It Had To be You (editing)

By justbreathesofie

565K 4.4K 1.1K

Dahil sa paniniwala sa forever, buong akala ni Xavina Delgado na pang habang buhay ang pagsasama nila ng kasi... More

It Had to Be You [editing]
Sneak Peek
For Starters
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-Five

Chapter Six

11.2K 167 66
By justbreathesofie

Nalaman ni Xavina mula sa isang kaibigan na nasa Pilipinas si Liam. Pinaalam sa kanya ni Monique—ang isa sa close friend nila sa Institute.

"I think he wants to surprise you," ani nito sa kanya nang makita nitong nagsalubong ang mga kilay niya.

"He wants to surprise me by not telling me that he is here?" sarkastikong tanong niya sa kaibigan.

"The last time I checked, he is in Carlton Suites. Try to surprise him there." Tugon ni Monique sa kanya. Monique. Biningay din sa kanya ang number ni Kian habang nasa Pilipinas ito. Nag-send muna siya ng text message bago niya ito tinawagan. Hinintay niya munan sumagot ito. Matapos ang sampung minuto, napagdesisyunan niyang tawagan ito. Hindi nito sinasagot ang tawag niya. At noong sagutin, pinutol nito agad ang linya.

"Huh!" bulalas niya. Sinubukan niya uling tumawag at ganoon ulit ang ginawa.

"Binababaan ka niya ng phone?" Nagulat siya nang biglang sumulpot sa likod niya si Iñaki. Napagbuntong hininga siya at di pinansin ang tanong ng abogado.

"Let me give you a heads up," sabi ni Iñaki habang sinasabayan siya nito sa paglalakad. "Kapag ganyan ang inaasta ng guy—binababaan ka ng phone kapag tatawagan mo? He is keeping something—or worse, he is cheating on you." Tinignan niya ng masama ang abogado. Marahil tama ang mga sinasabi nito. Ilang araw na ang nakakaraan nang malaman niya ang tungkol kay Alexia—ang babaing kasama nito sa Facebook.

"Ditch the guy, Delgado. He isn't worth of your time," dagdag na sabi sa kanya ng makulit na abogado.

"Hindi ko kailangan ng opinion mo," sagot ni Xavina habang naglalakad. If you will excuse me, I have tons of things to do."

"What now, Delgado? Don't give too much attention on your so-called boyfriend. Hindi niya ipinaalam sa'yo kung nasaan siya? I told you, he is cheating on you."

Napatigil si Xavina sa paglalakad at hinarap ang abogado. "Paano mo naman nalaman?"

Ngumisi Iñaki. Alam niyang naiinis na si Xavina dahil namumula na naman ito. "Ganun din ako kapag nambababae ako."

Napataas ang kilay ni Xavina. "I will not wonder about it. Alam ko namang gawain mo yun kaya di na ako magtataka."

"Delgado, kaya nga sinasabi ko na sa'yo na niloloko ka ng virtual boyfriend mo—"

Tinaas ni Xavina para barahin ang sasabihin ni Iñaki. "I don't have time for this."

Tinawagan niya si Monique para malaman ang room ni Liam sa Carlton Suites. Pero hindi nito binibigay ang buong detalye. Kailangan niyang makausap ang nobyo sa estado ng kanilang relasyon. Nakailang ulit na rin siyang tumatawag dito pero hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. She remembered how her friends detested Liam. Hindi ito masyadong nakikipag-usap kina Elle at JC. Nakikita ng mga ito kung paano siya pinaghihintay nito kapag nangako itong tatawag sa kanya. Ilang beses na rin siyang pinayuhan ng mga kaibigan na humiwalay at makipagdate sa iba, pero mas gugustihin muna niyang magkaroon sila ng closure.

Closure is all she is asking bago siya makamove on sa relasyon nila ni Liam.

After a week, naatanggap na niya ang pinakahihintay niyang mensahe.

"Xavina, we have to talk," sabi ni Liam mula sa kabilang linya. Kinakabahan siya kung ano ang magiging kahihinatnan ng pag-uusap nila.

