Reincarnated as a Stupid Daug...

بواسطة DemLux_Pain

6.3M 326K 236K

Carnelia Manelli, isang anak ng Major General ng military at sikat na Fashion Designer na sina Jared at Kacey... المزيد

RSDMB
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
CHARACTERS (So far)
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73
Chapter 74
Chapter 76
Chapter 77
Chapter 78
Chapter 79
Chapter 80
Chapter 81
Chapter 82
Chapter 83
Chapter 84
Chapter 85
Chapter 86
Chapter 87
Chapter 88
Chapter 89
Chapter 90
Chapter 91
Chapter 92
Chapter 93
Chapter 94
Chapter 95
Chapter 96

Chapter 75

71.3K 3.5K 3K
بواسطة DemLux_Pain

ARIANNA'S POV





Nang mangyari ang barilan sa loob ng venue ay agad akong pinalibutan ng mga bodyguards na binayaran nila mommy mula sa LTSA. Magmula kasi noong kinuwento ko ang nangyari sa Hell Street ay mas naging protective na sila sa'kin.





Kung noon ay isa lang ang bodyguard ko, ngayon ay naging sampu na silang lahat. Mas mataas din ang mga ranggo nila kaya masasabi ko na talagang gumastos sila daddy ng malaki para sa kaligtasan ko.





Ngayon nga ay ligtas naman kaming nakalabas ng building sa tulong nila. Pagkalabas pa lang namin ay agad akong sinalubong ng mga military officers na nagkalat sa paligid ng hotel.





"Ms. McKinney, pumunta po muna kayo sa medic na naka-station sa area 1 para matignan kung may galos ba kayo." Magalang na sabi sa'kin ng babaeng sundalo na agad ko namang sinunod.





Habang naglalakad ay pasimple kong tinignan ang buong paligid. Maraming mga nakaparada na ambulansya, military tank, firetrucks at maging mga tent ay meron din. May mga tao din na umiiyak at nagpa-panic dahil may mga mahal sila sa buhay na na-trap sa loob ng hotel.





Ang nakakalungkot lang ay baka sa mga oras na 'to ay wala nang buhay ang mga taong natitira sa loob. Napailing na lang ako atsaka hindi na pinansin ang mga nakakalungkot na nangyayari sa paligid. Nang makarating sa Area 1 ng medic ay agad akong sinuri ng babaeng military doctor.





"Ayos lang ba ang pakiramdam mo, Ms. McKinney? Wala ka bang nararamdaman na masakit sa'yo?" tanong nito sa'kin.





"I'm okay, doc." Maiksi kong sabi habang may iniisip. Pakiramdam ko kasi may mali pero hindi ko alam kung ano. Para bang may nakalimutan ako...





"Sigurado ka bang ayos ka lang, Lady Arianna?" Nag-aalalang tanong ng doctor na mukhang naalarma sa pananahimik ko.





"Yeah," sagot ko na lang.





Nang makaalis na yung doctor ay agad akong nagpokus sa pag-iisip at pinilit na may maalala. Kaso hindi ko pa naiisip nang mabuti ay agad namang may yumakap sa'kin na kinagulat ko.





"Are you okay, Arianna? Does it hurt somewhere? Come on, tell me! " Dinig ko na sabi ni mommy sa nag-aalala nitong tono.





Niyakap ko na lang siya pabalik para ipahiwatig sa kaniya na ayos lang ako at wala siyang dapat ipag-alaala. Masiyado kasing nag-aalala sa'kin sila mom dahil maraming kaganapan ang nangyayari sa loob ng pamilya McKinney.





Halos lahat kasi sa mga uncle ko ay masiyadong uhaw sa kapangyarihan, kaya ang gusto nila ay sila ang mas mataas kaysa sa amin. Tsk! Kung hindi lang mabait sina mom at dad ay baka matagal ng patay ang lahat ng kamag-anak namin.


"Mom, don't worry, I'm fine. The bodyguards protected me so well." Nakangiti kong sabi nang humiwalay na siya ng yakap. Marahan niyang hinaplos ang ulo ko na kinangiti ko naman.




 
"That's good to know. I can't believe that something so dangerous happened to you again! We learned about your accident last time, so we're relieved that you're okay." Bigla nitong sabi na kinatigil ko.





'Wa—wait! Bakit nawala sa isipan ko na dumalo nga pala si Heavenhell sa event?!'





Sa sobra sigurong gulat ay hindi na pumasok sa utak ko ang dapat kong alalahanin. Kahit kasi na nakita ko nang makipaglaban si Heavenhell mula sa mga gangster ay hindi pa rin ako kampante na malulusutan niya ang mga lalaking nakaitim kanina.





Bukod sa marami ang mga kalaban ay may mga hawak pa silang mga baril at ibat-ibang armas. Atsaka, kay Heavenhell na rin mismo nagsabi na hindi siya kasing galing ng ibang Caventry pagdating sa pakikipaglaban.





'H–hindi naman sa nag-aalala ako sa kaniya, pero siya pa rin ang tumulong sa'kin noong mga panahon na nanganganib ako. Kaya sa tingin ko ay nararapat lang na tulungan ko rin siya pabalik. Hmm, that's all!'


"Now, let's go home. You need to rest!"





Agad akong napatingin ako kay dad nang marinig ang sinabi nito. Kailangan kong humingi ng tulong sa kanila, dahil nakakainis mang aminin pero wala pa rin akong lakas na lumaban nang ako lang mag-isa.




 
"Wa—wait! Speaking of the accident, I think Heavenhell is still inside the hotel..." Mahina kong sabi na kinatigil nila sa paglalakad. Nagkatinginan sina mom at dad bago lumapit sa'kin.




 
"That lady who saved you last time?" Seryosong tanong ni dad na agad kong sinang-ayunan.




 
"Yes, Dad, I'm worried about her. What if something bad happened to her? Can you help find her?" Nag-aalala kong tanong.





