Miss Cleomonte's Slave

By LuciousGracious

2M 78K 47.6K

(Montegery International Elite Series 1) *** "Be my slave." She said as she looked at me with no emotion vis... More

DISCLAIMER
Note
Teaser
Cast
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
💫 Izzaaa Frank 💫
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six
Chapter Forty Seven
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty
Chapter Fifty One
Chapter Fifty Two
Chapter Fifty Three
Chapter Fifty Four
Chapter Fifty Five
Chapter Fifty Six
Chapter Fifty Seven
Chapter Fifty Eight
Chapter Fifty Nine
Chapter Sixty
Chapter Sixty One
Chapter Sixty Two
Chapter Sixty Three
Chapter Sixty Four
Chapter Sixty Five
Epilogue
Special Bonus Chapter
Special Bonus Chapter II - Taxi 2.0
Special Bonus Chapter - III
Super Special Last Chapter

Chapter Twelve

30.4K 1.2K 502
By LuciousGracious

Yves's pov




"Ay weeehhh? Hindi ngaaaa!?" Hindi maka paniwalang tanong ni Mon. Tumango tango naman ako at nag iwas ng tingin habang namumula ang pisnge.

"Omg! I'm so happy for you. Finally wala na kayo sa puder ng leche mong Tita at Tito, no offense ha." Saad naman ni Keoni. I told them about me and Miss Cleomonte dahil kinulit nila ako about sa nangyari nung last na sinundo namin si Yuan.

Napapansin nadin naman daw nila yun lalo na nung nag mall kami kasama si Miss Laurel dahil ang territorial ni Miss Cleomonte sa akin at bantay sarado daw talaga ako lalo na pag may napapatingin sa akin at kahit daw kay Miss Laurel ay halatang nag seselos.

Parang nabunot tuloy yung tinik sa lalamunan ko dahil wala na akong secret sa kanila at may mapapag sabihan na ako tungkol sa amin ni Miss Cleomonte. Malay niyo bigla akong ipatapon sa pacific ocean diba? Para may nakaka alam if ever tsaka I trust them naman eh, I'm sure wala silang pag sasabihan na iba.

"Do you guys want to go to the mall or let's just hang out here?" Monique asked and looked around for some interesting booth na pwede namin I-try.

Simula na ng intramurals namin kaya para lang kaming tanga nila Keoni na pauli uli dito sa school. Wala din namang pasok dahil busy sa sports at booths ang lahat.

"Dito nalang tayo, may gusto akong gawin eh. It's payback time." Nakangisi namang turan ni Keoni at hinila kami patayo ni Monique.

"Gago saan mo nanaman kami dadalhin?" Bored kong tanong sa kaniya dahil halos kakaupo lang namin. Nanggaling kami sa just dance na booth kanina kaya pagod kami dahil nag sayaw kami dun.

Hindi kami nito sinagot at luminga linga lang na parang may hinahanap. Nasa third floor na kami, galing kaming rooftop kanina.

Kita naming napangiti si Keoni habang nakatingin sa may baba kaya sinilip namin kung anong tinitingnan niya.

It's Miss Laurel talking to other professors while walking toward the gym.

"I love you Miss Dionne Laurel!!" Sigaw ni Keoni at nag mamadali kaming hinila ni Monique patago.

"Aray! Dahan sa pag higit deputa tanggal braso ko!" Reklamo ni Mon at binatukan si Keoni. Tatawa tawa naman itong tumingin sa amin bago sumilip ulit at nag tago.

"Did you see her reaction?" Nakangisi nitong tanong. Sinimangutan naman namin siya at sabay na binatukan.

"Diba hinila mo kami? Paano namin makikita aber?" Irap ko sa kaniya. Para kasing tanga, ang lakas ng loob na sumigaw sigaw tapos tatakbo naman pala. Parang naka buntis lang tapos hindi pinanindigan, jusko dinadamay pa kami sa kalokohan niya.

"Tara sundan natin tapos sigaw ulit ak---"

"Wag mo kaming idamay sa ka-abnormalan mo Keoni ha. Namumuro kana sa'kin!" Monique irritatedly said and glared at Keoni who pouted.

"Gusto ko lang naman gumanti sa pag pipiga niya sa braincells ko lagi sa subject niya." Keoni said but Mon only rolled her eyes.

"Kung gusto mo ikaw nalang beh, kakain nalang ako sa baba."