"Yes, we have to." Napagdesisyunan nilang magkita sa isang restaurant malapit sa hotel na tinutuluyan ni Liam. Inayos niya ang sarili. Sinuot niya ang pinakapaborito niyang dress na design niya. It is a beautiful pink floral vintage dress. It has been years since they have seen each other. Malakas ang feeling niya na magpopropose na si Liam sa kanya. Seven years is enough to get married. Before she went out of the room, she looked at her reflection again.

"This is it, Xavina," sabi niya sa sarili niya. Paglabas niya ng kwarto, hinanap niya sa kasambahay nila ang kanyang mommy at daddy.

"Nasa garden po ang mommy at daddy niyo."

Binigyan niya ng ngiti ang kasambahay. "Salamat po Manang Imee."

Pagpunta niya ng garden, namataan niyang nag-uusap ang mga magulang niya. Binulungan ng daddy niya ang mommy niya at bigla itong tumawa. Napingiti siya nang maalala niya kung paano inilarawan ng daddy niya ang tawa ng mommy niya. Lumapit siya at umupo sa bakanteng upuan.

"How I love your mother's hyena laugh," natatawang bungad ng daddy niya. How she envied the relationship of her parents.

"I do not laugh like a hyena!" angal ng mommy niya sa pang-aasar ng daddy niya. They were married for thirty-two years—same years as the age of her brother. Kung titignan sila, para pa rin silang bagong kasal.

"Where are you going mija?" tanong sa kanya ng daddy niya. "She is indeed a copy of you, miel."

"That is one of our new designs. I am glad it looks beautuful on you," komento ng mommy niya sa suot niyang dress.

"Thanks, mommy. I am going out—having brunch with Liam today."

Nakita niyang nagsalubong ang kilay ng daddy niya. "Why are you going to meet him? Wala ba siyang mga paa para suinduin ka?" sarkastikong tanong ni Xander sa anak. Alam niyang hindi nito gusto si Liam bilang boyfriend niya.

"Irog," marahang sabi ng mommy niya sa daddy niya. "Ngayon lang sila magkikita ulit." Bumaling sa kanya ang mommy niya. "He is going to come here as well, right, mija?"

"Yes, mommy. I will just meet him today. It has been years since we saw each other."

Nilapitan niya ang ama at niyakap ito mula sa likod nito. "Daddy, you will always be my greatest love," sabi niya sa ama sabay halik sa pisingi nito.

"Not until you get married. He should not hurt you, or he will be in pieces."

"Daddy," sabi niya habang nakayakap sa daddy niya. "Don't worry."

"Mija, hayaan mo lang ang daddy mo. Gusto mo bang ipahatid kita sa driver?"

"Ma, ako na lang ang magdadrive. Pupunta rin ako sa office, wala pang nakukuhang assistant si kuya eh."

"Mas mabuting ipagdrive ka na lang ni Gil. You can't drive wearing those heels."

"Dad," hinawakan niya ang kamay ng ama niya. "I will be fine. Besides I have my drving shoes in the car. Mana kaya ako sa'y—always ready."

"That is my girl."

"Bueno, mag-ingat ka, mija," sabi ng mommy niya habang naka-abang ang mga bisig nito sa sa pagyakap sa kanya bago siya umalis. Sa kanilang pamilya, nakamulatan ang pag-aakap at paghalik sa pisngi bago umalis ng bahay. Ito ang mga katangiang nais dalhin ni Xavin kung siya man ay magkakaroon ng pamilya.

...

Habang nasa kotse, nakatanggap siya ng tawag. Itinabi niya muna ang sasakyan bago niya ito sinagot.

"Yes?"

"Delgado, are you driving?"

"Yes." Naparolyo ang mga mata niya nang margining ang tinig mula sa kabilang linya.

"How—did you pull over first?"

"Of course. Hindi naman ako sasagot sa tawag mo kung nagdadrive pa ako." Bumuntong hininga siya at tinignan ang oras. Mayroon pa siyang isang oras.

"Okay, okay. Are you on your way here?"

