Elemental Kingdoms: The Rule...

By RinkakuMayo

2.4M 78.4K 9.3K

In order to maintain the balance of this world, there's a rule to be followed. Don't fall in love with someon... More

INTRODUCTION
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
DREAME come true🥰
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
OMG! WE ARE ON THE "WHAT'S HOT!"
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 36
Miss Ai's Note♡
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
What is the meaning of Prophecy?
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue
Thanks Giving
BOOK II ♡
Miss Ai's echoserang Note ✌

Chapter 35

33K 1.1K 227
By RinkakuMayo

Fire's POV

Noon, kaya kong itago ang nararamdaman ko. Madalas pa nga na sinasabihan ako nina Thea na manhid at walang pakielam to think na ang soul innate power ko ay ang makaramdam ng nararamdaman ng ibang tao kung gugustuhin ko.

Kasalukuyan kaming naglalakad ni Aria pabalik sa dorm house namin. This will be her last night of staying with us. With me. Tomorrow, she'll be transfered to another dorm house. Gusto ko sana na ako na lang ang lumipat para hindi na siya mahirapan na mag-adjust ulit pero mukhang iba yata ang plano nina Heiro.

She's quiet at this moment. Hindi ko alam kung ano'ng tumatakbo sa utak niya sa mga oras na 'to. For the first time, I have wished na sana sa akin na lang napunta ang soul innate power ni Kai na makabasa ng isip.

"Aria," I called her name. She didn't bother to look at me but she answered, "Bakit?"

Nakatitig ako sa kaniya habang naglalakad kami. Hindi ko alam kung iniiwasan niya ba ang mga tingin ko o sadyang wala siyang pakielam na tinitingnan ko siya.

"Kung gusto mo, ako na lang ang lilipat sa ibang grupo para hindi ka na mahirapan na makisama sa iba," I said. I was expecting that she'll agree. I was expecting her to jump because she's glad that she doesn't have to move to another dorm house anymore. I was expecting that because she can't contain her happiness, she'll shout and will unconciously hug me. I have assumed those things on my mind but none of those things happened.

"Okay lang sa akin. Salamat na lang," she replied without looking at me. I stopped from walking but she didn't mind me. Hindi man lang siya tumigil sa paglalakad. I have this urge to run after her and grab her hand and encircled her in my arms. Pero alam ko na kapag ginawa ko 'yon, lalo na namang lalala ang sitwasyon namin. Ayaw kong nakikitang nahihirapan si Aria. Ayaw kong nakikita na parang hindi na niya alam ang gagawin niya. Since the time that I admitted my feelings for her, she started to suffer a lot. And it hurts me more to hurt her.

Hinayaan ko siyang maglakad. Hindi ko siya sinundan pero nanatili akong nakatitig sa kaniya. Kailangan ko na sigurong sanayin ang sarili ko sa ganito. Iyon bang, hanggang tingin na lang ang pwede kong gawin. Hanggang sa malayo ko na lang siya pwedeng mahalin. Hanggang sa ganitong paraan na lang.

Tatalikod na sana ako para pumunta sa ibang direksyon na patungo sa Green Forest pero bigla akong natigil noong sumigaw si Aria.

"Fire!" I looked back. Hindi ko alam kung bakit nakikita ko sa mukha niya na parang gusto niyang umiyak. Alam kong gusto niya akong lapitan. Alam kong gusto niya akong kausapin pero alam ko rin na may pumipigil sa kaniya.

"Bakit?" I asked. Siguro ay mga tatlong metro ang layo namin sa isa't-isa. Wala na akong nakikitang estudyante sa mga oras na 'to. Tumagal yata kami kanina sa Elemental Head's office kaya naman kami na lang ang nandito sa labas.

"Nakakainis ka!" she shouted. I've frowned after hearing what she said. Nakakainis ako? Bakit? What did I do this time? I asked myself. Nanatili akong nakatingin sa kaniya. Just like the usual, pinipigilan na lang niya ang umiyak. Ramdam ko naman ang bigat at sakit na nararamdaman niya e. Ipinapakita ko lang na hindi ko ramdam. Ipinapakita ko lang na wala akong pakielam at hindi ako nasasaktan pero lahat ng ipinapakita ko ay kabaligtaran ng kung ano ang totoong nararamdaman ko. Aria, I'm sorry.