Lumingon naman ito sa akin. "Ikaw nalang Yves, samaha---"

"Wag ako Keoni, baka mamaya mapag kamalan pa ni Miss Cleomonte na ako yung nasigaw, jusko ayokong mag karoon ng punishment lalo na't intrams ngayon." Putol ko sa kaniya kaya napasimangot siya.

"Ang Kj niyo." Reklamo nito at naunang bumaba sa amin kaya napatawa kami ni Mon dahil para nanaman siyang batang nag tatampo.

"Tara n--"

"Are you Yves Keller and Monique Laurel?" Biglang sulpot ng babaeng naka suot ng parang criminology na uniform.

"Yes.. why?" Takang tanong ko. Bigla naman nila kaming pinosasan at nilagyan ng piring sa mata.

"Hey! What's going on?" I heard Monique ask them.

"Sorry po utos po 'to ni Miss Keoni, naka salubong po namin. Pinapahuli niya po kayong dalawa dahil fake friends daw po kayo." Paliwanag ng isa.

Patay ka talaga sa'kin mamaya Keoni, gagawin kitang longganisa.

Naramdaman ko'ng inalalayan nila ako papunta sa kung saan. Rinig ko pa ang pag angal ni Mon pero mukang hindi naman nakikinig itong mga humuli sa amin.

"Paano kami makakaalis dito?" Tanong ko.

"Kapag po may tumubos na sa inyo. Yung tutubos po sa inyo ay makakadate niyo po for one day." Someone answered me and I frown.

"What if we don't want to date that person? Pwede bang manatili nalang sa loob ng prison?" Muli kong tanong.

Naalala ko kasing may isa akong selosang Master Elsa este Master Cleomonte pala na nag bibigay ng parusa kapag hindi nagugustuhan ang ginagawa ko. Mahirap na, iwas na iwas pa naman akong maparusahan ngayon.

"Pwede po kaso po isang chance lang po ang ibibigay sa inyo na tanggihan ang tutubos sa inyo. Kapag nagamit niyo na po ang chance na yun ay hindi na kayo pwedeng humindi sa next na tutubos sa inyo." Pag papaliwanag ulit nito kaya medyo natuwa ako.

Ngayon ang need ko lang ay mag dasal na sana ay walang tumubos sa akin. Bahala na kung mag hapon akong nasa loob ng jail nila basta walang punishment na matatanggap.

"We're here na po." I heard someone say and remove the blindfold and the handcuffs.

Iminulat ko ang mata ko at agad iyong iginala para hanapin si Mon pero nagulat ako ng mag isa lang ako sa maliit na kwartong gawa sa karton.

Medyo ang creepy kasi walang kahit anong butas ito bukod lang sa isang parang pinto kung saan kami pumasok kanina. Maririnig mo din ang ingay mula sa labas.

"Asaan yung mga kasama ko? Tsaka si Monique? Bakit ako lang mag isa?" Tanong ko sa babaeng nag dala sa akin dito bago pa niya ako maiwan sa loob.

"Ahh nasa kabilang room lang din po. Hindi po kasi pwedeng ipag sama sama." Sagot nito at iniwan na ako.

Hala. Now what am I supposed to do here? Pansin ko kasing wala yung bag ko, nasa loob kasi nun ang phone ko kaya for sure mabobored talaga ako dito.

Naupo nalang ako at ipinikit ang aking mata bago mahinang kumanta para mailabang ng kaonti.

Pero walang effect, naka ilang kanta na ako at bored na bored na talaga ako. Hihiga, uupo, kakanta at sasayaw sayaw lang ang ginagawa ko para aliwin ang sarili ko pero no effect mga mars. Binabawi ko na yung sinabi ko kaninang kaya kong tumagal dito kahit hanggang mamayang hapon. Lintek na presinto 'to mababaliw ako ng maaga, wala akong makitang kahit ano.

Can someone pleassssseeeee tubos tubos me naaaa??

Kapag nakita ko talaga iyang bwiset na Keoni na yun babalatan ko talaga siya na parang saging.

May narinig akong mahinang katok kasabay ng pag bukas ng pinto na gawa din sa karton.

"Thank God! Sinong tumubos sa akin? Babae or lalaki?" Agad kong tanong. Bahala na si batman sa magiging punishment ko pero need ko na lumabas dito.

Nakaka baliw pala sa ganito. Fudge.

"Lalaki po. His name is Trevor Pangilinan po. Would you like to accept his offer po or decline?" The girl said and smile widely at me na parang kinikilig ng banggitin niya ang pangalan ni Trevor.

Shocks.. si Trevor. Bakit si Trevor pa?

