Never Cry Murder

By Serialsleeper

3.4M 177K 120K

The Ripper Series #3 :: How far would you go to avenge and save the ones you love? More

Prologue
Chapter 1: Wretched Soul
Chapter 2 : On Duty
Chapter 3 : Love and other stuff
Chapter 4 : Seven days of nothing
Chapter 5 : Finding Serenity
Chapter 6: The price to pay
Chapter 8: Samson
Chapter 9: Be Good
Chapter 10: Blasphemy
Chapter 11: She's a goner
Chapter 12: Pass the message
Chapter 13: Manifestations
Chapter 14: What really happened?
Chapter 15: Salvation
Chapter 16: Be rational not emotional
Chapter 17: A truce
Chapter 18: The Jemaima Program
Chapter 19: Breaking Point
Chapter 20: They found me
Chapter 21: Truth or Perish
Chapter 22: Visitors
Chapter 23: Alarmed
Chapter 24: Time to let go
Chapter 25: Decipher
Chapter 26: Parting Time
Chapter 27: Epilogue
Chapter 28: Prologue
Chapter 29: A new chapter
Chapter 30: The thing about you and I
Chapter 31: The words he longed to utter
Chapter 32: Collateral Damage
Chapter 33: Jorino
Chapter 34: You reap what you sow
Chapter 35: The Verdict
Chapter 36: Here comes goodbye
Chapter 37: The Dead Girl
Chapter 38: Scribbled
Chapter 39: Silver Lining
Chapter 40: The Last Goodbye
Chapter 41: Listen to the expert
Chapter 42: Your beliefs, Your principles
Chapter 43: Just a warning
Chapter 44: In times of desperation
Chapter 45: Kin
Chapter 46: Let's play numb and dumb
Chapter 47: Connivance
Chapter 48: The Monster she became
Chapter 49: Havoc and Farewell
Chapter 50: When tables are turned
Epilogue (Part 1 of 2)
Epilogue (Part 2 of 2)
Dear Bruh...
Special Chapter #1: First Words
Special Chapter #2: Stay Strong Jorino

Chapter 7: The Haunt is on

68.2K 3.1K 1.6K
By Serialsleeper

Author's Note: Sorry kung super inactive ako this past few weeks. Medyo nagka-problema lungs. Sorry din sa mga di ko pa nare-replyan. I'll catch up on 'em. Thankiess guys... Also, Belated Happy 2nd Anniversary to the ever so osum Serialreader Family. You guys are the best. Thank you sa inyong lahat <3 Ingat kayo lagi at wag niyong pababayaan health niyo <3 Mahirap magkasakit, medyo masakit. lels.


7.

The haunt is on

Third Person's POV

"Ponzi anak, sigurado ka ba talagang kaya mong maiwan dito ng mag-isa? Again, pwede naman naming hintayin nalang na matapos ang semester mo eh." Muli, kahit na papasakay na sa sasakyan ay sinubukan paring kumbinsihin ng ina ang anak na sumama sa kanila.

"Mommy naman eh." Bahagyang ngumiti si Ponzi saka tumigil sa pagbitbit ng mga bagahe patungo sa sasakyan. "Pinag-usapan na po natin to diba? Alam kong nahihirapan na si Daddy sa pagb-byahe ng matagal para lang makauwi dito. Mas mabuti kung lumipat na kayo sa bagong bahay. Pangako, uuwi ako sa bagong bahay linggo-linggo." Sabin na lamang ni Ponzi saka yumakap dito bilang pamamaalam.

"Honey, matanda na ang anak natin. Wala ka bang tiwala sa kanya?" Biro naman ng ama sa kanyang ina saka napatingin kay Ponzi, "Kung nababagot ka, pwede mo namang papuntahin dito ang mga kaibigan mo. Si Sisa, pwede mo siyang imbitahin dito pero behave lang kayo. Baka mabagito ka bigla." Dagdag pa nito kaya agad siyang sinamaan ng tingin ng asawa. Si Ponzi naman, ngumiti na lamang ng tipid. Tanging si Ponzi lamang ang nakakaalam sa pagkawala ng dalaga.