"Bwisit ka talaga! Leche ka! Walang hiya ka! Talipandas ka talaga! Nakakainis ka!" Sunod-sunod na pagsigaw niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nasasaktan sa sinasabi niya na walang hiya ako, na bwisit ako o na nakakainis ako. Nasasaktan ako kasi nakikita ko kung gaano ko siya nasasaktan.

"Sana kasi hindi mo na lang sinabi na mahal mo ako! Sana kasi hindi ka na lang biglang sumulpot sa kwarto ko at dinala mo pa ako sa secret place mo kasama ang dragon mo na si Nagi! Sana kasi hindi ka na lang naging epal na hahalikan na lang ako nang walang pasabi! Sana kasi dineadma mo na lang ako! Edi sana hindi ganito kahirap! Edi sana, hindi ganito kasakit! Nakakainis ka talaga! Sana talaga, hindi na lang kita minahal! Ay hindi! Mali. Sana pala, hindi na lang kita nakilala!"

Her statement slowly kills my soul. Pakiramdam ko, sinaksak ako ng mga salita na nagmula sa bibig niya. Pakiramdam ko, kasalanan ko kung bakit siya nahihirapan at nasasaktan. I am not able to say any word. Nakatayo lang ako at mataman siyang tinititigan. She's looking at me intently. Her ash eyes are showing the pain that she's feeling at this moment.

"Ano?! Wala ka man lang bang sasabihin?! Ganiyan ka ba talaga? Trip mo lang naman yata na paglaruan ako e! Ganiyan ba kayo dito? Basta-basta na lang na magsasabi ng I love you tapos ano? Wala na? Parang walang nangyari? Gano'n?! Ay ang taray! Sa mundo ng mga tao, isang katarantaduhan ang ganiyang gawain, Fire! Leche ka!" This time, her tears started to fall. Gusto ko siyang lapitan at punasan ang mga luha niya. Gusto ko siyang yakapin at sabihin sa kaniya na totoong mahal ko siya. Gusto ko siyang halikan para malaman niya kung gaano rin ako nahihirapan sa sitwasyon naming dalawa. Gustong-gusto ko. Pero hindi pwede. Hindi dapat.

"'Wag ka nang lalapit sa akin kahit kailan, Fire. 'Wag mo nang susubukan na iligtas ako sa kahit na anong kapahamakan na pwedeng mangyari sa akin dito. 'Wag mo nang ipaparamdam sa akin na mahalaga ako sa'yo. Simula bukas, 'wag na 'wag mo na akong paaasahin na mahal mo ako," she said before she disappeared.

I widened my eyes and my heart started to pound so hard. Bigla akong nataranta. Nagteleport si Aria?! Sa sobrang kaba ko, nagteleport ako papunta sa dorm house namin. I assumed that I'll be seeing her inside her room.

Naabutan ko sina Thea, Kai, Tyrone, Gale at Derreck na nag-uusap sa sala. They all looked at me when they saw me suddenly popped inside the room.

"Fire?! Ano'ng nangyari? Ano'ng sinabi nina Heiro?" Thea asked. Halata ang kaba at pag-aalala sa mukha niya. Thea is a typical kind of girl that's transparent of what she's feeling. Napatayo na rin sina Tyrone at lumapit sa akin.

"Nasaan si Aria?" Tyrone asked. He looks so worried. Siguro ay hindi rin siya mapakali sa pwedeng mangyari sa amin ni Aria.

Wala akong sinagot sa mga tanong nila. Kumatok ako sa kwarto ni Aria pero walang sumasagot. I tried to knock again. Ayaw ko munang magteleport dahil baka mamaya, nandiyan pala siya sa loob at ayaw niya lang akong makita.

"Aria, nandiyan ka ba?!" I shouted while knocking still on her door.

"Aria, just answer me!" sigaw ko ulit. Nararamdaman ko na nakatingin lang sa akin sina Kai. Oblivious sa kung ano ba ang nangyayari sa amin ni Aria.

"Fire, what are you doing?" Thea asked. Shit! Nasaan ka na, Aria?!

Kinakabahan ako. Natatakot ako kaya naman nagteleport na ako papunta sa kwarto niya.

