ka ba?" takang tanong naman ni Marcelo sa kaniya.

"Hindi naman, naninigurado lang." Jazley said and Marcelo rolled his eyes.

"Tangna mo naman, pre." sabi ni Marcelo na ikinatawa ni Jazley.

"Ano bang binabalak mo? Pakiramdam ko may binabalak ka, eh." pag-iiba ni Marcelo sa usapan.

"I want you to be Dhianne's attorney." seryosong sagot ni Jazley na ikinatahimik ni Marcelo.

* * * 

"Josephine, do you have a visitor?" tanong ni Shawn sa pinsan niya ng mapansin niyang busy ito sa pag-aasikaso ng kung ano.

Naabutan niya kasi ito sa kwarto nito na nag-aayos at naghahanda ng pagkain at kung ano-ano pa.

"Yes, kuya. 'Yung kaibigan ko, si Dhianne." masayang sabi ni Josephine.

"Oh, I want to meet her, but I have a meeting." sabi ni Shawn.

Napatingin naman si Josephine sa suot nito at napatango-tango ng makitang nakaayos nga ito.

"Ay, sayang naman, kuya. Okay lang 'yan, sa birthday na lang ni ate." nakangiting sabi ni Josephine na ikinangiti na lang din ni Shawn.

"Pakisabi na lang sa kaibigan mo na hi, galing sa 'kin." Shawn said and Josephine immediately nodded.

After that nagpaalam na siya sa pinsan niya at umalis na rin dahil baka malate pa siya.

Gusto pa sana niyang makilala ang kaibigan ng pinsan ngunit may mahalaga siyang meeting ngayon. Hindi siya pwedeng malate.

Tulad ng sabi ng pinsan niya ay meron pa naman sa birthday ng ate nito.

"Yes, I'm on my way." Shawn said while driving.

Nagmamaneho na siya palabas ng village ng may tumawag sa kaniya.

"Make it faster, kuya. They already here." Vaxton, his brother said.

"That fast?" gulat na banggit ni Shawn at binilisan na ang pagmamaneho.

"Yes, nagulat nga ako." His brother said and sighed.

"Okay, okay, ikaw na munang bahala sa kanila." Shawn said and Vaxton just said okay.

Pagkatapos ng usapan nilang magkapatid ay agad niyang binaba ang tawag at nag focus sa pagmamaneho.

Saktong pag-alis ni Shawn sa mansion ay siya ring dating ni Dhianne.

"Hi, Dhianne cutie. Buti nakarating ka na here." masayang salubong ni Josephine sa kaibigan ng dumating na ito sa mansion nila.

Tanging ngiti lang naman ang binigay ni Dhianne sa kaibigan. Nahihiya pa nga siyang pumasok.

Hindi niya rin maiwasang mamangha sa mansion ng kaibigan niya. Hindi naman ito ang unang beses na nakapunta siya dito pero hindi niya pa rin maiwasan ang mamangha kada pupunta siya dito.

Sinusundo lang si Dhianne ng driver nila Josephine sa bahay nila kapag pupunta siya sa bahay ng kaibigan. Hinahatid din si Dhianne ng driver ng pamilya ng kaibigan niya sa tuwing uuwe na siya.

"Ay, oo nga pala. Sabi ni kuya Shawn hi daw." nakangiting sabi ni Josephine habang naglalakad sila papunta sa kwarto niya.

Wala dito ang mga magulang niya dahil may business meeting ang mga ito. Ang ate niya naman ay busy din sa hindi niya alam kung saan.

"Pakisabi hello din." nahihiyang sabi ni Dhianne. Kilala niya ang mga kuyang pinsan ni Josephine dahil lagi 'yung kwene-kwento sa kaniya ni Josephine.

"Papakilala kita sa kanila sa birthday ni ate kaya pumunta ka, ha?" sabi ni Josephine na nakangiting ikinatango lang ni Dhianne.

Tuwang-tuwa naman si Josephine. Patalon-talon pa siya habang hawak niya si Dhianne sa braso nito.

Napapangiwi si Dhianne pero hinahayaan niya lang si Josephine. Natutuwa nga siya na masaya ito.

"Dhianne, may naisip ka na bang strand na kukunin sa senior high?" maya-maya ay tanong ni Josephine ng makarating na sila sa kwarto niya.

"Oo, gusto ko mag stem. Gusto ko kasi maging doctor." nahihiyang sabi ni Dhianne.

Gusto niyang maging doctor pero alam niyang mahihirapan siya dahil hirap siya sa pera. Wala siyang sapat na pera pang college.

"Talaga?! Oh my! Doc Dhianne, taray, bagay!" kinikilig na sabi ni Josephine na ikinangiti naman ni Dhianne.

"Kaso baka hindi rin mangyare dahil wala naman akong pera pang college." malungkot na sabi ni Dhianne kaya nawala din ang ngiti sa labi ni Josephine.

"Scholar ka naman, Dhianne, ah." sabi ni Josephine.

"Oo nga pero malay mo pagdating ng college hindi na." sabi ni Dhianne at ngumiti.

"Uy, ikaw pa ba? Tali-talino mo, eh. Gusto mo pag-aralin kita? Maging scholar ka nila mommy?" suggestion naman ni Josephine na agad ikinailing ni Dhianne.

"Hindi na kailangan, salamat." sabi ni Dhianne. Ngumiti na lang si Josephine at nanahimik.

Matapos no'n ay hindi na sila nagsalita pa. Natahimik sila ng ilang minuto bago siya nagdesisyon na magsalita ulit.