'A–actually, kailangan kong sabihin na nag-aalala ako kay Heavenhell para pumayag sila sa sasabihin ko, dahil kung hindi ay 'di nila ako tutulungan.'
 



 
"Alright, I'll try to call someone to ask about the situation." Nakangiting sabi ni dad na kinahinga ko nang maluwag. Mabuti na lang at hindi na sila nagtanong pa ulit dahil hindi ko alam ang isasagot sa kanila.  




 
"Thank you, dad." Nakangiti kong sabi nang makitang lumayo siya ng konti at kinuha ang cellphone niya.  
 


"Don't worry, sweetie. I'm sure that your friend is safe since she's a good girl." Malambing na sabi ni mommy habang hinahaplos ang buhok ko.





Ngumiti na lang ako atsaka inalala ang mga nangyari sa'min ni Heavenhell nitong mga nakaraang araw. Ayoko mang aminin pero talagang siya lang ang nagpalakas ng loob ko nang malaman ko sa araw na 'yon na gusto akong ipapatay ng sarili kong pinsan.





'I–I felt so down at that time, and I'm glad that she was there beside me. '





Napatingin na lang ako kay mommy bago siya sinagot, "I hope so. She's not just a good girl, but she's also co–cool." 




 
"Really? It looks like you like your friend so much." Natatawang sabi ni mom na kinalunok ko na lang. I don't like her! I'm sure of it!




 
"Y–yes, I–I do like her a little." Awkward kong sabi na lalong kinatawa ni mom.


"Aha! This is my first time hearing you talking about a friend, so I am excited to meet her. Bring her to our house sometimes if she has time." Excited na sabi niya na kinalaki ng mata ko.





Hindi niya ba alam na karibal ng anak niya ang babaeng 'yon? Damn! Mukhang kailangan kong magsinungaling na lang para hindi na lumala pa ang sitwasyon.


 
"Yes, mom. I'll ask her since I think her one-month vacation from school will be over the next day." sabi ko na lang atsaka hinilot ang aking ulo. Iniisip ko pa lang ay sumasakit na ang ulo ko sa nangyayari.
 
 



"Alright, that would be great." sabi niya habang tumatango-tango pa.
 




Naputol lang ang pagkukwentuhan namin ni mom nang lumapit na sa'min si dad. Sa itsura nito ay mukha namang good news ang dala niya.



 
"Hon, how was it?" 



"She's safe. I heard from a friend that she's with her sister, so you don't have to worry, Arianna." Nakangiti ni dad na sabi nang makalapit na siya sa'min.



 
"Thank you, dad. I'm relieved that she's okay."



 
"Alright, we should go home since you need to replenish your energy, sweetie." Malambing na sabi ni mommy atsaka hinawakan ang kamay ko palabas ng maliit na tent.



"Understood, mom." 




Habang naglalakad ay hindi ko maiwasang mapatingin sa halos 50th floor na taas ng gusali. Kitang-kita mula dito ang ilang parte ng building na walang ilaw, maging ang mga may sunog ay nakikita rin dahil sa usok na nanggagaling mula sa iba't-ibang palapag.




Malapit na mag-ala una ng madaling araw kaya sigurado ako na maraming tao na rin ang nakakaramdam ng antok at pagod ngayon. Napahinga na lang ako ng malalim at sinundan sila dad papunta ng kotse.




"Heavenhell is fine, right? What a relief..." 



THIRD PERSON'S POV
 



~ At Lucretius Elite Condominium, Vile City





Sa loob ng isa sa mga pinakamalaking kwarto sa exclusive condominium ng Lucretius ay nakaupo sa sofa si Venom habang katabi ang isa sa mga boyfriend nitong si Viper.



Si Viper ay isa sa mga tagapayo ng Presidente pagdating sa ekonomiya ng bansang Atlante. Kaya ngayon ay nakaupo siya sa sofa habang nakapokus sa kaniyang laptop dahil may kailangan siyang asikasuhin na papeles sa palasyo.





Samantala, si Venom naman ay kalmado lang na nanonood ng balita tungkol sa nangyaring trahedya sa annual charity event ng mga Eckheart.





"Your best friend is in danger, right? Are you not worried? Last time you kept talking about her, so I'm just curious." Seryosong tanong ni Viper habang nakatingin na kay Venom na kumakain ngayon ng saging.  
 




Napangisi lang si Venom at mabilis na yumakap sa lalaki. Marahan nitong hinawakan ang dibdib nito atsaka nagsalita.




 
"Listen, darling. She's my best friend, but I know that she'll be safe." Sagot na lang niya habang pinapasok ang kamay sa damit ni Viper.




 
"How sure are you?" Tanong na lang ni Viper at hinayaan ang kamay ng nobya na lumikot sa katawan nito.




 
"Come on, my two brothers are there, so there's nothing to be worried about." Nakangising sagot ni Venom atsaka paharap na kumandong sa hita niya.





Wala namang nagawa si Viper kung hindi mapasandal na lang sa sofa. Napapailing siyang tumingin kay Venom atsaka niya ito niyakap nang mahigpit.





"Oh, right. I almost forgot about her being your brother's ex-fiancé." sabi pa nito habang nakasandal ang ulo sa balikat ng nobya.
 




"You don't need to mention that. My brother might have no emotions, but you'll be dead if you're not careful." Malambing na banta ni Venom habang hinahaplos ng marahan ang pisngi nito.
 




Napalunok na lang si Viper nang maalala kung gaano nakakatakot tumingin ang pangalawang young master ng pamilyang Lucretius. Naalala niya kasi na dinala na siya ni Venom sa isa sa mga family dinner ng buong angkan ng mga Lucretius, at ito nga ang naging pinaka nakakatakot na experience sa tanang buhay niya.