Lalo akong kinabahan nang hindi ko siya nakita sa kwarto niya. Sinubukan ko rin na tingnan ang banyo niya pero wala rin siya doon. This is not good.

Nagmadali akong lumabas sa kwarto ni Aria. Paglabas ko ay nakaabang sa akin sina Kai. Halata pa rin na nalilito sila sa ikinikilos ko.

"Ano'ng nangyayari, Fire? Nasaan si Aria?" he calmly asked. Isa-isa ko silang tiningnan at nakita ko na unti-unti na rin silang kinakabahan.

"Hindi ko alam kung nasaan siya. Nag-uusap kami kanina no'ng bigla siyang nagteleport at--" Bigla ko na lamang nalasahan ang dugo sa labi ko noong sinuntok ako ni Tyrone. Ang nakakatawa ay hindi ko man lang maramdaman na nasaktan ako sa pagsuntok niya sa akin.

"Tangna ka, Fire! Ano na naman ba ang ginawa mo kay Aria?!" he angrily asked. Biglang humangin sa loob ng silid namin. Isa-isang nalaglag ang mga nakasabit na litrato sa palibot ng silid na ito.

"Paanong hindi mo alam kung nasaan si Aria?!" Lumapit siya sa akin at sinuntok ulit ako. Lalong lumakas ang hangin. Hindi ako gumanti sa suntok niya dahil kahit paano ay alam ko na tama lang sa akin 'to. Tama lang sa akin na suntukin ng isang lalaking nagmamahal din kay Aria. Susuntukin niya sana ulit ako pero pinigilan siya nina Kai at Derreck.

"Ty, stop it!" Thea exclaimed. Lumapit sa akin si Thea at hinawakan ang sugat ko sa labi.

"Walang mangyayari kung mag-aaway kayong dalawa! You'll just worsen the situation!" she shouted before she looked at me.

"Are you okay? Let me heal your wound," she said. May tubig na pumunta sa kamay ni Thea. Galing ito sa gripo na nasa sink and she started to heal my wound.

"Gago kasi 'yang lalaki na 'yan e! Ang hilig manakit! Hoy, ikaw! 'Wag na 'wag mo nang lalapitan si Aria! Mahal ka niya tapos ano'ng ginagawa mo?! Kung ganyan lang naman ang kayang idulot ng kagaguhang pagmamahal mo sa kaniya, tumigil ka na!" Tyrone said before he slammed the door and left. Doon lang nawala ang malakas na hangin sa loob ng silid namin.

Tinulungan ako ni Kai na tumayo pero inialis ko ang kamay niya na umaalalay sa akin at naglakad ako papunta sa pinto.

"Fire, saan ka pupunta?!" Thea asked. I stopped from walking and faced them.

"Hahanapin ko si Aria," I said before I closed the door and left.

Aria's POV

Leche! Nasaan na ba ako? Hanuba! Nag-eemote lang naman ako. Bakit dito ako napunta? Ano 'tong lugar na 'to? Madilim. Maraming puno. At ang nakakaloka ay talagang ang lakas ng hangin. 'Yong totoo? Nasa Insidious na ba ako?! Baka mamaya bigla na lang may maligno na kumuha sa akin dito. Bakit ka ba kasi nagteleport, Aria?! Feeling mo talaga ay master na master mo na ang pagteleport?

Ang totoo niyan, inisip ko lang kanina na mapunta sa lugar na malayo kay Fire. Ayaw ko na kasing makipagbatuhan ng mga makabasag apdo na litanya sa kaniya kasi nagmumukha lang akong sira-ulo dahil wala naman siyang sinasabi. Nakakaloka! Para akong nakipag-usap sa puno. Buti pa si Kai, naiintindihan niya ang response ng nature sa kaniya. E paano naman daw ako?

Bwisit talaga! Naiiyak na naman ako. Ang gusto ko lang naman, magalit siya kasi lilipat na ako sa ibang grupo. Hindi na kami magkakasama. Baka nga sa sobrang lawak ng Yoso ay bihira na rin kaming magkita. Ang gusto ko lang naman ay makakitaan ko siya ng kahit katiting na pag-disagree sa balak na pagpapatapon sa akin nina Heiro sa ibang dorm house. Ang taray! Pagpapatapon talaga, Aria?!

