He's Iglesia I'm Catholic (Be...

By jeyninstrous

2.4K 122 4

(Bestfriend Series #2) Janica Elish Monreal Sam Fraz Fergus More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35

Chapter 8

44 3 0
By jeyninstrous

Matapos kong magluto ng dinner at matapos naming kumain tatlo ni grandma at grandpa ay agad akong nagpaalam sa kanila na may pupuntahan lang saglit. Kinailangan ko pang magsinungaling sa kanila para lang hindi nila akalain na pupunta ako sa nanay ko at para na din hindi sila masyadong mag-alala.

I badly needed to talk to her dahil hindi ako makakapayag na kunin niya lahat ng mayroon ang grandparents ko. Sumakay lang ako ng taxi papunta sa bahay na tinitirhan niya.

Ng tuluyan na akong makalabas ng taxi ay hindi ko maiwasang mapabuntong hininga ng makita ko ang malaking bahay, it was a mansion. Agad akong naglakad palapit sa malaking gate ng bahay at agad akong hinarang ng dalawang guards.

"Ano pong kailangan niyo ma'am?" tanong ng isang guard sa akin at nilingon ko naman siya.

"I needed to talk to... Alaya." I said and close my eyes for a bit after mentioning my mother's name.

Agad namang tumango ang guard at may tinawagan sa cellphone niya. When he finished talking to the person in the other line that is probably my mother, he immediately look at me and nod.

"Pasok po kayo ma'am, nasa pool area po si ma'am Alaya." sabi ng guard at agad nilang binuksan ang malaking gate ng bahay.

Agad akong pumasok at sa bawat paghakbang ko ay hindi ko maiwasang mapabuntong hininga. Ng makarating ako sa pool area ng bahay matapos akong dalhin doon ng isang maid ay nakita ko siya kaagad.

Nakatalikod siya habang may bitbit na wine glass at nakatingin sa pool. She was wearing her elegant outfit as usual. Kong sa pananamit lang ay masasabi kong ibang iba talaga kami. I wanted to wear simple outfits while her, she wanted to wear a beautiful and elegant outfit as always.

When she finally turned to me, she immediately smile. Ngiti na kahit hindi man niya sabihin ay alam kong peke at napipilitan lang.

"What are you doing here?" tanong niya kaagad sa akin.

Her expression suddenly change. Naging seryoso ito.

"I guess your grandparents already told you about what I wanted to happen?"

"Yes." diretso kong sagot.

"So, what's your plan? Sasama ka ba sa akin o kong hindi naman ay papayag ka bang kunin ko ang lahat ng ari-arian ng grandparents mo?" she said.

"No, wala kang makukuha kahit ni isa sa mga ari-arian nila grandma at grandpa at kahit na ako ay hinding hindi mo makukuha."

"But I'm still your mother Janica and I can do what I wanted to happen." she said and drink her wine.

"Yes you're my mother pero nagpaka-ina ka ba?" sabi ko at nakita kong natigilan siya.

She glared at me which reminds me of Tita Sabrina. Pareho talaga silang maldita.

"Excuse me? what is it again?" she said in a sarcastic tone and raise her eyebrow.

"Do I have to repeat it?"

"How dare you!" sigaw niya at hindi pa man ako nakakapagsalita ay mabilis niya akong pinagbuhatan ng kamay.

Nakita ko ang gulat sa mukha niya matapos niya akong sampalin. Hindi ko din maiwasang magulat dahil sa ginawa niya.

"I...I'm sorry!" sabi niya at ibinaba kaagad ang kamay niyang sumampal sa akin at umatras ng kaunti.

Hindi ko alam kong ano ang magiging reaksyon ko. Pangalawa na to, una ay sampal ni Tita Sabrina at ngayon naman ay sampal ng sarili kong ina.

Sobrang walang respeto ko na ba para sampalin nila ako? Sa totoo lang nakakapagod na din maging magalang eh kong mismo ang ibang tao ayaw kang respetuhin at galangin.

"When I was still a child, you can't even touch me dahil ayaw mo sa akin." I said.

"I was hoping that you can touch me like a mother's touch but the worst part is... you touch me for the first time and it was painful. Akala ko mas masakit yong hindi niyo ako kayang hawakan o yakapin pero mas masakit pala na kaya niyo akong sampalin." I said and tears began to fall from my eyes.

Ayaw kong umiyak pero hindi ko na mapigilan. Nakakapagod na sobra sa pakiramdam na palagi ko nalang kinikimkim ang lahat.

"What did I do to deserve this kind of pain? why do I have to suffer a lot sa kasalanan o pagkakamali na hindi ko naman ginawa?"