"Later. I have a brunch with Liam today."

Narinig niyang tumawa ng bahagya ang abogado sa kabilang linya. "Oh. So the so-called boyfriend is here. Hindi mo sinunod ang payo ko? You didn't ditch the guy?"

"You know, don't be all up in my cool-aid!" bulalas niya. "I am in a hurry, talk to you later."

"Where are you having your brunch?"

"Somewhere near the office. I am going to hang up now."

"Delgado—" Pinutol niya ang linya. Ang aga-aga, pang-asar ang lalaking yun, bulong niya sa sarili.

Imbes na hintayin si Liam sa restaurant ng hotel gaya ng napag-usapan nila,napagpasyahan niyang sorpresahin ito sa tinutuluyan nitong kwarto. Salamat na lamang sa mabait na front desk clerk na nagbigay sa kanya ng impormasyon. Huminga muna ng malalim si Xavina bago niya pindutin ang doorbell. Isang nakatapis na babae ang nagbukas sa kanya ng pintuan. Mataas ito at blonde ang buhok.

"Hi. Are you the one from the concierge?" Tumaas ang kilay ni Xavina sa kausap."Excuse me?"

"Because I called and I said we need some towels here."

Umiling si Xavina at ngumiti sa kausap. "I-I am sorry, I think I got the wrong room—"

"Honey, did they bring the towels?" Natigilan si Xavina. Kilala niya ang boses na yun. Liam. Pinilit niyang silipin ang kung kanino nanggaling ang boses na yun.

"Miss? What are you doing?" Hinawi niya ang babaing nasa harapan niya at pumasok sa kwarto. There she saw Liam in the flesh—half naked.

"Hey, miss, you aren't allowed to be here!" sabi ng babaing nagbukas ng pintuan.

Kitang-kita ang pagkasurpresa ni Liam sa presensya niya. "X-Xavina, you surprised me." Natigilan si Xavina. Umurong ang mga salita nais niyang sabihin.

"You know her, Liam?" tanong ng babaing nasa loob ng kwarto niya.

"Yes. She is my—"

"Finance," sabat ni Xavina. "I am his fiancé."

"Lexie, it isn't true," sagot ni Liam. Hindi makapaniwala si Xavina na sinasabi ni Liam sa harapan niya. She is in a state of shock, she can't believe what she is hearing.

"Liam, what are you saying? So it is true then? Who is she Liam!"

"Darling, I am his wife," buong ningning na sagot sa kanya ng babae.

"W-Wha—" Umurong ang mga salita ni Xavina sabay sa pagtulo ng mga luha niya.

"That is why I am meeting you today. I told you to wait for me at the restaurant—"

"You are meeting her at the restaurant!" Nagdiskusyon ang mag-asawa habang napapagitnaan nila si Xavina. Tahimik na lumihis si Xavina papalabas ng kwarto. Muling nagbalik ang mga sinabi ni Iñaki sa kanya. She should have ditched the guy. Seven years. Seven stupid years had just gone to waste. She felt her phone vibrated.

"Hello?"

"Where are you, Delgado?"

"Please, huwag naman sana ngayon," sagot niya habang lumuluha.

"What happened?" She can hear that he is worried.

"Oo alam ko na ang sasabihin mo. Ang tanga tanga ko. Alam ko na ang totoo, pero nagpakabulag lang ako. This is stupidity of the highest order!" hiyaw ni Xavina habang papasok ng elevator.

"Xavina, tell me your exact location. I will be there."

Continue Reading

You'll Also Like

372K 10.8K 94
WARNING!!! Read at your own risk! If you don't like it, just leave. This story is not for everyone. It contains controversial themes and events not...
25.7M 472K 39
[WARNING: Please be reminded that this story is NOT YET EDITED.] She's the bride who arrived at the right time but in the wrong place. #TheBachelorsB...
28.5M 854K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
839K 19.4K 33
Twenty one year old, Patricia is desprate to be pregnant. Kaya kinunchaba nito ang Kaibigan na may ari ng Clinic na iyon. Nag buntis siya at ipinanga...