Kahit kasi na sanay na siya sa mga social gatherings na puro politicians ang kasama niya ay iba pa rin ang kabang naramdaman niya nang makatapak siya sa main palace ng pamilya Lucretius sa capital ng Vile City.





Pakiramdam niya ay nakapasok na siya sa tirahan ng mga demonyo, sa tuwing titignan niya ang mga miyembro ng pamilya nila. They are so damn scary!





Napatango na lang si Viper bago hinigpitan ang yakap kay Venom.





"Yeah, I'm sorry. I'm just busy with government work and continuous meetings with these politicians."
 




"You're stressed, huh? I think we need to do something that will make you forget about work. How's that, darling?" Malambing na tanong ni Venom habang nakangising nakatingin sa nobyo na nakataas na kilay ngayon.




 
"Hmm... I like that idea, my Venom." Nakangiting sabi ni Viper at mabilis na hinalikan ang mapulang labi nito.


"Good. Lay on the bed and strip. I'll do the work for you." Sabi pa ni Venom atsaka umalis na sa kandungan niya.





Nang nakatayo ng maayos ay tsaka siya tumingin kay Viper habang naka-crossed arms. Halata sa mukha nito na nababagalan siya sa kilos ng boyfriend. Hanggang ngayon kasi ay nakaupo pa rin si Viper habang nakatitig sa kaniya.
 




Nang mapansin ni Viper ang reaksyon nito ay agad siyang napatawa ng mahina. "I'm good. Let me do you this time, okay? " He asked with his husky voice that makes Venom smirk.
 




"Wow! You're bold. I like that! Alright, do it now, darling. I'm waiting." 


Hindi na nga nagsayang pa ng oras si Viper at agad na pinagbigyan si Venom sa kaniyang gusto.





(D/N: At dito niyo na kailangang gamitin ang imagination niyo sa ginawa nila. Nyahahaha!)
 




SECRETARY CHEN'S POV




Napatulala na lang ako nang mapagtanto ang sinabi ni boss. D–damn! Balak niyang ipasunog ang buong building?! Habang pinoproseso ko saglit ang nangyari ay nagulat na lang ako nang matagpuan ang sarili na nasa gitna ng gulo.





'Teka, nasaan na si Boss?! Huwag mong sabihin na iniwan niya ako para masigurado na masunod nila ang gusto niya? Shit! Ano namang laban ko sa mga young master na 'to? Arrgh! Mababaliw na yata ako!'





Naputol ang pagrereklamo ko sa utak ko nang biglang sumigaw si young master Deyl habang winawagayway pa ang mga kamay.





"Wa–wait! Wait! This is not good!" Agad niyang sabi nang mapag-alaman na sa kanilang lahat siya ang dehado sa mangyayaring pagbomba sa buong hotel.




 
"Why is it not good? Isn't that exciting? Hahahaha!" Natatawang sabi pa ni Young master Lemuel na halatang nang-aasar sa sasapitin nito.



"You should fucking shut up! This is government property, okay? My dad will surely kill me if he knows!" Problemado na sabi pa niya habang sinasamaan ng tingin si Young master Lemuel.





Ako naman na nakatayo lang sa gilid ay napalulunok na lang sa nangyayari. Nakakatakot kasi at baka bigla na lang silang magsilabasan ng baril tapos magpatayan sa harap ko.





Ngayon pa nga lang na pinapanood ko lang sila ay kinakabahan na ako, paano pa kaya kapag nagsimula na silang magpatayan?! Baka ako pa ang maunang mamatay sa kanila sa sobrang takot.





Kinalma ko na lang ang sarili at hindi pinahalata na natatakot ako sa kaniya. Actually, sa kakasama ko kay Boss D ay natuto na akong kontrolin ang reaksyon ng mukha ko. Kaya naman maraming humahanga sa'kin sa kompanya dahil hindi raw ako natatakot.





"Tsk! Kung alam lang nila kung paano ko pigilan ang pangangatog ng tuhod ko kapag nasa harap ko si Boss D!"





Pasimple na lang akong napahinga ng malalim at hindi na inalala ang mga mahirap kong naranasan bilang sekretarya ni boss. Nagpokus ako kay Young master Rence nang marinig ang mapang-asar nitong sinabi sa pinsan niya.




 
"He'll know for sure! This is a big building, and in just a few minutes the bombs will fall from the sky. Hahaha! What a sight!" Humahalakhak na sabi pa nito na lalong kinakunot ng noo ni young master Deyl.
 




"No way! You shouldn't agree just like that. I'm dead!" Reklamo pa rin niya na sinang-ayunan ko na lang sa loob-loob ko.





May tama kasi siya sa sinabi niya. Siguradong patay talaga siya sa daddy niya kapag bigla-bigla na lang sumabog ang hotel na pagmamay-ari ng gobyerno.



"So what? Is it our fault that your dad is the president of this country? Hehe! Good luck to you, bro." Naiiling na sabi ni young master Lemuel habang pinapaikot sa dalawang kamay ang mahaba nitong staff.




 
"I think this is your punishment for calling Venven, your love, in front of my brother. Served you right, cousin!" Singit pa ni Young master Rence na kinalunok ko na lang.





Bigla tuloy akong napaisip dahil sa sinabi nito. Hindi naman siguro ganon ang dahilan ni boss no? Sa nakita ko naman sa nangyari kanina ay hindi naman pinipilit ni boss na sumama sa kaniya si Lady Heavenhell. Sadyang pinu-push lang talaga ng mga young master ang isyu dahilan para magmukhang nagseselos si boss.





'Hmm? Tama ba ako o mali lang pagkaka-unawa ko? Damn! Pati ito talaga Chen, pinoproblema mo?!'





Napaseryoso na lang ako nang marinig na nagsalita na ang doctor na isa rin sa kinakatakutan ko sa lahat. Baka kasi madako sa'kin ang mata niya at maisipan akong gawing human experiment ng laboratory niya. Shit! Isipin ko pa lang ay nanginginig na ako sa takot. Baka gawin akong guinea pig ehh!