"Anak nabalitaan namin ang tungkol kay Dustin... Mas mapapanatag ako kung—" Bago pa man matapos ng ina ang sinasabi ay agad na itong pinutol ni Ponzi.

"Wala na po dapat kayong alalahanin." Giit ni Ponzi na tila ba naging malamig ang pananalita nang mabanggit ang dating kaibigan.

"Ponzi, hindi naman namin dinidiktahan kung sino ang mga kakaibiganin mo. Ang sa amin lang—"

"Dad, matagal ko na pong tinapos ang ugnayan ko sa kanya. Wala na po akong balak na makipagkaibigan sa taong gaya niya." Muling giit ni Ponzi kaya naman bahagyang nagkatinginan ang kanyang mga magulang saka nagsitanguan na lamang.

"Teka, asan po si Kikoy?" Tanong ni Ponzi nang mapansing wala pa sa loob ng sasakyan ang kapatid.

"Nagbanyo muna. Anak, pakitawag nga yung kapatid mo. Baka nahirapan na naman yun sa sinturon niya." Sabi pa ng ama kaya agad na bumalik sa loob ng bahay upang puntahan ang kapatid.

"Kikoy?" Naguguluhang sambit ni Ponzi nang maabutan ang kapatid na nakaupo sa sofa na para bang wala na naman sa sarili.

"Biikoy..." Pabirong sambit ni Ponzi saka lumuhod sa harapan ng kapatid habang sinusundot-sundot ang pisngi nito. Natigil si Ponzi sa pangungulit rito nang mapansin na naman niya ang pagluha nito.

"Sama ka, wag ka magpaiwan. Baka bumalik siya." Umiiyak nitong sambit kaya agad na napayakap si Ponzi sa kanya.

"Kikoy naman, wag kang umiyak. Strong ka dapat. Sige ka, di ka reregaluhan ni Santa pag pinagpatuloy mo yan." Paulit-ulit na giit ni Ponzi para lamang tumahan ang kapatid.

"Sama ka samin!" Muling giit ng kapatid na humahangos kaya si Ponzi na lamang mismo ang pumunas sa luha nito.

"Kikoy naman, hindi nga pwede diba?" Napabuntong-hininga na lamang si Ponzi saka pabirong ginulo ang buhok ng kapatid, "Pramis ni kuya sayo, sa susunod na pagkikita natin, kasama ko na si Ate Sisa mo tapos sabay nating lalaitin ang buhok niya. Okay ba yon?" Nakangiti nitong sambit bagay na siyang nagpatigil sa pag-iyak ng musmos.

"Talaga? Pramis?" Humahangos na sambit ng batang pulang-pula na ang mukha kakaiyak.

"Oo naman, kelan ba ako nabigo sa pramis ko sayo?" Biro na lamang ni Ponzi dahilan para ngumiti ng tuluyan si Kikoy.

****

Matulin ang pagpapatakbo ni Ponzi sa kanyang motoriklo. Panay ang pagtilapon ng mga patay na dahon na nakakalat sa napakatahimik na daang tila ba walang hanggan. Naglalakihan ang mga matatandang puno sa kapaligiran at kahit alas-tres pa lamang ay napakaulap na ng kalangitan.

Napansin ni Ponzi ang pagtunog ng kanyang cellphone kaya agad niyang hininto ang motorsiklo sa gitna ng ubod ng tahimik na daan saka tinanggal ang headphones na kanina niya pa suot habang nagmamaneho.

"Chief?" Tanong ni Ponzi nang sagutin ang tawag saka pasimpleng nilibot ang paningin sa kinaroroonan.

"Nakausap ko ang mga magulang niya. Nag-iwan si Sisa ng sulat sa kanila bago naglayas bilang pamamaalam. Hijo, sigurado ka ba talaga sa ideya mong 'wag munang sabihan ang mga magulang niya na nawawala siya?" Tanong pa ng pulis kaya napabuntong-hininga na lamang si Ponzi saka nasapo ang buhok.

