You Are My Everything (COMPLE...

By AiaRev3use

15K 560 1.8K

He is a playboy, for him a girl is just a toy. Hindi siya naniniwala sa pag-ibig. Dahil alam niya na sa huli... More

SYNOPSIS
YOU ARE MY EVERYTHING
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
EPILOGO
SPECIAL CHAPTER

KABANATA 17

296 13 39
By AiaRev3use

CHAPTER 17

'Shero May P.O.V'


"So we are really official now?" Mabilis akong napatingin sa kaniya at napahinto sa paglalakad.

Nangunot ang noo ko. "Anong official?"

"Official, like we are now in a relationship. Girlfriend and boyfriend.'' Sagot nito at tinignan ako.

''Pinagsasabi mo?'' Maang-maangan kong tanong sa kaniya.

Bumuntong hininga ito. ''About yesterday. Napag-usapan na natin 'yan kahapon. We talk about it yesterday, right?''

Bakas ang pagpapasensiya sa boses nito tila ba ay may gustong marinig mula sa akin.

Lihim akong napangiti. ''Binibiro lang, e.'' Hinarap ko ito, ''oo na nga. Kailangan ko pa bang ulitin?''

''You mean?'' Namilog ang mga mata nito, ''tayo na talaga?'' Tila hindi makapaniwalang tanong nito.

''Tsk, kailangan ba talaga ay uulit-ulitin ko pa? Oo na nga e, tayo na.'' Napaiktad ako ng bigla ako nitong buhatin at yakapin dahilan para magsitilian ang mga taong malapit sa amin, ito ang mga kinikilig samantalang ako ay gulat pa rin. Napakapit ako sa kaniyang balikat ng bahagya ako nitong iikot.

''Tayo na.YES!'' Sigaw nito, bakas ang saya at galak sa boses.

''Woii, ano ba?! Ibaba mo nga ako.'' Sita ko sa kaniya na agad naman niyang sinunud. Pinagtitinginan kami ng mga tao na kapwa namin estudyante.

"Hindi mo alam kung gaano ako kasaya." Anito na para bang walang pakialam sa paligid, walang pakialam kung may nakakakita ba sa amin o wala.

"Halata nga." Nakangiwi kong sabi sa kaniya, "halika na nga. Pinagtitinginan na tayo." Ani ko at hinila na siya, nakahawak ang kamay ko sa pulso nito ngunit inilipat niya ito sa mismong kamay niya dahilan para mapagsiklop ang pareho naming mga kamay. Napaangat ako ng tingin sa kaniya at kita ko ang bahagyang pagngiti nito, lihim akong napangiti at hinayaan siyang hawakan ang kamay.

Sabay kaming naglakad papunta sa building namin. Pareho kaming naging tahimik habang sabay na naglalakad. Ang ilan ay napapatingin sa deriksyon naming dalawa, lahat ay purong mga babae at ang ilan ay binabae.

Isinupil ko ang itinatagong ngiti, pakiramdam ko ay maswerte ako dahil nakuha ko ang atensyon nang isang Ramirez.

''Doon ba tayo kakain mamaya sa kung saan tayo madalas tumambay.'' Kalaunan ay nagsalita ito.

''Wala akong baon na pagkain, hindi ako nakapagluto kanina. Sa karinderya na lang siguro.'' Sagot ko saa kaniya, tipid itong tumango. ''Hindi ka tatanggi?" Maang kong tanong sa kaniya.


"Bakit ako tatanggi?" Tanong nito at tinanggal ang kamay sa kamay ko dahil inilipat niya ito sa balikat ko.

"Hindi ka aangal? Gusto mong kumain sa karinderya? Diba dati ay umangal ka?" Paliwanag ko.

"Doon mo gusto, hindi ba? Kung kaya doon tayo. Bukas naman ay ako ang masusunod kung saan tayo kakain." Tinignan ako nito at nginitian, ang klase nang ngiti gustong-gusto kong nakikita sa kaniya.

Tumango ako bilang pagsang-ayon sa sinabi niya, hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala. Nangyari na ang bagay na noo'y hindi ko pinaniniwalaan.