"Bwisit ka talaga, Fire! Feel na feel mo talagang saktan ang beauty ko na sobrang stressed na sa mga kalokohan mo! Para kang sira! Minsan mahal mo ako, madalas hindi. Minsan nasasaktan ka, madalas hindi. Minsan pakiramdam ko, ayaw mo akong mawala pero madalas, okay lang sa'yo. Ano ba talaga?! Nakakagago kang leche ka!" Ito na naman ang mga luha kong epal. Feeling ko talaga ay may chance na akong maging artista dahil sa mga kadramahan kong taglay sa katawan. Pati luha ko ay talagang nakikipag-cooperate ng bongga. Complete package talaga ang mga pag-iinarte ko ngayon. Nakakainis!

"Sana man lang, tumutol ka sa gusto ni Heiro! Sana pinigilan mo siya! 'Di ba nga, ayaw mong lumalapit sa akin si Zep?! 'Di ba ayaw mo na hawakan niya ako? 'Di ba?! E bakit ka pumayag?!" Halos maputol na ang ugat sa leeg ko dahil sa pagsigaw ko ng mga hinanakit ko kay Fire. Ang taray ng lugar na 'to. Mukhang walang makakarinig sa akin. Pati yata mga ibon ay wala dito. Tanging mga puno lang na masyadong creepy ang itsura. 'Yong mga puno na parang any minute ay gagalaw at lalakad papunta sa'yo tapos hahampasin ka o kaya naman ay iwawasiwas. Ang sakit sa talampakan ng mga naiisip mo, Aria!

"Nasaan na ba ako? Anong kagubatan ba ito? Parte pa ba ng Yoso 'to?" I mumbled. Baka mamaya, bigla na lang may sumagot sa akin dito. Nako po! Tatumbling ako pabalik sa pinanggalingan ko.

Assumera na naman ba ako kung iisipin ko na sa mga oras na ito ay baka nagpaplanking na si Fire dahil sa pag-alala niya sa akin? Assuming ba ako kung pakiramdam ko ay hinahanap niya ako? Oo, assumerang palaka ka nga talaga, Aria.

Nakakainis naman! Baka mamaya, naghihintay ako na dumating siya dito tapos 'yon pala ay galak na galak na siyang nahihimbing sa pagtulog niya sa mga oras na 'to? Baka mamaya, asa ako nang asa na bigla siyang susulpot dito dahil hinahanap niya ako pero 'yon pala ay wala siyang pake? Ay jusme! Ang sakit sa ribs ng mga naiisip ko. Pakiramdam ko ay nagsasapakan na ang brain cells ko.

Minsan naisip ko, paano kaya kung hindi ko nakilala si Fire? Paano kung hindi ako naging elemental person? O kaya naman, paano kung hindi ako anak ni Aire? Siguro, hindi magiging ganito ang sitwasyon ko ngayon.

Bigla kong hinawakan ang kwintas na suot ko. Mukha lang ni Mama at mukha ko ang nakikita ko dito. Hanggang ngayon ay hindi mag-sink in sa puro air particles ko na utak kung paanong nakatago sa ganitong kwintas ang air stone. At ang nakakaloka ay talagang ako ang target na patayin agad ni Valgemon. Excited yata siya sa pagpanaw ko sa mundong ito. Psh!

Isa pa sa mga nakakakulot ng bangs ay ang katotohanan na may ginagamit si Valgemon sa Yoso na papatay sa akin. Ni wala man lang akong idea kung sino ang pwedeng gamitin niya.

"Hindi kaya si Nuraya talaga? Kunwari lang na hindi niya alam na may naglagay ng spell sa palaso ng pana niya pero ang totoo ay siya rin pala iyon?" Ano ka ba naman, Aria! Bakit naman gagawin ni Nuraya sa'yo 'yon? Kasi maganda ako. Kasi ako ang mahal ni Fire. Ay ang taray! Hashtag AssumingKaAria! Pero hindi e. Parang hindi ko naman feel na galit sa akin si Nuraya.

Teka, hindi kaya si Shebah?!