"Lahat ng nawawala, pinalagay lamang silang naglayas o nawawala. Wala sa kanila ang pinag-isipan ng foul play. Kung totoo ang hinala natin noon na hindi nag-iisa ang Crimson Ripper at ito ang maaring bumiktima kay Julia, napakalaki ng posibilidad na mapahamak lalo si Sisa pag nalaman ng demonyong yon na alam natin ang tungkol sa mga pangingidnap niya. Sa loob ng napakaraming taon, napakalakas ng loob niya sa pangingidnap lalo na't akala ng lahat na nawawala lamang o naglalayas ang mga biktima niya. Oras na malaman niyang may ideya tayo sa kademonyohan niya, baka kung ano ang gawin niya sa kanila... Baka kung anong gawin niya kay Sisa." Walang emosyong paliwanag ni Ponzi habang nakatingala sa kalangitan at animo'y napakalalim ng iniisip.

"Hijo hindi natin pwedeng itago sa kanila ang katotohanan habangbuhay. Anak nila ang pinag-uusapan dito." Giit naman ng pulis.

"Alam ko, bigyan mo lang ako ng oras." Giit ni Ponzi saka ibinaba na lamang ang kanyang cellphone. Isusuot na sana niya ang kanyang helmet pero sa di malamang dahilan ay bigla siyang may naririnig na kakaiba... Animo'y may naririnig siya... Malabo... Parang isang sigaw... Parang isang boses na isinisigaw ang pangalan niya.

"Sisa?" Agad na napababa si Ponzi mula sa motorsiklo.

Nanlalaki ang mga mata at labis ang desperasyon, pinakiramdaman ni Ponzi ang tahimik na kapaligiran. Hindi na niya nauulinigan ang tila ba boses na kanina ay pumasok sa isipan niya, sa halip ang tanging naririnig na lamang niya ay ang kaluskos ng mga dahong gawa ng malakas na ihip ng hangin at ang sariling mabigat ang paghinga.

"Sisa?!" Hindi mapigilan ni Ponzi na mapasigaw habang paulit-ulit na nililibot ang paningin.

Hindi mapakali ang binata. Nangangatog ang mga paa at bakas ang takot at pag-aalala sa mukha, agad itong nagtatakbo na animo'y sinusuyod ang buong kapaligiran habang isinisigaw ang pangalan ng dalaga.

"Sisa?! Sisa asan ka?!" Paulit-ulit itong ginawa ni Ponzi pero sa huli ay wala siyang nahanap o napala man lang kaya nabato na lamang niya ang hawak na helmet dala ng labis na dismaya.

"Ano bang nangyayari sayo?!" Bulyaw ni Ponzi sa sarili dahil sa galit habang marahas ang hawak sa kanyang buhok. "Lintik! Ponzi umayos ka!" Paulit-ulit niyang bulyaw sa sarili nang mapagtantong marahil ay gawa lamang ng isipan ang boses na narinig.

Muling tumunog ang cellphone ni Ponzi kaya sinagot na lamang niya ito.

"Ano?!" Bulyaw niya dito bilang sagot.

"Ponzi may kilala ka bang Archie Romulo?" Nakunot ang noo ni Ponzi nang mapagtantong ang pulis na naman pala ang tumatawag sa kanya.

"Sino?" Kunot-noong sambit ni Ponzi na walang kaide-ideya sa pangalang ito.

"Andito siya sa estasyon ng pulis, inire-report ang pagkawala ni Sisa. Ayon sa kanya, unang nawala ang kasintahan niya ilang linggo na ang nakakaraan. Ngayon si Sisa na naman daw. Kilala niya daw sina Sisa at Julia mula pagkabata. Gaya mo, naniniwala rin siyang hindi sila nagwawala o naglayas." Paliwanag nito kaya dali-daling bumalik si Ponzi sa kanyang motorsiklo.

"'Wag mo siyang paaalisin, baka makatulong siya." Giit ni Ponzi saka muli itong binabaan.

Bago paandarin ang motorsiklo ay pinakiramdaman at pinakinggan muna ni Ponzi ang paligid sa huling pagkakataon. Ipinikit niya ang kanyang mga mata sa pag-asang muli niyang maririnig ang boses na kanina ay nauulinigan at nang wala siyang marinig ay napabuntong-hininga na lamang siya.

"Sisa, kung ano-ano na ang naririnig ko dahil sayo. Nababaliw na ata ako." Bulong nito sa sarili.