"Mommy!"

I immediately wipe my tears away ng biglang may dumating. It was my half sister who's younger than me na kahit kailan ay hindi ko naging close dahil ayaw din niya sa akin. Eleven years old palang siya pero kong manamit ay mukhang kaedad ko na. She looks like my mother.

"What's happening here?" tanong niya at tinignan ako ng masama at agad na niyakap ang nanay niya.

"It's nothing, Aria anak." my mother said and hug Aria again and caress her hair.

Hindi ko maiwasang mapapikit saglit. Hindi ko maiwasang makaramdam ng inggit. I was hoping that she treats me like that too pero mukhang malabo naman mangyari yon. Hindi niya naman ako mahal eh.

"Just please don't take our properties and also me... from my grandparents, pakiusap..." sabi ko at agad ng tumalikod at naglakad paalis.

Sobrang sakit lang na kailangan ko pang magmakaawa sa sarili kong ina at sobrang sakit na natatawag niyang anak at nayayakap niya si Aria pero kapag ako ay hindi. Anak din naman niya ako pero bakit ganoon? Sobrang ayaw niya ba talaga sa akin para kahit hawakan Niya ako katulad ng paghawak niya kay Aria ay hindi niya magawa?

Ng tuluyan akong makalabas sa bahay nila ay agad na akong pumara ng taxi. Nagpahatid ako sa boutique nila Shantal. Ng makarating ako doon ay nakita ko siyang abala sa pag-aasikaso sa mga customers at pagtulong sa Mama niya. Nine pa sila magsasara kaya napabuntong hininga nalang ako at sumakay nalang ulit ng taxi.

Busy siya kaya ayaw ko muna siyang disturbuhin. Naisipan kong tawagan si Jeon pero hindi siya sumasagot. Si Jaxson naman ay sigurado akong kasama niya ang mga kaibigan niya at busy sila sa banda kaya sa huli ay napagdesisyunan kong pumunta nalang sa isang cafe. I ordered cappuccino.

While waiting for my order, I was just looking at the outside of the cafe. Umuulan na sa labas. Hindi ako nakapagdala ng payong kaya malamang mahihirapan akong makauwi. Siguro ay hihintayin ko nalang kong kailan titila ang ulan.

Ng dumating ang order ko ay agad akong nagpasalamat sa waiter at tumingin na ulit sa labas. Hindi ko maiwasang mapabuntong hininga ng biglang sumagi na naman sa isip ko ang nangyari kanina. Ang pagyakap ng nanay ko sa kapatid ko na kahit kailan hindi niya ginawa sa akin.

Sa totoo lang okay lang naman sa akin na hindi niya ako kayang yakapin kahit masakit, ang hindi okay sa akin ay makita si grandma na umiiyak. Di bale ng ako ang umiyak basta huwag siya dahil doble doble ang sakit sa akin non. Di bale ng ako ang mahirapan basta huwag lang ang grandparents ko dahil sobrang importante nila sa akin at ang mararamdaman nila kaysa sa mararamdaman ko.

Ng maubos ko ang cappuccino na iniinom ko ay agad na akong nagbayad sa counter. Sakto namang mahina na din ang ulan kaya napagdesisyunan kong tuluyan ng lumabas ng cafe. Buti nalang may taxi na dumaan kaya agad akong sumakay. Biglang tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong tinignan.

Nag text si Jeon. Agad ko namang binasa.

From: Jeon Rafael
slr, andito ako sa taekwondo training hall

Agad akong nagpahatid sa taxi driver sa taekwondo training hall. Ayaw ko pa kasi munang umuwi dahil mas lalo lang akong mamomroblema. Maybe taekwondo can make me happy a little bit now?

Ng tumigil ang taxi sa taekwondo training hall ay agad na akong nagbayad at lumabas. Malakas na naman ang ulan kaya napilitan akong gawin na panangga ang cardigan na suot ko at agad na tumakbo para makasilong. Kamuntikan pa akong madulas mabuti nalang may nakahawak sa akin.

"Janica?" paglingon ko ay nakita ko si Sam.

Nakahawak ang isa niyang kamay sa payong na dala niya at ang isa naman niyang kamay ay nakahawak sa akin dahil nga kamuntikan na akong madulas.

"Coincidence again?" sabi niya at tanging tango lang din ang naisagot ko.

Agad ko ng inalis ang pagkakahawak niya sa akin at inayos ang cardigan na suot ko.

"Nandito ka din ba para puntahan si Jeon?" tanong niya kaya napalingon ako sa kanya.