 
"All of you should shut up. We must prepare for the perfect bombing of this building now." Nakangising sabi nito na kinatindig ng balahibo ko.





'Perfect bombing ba kamo?! You mean, pasasabugin talaga nila ang building? Wala nang bawian 'to at talagang seryoso sila?!'





O_O





Tulala lang ako atsaka dahan-dahang tinanggap sa loob ko ang narinig. Kaso hindi pa ko nakakaproseso ng tama ay tsaka naman ulit siya nagsalita.




 
"Yeah, work for it, Vengeance. Call your family's bombing team to set this building on fire." Dagdag nito habang pinupunasan ang mga dugong nakadikit sa scalpel na hawak niya.
 




"I'm working on it." Malamig na sagot ni Young master Eckheart habang may kinakalikot sa hawak nitong cellphone.





'Sh–shit! Hindi ko alam kung bakit ako nandito at napapaligiran ng mga wirdo at nakakatakot na mga young master ng Atlante! Someone! Help me get out of here!'




 
"Wa—wait! How about the people inside the hotel?" Tanong ni young master Deyl na mukha pa ring stress ngayon. Akala niya siguro ay makakalusot pa siya na huwag ipatuloy ang bombing plan ng hotel. Tsk! Diyan siya nagkakamali dahil mga young master 'tong mga kasama niya no.



"All the survivors are safely rescued." Nakangising sagot ni Doctor Virion na kinainis na lang nito.




 
"B—but what I'm talking about is the visitors' dead bodies! How about them?" Pagpipilit pa niya na kinailing at kinatawa na lang ng mga demonyong young masters sa harap niya.
 





"You," biglang tawag sa'kin ni Young master Rence na siyang kapatid ni boss. Tinago ko na lang ang kaba sa loob ko atsaka bahagyang yumuko sa kaniya bilang pagbati.





"You're Eli's secretary, right? You should know how your boss works, and that these things are normal for him." Nakangiting sabi niya na agad kong kinatango.



"I know about it, young master." Magalang kong sagot.





Kahit hindi niya na sabihin 'yon ay alam ko na. Simula pa lang kasi ay nararamdaman ko nang kakaiba magbigay ng solusyon si Boss sa mga sagabal sa business niya.





Minsan mapapatanong na lang ako kung seryoso ba si boss dahil masiyadong risky, pero sa huli ay talagang mapapahanga na lang ako at mapasasabing, "tama na naman si boss!"





Kaya sa huli ay laging si boss ang nagde-desisyon sa board meeting, at walang kahit na sino ang nagkakaroon ng lakas ng loob na magsalita ng kanilang opinyon dahil mapapahiya talaga silang lahat in public. Kaya sinong tanga ang gustong mapahiya diba? Tsk!





Napaseryoso na lang ulit ako nang marinig ang susunod na tanong ni young master sa'kin.





"Really? So what do you think we'll do with the dead bodies all over the hotel?" Nakangiti nitong tanong na nagpatigil sa'kin.





Ang sagot ko ay kunin lahat ng mga bangkay at iuwi sa mga pamilya nila, pero dahil sa mga demonyo ang nasa harap ko ay obvious naman na hindi 'yon ang dapat kong isagot.


"Burn it together with the building." kalmado kong sagot kahit na kinakabahan na ako sa loob-loob ko. Halos lumabas na nga ang puso ko sa sobrang pagkalabog ehh! D–damn!
 




"Good. And how do you think we will solve the issue with their family?" Nakangisi na nitong tanong na kinangiti din young master Lemuel sa gilid.





Itong dalawang 'to ay laging nasa balita dahil sa mga kalokohan nilang ginagawa. Ang alam ng lahat ay mas outgoing ang ugali ni young master Rence kaysa sa iba, pero ang hindi nila alam ay talagang nakakatakot siya kapag nagseryoso na ang mukha niya.





Mukha lang siyang masayahin na young master pero doon sila nagkakamali. Baka nakakalimutan nilang Lucretius ang apelyido ni young master Rence at lahat ng mga Lucretius ay demonyo pa sa demonyo!




 
Napaseryoso na lang ako nang wala sa oras bago sumagot, "Pay them a lot of money. Give them some benefits that they can't resist. After all, greed is something people have always had in their hearts."



"That's right! You're smart! Now, did you get it, cousin?" Pang-aasar ulit nito kay young master Deyl na sinamaan lang siya ng tingin.



"Shit! This is going to be a huge problem for me." Reklamo niya na napasimangot na lang.  
 




"You should try to complain to Eli." Komento ni Young master Vance na kinatango ko na lang. Bakit nga ba hindi siya kay Boss D magreklamo? Malay mo baka sagutin siya nito sa mga tanong niya.




 
"I don't dare!" Nakasimangot na sabi na lang niya.





"See? You don't have a choice, so you should just shut up and deal with your father yourself." Naiiling na sabi ni Doctor Virion habang inaayos na ang suot nitong coat na bahagyang nagusot.





"Right. The demon's orders are absolute and no one can disobey them, not even your father." Nakangising dagdag pa ni Young master Lemuel na lalong nagpasimangot sa kaniya.




 
"S–shit! All of you are so cold-hearted!" Inis na lang na sigaw niya at halatang tanggal niya nang wala na nga talaga siyang magagawa.





"Everything is ready, so let's move out." Dinig naming sabi ni Young master Eckheart na agad naming sinunod.  




 
"Wait! Is this real? Why do you work so fast?! I haven't informed my father yet! H–hey!" Sigaw pa niya na kinailing na lang nila. Kahit nga ako ay mapapailing na lang sa tuwing naiisip ko ang magiging kalagayan ni young master Deyl sa kamay ng Presidente. Haha! P–pfft!