Oo nga ano?! Matagal nang maitim ang budhi ni Shebah pagdating sa akin. Baka nga siya! Tapos nagbabait-baitan siya ngayon para kapag close na kami, saka niya ako papatayin. Gano'n ang mga napapanood ko noon e. Kakaibiganin ng kontrabida ang bida tapos saka niya gagawin ang masama niyang balak. Kakapanood mo ng kung ano-anong action movies, Aria, ayan at ganyan na ang tumatakbo sa isipan mo! Seryoso? Pati talaga si Shebah?

"Pero parang hindi naman yata gagawin ni Shebah 'yon. Ang hirap kayang imanipulate ni Shebah. Kahit likas na niyang paborito ang itim, hindi naman siguro siya ang ginagamit ni Valgemon sa pagpapalaganap ng kadiliman," I mumbled.

Kung sino man 'yong ginagamit niya, siguradong malapit 'yon sa amin nina Fire. Kasi nalagyan niya ng spell ang pana ni Nuraya nang walang nakakapansin? Edi ibig sabihin lang ay talagang kilala na namin kung sino 'yon. Dapat na lang naming alamin kung sino sa mga kilala namin ang gustong pumatay sa akin. Jusko! Gumagana na talaga ang neurons mo Aria! May magandang dulot din pala sa iyo ang pagiging broken hearted. Siguro ay insecure 'yon sa kagandahan ko kaya gusto na niya akong mag rest in peace. Nakakaloka.

Naisip ko rin na, siguro kung hindi namin nilabag ni Fire ang rule, walang ganitong kaguluhan sa Elemental World. Siguro, hindi napasok ng kapangyarihan ni Valgemon ang Yoso. Siguro, hindi manganganib ang kagandahan ko.

Sana, pwedeng ibalik 'yong nakaraan. 'Yong panahon na kakakilala ko palang kay Fire. Kapag nangyari 'yon, hindi ko na hahayaan ang sarili ko na mahalin siya. Para hindi na rin kami mahirapan at masaktan pa.

"Sana nandito si Trifina. Sana alisin niya lahat ng alaala ko kay Fire para hindi na ako nasasaktan. At least 'di ba, wala na akong pake? Sana talaga totoo si Trifina!" Ano ka ba, Aria? Ano ba yang hinihiling mo?! Sure ka ba na gusto mo nang kalimutan si Fire?!

Gusto ko. Gusto ko na ayaw ko. Gusto ko kasi ayaw ko na nang ganito. Sino ba naman kasi ang may gusto na masaktan na lang palagi, 'di ba? Hindi naman ako masokista. Kung hindi talaga kami pwede ni Fire, sana makalimutan ko na lang siya.

"Trifina, kung naririnig mo ako at kung nandito ka man sa gubat na 'to, alisin mo lahat ng alaala ko kay Fire! Lahat ng masasaya at masasakit na alaala. Gusto ko na siyang kalimutan. Gusto ko nang alisin lahat ng alaala na meron kaming dalawa. Ayaw ko na." Bigla akong umiyak pagkatapos ko 'yong sabihin.

"Sawa na ako sa ganito. Paulit-ulit na lang. Habang tumatagal, mas lalong sumasakit. Habang mas lalong ipinagbabawal, mas lalo ko siyang minamahal. Paano ako makakamove on kung gano'n? Paano ko siya kalilimutan nang ako lang? Paano ko iyon gagawin kung ang lagi kong gusto ay ang makita at makasama siya?! Nakakainis na ang ganito! Ayaw ko na!"

May part sa akin na totoong gusto ko ng kalimutan si Fire. Pero may part din sa akin na sinasabi ko lang 'to dahil nasasaktan ako. Iyon bang, nakakapagsalita ka ng mga bagay na hindi mo naman intensiyon na sabihin pero dahil sa sobrang sakit na nararamdaman mo ay bigla na lang lumalabas sa bibig mo. Ganito ang nararamdaman ko ngayon. Iyon bang ngayon ay ayaw ko na pero bukas, iba na naman. Babalik na naman ako sa pagpapantasya ko na magiging kami rin ni Fire. Kaya nga kung totoo man ang alamat ng kambal na gubat, gusto kong makita si Trifina para alisin na niya lahat ng alaala ko kay Fire. Kung totoo man siya, sana magpakita siya sa akin.

Ilang minuto akong nanatiling nakaupo sa ugat ng isang puno. Medyo gumagaan na rin ang pakiramdam ko matapos kong isigaw ang kaampalayan ko kay Fire.