Hindi ako naniniwala sa pag-ibig, at galit rin ako sa mga lalaking manloloko ng mga kapwa ko babae. Ngunit sadya yatang mapaglaro ang tadhana para sa akin at marahil ito rin ang naging sagot ng Diyos sa matagal ko nang ipinapanalangin. Dahil sa dinami-rami nang lalaki na pweding mapunta sa akin ay bakit ang kagaya pa ni Ethan, nasa kaniya na ang lahat nang ayaw ko sa lalaki.

"Okay sige." Pagsang-ayon ko sa sinabi niya. Ang lalaking kasama ko ngayon ay ang lalaking kauna-unahang naging kasintahan ko.

At wala akong planong iwan at saktan siya, maliban na lang kung siya na mismo ang humiling na gawin ko ang bagay na 'yon. At walang sino man ang may karapatang manakit sa kaniya, wala.

...


"Hintayin na lang kita mamaya pagdating ng lunch." Anito ng huminto kami sa tapat nang classroom ko.

Tumango ako, "at hihintayin naman kita kung kami ang naunang lumabas."

"Talaga, gagawin mo 'yon?" Tila hindi ito makapaniwala sa narinig, umiwas ako ng tingin bago tumango.

Hindi ko alam kung paano maging girlfriend. Hindi ko alam kung paano magpakilig, hindi ko rin alam kung paano maging sweet. Nakaramdam ako ng kaba sa  dibdib ko nang maisip na baka mainip ito sa akiat baka iwan niya ako.

Kailangan kong alamin kung paano ba ang dapat gawin at ginagawa ng mga girlfriend para sa boyfriend nila. Natatakot ako na baka ay maging iresponsable akong girlfriend at baka humanap siya ng iba. Ayaw kong mangyari 'yon.

"Hey, malalim ang iniisip mo. May problema ba?" Nabalik ako sa huwisyo ng ikaway-kaway nito ang kamay sa tapat nang mukha ko.

"Ha? Wala naman." Tipid akong ngumiti sa kaniya, napatingin ako sa mga mata nito. Hindi ito sang-ayon sa sinabi ko.

"Sabihin mo sa akin, anong iniisip mo? May problema ba?" Pagpupumilit nito nasa tono ng boses nito ang diin ngunit nasa mga mata naman ito ang pagkabahala.

Bumuntong hininga ako. "Ano ba ang gusto mo sa isang babae? Gusto mo ba ng sweet, ng fitted ang mga isinusuot? nang sexy? nang matangkad? nang maputi? nang mayaman? nang maa-?" Natigil ako sa pagsasalitang sumabat ito habang nakakunot ang noo.

"Why are you asking?" Pagpuputol niya sa iba ko pang mga sasabihin.

Umiwas ako nang tingin. "Kasi naman iyon ang kadalasang gusto niyo sa mga babae, hindi ba? Naisip ko lang na dahil hindi ako ganoon ay baka magsawa ka sa akin."

Hinawakan ako nito sa baba at marahang iniharap ako sa kaniya. "Gusto kita sa kung ano ka at mas mahal kita kung sino ka. Hindi mo kailangang ikumpara ang sarili mo sa kanila, oo at iyon ang kadalasang gusto naming mga lalaki ngunit Shero. Hindi kita minahal sa kung ano ang pang-physical mong anyo. Kundi minahal kita sa dahilang hindi ko maipaliwanag. Hindi mo kailangang mag-isip o gayahin sila, dahil mas maganda at higit ka pa sa kanila."

Natigilan ako at napatitig sa mga mata niya, nandoon ang sinsiredad. Bahagya siyang ngumiti at marahang hinimas ang gilid ng pisngi ko at binitawan ako.

"Don't be overthink, babe." Nasa mga mata nito ang paghihikayat at panunyo. Ngumiti ako at tumango.

...

Discussion at quiz ang nangyari sa buong umagang klase. Mabuti naman ay nakapag-focus na ako.

"Dismiss!" Anunsyo ng guro namin. Nagsi-ayos ang lahat ng gamit bago naghandang lumabas para kumain ng lunch. Gano'n din ang ginawa ko, nang maayos ko na ang gamit ko ay tsaka na rin ako tumayo at naglakad palabas nang room.

Napatingin ako sa pambisig kong relo, bago napatingin sa classroom na isang pagitan ang layo sa classroom namin. Ang classroom nila Ethan.