Simula kasi nung sinabi nila na may gusto sa akin si Trevor ay umiiwas na ako sa kaniya. Hindi na ako sumasama kapag nag aaya siyang mag sine or kumain sa labas. Sa banda nalang talaga kami nag kakasama ng matagal kapag may gig kami sa night harbour. Ayaw ko kasing isipin niya na may chance siya sa akin, kaya habang maaga pa ay umiwas na.

Nag isip ako sandali habang nakangiti lang yung babae sa akin at hinihintay ang sagot ko.

Pwede ko naman I accept pero ayoko naman siyang maka date pati baka akalain niya gusto ko din makadate siya if ever na pumayag akong tubosin niya ako.

I know that he's my friend pero...

"No. I decline. Pasabi naka tulog ako dito sa loob." Kakamot kamot sa ulo kong sabi sa babae. Bahagya naman siyang napatawa at tinanguan nalang ako.

Haish, now I have to wait nalang talaga na mag uwian para makalabas ako dito. Kamusta na kaya si Mon? Natubos na kaya siya?

My thoughts got interrupted when someone knock. The girl from earlier look at me apologetically.

"Ang malas mo Ate." She said kaya napa kunot ang noo ko.

"Bakit? Anyare?"

"You can't decline na po dahil nagamit niyo na yung chance niyo kanina pero Ate I will make an exception for you po if you want." Sagot nito at napalabi pa. Nag tataka ko lang siyang tiningnan.

"Bakit? Sino bang tumubos sa akin?" Curious kong tanong. Is that person bad ba kaya ganyan reaction niya?

"Si Miss Sungit po este Miss Cleomonte po. Kaya Ate bigyan kita isa pang chance na mag decline, sabi kasi niya may ipapagawa siyang paper works sa inyo. Kawawa naman po kayo kasi hindi niyo maeenjo--"

"It's okay. I don't need another chance." Agad kong putol sa kaniya. Nag tataka niya lang akong tiningnan.

"Sure ka po Ate? Si Miss Cleomonte yung tutubos po sa inyo." Pag uulit niya. I nod at her at inayos ang buhok ko.

"Hala ang weird mo Ate, hindi ka natatakot po dun? Ang terror kaya nun." She asked and i laugh.

"Hindi na, immune na ako sa pagiging terror niya." Sagot ko at kinindatan siya.

"Omg, crush mo ba po siya?" Tanong nito na ngayon ay parang tila kinikilig na.

"Gagieks... hindi. Palabasin mo na nga lang ako, marites 'to." Tugon ko at nag iwas ng tingin dahil ramdam ko ang pamumula ng pisnge ko.

Nginitian niya ako ng makahulogan bago ako pinalabas sa jail na ginawa nila. Napatingin ako sa paligid na parang naninibago dahil halos mag dadalawang oras din ata akong puro karton na pader ang nakikita.

"Tsk, stupid. Are you looking for someone?" A cold voice asked. Hindi ko naman siya nilingon.

"Yup. I was looking for this gorgeous woman who bailed me out. They said that she's smoking hot." Sagot ko at lihim na napangiti ng lingonin ko siya.

Mag kasalubong lang naman ang kilay niya at ang sama ng tingin sa akin. Parang gusto na ata akong lapain ng buhay.

"I'm the one who bailed you out, stupid!" Irita nitong turan.

Pabiro ko siyang tiningnan mula ulo hanggang paa at kunyareng napangiwi. "Ikaw na pala po yun? Medyo disappointi---Aray ko naman! Napaka brutal nito."

Pinitik lang naman niya ang bibig ko kaya napasimangot ako.

"Nag bibiro lang naman ako." I muttered but she's still glaring at me.

"Tsk. Idiot. Follow me," Utos nito at naunang mag lakad kung saan.

"Mag dedate po ba tayo Ma'am?" I asked, sabi kasi nila yung tutubos daw sa'min makaka date namin eh.

Medyo excited ako na hindi.

"Why would we?" I heard her response kaya napangiti ako at pinantayan siya sa pag lalakad.

"Aysus Ma'am kunyare pa ayaw ako maka da--"

"Hindi kunyare dahil ayoko talaga. I bailed you out there 'cause I need you to help me check papers. The principal needs the students partial grades before the examination." Putol nito sa akin kaya napasimangot ako.

"Sayang... sana pala nag patubo---"

"Finish that sentence and you'll receive more than fifty, Darling." Putol muli nito sa akin kaya napalunok ako.