 
"Goodluck, bro. Hahahaha!" Pang-aasar na naman ng duo.
 



"Rest in peace, cousin."



"I'm out of this." Sabi na lang ni Doctor Virion.  
 




"Crazy idiot," mapanakit na komento Naman ni Young master Eckheart.
 
 


 
 THIRD PERSON'S POV




Sa labas ng hotel building ay agad na inasikaso ng mga military soldiers ang kaligtasan ng mga nakaligtas sa trahedya. Agad silang pinadala sa mga hospital para mapatingin ang kanilang mga kalagayan.





Samantala, sa loob ng command base ng mga sundalo kung saan sila nakakatanggap ng mga order mula sa higher officials ay abala din sa pagpapanatili ng kaayusan ng buong lugar. Seryoso lang na nakatutok ang limang sundalo na nasa loob ng malaking tent nang biglang tumunog ang kanilang mga radyo.





Nang marinig nila ang bagong "order" ng general ay agad silang nagkatinginan. Hindi nila alam kung dapat ba nilang sundin ang utos o nagbibiro lamang ang mga ito. Ngunit nang ulitin ng commander nila ang sinabi nito kanina ay agad na silang kumilos.





"This is an order." 




"Copy, sir."





Mabilis na kumilos ang lima at nagbigay ng misyon sa bawat team na nandoon sa  lugar.





"We received an order. All people that are currently within five hundred meters of the hotel should be evacuated." Ani ng isa sa commander ng military sect.




 
"H–huh, why's that?" 
 


 
"The whole building will be bombed tonight." 




 
"W–what? That's crazy! Who gave that order?" Gulat nitong tanong. Hindi niya malaman kung anong kasalanan ng building para pasabugin lang!
 


 
"The Military Sector officials." 
 



 
"Re–really? What about the other buildings surrounding the hotel? There's going to be a lot of damage if they do that." Nagtataka niya pa ring tanong sa kasamahan.
 




"All damaged places will be renovated after this. It's quite obvious that the people behind this scene are powerful enough to do this kind of thing in the eyes of the public."
 




"Y–yeah, so let's just follow the order and secure the safety of the people." Nasabi na lang niya na halatang naguguluhan pa rin sa nangyayari.
 




Nalilito man ang lahat ay agad naman nilang sinunod ang pinag-uutos at pinag-evacuate ang lahat ng tao na malapit sa gusali. Dahil sa mga sundalo ang nagbigay ng babala ay wala namang nagawa ang mga tao kung hindi ang sumunod. Lalo pa't para daw ito sa kaligtasan nila.





Hindi naman ito pinalampas ng mga reporter at agad na inanunsyo ang panibagong "order" na binitawan ng Military Sector.




 
"Now, as you see, all of the people surrounding the hotel will be evacuated immediately. As of one o'clock am, there are five military aircraft above the hotel that are said to drop barrel bombs to burn the whole building. The military officials who were assigned to facilitate the evacuation said that the whole building would disappear tonight. They state that the orders from the higher officials are what they are waiting for before proceeding with the mission." Balita ng babaeng reporter na nakasakay ngayon sa helicopter ng company nila.  
 
 
 



Samantalang, gulat at pagtataka naman ang naging reaksyon ng mga nanonood ng balita nang marinig nila na pasasabugin ang buong building. Kahit kasi na marami na ang nasira sa loob ng hotel ay mas mapapamura pa rin sila ng gagastusin kung ipapaayos lang nila ang nasira. Kaya bakit kailangan pa nilang pasabugin ang walang kalaban-laban na building?





Samu't-saring komento ang iniwan ng mga manonood sa mga streaming sites nang marinig ang nangyari.





Im–a–bitch–yow: "Bakit parang kasalanan ng building kung bakit may trahedyang nangyari ngayon?"





Poor–me07: "Sayang naman ang mga gamit sa loob! Siguradong mamahalin ang mga muwebles na meron sa building, tapos susunugin lang?! Sana lahat mayaman no!"




Jerry_Jelly: "Ayy, kawawa naman si pareng building at mukhang may galit sa kaniya ang mga magpapasabog ng hotel. Hahahaha!"




Tom_is_Talking: "Alam mo kung ako sa'yo manahimik ka na lang! Baka mamaya magulat na lang ako na ikaw na ang susunod na pasasabugin."




Bl_is_life: "Ayieeh! Nandito na naman kayo ahh! Daig niyo pa ang building na pasasabugin mamaya!"




Jerry_Jelly: "Paano mo naman nasabi na dinaig pa namin ang building? Anong konek? @Bl_is_life"




Bl_is_life: "Mas ramdam ko kasi ang pagliliyab ng bromance niyong dalawa bwhahaha!"




Tom_is_Talking: "Yuck! Maghunos dili ka nga sa sinasabi mo."




Jerry_Jelly: "Maka-yuck ahh?! Akala mo naman hindi tayo sabay maligo noon! Hahahahaha!"




Bl_is_life: "O–oh my gosh! Naliligo lang ba talaga yan? Hahahaha!"




Tom_is_Talking: "I'm out of this!"




VVC_PRESIDENT: "Please lang ahh? Sa mga seryosong usapin po ay huwag tayong magkalat sa comment section!!! Mga hangal!"




Jerry_Jelly: "Sorry president hahahaha!"





Iba't-iba ang mga naging pagtingin ng mga nakapanood ng balita sa sitwasyon. May ilan na nasayangan sa mga kagamitan sa building, may ilan na natuwa, may ilan na nalungkot, may ilan na nagalit, at ang iba naman ay walang pakielam at gusto lang maki-tsismis.





Ang pinakahihintay lang ng lahat ay ang pagpapasabog ng mga military aircraft sa buong building. Siguradong magiging maganda ang magiging kinalabasan nito sa mga screen ng kanilang mga gadgets, dahil gabi na ngayon at mas visible sa kanila ang pagliyab ng buong building.