Pakiramdam ko ay ang tagal ko nang nagmumuni-muni kaya naman tumayo na ako. Ready na sana akong magteleport. As in, nakapikit na ako at talagang nagcoconcentrate na ako sa pagpunta ko sa kwarto ko.

Pero bigla kong naimulat ang mga mata ko noong may nakita akong liwanag sa kabilang bahagi ng gubat at isang babae na nakaputi ang lumabas na nakalutang mula sa kakahuyan. Ay putspa! Uso ang white lady dito?!

Bigla akong nataranta. Hindi ko alam kung ano ba ang gagawin ko. Babatuhin ko ba ang babae na ito na palutang-lutang sa ere na unti-unting lumalapit sa akin o sisigaw ako at hihingi ng tulong kahit na alam ko naman na walang makakarinig sa akin? Saan ba kasi ako napunta?! Bakit walang ibang tao dito?!

Napapikit ako ng mga mata ko noong nasa harapan ko na siya. Jusko! Ang bongga ng white lady nila dito! Ang ganda. Masyadong malayo kumpara sa mga itsura ng white lady sa mundo ng mga tao na parang may black eye at may dugo pa. Dito, ang white lady ay parang diwata!

"Utang na loob lang 'wag mo akong saniban! Oo na, maganda ka na pero mahina ang katawan ko at baka hindi ko kayanin kung sasaniban mo ako! Hindi ako ang makakatulong sa misyon mo na hindi mo natapos sa mundo. Hindi ako!" Bigla na lang 'yon lumabas sa bibig ko. Iniisip ko kasi na gano'n ang mga eksena na napapanood ko kung bakit nagpapakita ang mga multo. Kasi may misyon sila na hindi nila natapos kaya kailangan nila ang isang buhay na tao para saniban nila. 'Di ba, gano'n naman 'yon?

"Hindi ko sinasadya na nagambala ko ang nananahimik mong kaluluwa sa gubat na 'to. Gusto ko lang naman na magrelease ng stress e!" Wala akong narinig na sagot mula sa kaniya kaya naman dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Napalunok ako noong nakaupo na siya sa isang sanga ng puno na nasa tapat ko. Nakatitig siya sa akin at bigla siyang ngumiti. Susmarya! Kung ganito lang ang multo ay baka maging favorite ko na ang horror.

"Narinig ko ang lahat ng sinabi mo," she said. Ang amo ng boses niya. Masyadong mahinhin na akala mo ay sumanib sa kaniya si Maria Clara. Pero teka, narinig niya ang mga sinabi ko kanina?!

"Sino ka ba? Multo ka ba o ano? Bakit ka nandito sa gubat na 'to?" Sunod-sunod na tanong ko sa kaniya. Bigla na naman siyang lumutang at lumapit sa akin. Bigla akong nanlamig noong nagsalita siya at sinabi kung sino siya.

"Ako si Trifina. Ang diwata ng gubat na ito," she said. Lechugas! Seryoso?! Si Trifina ito?! Ibig sabihin, totoo ang alamat?!

Bigla akong nahilo. Parang umiikot ang paligid at napaluhod ako sa lupa. Sumakit ang ulo ko at unti-unting nagflashback lahat ng ala-ala namin ni Fire. Simula noong unang araw na nagkabanggaan kami hanggang sa mga nangyari kanina bago ako nagteleport. Langya! Anong nangyayari?! Parang binibiyak ang ulo ko!

Hindi ko na maimulat ang mga mata ko. Sobrang sakit ng ulo ko. Narinig ko pa ang huling sinabi ni Trifina bago ako tuluyang mawalan ng malay...

"There are memories that are worthy to keep but there are some that are worthy to forget. Now that your heart has started to break, your wish about forgetting someone will be granted."





Miss Ai

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 202K 149
Guillier Academy is not your typical school. Hindi ito gaya ng ordinaryong eskwelahan na nakafocus sa academics and sports but it focus on enhancing...
1.1M 29.9K 75
[Trinnity High 1st Series] Madness lies within us all. Welcome to Hell.
1.2M 35.9K 46
[BOOK 1] A school where magic lives, and where impossible things happen. Fantasy turns into reality. Impossible becomes possible. Light and Dark. Th...
1.4M 95K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.