*****

Matapos mai-lock ang pinto ng kanyang opisina ay pasimpleng sumilip ang pulis sa kanyang bintana. Nang masigurong walang ibang pulis o trabahador na malapit ay muli niyang ibinalik ang pansin sa dalawang binata.

"What the fuck is going on?! Nawawala ang girlfriend kong si Paris tapos ngayong nawawala narin si Serenity wala parin kayong gagawin?!" Inis na sambit ng binatang may matangkad na pangangatawan at suot-suot parin ang kulay green na jacket ng kanilang unibersidad.

"Paano mo nalamang nawawala si Sisa?" Kunot-noong sambit naman ni Ponzi.

"Look as I was looking for Paris, I found out about Julia's death and disappearance. Kakamustahin ko sana si Serenity lalo na't alam ko ang kapasidad niya pero hindi ko na siya nahanap pa ulit sa tinutuluyan niya. We've known each other since we were kids, Serri could be emotionally unstable pero nasisiguro kong hindi siya basta-bastang aalis sa lugar nato lalo na't hindi pa nahuhuli ang gumawa nito kay Julia. Serri gave up everything just to move here in Crimson Lake and look for Julia. When we were kids, I pranked Julia and I ended up with broken bones when Serri found out. Serri would never let Julia's murderer get away or even live for sure." Giit ng binatang si Archie kaya agad na nakunot ang noo ni Ponzi.

"Serri? Tss..." Nakangiwing sambit ni Ponzi.

"Emotionally unstable? Anong ibig mong sabihin?" Tanong naman ng hepe.

Napabuntong-hininga na lamang si Archie at ipinatong ang mga kamay sa mesa, "Serri has always been troubled. She was diagnosed with adhd since we were kids, it wasn't bad at all. She was like any other normal kids but when the other kids at school found out and the judgements and ignorance came in, that's when it started—her depression, she lashed out, she snapped. Bumuti ang lagay niya nang maging magkaibigan sila ni Julia. Nagkaroon siya ng lakas ng loob na makipagkaibigan ulit. Naging magkaibigan kami. Ayaw na ayaw ng mga magulang ni Serri kay Julia pero wala silang magawa kasi alam nilang ito ang nakakatulong sa kanya. Now that Julia's dead, Serri could snap again—"

"But she didn't." Giit ni Ponzi. "It destroyed her but she managed."

"Hanggang kailan?" Bigla na lamang inilabas ni Archie ang ilang piraso ng mga nakarolyong papel mula sa backpack nito saka ito inilapag sa sahig.

Nagtaka ang hepe at si Ponzi nang makita nila ang litrato ng bangkay ni Julia at iba pang mga resulta ng autopsy na isinagawa sa dalaga.

"That's not Julia." Sabi pa ni Archie dahilan para lalong maguluhan sina Chief Hidalgo at Ponzi.

Naguguluhan man, kinuha ni Ponzi ang litrato ng bangkay ni Julia at tinitigan ito—Kulay itim ang maikli nitong buhok. Hindi marumi ang dalaga kahit marami ang pasa at sugat. At mukha namang hindi ito nangangayayat.

"Kung ganun sino 'to?" Naguguluhang sambit ni Ponzi.

"That's the opposite of Julia. Gaya ng sinabi ko, kilalang-kilala na namin ang isa't-isa mula pagkabata. Kailanman, hinding-hindi magpapagupit ng ganyan kaikli ang Julia na kilala ko. Parte na ng pagkatao niya ang blonde niyang buhok at ang mga piercings niya. May tattoo rin siya sa batok niya pero ayon sa autopsy ay may bumura daw nito. Ang Julia na kilala ko, hindi niya yan gagawin sa sarili niya." Giit pa ni Archie. "Kung pagbabasehan ang lahat ng to, She was kept in captivity for two years. It looks like she's groomed, fed, kept alive and tortured... Julia made it for two years... Si Paris naman..." Saglit na natigil sa pagsasalita si Archie. Unti-unting namumuo ang luha sa mga mata niya nang mabanggit ang kasintahan, "She's tough... My girlfriend's tough. I know she'll live long enough for me to find her." Sabi pa nito na animo'y sigurado habang tumatango-tango pa. "But Serri... with Julia gone and every—"

"Tama na." Giit ni Ponzi na kanina pa nakatitig sa kawalan. "Mahahanap natin siya. Mahahanap natin sila." Dagdag pa nito.