Saktong nasa harap na kami ng opisina niya kaya alanganin akong ngumiti at binuksan ang opisina niya.

"Sana sinabi mo agad kanina Ma'am na need mo po ng tulong ko para dito na agad ako dumiretso. Ang sarap po kayang tumulong, matulongin po kasi ako." Agad kong sagot at nag bow pa na kunyare reyna siya na dadaan sa harapan ko.

She rolled her eyes at me at naunang pumasok sa loob.

Tsk. Sana pala grinab ko na yung opportunity nung binigyan ako nung babae ng isa pang chance. It's so very wrong decision, gosh!

"Come here and start checking this one." Utos nito at inilapag sa may tabi niya yung folder na puno ng papel.

Hindi na ako nag reklamo at sinunod nalang ang inuutos niya.

Ilang minuto kaming walang imikan at focus lang sa pag checheck ng mga papel. Pasimple akong tumingin sa kaniya at napangiti.

"Are you being crazy? Should I call the mental hospital?"

I don't know if she's joking or not but I find it a little funny so I giggle softly.

"Is there anything funny?" She seriously asks, stopping me from giggling.

"Nothing Ma'am," I respond and clear my throat.

Masyado namang seryoso si Ma'am, natawa lang eh.

I sigh and look at her again. She's still busy checking the papers kaya malaya ko siyang napag mamasdan.

I can't deny that Miss Cleomonte is a beautiful woman. I wonder why she's not married yet or kahit karelasyon ay wala siya. Sobrang swerte ng magiging karelasyon niya dahil hindi lang siya maganda, matalino pa tapos sheyt ang hot kaya ni Ma'am. May pang model pa na katawan in short parang nasa kaniya na ang lahat, ako nalang ang kulang.

Charot.

Malabo namang magustuhan ako ni Ma'am kasi para sa kaniya slave lang naman niya ako. She's territorial pero I know that it's part of her being my Master, ayaw niya lang na may maka kuha ng atensyon ko dahil dapat daw ay sa kaniya lang.

Pero teka, bakit parang na-dissapoint ako na slave lang talaga ang turing niya sa akin?

"Are you done staring?" I heard her ask. I broke out of my little bubbles and averted my eyes from her. Mumbling an apology.

"Just take a picture, it last long." Saad nito kaya nag init ang pisnge ko'ng napa tingin sa kaniya.

"I-I'm sorry." I apologize again. I saw her smirk making me blush even more.

"Don't be, I love it when you stare at me like that." Turan nito kaya napa kunot ang noo ko.

"Like what stare po ba Ma'am?" Muntanga kong tanong. Akala ko babarahin niya ako pero mas lalo akong pinamulahan ng pisnge sa isinagot niya.

"Like you adore me. Just like how I stare at you."

Napakagat naman ako sa ibabang labi ko at nag iwas ng tingin habang pinipigil na mapangiti.

Why naman ganun? Nag susummersault yung puso ko sa sobrang lakas ng tibok. Normal pa ba 'to?

Gosh, parang need ko na mag pa check up, mukhang malala na 'to.

"Your blushing." She said with amusement dancing in her eyes.

"Luh..hindi po ah. Mainit lang po, naka bukas po ba aircon niyo Ma'am?" Iwas tingin ko sa kaniya at kunyareng sinisilip yung aircon niya.

"Are you sure?" She asked in a teasing voice kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi nga po ako kinikilig, issue ka Ma'am." Sagot ko.

"Got yah! Wala naman akong sinabing kinikilig ka ah." Turan nito at tumawa kaya napatulala ako sa kaniya.

Parang nag slow motion lahat sa paligid ko. Ang corny pero totoo. Ang sarap pakinggan nung tawa niya, this is the first time I saw and hear her laugh at may kung anong kakaiba akong nararamdaman and I know damn well kung ano yung pakiramdam na yun.

The feeling that I've been avoiding to feel...

Continue Reading

You'll Also Like

622K 29.4K 52
Minsan na nga lang mahulog, sa maling tao pa. Sobrang sakit na. Kailan ba ako magiging masaya?
1.4M 64.8K 56
Hindi ko alam kung maniniwala ba ako na mayroon daw na pagala-galang tao na may lahing ahas. Ewan ko ba kung totoo na nangangain slash kumakain din...
2.4M 106K 54
She's a perfect definition of a beautiful disaster. His Ate.
1.4M 61.6K 57
Freyja Akane Mitsuki. The SC President. The almost perfect. Hinahangaan ng maraming estudyante dahil sa taglay nyang ganda. She have a body to die f...