"The mission command team will send signals to the military aircraft to drop the bombs."




 
"Securing the area is complete, sir."
 




Agad na pinaikot ng mga piloto ang gamit nilang aircraft at hinanda ang kanilang daliri sa pagpindot ng fire button. Napanganga na lang sa kanilang isipan ang mga nakapanood nang makita nila kung paano paikutin ng mga piloto ang aircraft na para bang may fly exhibition silang napapanood ng live.





"Commence with the mission in three..."





"Two..."





"One..."





"Fire! " 
 
 

 
 
 *BOOOOGGGGSSSHHH!* (D/N: Isipin niyo na lang na malakas na pagsabog yarn dahil naka-capslack siya, okiie?! Nyahahaha!)




*BOOOOGGGGSSSHHH!*




*BOOOOGGGGSSSHHH!*





*BOOOOGGGGSSSHHH!*




*BOOOOGGGGSSSHHH!*


"Woah! What a sight! Hahahaa!" Natatawa na komento ni Lemuel habang nakatingin sa mala-fireworks display na maitatala sa history ng capital.




 
"Did Uncle say something, cousin? Is he going to bury you alive?" Nakangising tanong ni Clive habang nang-aasar na tumingin sa pinsan niyang nakakuyom na ang kamao ngayon.


 
"Very funny! I'll remember this night, so you better get ready for my revenge!" naiinis nitong sabi habang tinuturo pa ang dalawa. Hindi niya kasi maturo sina Vance at Alexio dahil nauna silang umalis kaysa sa dalwa na gustong manood ng show.
 
 



"Alright, as if I'm scared, cousin!" Panunuya pa nito.



"I'm scared, so don't get revenge on me! Bwahahaha!" 
 




Nang makita ang reaksyon ng dalawa ay inis siyang tumalikod at naglakad papalapit sa sasakyan niya.





"I'll go home! I don't want to talk to idiots!" Nakasimangot niyang sabi bago sinara ng malakas ang pinto ng kotse. Hindi niya na rin hinintay pa na magsalita ang dalawang kumag at agad na humarurot ng takbo.





Natatawa namang napailing sina Lemuel at Clive bago sumakay sa kani-kanilang sasakyan. Naalala kasi nila na kailangan pa nga pala nilang linisin lahat ng kalat dahil sa nangyari ngayon.





"Arrgh! My brother is really amazing!" Naiiling na sabi na lang ni Clive sa sarili bago dumiretso sa headquarters nila.
 
 



HEAVENHELL'S POV
 
 


Naalimpungatan ako nang maramdaman na may gumagalaw sa paligid ko. Kaya naman agad kong dinilat ang aking mata hanggang sa natagpuan ko na lang ang sarili na nasa loob na ng hospital.





'Geez! Parang kanina lang ay nasa kotse pa kami ahh! Aiya! Mukhang napasarap yata ang pagsandal ko sa balikat ni Trider para makatulog nang hindi ko namamalayan!'





"Athy, you're awake. Are you hungry? I have soup here with me."





Napalingon ako sa may mini-sala ng kwarto nang marinig ang boses ni Trider. Doon ay nakita ko siyang nakaupo habang nagbabalat ng mansanas. Napalunok na lang ako sa magandang tanawin na nakikita.





Nakapatay kasi ang ilaw sa kwarto pero bukas ang kurtina ng malaking glass door ng balcony. Kung kaya't ang nagbibigay liwanag lang sa'min ngayon ay ang buwan at mga ilaw na galing sa iba pang building na nakapaligid sa hospital.





'Aiya! Ngayon ko lang napansin ang suot ni Trider at napakagwapo niya! Shit! Kalma, Carnelia dahil nasa hospital Kang bruha ka!'





Kinalma ko na lang ang sarili at tinignan ang kabuohan niya. Ngayon ay nasuot siya ng white polo shirt na nakatupi hanggang siko sleeves habang nakasuot ng black pants. Medyo magulo din ang buhok niya na talaga naman napaka-cute tignan.





'Ibang klaseng biyaya ang binigay sa'kin at paggising ko siya agad ang maabutan ko. Aiya! Talaga nga namang sinuswerte ako lately. Hahahaha! Ehem!'



"Yeah, I'm a bit hungry. I haven't eaten anything since the event." Sabi ko na lang habang nakahawak sa tiyan ko na kumakalam na.





Ngayon ko lang din napansin na nakasuot na ako ng hospital gown at nakatanggal na rin ang mga palamuti sa buhok ko. Geez! Mukha siguro akong sabog sa itsura ko dahil sa namumula kong pisngi at magulo kong buhok.





"I know... T–that's why I prepared this for you." Nakayuko nitong sabi na agad kong kinatingin. Bakit na-iimagine kong may tainga at buntot siya ng aso ngayon?! So cute to the point that I want to kiss him!





'Shocks, Carnelia! Maghunos dili ka sa iniisip mo kung ayaw mong matigok ng maaga! Ang landi talaga ng isip mo no?"





Nang mapagalitan ang sarili ay tsaka ako tumingin kay Trider na pawang nagulat sa sinabi niya.



"Oh, really? You did it yourself?" tanong ko. Mabilis naman siyang napayuko na parang nahihiya siyang magsabi na gawa niya nga ang soup.
 




 
"Y—yeah, but this is my first time, s–so I didn't know if it would suit your taste." Sabi niya na nakayuko pa rin. Kita ko rin na namumula ang mukha niya sa sobra sigurong hiya. Hehe!




 
"Let me taste it!" Excited ko kunong sabi habang pinapalakpak pa ang mga kamay na parang excited talaga ako. Nang hindi siya gumalaw ay tatayo na sana ako nang mabilis niya akong pinigilan.



"N–no, stay there. I'll go there myself, Athy." Agad niyang sabi bago naglakad papalapit sa'kin na may hawak na bowl ng soup. Pagkatapos ay hinila niya ang isang upuan papalapit sa tabi ng kama ko at doon umupo.