"Hijo may nasabihan ka ba nito?" Tanong pa ni Chief Hidalgo kay Archie dahilan para makunot ang noo nito.

"Kayo pa lang. Kahapon lang kasi ako nakuha ng kopya ng autopsy ni Julia. Teka? 'Wag niyong sabihing, isesekreto niyo to sa lahat?!" Naguguluhang sambit ni Archie.

"Walang mapagkakatiwalaan sa lugar nato." Giit ni Ponzi. Magsasalita pa sana siya nang may mapansin siyang kakaiba sa sahig.

Napansin ni Archie ang pagtataka sa mukha ni Ponzi kaya maging siya ay napatingin narin sa sahig.

"Dugo ba yan?" Kunot-noong sambit ni Archie nang mapansin ang kulay pulang bakas sa sahig at mistulang ang lahat ng ito ay nanggagaling sa sapatos ni Ponzi.

"Bwisit ano ba tong naapakan ko?" Kunot noong sambit ni Ponzi saka ipinatong ang kanyang paa sa kabilang upuan. Nagtaka ang binata nang mapansing may naapakan pala siyang kulay pula.

"Mukhang hindi. Saan ka ba galing?" Tanong pa ni Chief Hidalgo kay Ponzi.

Tatanggalin na sana ni Ponzi ang sapatos upang matingnan ng malapitan ang kung ano mang naapakan niya pero bigla na lamang nag-ring ang cellphone niya.

Unknown number man ang tumatawag, mas minabuti na lamang ni Ponzi na lumabas mula sa opisina ng hepe upang sagutin ito.

"Sino to?" Agad na tanong ni Ponzi pero nagtaka siya dahil walang sumasagot. Wala siyang ibang naririnig mula sa kabilang linya.

"Serenity?" Sa di malamang dahilan ang dalaga ang unang pumasok sa isipan niya. Napalunok si Ponzi at napahawak ng mahigpit sa kanyang cellphone. Naging tensyonado siya.

Muli, walang narinig na sagot si Ponzi mula sa kabilang linya kaya nasapo na lamang ni Ponzi ang kanyang ulo. Napapikit siya saka napatingala. Napabuntong-hininga siya saka napasandal sa pader.

"Serenity hahanapin kita gaya ng paghahanap ni Calix kay Tammy. Mahahanap kita gaya ng pagkakahanap ni Calix kay Tammy. Pero Serenity, hindi tayo magagaya sa kanila. Mahal kita at gagawin ko ang lahat para maibalik ulit ang lahat sa dati. Ngayon pa lang, mag-isip ka na ulit ng bagong nickname para sakin."

Pinakiramdaman ni Ponzi ang kabilang linya, muli walang sumasagot pero alam niyang may nakakarinig sa kanya. Malakas ang pakiramdam niyang naririnig siya nito....Na naririnig siya ni Sisa.

Makaraan ang ilang sandali ay tuluyang pinutol ng nasa kabilang linya ang tawag samantalang si Ponzi ay nanatiling nakapako sa kinatatayuan at hawak-hawak parin ang cellphone niya.

END OF CHAPTER 7.

THANKS FOR READING!

VOTE AND COMMENT <3 



Continue Reading

You'll Also Like

4M 168K 39
Ripper series #1: Envied for her almost perfect life, Tamara Consulacion has everything a girl could ever ask for. But what happens when the good gir...
4M 173K 33
"My name is Maddieson Paredes but everyone calls me Maddy. I'm an 18-year old college student. I go to school by day and I work at a convenience stor...
Our Deadly Pact By bambi

Mystery / Thriller

5.8M 186K 55
Book 1 of the Pact Series (also known as Our Suicide Pact) (Warning: This story was written in 2013 when I was around 15-16 years old. A plethora of...
3.8M 75.9K 16
Slaughter High is now available on bookstores for just 58 pesos! Grab a copy and don't miss out on Parker and the gang's deadly journey! <3