Mukhang mas nauna kaming lumabas dahil hanggang ngayon ay sarado pa rin ang pinto ng classroom nila. Bumuntong hininga ako bago sumandal sa gilid nang pader at doon naghintay sa kaniya.

Ilang minuto lang ang lumipas ay bumukas na rin sa wakas ang pinto. Napalingon ako roon at mula roon ay lumabas ang guro nila at nagsisunuran ang mga estudyante. Napa-alis ako mula sa pagkakasandal nang makita ko na siya.

Agad ito ngumiti ng makita ako dahilan para lumabas ang malalim nitong biloy sa magkabilaang pisngi. "Babe!' Tawag nito habang nakatingin sa akin at habang naglalakad palapit.

Lihim akong napatingin sa paligid dahil naging sa kaniya lang nakatuon ang atensyon ko at doon ko napansing halos lahat ng mga kaklase nito ay nakatingin sa aming dalawa. Walang pakialam si Ethan sa mga ito kung may nakakakita man sa kaniya.

"Sila na ba?'' Rinig kong mahinang bulong isang babae na sa hinuha ko ay kaklase niya.

"Mukha nga, e. Bagay sila. Pero paano kung isa lang siya sa mga babae ni Ethan?" rinig kong tugon naman ng isa.

Nakalapit na sa akin si Ethan at inakbayan ako.

"Pero hindi naman mukhang kagaya ni May ang mga babaeng madalas matipuhan ni Ethan. At saka, si May ang taga kabilang section, tahimik raw pero cool."

Iyon ang huling narinig ko bago kami tuluyang makalayo ni Ethan.

"Don't mind them." Halos mapaiktad ako ng bumulong ito mismo sa tapat nang tainga ko.

"H-hindi naman talaga." Gusto kong sipain ang sarili dahil sa pagka-utal ako. 

"Okay, that's good." Nakangiti nitong wika at napahimas sa sariling tiyan. "Nagugutom na ako." Reklamo nito, napakagat ako sa ilalim ng pisngi bago nag-aalangang iniyapos ang sariling braso sa baywang niya.

Ramdam ko ang pagkatulos nito sa tabi ko at tiinignan angbraso kong nakayapos sa baywang niya. Tinignan ko siya. "Halika na, kain na tayo ro'n sa karinderya."

...

Sabay kaming kumakain nang tanghalian dito sa karinderya na malapit lang sa school. Maraming kumakain na kapwa rin naming estudyante.

"Pahingi ako ng sinigang na bangus." Natigilan ako sa pagkain ng marinig ko ang sinabi niya, nakatingin ito sa akin bago tumingin sa ulam ko.

"Bakit ba naman kasi hindi na lang rin ganito ang kinuha mo?" Magkasalubong ang parehong kilay kong tanong sa kaniya.

"Akala ko kasi ay mas masarap ito.'' Aniya, tinutukoy ang ulam na kaldereta. Ito ang pinili niyang bilhin kanina habang umoorder kami.

Hinati ko ang ulam na bangus at ibinigay sa kaniya ang kalahati. "Ayan, kuha ka na lang ng sabaw rito sa mangkok ko kung gusto mo rin."

"Thank you, babe." Ngumiti ito ng pagkatamis tamis sa akin bago ulit nagsimulang kumain, isa sa madalas kong mapansin tuwing kasama ko siya at tuwing kumakain kami ay ang pagiging matakaw nito. Ngunit sa kabila ng pagiging gano'n niya ay hindi niya napapabayaan ang hulma nang kaniyang katawan.

Napailing-iling ako sa sariling naisip bago nagpatuloy sa pagkain, nakihati rin ako sa ulam nito. Hindi siya sinuswerte para suluhin lang ang kaniya samantalang ako ay hinatian ko siya. Kung kaya para maging patas ay humingi at kumuha rin ako ng ulam niya.

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 74.9K 35
Peñablanca Series #2: Rebel Hearts "Go, rebel on me, love." Young, wild and rebellious, Revelia, entirely lived with the belief of celebrating her yo...
643K 14.1K 57
Published under IMMAC PPH Cyienna Calixta Marcielo-more on-Ciara Callista Martell, a Runaway Royalty to get away from what her mother wants, running...
10.7M 352K 70
What he wants. He gets... By hook or by Crook
52.7M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...