"Oh, I see! Thank you!" sabi ko na lang. Nang maamoy ang mabangong soup ay agad akong napalunok sa gutom. Yah, I want to eat now!




 
"Here, I'll take it!" Mabilis kong nilahad ang kamay ko sa harap niya para masimulan ko na ang paglamon. Ang kaso ay hindi pa rin siya gumagalaw at nakatingin lang sa'kin.


 
"Hey, give it to me." Tawag atensyon ko ulit sa kaniya nang mapansin na parang may gusto siyang sabihin.  
 




"Ahmm..."
 



"Why? Don't tell me that you suddenly realize that you don't want to give it to me?" tanong ko sa kaniya na agad niyang kinailing. Ako naman na nalilito ay napakunot na lang ng noo. Anong trip niya at ayaw niyang ibigay sa'kin ang pagkain?
 



 
"N–no, it's not that! It's just that..." Nahihiya nitong sabi na lalong namumula ngayon.





'Geez! Ako lang ba ang nawiwirduhan sa kinikilos ng Isang killing machine sa future?! You're not supposed to be like this, my Trider!!!'


 
"What? Tell me, Trider. What do you want to say? Come on, you don't have to be shy around me." Nakangiti kong sabi habang pinipilit na huwag siyang sungitan dahil talagang nagugutom na ako.



"I–I can really do that?" Paniniguro pa nito na parang batang nagtatanong sa magulang. Shit! Mukha na ba talaga akong matanda para tumingin siya sa'kin ng ganiyan?
 



 
"Yup, you can say anything you want if it's just the two of us." Paalala ko pa dahil takot ko lang na ulitin niya ang mga ginawa niya kanina sa harap ng mga young masters ng Atlante.




 
"Are you sure?" tanong niya ulit.
 



"Aha!" sang-ayon ko na lang. Kailan mo kaya balak akong pakainin, Trider no? My gosh!
 




Kanina kung umasta siya ay para talaga siyang handang makipagsapakan. Narinig ko pa nga siyang may kinausap na mga lalaki at sa tantsa ko ay tatlo sila. Hindi ko rin nakita ang mga mukha nila dahil nananantsing–este nakapikit pa ako non. Aiya.





Kaya nakakapagtaka talaga ang inaakto nitong si Trider at hindi ko maiwasang maghinala sa kaniya. Dalhin ko kaya siya kay Alexio tapos ipa-check kung may sira na ba siya sa utak. Hehe! Ang bad mo, Carnelia! Baka gusto mong maging human subject ni Alexio?!





Magrereklamo pa sana ako nang marinig ang susunod na sinabi ni Trider na kinalaki ng mata ko.





"If so, I want to feed you myself, Athy. I can do that, right?" Nakangiti niyang tanong na kinaputol ng paghinga ko. Pakiramdam ko nga nabawasan ng ilang minuto ang buhay ko dahil sa pagngiiti niya.





'M–my god! Magkakasala yata ako sa pang-aakit ng character niya sa malanding kaluluwa ko! Carnelia, kumalma ka at baka mamatay ka ng maaga dahil sa atake sa puso. Breathe in... breathe out... Okay, wala pa ring effect! Malandi ka pa rin!'



"H–huh? But my hands are okay, so you don't have to trouble yourself, Trider." Kalmado kong sabi kahit na sa loob-loob ko ay pinagalitan ko na ang sarili kong utak sa sobrang kabaliwan.
 



 
"It's no trouble for me. You don't have to worry, my lady." Nakangiti niya ring sabi na kinatango ko na lang. Nakakahiya kasi siyang tanggihan dahil feeling ko iiyak siya kapag sinabi kong hindi pwede. Aish.
 
 



"If it's okay, then do whatever you want." sabi ko na lang atsaka inayos ang pag-upo sa kama.





Nang makaayos ng upo ay mabilis niyang inihipan ang soup sa kutsara atsaka dahan-dahang nilapit sa'kin. Awkward ko namang binuka ang bibig ko at sinubo ang pinapakain niya sa'kin.





'Teka, ba't parang ang weird namang pakinggan ng word na sinubo?! O baka naman talagang madumi lang ang utak ko?'




 
"Ahmm... What time is it? Where's Pira?" Tanong ko na lang at inalis sa isipan ang mga kabalastugang naiisip.



"It's already two o'clock in the morning. A while ago, Ms. Pira and Lady Heleina went back to the mansion to prepare your necessities." seryoso niyang sagot habang iniihipan pa rin ang pagkain.





Patuloy lang siya sa ginagawa hanggang sa nawala na ang pagiging awkward sa'kin ng ginagawa niya. Ako na nga mismo ang lumalapit sa kaniya para isubo sa'kin ang dapat niyang isubo. Hehe! Ehem! I'm serious!




 
"I see. Are you going to stay here? How did you get out?" tanong ko na lang nang malunok na ang puting sabaw ng soup. Ano kayang soup 'to at pasok sa panlasa ko. Hindi naman siya mukhang sopas at lugaw na uso sa Earth. Yikes.
 



 
"I just came out secretly because I wanted to meet you, but when I knew that you were attending the event, I followed. I didn't expect you to be in danger as always, Athy." seryoso niyang sabi habang nililigpit ang bowl ng soup. Naubos ko na pala at hindi ko man lang namamalayan.




 
"Yeah, I know, and that's why you're here right? " Nakangiti ko na lang sabi nang iabot nito sa'kin ang binalatan niyang mansanas kanina. Awtomatiko kong binuksan ang bibig ko nang ilapit niya sa bibig ko ang isang slice at mabilis itong nginuya.



"Hmm... Just wait for a month, Athy, and I'll be able to stay by your side. I just need to finish the training as soon as possible and then be with you. " Nakangiti nitong sabi na kinangiti ko rin. Nakakahawa kasi ang ngiti niya na para bang hindi talaga siya mamamatay tao kung umasta.