"Uh... oo." sagot ko at tumango naman siya.

Itiniklop na niya ang payong niya tutal hindi na naman kami mababasa dahil may masisilongan naman.

"Pupuntahan ko din si Jeon. Gusto mong sumabay nalang sa akin papasok sa loob?" tanong niya at tumango lang ulit ako.

Sabay kaming naglakad papasok sa loob ng taekwondo training hall. Si Sam na ang nagbukas ng pinto at pareho kaming nagulat at napatigil dahil sa nasaksihan namin. I don't know what to feel when I saw Jeon kissing another girl. The girl is none other than but his friend, Gly. Sila lang dalawa sa loob. Hindi agad ako nakagalaw, I'm speechless.

Nakita kong napatigil ang dalawa sa ginagawa nila at parehong gulat din na lumingon sa amin. The pain that I was feeling earlier because of my mother when I saw her how she hug my sister suddenly came back. Hindi ko alam pero kusa nalang humakbang ang mga paa ko para lumabas ng taekwondo training hall. I heard Jeon called my name but I didn't look back and just ran away.

Hindi ko alintana na mabasa ako ng ulan basta ang nasa isip ko lang ay makalayo. Hindi ko alam kong nasaktan ba ako sa pagsampal sa akin ng nanay ko o ang makita si Jeon na may kahalikan na ibang babae.

I realize that he isn't sure about me. O baka nga napagod at nagsawa na sa kakahintay? Hindi ko din naman siya masisisi kong pagod na siyang hintayin ako na sagutin siya pero sana sinabi niya... sana pinaalam niya sa akin na may nagugustuhan na siyang iba dahil handa ko namang tanggapin. Hindi yong magugulat nalang ako na may kahalikan na siya.

Huminto lang ako ng napagod ako sa kakatakbo. Sa sobrang layo ng tinakbo ko ay napadpad ako sa playground. Walang katao- tao dahil umuulan. Wala akong nagawa kundi maupo sa isang swing at hinayaang patuloy na mabasa ng ulan ang sarili ko. Gusto kong umiyak pero alam ko na kahit umiyak man ako ay wala pa ding saysay.

Pinili ko nalang na bumuntong hininga. Ipinikit ko ang mga mata ko pero bigla nalang ulit na sumagi sa isip ko ang nakita ko kanina at ang pagsampal sa akin ng nanay ko, bakit kailangan na doble pa talaga. Tuluyang kumawala ang mga hikbi sa bibig ko at walang nagawa kundi ang mapayuko.

Siguro mabuti na din na nakahanap siya ng iba para hindi na niya kailangan na maghintay sa akin at siguro deseve ko din na masampal dahil sinagot sagot ko ang nanay ko. I was just crying when I feel that someone is infront of me. Napamulat ako at bumungad kaagad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Sam. Basa na din siya katulad ko at hingal na hingal, halatang tumakbo.

"A-anong ginagawa mo dito?" tanong ko at nakita ko namang napakunot ang noo niya at bahagyang nag squat para lang tignan ang mukha ko.

"Anong trip mo? maligo ng ulan?" tanong niya kaya napakunot din ang noo ko.

"Sabagay, masaya naman talagang maligo ng ulan." sabi niya at tumayo na ng tuwid at itinaas niya ang isang kamay niya at tumingala.

Bigla nalang siyang sumayaw kaya hindi ko maiwasang magulat ng bahagya. Anong trip niya? Lumingon siya sa akin at ngumiti.

"Bakit ka sumasayaw?" takang tanong ko.

Narinig ko naman siyang natawa kaya mas lalong napakunot ang noo ko. May saltik ba siya sa utak?

"Gusto ko lang, bakit ba?" sabi niya at ngayon naman ay nagtata-talon.

"Alam mo? ngayon ko lang na experience ulit ang maligo ng ulan." sabi niya habang nakangiti pa din.

Pinanood ko lang siya na enjoy na enjoy sa pagsayaw at minsan ay tumatalon pa. Halatang na enjoy nga niya ang pagligo sa ulan. Bakit ba sa tuwing may problema ako ay siya nalang palagi ang nakakakita sa akin? coincidence lang ba?

Nagulat nalang ako ng bigla niya akong hinila patayo. Pinaikot niya ako at isinayaw sayaw. Hindi ko magawang magreklamo lalo pa ng makita ko kong gaano siya ka enjoy habang sumasayaw. Kahit napipilitan at naguguluhan sa inasta niya ay hinayaan ko lang siya.