"Oo nga pala, tara, gawin na natin 'yung project natin." sabi ni Josephine at naglakad patungo sa mesa niya sa kwarto niya.

Lumapit din naman sa kaniya si Dhianne. Kaya nga pala nandito si Dhianne sa bahay ng kaibigan niya, eh dahil may project silang gagawin.

Sila kasi ang magpartner. Buti na lang at hindi teacher nila ang pumili ng magiging partner nila kaya nagawa nilang piliin ang isa't isa para maging magpartner.

Matapos ang ilang oras ay natapos na rin sila sa project na kanilang ginagawa.

Nagdadaldalan rin kasi sila kaya medyo nagtagal silang dalawa pero masaya naman sila.

"Mauuna na ako, Josephine. Salamat sa pagkain." paalam ni Dhianne.

Ayaw niya rin kasing magpagabi dahil baka malagot siya sa tatay niya. Maghahanda pa siya ng pagkain nila kaya kailangan maaga siyang makauwe sa bahay nila.

"Walang anuman, hatid na kita." alok pa ni Josephine.

"Hindi na, kaya ko naman na." agad na tanggi ni Dhianne.

"Hindi, hahatid kita." patuloy ni Josephine pero tumanggi lang ulit si Dhianne.

"Ano ka ba, ayos lang. Alam ko naman na kung nasaan 'yung driver niyo, eh. Kaya ko naman na, sige na, h'wag ka ng mag-alala sa 'kin." sabi ni Dhianne nang nakangiti.

Nagdadalawang isip si Josephine sa gusto ng kaibigan pero pumayag na lang siya.

"Sige, mag-iingat ka, ha?" sabi ni Josephine sa kaibigan na nakangiting tumango lang.

"Opo, salamat. Sige, mauuna na ako." paalam ni Dhianne at niyakap pa ang kaibigan.

Matapos ng yakapan nila ay umalis na si Dhianne para puntahan ang driver ng pamilya nila Josephine.

Balak niya ring sa susunod na araw na magsabi sa kaibigan niya about sa mga pasa at problema niya. Hindi lang niya ngayon nasabi dahil nawala sa isip niya.

Habang abala siya sa paglalakad papunta sa pupuntahan niya ay napaatras siya bigla sa gulat ng may biglang sumulpot na kotse.

Natumba pa siya maya-maya dahil sa panlalambot ng tuhod dahil na rin sa gulat. Buong akala niya mababangga na siya.

Kung hindi lang napapreno agad 'yung driver ay baka nabangga na siya. Gulat na gulat siya dahil sa pagsulpot nito bigla.

"Shit! Are you okay, miss? I'm sorry." sabi ng tao sa loob ng kotse.

Bumaba pa ito at naglakad papunta sa kaniya. Nanatili lang naman siya sa pwesto niya dahil sa gulat pa rin. Hindi siya makatayo dahil nanginginig pa rin ang tuhod niya.

"Hey, fuck. I'm sorry, hindi ko sinasadya. May natamaan ba sa 'yo?" nag-aalalang tanong ng lalaki.

Nakatingin lang naman si Dhianne sa lalaki at nang matauhan ay dali-dali siyang tumayo.

"Ah, okay lang po ako. Don't worry po, sorry po." nagmamadaling sabi pa ni Dhianne at yumuko pa sabay takbo paalis dahil nahihiya sa nangyare.

Napaawang naman ang labi ni Shawn na siyang muntik nang makabangga kay Dhianne. Nakatitig lang sa papalayong bulto ni Dhianne.

"Fuck, kagaguhan mo naman kasi, Shawn. Kung hindi ka ba naman kasi tanga." Iiling iling na sabi niya at sinambunutan pa ang sarili.

"Wait, she's familiar." He whispered.

"Oh, she's Dhianne! Josephine's friend!" He exclaimed.

Binatukan niya ang sarili dahil sa katangahang ginawa niya. Kapag nalaman ng pinsan niya ang muntik ng mangyare sa kaibigan niya ay siguradong magagalit ito sa kaniya.

Napasabi na lang siya na ang pangit naman ng unang pagkikita namin ng kaibigan ni Josephine.

"Tangina, muntik ko na siyang mabangga! I need to talk to her and kumustahin siya then say sorry, hayst." inis na bulong niya.

Hindi siya makapaniwala sa nangyare. Hindi siya mapakali dahil nag-aalala siya kay Dhianne.

Bigla kasing may sumulpot na pusa kaya agad niyang iniwas ang sasakyan niya at hindi niya naman alam na bigla ding susulpot si Dhianne sa pinaglikuan niya.

"Is she okay? I hope she is." He whispered then sighed.



Lia

Continue Reading

You'll Also Like

44.4M 1.3M 37
"You are mine," He murmured across my skin. He inhaled my scent deeply and kissed the mark he gave me. I shuddered as he lightly nipped it. "Danny, y...
198K 7.7K 45
Somersault Boys Series #1 Might not. Probably won't. Maybe never. Unlikely. Doubtful. Despite being everything he could have been, Elize constantly s...
9.6M 654K 82
[ BOOK 1 OF AZITERA: YTHER'S QUEEN ] Consumed by avarice, the four human kingdoms-the Infernal Empire, the Kingdom of Caelum, the Kingdom of Treterra...
53.3M 1.6M 63
[#1 Teen Fiction | #1 in Romance] Bad boy Luke Dawson is stuck living with clumsy nobody Millie Ripley for the summer. When she ran over his most p...