 
"I'm waiting, so don't worry.You just have to mind your safety, okay? Your safety is far more important to me." sabi ko na lang atsaka nginuya ang mansanas na sinubo niya sa'kin.





Napatigil lang ako nang makita na napayuko siya bigla. Ngayon ay kitang-kita ko ang pamumula niya na lalong nagpangiti sa'kin. Ang cute niya talaga, nakakaasar! Mas mukha pa siyang bata kaysa sa'kin! 



"Al–alright, I'll follow what you say." Mahina nitong sabi habang nakatakip ang kamay niya sa mukha niya.





⁄(⁄ ⁄•⁄-⁄•⁄ ⁄)⁄



Pinakalma ko na naman ang sarili atsaka inalis sa isipan ang nakita kong reaksyon niya kanina. Kailangan "pure" lang ang utak mo, Carnelia. Mahiya ka naman kay Heavenhell, no?
 



"So, how long are you going to stay here?" tanong ko na lang ulit.  





"I'll leave when they arrive here. I want to stay longer, but I can't. Your brother has been paying attention to me lately. I can't risk being caught since I know that he'll trouble you for sure." seryoso nitong sabi habang nakapangalumbaba na sa kama. *Gulp*





Hindi ko na napigilan ang kamay ko at natagpuan na lang ang sarili na marahang hinahaplos ang buhok nito. Sh–shocks!
 
 


"I–I'm sorry about that." Pilit ngiti kong sabi at iaalis na sana ang kamay ko nang bigla niya 'yong hawakan at ihawak sa pisngi niya. O–oh my God! Help me!
 



"You don't have to say sorry, Athy. But I want you to remember that I always think of you, so wait for me, okay?" Seryoso niyang sabi habang hawak-hawak pa rin ang kamay ko na nasa pisngi niya.
 




"Okay." Sagot ko na lang. Natigil lang ako sa pag-iisip nang biglang bumukas ang pinto at iluwa non si Pira na mukhang napasabak sa giyera.
 



 
"Milady, are you alright?" Nag-aalala nitong tanong nang makalapit sa'kin.  
 
 


"I'm fine, but where's Heleina?" tanong ko nang mapansin g wala si Heleina. Habang nagtatanong ay pasimple ko ring tinanggal ang kamay ni Trider sa kamay ko. Ma-isyu pa naman 'tong si Pira at kung ano-ano din ang iniisip!
 


 
"Lord Caventry forbids her to go outside, so I am the only one here, my lady. I'm sorry."  Nakayuko nitong sabi.
 
 


"It's okay. Now, Trider, it's time for you to go back. Be careful!" Sabi ko na lang habang nilingon si Trider na nakasimangot na ngayon. Huh? Problema niya?



 
"Yes, Athy. Take care of her, Ms. Pira." sabi nito nang makatayo na.  
 


 
"I do. You don't have to worry." tumatangong sabi ni Pira.
 



"I'll leave now." Seryosong sabi niya atsaka lumabas ng kwarto.





Nang makalipas ang ilang minuto kong pananahimik, ay nakita ko na si Pira na naghahanda na ng kaniyang higaan sa sofa na agad ko namang pinigilan.
 


 
"Pira, go out now." Kalmado kong sabi habang pinipigilan ang panginginig ng kamay sa sobrang kaba.
 



 
"Huh? What do you mean, my lady?" nagtataka nitong tanong sa bigla kong pagbabago ng mood.




 
"Go back and leave my bag here."
 



"I–I can't do that, madam. Who will take care of you?" Nag-aalala nitong tanong na kinakunot ng noo ko.  
 



"I can take care of myself. Just came back here at eight o'clock. I want to sleep alone, and I'm not comfortable with more people in one room. Go now!" Seryoso ko nang sabi na agad niyang kinahinto. S–shit! This is not good!
 




Pasimple akong napatingin sa labas ng glass door at nakita ang ilaw na nanggagaling sa helicopter na pumalibot sa buong lugar.


"But–" 
 



"No buts, go back now to Pira." Seryoso kong sabi na agad niya namang kinatango. Halata sa mukha niya na naguguluhan siya at ayaw niya akong sundin pero wala siyang magagawa dahil ako ang boss sa'ming dalawa.
 




"A–alright, be careful, mylady." magalang nitong sabi bago lumabas ng pinto.





Nang makita na lumabas na si Pira ay dali-dali akong tumayo at inayos ang sarili. Kinakabahan talaga ako pero hindi naman siguro niya ako papatayin, no?





Dahan-dahan akong lumapit sa glass door ng balcony at halos malagutan ako ng hininga nang makita na nakatayo doon ang male lead na walang emosyong nakatingin sa'kin.





At dahil din sa ilaw na galing sa helicopter na hula ko ay sinakyan niya ay mas lalo akong kinabahan. Ikaw ba naman harapin ni Grim Reaper, sinong hindi kakabahan aber?!





"Y–young master..." tawag ko dito habang nananatili pa rin sa pwesto ko. Hindi ko kasi magalaw ang paa ko dahil feeling ko katapusan ko na!





Nang makita na ilahad ni Vile ang kaniyang kamay sa harap ko ay doon na ako kinabahan ng husto. G–gusto niya ba akong palapitin sa kaniya?! But wait... I can't!





'H–hindi niya naman siguro ako ihuhulog diba?!'
 




_________________________________________


Dem's note: May mga errors pa sa mga details na minsan ay nakakalimutan ko rin, kaya intindihin niyo muna kung meron man. The typos and grammatical errors are also there since the writer is not perfect! Thank you!

واصل القراءة

ستعجبك أيضاً

260K 10K 66
For Sebastian Lerwick, being a good father, a loving husband, and a loyal member of the mafia are his top priorities. But when he's given a mission t...