Namalayan ko nalang ang sarili ko na sinasabayan siya sa kabaliwan niya. Kabaliwan na na enjoy ko din kahit papaano. Namalayan ko ang sarili ko na nakikitawa na din sa tuwing tumatawa siya habang patuloy lang sa pagsayaw. Ang sarap pala talaga maligo ng ulan.

Ang tagal ko na ding hindi naranasan ang ganito. Hindi ko pa aakalain na ang kasama ko pang maligo ng ulan ay ang lalaking hindi ko naman talaga close at higit sa lahat hindi ko din kaibigan.

I don't know but it felt like my whole world stop for a moment while staring at him. Those smile of him... it's beautiful. I don't know this feeling but I feel like I forgot my problems for a while because of his smile. It's making my heart beat fast.

"Hey, you okay?" napakurap ako ng dahil sa tanong niya.

Namalayan ko na nakatulala lang pala ako habang pinagmamasdan siya kaya hindi ko maiwasang mapaiwas agad ng tingin. What's happening to me? nakakahiya.

Ng pareho kaming mapagod ay tuluyan na kaming naupo sa dalawang swing, humihina na ang ulan. Lumingon ako sa kanya na ngayon ay nakangiti pa din.

"Salamat." sabi ko at lumingon naman siya sa akin.

"Para saan? sa pagsama sayong maligo ng ulan?" tanong niya at natawa naman ako ng bahagya at tumango.

"Yes. Ngayon ko lang din kasi ulit na experience na maligo ng ulan." sabi ko at tumingin sa malayo.

"Wala yon tsaka nag enjoy din naman ako. Di bale ng magka sipon o lagnat bukas basta nag enjoy tayo." sabi niya at tumango naman ako at ngumiti habang nakatingin pa din sa malayo.

Saglit kaming natahimik at napalingon ako sa kanya ng bigla siyang tumikhim.

"Nasapak ko." sabi niya kaya napakunot ang noo ko.

"Sino?" tanong ko at napakamot naman siya sa ulo niya.

"Si Jeon, ang babaero kasi." sabi niya pero umiling lang ako.

"Hindi mo naman siya kailangang sapakin. Okay na yon, atleast nakahanap na siya ng iba kaysa naman hintayin niya pa ako na hanggang ngayon ay hindi pa din sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya." sabi ko at pinaglaruan ang kamay ko.

"Hindi yon okay." napalingon ulit ako sa kanya dahil sa sinabi niya.

"If you love the person that doesn't mean they have to love you back."

"Kahit kaibigan ko pa siya ay hindi yon okay. He must learn on how to wait even if he's not sure if the outcome is good or bad. Ganoon naman yon diba? you will wait kahit gaano pa katagal kasi nga mahal mo yong tao. "

I just sigh and brush my hair with my hand.

"Kong talagang seryoso siya sayo at seryoso siyang ligawan ka ay hindi niya magagawang maghanap ng iba."

"Siguro napagod na kaya ganun." sabi ko pero umiling lang siya.

"May karapatan siyang mapagod pero hindi ibig sabihin non ay kailangan na niyang maghanap ng iba dahil lang pagod na siyang maghintay. Kong talagang ayaw na niya o pagod na siya ay atleast man lang sinabi niya sayo hindi yong magugulat ka nalang isang araw na may kahalikan na siyang iba." sabi niya at biglang tumayo at pumunta sa harap ko.

"Hindi ko siya magawang kampihan kahit pa kaibigan ko siya dahil talagang mali yong ginawa niya. A man like him doesn't deserve a woman like you."

Pumunta siya sa likuran ko at naramdaman ko ang paghawak niya sa likuran ko at pagtulak niya sa swing na kinauupuan ko ngayon dahilan kong bakit ito umandar.

"Always remember this Janica, know your worth as a woman. Find or wait for that man who's worthy for your love, because a woman deserves to be loved and treated well, you deserve a love that's pure and genuine."

Continue Reading

You'll Also Like

7.9K 327 20
You were enjoying a nice afternoon at the park when an excited child runs up to you, chattering excitedly. You have no idea who he is, but you decide...
92.3K 3.3K 35
Shin Hara, a smart, poor 22 y/o girl who's looking for a job and she did but her life got miserable when her boss is a jerk.. Nam Woohyun, a rich spo...
4.3K 88 10
Tama naman ang sabi sa kanta: 'Let's not bring the past back anymore' Pero pano kung talagang desperada ka nang mabago ang iyong kapalaran? Would you...
10.8K 196 7
I know some of us doesnt like the ship so please kindly leave this story and read my another wattpad stories.No fight ok yall?:)) . . . Trauma with D...